
Kapareho
Sunod-sunod na tunog ng notifications ang gumising kay Maloi mula sa mahimbing na tulog. Napasinghap siya bago idinantay ang isang braso sa kanyang mata, pilit nilalabanan ang antok at pagod mula sa event kagabi. Late na silang lahat nakauwi matapos ang matagumpay na pagtatapos ng kanilang meet-and-greet—isang gabi ng walang sawang kwentuhan, tawanan, at saya kasama ang Blooms. Ngunit kasabay ng kasiyahan ay ang matinding pagod na ngayo’y ramdam na ramdam niya.
Napabuntong-hininga siya bago kinuha ang phone sa bedside table, agad na binuksan ang group chat nila. Mabilis niyang in-scroll pababa ang mga mensahe, ang liwanag ng screen halos nakapikit pa rin niyang tinititigan.
Jho: Don’t forget yung call time later—1 PM for training. Don’t be late.
Sheena: Ang ma-late, sagot ang dinner!
Aiah: Buti na lang kanina pa ‘ko gising.
Stacey: Mikha gising na!
Jho: Ate Maloi, ‘wag lang pa-like like!
Sheena: Si bebe nag-seen na din!
Aiah: Si Colet wala pa ba?
Napailing si Maloi habang binababa ang phone niya sa tabi. Wala siyang balak sumagot—mamaya na, kapag mas gising na siya. Mas gusto pa niyang namnamin ang lambot ng kama, ang init ng kumot, at ang tahimik na umaga na wala pang camera o rehearsal.
Pero bago pa siya muling makapikit, naramdaman niya ang isang braso na mahigpit na pumulupot sa kanyang bewang.
“Let’s sleep pa, Uyab… Later na po ‘yan,” bulong ni Colet, ang boses nito garalgal pa sa antok. Isinisiksik niya ang mukha sa leeg ni Maloi, ang malalim niyang paghinga ramdam sa balat nito. Napangiti si Maloi. Ilang beses na ba itong nangyari? Ilang beses na niyang ginising si Colet, pero ganito pa rin—laging may lambing, laging may pakiusap, at laging mahirap tanggihan.
Hinagod niya ang likod ni Colet, hinahayaan itong manatili sa kanyang tabi kahit alam niyang kailangan na nilang bumangon. Just five more minutes…
Pero alam niyang hindi pwede.
“Time to wake up na po,” mahina niyang sabi. “Magla-lunch pa tayo, tapos prep. 1PM ang call time. Nag-remind na si Jho.”
Lalong dumantay si Colet, ang braso nito mas humigpit sa pagkakayakap. “Five minutes…” pakiusap niya, ang boses halos isang bulong lang. “Cuddle muna tayo, Uyab…”
Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ni Colet, ang daliri niya naglalaro sa malalambot nitong buhok. "You know what? I'm sure magugulat ang Blooms kapag malaman nila na ang maangas na sunshine protector ay ganito magpababy sa akin."
Ilang saglit ang lumipas bago nagsalita si Colet, mahina at halos hindi marinig. “Secret lang natin ‘to, Uyab…” Pero ramdam ni Maloi ang maliit nitong ngiti.
Limang taon na silang magkasama—mula sa pagiging auditionees sa isang local TV network, hanggang sa pagiging trainees, magkasabay nilang pinagdaanan ang lahat. Ang hirap, ang pagod, ang mga gabing gusto nilang sumuko pero hindi pwede.
At ngayon, nandito na sila. BINI. Hindi lang pangarap na lang. Totoo na.
Habang lumalaki ang kanilang fanbase, mas napapansin ng tao ang closeness nila. Hindi nakapagtataka nang simulan silang i-ship ng fans. Habang ang ibang members ay natatawa lang, hindi kailanman naging awkward para kay Maloi at Colet ang pagiging malapit sa isa’t isa. It was natural. Effortless even.
At siguro, iyon ang pinakamasarap na parte.
Walang kailangang i-fake.
Dahil lahat ng ito—sila—totoo.
Habang nag-aayos si Maloi ng isusuot mamaya, naamoy niya ang mabangong halimuyak ng sinangag na may maraming bawang, corned beef na may maraming sibuyas, at itlog mula sa kusina. Hindi niya napigilan ang munting ngiti na sumilay sa kanyang labi habang palihim na sumilip papasok.
Nakita niya si Colet—abala sa pagluluto, nakasuot pa rin ng oversized shirt at shorts, ang buhok nakatali lang nang walang ayos. Effortless lang talaga siya, kahit kailan.
Medyo napahinto si Maloi, pinagmamasdan lang ang kasintahan na parang hindi napapansin ang presensya niya. Pero ilang saglit lang, biglang lumingon si Colet, halatang alam na pinapanood siya.
"Uyab, upo ka na dyan, ako na bahala dito," sabi ni Colet, hindi man lang lumilingon habang inaalog ang kawali para pantayin ang pagkakaluto ng corned beef.
"Wow ha, ang sipag mo ngayon," natatawang sagot ni Maloi habang naglakad papunta sa dining table at naupo. "Sanay akong sabay tayong nagluluto, pero ngayon, solo mo na?"
Colet smirked, flipping the egg on the pan effortlessly. "Gusto kitang i-spoil today. Alam kong pagod ka pa."
Natigil sandali si Maloi, resting her chin on her palm, watching her. May kung anong init na sumilay sa kanyang dibdib, hindi dahil sa pagkain kundi dahil sa taong nasa harapan niya.
Hindi niya napigilan bumalik sa isip niya ang gabing unang inamin ni Colet ang nararamdaman niya—ang gabing nagbago ang lahat.
Flashback
"Loi..."
Boses ni Colet ang pumunit sa tahimik na dressing room. Kakatapos lang ng meet-and-greet event ng BINI para sa kanilang second anniversary. Halos wala nang tao sa backstage—silang dalawa na lang ang naiwan.
Maloi, na kanina pa abala sa pag-aayos ng gamit niya, agad na tumingin kay Colet. Kitang-kita niya ang seryosong ekspresyon sa mukha nito—hindi tulad ng usual na Colet na palaging may ngiti o birong nakahanda.
"Tara na, Colet. Uwing-uwi na ako," sabi ni Maloi habang inaabot ang kamay ni Colet, automatic na parang muscle memory na nilang dalawa. Pero sa halip na ipagsaklop ang kanilang mga kamay gaya ng nakasanayan, pinigil siya ni Colet.
May saglit na katahimikan.
"May gusto akong sabihin."
Maloi felt something in her chest tighten. Hindi niya alam kung bakit, pero ramdam niyang mahalaga ang sasabihin ni Colet. Matagal na niyang napapansin na parang may bumabagabag dito nitong mga nakaraang araw.
"Ano ‘yun?" tanong niya, pilit na pinapanatiling kalmado ang boses niya.
Colet took a deep breath, as if preparing herself. "Loi, matagal na kitang gusto."
Tumigil ang mundo ni Maloi sa mga salitang ‘yon. Para bang biglang humina ang lahat ng ingay sa paligid, at ang tanging naririnig niya lang ay ang sariling tibok ng puso niya.
"Colet… ano?"
Pero hindi nag-atubili si Colet. Diretso lang siya, tulad ng palagi niyang ginagawa. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga bolahan, ‘di ba?"Mahina pero matatag ang boses niya. "Hindi lang dahil sa ship, hindi lang dahil sa fans. Totoo 'to, Loi. Totoo ‘to para sa akin."
Maloi could only stare at her, speechless. Ilang beses na ba silang nagbibiruan tungkol sa mga fanservice nila? Ilang beses na ba silang napagkamalang may something—at ilang beses na ba nilang tinatawanan lang iyon? Pero ngayon… ngayon, wala nang halong biro.
Colet looked at her, eyes soft yet full of emotions. "Alam kong bawal… pero hindi ko na kayang itago."
Napakurap si Maloi. Ilang segundo siyang hindi nakasagot. Pero sa loob-loob niya, hindi na siya dapat nagugulat. Dahil kung magiging totoo siya sa sarili niya… matagal na rin niyang nararamdaman ang pareho.
Isang maliit na ngiti ang unti-unting gumuhit sa labi niya. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ni Colet, mas mahigpit kaysa dati.
"Ikaw lang naman hinihintay kong umamin eh," bulong niya, kasabay ng isang tawa. "Akala mo ikaw lang? Matagal na rin kitang gusto, Colet."
Nagulat si Colet sa sinabi niya, pero ilang segundo lang, napalitan iyon ng isang maluwag at genuine na ngiti. Bigla siyang napayakap kay Maloi, mahigpit, puno ng emosyon.
"Loko ka pala eh, hinintay mo pa ko!" bulong niya sa leeg ni Maloi, halos naiiyak sa tuwa.
Maloi chuckled, inhaling the familiar scent of Colet. "At least ngayon, hindi na natin kailangang magpanggap."
"Uy, uyab, daydreaming ka nanaman diyan," biro ni Colet habang dahan-dahang inilapag ang plato sa harap ni Maloi.
Napabalik sa realidad si Maloi, bahagyang natawa. Hindi niya namalayan na masyado siyang napatagal sa sariling alaala—mga sandaling paulit-ulit niyang binabalikan sa isipan niya, lalo na sa mga ganitong tahimik at intimate na umaga.
"Wala ah," sagot niya, pero halata sa mukha niyang kanina pa siya lumilipad.
Colet raised an eyebrow, amusement dancing in her eyes. "Hmm? Sige na, anong iniisip mo?" tanong niya habang nagsimulang kumuha ng pagkain, iniabot pa kay Maloi ang kutsara para masiguradong kakain na ito.
