
Lahat ng daan patungo sa'yo.
“...Ano ba ang unang impresyon mo sa’kin?” Tanong niya sa akin pagkatapos ng tawanan namin. Kumalma ulit kami ng ilang segundo at pinagmasdan ang buwan. Alas-syete palang naman ng gabi at hindi naman kami papagalitan kapag gantong oras kami uuwi.
“First impression ko sayo?” Sinubukan kong alalahanin at... “You’re the type of person na sobrang.. Mahinhin? You go with people’s flow though it’s not required. That’s why I acted more open and comfortable just so you’d do the same and be at ease sa club.”
“Ohh…” Lumingon siya sa akin at nakikita ko ang kinang sa kaniyang mga mata sa ilalim ng gabing to. Sa ilalim ng buwan, replika ng bawat galaw niya ang aking nakikita. “Well, you can act however you want around me, alam mo yun, Aga.”
“I’m aware. Eh kaso, mahiyain ka.” Sabi ko ng pabiro. “Gusto ko na maging mas open ka. Hindi yung feeling mo, male-left out ka? That’s why palagi kitang sinasama sa mga usap usap namin nina Crescent. Alam mo yun? Acting loosely could get the others act loosely din,”
“I don’t mind it. Ang funny mo kaya, puro masarap comments mo lagi whenever it’s about Everly or Riley. Kahit pa kay Eliana or Caroline nga eh.” Sabi niya sa akin ng pabiro pero siya’y ngumingiti na para bang nakikita niya kung sino ang nagsabit ng bawat bituin sa langit. “And sobrang welcoming mo. Parang di ako old member. Diyos ko!”
“Guilty!” Sabi ko ng padepensa sa aking sarili. “Pero bagong dating ka kasi! Hindi kita kilala, of course. Hindi ako kumakausap ng iba sa school.”
Ngumiti siya at isinambit: “I’ve been there sa club for two years na. Ngayon ngayon lang talaga ako bumalik ulit.”
“Naalala ko nga, yan yung sabi mo nung first day mo, diba?” Lumaki ang kaniyang ngiti.
“Yup. Nagpahome-school ako for two years so hindi mo rin ako mame-meet talaga around those years. Ano kasi.. I got into a relationship with someone doon sa club. Nag quit na siya pero, of course, di ko malilimutan yon.”
“Sukang suka na ako dun, actually. Sa relationship ko dati, I mean.” Huminga siya ng malalim at nagpatuloy. “So, nag quit ako ng club at nagpa-homeschool muna. I didn’t explain it to my parents and just said na mas prefer ko mag aral away from school at they understood naman since malayo ang school sa bahay namin. Thank God nga na hatid-sundo mo na ako ngayon.”
“Ha, nagpasalamat pa. Bigay talaga ako ng langit sayo, noh?” Pabiro kong sinabi para at least naman na gumanda ang mood na sobrang gloomy bigla.
“Hayys. True ka dyan. Demonyo binigay sa’kin ni Lord.”
“Ouch! Maeve, masakit!” Sabi ko at umakto ako na para akong tinaga sa puso.
“Nako naman talaga… anong gagawin ko sayo, Aga?” Sabi niya ng may ngiti sa kaniyang labi at tiningnan niya ako na para bang isa akong diyamante. Tumawa siya sa akto ko at sinabi;
“Hindi ko alam kung bakit pero, basta… I feel comfortable with you the most.”
Eto nanaman.
“Is that so ba? I guess that’s understandable.”
Ang bigat sobra. Ng dibdib ko, I mean. Hindi ko alam to.. Pero it’s the same feeling na
naramdaman ko when we first met. When we hanged out to the point na napagalitan pa kami sa labas dahil sa lakas ng tawa namin.
Awa naman sa’kin, Maeve.
Hindi ka kakayanin ng aking puso.
“Oo. Sobrang…” Tinignan niya ang mga mata ko at pagkatapos, ang labi ko. Hindi niya manlang itinago kung paano niya kinagat ang labi niya at tinignan ulit ako sa mga mata ko.
“Ah. No, nevermind.” Tumingin siya sa iba. Doon sa langit. Damn, nahiya talaga siya?
“Grabe ka, Maeve. Kung saan saan umaabot yang titig mo. Hahaha!” Tawa ko naman sa kaba niyang sobrang halata. Siguro mas halata pa sa mukha kong sobrang pula ngayon?
