
Aking kalawakan
Nagising ako ng maaga. Alas otso palang ng umaga, nakausap ko na si Agatha na… may sakit. Di pa siya nakapag pa-doktor, pero sobrang sakitin niya. Nakakapag-alala nga kasi halos araw araw, may sakit siya or ang katawan niya, sobrang hina.
Tapos sasabihin niya, may fever, ubo, at sipon lang siya.
Nung sinabihan ko na tigilan ang pagbukas ng phone niya, Ayaw! Yun pala, lonely sa bahay. Walang kapatid, mga staff lang. So hinayaan ko na ako nalang ang kulitin niya,
Mga tinatanong niya sa akin: “Ate Mae, what if isda ka po nung past life mo tapos po nalunod ka sa dagat?” And this girl says that she’s a Sea! Yun pa user niya online, Sea. Identity crisis nga naman. Sabi ko? “Nalunod sayo?” Tapos nataranta.
Ang random niya sobra ngayon, parang bata. Somehow, I find it cute. Eh si Agatha na ‘to. Sino ba hindi titingnan siya na sobrang galing mag sulat at somehow sobrang comfortable to be around with? Sobrang pababy nga lang ngayon.
Sa akin.
Hala, sa’kin lang talaga.
Iyak dito, tampo dito, tapos random fact. Wow.
Tapos biglang sasabihin miss niya na si Caroline at Eliana. Hays, how do I put up with someone like her? Ang cute eh!
Tapos yung magulang ko, binigyan ako ng letter ngayon. Sabi nila, ipinabigay raw kagabi ni Agatha.
Walang hiya, alam niyang tulog na ako kagabi eh!
Pero what was really written inside shocked me…
“Para sa aking tinatangi, Maeve Castillo. Galing sa iyong dagat, Agatha Sanchez,”
“Sa ilalim ng buwan, replika ng iyong mga akto ay aking nakikita,
Sa bawat yapak ng aking mga paa isa lang ang aking naaalala,
Ngunit sa takot at kahihiyan ako’y umasta na tila ba ako’y walang takot sa Diyos at Araw na aking makikita.
Sa panibagong araw ikaw ang aking bukang bibig,
Aking ikinikwestyon kung bakit nga ba ikaw ang aking iniibig?
Ah, hindi to maaari, pag ibig ay isang suklam na ahas, at ang nararamdaman ko ay papalapit doon.
Pero hahayaan ko ba ang sarili ko na mahulog muli sa buhay na walang hangganan ang pag iisip?
Tinuring mo ako na parang isang kaibigang tapat sayo ngunit yun ang nag palago ng nararamdaman ko para sa iyo.
Bakit nga ba ako ang hilig na pag laruan ng tadhana?
Hindi kita iniibig, pero hindi kita kayang ituring na parang isang kaibigan lamang.
Ano ba talaga ang aking nararamdaman?
O Diyos ng pag ibig, bigyan sana nawa ako ng isang kasagutan sa aking mga tinatanong na iyong inisawalang bahala.
Ako ba ay may pag asa na ikaw ay mahalin kung hahayaan ang sarili na buksan ang pusong aking tinabi at nilayo sa lahat?
O aking puso’y bigyan ng awa, isang sinira at aking inisalba sa lahat ng mga lapas tangangang mga apostol na nawa’y walang alam sa pag aalaga ng tupa,
Hindi ako handa, o wala akong naihanda, sa oras na ito ang kamay ko ay tila ba nanginginig sa pag iisip,
O aking bituin sa langit, ako’y magiging isang buwan na aalalay sa iyo, na sa kailaliman ng gabi ay nandyan pa rin ako para sa iyo,
Sa karami rami ng nakakuha ng aking atensyon at mata, o giliw ikaw lamang ang nakabighani sa aking puso at isipan.
Ako ba ay hahayaan mong mahulog sa dagat ng pag ibig?
O ang tanong na ito ay para lamang sa iyo,
Ako’y handa na sirain ang ating pagkakaibigan —
Wala akong tiwala sa pag ibig na hahayaan mo lang palagpasin dahil tayo ay magkaibigan — Habang ako mismo nalulunod sa iyong pake na baka nga ay ubos na.
O sana, ito’y matapos na.