Maloi smirked, sumandal sa sandalan ng upuan, pinagmasdan si Colet na parang hindi makapaniwala kung gaano siya kaswerte. "Iniisip ko lang... paano kung hindi mo inamin yung feelings mo noon? Siguro hanggang ngayon, nagpapakiramdaman pa rin tayo."
Colet rolled her eyes playfully, sabay kurot nang mahina sa braso ni Maloi. "Hala, ang daming ‘what if.’ Buti na lang umamin ako, diba?"
Maloi chuckled, hinawakan ang braso ni Colet at marahang hinaplos. "Oo nga, buti na lang."
Isang saglit ng katahimikan ang dumaan bago niya hinawakan ang kamay ni Colet sa ilalim ng mesa, marahang pinisil ito—hindi kailangan ng maraming salita, dahil sapat na ang simpleng haplos para iparamdam kung gaano siya nagpapasalamat.
Dahil sa totoo lang, wala nang dahilan para isipin ang mga "what ifs." Hindi na ito tungkol sa script, hindi na ito tungkol sa fanservice, at hindi rin ito tungkol sa kung anong gustong makita ng mga tao.
Ang tanging mahalaga ay silang dalawa—ang katotohanang sila ay totoo.
Maya-maya, nagtawanan sila, walang pakialam sa oras o sa mundo sa labas ng maliit nilang condo. Sa pagitan ng pagbibiruan, pagsubo ng pagkain, at palihim na hawak-kamay sa ilalim ng mesa, alam nilang hindi lang ito isang ordinaryong lunch.
Ito ang pruweba na lahat ng pinaglaban nila noon—lahat ng patagong sulyap, lahat ng palihim na paghawak ng kamay, lahat ng takot at pangambang unti-unting nawala—lahat ng iyon, worth it.
Pagdating nina Maloi at Colet sa training room, agad silang sinalubong ng tingin ng ibang girls. Naka-upo sa sahig sina Stacey at Gwen, parehong nag-i-stretching, habang sina Aiah at Sheena naman ay nagkukulitan sa isang sulok. Samantala, si Mikha at Jho ay abala sa pag-aayos ng speaker.
Hindi pa man sila nakakalapit nang tuluyan, bumungad na agad ang asaran.
"Uy, sabay na naman dumating!" sigaw ni Stacey, sinundan ng hiyaw ni Sheena. "Baka naman same pa ng pinanggalingan, ah?"
Napailing si Maloi, sabay tawa. "Grabe kayo, magkasabay lang pumasok, may meaning na agad?"
"Eh sino bang laging magkasama?" singit ni Aiah, nakataas pa ang kilay. "Kaya hindi na nakakagulat."
Colet rolled her eyes pero di napigilan ang ngiti. "Dinamay pa ako."
Mikha smirked, sabay lingon kay Jho. "Ano, Jho? Walang violation ba?"
Doon pa lang, napataas na ang kilay ni Jho. Ibinaba nito ang hawak na phone at tumikhim, kunwaring seryoso. "Girls, may paalala lang ako, ha."
Biglang natahimik ang grupo, sabay-sabay na nag-abang sa sasabihin niya.
"Alam niyo namang bawal ma-fall sa isa't isa," sabi ni Jho, sinamahan pa ng isang makahulugang tingin kay Maloi at Colet. "Nasa contract natin ‘yan."
Nagtinginan ang iba, tapos halos sabay-sabay na nagtawanan.
"Eh paano kung matagal nang lagpas sa falling stage?" tukso ni Mikha, sabay kindat kay Colet.
Colet, trying hard not to look flustered, kinuha ang water bottle niya at pinatong sa ulo ni Mikha. "Mag-training ka na lang kaya, Mikha."
Sheena laughed. "Defensive! Pero legit, Jho, paano kung accidental falling?"
Jho crossed her arms, kunwaring seryoso pero halatang natatawa na rin. "Then… contract breach ‘yan!"
Maloi smirked, tumingin kay Colet na bahagyang namumula pero pilit nagpapaka-deadma. Nagbaba siya ng boses at bumulong, "Uyab, narinig mo ‘yon? Bawal daw ma-fall."
Colet turned to her, isang masamang tingin ang ibinigay pero hindi nakatakas kay Maloi ang bahagyang ngiti sa labi nito. "Too late na ‘yon, Uyab."
Matapos ang isang nakakapagod na training nila, lumapit si Jho kay Colet.
"Ate Colet, samahan mo naman akong lumabas. Kailangan ko lang bumili ng ilang gamit," sabi ni Jho habang nag-aayos sa dressing room.
Colet, who was scrolling through her phone, glanced up and smirked. "Wow, biglang pa-ate. May kailangan ka lang eh, no?"
Jho laughed. "Syempre! Pero gusto ko rin naman mag-bonding tayo. Hindi lang tayo nagkakaroon ng time lately."
Wala namang rehearsal o schedule that afternoon, kaya pumayag si Colet. Mabilis silang nag-ayos at lumabas para mag-shopping. Naglibot sila sa isang mall, patingin-tingin ng mga damit, sapatos, at ilang essentials.
Pero hindi nila inaasahan na may makakakita sa kanila.
Habang nasa isang store, may isang fan na biglang lumapit. "Omg, si Ate Colet at Ate Jho!"
Mabilis lang sana nilang nginitian at kinawayan, pero bago pa nila namalayan, mas dumami na ang mga fans sa paligid nila. May mga nagpapa-picture, may nagpapasign, at may ilang kumuha ng video.
Pagkauwi nila, nakita nilang nag-trending na sa Twitter ang pangalan nila.
"Jholet mall date?!"
"Jholet supremacy!"
"Macolet pa rin ako, sorry 😭"
Napailing si Colet habang tinitingnan ang tweets. "Grabe, ang bilis talaga ng blooms."
Jho laughed habang nagda-drive pauwi. "Eh kasi naman, rare tayo lumabas na tayong dalawa lang. Kaya ayan, may bagong sub-ship na tayo."
Colet smirked. "Tsk, pero kita mo, Macolet pa rin talaga ang gusto ng karamihan."
"Syempre!" Jho teased, giving her a side glance. "Alam naman ng fans kung sino ang magka-level ng closeness. Kahit close tayong lahat, iba talaga ang Macolet."
Colet chuckled. "At syempre, Mikhaiah."
Jho nodded. "Oo naman. Yung dalawang ‘yon, ibang breed ng ka-close-an. Pero ikaw, aminin mo, mas iba talaga ang closeness niyo ni Ate Maloi."
Napatingin si Colet kay Jho, a knowing smile on her lips. "Well… sanay na kasi kami sa isa't isa. Matagal na kaming magkasama. Ikaw, kilala mo naman kami pareho."
Jho hummed in response. "Oo naman. Pero Ate Colet, seryoso ah…"
Colet turned to her, raising an eyebrow. "Ano na naman ‘to?"
"Bawal ma-fall sa ka-member," Jho said in a teasing yet half-serious tone. "Nasa contract natin ‘yan."
Colet scoffed but smiled. "Paulit-ulit ka, Jho."
Jho grinned. "Eh kasi naman, baka nakakalimutan mo."
Colet shook her head, looking out the window. Bawal ma-fall. Pero paano kung matagal na siyang nahulog?
Isang maingay at masayang araw para sa BINI—isa na namang successful event para sa isa sa kanilang endorsements. Habang abala ang ibang members sa pakikipagkulitan sa hosts at guests, si Maloi at Colet naman ay nasa isang tabi, tahimik pero hindi mapagkakailang magkasama.
Sa gitna ng ingay, may isang cameraman na hindi sinasadyang mahagip sila sa isang candid moment. Sa likod ng stage, habang naghihintay ng susunod na segment, si Maloi ay abala sa pag-aayos ng mic pack ni Colet. Dahan-dahang inaayos ni Maloi ang wire sa likod ng damit ni Colet, habang si Colet naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya, may malambing na ngiti sa labi.
"Hawakan mo muna ‘to, Uyab," mahina pero klarong sinabi ni Maloi habang inaabot ang mic pack.
"Grabe ka naman, assistant mo ba ko?" biro ni Colet pero sumunod naman siya.
Maloi chuckled. "Di mo naman kaya ayusin mag-isa, diba?"
Hindi nila alam na may isang fan na naka-livestream sa event at nahagip ng camera ang maliit na moment na ‘yon. Mabilis itong napansin ng fans, at sa loob lang ng ilang oras, kumalat na ang clips online.
"Macolet off-cam moments? May pa-private assistant pala si Ate Colet 😭"
"Ang intimate nung tinginan nila habang inaayos ni Maloi yung mic ni Colet, help???"
"Okay lang ba sa contract ‘to? Kasi parang hindi na ‘to fanservice eh 😳"
Pagkatapos ng event, habang nasa van pabalik, si Jho ang unang bumasa ng trending tweets.
"Uy, Macolet, anong drama ‘to?" sabi niya, ipinakita sa dalawa ang phone niya.
Napakunot-noo si Maloi at kinuha ang phone para makita ang video. Si Colet naman ay sumilip lang bago ngumiti. "Grabe naman ‘tong Blooms, ang bilis talaga."
"Ano ba kasing ginawa niyo?" singit ni Sheena na nasa harapan.
"Wala nga eh," sagot ni Maloi, ibinalik ang phone kay Jho. "Inaayos ko lang yung mic niya."
"Eh ba’t parang ang lambing niyo?" tukso ni Aiah.
"Uy, uy, Macolet, hinay-hinay lang!" biro ni Mikha, nagpapalakpak pa na parang nagchi-cheer.
Napailing si Colet pero ngumiti. "Wala naman kaming ginagawa, Blooms lang talaga ang mahilig magbasa ng moments."
Pero kahit pa anong paliwanag nila, kitang-kita naman sa mukha nilang dalawa—sa maliliit na tingin, sa simpleng haplos, sa natural na lambingan nila—na may mga bagay talagang hindi na kailangang sabihin pa.