“Do you want to know how low my standards are?” Tanong niya sa akin habang nakatitig siya sa taas. “Actually, basta maganda yung first impression nila sa’kin, like sa opinion ko ah? Magbibigay ako ng chance. Kahit sa kung sino pa man yan.”
“See? Ang baba.” Tawa ni Maeve.
“True, ang baba…” Ngayon, naiisip ko kung ano bang first impression niya sa’kin. Ugh nalang talaga, daming dada!
“Alam mo ba, a guy dati, nilibre niya ako ng milk tea. Yun na yung way ng ano niya, panliligaw sa’kin.” Tingin niya sa akin ng pareklamo. Cute.
“Have you ever received a letter before ba? O kahit tula man lang?” Tanong ko naman sa kaniya.
“Girl, no!” Biglaan niyang pagsagot.
“Sa maling henerasyon ata ako ipinanganak.” Saad ko naman.
Biglaan siyang tumawa ng malakas.
“I like people with passion. Kahit ano pang katarantaduhan pero sobrang passionate nila about it, ganon?” Sabi niya sa akin at ngumiti.
May alam ba to?Ang random talaga!
“Well, me personally, wala akong preference.” Sabi ko naman, why not magshare? Eh nagsabi siya ng sa kaniya eh. “Incomprehensible ang pag-ibig. You can’t explain it in much simpler words that you need to explain every single feeling na nararamdaman mo. Tuwa, siya, ligalig kapag kasama ki– ko siya.”
“Diba naman, kahit sino pwedeng maging match mo? But hindi natin sila bet kaya we stop at being friends lang. Pero, ako… I want a person na, para bang… we slot in perfectly despite both of our flaws?”
“Oy, EarnCiize—” Sinabi niya ng patawa pero nag akto nanaman ako na parang patay. “Hoy, ang OA, Agatha! Ikalma mo!” Pasigaw niyang sabi habang tumatawa.
Nung kumalma ulit kami, ang ulo ko naman ay nakahiga sa balikat niya sa God-knows pang ilang beses na to sa araw na ito.
“Hoy, pero legit ah, I want what they have.” Pagpuna niya bigla. “Like hello? Sino ba nagkakagusto sa akin? Lumabas kayo! Jojowain or totropahin? I can do both!”Reklamo niya bigla.
Wow, parang natamaan ako dun.
“Alam mo, para ngang nakakatawa. Isang katulad mo? Single?” Saad ko. Tinignan niya ako na para bang confused siya so I continued. “Ang dali mong mahalin, Maeve.”
Namula ang kaniyang mga pisngi pero totoo naman, diba?
Sobrang dali niyang mahalin.
Kung baga, it came to me ever so naturally. Na para bang pag hinga ang pagmamahal sa kaniya. Isang titig niya nga lang, lumalambot ang mga buto ko. Isang yelo na nasisilayan ng araw.
Hindi dahil sa ganda niya pero dahil sa salita niya.
Apat na salita lang, nabighani niya na ako.
“Ikaw ang inspirasyon ko.”
Ako na walang buhay ang mga isinusulat ko, basta meron ito’y tinatapos ko. Ayun lang? Ganon lang kadali? Tapos meron pang naispire sa akin?
Pero di ko alam. Sobrang dali kong nahulog sa’yo.
“Ano ba?” Tawa niya pero nakita niyang seryoso ako kaya tiningnan niya nalang ako.
“Ang dali mong mahalin. Alam mo… parang, nagr-radiate ka ng first love vibes?”
Kasi ikaw ang una ko.
“Just… stay at your own pace. Don’t follow the water or else you’ll drown.”
Hindi kita kayang lunurin gamit ang sarili kong mga nararamdaman.
“So if you fall or not sa agony or romance, just know there'd be something or someone na tutulong saiyo na makabalik sa path na tinahak mo, someone or a group of people ganon… love can either build people or ruin them whole and pretty sure alam mo naman yun.”
Kaya kahit di mo ako gusto, I’ll do my best na tulungan ka.
“I just want to say na I’m here for you through your lowest or highest, I mean…
we're friends na technically, so kung saan ka man mapadpad, I’ll try to match your pace and follow you.”
Pero kaya ko ba? Kaya ko bang maging kaibigan mo lamang?