Endless Summer

BINI (Philippines Band)
F/F
G
Endless Summer
Summary
Galadreil, a Student Pilot and Team Captain of Growling Tigers, has always been guarded, keeping her emotions locked away behind walls of indifference. But when it comes to Severina, an Education student from ADMU, the guarded heart she'd clung to all her life was no longer hers-it belonged to her.
All Chapters Forward

PROLOGUE

"Hoy! Tara doon tayo sa Scenery Skies Cafe, mga bugok!"

 

Ramdam kong may humampas sa 'kin ng unan at dinaganan ako. Tangina, hindi ako makahinga! Tinulak ko ang taong nakadagan sa 'kin nang makita ko si Jovencio na nakahandusay sa sahig. Tinignan niya ako ng masama at humawak sa kanyang kaliwang dibdib. Umaaktong parang binugbog siya.

 

"Tangina! Paano mo nagawa sa 'kin 'to?" sabay suntok sa kaniyang dibdib, "Ba't mo 'ko tinulak? Hindi mo na ba ako mahal?" 

 

Hinampas ko sakaniya ang unan at tumayo papuntang washroom. Pagpasok ko ay hinanap ko agad ang toothbrush ko at nagsimulang magsipilyo. Habang ako'y nagsisipilyo, nakita ko ang mga mata ko, mugto at mapula. Pagtapos ko, hinugasan ko ang aking mukha at pinunasan ito gamit ang towel na kulay purple. Amputa nga naman.. ginagagi ba ako ng tadhana?

 

"Good morning, fuck, ang sakit ng ulo ko..." panimulang sabi ni Maxence sabay hawak sa kaniyang ulo.



"Clydan! Clyd! Huy! Gising na... Gising na baby ko... Ako 'to si Marvella," asar na sabi ni Jovencio habang marahang tinutulak tulak si Clydan.

 

Nagising si Clydan sa pinagsasabi ni Jovencio, hindi na ako magugulat kung nakabulagta na lang mamaya si Jovencio. Palabas na kami ng beach house, dahan dahan kaming naglalakad at nagmamasid. Sa likod kami dumaan, buti na lang ay may second floor itong pinagawa ko. Pinagawa ko 'to simula high school pa lang. Hindi naman ako ganoon kayaman, sakto lang, sadyang trese anyos pa lang ata ako nagt-trabaho na para makatulong sa pamilya. Speaking of that, kasabay ko si Clydan magtrabaho nun. Kaya't bata pa lang tropa ko na siya, siguro lagpas sampung taon na.

 

Nang makarating kami sa Cafe, nag order na si Maxence habang kami naghahanap ng mauupuan. Nang makahanap kami, ilang minuto rin ay dumating ang order namin.

 

"Oh ang lumbay niyo ah, okay lang ba kayo?" tanong ni Tita Cynthia, ang may ari ng Cafe na 'to, habang binibigay ang kape namin.



"Okay lang po kami, 'Ta. Medyo masiyadong masakit ang pinanood naming drama kagabi eh," sagot ni Jovencio at nagbigay ng thumbs up.

 

Ni isa walang nagsalita sa amin, pero komportable ang atmosphere namin. Sari-sariling pag iisip kung paano uusad sa nangyari kagabi. Pero natuon ang atensyon ko sa may sliding door, nang marinig kong nag-ring ang bell na nakasabi dito. Napaawang ang bibig ko nang makita kung sino ang mga iyon.



"GJ! Hala, nandito rin pala kayo. Can we sit beside you guys?" 

 

Si Adelaide. 'Di sa kalayuan nakita ko ang babaeng nakatayo sa likod ni Marvella, hindi na ako magugulat na kasama siya. Tinignan ko ang tropa at sinensiyahan naman ako ng mga ito na okay lang.

 

"Oo, pwede naman! Dito kayo oh! Teka oorder lang ako—" putol na sabi ko nang nagsalita siya

 

"No need, kami na bahala. We just need a place to sit," nakangiting sabi niya. 

 

Nang mag order si Adi natahimik ang lahat, ni isa walang nagsalita. At para hindi mabaliw sa katahimikan at awkward na atmosphere, nang bumalik si Adi, nakita niyang nagba-bato si Clydan at Jovencio, habang ako at si Maxence naman ang nags-score dalawa. Kay Maxence si Jovencio, sa akin naman si Clydan.

 

"Mhm... Putangina mo. Bobo ka. Grandmaster ako dito!" nakakaasar na sabi ni Clydan sa kanyang kalaban.

 

"Luh, madaya! Kingina mo, palit palit ka ng pato. Bwisit, tanginang 'yan," pikon na sabi ni Jovencio. 