Rest day ng BINI, at sa wakas, may oras din para magpahinga. Kahit busy ang schedule, sinigurado ni Maloi na magkakaroon siya ng time para kay Aiah, na kanina pa excited sa art session nila.
Bago pa dumating si Aiah, nakasandal si Maloi sa sofa, hawak ang phone habang kachat si Colet.
Colet:Uyab, enjoy mo bonding niyo ni Aiah ha. Rest day niyo ‘yan, make the most out of it.
Maloi:Oo naman, Uyab. Pero ikaw, wag kang magpaka-busy masyado diyan ha. Dapat nagpapahinga ka rin.
Colet:Hmp. Mas gusto ko pa sanang kasama ikaw ngayon.
Maloi:Awww, miss mo na ako? 😏
Colet:Duh, syempre. Pero okay lang, basta next time, rest day natin sabay na ulit!
Napangiti si Maloi, halos maramdaman niya ang lambing ni Colet kahit nasa chat lang.
Maloi:Okay, Uyab. I’ll make it up to you next time. Promise! 💕
Nagtyping pa si Colet bago natigil, sabay send ng isang sticker ng nagpu-pout na bear. Napailing si Maloi. Ang cute talaga nito, grabe.
Sakto namang may kumatok sa pinto—dumating na si Aiah.
“Maloi! Buksan mo ‘to, may dala akong snacks!” sigaw ni Aiah mula sa labas.
Natawa si Maloi at dali-daling binuksan ang pinto. “Pasok ka, dali.”
Pumasok si Aiah, bitbit ang isang paper bag. “Eto na talaga, paint and snacks day! Bini House vibes lang ulit!”
Agad siyang dumiretso sa living room, inilapag ang dala at inikot ang paningin. “Grabe ka talaga, Loi, ang linis ng condo mo ngayon ah! Hindi ko ‘to naabutan ng ganito kaayos dati.”
Napakamot si Maloi sa ulo. “Uy, hindi naman ganun kalat dati!”
“Hmm, sure ka?” Malisyosong tumingin si Aiah sa isang upuan kung saan nakapatong ang isang oversized na hoodie. Kinuha niya ito at iniangat.
“Uy, Loi…” may tukso sa boses niya. “Bakit may damit si Colet dito?”
Napakurap si Maloi at agad kinuha ang hoodie. “Ha? Ah—uhm—naiwan lang niya ‘yan!”
“Loi…” ngumiti si Aiah nang nakakaloko. “Magkasama ba kayo dito recently?”
“Hoy, wag kang assuming d’yan,” sagot ni Maloi, pero ramdam niyang namumula siya. “Minsan lang naman siya dumaan.”
Aiah crossed her arms, still grinning. “Sus. Wala namang masama, diba? Pero…” tumigil siya saglit at tumingin kay Maloi nang seryoso. “Alam mo namang bawal, diba?”
Napatingin si Maloi sa kanya, hindi makasagot. Alam niya. Lahat sila alam. Pero minsan, mahirap iwasan kapag masyado nang totoo.
Kakatapos lang ng livestream ng BINI para i-promote ang official merch nila, at gaya ng inaasahan, trending agad ang stream. Bukod sa merch, isa sa napansin ng fans ay ang seating arrangement—magkatabi ang OG ships: Mikhaiah, Macolet, Jhocey, at syempre, ang unbreakable Hambebe.
Sa backstage, habang nagre-relax ang girls after ng stream, natawa si Jho habang nagbabasa ng comments online. “Grabe, ‘di talaga makakaligtas sa fans ang seating arrangement natin. Puro, ‘OH MY GOD! OG SHIPS!’ ang comments!”
"Expected na ‘yan," dagdag ni Gwen, habang nag-stretching. "Saka grabe yung sa Mikhaiah at Macolet, parang may sariling mundo raw kayo."
Napatingin si Aiah kay Mikha, na kunwari ay walang narinig. "Tsk, wala kaming ginagawa, ah."
"Sinasabi mo lang ‘yan pero kita sa comments na ‘di ka maka-focus kasi si Mikha katabi mo," pang-aasar ni Sheena.
"Hala, grabe kayo," natatawang sagot ni Aiah, sabay tapon ng unan kay Sheena.
Si Maloi naman, nakasandal sa gilid habang ini-scroll ang phone niya. Naramdaman niyang may dahan-dahang dumantay sa balikat niya.
“Pagod ka, Uyab?” bulong ni Colet, mahina lang para silang dalawa lang ang makarinig.
Napangiti si Maloi at iniiwasang mapansin sila ng iba. “Hindi naman, Uyab. Masaya nga ‘yung livestream.”
“Mhmm… pero parang gusto mo nang matulog,” tukso ni Colet, bahagyang in-adjust ang sarili para mas kumportableng makasandal kay Maloi.
Napansin ito ni Stacey. “Oyy Macolet, may off-cam moment nanaman kayo diyan!”
Mabilis na umayos si Maloi, pero natatawa lang si Colet. "Anong off-cam? Sabi ko lang pagod na si Maloi!"
"Baka gusto mo na namang ipahiram kay Maloi ang hoodie mo, Colet?" biro ni Jho, may pa-side glance pa.
Aiah smirked. “Or baka naman magkasama ulit sila mamaya?”
“Uy, uy, ‘wag kayong ganyan!” natatawang sabi ni Maloi, kahit ramdam niyang namumula siya.
Colet just smirked, bago mahinang bumulong kay Maloi. “Gusto mo ba?”
Natatawang pinalo ni Maloi ang braso ni Colet pero halatang namumula ang pisngi nito.
Sa wakas, isang araw na walang schedule. Walang rehearsals, walang livestream, walang commitments—isang buong araw para lang magpahinga. Para kay Maloi, ang ibig sabihin nito ay isang buong araw kasama si Colet, malayo sa mata ng publiko, malaya lang silang dalawa.
Nakahilata si Maloi sa couch, suot ang paborito niyang oversized shirt at cycling shorts, habang si Colet naman ay abala sa pagpipili ng movie sa TV. Hawak niya ang remote sa isang kamay at isang bowl ng popcorn sa kabila. Paminsan-minsan ay sinusubuan niya ang sarili habang nakakunot-noo sa pagpili.
"Uyab, horror kaya tayo?" tanong ni Colet, hindi inaalis ang tingin sa screen.
Napairap si Maloi, pero may natatawang ngiti sa labi. "Gusto mo lang akong takutin para may rason kang dumikit sa akin."
Colet smirked, saka umupo sa tabi ni Maloi, halos nakadikit na sa kanya. "Hmm... may problema ka ba doon?" bulong niya bago kumuha ng isang piraso ng popcorn at isinubo ito kay Maloi.
Ngumiti si Maloi at kinagat ang popcorn mula sa daliri ni Colet. "Wala naman, kaso baka nakakalimutan mo, favorite ko ang horror." sagot niya bago isinandal ang ulo sa balikat ni Colet.
Sa background, nagsimula nang tumunog ang intro ng napili nilang movie—hindi horror, kundi isang romcom na parehong gusto nilang panoorin. Tahimik lang silang dalawa, ini-enjoy ang presensya ng isa't isa. Ramdam ni Maloi ang init ng katawan ni Colet sa tabi niya, isang bagay na palagi niyang hinahanap kapag sobrang busy ng schedule nila.
Biglang nagsalita si Colet, mahinang boses na para bang hindi sigurado kung sasabihin ba niya o hindi. "Alam mo, miss na miss na kita."
Napangiti si Maloi, pero natatawa rin. "Uy, kahapon lang tayong magkasama sa livestream ah."
"Hindi yun," sagot ni Colet, mas lalong dinikit ang sarili kay Maloi at hinawakan ang kamay nito, marahang hinahagod gamit ang hinlalaki niya. "Miss kita na ganito lang. Walang camera, walang fans. Tayo lang."
Tumigil si Maloi, hinayaan lang na dumaan ang tahimik na sandali sa pagitan nila. Totoo naman ang sinasabi ni Colet. Kahit magkasama sila halos araw-araw, kahit palaging magkausap, iba pa rin ang pakiramdam kapag ganito—walang kailangang i-perform, walang kailangang patunayan, walang kailangang ipakita sa iba.
"Miss din kita, Uyab," mahinang sagot ni Maloi, sabay dampi ng halik sa tuktok ng ulo ni Colet.
Colet hums in satisfaction, mas siniksik ang sarili sa yakap ni Maloi. "Pahinga lang tayo today, ha? No stress, no isip ng trabaho. Tayo lang."
Maloi chuckled, hinigpitan ang yakap kay Colet. "Sabi mo eh, Uyab."
At sa gabing iyon, wala silang ibang kailangang gawin kundi ang magkulong sa mundo nilang dalawa—malayo sa ingay ng mundo, malapit lang sa isa't isa.
Lumipas ang mga buwan, at sa kabila ng hectic na schedule ng BINI, everything still felt right. Kahit pagod sa rehearsals, kahit sunod-sunod ang promo shoots at events, basta magkasama sila, parang mas kaya nilang lampasan ang lahat. Hindi na masyadong mabigat ang trabaho kapag alam mong may isang taong laging nandiyan para sa’yo—at para kay Maloi at Colet, isa’t isa ‘yun.
Pero sa likod ng mga tahimik na sandali nilang dalawa, may isang bagay silang palaging kailangan tandaan—bawal silang mahulog sa isa’t isa. Batas ‘yan ng kontrata nila. Walang relasyon sa loob ng grupo. At kahit ilang beses nilang sabihin sa sarili nila na kaya nilang itago, minsan hindi maiiwasang makaramdam ng kaba.
