morning, kumusta ang tulog mo?

BINI (Philippines Band)
F/F
G
morning, kumusta ang tulog mo?
Summary
A Lumpiang Hamon One-shot Taglish AU wherein BINI is booked and schedules have to be overlapped. What can Maloi do when an unexpected turn of events leaves her stuck?
All Chapters

Chapter 2

 

colet




Pumasok si Maloi ng practice room na pawisan, mukhang nagmamadali. Wala naman kaming training ngayong umaga pero ginusto kong pumunta para ma-practice ko ‘yung mga hindi ko nakuha kahapon.

 

Bakit kaya nandito ito? Ang aga aga, more than four hours before our training. I jog towards her.

 

Ang putla niya? May sakit ito for sure, “Bakit ka pa pumasok?” tinanong ko siya at tinitigan lang ako.

 

Loi, ok ka lang ba?” tinanong ko siya ulit at ngumiti lang siya sa akin.

 

Kumusta naman Loi, namumutla ka na nga pinilit mo pang pumunta. Ngayon parang nababaliw pa. Mukhang nanghihina na nga eh kaya hinawakan ko na mga braso niya. Aba pati katawan niya ang init na.

 

Uy, Maloi? Sagu–” at ayun na nga, nahimatay na siya. Buti nasalo ko siya.

 

I slowly laid her down on the floor, face up and tried waking her up. Nagising naman siya after a few tries but was completely unaware of what happened.

 

Loi, papunta tayong clinic ah?” sinabi ko.

 

I carried her on my back ‘cause I figured that it’ll be safer for her to be there than if I try to just assist her in walking. While on the way, there were times that I’d tighten my grip on her and she’d tighten her hold on to me too. I honestly thought it was adorable.

 

Pagdating namin sa clinic, sinabi ko sa nurse kung anong nangyari. She checked her temperature along with her routine checks. She says it was a good thing I was there, ‘cause if I didn’t catch her, she might have to be taken to the hospital for further analysis.

 

Tulog naman na siya bago ako umalis para sa recording at practice namin ni Shee. Buti talaga kami yung unang tuturuan today, parang nag-align ang mga ganap ko.

 

Everything went smoothly, I also told Coach that Maloi’s sick and won’t be able to come to training today. I told the girls what happened kasi lahat kami naghihintay sa may room kanina. Iba iba kami ng schedule ngayon, kaya naman sinabi nalang nila sa akin na i-update ko nalang sila tungkol kay Maloi.

 

After Shee and I’s duo practice, I went back to the clinic to see Maloi still sleeping. In-update na rin ako ng nurse kung kailan siya last na uminom ng gamot at iba pang binigay niya sa kanya.

 

Lumapit naman ako kay Maloi pagkatapos akong kausapin ni Nurse.

 

Thanks Col, na nandoon ka” sabi niya naman habang nakahiga at may fever cooling pad sa noo.

 

Bakit mo pa kasi pinilit pumunta?” halata na bwisit ako.

 

Ok lang talaga ako kanina bago ako dumating sa practice room. Biglaan lang ako nahilo tas ayun, nandito tayo” paliwanag niya at ngumiti pa sa dulo.

 

Hay nako Loi, wala nga tayong full performance practice ngayon. Sa umaga, recording lang ta’s may irerecord para sa brand deal, pero ang alam ko di pa tayo scheduled today” sinabi ko sa kanya.

 

At duo training pala” I remind her.

 

Ah ganon ba?” she shyly looked away.

 

Nurse, pwede na po ba siyang iuwi sa condo?” I ask.

 

Pwede naman po. Para mas komportable siya kaysa dito” sinagot niya naman sa akin at nagpasalamat ako.

 

Tara na, uwi na muna tayo” sabi ko sa kanya.

 

Tayo?” tinaong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

 

Oo, sa tingin mo pababayaan kitang mag-isa eh may sakit ka? Syempre hindi” sagot ko sa tanong niya.

 

Kinuha ko na ang mga gamit namin at dahan dahan siyang inalalayan papunta sa sasakyan.

 

Paano na recording mo? At yung training mamaya?” tinanong niya pagpasok namin sa sasakyan.

 

Tapos ko na. Kanina ka pa kaya tulog diyan. Tapos na rin kami ni Shee sa training namin ngayon. Naka focus na dapat ngayon sa duos nila Gwen at Mikhs” I assure her.

