Kathang Isip: Ano ang pag-ibig?

Thai Actor RPF
F/F
G
Kathang Isip: Ano ang pag-ibig?
All Chapters Forward

Solis Occasum

Ilang araw na ang nakalipas. Naging medyo magkalapit na kami ni Maeve dahil siya yung tipo ng tao na mahiyain? Kaya palagi ko siyang sinasamahan papunta sa clubroom at pauwi sa kaniyang bahay. At some point, I even started na ihatid sundo siya despite of the fact na mas matanda siya sa akin.

 

Dahil sa pagka-close namin ni Maeve, nagkaroon ng mga chismis sa school na nililigawan ko siya kahit siya’y nasa senior high na at ako’y nasa ikasiyam na grado pa lamang.

 

Palagi kaming tinitignan ng mga kapwa kamag-aral namin sa paaralan dahil dito. Ang palaging ko nalang sinasabi kay Maeve ay: Alam natin ang totoo naman

 

Kung sa totoo lang, mas marami pa dapat asahan ng iba kay Maeve. Hindi lang siya magaling na leader, hindi lang siya magaling sumayaw, hindi lang siya magaling sumulat, mas marami pa siyang katangian na hindi nakikita ng iba dahil masyado silang nakatuon sa kagandahan niya.

 

Hindi naman sa hindi ko napapansin gaano siya kaganda! Kasi palagi kong nahuhuli ang sarili ko na nakatitig sa kaniyang mga matang kumikinang kapag nakikita niya ang paglubog ng araw, nahuhuli ko ang sarili ko na nakatuon lamang ang atensyon kay Maeve kahit na may iba na nakapaligid, nahuhuli ko ang sarili ko na palagi siyang iniisip araw at gabi hanggang sa punto na lagi akong nag-aalalala kapag siya’y hindi nakapagpahinga ng maayos.

 

Pero, hindi naman ako nahulog sa kaniya! No, no, malaking hindi. I don’t even think na interesado siya sa mga babae. After all, ang mga ex niya ay puro lalaki. Even if magkaroon ako ng nararamdaman para sa kaniya, wala akong aasahan.

 

Agatha, okay kalang ba? Kanina ka pa nakatitig.” Tinanong ni Maeve sa’kin. 

 

Ah. Eto nanaman pala ako.

 

Sorry, ‘Ve!” Bigla kong imik pagkatapos niya akong tawagin. “Nawawala lang ulit ako sa isipan ko, hehe.” 

 

Okay, okay. Focus, saan na ba tayo?” Tanong niya sa’kin at hinawakan niya ang aking kaliwang kamay habang hinahanap niya ang binabasa naming timeline para sa istorya na ginagawa niya.

 

Okay, sa timeline diba sabi ko na ayaw ni Janice kay Venice? Tapos sina Riley at Everly magkasintahan?” Tanong niya sa akin ng nakangiti, alam na alam niya na ang paborito ko agad ay sina Riley at Everly dahil nakabase sila sa mga paborito kong mga artista.

Ve, you’re not…” Sabi ko ng may takot sa aking tono. Yung story kasi na ginawa niya last time, pinatay niya si Eliana. Now si Everly!? Hustisya naman kay Earn…

 

#

 

Natapos na ang araw at sabay nanaman kaming umuwi ni Maeve. Pinapasok ko siya sa kotse ng pamilya ko at agad agaran namang tumakbo ito. 

 

Sa loob ng kotse, ang katahimikan lang ang namamagitan sa amin. Lagi kaming ganto kapag pauwi, walang kibuan pero nakakahanap pa rin ng paraan para kami’y mag konekta kahit wala kaming salitang binibigkas. 

 

Nilagay ko ang kamay ko sa itaas ng kamay niya. Hindi na siya nagulat dahil siya’y sanay na. 

 

Clingy, Aga.” Sabi niya sa akin at hinayaan niya akong yakapin siya sa kotse. Nilagay ko ang aking ulo sa kaniyang balikat at hinimas niya ang aking buhok. 

 

Ilang segundo ang nakalipas, hindi siya umimik at hindi rin naman ako nakasalita dahil sa kung gaano ka komportable ang kaniyang balikat para tulugan. 