Pag ibig nawa’y ang siyang bahalang sirain ang puso ko,
O hayaang ito’y lumago ng parang rosas ang dating.
Ang bawat yapak ko ay inilalapit ako sa milagro —
Sa aking tinatahak na landas, o siyang may kapangyarihan sa itaas ang mag salba muli sa akin.
Kung ang mga rosas na ito ay nakakasakit, hahayan ko itong sugatan ang aking kamay,
Maipresenta lamang sa iyo ng tapat at tunay,
Na baka nga ang aking nararamdaman sa iyo ay malalim at buo,
Hahayaan mo nalang ba itong lumago o wawasakin mo ito?
Sana’y iyong wasakin ng matapos na ito,
O kung hindi ay hahayaan kong ang pag ibig na lang ang matira pati ang aking mga buto,
Sa katawang aking ihahayag para sa iyo.
Tupang puti, walang kahit isang saltik,
O isang inosenteng palaka sa lawa,
Baka naman isang kambing ang iyong gugustuhin,
Pero ang aking iaalay sa iyong harapan ay ako lamang mag isa sa kama ng alon na handa akong lunurin papalayo sa iyong mga kamay.”
Shock is an understatement as to what I’m feeling right now.
Sobrang nao-overwhelm ako.
#
AGATHA.
What the heck.
Nasa labas ako ngayon. Naghihintay sa may ilog na pinuntahan namin nung nag usap kami. Nakita ko siyang papalapit at hawak hawak niya ang liham na isinulat ko para sa kaniya.
Nung nasa harap niya na ako, sinampal niya ako. Pagkatapos? Hinalikan niya ang pisngi kong sinampal niya,
Huh?
“Nakakainis ka naman kasi,” Sabi niya. “Alam mong tulog na ako nun tapos magcoconfess ka? Unfair! So ngayon ako magcoconfess sa harap mo.”
“It feels like forever since I've felt like this. Sa totoo lang this is my first time getting a confession much like yours, I'm happy.”
“It's different, I like different! Actually I feel dumb for sleeping early. Ikaw kasi! Alam mo ba, my hand was literally shaking from everything from what I read kanina. HOY I WAS REALLY CLUELESS HA! Ayaw ko din at that time to assume because assuming is bad and should only be done if idol ka— hala ginanon!?” Tawa niya.
“When you said loving me was easy, I found it hard to believe na madali lang ako mahalin, after two relationships I thought finding a third one would be scary. Both of them ended badly, I'm terrified for what will happen. For many of my imperfections I still question why you haven't said anything about it nor pointed it out.”
“Kahit sobrang makulit ka, my day has felt more and more complete. I don't know what type of answer you're looking for, but I wouldn't mind trying to be with you.”
…
Help, bingi na ata ako.
“Agatha, sorry na it’s not as long as yours—”
“Panaginip lang to, diba?” Tanong ko.
Bigla niya akong sinapak sa braso, Di naman malakas. Pero dahil mahina ang katawan ko, masakit sobra. In a way na enjoyable. Pero it’s not a kink!
“Gusto nga kita! In much simpler terms, gusto kita! Mahal kita!” Pasigaw niyang sabi sa akin at yun na nga.
Ang gaan na ng pakiramdam ko, pero sobra pa rin…
Naiyak ako bigla, at niyakap niya ako ng mahigpit. I couldn’t find it in me to even hug her back dahil sa iyak ko at sobrang tuwa ko.
Onti onti, nilagay niya ang kaniyang kamay sa aking pisngi at tiningnan ako. Mga mata ko pababa sa labi ko, at pagkatapos, tiningnan ulit ako.
“Pwede ba?” Tanong niya.
“Please.” Sagot ko naman.
At hinalikan niya na nga ako. Dahan dahan, dalawang babae na bagong bago dito. Hindi sa wala akong experiences sa relationship, pero I’ve never kissed someone before.
Maeve’s taking the lead, at hinahanap niya akong maging sagabal at sinasabayan niya yung anong kaya ko.
Hindi pa nagtagal, tumigil kami para huminga.
“Mahal kita, alam mo yun?” Sabi ko sa kaniya. Namumula ako at wala akong pakialam. “Sobrang mahal.” Niyakap ko siya at inilagay ang ulo ko sa kaniyang balikat.
“Mahal din kita, Agatha.”
Fin.