 

"Bayad ka na daw, Jov. 150K ang pusta dito," sabi ko sakaniya at tumawa. 

 

Tinignan ko ang kabilang table at nakitang nagseselpon lang sila. Pare-parehas seryoso ang mukha pero isa lang ang kakaiba. Siya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, nakita ko ang kuwintas na bigay ko sakaniya. My thoughts were interrupted when I heard the barista yell—

 

"French Vanilla for... Severina!"

 

 Ahh... Severina, ang best friend ko. She has these mesmerizing eyes, malalim at may pagka-misteryoso, yet warm, parang it's always like they're laughing. When she smiles, it's effortless—parang the whole world lights up, and you can't help but feel at peace. Lahat ng details sa kanya—mga mata, labi, at pati na rin yung tinig—makes you feel like she's a rare kind of beauty, the kind na hindi lang sa paningin, kundi sa pakiramdam. Hindi ko lang siya best friend, kundi siya ang babaeng minahal ko higit pa sa sampung taon.

 

"Grabe talaga ang mga nainlove sa best friend... napapa—'Sabi nila kapag inlove ka... tumitigil ang mundo mo...' Pak! Hindi siya inlove sayo," nakaka asar na sabi sa 'kin ni Jovencio, tumawa pa 'yan siya ng malakas.

 

"Wews... sabi ng 'Ako? mai-inlove diyan? Tangina! Hindi ka ba kinakalibutan?' Ulol," rebat ko sabay akto na nandidiri. Halos hindi na makahinga si Clyden at Maxence kakatawa, muntik pang mabagok ang ulo ni Clydan sa pader.



"Weh? Makatawa, Dan? Parang dati sabi mo—'Hindi ko siya type, weirdos. Hindi niya rin ako type, para kayong baliw' Ngek!" umakto pa siyang palo nang palo sa lamesa, now its our turn to laugh at her reaction. Hindi maipinta eh.


"Naks naman Max..." panimula niya at ngumiti ng loko loko, "Sabi mo.. 'No to Ate figures kasi baka hanggang kapatid lang ako'."



"Putangina mo! Mukha kang espasol na panis!" singhal ni Maxence at binato ito ng tissue. Alam naming may nakatingin sa amin.. Kaso ano pa magagawa namin, eh tangina kasi ni Jovencio. Magsasalita pa sana ulit si Jovencio nang pinutol ko ang sasabihin niya.



"Ayaw niyo ba magbasketball? May court doon sa likod ng beach house!" pag iba ko ng usapan dahil nakakapanghina ang mga titig sa amin.



"O-oo nga! Doon tayo para makahanda na rin sa UAAP. Atsaka makahanda kayo baka matalo kayo eh!" sabi ni Clyden habang nagpepekeng tawa at pumalakpak pa siya.



Nag ayos na kami at nagbayad na si Maxence sa counter, nagpasalamat din kami kay Tita Cynthia. Nang makabalik si Maxence, tumayo na kami at palabas na sana. Pero may nagsalita dahilan nang paghinto namin.




"Pwede kaming sumama? Manonood lang kami, promise!"




Putangina... Alam na alam ko ang boses na iyon. Sa kaniya iyon eh. Tatanggi na sana si Clydan nang magsalita ako.



"Sige... Okay lang naman. Ba't pa kayo nagpapaalam? Tropa naman tayong lahat, 'di ba?" 



Ngumiti siya sa 'kin, at pati rin naman ako ngumiti ng pabalik. Binuksan ko ang pinto para sa kanila.. Humampas ang malakas na hangin sa 'kin. Nagsimula kaming maglakad, ayaw kumalas ng tatlo sa 'kin.. Akala mo germs 'yong iba naming tropa eh. Nang makarating kami, nanghiram ang tatlo ng bola sa counter. Habang ako, umupo muna sa buhangin. Napabugtong hininga ako sa lakas ng hangin, alat eh. Salts bro.



"I'm sorry.. Hindi ko pa kaya, Jaja..." salita niya sa likod ko, tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Sinensiyehan ko siyang umupo, ginawa din naman niya. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at sinandal ko naman ang ulo ko sa taas niya. Nararamdaman kong umiiyak na siya dahil basa na ang damit ko.



"Wala ka dapat ikahingi ng patawad... Hindi mo naman kasalanan iyon. Wala kang kasalanan," sabi ko nang punasan ko ang luha niya.

 

"Hindi mo naman kasalanan na hindi mo ako matutunang mahalin," mapait na sabi ko at ngumiti sakaniya.

 

Akala ko mahirap maging kaibigan. Pero, mas mahirap pa lang hanggang kaibigan lang.



Forward
Sign in to leave a review.