
Gorgeous Stalker
It’s been a week since nang pag uusap namin with Miss Eir’s manager.
Hanggang ngayon wala parin kaming confirmation patungkol dun.
Hindi naman kasi madali na magdesisyon nalang bigla, bukod sa lahat kami ay kailangan ng madaming oras, isa rin sa hadlang ang pagiging graduating students namin. Masyadong demanding ng time ngayon ang mga prof dahil narin sa isang taon nalang ang ilalagi namin.
At isang linggo na rin na halos araw araw na nandito si Miss Eir para tignan kami magpractice, rehearse at maski ang live tugtugan.
Masyado syang hands on kesa sa manager nyang parang kabute kung sumulpot.
Ngayon nga ay nandito ito ngayon sa aking harapan at tinitignan ang ginagawa kong paglinis ng aking gitara.
“Wala po ba kayong ibang gagawin? O kahit trabaho po? Di ba po dapat busy kayo lagi kasi artista kayo?”tuloy tuloy kong tanong na ikinatawa lang nito
“I have no work for the time being. I’m doing… what they call it, ah… ‘hiatus’” sagot nito habang binibigay sakin ang isa pang basahang ipinanlilinis ko sa gitara.
“Bakit po Miss Eir? Dahil po to sa babaeng kinantahan nyo?” tanong ko pang muli.
Umangat ako ng tingin ng hindi ko marinig ang pagsagot nito.
Lumaki ang aking mata at agad na tinakpan ang akiing bibig.
“hala! Sorry po, I didn’t mean to say that in that way. Ahm…”
“no its okay.” Sabi nito pero kita ko sa mga mata nito ang muling pagrehistro ng lungkot.
'bakit ko ba kasi nabanggit? medyo bobo lang Halley!'
“I’m sorry miss Eir, I’ll mind my words and thoughts next time” I sincerely say na nakapagpangiti ulit dito.
“its really okay carrot girl, I know na you didn’t mean it naman. And, please let go of that ‘miss eir’ of yours. It’s making me cringe” sabi nito na may halong pagkadisgusto sa huling sinabi.
I laughed as I put down the guitar on the floor, kung san rin ako mismo nakaupo.
“deal with it MISS EIR” I said emphasizing the last two words
“hangga’t hindi ka nakakaget over sa carrot girl mo, hindi ko rin papalitan tawag ko sayo. Ano ka sineswerte!” nakangisi kong sabi.
Ngumisi rin ito pabalik sa akin at lumapit ng bahagya.
“Why ba? Carrot girl was good, and it gives me privilege to be the only human to call you with that” sabi rin nito
Lalo pa itong lumapit sa akin, hanggang sa parang nakapatong na ito sa akin.
Umatras rin kasi ako habang nakaupo sa sahig.
“Miss Eir, a-alis. Baka ano pa sabihin ng iba. Assuming pa naman mga tao dito” naiilang kong sabi habang iniiwasang tumitig sa kanya
“No. Not until you drop that annoying call sign to me and letting me call you carrot girl.” Nakangisi paring nitong sabi habang patuloy parin lumalapit sa akin.
“f-fine. Okay na, hindi na nga. Tsaka sige… tanggap ko nang ako si carrot girl” nahihirapan kong sabi
Alam kong mukha na akong kamatis dahil sa sitwasyon ko ngayon.
‘bakit pa kasi carrot una kong Nakita nung lumabas ako ng campus eh. Edi hindi ko sana maalala si snowball na kamukha nitong babaeng to.’
“What do you call me then?” tanong nito at huminto sa paglapit sa akin.
‘Mommy?’ joke lang. hindi ko pa kaya noh.
Baka mawindang sakin toh.
“Ate Achira?” patanong kong sabi
Nakita kong tumaas ang isang kilay nito at nagsalubong pa.
Umupo ito ng tuwid na ikinakalma ng puso ko.
Huminga ako ng malalim at kinapa ang aking dibdib.
