Kathang Isip: Ano ang pag-ibig?

Thai Actor RPF
F/F
G
Kathang Isip: Ano ang pag-ibig?
All Chapters Forward

Bahala na ang karagatan

Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos ng usapan namin ng gabing yon. Dalawang araw na sobrang… awkward namin sa isa’t isa.

 

Dahil ako, may natagpuan ako sa sarili ko.

 

Na mahal ko si Maeve.

 

Si Maeve Castillo na mas matanda sa akin ng dalawang taon. Si Maeve Castillo na nasa senior high department na. Si Maeve Castillo na nag aaral under sa STEM strand. Si Maeve Castillo na kasama sa dance club namin dati. Si Maeve Castillo na Vice president sa SSLG namin ngayon. Si Maeve Castillo na tatakbo as a president din sa next election. Si Maeve Castillo na campus crush dito sa eskwelahan. Si Maeve Castillo na club member sa journalism club. Si Maeve Castillo na president sa classroom nila.

 

Si Maeve Castillo na kaibigan ko!

 

Hindi ko mapigilang umiwas sa kaniya, avoiding physical intimacy and talking to her at all cost dahil sa hiya ko.

 

Oo na, ako na last na nakatuklas nito sa friend group namin, Si Stacey at Crescent, yung magkapatid na yun… may alam! Si Akisha at Kiara? May alam! Si Ella at Diane? May alam! Pati na nga rin si Ma’am Monica, may alam! Teacher pa siya ha, tas siya pa unang nakaalam kaysa sa akin!

 

Sabi nila napakahalata ko around Maeve, pero ako nga sa sarili ko, hindi alam until that night came!

 

Bigla akong tinext ni Maeve.

 

Teka kasi! Sa lahat, ikaw pa! Ikaw na nga may sala kung bakit ako ganto! Bakit ba kasi kita gusto!? Oh my God!

 

From: Maeve Castillo

“Agatha,”

“May cramps akoo…”

“Come sa room namin, please!”

 

Nagreply ako sa kaniya ng picture ng isang otter.

To: Maeve Castillo

“Manigas ka!”

 

From: Maeve Castillo

“Agatha please! Pababy! Hala, ginanon!? HAHAHAHAHAHA.”

 

Kupal talaga tong si Maeve…

 

To: Maeve Castillo

Kapag binaby kita dyan sa room mo, sa harap ng classmates mo, knowing na ikaw ang president dyan at you’re grade 11 habang akong nagbababy sayo, grade 9, ano kayang reaksyon nila?”

 

From: Maeve Castillo

“Why would I care? I only care about you. Pababy na please!”

 

Di lang pala kupal. Magaling din sa mga salita niya.

 

#

 

Tinitingnan ko lang si Maeve ngayon.

 

Di ko alam ang sasabihin sa kaniya. Tapos na ang mga klase anyway.

 

 

Biglang may nagsalita sa likod ko.

 

It’s Stacey—My old crush before Maeve. Siya yung tao na ang dali-daling kausapin, pero nakakahiya kasi I wasn’t subtle at all sa feelings ko sa kaniya.

 

“Agatha, kausapin mo na oh. Share an idea or something, Tanungin mo if naglalaro siya codm tas baril barilan kayo dun.” Bulong sa akin ni Stacey na kaibigan ko. Di ko alam kung saan talaga to nanggagaling at times. 

Pagkatapos tinulak niya ako palapit kay Maeve.

 

Kaibigan ko ba talaga to?

 

“EarnCiize au wherein nagdadate na sila earn na nasa book club at ciize na nasa cheerleading team tapos may basketball player na nagkagusto kay ciize and decided to court her out of blue without Ciize's permission and earn got jealous kaya nag break relationship nila due to mistrust and misunderstanding that led to ciize quitting the cheerleading team and avoid almost everyone to even do the shttiest things to get earn's attention like for example hospitalizing herself para mavisit ni earn or doing much more risky things aside from being hospitalized, tas sumama pa siya sa archery so she'd try to be shot by an arrow open parenthesis accidentally as she excuses close parenthesis until one day earn was fed up and decided to confront ciize about her behavior, ciize stopped everything she did to get earn's attention once she finished explaining and earn was left silent with the realization na she was in the wrong but also ciize at some point and then they get back together with ciize accidentally and literally getting hit with earn saving her somehow due to her fast reflexes.”

