
First Day
"Drei! Gumising ka na d'yan!"
Rinig kong sigaw mula sa labas. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang tropa ko, si Clydan, na nakasuot ng white polo shirt na may Gucci logo at naka belt na Gucci, suot ang kulay itim na trousers. Her hair is slicked back and it looks shiny because of hair gel, she's also wearing classic sneakers. Umikot pa siya para ipakita sa 'kin ng three hundred sixty degrees ang outfit niya.
"Naknamputa! Pogi mo ah," bungad ko sakaniya, "Alas otso pa lang, pare ko!" dagdag ko.
"Excited na ako eh, baka may chicks doon!" sagot naman niya sa 'kin.
"Martinez, walang papatol sa 'yo doon," sabi ko sakaniya at inirapan siya.
I left her in the living room and went to the bathroom. Naligo na ako at nag ayos ng mga gamit. Pagkatapos ko sa banyo ay pumunta akong kwarto para isuot ang damit ko. Naka white shirt ako sa loob at naka leather jacket naman sa labas, I also wore my black trousers pants and my black oxford shoes.
"Dami ah? May anak ka ba at ang dami mong niluto!" sabi ko sakaniya. Eh kasi naman, may luncheon meat na, may itlog at hotdog pa. Meron pa 'yang gatas at juice.
"Tangina, dami mong reklamo. Ulam natin mamayang gabi 'yong iba dyan!" sagot naman niya sa 'kin.
Nagsimula na kami kumain at hinanda na namin ang mga gamit namin. Nasa iisang condominium lang kami ni Clydan, kaya sabay kaming papasok at uuwi dahil iisa rin ang paaralan namin. Hindi naman takot ang mga magulang namin na kami lang dalawa, medyo kaya na rin kasi namin. Tutal High School na kami, kailangan na namin tumayo sa sarili naming paa.
"Luh, baliw! Nakatulala amputa," my thoughts were interrupted when Clydan spoke.
"Kinakabahan kasi ako! High school na tayo eh!" sagot ko naman sakaniya.
Inakbayan niya ako at ngumiti siya sa 'kin, "Pare, isipin mo.. Shux! Ang daming cutie pie! Ganun!
"Babaera! Letse!" singhal ko sakaniya at tumawa naman siya.
It's already nine in the morning at ang pasok namin ay alas dyes. Nag ayos na kami ni Clydan at umalis na ng condo. Nagtrike na lang kami tutal malapit lang naman kami sa eskwelahan. Ibinigay ko sa guard ang ID namin at ni-beep naman niya ito sa beeper. Ganito kapag papasok ka sa school, kailangan mong ibeep ang ID mo para malaman ng magulang mo na pumasok ka talaga.
"Kayo na naman! Hindi na talaga ako makawala sa inyong dalawa!" sabi ni Kuya Roger, ang guard namin.
"Okay lang 'yan, Kuys. Ibig sabihin nun ay ampunin mo na kami," asar ko naman at ngumiti.
Medyo matagal ang bakasyon dahil inayos ang eskwelahan. Nakapintura na ito ng kulay asul at ang highlights ay dilaw. Medyo malawak na rin. Marami ng tao kaya medyo maingay na. Mukhang bagong bago ang eskwelahan na 'to. Nilagyan rin nila ng mga malalaking letrang nakatayo sa tabi ng Main Office. CWHS ang nakalagay. Meron naman sa Main Entrance ang pangalan ng eskwelahan.
Crescent Woods High School.
CWHS.
Welcome to the Home of the Vikings. Be Blue, Be you.
"Wow, putangina. Angas ng school natin, pare!"sabi ni Clydan habang iniikot namin ang paligid, "Feel ko.. Superior na tayo!"
"Tangina, ang likot mo gago! Bulate ka ba?" sabi ko sakaniya at hinabol siya, nauuna siya sa 'kin kakatakbo niya.
Tinignan niya ako habang naglalakad, "Lah! Bawal ba ma amaze sa school na 'to? Parang dati lang puro tite ang nakadrawing—"
"Ouch!"
"Ay gago!" rinig kong sigaw ni Clydan at nakita ko siyang nakadapa pero dalawa sila, "Arkin!"
Punyeta.
"Tanga ka! Ano ba naman 'yan," sabi ko sakaniya at itinayo si Clydan at ang babaeng nabangga niya, "Hala! Ate, sorry po. Ang likot po kasi ng aso ko eh," dagdag ko.
Tumawa naman si Ate habang pinapagpag niya ang dumi sa damit at katawan niya. Naka white long sleeve siya at naka checkered skirt. "Okay lang! No need to worry! Sorry din! Sana ayos ka lang.." sabi niya at ningitian kami ni Clydan.
"O-okay lang! Kasalanan ko.. Sorry!" tarantang sabi ni Clydan at hinila ako paalis, "Ingat ka! Sorry ulit!" dagdag niya. Nakita ko pang tumawa si Ate at kumaway pa sa 'min.
Nang makalayo kami kay ate na nabangga ni Clydan, nakita ko naman na sobra ang ngiti ng kasama ko. Halos malapit na mapunit ang kanyang labi sa sobrang ngiti. Tinignan ko siya ng loko loko, nang makita niya ako nawala naman ang ngiti niya and then she cleared her throat.