Buti na lang, sanay na ang ibang girls sa closeness nila. Wala nang nagtataka kapag sabay silang dumarating sa training, kapag magkasamang bumibili ng kape, o kapag nakikitang magkadikit habang nagpapahinga. Wala nang nagtatanong kapag bigla na lang silang nagbubulungan o kaya’y palihim na nagpapalitan ng tamang tingin sa dressing room.
"Ship things," ‘yan ang laging biro ng iba nilang kasama. At dahil lahat naman ng members ay malapit sa isa't isa, hindi na rin ito big deal para sa kanila.
Pero syempre, iba ang tingin ng fans. Ilang beses nang may nakahuling nagbabahagi sila ng hindi planadong sweet moments—off cam, raw, genuine. May mga candid pictures na kumalat online, may mga video clips na pinutol mula sa livestreams kung saan hindi nila napansing masyado na pala silang naglalambingan.
At siyempre, ang Blooms? Baliw na baliw.
"OMGGGGGG MACOLET IS REAL!!!"
"Guys, may gusto silang itago, I swear."
"Look at how Colet looks at Maloi. THAT'S LOVE!!!"
"Delulu? No. I'm seeing something real."
Araw-araw, may bagong analysis ang fans. New theories, new clips, new ‘evidence.’ Pero sa mata ng publiko, lahat ng ito ay isang malaking delulu lang. Sa industriya nila, mahirap patunayan ang isang bagay na hindi nila maaaring kumpirmahin.
Pero syempre, hindi lahat ng bagay ay madali.
Dahil kahit anong saya ang nararamdaman nila sa tuwing magkasama, may bahagi pa rin sa kanila na hindi mapakali. Paano kung may makahalata? Paano kung may makialam? Paano kung dumating ang araw na kailangan nilang mamili—ang pangarap nila o ang isa’t isa?
At habang lumilipas ang mga buwan, dahan-dahang bumibigat ang mga tanong na iyon.
Sa loob ng van, habang isa-isa silang hinahatid pauwi, napansin ng ibang members na tahimik si Colet. Hindi rin katulad ng dati si Maloi—wala ang usual na paglalambing niya kay Colet, at hindi rin siya sumasabat sa asaran ng grupo. Napatinginan na lang sina Jho at Sheena, parang may napansin silang kakaiba.
"Okay lang kayo?" tanong ni Aiah, nakatingin kay Maloi sa rearview mirror.
"Hmm? Oo naman," sagot ni Maloi, pilit ang ngiti. Pero hindi iyon umabot sa mata niya, at alam ng lahat na may something.
Tahimik lang din si Colet, nakadikit ang noo sa bintana ng van, parang may malalim na iniisip. Hindi niya man sabihin, ramdam ni Maloi na may bumabagabag sa kanya.
Isa-isa silang ibinaba sa kani-kanilang condo, at nang makauwi si Maloi, biglang sumikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung anong problema, pero hindi niya kaya ang ganitong setup nila ni Colet—yung hindi sila okay.
Sanay siyang laging nandiyan si Colet. Sanay siyang kahit pagod, kahit may stress, isang yakap lang mula rito ay parang nawawala ang bigat ng mundo. Pero ngayong may bumabagabag sa pagitan nila, parang ang bigat ng pakiramdam ni Maloi.
She tried to wait for a message. Baka naman mag-text si Colet. Baka naman siya ang unang magsabi ng kung anong mali. Pero wala.
Hindi mapakali si Maloi. Ilang beses niyang tiningnan ang phone, nagbabakasakaling may message, pero wala pa rin.
Hindi na siya nakatiis.
Kinuha niya ang phone at nag-book ng Grab. Wala siyang pakialam kahit late na, wala siyang pakialam kung pagod siya sa event kanina. Mas mahalaga sa kanya na ayusin ito—na ayusin sila.
At habang nasa biyahe papunta sa condo ni Colet, isa lang ang sigurado niya: Hindi siya matutulog nang hindi nila inaayos ang hindi nila pagkakaintindihan.
Maloi stood outside Colet’s condo, gripping her phone tightly as she debated whether to knock or send a message first. Pagod na siya sa buong araw na trabaho, pero mas pagod siyang isipin na hindi sila okay ni Colet. Hindi niya alam kung anong nag-trigger sa pag-iiba ng mood nito, pero isang bagay lang ang sigurado siya—hindi niya kayang tiisin ‘to.
Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang kumatok.
Ilang segundo lang, bumukas ang pinto. Doon niya nakita si Colet—nakasuot ng oversized shirt, buhok nakatali nang walang ayos, at halatang pagod. Pero higit sa lahat, halatang nagulat ito na andito siya.
"Uyab..." mahina at nag-aalangang sabi ni Maloi, pilit na hinahanap ang mata ni Colet.
Hindi sumagot si Colet agad. Sa halip, tumabi lang siya at binigyan ng daan si Maloi papasok. Walang imikan habang sinasara ni Colet ang pinto. Ramdam ni Maloi ang tension sa hangin—malayo ito sa usual na cozy vibe na nararamdaman niya tuwing nandito siya.
Mabigat ang mga hakbang niya papunta sa sofa, habang si Colet naman ay nanatiling nakatayo saglit, tila hindi alam kung paano magsisimula.
“Gusto mo ng tubig?” tanong ni Colet, pilit na hindi pinapansin ang awkwardness.
Umiling si Maloi. “Hindi, okay lang.”
Tahimik.
Dati, sanay silang dalawa sa katahimikan—yung klase ng silence na komportable, na hindi kailangang punan ng salita. Pero ngayon, iba. Ito yung katahimikan na parang may nakabiting tanong sa pagitan nila.
Maloi sighed, nag-ipon ng lakas ng loob bago nagsalita. “Colet, anong problema?”
Napatingin si Colet sa kanya, pero saglit lang bago ito umiwas ulit ng tingin. “Wala,” sagot nito, mahinang bumuntong-hininga. “Napagod lang siguro ako.”
Alam ni Maloi na may mas malalim pa roon. Kilala niya si Colet—alam niyang kapag ganito ito, may bumabagabag sa isip nito. Gusto niyang itulak, gusto niyang pilitin, pero alam din niyang kapag masyado siyang nagpumilit, lalo lang maglalayo si Colet.
Kaya sa halip, tinanggap niya na lang muna ang sagot nito.
"Sige... pero next time, sabihin mo sa’kin, ha?" Mahinahon niyang sabi, pilit na ngumiti kahit ramdam ang lungkot. "Ayoko nung ganito tayo."
Matagal bago sumagot si Colet, pero sa huli, bumuntong-hininga ito at dahan-dahang lumapit kay Maloi. Naupo siya sa tabi nito, nakayuko, mga daliri naglalaro sa laylayan ng kanyang oversized shirt.
"Sorry," bulong niya, halos hindi marinig.
Maloi shook her head. "Wag mong i-sorry kung hindi mo pa kaya sabihin. Pero sana next time, wag mo akong iiwan sa ere. Alam mong hindi ako sanay na hindi tayo okay."
Tumingin si Colet sa kanya, at sa wakas, bumalik ang bahagyang lambing sa mga mata nito. Hindi pa siguro ngayon, pero naramdaman ni Maloi na darating din ang araw na masasabi ni Colet ang totoo.
Dahan-dahang sinandalan ni Colet ang balikat ni Maloi, ang init ng katawan nito nagbibigay ng bahagyang ginhawa. Maloi sighed in relief, hinayaan ang sarili na ipikit sandali ang mata at damhin ang presensya nito.
Wala silang kailangang sabihin pa.
That night, Maloi ended up staying over. No big gestures, no deep talks—just the comfort of knowing that, for now, they were okay. And for Maloi, that was enough.
Dumaan ang ilang araw, at bumalik na sa dati ang Macolet. Kahit hindi nila diretsong pinag-usapan ang nangyaring misunderstanding, unti-unti nilang binawi ang dating lambingan at asaran. Siguro nga, dala lang talaga ng pagod at stress kaya may mga ganung moment, pero ang mahalaga, okay na ulit sila.
Ngayon, nasa van silang lahat, on the way to La Union para sa taping ng bagong music video. Dahil sobrang aga ng call time, karamihan sa members ay tulog na halos pagkaupo pa lang. Pero sa second row, magkatabi sina Maloi at Colet—hindi tulog, hindi rin makulit tulad ng usual nilang energy sa ganitong biyahe. Tahimik lang silang nagbubulungan, enjoying the rare moment of peace.
"Uyab, pag natapos ‘tong shoot, tayo unang maghahanap ng kainan, ha?" bulong ni Colet habang hinihimas ang likod ng kamay ni Maloi.
Napangiti si Maloi, sinulyapan ang uyab niyang naka-lean nang bahagya sa balikat niya. "Siyempre. Pero ikaw ang taya."
"Pfft, kapal!"
"Bakit, ikaw ba may birthday?" biro ni Maloi, siniko nang mahina si Colet.
"Hindi, pero ako love mo, diba?" sagot ni Colet na may kasamang smirk, sabay pisil sa kamay ni Maloi.
Napailing si Maloi, pero hindi napigilang mapangiti. "Daya mo. Fine, ikaw treat ko."
Colet chuckled bago tuluyang isinandal ang ulo sa balikat ni Maloi, ramdam ang init ng katawan nito kahit malamig ang aircon ng van. "Thank you, Uyab. After nito, ako naman ang taya. Sa next rest day natin."
"Promise?" tanong ni Maloi, bahagyang nakapikit, na parang sinasavor ang moment.
"Promise."
Tahimik silang dalawa pagkatapos nun, walang kailangang sabihin pa. Ang importante, nandyan sila para sa isa’t isa.
