Pagsapit ng Tag Araw

Darna (TV 2022)
F/F
G
Pagsapit ng Tag Araw
Summary
Eir (RV) is a famous singer and actress who's hiding her true identity, pressured by her own world while Halley (NC) an Architecture student whose hobby is to sing with her band in her free time.Two women bound to meet through music. Will they play the same tune or will the beat be different?
All Chapters Forward

Encounter... Again?

I wake up by the loud bang inside my room.

 

“Hoy! Ano na? Dai di ako ang nanay mo pero paalala ko lang. May pasok ka ng 8 am, 7:15 na”

 

Dali dali akong tumayo dahil sa sinabi ni Alex.

 

“bakit ngayon mo lang sinabi? Kainis ka!”

 

“At kasalanan ko na nga po, opo. Kasalanan ko narin ba kung dumating kang hating gabi tapos ako pa pinaglinis mo ng suka mo?”mataray naman na sagot nito

 

“Naku! Kung hindi ka lang pinsan ng kaibigan ko, hindi kita pagtitiisan. Hmp! Bahala ka nga dyan, alis na ko. Iinisin ko pa pinsan mo, bye.” Paalam nito sakin at dire diretsong pumunta palabas ng kwarto ko

 

“Hindi ka ikacrush back non, babaera ka kasi!” sigaw ko naman dito.

 

Naglakad ito pabalik sa pintuan at itinaas ang kanyang gitnang daliri.

 

“Eto ka. Kwento mo dito”

 

Tumawa lang ako at ibinato ang unan na nailagan lang neto. Kaagad rin itong umalis at naligo narin ako.

.

.

.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng makita ko ang mga kaibigan ko di kalayuan. Malakas ang boses ko silang tinawag at tumakbo para makahabol sa kanila.

 

“Oh yes! Hi Ms. Architect. Musta naman tayo kagabi? Parang ikaw yung broken hearted kesa dun sa singer ah” sabi ni Ino na sinimangutan ko lang

 

“Palibhasa kasi wala kang jowa kaya hindi mo naramdaman ang vibes” sagot ko naman na ikinatawa nya

 

“Tama na, magkakapikunan na naman kayo mamaya. Sige na Hall, punta ka na sa room mo. Baka malate ka na.” singit naman ni Sam na ikinatango ko nalang.

 

“Yes mama! “ asar ko dito. Nakatanggap naman ako ng kotong kay Rim na kasintahan nito.

 

“Aba, hall. Walang ganyanan. Kahit kapatid na turing ko sayo hindi ako magdadalawang isip na gilitan ka ng dila kapag tinawag mo ulit na mama ang syota ko. Anak lang namin ang pwedeng tumawag sa kanya ng ganun.” mahabang litanya nito na nakatanggap rin ng kotong mula sa jowa nito

 

“Puro ka ganyan. Kaya puro bastos nalang nasa utak mo eh.”

“Sige na hall, kita nalang tayong lahat sa resto bar. May rehearsal pa tayo.” Patuloy neto.

 

Kumaway lang ako sa kanila at nagtungo na sa aking room. Agad akong sinalubong ni aira, isa sa aking kaklase. Naging kaibigan ko narin ito simula ng 1st year hanggang ngayon na nasa 5th year na kami. Ito rin ang nagturo sakin ng pasikot sikot dito sa buong campus.  Madaldal sya, isa sa mga ugaling nagustuhan ko rin sa kanya. Laging may baong chika kaya alam kong meron na naman to ngayong araw.

 

“So sess, may nangyari daw sa bar kagabi?”

 

Okay, parang sakin patungkol tong chismis ngayon ah.

 

“naku sess, wala noh. Maling chika na naman nakalap mo.” Sagot ko dito.

 

“Eh! Lasing ka daw umuwi kagabi eh.”

 

“Sino naman nagsabi nyan” balik kong tanong dito

 

“Aba syempre sa source ko. Yung poganda mong roommate” kinikilig pang sabi nito.

 

Naknam—ang daldal talaga kahit kailan.

 

Oh tapos. Umuuwi naman akong lasing minsan ah.”

 

“Pero hindi kasing lasing katulad kagabi”

 

' Ano bang kinwento ng chismosang alex na yun dito.'

 

Nagpatuloy nalang ako sa pagpasok sa room at sinawalang bahala ang sinasabi nito.

Kaagad akong umupo sa designated seat na sa likod lamang ni aira.

 

Bago ko pa man maayos ang pagkakasabit ng bag ko sa upuan ay may maitim na awra na kagad akong naramdamang umupo sa aking tabi.

 

“Ano na naman impakto?” agad kong bungad dito.

 

Pero bago pa man ito makapagsalita ay kaagad kaming nagsitayuan sa pagdating ng aming prof.

Nawalan na ito ng pag asang sumagot ng mag simula na ang klase.

.

.

.

Pagkatapos ng klase, kagaad akong inaya ni aira para kumain sa canteen. 

Nag aayos ako ng gamit ng kausapin ako ng masamang espirito sa gilid ko.

 

“I ask a girl out” bungad nitong sabi

 

'Oh tapos. Pakialam ko.'

 

Tumingin ako dito at namewang na nagsalita

 

“Oh well, bet she said no” sarkastiko kong sagot dito bago pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit ko.