 

Agatha, pwede bang patigilin mo ang driver mo dito kahit sandali lang?” Binulong sa akin ni Maeve pagkatapos dumaan ang kotse namin sa isang dalampasigan. 

 

Bakit? May dadaanan ka? Hay na’ko!” Sabi ko pabiro pero tiningnan niya lang ako ng seryoso. Huminga ako ng malalim at pinatigil ang kotse sa may tabi ng ilog para kaming dalawa ni Maeve ay makababa at makalakad papunta sa may ilog.

 

Naglakad kami papunta sa dalampasigan, kamay sa kamay, at pinagmasdan ang tanawing kay ganda.

Kung ang atensyon ni Maeve ay nasa araw na palubog pa lamang, ang atensyon ko ay nasa kaniya.

 

Sa kung paano sumasabay ang kaniyang buhok sa agos ng hangin,

 

Sa kung paano ang kaniyang mga mata’y nakatitig sa langit,

 

Sa kung paano ang kaniyang mga kamay ay humihigpit ang hawak sa’kin.

 

Hanggang aking nakalimutan ang mga paru-paru sa aking tiyan na lagi kong nararamdaman kasama siya, sa isang banda— hindi ko alam kung kakayanin ko ba na makasama si Maeve hanggang kaya ko pa.

 

Pero… nawawala ang takot ko sa oras na ito.

 

Agatha, okay ka lang ba sa pag upo sa lapag? Like… dito? Baka madumihan yang suot mo.”  Pag-aalalang sabi ni Maeve.

 

Okay lang. Pero, ikaw nalang umupo. Dito sa may shoes ko para di madumihan yang skirt mo.” Sabi ko sa kaniya at umupo nga siya sa banding paanan ko.

 

Sa loob ng sampung minuto, wala kaming ginawa kundi pagmasdan ang palubog na araw. Solis Occasum

 

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at lahat ng nararamdaman ko sa ngayong oras na ito ay lumabas mula sa aking bibig.

 

Maeve?” Tawag ko sa kaniya at tumingin siya pataas. Nakita ko ang kaniyang mga matang nakatutok sa akin at puno ng buhay. 

 

Hmm?

 

I’m… really grateful.” Sabi ko sa kaniya ng madalian, at pagkatapos… tahimik nanaman kaming parehas.

 

Bigla siyang tumayo mula sa lapag at niyakap ako mula sa likod. Hindi ko alam kung bakit pero bawat balat sa katawan ko ay parang sinusunog, masyadong…

 

Masyadong komportable sa mga kamay niyang nakapalibot sa akin.

 

Sa oras na iyon, hindi ko namalayan na kung ano-ano nalang pala masasabi ko dahil sa bawat buto sa loob ko, parang isa isang naglalaho at wala na akong maramdamang iba kundi ang apoy at kapayapaan na nakapalibot sa amin dahil lang sa isang yakap niya.

 

Alam kong hindi siya yung tipo ng tao na napakahilig sa mga… physical intimacy ba, ganon? Kaya bawat segundo, sinusulit ko na.

 

“Bakit?” Tanong niya sa akin. “Why are you grateful? Hindi pa naman pasko ah?” Sabi niya sa akin ng pabiro at may ngiti sa kaniyang mukha. 

 

Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit. “Hindi ko alam. Basta, I’m grateful na kinaibigan kita the moment I saw you.” Tiningnan ko ang ilog at hindi siya.

 

“Wow, dapat nga! Hirap ko kaya ibefriend. Mahiyain kasi ako.” Sabi niya sa akin ng pabiro at pakiramdam ko, parang mas nakakahinga na ako ng maayos.

 

“Honestly? Hindi ako walang-hiya as everyone thinks of me to be. Introvert kaya ako!” Sabi sa kaniya pabalik. 

 

“Ano tingin mo sakin? Maingay ako sa club kasi walang may kilala sa’kin, nasa junior building pa naman kayo.” Sabi niya at hinigpitan niya ang yakap sa akin.

 

Tumawa ako. “Mahiyain naman ako everywhere to everyone ah? Parang di nga lang obvious yung part na yun.”

 

“Palagi mo kasi akong inaaway!” Kiniliti niya ako sa aking bewang at parehas kaming naupo sa lapag dahil sa kakatawa, ngayon naman ay nawalan na ng pakialam sa dumi ng sahig.