Pagdating sa venue, unti-unting nagising ang iba, nagsimulang magbihis, magpaayos, at mag-rehearse para sa shoot. Lahat sila excited pero pagod, pero syempre, hindi mawawala ang asaran.
"Grabe ang lambingan sa van, ha," tukso ni Mikha habang sinisiko si Maloi.
"Uy, Mikha, hindi mo pwedeng kulitin yan," sabat ni Aiah, nagkukunwaring nagtatampo. "Bakit parang pinapalitan mo na ako?"
"Eh wala eh, ibang level na Macolet ngayon," sagot ni Gwen, nakatawa.
Nagkatinginan lang ang Macolet, sabay sabay kibit-balikat. Sanay na sila sa tukso, pero sa totoo lang, wala silang planong patulan o tanggihan ang ship talk—mas gusto nilang i-enjoy kung ano man ang meron sila, kahit pa secret lang ito sa kanila.
Sa kabila ng pang-aasar, naging maayos ang buong shoot. Lahat sila binigay ang best nila, at nang matapos ang huling take, lahat ay halos nagpalakpakan sa saya.
"Wrap na!" sigaw ng production staff, dahilan para mag-cheer ang buong grupo.
Habang bumabalik sila sa van, excited si Colet makatabi ulit si Maloi. Pero bago pa siya makaupo, biglang sumulpot si Sheena at nagpa-cute kay Maloi.
"Ate Maloi... please tabi tayo pauwi?" lambing ni Sheena, halos nagmamakaawa.
Napatawa si Maloi. "Ano na naman gusto mo?"
"Wala, miss lang kita. Parang lagi kang may exclusive seating arrangement eh," sagot ni Sheena, patingin kay Colet na parang nang-aasar.
Nagtaas ng kilay si Colet, alam na niya kung saan papunta ‘to. "Wow ha, parang hindi mo kasama si Maloi araw-araw?"
"Eh, gusto ko lang naman makabonding si Ate Maloi!" sagot ni Sheena, sabay hila kay Maloi papunta sa tabi niya.
Walang nagawa si Colet kundi tumiklop. Napabuntong-hininga siya, naghanap ng ibang pwesto sa van, at naupo sa tabi ni Aiah.
Habang si Sheena ay masayang nakahilig kay Maloi, si Colet naman ay kunwaring hindi apektado. Pero sa totoo lang, pilit niyang nilalabanan ang pagka-jealous.
Napansin ni Maloi ang awkwardness, kaya sinend niya ng mabilis na text si Colet.
Maloi: Uyab, lambing lang yan. Don’t be jealous. 😘
Ilang segundo lang, nag-vibrate ang phone ni Colet. Nang makita ni Maloi ang reply nito, napangiti siya.
Colet:Hmp. Dapat ikaw katabi ko. Pwe.
Napailing si Maloi, pigil ang tawa. Alam niyang singil na singil siya sa extra lambing pag-uwi nila—at to be honest, wala naman siyang reklamo.
Sa wakas, isang buong araw na pahinga para sa BINI. Walang rehearsals, walang taping, at higit sa lahat—walang call time na sobrang aga. Ibig sabihin lang nito, isang buong araw na pwede nilang i-enjoy sa sarili nilang paraan.
At para sa Macolet, that meant one thing: a date.
“Uy, Uyab, gusto ko ‘to,” sabi ni Colet, sabay turo sa isang abstract painting na may soft pastel colors.
Napangiti si Maloi. “Parang ikaw. Soft pero magulo.”
“Aba, loko ‘to ah,” sagot ni Colet, siniko siya nang mahina pero may ngiti sa labi.
Tahimik nilang nililibot ang gallery, appreciating the different artworks while staying close to each other. Minsan, si Colet ang biglang hahawak sa kamay ni Maloi kapag may gustong ipakita, o kaya’y si Maloi naman ang mahihilig sa balikat ni Colet habang tinititigan ang isang painting na gusto niya.
Akala nila, discreet sila. Pero hindi nila alam, may ilang fans na palihim nang kumukuha ng pictures at videos sa kanila.
Pagkalipas lang ng ilang oras, trending na naman ang Macolet sa Twitter.
📌 #MacoletArtDate
📌 “May art pa ba? O sila lang ang art?”
📌 “Macolet is not real? Then explain this.”
Nagkalat ang candid photos at short clips nila sa gallery—may hawak-kamay moment, may pagbulong sa isa’t isa, at syempre, may mga stolen shots na mukhang masyadong intimate para lang sa “ship.”
Pagkauwi sa condo ni Colet, halos sabay silang napahiga sa couch, pagod pero masaya.
“Grabe, Uyab,” sabi ni Maloi habang chine-check ang phone niya. “Trending na naman tayo. Minsan feeling ko tayo na pinaka-demanded ship.”
“Eh kasi naman,” sagot ni Colet, habang nakayakap kay Maloi at nakasubsob sa leeg nito, “di nila kasalanan na cute tayo.”
Natawa si Maloi, hinimas ang buhok ni Colet. “Sabi nga nila, kung hindi totoo ang Macolet, bakit ang daming resibo?”
Nag-angat ng mukha si Colet, tinignan si Maloi sa mata. “Eh totoo naman kasi, diba?”
Napatingin si Maloi sa kanya, bahagyang ngumiti bago marahang pinisil ang pisngi nito. “Totoo.”
Tahimik nilang na-enjoy ang yakap ng isa’t isa, hindi alintana ang mundo sa labas. Kahit pa trending sila online, kahit pa may mga fans na nagde-demand ng interactions, wala silang kailangang baguhin. Dahil sa huli, ang mahalaga ay silang dalawa—sa totoong buhay, hindi lang para sa camera.
May maagang meeting ang BINI sa conference room ng kanilang agency kasama ang higher-ups, production team, at management. Ito na ang official discussion para sa kanilang kickoff concert sa Philippine Arena, na siyang magsisilbing simula ng kanilang world tour.
Kahit na ilang taon na silang nasa industriya, ibang level ng excitement at kaba ang nararamdaman nila ngayon. This is the biggest stage they will ever perform on as a group—at gusto nilang siguraduhin na magiging iconic ang bawat parte ng show.
Habang iniisa-isa ang setlist, concepts, at stage designs, naging mas engaging ang usapan nang dumating na sa segment tungkol sa special performances.
"Of course, we want to give the fans what they want," sabi ng isang staff habang tumingin sa projected screen na may listahan ng mga most requested prods.
Halos automatic na napatingin ang buong BINI sa Macolet at Mikhaiah.
“Ang dami talagang gusto nito, grabe,” sabi ng isang production head, natawa habang binabasa ang social media clamor para sa OG ships performance.
"Here we go again," biro ni Jho, kunwaring napapailing. "Lagi na lang Macolet ang gusto nila."
“Grabe naman ‘to,” sagot ni Maloi habang natatawa, sumandal sa upuan. “Parang gusto mong lumaban, Jhocey?”
“Kaya nga, dapat healthy shipping lang, diba?” singit ni Stacey na kinikilig sa pang-aasar.
“Excuse me,” sabat naman ni Mikha habang nakataas ang isang kilay, “huwag kayong masyadong kampante diyan. Hindi pa rin papatalo ang Mikhaiah.”
Napatingin si Aiah kay Mikha, sabay smirk. “Tama ka diyan. Alam mo namang hindi natin hinahayaan ang Macolet na sila lang ang sinisigaw ng crowd.”
“Huy, as if may competition,” natatawang sabi ni Colet, pero halata ang confidence sa boses niya.
“Wait lang, seryoso,” singit ni Sheena, “so confirmed na ba ‘to? As in, may ship prods tayo?”
“Tinitingnan pa namin kung paano siya isasama sa setlist,” sagot ng production head. “Pero kung gagawin natin ‘to, dapat ibang level. Hindi lang fanservice—kailangan may impact talaga.”
"Siguradong hihiyawan na naman ‘yan," dagdag ni Gwen habang kunwaring nag-stretch. “Pero handa na kaming sumabay.”
“Gusto niyo ba?” tanong ng isa sa higher-ups, ngayon ay directly looking at Macolet and Mikhaiah.
Nagkatinginan ang girls, pare-parehong may knowing smiles.
“Wala namang bago,” sagot ni Colet na may kasamang playful smirk. “Lagi namang kami ang inaabangan sa ganito.”
“Ang yabang!” sigaw ni Sheena, habang halos ihagis ang hawak niyang ballpen. “Sige nga, kung kaya niyo, lakasan niyo pa lalo!”
"Challenge accepted," dagdag ni Aiah, sabay kindat kay Mikha. "Pero promise, hindi namin kayo tatantanan."
Lalong lumakas ang tawanan sa conference room. The energy was high, and kahit na biro-biro lang ang pang-aasar sa isa’t isa, alam nilang lahat sila excited para sa concert.
Habang tuloy-tuloy ang meeting, naramdaman ni Maloi ang dahan-dahang paghawak ni Colet sa kamay niya sa ilalim ng table.
Napatingin siya kay Colet, na kunwaring nakikinig lang sa discussion pero may maliit na ngiti sa labi.
Maloi gave her hand a soft squeeze.
“Tingin mo, tayo na naman ang sisigawan ng crowd?” tanong ni Maloi, bumulong kay Colet nang hindi napapansin ng iba.
"Hayaan mo sila," sagot ni Colet na hindi tinanggal ang hawak sa kamay niya. "Sanay na tayo diyan, Uyab."
And just like that, alam nilang Macolet supremacy is still undefeated.
Habang papalapit nang papalapit ang BINI Philippine Arena Kickoff Concert, unti-unti nang nararamdaman ng fans ang excitement sa bawat teaser, training post, at mysterious captions ng members. Hindi na ito simpleng anticipation lang—halos parang isang malaking puzzle na binubuo ng fans gamit ang mga hints mula sa social media updates ng BINI.