"Bakit? Nakatitig ka? Crush mo ba ako, p're.." tanong niya at umiwas ng tingin.
"Punyeta.. "sabi ko nang halos sakmalin ko ang leeg niya, "Kunwari 'di nautal kanina!"
"Letse! Hanap ka sa iyo para manahimik ka," sabi niya at tinignan niya ako ng masama.
"Pass bro! Pag graduate na lang ng high school." sabi ko sakaniya nang nagsimula kami maglakad, "Puro ka landi, gago!"
Clydan and I parted ways dahil tumunog na ang bell. Hindi naman ganoon kalayo ang room namin siguro 2 blocks away lang. Pumasok na ako at umupo sa likod. Nilabas ko na rin ang notebook at ballpen ko para magsimulang magguhit ng kung ano-ano.
Napatigil ako sa ginagawa ko nang nakita kong may umupo sa tabi ng upuan ko. Tinignan ko siya at ngumiti, gayun din naman siya. She was wearing a polo sweatshirt and loose straight cut denim pants, she was also wearing a converse chuck taylor.
"Hello! Dito ako ah? Tabi tayo!" simulang sabi niya.
"Ako nga pala si Jovencio, You can call me Jov or JJ," she added and gave me her hand.
"Galadreil," bangit ko sa pangalan ko and I accepted her hand, "You can call me GJ."
Nagsimula na magklase, wala naman kaming masyadong ginawa. Puro usap lang. Getting to know each other ganoon. Nagseselpon lang ako, habang si Jovencio, nakikipag usap sa mga iba pa naming kaklase. Talking with people isn't really my thing.
"Okay, A seven! Listen to me, please.." rinig kong sabi ng propesora namin, "I haven't taken attendance, please say 'present' if you're here. Thank you," dagdag niya.
Bumalik sa upuan ang mga nakatayo kanina at nanahimik ang paligid. Nagsimula siyang magtawag ng pangalan, nagsimula siya alphabetically order. Malapit lang ako dahil letter D ang surname ko. 'Di katagalan na narinig ko ang apelyido ko.
"Dominguez.."
"Present," I said and raised my hand, I saw everybody looked at me for a minute. Including Jovencio, pinagkaiba lang, mas matagal siya.
"What?" I asked her and frowned, "Parang gulat na gulat ka?"
"Ang sheeshable naman ng apelyido mo, wow, spanish ganorn!" sabi niya sa 'kin habang tinakpan ang bibig tila parang gulat na gulat siya.
"Gago, Chinese ako!" I said and chuckled, "Sheeshable amputa, gawa-gawa ka na naman," dagdag ko na ikinatawa niya.
Habang nagtatawag ang propesora ng mga pangalan, nagkukuwento naman si Jovencio ng talambuhay niya. 'Di ata siya napapagod kakadaldal, I'm not complaining though. Magsasalita pa sana nang siya naman ang tinawag ang pangalan.
"Sanchez.."
"Present, ma'am! I'm here! Yohoo!" sabi niya at iniwagayway pa ang kanyang kamay pataas, akala mo hindi siya nakikita.
Pinigalan ko siyang mag ingay pa at tinignan siya, "Dati ka bang parrot?" sabi ko sakaniya.
Wala ng klase sadyang kailangan lang mag ikot ikot para mahanap ang block namin. Pupuntahan ko na lang si Clydan sa room niya para kumain kami sa canteen. Inayos ko na ang gamit ko at ready nang umalis, nang marinig kong may tumawag sa 'kin.
"GJ! Teka! Wait for me!"
Si Jovencio. Nilingon ko ito at nagmamadaling inayos ang gamit papunta sa 'kin. Nagpaalam na kami sa propesora namin at lumabas ng room.
"Bakit? Sama ka?" tanong ko sakaniya, "Pero kasama natin isa kong tropa.."
"Okay lang! Sama lang ako sa 'yo.." sabi niya at pinulupot ang braso sa 'kin, "Parang alam mo na 'to, 'di ka transferee?" tanong niya.
"Uh.. Hindi. Tagal tagal ko na dito simula bata pa lang," sabi ko at tingin sakaniya, "Ayaw ko kasi nang palipat lipat."
She hummed at my response and didn't bother to reply. As we walked through the cafeteria, I already saw a familiar figure. We walked through that way, and I spanked that someone's bum.
"Aba'y gago!"
She said and turned her face to me, Clydan, "Tangina ka! Sakit nun, pare!"
Tinawanan ko ang reaction niya at umupo sa dulong parte ng katabing lamesa. Tinignan ko si Jovencio na kanina pang dikit nang dikit sa 'kin at parang maamong tuta na iniwan ng amo. I softly kicked Clydan that made her look at me, and I gave her a signal about Jovencio.
"Uy! Clydan nga pala.." she introduced herself to Jovencio and extended her hand.
"CJ na lang for short," She added, giving her full name. Jovencio also extended her hand and reached for Clydan's, accepting it. Jovencio gave her a warm smile.