 

“Oh no. She said yes” sarkastiko rin nitong tugon

 

 'Aba! At may nagka interes pa sa impaktong to!'

 

Bored ko itong tinignan bago isinukbit ang bag sa aking braso.

 

“Oh, I think I’m sorry for her” madamdamin kong sabi bago tapikin ang braso nito.

 

Nakita kong umusok ang dalawang butas ng ilong nito bago ako naglakd papuntang pinto.

Bago pa man ako makaalis, may pahabol pa itong salita.

 

“I know you’re not yet over me. I know you get drunk yesterday because you saw me and bianca together –”

 

“Asumero ka talagang impakto ka noh? Sino naman may sabing naglasing ako dahil sayo? FYI, di worth it mga katulad mong cheater. Ang cheap ko naman pag ganun. “agad kong singit sa iba pa nyang sasabihin

 

“And FYI, hindi ko nga alam na andun ka kagabi. Stalker ka na ba or fan ka? Yaan mo, isasasign ko naman kapag nanghingi ka. I don’t hold grudges naman” huling litanya ko bago ito kindatan.

 

Natatawang sumunod sakin si aira, kasama si marie na isa rin sa kaklase ko.

 

“slay!” tugon nito na sinag ayunan lang ni marie

 

“grabe sess, supalpal ex jowa mo dun ah! Iba talaga kapag Halley Romero na tumira!” malakas na boses na sabi nito.

 

Nailing iling nalang ako habang naglalakad. Kahit kailan talaga agaw atensyon tong babaeng toh.

 

.

.

.

Natapos ang buong klase na hindi ako muling ginulo ni marco.

Agad kong sinukbit ang aking bag at nagpaalam kay aira at marie bago nagtungo sa waiting shed.

Balak kong dumeretso na sa bar para maaga rin kaming makauwi since rehearsal lang naman ang gagawin naming ngayong gabi.

Bukas pa talaga ang actual performance namin.

 

Pero kung minamalas ka nga naman, bigla pang umulan.

 

“Ah Lord. Talaga ba?” hiyaw ko habang naiinis na nagpapadyak sa silong

 

Umupo muna ako habang tinitingnan ang kalangitan.

Kaagad kong pinikit ang mata ko kasabay ng pagdampi ng talamsik ng ulan sa aking mukha.

Ngumiti ako bago komportableng inilagay ang aking kamay sa itaas ng aking ulo.

Kaagad akong nagmulat ng mata ng makarinig ako ng busina ng sasakyan.

Pinipilit kong silipin ang tao sa loob ng sasakyan habang inulit nito ang pagbusina.

 

Tumayo ako para mas lalo itong makita ng ibinaba nito ang bintana ng kanyang sasakyan.

Nanlaki ang mata ko sa taong sumalubong sa aking tingin.

May Malaki itong ngiti sa labi ngunit bakas parin dito ang lungkot.

Kumaway ito sa akin at sumenyas na pumasok ako.

 

Kaaagd akong umiling, ‘hall, wag kang sasama sa hindi mo kilala. Baka makidnap ka’ suway ko sa sarili ko.

 

“hindi po ako sumasama sa kidnapper. Mahal ko pa po ang kidney ko” sigaw ko upang marinig nito ang sinsabi ko.

 

Tinawanan lamang ako nito at kaagad na lumabas ng kotse na may dalang payong.

 

“mukha ba akong kidnapper?” bungad nito sa akin

 

“aba malay ko po. Baka po ginagamit nyo lang ang charm nyo sakin para mapasakay ako sa kotse nyo. Tapos pagnakasakay na ako, tsaka nyo tatakpan ng panyo ung bibig ko, tapos mahihimatay na ko. Tapos paggising ko, wala nakong kidney.” mahabang litanya ko

 

Amusement was written all over her face.

She chuckled again before answering me.

 

“So you think I’m charming?”

 

“hala si ante, yun lang naintindihan mo sa lahat ng sinabi ko?” balik kong tanong dito

 

“well, that was the only thing caught my attention eh.” Her smile widen as she look intently on me.

 

“Ante, wag kang ngumiti ng ganyan. Baka kusa akong sumama sayo” tugon ko na lalo lang nitong kinangiti

 

“Better then, so I don’t use force to bring you inside my car” sagot naman nito.

 

“ayy grabe naman sa force! Sample nga… ch-chariz” agad kong bawi ng bigla itong lumapit sa akin

 

“bakit nyo po kasi ako pinapasakay?” tanong ko

 

“Well, your bandmates were talking with my manager and they happened to asked a favor to bring you to them. that’s why I’m here.”

 

“eh, pano nyo po nalaman na ako nga tinutukoy nila?” muli kong tanong

 

“Well, let’s say that your face was also charming that’s why I don’t forget it” nakangiti nitong sabi

 

Agad akong napalunok dahil sa hiya.

Umiwas ako ng tingin dito at kaagad na tumakbo papasok ng sasakyan nito.

Narinig ko pa itong tumawa bago rin sumunod papasok.

 

Nang maayos itong makaupo sa driver seat ay kaagad itong humarap sa akin at inilahad ang kanyang kamay sa akin.

 

“Nice to see you again after 4 months, miss band leader.” Nakangiti nitong sabi. 

Forward
Sign in to leave a review.