 

“Agatha, kalma. Humihinga ka pa ba?” Tanong sa akin ni Maeve pagkatapos ko mag salita. Si Stacey, nag face palm at umalis.

 

#

 

Gabi na. It’s nine in the evening. Anong ginagawa ko? Kinakausap si Maeve over chat.

 

Dahil di kami magkalapit ng bahay, I sadly can only chat her sa gabi. I started watching the GAP series din pala kasi gusto niyo ng makakausap over that and well, sino ba ako para tumanggi?

 

Technically… Ganto lang kami mag usap ngayon. Puro bardagulan sa chat...

 

To: Maeve Castillo

“Maeve, miss na miss ko na siya.”

 

From: Maeve Castillo

“Sino ba yan?”

“Crush mo?”

 

To: Maeve Castillo

“Oms”

 

From: Maeve Castillo

“Cno ba crush mo?”

 

To: Maeve Castillo

“Secret”

 

Nag send siya ng emoji. Cute.

 

To: Maeve Castillo

“Mahina ako, Maeve. Di pa naman ako magaling mag sinungaling.”

 

From: Maeve Castillo

“SINO BAA”

“Give me a hint ganern”

 

To: Maeve Castillo

“Nasa GC na’tin.”

“Tapos moot moot ko.”

 

From: Maeve Castillo

“Gaga, lahat doon moot mo?”

“Ano yun, iisa-isahin ko?”

 

To: Maeve Castillo

“Go”

 

From: Maeve Castillo

“GRABE? Sige, do you promise to speak the truth and nothing but the truth?”

“HALA GINANON BIGLA”

 

To: Maeve Castillo

“OA”

“Oo na”

 

From: Maeve Castillo

“Si Crescent?”

 

To: Maeve Castillo

“Nope.”

 

From: Maeve Castillo

“Si Stacey?”

“Lagi mo siyang trip eh.”

 

To: Maeve Castillo

“Dati ko yang crush. Dati pa naman.”

 

From: Maeve Castillo

“Si Kiara?”

To: Maeve Castillo
“Kadiri! May jowa na!”

 

From: Maeve Castillo

“Si Akisha?”

 

To: Maeve Castillo

“Mamatay man ako ayoko maging kabit.”

 

From: Maeve Castillo

“Si Diane?”

To: Maeve Castillo
“Ayoko rin.”

 

From: Maeve Castillo

“AHA! Si Ella?”

To: Maeve Castillo
“No rinnn…”

 

Ah. Dalawa nalang pala ang option.

 

To: Maeve Castillo

“Teka, may susulatin ako. “

 

From: Maeve Castillo

“Motivated ka naman bigla, hoy!”

 

#

 

Tatlong oras na ang nakalipas.

 

From: Maeve Castillo

“Agathaaa, are you asleep na ba?”

“If u don’t wanna tell me abt ur crush its fineee”

”Gusto ko lang kitang kausap.”

 

Mahina ako sayo, Maeve. Oh my God nalang talaga.

 

From: Maeve Castillo

“I’m sorry, did I make you uncomfy ba?”

“It’s okay naman”

“Agatha :(“

 

To: Maeve Castillo

“Sorry”

“Nahihiya ako”

“Wow, si Agatha, may hiya for once? AHAHAHAHHA”

 

From: Maeve Castillo

“Agatha”

“Anoo ba, ako lang to”

 

That’s the problem though.

 

To: Maeve Castillo

“Yun nga ih.”

 

From: Maeve Castillo

“So ako yung problem?”

To: Maeve Castillo
“No, ako. Talking with you is a struggle that’s why ako yung problema.”

 

From: Maeve Castillo

“Do I talk too much?”

“Is that forcing you to talk to me?”

 

To: Maeve Castillo

“No, no, wag kang maguilty. I said na ako may sala, diba? Plus, if there’s someone who should overthink, ako dapat yun.”

 

From: Maeve Castillo

“Is there something ba na hindi mo kayang sabihin?”

 

Oo. Na gusto kita.

 

To: Maeve Castillo

“Let’s talk tomorrow nalang, goodnight.”

 

From: Maeve Castillo

“...Okay, goodnight Agatha!”

 

#

 

“Kuya, padeliver nga po to sa bahay nila Maeve. Pakisabi nalang po na galing tong letter sa’kin at ibigay nalang sa kaniya when she’s awake po.”

Forward
Sign in to leave a review.