 

She looks satisfied with the answers she got. We were quiet the entire ride, in comfortable silence while her hand is holding mine and I get her occasional thumb rub to the back of my hand. She truly gives me comfort when I don’t even know I’m getting too worked up.

 

Once we arrived in my apartment, I tucked her in bed and replaced the fever cooling pad on her forehead. Thankfully, she fell asleep a lot faster than I thought she would. So, I was able to clean up my unit and myself. Pagkatapos nun, binalikan ko si Maloi sa kwarto at tinignan ang temperature niya.

 

37.9. Ang taas pa rin, pero at least bumaba na kaysa sa temp niya kanina. Anong oras na ba? 

 

Tinignan ko ang oras. It’s been almost 6 hours since she’s taken the medicine. So, she needs to eat na para makainom ng gamot.

 

Buti may soup pa ako dito, linuto ko yung cream of corn na soup packet at dinala ko sa kwarto. I woke her up and made her sit up leaning on the headrest.

 

Kainin mo na yan habang mainit pa para pagkatapos, inom ka na ng gamot” I explained.

 

Ih, ayoko. I want you to feed it to me pweaaassseee” aba may konting energy na, she said that with a pout.

 

Sino ba naman ako para tumanggi? May sakit na nga yung tao eh, kawawa naman.

 

Kinuha ko ang kutsara at konti konting pinakain sa kanya ang soup hanggang maubos ito. Matapos nun, binigyan ko na siya ulit ng gamot at tinignan ang oras para malaman ko kung anong oras ko ulit siya paiinumin ng gamot.

 

I force her to take a hot bath para gumaan naman ang pakiramdam niya kahit konti.

 

Col, buksan mo nga bag ko. Nandiyan pamalit ko” sigaw niya sa loob ng bathroom.

 

Binuksan ko at nakita ko na crop top at sweatpants ang dala niya. Kaya kinuha ko nalang ang naiwan niyang pantulog dito last time.

 

Kumatok ako sa pintuan ng bathroom, “Pamalit mo po” I said, at nang bumukas ang pintuan inabot ko sa kanya ang damit.

 

Nasa iyo pala itong favorite pjs ko. Akala ko nawala ko na sila” sabi niya paglabas niya.

 

Sabi mo iiwan mo siya para next time na unexpected kang matutulog dito, may pantulog ka” I recalled.

 

Ah ganon ba? Hehe sorry na abala pa kita” she shyly said habang kinukuha ‘yung isang unan.

 

Ba’t mo kinukuha ‘yung unan?” lumapit ako sa kanya at hinawakan ang unan.

 

Sa couch ako matutulog, kama mo pa rin naman ito eh. Nakakahiya naman kung kukunin ko for the night

 

Alam mo namang hindi kita papayagan na matulog doon. Dito ka na sa kama” nakakunot na naman noo niya.

 

Tabihan mo nalang ako. ‘Di ba sabi mo na baka ‘di ka makatulog kasi wala kang katabi? Oh ayan, may katabi ka na” sabi niya habang tinuturo ang sarili niya.

 

Hala, joke lang ‘yun eh. Pero at least alam ko na gumagaling na siya at nakikipag-away na siya.

 

Sige naaaaa” lumapit naman siya sa akin at yinakap ang braso ko.

 

Sige na nga” ang laki ng ngiti niya at humiga na sa kama.

 

She looked at me and tapped the other side of the bed. Ang cute talaga niya kapag ganito siya.

 

Inayos ko naman ang alarm ko para magising ako ‘pag kailangan niya nang uminom ng gamot. Tumabi na ako sa kanya at pinatay ang mga ilaw. Kinumutan ko siya nang maayos bago ko sinubukan matulog.

 