"Hello po! Ako naman po si Jovencio! Jov or JJ for short," she brightly said, giving us a great vibe.
"Ako naman si Galadreil, pogi for real," dagdag ko sa usapan na ikinasimangot nila.
"Asim, pare!" said Clydan.
"Medyo nakaka offend po sa 'kin, dude.." Jovencio added. I was about to say a word when I was interrupted by a voice.
"Clyd! Hey!"
I looked at the person owning that voice and it was a woman. She's wearing a suede jacket with a shirt inside pairing it with loose fit pants. She's jogging her way towards us holding a water bottle. As soon as she reached us, she extended her hand while holding a bottle to Clydan. Recognizing that bottle.. kay Clydan 'yon.
"Uy! Max!" simulang salita ni Clydan at kinuha ang boteng hawak ng babae.
"You left it in your seat. I have been looking for you since earlier." she said, trying to gasp some air.
"Hala! Sorry!" Clydan apologetically said and smiled, "Libre na lang kita. 'Yon na lang pambawi ko!"
"Uh no! It's fine!" she chuckled and shook her head as a no.
"Okay lang! Hayaan mo na, first day naman eh!" Clydan insisted. After constant invites of Clydan, the girl finally agreed. We went to a vacant six person booth and put our belongings for a moment, for us to order some food.
"Oo nga pala! I forgot to introduce you guys," Clydan stated while walking to the counter.
"Hey.. I'm Maxence," sabi ng babae and extended her hand towards us, me and Jovencio.
"MJ for short," she added, giving us a genuine smile. "Galadreil," sabi ko habang hawak ang kamay niya. At nang bitawan ko 'yon, sumunod naman ang katabi ko, "Jovencio."
Nang matapos kaming mag order ay umupo na kami sa aming upuan. Tahimik lang kaming kumakain, pero minsan nagkukuwentuhan din. Magkaklase pala si Clydan at Maxence. Hindi naman kami masyadong matagal kumain kaya nagpahinga muna kami saglit. Habang nagpapahinga ay naisipan naman namin maglaro ng Call of Duty. Hindi namin napansin na medyo napatagal ang oras ng paglalaro namin, nang makita kong alas tres na ng hapon sa relo ay nagsimula na ako mag impake.
"Alas tres na kaagad amputa!" Jovencio exclaimed while stretching her body.
"Uwi na tayo? Mamaya na 'no?" tanong ni Clydan.
"Maya na! Kung late tayo makauwi, sa bahay ko na lang kayo!" sagot naman ni Jovencio habang sinuot ang isang strap ng bag niya.
"Isn't it strange for us that you're inviting us to your house?" Maxence asked.
Jovencio frowned to her question,"Hindi naman.. Bakit mukha ba akong kidnapper?"
"Oo! Tangina, oo!" I hissed at her making her make a face, "Mukha kang may masamang balak sa 'min, bro."
Tumawa si Clydan sa pang aasar namin kay Jovencio. Nagpatuloy itong pang aasar hanggang makarating kami sa mall. Nilakad na lang namin dahil malapit lang din naman ito sa eskwelahan. Dumeretso kami sa arcade para maglaro. Bayad na lahat ni Maxence ang lahat ng bayad, no choice siya eh. Nilaro namin ang lahat ng machines hanggang sa maubos ang card namin. Bago kami umuwi ay nagmeryenda muna kami sa may food court.
Magkaibang way ang mga bahay namin kaya nagpaalam kami sa isa't isa pagkalabas ng Mall.
"Bye guys! Piliin niyo 'yong Band Class bukas ah!" Jovencio exclaimed and smiled at us, "Para magkasama tayong apat!"
"Oo na.. Umiyak ka pa d'yan kapag hindi namin napili eh!" asar ni Clydan, habang pinupunasan ang kalat sa pisngi ni Jovencio atsaka ito tinampal ng mahina.
"Band Class? Pa-pogi ka na naman! Hindi ka naman ata marunong magitara!" gantong ko naman para lalo siyang mapikon.
"Jovencio, puro pa-pogi lang alam pero hindi marunong maligo," dagdag pa ni Maxence na ikinasimangot ni Jovencio.
We bid each other our goodbyes and went home, Jovencio and Maxence had a different way to go home while Clydan and I started to walk to the nearby LRT station. Currently, we're waiting at the UN station.
"Putangina... Naubos energy ko kay JJ! Letseng 'yan o," unang salita ni Clydan nang maupo kami, tinignan ko siya at ngumiti.
"Pinagsasabi mo? e, parehas lang kayo. Sakit niyo sa ulo, gago," mahinhin kong sabi, at tumayo dahil naririnig ko na ang pagdating ng tren.
Tumayo na kami at hinintay ang mga lumalabas bago kami pumasok. Agad akong humawak sa handrail nang nakatayo, hinayaan na namin ni Clydan na umuupo ang mga kailangan umupo. Naramdaman kong humawak siya sa damit ko at nakahawak din siya sa isang handrail. Nagsimula na umandar ang tren at ramdam ko na ang pagod ko.
Mukhang may napulot na naman akong alaga bukod kay CJ..