‘windang ako teh’
“why ate?” tanong nito nang nakaharap sa akin
“Why not? Eh mas matanda ka naman sa akin ng dalawang taon, limang buwan at tatlong araw.” Detalyado kong sabi na ikinalaki rin ng mata ko kinalaunan.
Lalo ata akong namula dahil sa sinabi ko.
Nakita kong mas lumaki ang ngisi nito kesa kanina.
Hiniwakan nito ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.
Gulat akong napatingin sa kanya ng isang dangkal nalang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa.
‘Lord, what is this behavior? Gusto mo na ba akong mamatay sa heart attack? Wag muna, papakasalan ko pa to.’
“Okay, call me ate. But let’s see if its change in the future” bulong nito sa akin bago ako pakawalan.
‘wala na, nanghihina na ang bakla’
.
.
.
It’s 4 am in the morning.
Napagpasyahan kong magbisekleta around luneta park para exercise narin since it’s Saturday at wala rin akong pasok.
It’s been 3 days simula nung nangyari sa rehearsal namin.
Hanggang ngayon iniiwasan ko parin sya dahil nangangamatis talaga ako.
Tampulan na nga rin ako ng tukso dahil araw araw nalang daw akong may unlimited blush on.
At ang babaeng dahilan nun, ayun sayang saya lang na makitang nahihirapan ako.
‘walang sympathy! Dapat nakikisimpatsya sya sa damdamin ko. Ibalik nya rin!’
Mabilis akong pumadyak dahil sa inis. Binagalan ko lang ito ng malapit na ako sa Intramuros.
Huminto ako sa isa sa mga gate ng intra at duon nagpahinga muna.
Binuksan ko ang lalagyan ng tubig na dala ko at balak na sanang uminom ng may umagaw nito sa aking kamay.
Agad akong napaangat ng tingin at gulat na napatingin sa babaeng nasa harapan.
“talaga ba?” naiinis kong sabi dito.
Ngumiti lang ito at kaagad na ibinalik sa akin ang lalagyan pagkatapos itong inuman.
“Hi! You’re not from this area, right? Bakit nandito ka?” bungad nito sa akin at marahan akong tinulak para makaupo sya sa tabi ko.
“Masama na bang pumunta ng ibang lugar para mag exercise?” pabalang kong sabi.
Pinindot lang nito ang pisngi ko na sigurado kong nangangamatis na naman sa pula.
“sungit naman carrot.” Sabi nito.
Nanigas ako ng maramdaman ko ang pagdantay ng ulo nito sa balikat ko.
Bumilis ang tibok ng puso at hindi ko alam kung dahil ba to sa pagdantay nya o dahil sa nerbyos.
‘bakit naman ako kakabahan’
“uy… wag kang matulog dito. Ano yun, exercise tapos tulog?” pagbibiro ko upang iwaksi ang bilis ng tibok ng puso ko.
“tsss… I’m just resting.”
Hindi na ko muling kumibo pa dahil naagaw ng papataas na sikat ng araw ang aking atensyon.
Ngumiti ako at dinama ang pagdikit ng sikat ng araw sa aking balat.
Naramdamna ko ang marahang pagtanggal ng ulo nito sa aking balikat.
Hindi ko parin ito tinitignan at dinadama parin ang sikat ng araw.
Dumilat ako ng maging magaan na ulit ang pakiramdam ko.
Lumingon ako sa gawi nito at naabutang nakatitig ito sa akin.
Ngumiti ako dito at inalis ang nahulog na dahon sa ulo nito.
“stalker ka ba?” pagbibiro ko habang hinahawi ang buhok na nakatabing sa mukha nito.
Narinig ko ang mahinang tawa nito bago sumagot
“yeah… a gorgeous stalker. What you’re gonna do about it?” panghahamon nito
Umiwas ako ng tingin bago sumagot.
“ipapapulis kita”
‘kasi mukhang nanakawin mo na puso ko’