morning, kumusta ang tulog mo?

BINI (Philippines Band)
F/F
G
morning, kumusta ang tulog mo?
Summary
A Lumpiang Hamon One-shot Taglish AU wherein BINI is booked and schedules have to be overlapped. What can Maloi do when an unexpected turn of events leaves her stuck?
All Chapters Forward

Chapter 1

 

maloi




Training lang ang alam ko na schedule namin ngayon besides yung meeting kanina. Which is less hectic than usual these days kaya, thank you Lord!

 

Lunch break namin ngayon at pumunta nalang kami sa malapit na kainan dahil maikli lang ang oras na binigay sa amin. Marami pa kasing choreo na kailangan i-practice tapos polishing din para sa ibang mga kanta. Pagbalik naman namin, the management told us na may live kami sa website mamaya. Na-excite naman ako kasi magkakaroon nanaman kami ng interactions with our BLOOMs.

 

There’s just a small problem though, we weren’t informed beforehand and most likely super haggard namin if wala kaming break before it. With the discussion over and done with, sana i-consider nila na makapagpahinga kami, kahit konti lang, para naman may energy kami.

 

Matapos nun, tuloy ulit ang practice namin. Unfortunately for us, gipit talaga sa oras kaya konti lang yung oras na binigay para makapag-ayos kami ng sarili namin.

 

Loi, ok ka lang ba?” tanong ni Col sa akin habang papalapit.

 

Medyo low energy lang kasi pagod” sagot ko pabalik.

 

Gusto mo ng granola?” sabay abot sa akin ng favorite granola bar ko.

 

Yes please

Paano mo alam na ito yung gusto ko?

 

Di mo ba natatandaan na binigyan mo ako ng ganyan dati kasi sabi mo masarap siya?” sagot niya.

 

Syempre di ko na matandaan kung kailan yun nangyari. Ang tagal na siguro nun, but I appreciate this nonetheless.

 

Ay weh? Thank you for this, Col” sabay yakap ko sa kanya.

 

Nangyakapin niya ako pabalik, doon ko naramdaman kung gaano katagal ko na hindi nayakap si Colet. Ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap niya na para bang nalulusaw ang pagod na nararamdaman ko.

 

And seemingly knowing what I need, “Uyab? Upo tayo doon sa may couch oh? Pahinga ka muna” tumingin naman ako sa mga mata niya, she looks concerned. I nodded at her.

 

Hinawakan ko kamay niya at hinila siya paupo sa couch, “You need to rest too, di lang ako” sabi ko sa kanya. 

 

Pagkaupo namin sa couch ay agad ko namang siniksik siya sa may gilid nito. Ewan ba, nakasanayan ko lang siguro. She gestured for me to lay my head on her shoulder and to be honest, bakit pa ako magpapabebe?

 

Salamat uyab” ang huling mga salita na sinabi ko bago ako nakatulog.



~~~



Nagising ako matapos ng ilang minuto. Nakayakap na ako sa bewang niya at ang mga binti ko naman ay nakapatong na sa mga binti niya. Nahiya naman ako kasi talagang siksik na siksik na siya sa dulo ng couch but she was asleep too.

 

I tried looking for a way to remove myself from her so she could sleep more comfortably. But, that’s when I realized that she had her arm around me. I was sleeping on her arm and her hand was hugging my waist.

 

Wala akong kawala at alam ko namang mabilis lang magising ito kaya huminga nalang ulit ako sa kanya. Nanggawin ko naman ito, hinigpitan niya ang hawak niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Mukhang tulog pa naman, kaya pinikit ko na rin ang mga mata ko. But just before I fall asleep, I hear the girls from the hallway.

 

I tapped her chest to wake her up, “Col, gising na, malapit na tayong mag-live” dahan-dahan niya namang binuksan ang mga mata niya, ngumiti naman ako.

 

Morning, kumusta ang tulog mo?” tanong ko. Umiwas siya ng tingin, at pumikit.

 

Best sleep I’ve gotten this week to be honest” she says still with her eyes closed, inalis ko naman na ang sarili ko sa kanya para makapagstretch.

 

Hindi ka nanaman ba nakakatulog nang maayos?” tanong ko ulit bago tumayo.

 

Parang ganun na nga. Matagal naman tulog ko, sadyang parang di lang ako nakakapagpahinga” kwento niya.

 

Baka miss mo lang si Shee katabi” pabiro kong sinabi.

 

Baka miss ko lang may katabi period” sabi niya habang nakatulala sa floor.

 

Pumasok naman ang girls, mukhang pagod pa rin dahil sa training pero kasi live ito para sa BLOOMs, I think it’s safe to say na nadagdagan energy namin. 

 

Umupo muna kami sa may gilid habang inaayos nila ang set up para sa live. The cameras, the sound, the lights, haaaayyy di ko inexpect na aabot kami dito pero eto na. 

 

Medyo overworked, oo, pero kung tutuusin, sino ba namang hindi in this society, di ba? We’re all just working hard to make a living and I’m super blessed to have the girls with me in this.

 

Then tinawag na kami para sa live kaya naman umupo na sila sa couch na nasa harap ng camera. The live went on like usual, purely BINI chaos pero ano nga ba ang BINI kung walang kaguluhan sa mga lives?

 

Nagpractice ulit kami pagtapos nun. At dahil sa pagmamadali kong pumasok kanina, nakalimutan kong magdala ng pamalit. Napansin ko lang ngayon kasi kukunin ko na sana siya. Katatapos lang ng prac namin. Wala na akong magagawa 

 

When I got home, I took a hot shower. Medyo masama na pakiramdam ko pero baka wala lang ito. Marami lang talaga kaming ginawa ngayon kaya pagod na pagod katawan ko. I don’t think it’s anything a good sleep couldn’t fix.



~~~



It’s bright and early pero ito ako ngayon, tumatakbo. Na-late nanaman ako ng gising kasi hindi ko narinig alarm ko.

 

Pagdating ko sa practice room, agad namang lumapit sa akin si Colet, “Bakit ka pa pumasok?

 

Ayaw na ba nito kasama ako? Sakit mo naman beh. Biglang sumakit ulo ko at nahihilo na ako. Nabigla ko ata katawan ko ah.

 

Loi, ok ka lang ba?” hinawakan niya mga braso ko. Medyo malabo na boses niya, parang nasa tubig lang. Napangiti naman ako.

 

Uy, Maloi? Sagu–” yun ang huli kong narinig mula sa kanya.

 

Hay nako, Ma. Nicolette Vergara, masyado mo na akong kabisado — pati yung little details ata napapansin mo na. You’re my safe space talaga through and through.

Forward
Sign in to leave a review.