Kathang Isip: Ano ang pag-ibig?

Thai Actor RPF
F/F
G
Kathang Isip: Ano ang pag-ibig?
All Chapters Forward

Araw sa araw

Kinabukasan ay dumating at mga kaklase ay natapos na rin. Lahat kami’y pumunta sa silid-aralan na itinakda para sa aming mga aktibidad sa aming club. Huminga ako ng malalim sa pagpasok ko sa loob at biglaan kong nakasulubong si Maeve sa labas, hawak ang kamay ko ngayon dahil parehas kaming nagbabalak na buksan ang pintuan papasok.

 

... 

 

Hala. Si Maeve.

 

Tumalon ako papalayo at tinanggal ang aking kamay sa door-handle. Parang pusa lang kung tutuusin tapos si Maeve ang tubig,

 

“Agatha, okay kalang ba?” Tanong niya sa akin pero namumula na ako. Bago niya pa macheck ang temperature ko, good thing na dumating na sina Akisha, Crescent, Ella, at Kiara. 

 

“Ano nangyari dito?” Tanong ni Ella habang kumakain siya ng biscuit. “Namumula pa si Tha-tha. Hala, second day palang naglalandian na agad kayo?”

 

Namula rin si Maeve at ang nagawa ko nalang ay buksan ang pintuan at isara ito ng malakas. Silang lima sa labas? Walang masabi na kahit isang salita.

 

#

 

“Okay, time to show your work to everyone!” Tango ni Ma’am Monica sa’min. “Bibigyan niyo yan ng summary tas ipapabasa niyo to… a random person! Sakto, anim kayong andito!” 

 

“Okay ba yun sa inyo?” Tanong niya sa amin at lahat naman kami nag-agree,

 

#

 

Eto ang mahirap. Finding a partner. While nag pair up na yung mag jowa, obviously sina Kiara at Akisha, hindi ko sure if makikipagpair up ako kay Maeve, Crescent, or Ella.

Nevermind, pair na pala sina Crescent at Ella. 

Lumapit sa akin si Maeve at siya’y umupo sa harap ko. Namumula pa rin siya at ako dahil sa kaning pangyayari.

 

“Hii… Agatha. Can we pair up?” Tanong niya sa akin ng may ngiting parang masyadong kabado. Di nanaman ako sure kung mas matanda to sa akin o ano.

 

“Sige po. Wala naman ibang members po ih.” Sabi ko sa kaniya ng pabiro. “Pero kahit may iba naman po dito sa club, I don’t think I would choose to pair up with them.” 

 

“A– ah.” Sabi niya ng pautal. Huh? May nasabi ba akong mali?

 

#

 

“Sige po, Ate Mae, ikaw na po mauna.” Sabi ko sa kaniya habang ngumingiti. Madali lang naman kasi yung akin so pinauna ko siya.

 

“Alright… Sige, the story goes like this. I assume na kilala mo naman si Ciize—” Tumingin siya sa akin para makita lang talaga kung gaano ako kaexcited bigla. Tumawa siya ng mahinahon.

 

“Wow. Excited. Teka.” Tawa niya noong nagmukha akong asong naghihintay.

 

“So… eto nga. Caroline which is si Ciize, bumalik sa pinas after twelve years siyang nawala. Nagtapos kasi siya ng medicine ganon ganon, so ibang bansa siya nag work. Tapos etong best friend niya, si Eliana which is si Earn, hinihintay siya. Like literal na twelve years!”

 

“Tapos, nalaman ni Caroline na nagkaboyfriend si Eliana. Anong kinalabasan? Nagselos siya so tinext niya agad si Eliana na gumala kasama niya just right after niya makauwi sa condo.”

 

“Tapos… well, technically passenger princess siya ni Eliana for that night. Hinatid siya papunta sa carnival na pupuntahan nila tapos dun sila namasyal. Muntikan mag kiss, napunta sa ferris wheel.”

 

“That night after siyang ihatid pabalik ng condo niya, nagkanightmare si Caroline. Si Eliana naman, maganda ang panaginip. Turns out, si Eliana at Caroline, parehas in love sa isa’t isa. But Caroline thought it was one sided at iniisip niyang mahal ni Eliana si Aaron which is Eliana’s ex-boyfriend.”

 

“Fast forward.. Last day ni Caroline ulit kasi babalik siya sa ibang bansa. That night, pumunta siya sa bar with her friends. That leads to a situation na si Eliana na ang confess sa kaniya after years. Dapat kasi nag confess si Eliana twelve years ago, noong before flight ni Caroline pero on boarding na yung flight ni Caroline kaya hindi niya nagawa. That night din, they both expressed frustration over being silly and oblivious na gusto sila ng isa’t isa.”

 

“I don’t think you’d like the ending though.” Sabi niya in the middle of sharing. Huh? Nagkatuluyan na yung dalawa though.

 

“Why?” Tanong ko.

 

“Namatay si Eliana in the end. With Caroline and their son sending her off.” Bigla akong naubo at mga luha sa mata ko’y nagsilabasan. Cruel. Ouch. Ang sakit.

 

Bakit parang feeling ko revenge to?

“Oh, yan kasi. Pinatay mo kasi si View tas nahanap si June. Masakit ang survivor's guilt kaya, Aga.” Tawa ni Maeve habang ang kamay niya’y minamasahe ang balikat ko.

 

“Dati pa yung story… parang that’s… dalawang week na!” Reklamo ko naman.

 

“Eh ikaw? Are you not going to share?” Tanong niya sakin. Hay na ko. Dodgerist.

 

“Fine!” Sabi ko sa kaniya na para bang nagrereklamo ako. Well, I am! Pinatay niya si Eliana nung happy ending na sana…

 

“Well… since short lang siya, oneshot lang ginawa ko.” Sabi ko sa kaniya at binigay ko ang gawa ko. “It’s about two sisters. Si Milk at si Ciize. You know them diba?”

 

“It’s all in Milk’s point of view. Obvious naman. Pero the thing is, sa college graduation ni Milk mismo namatay si Ciize. Kung sayo, namatay si Earn, sa akin, namatay si Ciize. Balanced!”

 

“...” Tahimik siya. Tinitingnan niya ako na para bang pinatay ko ang buong ang angkan niya, Exaggerated pero, she’s looking at me as if may nagawa akong kasalanan sa Diyos!

 

“Ate–” Magsasalita na sana ako pero pinutol agad ako ng mga onti onti niyang luha. 

 

“Bakit ka ganto? Trip mo talaga angst! ‘I'm twenty two, and today is the day of my graduation.

 

However, instead of ending up at the venue, I'm standing still in front of the emergency room.’ talaga!?” Pagrereklamo niya.

 

“Kalma po, kalma! Open ending!” Sabi ko sa kaniya bago pa niya ibato sa akin ang papel na binigay ko.

 

“Sabi mo rin yan sa tragic na ginawa mo sa ViewJune! Open ending tapos nalunod na si View? Buhay pa si June? Anong magagawa nun Agaaa!” Reklamo niya at naghabulan kami sa loob ng clubroom habang ang iba ay tinitingnan kami ng walang kaalam alam kung anong nangyayari.

Forward
Sign in to leave a review.