 

Ngumiti kaming dalawa sa isa’t isa hanggang di na namin napansin gaano na kadilim ang kapaligiran. Kung sa totoo lang, ang liwanag na sumisilaw sa akin ay ang kaniyang ngiti…

 

So, okay lang ako dito.

 

Tumigil siya sa pagtawa at ngumiti nang bahagya, tumingin sa akin habang hinahabol ang kaniyang hininga mula sa dami ng tawa. “Maeve.. uhm.” bulong ko, pero naririnig niya pa rin.

 

Napahinto siya at tumitig, para bang hinihintay ang sasabihin ko. "What? I'm listening," sabi niya, isang masuyong ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.

 

Kinakabahan ako, pero hindi ko mapigilan. "I’m grateful for you.” ang naulit na lumabas sa bibig ko. Pero napansin ko na mas malambot ang aking tono ngayon. Bigla nalang akong nataranta nung naalala kong inulit ko lang ang sinabi ko. “W– wait, teka, sorry! Hindi maganda repeated words, ‘noh? Hindi kasi ako magaling sa mga ganto.. You know… mga words?”

 

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Bumilog ang mga mata niya, at siya’y tumawa ng kaunti. Setting our mood to a much more wholesome one. “It’s okay! Go on lang, Aga. Nakikinig ako.” Sabi niya sa akin ng mahinahon. 

 

At… hindi ako nakapagsalita ng ilang minuto. Lumingon ako at tiningnan ko siya. Somehow, isa isang salita ang hindi pumasok sa utak ko at bigla lang nabigkas ng mga labi ko.

 

“Parang…” Huminga ako ng malalim. “Para kang… isang klase ng liwanag? A sunshine, perhaps? Para bang, sa bawat galaw mo, kumikinang ka? You’re standing out sa isang malaking crowd too! At sa bawat bigkas ng mga salita galing sa iyong labi, parang yun na ang paborito kong pakinggan sa kada araw na nagkikita tayo.”

 

“Sa lahat ng tao na nakikita ko sa araw-araw kong buhay at nakakausap, ikaw lang ang sumisinag na para bang araw, onting tingin mo sa’kin, pakiramdam ko natutunaw ako na para bang sorbetes,” 

 

Natahimik kaming pareho. Wala akong ibang masabi dahil sa mga mata niyang punong puno ng kaligayahan na sobrang halata. Onti onti, nararamdaman ko ang bawat biyas sa aking katawan at lumalambot hanggang ang ulo ko ay bumalik nanaman sa kaniyang balikat.

 

“Inaantok ka na ba? Pwede na tayong umuwi kung gusto mo para makatulog ka na sa kama mo.” Sabi niya sa akin habang hinihimas ang aking buhok. “Okay lang, we can talk bukas naman,”

 

Bago niya pa maitaas ang kaniyang kamay para senyasan ang driver na babalik na kami, pinigilan ko siya at hinawakan ang kamay niya.

 

“No..” Mahinanon kong pagkasabi. “Dito lang muna tayo, please. Di pa naman ako pagod. Just… hindi gumagana utak ko ngayon?” 

 

“Talaga? Di ka inaantok? Sure kang hindi mo lang pinipilit na maging malakas ngayon?” Tanong niya sa akin. Mukhang nag aalala siya pero…

 

“Yes, oo, sí, sim, 是, ja, nαί, はい.” Sabi ko ng dahan-dahan. Sus, hindi pa naman ako fluent sa ibang mga lenggwahe. 

 

“Yes at oo lang naintindihan ko, Agatha.” Sabi niya ng pabiro sa akin habang kinakatok niya ang noo ko. “Hoy, sure ka bang may laman tong utak mo? Baka wala ha, niloloko mo lang ako siguro.”

 

Bakit kita lolokohin? Kahit maging tayo, hindi ko kakayanin namang lokohin ang isang tulad mo.

 

“Sige, keep bullying me. Sanay naman ako na ganto ang pagtrato mo sa akin.” Sabi ko sa kaniya ng pabiro at bigla siyang tumawa.

 

“Ang OA, Aga!” Bigla niya akong hinampas sa aking balikat ng mahina at kaming dalawa ay natawa nanaman. 

 

Ah. Alam kong marami pa kaming pag-uusapan.

Forward
Sign in to leave a review.