Sa Instagram, nagsimulang maglabasan ang mga subtle teasers mula sa members. Si Colet at Maloi, na kilalang hindi nagpapahuli pagdating sa kulitan, nag-post ng isang candid shot na magkasama silang nakaupo sa studio floor—parehong pagod pero nakatawa. Walang caption, walang clues, pero sapat na ang isang purple heart emoji para magdulot ng panic sa Macolet fans. Samantala, si Mikha, na bihirang magbigay ng obvious hints, naglabas ng isang mirror selfie na may caption na "Training hard for something special 😉." Isang simpleng wink emoji lang, pero binigyan ito ng fans ng isang libong interpretasyon—kasama na ang posibilidad ng isang Mikhaiah prod sa concert.
Hindi rin nagpahuli ang iba pang members. Si Maloi, sa kanyang Instagram story, nag-post ng mirror pic kasama sina Colet at Sheena, captioned "Piliin mo ‘yung di ka iiwan... sa prod 😉." Ang pagiging vague ng caption na ito ay hindi nakatulong—bagkus, mas lalong nagpagulo sa isip ng fans kung ano ba talaga ang magiging highlight ng concert. Si Aiah, na bihirang mag update sa social media, nag-upload naman ng training playlist screenshot—pero may isang kanta na intentionally blurred. Ito na ang huling pako sa kabaong ng Twitter sanity ng fandom.
Sa loob lamang ng ilang minuto, sumabog na ang Twitter fandom. Hashtags like #BINIKickoffConcert, #MacoletSupremacy, #MikhaiahComeback, at #JhoceyHealthyShipping ay agad nag-trend. Lahat may kanya-kanyang haka-haka, at ang collective delulu energy ng fans ay umabot na sa hindi na makontrol na levels.
"HUY YUNG POST NI COLET AT MALOI??? MACOLET TEASER BA ‘TO OR AM I DELULU???" isang fan ang nag-tweet, sabay attached ang screenshot ng IG post ni Colet. Thousands of retweets agad, na sinundan pa ng iba pang tweets:
"Bakit may blurred song sa playlist ni Aiah??? OG ship dance prod CONFIRMED!?!?"
"Pag walang OG ship prod sa concert, riot tayo."
"Mikhaiah supremacy will rise again. Lagot kayo Macolet."
Walang opisyal na announcement mula sa management, pero sa mata ng fans, confirmed na confirmed na ito.
Syempre, sa bawat matinding hype ay hindi maiiwasan ang kaunting tensyon sa pagitan ng fandoms. Ang Macolet fans ay mas lalong naging vocal, sinasabing dapat sila ang main OG ship prod dahil sa chemistry at consistency nila. Ang Mikhaiah fans, na hindi papayag na matalo, nagsimula nang maghanap ng clues na mas magiging highlight sina Mikha at Aiah. Ang Jhocey enjoyers naman, kalmado pero siguradong may pasabog din.
Dahil sa lumalakas na debates, isang fan account ang nag-post ng reminder:
"Basta tandaan natin: BINI promotes love and respect. Wag natin gawing competition ang ships. Let's enjoy the concert together!"
Kung akala ng fans tapos na ang plot twist, nag-drop bigla ang Hambebe ng isang photo together. Parehong naka-hoodie, parehong nasa studio, at may caption na:
"Rehearsal vibes. Sino gusto makahula ng prod?"
Ito ang hindi inaasahan ng karamihan. Sa isang iglap, mas lalo pang nagulo ang OG ship theories. Nag-trend ulit ang Twitter, this time may bagong hashtags:
#BINIogshipProdOrNothing
#MacoletLockedIn
#MikhaiahWillRiseAgain
Ang iba nagkaroon ng bagong hula—baka may twist ang concert, baka may unexpected pairing, o baka naman lahat ng ships ay magkakaroon ng solo prod tapos may group performance sa dulo.
Sa loob ng dressing room, habang nagpapahinga ang BINI girls matapos ang rehearsal, hindi nila mapigilang matawa sa nangyayari online. Hawak-hawak ni Colet ang phone niya, binabasa ang thread ng mga fans na naghuhula kung ano ang mangyayari sa concert.
"Grabe sila, parang alam na nila lahat," tawang-tawa niyang sabi habang ipinakita ang isang viral tweet kay Maloi.
"Oo nga," sagot ni Maloi, ini-screenshot ang isang delulu theory ng isang fan. "Pero at the same time, ang dami nilang mali HAHAHA."
"Wait lang," biglang singit ni Aiah, "Nag-aaway na yung Macolet at Mikhaiah stans. Bakit ganito??"
"Normal lang yan," sagot ni Jho, hindi na nagulat. "Pero syempre, reminder tayo na healthy shipping lang."
Natawa lang si Mikha habang binuksan ang sarili niyang Twitter. "Gusto ko silang hayaan maghula. Para di nila inexpect kung anong pasabog natin."
At sa gitna ng lahat ng ingay online, tahimik lang ang management—alam nilang kahit anong sabihin nila ngayon, mas lalo lang lalakas ang hype. Mas mabuti nang hayaan nilang maghintay ang fans, dahil ang totoo?
May malaking sorpresa silang lahat na hindi pa handa ang fandom.
Dumadagundong na sigawan, ilaw mula sa libu-libong lightsticks, at di-mabilang na Blooms na sabik na sabik makita ang kanilang Nation’s Girl Group—ganito ang eksena sa loob ng Philippine Arena bago pa man magsimula ang pinakaabangang Kickoff Concert ng BINI.
Sa backstage, ramdam ang halo-halong emosyon ng walo. May kaba, may excitement, pero higit sa lahat, may puso—alam nilang ito ang pinakamalaking stage na pagtatanghalan nila.
"BINI, ready na ba?!" sigaw ng isa sa mga staff.
"READY NA!" sagot ng grupo, sabay-sabay nilang tinapik ang isa’t isa, sabay hawak-kamay bilang huling morale boost bago tuluyang lumabas sa stage.
Sa unang tunog pa lang ng "Kinikilig," dumagundong ang buong arena. Walang kahit sinong nakaupo. Lahat sumisigaw, tumatalon, umiiyak. Alam ng lahat kung anong mangyayari, pero hindi pa rin nila kayang paniwalaan.
Mikhaiah: Para silang nasa sariling mundo habang kumakanta at pasimpleng tinginan. May mga fans nang nanghihina, pero lalo pang lumala nang lumagpas sa blocking si Aiah dahil sa kilig, sabay tawa habang hinatak siya pabalik ni Mikha. Hindi pa tapos doon—nang biglang napatingin si Mikha kay Aiah at napangiti ng todo, naglupasay na ang buong arena. Literal. Trending agad.
Jhocey: Akala ng lahat chill lang, pero biglang sinurpresa ni Stacey si Jho ng dalawang beses na kiss sa cheeks. Tumigil ang mundo. Ang reaction ni Jho? Lutang mode. Walang ibang nagawa kundi matawa habang pinapagalitan kunwari si Stacey. But at the same time? Kinilig din siya. Walang laban, panalo si Stacey.
Hambebe: Ang pinaka-soft sa lahat pero may ibang impact. Sobrang subtle ng holding hands moments nila habang kumakanta, pero dahil ang Hambebe fans ay sobrang mapanuri, walang nakatakas na detalye. Isang tinginan lang ni Sheena kay Gwen habang nagbabackhug, riot na agad sa Twitter.
Macolet: And then, dumating ang highlight ng gabi. Pagdating sa chorus, biglang tinwirl ni Colet si Maloi, sabay soft but intense eye contact. Akala ng fans tapos na, pero nang hinawakan ni Maloi ang chin ni Colet at binitawan ng matamis na ngiti, natapos ang laban. Yumanig ang buong arena. Literal na napasigaw ang lahat.
Walang nag-survive. Wala.
Pagkatapos ng concert, lahat ng OG ships nag-trend worldwide. Walang kahit anong topic sa Twitter ang hindi tungkol sa BINI.
#MikhaiahTension - dahil sa lowkey tinginan at si Mikha na tumiklop sa kilig.
#Jhocey2xKiss - dahil sa walanghiyaang PDA ni Stacey na walang warning.
#HambebeSoftButDeadly - dahil sa silent but intense holding hands moment.
#MacoletTwirlAndChinHold - dahil sa literal na cinematic kilig scene nila.
At syempre, ang pinaka-inaabangan:
#BINIWorldTour2025 - dahil hindi pa tapos ang kilig. This is just the beginning.
Habang nagpapahinga ang BINI sa backstage, wala silang ibang ginawa kundi pagtawanan ang reaction ng fans sa Twitter. Hindi rin sila makapaniwala sa hype na ginawa nila.
"Grabe yung sigawan kanina, parang may lindol," tawa ni Jho habang binabasa ang isang fan tweet.
"Yung mukha mo Mikha, hindi ko kinakaya!" asar ni Colet habang pinapakita ang meme ng reaction face ni Mikha nang mapanood ang clip nila ni Aiah.
"Teka, bakit parang ako yung naging victim??" depensa ni Mikha, pero hindi siya pinansin dahil lahat sila panay tawanan.
At kahit pagod, kahit halos mawala na sila sa wisyo, isa lang ang sigurado—they just made history.
At mas lalo pang magiging wild ang susunod nilang stop.
The world tour starts now. 🚀
The energy in the air was different—a mix of anticipation, nerves, and bittersweet emotions. BINI’s world tour was about to begin, and tonight was a moment of reflection, gratitude, and celebration.
Their families had traveled to Manila to be with them one last time before they embarked on this journey. It wasn’t just a send-off party; it was a moment to honor everything they had worked for.