Weirdly, ramdam ko ‘yung antok ko ngayong gabi at hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako.



~~~



I woke up earlier than I expected. Bumangon ako agad at linagay ang likod ng kamay ko sa noo ni Maloi. Medyo mainit pa rin siya pero at least hindi na kagaya kahapon. May training pa kami mamaya and for sure ipipilit niya na nandoon siya.

 

Bumangon naman na ako sa kama kasi kailangan niyang kumain bago uminom ng gamot. So, I cooked us breakfast in the kitchen and fixed it up in the dinning table.

 

Ginising ko na siya, “Morning, kumusta ang tulog mo?” I asked when she opened her eyes, ngumiti naman ako sa kanya.

 

It was great. And I think it was better kasi katabi kita” she smiled and hugged me.

 

Bangon nga na, may umagahan na tayo” pagbulong ko sa kanya.

 

Pa-fall na naman siya. Gumagaling na nga.

 

Wait lang, Colet. "Pa-fall"? Bakit mo naman naisip 'yun?

 

Biglang ginugulo ako ng puso ko. Ang lakas ng tibok nito na parang bang kumakatok siya at may gustong sabihin. Pero nakatakip tenga ko, hindi 'yan ang focus ko ngayon. Dapat makainom na ng gamot si Loi soon.

 

Seryoso? Ang tagal mo na akong hindi linutuan ah?” masaya niyang sinabi at agad na bumangon.

 

Matapos ng agahan, kusa na siyang uminom ng gamot niya kaya naman nakapag-ayos ako ng gamit. Dahil alam kong pupunta ito ng practice, I packed her medicine and some fever cooling pads along with a blanket and jacket just in case.

 

Training was as grueling as expected. Somehow Maloi was able to keep standing. I was monitoring her as well. Kung hindi halata, kinakabahan ako na biglang mahimatay nanaman siya kaya binabantayan ko.

 

We had a break at nag-refill naman ng tubig ang ibang girls. Linapitan ko ulit si Maloi, na nakaupo sa lapag at nakatingin sa salamin sa harap.

 

How are you?” tanong ko habang chinecheck temperature niya.

 

Ito, pagod” sabi niya habang nakangiti at tumawa.

 

Ok lang talaga ako Col. You worry too much about me” pagtuloy niya.

 

Eh kagagaling mo lang kasi sa sakit. Baka nakakalimutan mo na nahimatay ka kahapon” I sternly said with my eyebrows together.

 

Natatandaan ko. You don’t have to worry too much, I can handle myself

 

Aba, was yesterday really something you can use as an example of “I can handle myself”?

 

Sus sa ‘I can handle myself’ eh kagabi nga galit na galit ka kapag ‘di ako nakayakap sa iyo” I tease. Umiwas naman siya ng tingin.

 

Why do you care so much, Col? Why do you care so much about me?

 

Ang seryoso naman ng pagsabi nito? Aahhhhmmm ano pong nangyare maem?

 

Kasi…” ‘di ko rin alam kung anong isasagot ko po diyan, opo. She looks at me.

 

Kasi kaibigan kita. And isn’t it the basic requirement of friendship to care for each other?

 

Ok na sagot ba ‘yun? The challenges talaga na kailangan kong tahakin.

 

Ah ok” dismayado niyang sinabi.

 

Mali ba sagot ko? May mali bang sagot?

 

Lumapit ako sa kanya, “May problema ba?” tanong ko.

 

Wala naman, na-curious lang ako kung bakit” 

 

Ikaw? Why do you push yourself too hard?” tanong ko sa kanya.

 

Tumahimik siya kaya pareho lang kaming nakatingin sa salamin ng practice room ngayon.

 

Because I don’t want to regret anything. Alam ko kasi na darating ang panahon na babalikan ko ang lahat ng ito at sana… sana sa mga panahon na iyon wala akong rineregret” sabi niya.

 

Kaya pinipilit ko na pumunta sa trainings kahit pagod ako o may sakit ako. ‘Cause these are the moments with you guys that I won’t be able to bring back” she said as she hugged her legs.

 

Rinig ko na pinipigilan niya lang ang mga iyak niya kaya yinakap ko siya ng mahigpit.

 

Uy, Loi. Matagal pa ‘yun, at kung dumating man ang panahon na iyon. Naniniwala ako na nandito pa rin kami para sa iyo. Walo hanggang dulo, di ba?” natawa naman kami sa reference.

 

And maybe I care so much dahil mahal ko kayo, mahaaal na mahaaal ko kayo na ayaw ko kayong nasasaktan” bulong ko sa kanya.

 

Linapit ko naman ang mga labi ko sa tenga niya, “Mahal kita, Maloi. Mahal na mahal” pabulong kong sinabi at hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

 

Pumasok naman ang mga girls at nakitang yinayakap ko ang umiiyak na Maloi. Kaya dali dalian silang lumapit sa akin at yinakap din siya.

 

Since Day 1, you’ve been my comfort, Mary Loi Yves Ricalde and I honestly doubt it’ll change. Kaya naman kung kailangan mo rin ako, nandito lang ako sa tabi mo.

Sign in to leave a review.