
Close Band
“Eyow people!” bungad ko kila sam na prenteng nakaupo sa dulo ng stage.
Kararating lang naming dalawa gawa ng pahirapan na byahe dulot ng ulan.
Nakakalokong ngiti naman ang binigay ni Ino sa akin, bago ako lapitan at Akbayan.
“Hello hello naman sayo. Kumusta naman na nakasakay ka na sa sasakyan ng ultimate cru---“
Kaagad kong sinampal ang bibig nito at tinadyakan narin.
Lumingon sa gawi ni Achira nakatingin rin pala sa amin.
Natatawa itong umiling bago umupo sa upuan malapit sa stage.
Nakasimangot akong tumabi kay Rim na natatawang inakbayan rin ako.
“Pikon mo talaga. Alam mo namang inaasar ka lang ng siraulong yan”
“Me siraulo. No kaya, I’m very mabait!” nang aasar paring tugon ni Ino
Handa na sana akong ibato yung bag ko sa mokong nayun kung hindi lang kinuha agad ni sam sa kamay ko.
“Tama na yan. Ino, tigilan mo na si baby Hall. Please, tumino muna kayo kahit ngayon lang, may kasama tayo kung hindi parin kayo aware.” Pigil inis na sabi nito sa amin.
Tumingin ako sa gawi ng babaeng alam kong kanina pang nakatingin sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay na tinawanan lang nito.
'Nagiging mascot na ata ako dito ah. Kanina pa to panay tawa.'
“So let’s start since kompleto narin naman kayo. Hi everyone, I’m Kevin Bonifacio and this is, of course kilala nyo naman na sya but I’ll introduce her parin. The famous Achira Eir Suarez, great singer and my great artist.” mahabang litanya ng sigurado akong manager nito.
She just waves her hand a little and settled her eyes on me again.
“So, nagtataka ba kayo kung bakit namin kayo pinatawag dito—”
“Ako alam ko!” parang tangang putol ni Ino dito
“Eh di ikaw nalang sana nagsabi diba. Manahimik ka muna nga, ipunin mo muna yang bad breath mo sa bibig mo utang na loob” naiinis kong sabi bago muling bumaling sa manager.
“So I was saying. Where here to give an opportunity to your band”
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito.
Well, aware ako na magaling naman ang banda namin kung tugtugan ang pag uusapan, pero aware rin naman ako na may mas magaling pa samin, siguro mas better narin.
This band was only built because of some sick jokes.
Na kalaunan eh naging hobby narin.
Ni hindi nga namin pinagplanuhan ang pag iisip ng pangalan ng banda which is “close band.”
Basta nung nakita ko yung sign nang bar na to kinaumagahan eh yun na agad naisip ko.
“Why us? I mean, don’t get me wrong po, pero mas may better pa pong tumugtog samin. And this is just our hobby” mahabang litanya ni sam na parang bang nabasa ang iniisip ko.
“Why not you?” sagot nang babaeng kanina pang tahimik sa tabi.
“Your melody suits my voice. And your skills are exact on mine” patuloy nito at tumingin sa gawi ko.
“Oh, thank you for the complement po. Pero hindi po ba parang nakakahiya. We’re just rookie regular band na walwal lang ang alam sa pagtugtog. We don’t afford unique plot or even elegant type of music na magiging patok sa masa.” Patuloy ni sam
“Well, I trust my artist in picking you guys. So, it means your good, so don’t take low of your skills and talents. Every music will always be good when it come from the heart. And I think, your band have that.” Singit naman ng manager na ikinatango lang namin.
“Ganito nalang, we give you time to think about the offer. Let us know kung anong pasya nyo. The only thing that we can guarantee right now is, you can surely work with Eir the great!”pinal na sabi nito habang pumapalakpak pa.
“Ge. Pag isipan nalang po namin. Gawin ko muna plates ko habang nagmemeryeda kayo.” Singit ko ng makitang papalit ang meryendang kanilang inorder.
Kinuha ko ang aking bag sa gilid ni Miss Eir at inilabas ang mga kakailanganin kong materyales.
“Hindi ka muna magmemeryenda?” tanong nito sa akin na muntik ko nang ikinatili.
“Ahm…hindi na po muna. Tapusin ko lang to mabilis. Label nalang naman ilalagay ko, para diretso tulog pag uwi.” Pilit kong pagpapanatili ng kalmadong boses
“Do you want label?”
Huh? Bigla akong humarap dito na dapat palang hindi ko ginawa.
Sobrang lapit ng mukha namin na isang galaw nalang dadampi na ang labi ko sa kanya.
Ako ang unang umusog para makahinga ako ng maluwag.
Ramdam ko ang mabilis na dagundong ng puso ko.
Ante, sabing mahina ako eh. Crush kita pero layuan mo muna ako. Study first, tama!
“You’re cute.” Nang aasar na sabi nito bago dinutdot ang aking pisngi.
“Hindi ako cute… hindi ako aso” kunyaring inis kong sabi
“Well, I didn’t say that.” Natatawang sabi nito
Itinaas nito ang dalawang kamay ng samaan ko ito ng tingin.
“Ano po ba kailangan nyo? May ‘do you want label’ pa kayong alam dyan”
“Well, I was just wanna help in labeling your plates, but if you want the latter, I can also do that.”
Bigla akong humarap dito at kita ko ang malaking ngisi nito sa labi.
“Una, hindi po kayo architect para tulungan ako. Pangalawa, wag nyo po akong hinahamon. Competitive po akong tao.” Mahabang litanya ko habang tinatapatan ang ngisi nito.
“touché. We’ll see about that…carrot girl.”