To start the day, BINI, their families, and the entire team gathered for a Thanksgiving Mass. It was a rare quiet moment for the girls—away from the flashing lights, away from the screaming crowds.
Maloi closed her eyes in silent prayer. "Lord, ingatan Mo po kami. Bigyan Mo po kami ng lakas at guidance sa bagong chapter na ‘to."
Beside her, Colet sat still, hands intertwined on her lap. Bago matapos ang misa, hinawakan niya sandali ang kamay ni Maloi, giving it a light squeeze. “Kaya natin ‘to,” her touch seemed to say.
After the mass, everyone gathered for a despedida party—an intimate gathering of BINI members, their families, their staff, and executives.
It wasn’t about performances, cameras, or expectations. For one night, they could just be themselves.
May handaan, tawanan, asaran, kantahan, at kahit konting sayawan.
"Laban na ‘to, world domination na!" sigaw ni Gwen, habang si Jho ay tumatawa sa tabi niya.
"Basta walang iiyak, ha?" biro ni Sheena, kahit siya mismo ay kinikilig at naiiyak na.
"Eh si Daddy J kaya proud sa atin?" hirit ni Stacey, na agad napuno ng tawanan ang kwarto.
"Sino naman yang Daddy J na yan Staku?" inis na tanong ni Jho na siyang nagpatawa ulit sa lahat.
Sa kabila ng saya, may lungkot ding dala ang gabi.
Maloi and Colet sat in one corner, watching their loved ones laugh and enjoy. Their families were here. The entire team was here. Pero bukas, magiging sila-sila na lang sa ibang bansa.
"Excited ka?" bulong ni Colet.
"Oo naman… pero ang bigat din sa pakiramdam."
Colet sighed, leaning closer. "At least, magkasama tayo."
At doon lang medyo gumaan ang pakiramdam ni Maloi.
Pagkauwi sa kanya-kanyang condo, walang nakatulog agad.
Their group chat was filled with messages, everyone feeling a mix of excitement and nerves:
Aiah:“Grabe, world tour na talaga tayo bukas???”
Sheena:“Medyo naiiyak na ako. Di ko alam bakit.”
Jho:"Kasi mawawala tayo ng matagal sa pamilya natin. Pero kaya natin ‘to.”
Stacey: "Tara, group hug sa airport HAHAHA”
Maloi: "Walang iwanan. World tour na tayo, guys!!!”
At habang paunti-unti nang tumatahimik ang GC, nag-ring ang phone ni Maloi.
Colet calling…
Maloi smiled. “Uy…”
"Uy din…” sagot ni Colet, pero sa tono ng boses niya, halata ang pagod at kaba.
Walang nagsalita agad. Ramdam nila ang bigat ng moment na ‘to.
"Kaya natin ‘to, diba?" tanong ni Colet, parang gusto rin niyang makuha ang assurance mula kay Maloi.
"Kaya natin ‘to," sagot ni Maloi, this time, mas buo na ang loob niya.
Tahimik lang sila, pinapakinggan ang hininga ng isa’t isa. They didn’t need grand gestures or dramatic words. In that silence, they knew.
Tomorrow, everything changes.
But no matter what happens, they will have each other.
In just a blink of an eye, one month had passed.
BINI had successfully conquered the first leg of their world tour—from the electrifying night in Dubai to the jam-packed arenas across Europe. Every venue was full, every performance was met with deafening screams, and the energy was unlike anything they had ever experienced before.
It wasn’t just the Filipino fans abroad who came to watch them. Foreigners also joined in—singing, dancing, and cheering for them as if they had been BINI fans all their lives. Seeing different nationalities enjoy their music was both surreal and overwhelming. Their reach was expanding beyond what they imagined.
Sa bawat sigaw ng fans, sa bawat standing ovation, sa bawat placard na may nakasulat na “BINI World Domination,” kitang-kita ang saya sa mukha ng audience. And that happiness was contagious—kahit pagod, BINI felt fulfilled.
However, as their global fame soared, so did the pressure.
The demand for perfection was relentless. Every city, every performance, every fan meet—lahat dapat flawless. Fans were constantly expecting more. More energy. More presence. More fan service.
The members started feeling it. The exhaustion was creeping in. Hindi lang pisikal na pagod, kundi pati emosyonal. Their schedules were tight, rehearsals were grueling, and flights in between countries barely gave them time to breathe.
More than anything, they missed being normal girls.
They missed home.
They missed family.
They missed the simplicity of life before all this.
And amid all of this, something was starting to shift between Macolet.
The pressure wasn’t just on their performances. It was also on their interactions.
Fans demanded more Macolet moments.
More sweetness.
More lingering touches.
More gestures that would make the crowd scream.
At first, Maloi and Colet didn’t mind. After all, it was part of the game. Sanay na sila sa kilig moments in front of the camera. They knew how to play their roles.
But over time, it started feeling forced.
There were moments when Colet would feel the weight of expectation whenever fans chanted their names. Kapag hinihiling ng crowd na magyakap sila o maghawak-kamay, minsan ay nagdadalawang-isip siya—hindi dahil ayaw niya, pero dahil naramdaman niyang hindi na ito natural.
Maloi, on the other hand, felt the shift. Alam niyang may bumabagabag kay Colet.
They were still close, still caring for each other. But something felt… off. There were fewer stolen glances. Fewer inside jokes. Fewer moments that were just for them.
Nagsimula ang "acting for the cameras" phase.
Kahit pagod, kahit hindi na nila feel minsan, they had to deliver. They had to be sweet on cue. They had to make it look effortless. And the more they forced it, the more it drained them.
It wasn’t that they didn’t care about each other anymore. It was just that something didn’t feel right.
And whether they liked it or not, that change was beginning to show.
Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw ng training, tahimik lang ang kwarto nila. Karamihan sa mga members ay nakahiga na, pagod sa buong araw na rehearsals. Pero si Colet, halata ang lalim ng iniisip.
Hawak niya ang phone niya, hindi nag-scroll, hindi nagrereply. Basta nakatingin lang—para bang may binabasa o iniisip na mabigat. Pagkatapos ng ilang segundo, bumuntong-hininga siya nang malalim bago dahan-dahang ipinatong ang phone sa bedside table.
Napansin ‘yon ni Maloi. Alam niya ang itsura ng isang taong may bumabagabag.
“Uy, uyab,” lumapit siya nang bahagya, tinutukso si Colet sa usual na tawagan nila. Pero sa halip na ngumiti, nanatiling seryoso ang mukha ng huli. Kaya naman nagbago rin ang tono ni Maloi, mas malambing na ngayon. "Anong iniisip mo?"
Colet turned to her, hesitating. Alam niyang hindi madaling pag-usapan ‘to. Pero hindi rin niya kayang kimkimin na lang. Kaya sa wakas, binitawan niya ang matagal na niyang gustong itanong.
"Minsan iniisip ko, hanggang kailan natin kaya 'to?"
Tahimik si Maloi. Hindi niya alam kung paano agad sasagutin. Pero ramdam niya ang bigat sa boses ni Colet.
Matagal na nilang iniwasang pag-usapan ‘to. Pareho nilang alam ang realidad—na kung paano nila ginagampanan ang “Macolet” sa harap ng maraming tao, at kung paano rin nila tinatago ang totoo nilang Macolet sa likod ng kamera.
Nakakapagod.
Nakakapagod maging laging available para sa ship na gusto ng tao.
Nakakapagod magbigay ng kilig kahit minsan gusto lang nilang magpahinga.
Nakakapagod ang presyur na palaging “perfect.”
At higit sa lahat, nakakapagod ang hindi nila masigurado kung saan talaga sila patungo.
Pero kahit iniisip niya rin ‘yon, hindi niya kayang sabihin kay Colet na hindi niya alam ang sagot. Kaya pinilit niyang ngumiti, hinawakan ang kamay ng mas mahalaga sa kanya kaysa sa kahit anong fanship.
"Sa ngayon, kaya pa," mahina pero sigurado niyang sagot. "Basta ikaw, hindi ako bibitaw."
Napatitig lang si Colet sa kanya, as if searching for something—assurance, maybe. Or just the comfort of knowing na hindi siya nag-iisa sa nararamdaman niya.
Then finally, she smiled. A soft, tired smile. Halatang hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib niya, pero kahit paano, mas gumaan na.
She squeezed Maloi’s hand and whispered, "Hindi rin ako bibitaw."
Sa ngayon, sapat na ‘yon.
Sa ngayon, okay pa sila.
At sa ngayon, pipiliin pa rin nilang kumapit sa isa't isa.
Bago pa man magsimula ang live stream, tahimik lang si Colet sa isang sulok ng dressing room. Hawak-hawak niya ang phone niya, pero kung titingnan mo nang mabuti, hindi naman talaga siya nagbabasa. Para lang siyang may gustong pagkaabalahan, pero sa totoo lang, wala naman siyang gana.
Ilang araw na rin siyang ganito. Hindi naman siya mukhang malungkot—pero hindi rin siya mukhang masaya. Parang laging may bumabagabag sa kanya. At kahit hindi niya sinasabi nang direkta, alam naman ni Maloi kung bakit.
From across the room, si Maloi abala sa pag-aayos ng buhok niya sa harap ng salamin, pero panay ang sulyap niya kay Colet. Alam niya. Napag-usapan na nila ‘to dati. Hindi madali ang patuloy na pagganap sa isang fanship—lalo na kapag ang expectations ng fans ay mas nagiging mabigat na kaysa sa dapat.
Minsan, gusto lang nilang magpahinga.
Pero paano kung ang fans mismo ang nagtutulak sa kanila para maging mas sweet pa—kahit sa harap ng kamera lang?
