
Inspirasyon ng aking kamay.
Kamay na apoy ang ginagamit para mag sulat, sa bawat isang salita nakaukit sa papel kung saan isang istorya ang nabubuo,
Pero papaano kapag ang bawat salitang aking ginagamit ay wala namang buhay? Na kung tutuusin, ang reyalidad ay tinutulak ako papunta sa walang hanggang kadiliman?
“...tha..”
Hindi ko alam anong aking dapat maramdaman, na sa pagsusulat na nga lang – wala pa akong talento o sigla!
Tiningnan ko ang bawat letra at ang galit sa aking puso ay namuro at napunta sa aking kamay, bagong istorya nanaman ang aking tatapusin sa isang trahedya. Ang kapangyarihan ng mga manunulat talaga… Dahil nasa kanila ang desisyon kung mauuwi ba ang lahat sa kamatayan o muling makakakita ang bukas ng kanilang mga tauhan,
“Agatha!” Pasigaw na tawag ng kaibigan ko sa’kin. Tinitingnan niya ako na tila bang nawala ako sa aking isip ng ilang oras na.
Nahulog ko ang hawak kong lapis sa gulat at
tumingin sa kaniya. Pautal kong sinabi, “A-ano po!?” dahil ako'y nagbilaan sa kaniyang pag tawag sa akin.
“Sorry, Agatha. Kaso, kanina pa kita tinatawag at di ka sumasagot. Napilitan akong sigawan ka.” Ang sinabi niya sa akin habang siya’y nakayuko.
“Okay lang, Crescent.” Sabi ko sa kaniya at pagkatapos, huminga ako ng malalim para kolektahin ang sarili ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin ngayon lang.
“Ah, ano nga pala sasabihin mo po?” Tanong ko sa kaniya at inilabas niya ang libro niya mula sa kaniyang bag at ipinakita ito sa’kin.
“May bagong release na yung paborito mong manga, bumili ako ng copy.” Sabi niya sa akin habang siya’y nakangiti at tinanggap ko ang bagong bili niyang manga.
“Thank you po, you didn’t really have to…”
#
“Aga,” Tawag sa akin ni Akisha pagkatapos ng klase. “Tawag ka raw ni Ma'am Monica sa clubroom. May new member daw kasi.”
“Thanks ‘Ki,” Sabi ko papatayo. “Nasan pala sina ‘Ara at at El?”
“Nasa clubroom din. Sabay na tayo, pinatawag lahat ng members.” Sabi niya sa’kin sabay akbay sa aking braso.
Natawa nalang ako at sabay na kaming naglakad papunta sa clubroom.
#
“Okay, journalists! May bago tayong member today.” Sabi ni Ma'am Monica sa amin at nakita ko ang bago naming kasama na nakatago sa likod niya.
Familiar yung uniform niya… teka…
“Maeve, ipakilala mo ang sarili mo. Di kami nangangagat!” Sabi ni Ma'am Monica ng pabiro at si Maeve ay hinarapan kaming lahat.
Hindi ko alam anong pumasok sa akin, pero sa mukha niyang kitang kita ang kaba..
Lumakad ako papunta sa stage, holding out my hand for her to accept.
Nagulat ang mga kaibigan ko at pati na rin si Maeve, kaya bumulong ako sa kaniya, “It's okay na kabahan, pwede mong hawakan yung kamay ko at ipikit ang mga mata mo in case na may stage fright ka.”
“...”
Tahimik siya.
Pinikit niya ang mata niya at hinawakan ang aking kamay— huminga siya ng malalim at finally; nag salita na siya.
“My name is Maeve Castillo. I'm a STEM student po, and yes I'm in senior high already.” Sabi niya ng dahan dahan. “Uhm,sumali po ako sa club na’to dahil…”
Binuksan niya ang mga mata niya at tiningnan ako.
“Well, nainspire po ako ni Agatha. Palagi ko po kasi siyang nakikita dito, she’s very consistent po at nabasa ko na po yung mga sinulat niya po.” Sa bawat bigkas ng salita ni Maeve, dinadahan dahan niya ito para malaman niyang totoong nakikinig ako. “Uhm, active po ako dito dati when I was in ninth grade pero nag quit po ako due to personal reasons.All thanks to Agatha po at nakabalik ako.”
Naririnig ko sina Akisha, Kiara, at Ella sa baba na kinikilig. Ako naman, walang masabi. Tiningnan niya ako at ngumiti, yung ngiting tagumpay ba?
“Wow! Naka-inspire ka na may mag join sa’tin, Agatha! That’s great news, diba?” Kumindat sa akin si Ma’am Monica pero hindi nawawala ang mga mata ko sa mata ni Maeve.
Kumikinang, punong puno ng adorasyon nakatuon sa akin. Feeling ko masusuka ako dahil sa biglaang mga paru-paru na nakapalibot sa aking tiyan.
Hindi ko pa to naramdaman dati. Hindi ako sanay sa ganto. Hindi ko alam ano to.
“Okay, baba na kayong dalawa, may announcement ako!” Sabi ni Ma’am Monica sa aming dalawa ni Maeve/
Dahan dahan ko siyang sinamahan pababa, sa bawat yapak niya - nakaalalay ang kamay ko sa kaniya.
“At dahil ngayon na kilala niya na ang bagong member - Meron tayong new activity!” Sabi ni Ma'am Monica na tuwang tuwa. “And ipapabasa niyo ang mga gagawin niyong istorya, is that clear ba?”
#
Isang oras na ang lumagpas, pagod na agad mag isip sina Akisha at Kiara — Si Ella? Tulog na. Buti nalang di siya sinusuway ni Ma'am.
Si Maeve naman…
“Maeve, okay ka lang po ba? You're overly focused po. I suggest taking your mind off of writing—”
“Aga, I'm a workaholic.” Sabi niya sa akin biglaan. “Sorry, ang random ‘no? That's just how I am though.”
“Gets ko po, kaya no need na mag sorry ka po for that.” Tumabi ako sa kaniya at tiningnan ang sulat niya.
Wow, ilang papel na rin ang nagamit niya…
Ilan na ba ‘to? Mukhang labing pitong papel na. Isang oras palang ang nakalipas at ang dami niyang nagawa na.
“Agatha, okay kalang ba? ‘Wag mong tingnan yung gawa ko, please. Nakakahiya eh.” Sabi sa’kin ni Maeve at siya naman tumingin sa gawa ko.
“Ang dami mo namang nagawa. Now I know kung bakit ka laging inaalok ng mga teacher sa iba’t ibang grade level na sumali sa iba’t ibang clubs.” Ngumiti siya sakin at tinaas niya ang kaniyang kamay para hamplusin ang buhok ko.
Huminga ako ng malalim. “Haah… Hindi pa naman to marami.” Sabi ko sa kaniya ng nakasimangot. “Hindi pa nga po ako tapos, just taking a break lang. Medyo sumakit na po kasi kamay ko sa kakasulat.”
Tumingin siya sa akin — at ang mga mata niya ay kumikinang…
Ahh… Agatha, masama ‘to. Ngayon mo palang siya nakilala, mas matanda siya sa’yo…
“Alam mo ba, sobrang nagw-worry ako sayo.” Sabi niya sa akin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko na para bang wala siyang pakialam sa nakapaligid sa amin. “Agatha, ang bata mo pa, sobrang overworked ka na.”
Ang bata mo pa.
“Okay lang naman ako! Nothing to worry about me talaga, Maeve.” Sabi ko sa kaniya at binalik ko ang atensyon ko sa pagsusulat.
Onting onti nalang, nararamdaman ko na namumuro na ang mga nararamdaman ko ngayon. Matutuwa ba akong may nakapansin kung gaano na ako kapagod o malulungkot na bata nanaman ang turing sa akin?
Kung tutuusin, totoo namang bata palang ako. Kinse palang! Si Maeve… well, hindi ko sure?
Pero, hindi naman mababago ang fact na bata lang talaga ako. Batang walang alam, batang walang pinagdaanan.
Palagi namang ganto. Walang nagbago.
“Agatha, okay kalang–” Naputol ang sinasabi ni Maeve noong biglang tumunog ang bell sa school. Biglang nagising si Ella habang sina Akisha at Kiara naman, tumigil sa pag uusap.
“Okay, mukhang wala na tayong time.” Tungo ni Ma’am Monica sa’min. “Take home activity nalang yan, bukas na kayo mag present ng sarili niyong works, okay?”
“Opo!” Sabi naming lahat na nasa clubroom.
Kami ay nag si-alis sa silid aralan at umuwi sa aming sari-sariling mga bahay, ngunit hindi pa rin maalis sa aking isip ang kaniyang sinabi.
Bata ka pa.
Biglaan, tumunog ang aking cellphone – at nakita ko na idinagdag ni Ma’am Monica si Maeve sa aming group chat.
Ako na ang naunang bumati sa kaniya at bigla, nakita ko na siya ay nag text sa akin.
From: Maeve Castillo
“Agatha.”
“Hi, pagpasensyahan mo na ang biglaang text ko.”
“Nagaalala pa rin ako. Kanina pa, actually. May nasabi ba akong mali?”
Tiningnan ko ang text niya. Hindi naman naka-seen since nakapatay yung status ko. Pagkatapos ng ilang minuto, nag text ako pabalik sa kaniya.
To: Maeve Castillo
“Good evening, Maeve!”
“I don’t mind random chats ah? Feel free to text me anytime po!”
“Also, wala naman. May iniisip lang po talaga ako. LOL”
Yumuko ako at inilapag ang aking cellphone sa lamesa katabi ng aking kama.
Panibagong sinungaling. Hanggang kailan ko ba ‘to gagawin?