Napansin ni Aiah ang tahimik na si Colet at agad itong nilapitan. Naupo siya sa tabi nito, tinapik ang tuhod niya nang bahagya. “Uy, okay ka lang ba?” tanong niya, may halong concern sa boses.
Colet forced a small smile. Ayaw niyang maging pabigat, lalo na’t ilang minuto na lang, kailangan na nilang magpakita sa libu-libong fans na nakaabang sa kanila.
“Okay lang. Pagod lang ‘to.”
Pero hindi naman basta-basta naniniwala si Aiah. Matalas ang mata nito pagdating sa ganitong bagay, lalo na sa mga taong mahalaga sa kanya. She gave Colet a knowing look. “Sure ka? Bawal magsikreto dito.”
Colet just shook her head and sighed. Ayaw na niyang palakihin pa. Hindi rin naman ito bagay na madaling ayusin sa isang upuan lang.
“Sure ako. Tara na, magla-live pa tayo.”
Sakto namang tinawag sila ng staff. "Girls, ready na! Five minutes ‘til we go live."
Napalingon ang lahat. Agad na nagsitayuan ang mga girls, naghanda na para sa harap ng kamera.
Si Colet, wala nang nagawa kundi bumuntong-hininga at bumangon. Showtime. Kailangan niyang ngumiti—kahit alam niyang sa loob niya, may bahaging hindi niya sigurado kung totoo pa ang pinapakita niya.
"Hi, Blooms!!!"
Ramdam ang energy ng buong grupo. The girls were all smiles, hyping up their world tour, especially now that they were on the Asian leg. Kasabay nito, patuloy nilang ine-endorse ang tour merchandise at ang posibilidad ng isang homecoming concert.
"Grabe, sino dito ang bumili na ng tour merch?!" sigaw ni Jho, habang si Gwen ay abala sa pagbasa ng comments.
"Uy, andami na nakabili ng merch?" tanong ni Mikha, na sinabayan pa ng paglapit sa camera.
Sunod-sunod ang comments. May song requests para sa live performance nila, may nagtatanong kung kailan ang next stop ng tour—pero may isang topic na paulit-ulit na lumilitaw sa chat.
- Homecoming concert sa Philippines at more OG ship contents
"OG ship prod please!!! MaColet moment naman d’yan!"
"May special stage ba for MaColet?"
"Ship prod naman huhu we miss kilig content!!"
Natawa ang ibang girls. Halata namang hindi na bago sa kanila ang ganitong requests—sa bawat live stream, laging may fans na naghahanap ng kilig content.
Pero si Maloi? Out of instinct, agad siyang lumingon kay Colet—only to see her forcing a tight-lipped smile. Alam niyang sanay na silang dalawa sa ganito. Alam niyang parte na ito ng pagiging MaColet.
Pero iba ngayon.
Parang may bumabagabag kay Colet. Parang may bigat sa likod ng ngiti niya.
"Hala, hala, bakit parang may hinihintay kayo?" biro ni Stacey, agad na nagpapasaya sa mood.
"Ako naman! Gusto ko rin ng ship prod!" dagdag ni Sheena, sabay hagikgik.
Lahat tumawa. The fans were screaming in the comments, overjoyed sa interaction ng girls. Everything seemed fine. Everything seemed perfect.
Pero hindi kay Colet.
Pagkatapos ng live stream, habang abala ang ibang members sa pagbibihis at pag-aayos ng gamit, tahimik na bumaling si Maloi kay Colet. May bumabagabag sa kanya.
Bumaba ang boses niya, siniguradong sila lang ang makakarinig. "Uy, uyab, okay ka lang?"
Colet nodded, pero hindi siya tumingin kay Maloi. Hindi siya sumagot.
At doon na naramdaman ni Maloi.
Something was definitely wrong.
The cheers of their fans were getting louder. The venues were getting bigger. Their names were being recognized in different parts of the world. BINI was taking over.
Pero habang lumalaki ang mundo nila, pakiramdam ni Maloi, unti-unti namang lumalayo si Colet.
It wasn’t something obvious. Hindi isang biglaang pagbabago. It happened slowly—so slow na halos hindi niya namalayan. Pero ngayon, ramdam na ramdam niya.
Colet was still the same in front of the camera—smiling, playful, the Colet that fans adored. Still playing her part in the MaColet ship, giggling at their usual interactions, responding the way she always did when the cameras were rolling. Pero kapag tapos na ang performance, kapag bumaba na sila sa stage, bigla siyang nagiging ibang tao.
Tahimik. Malayo ang tingin.
Colet used to be the one who always reached for her hand first, who would poke her side just to get her attention, who would whisper little jokes when they were standing side by side.
Ngayon? She barely looked at her.
At hindi iyon nakalampas kay Maloi.
Every practice session, habang nagpapahinga ang iba, Colet would sit alone in a corner, earphones on, seemingly lost in her own world.
Maloi would watch her from afar, debating kung dapat ba siyang lumapit. Pero sa huli, hindi niya magawa. Hindi dahil ayaw niya—dahil hindi niya na alam kung kaya pa ni Colet na kausapin siya.
At habang tumatagal, natutunan na lang niyang manood mula sa malayo.
After their half-day training, the girls decided to take advantage of their free time.
Kanya-kanyang plano.
Jho and Stacey wanted to visit a nearby mall. Mikha and Aiah were off to try some street food. Gwen and Sheena planned to check out a popular local café.
At gaya ng dati, naiwan si Colet at Maloi.
The two of them didn’t even talk about where to go. It was just automatic.
They walked around, checked out some tourist spots, and ate in a small, quiet restaurant. If someone saw them, they’d think nothing was wrong.
Pero deep inside, Maloi felt the distance more than ever.
Gusto niyang magtanong. Gusto niyang sabihin kay Colet na napapansin niya ang pagbabago. Na miss na miss na niya ito.
Pero paano kung hindi niya magustuhan ang sagot?
Bago pa matapos ang araw, habang nakaupo sila sa isang park, hindi na nakatiis si Maloi.
"Colet."
Colet turned to her, eyes questioning.
"Ano nangyari sa atin?" Maloi asked, her voice soft but firm.
Colet blinked, clearly taken aback.
"Hindi na kita maramdaman." Maloi swallowed the lump in her throat. "Okay pa ba tayo?"
Tahimik si Colet. Parang may gustong sabihin, pero hindi niya alam kung paano sisimulan.
"Colet..." Maloi gently reached for her hand, pero hindi ito gumalaw.
Colet sighed, looking away. There it was. The problem they never talked about.
And now, it was out in the open.
The air between them felt heavy—parang kahit hindi magsalita si Colet, ramdam na ni Maloi kung saan patungo ang usapan.
They’ve been avoiding this conversation for weeks. Pero ngayon, wala na silang lusot.
Colet took a deep breath, her fingers fidgeting on her lap. "Gusto ko ng pahinga, Maloi."
Alam niyang hindi lang ito basta pagod. This was different. Hindi lang ito dahil sa sunod-sunod na concert, rehearsals, o pag-ikot nila sa buong mundo. Ito yung klase ng pagod na hindi lang natutulog ng isang araw para mawala.
"Pagod ka sa work?" Maloi asked carefully. "O pagod ka na sa atin?"
Tahimik lang si Colet, nakayuko, mga daliri niya naglalaro sa laylayan ng kanyang sweater. Parang kahit siya, hindi rin sigurado kung ano ang gusto niyang sabihin.
She didn’t answer right away. That silence? That hurt more than words ever could.
Maloi swallowed hard.
Parte ba siya ng mundo ni Colet na gusto nitong takasan?
"Mahal mo pa ba ako?" Maloi asked, her voice barely a whisper.
Colet’s eyes flickered with emotions—surprise, guilt, sadness. She didn’t expect Maloi to ask that.
"Of course." Colet answered immediately, shaking her head as if the question was absurd. "Huwag mong isipin na hindi."
Pero kahit malinaw ang sagot ni Colet, hindi pa rin nawala ang bigat sa dibdib ni Maloi.
"Then bakit parang gusto mo na akong iwan?" Maloi asked, her voice cracking just a little.
Colet sighed again, rubbing her face tiredly. "Hindi ikaw ang gusto kong layuan, Maloi."
She looked up, finally meeting Maloi’s gaze. "Pero minsan, gusto ko lang lumayo sa lahat."
Silence stretched between them.
Maloi understood. God, she really did. But that didn’t mean it hurt any less.
MaColet was never just for show. Pero ngayon, parang naipit na sila sa role na kailangan nilang gampanan.
The expectations. The cameras. The scripted moments na minsan, hindi na nila alam kung sila pa ba ‘yon o ginagawa lang nila para sa fans.
They weren’t just in love. They were a brand.
And maybe, just maybe... that was the problem.
Hindi maalala ni Maloi kung paano sila nakauwi ng gabing iyon. Basta ang alam niya lang, pagod siya. Hindi lang pisikal—pero sa lahat ng aspeto. Pagod magpanggap. Pagod umasa. Pagod maghintay na bumalik si Colet sa dati.
Pero paano nga ba babalik ang isang bagay na parang unti-unting nawawala?
Naramdaman niya na ito noon pa. Yung unti-unting paglayo. Yung dating tahimik na paghawak sa kamay na hindi na niya nararamdaman ngayon. Yung dating tinginan na puno ng lambing, ngayon, puro iwas na lang.
At kahit anong pilit niyang huwag isipin, kahit anong pilit niyang intindihin—masakit.
Ang tahimik nilang dalawa ay hindi na pwedeng itanggi. Napapansin na ito ng ibang girls.
"Sure kayong okay lang kayo?" tanong ni Jho minsan habang kumakain sila sabay sabay.
"Oo naman," mabilis na sagot ni Colet, pilit na nakangiti.
"Hala kayo ha," biro naman ni Gwen, "baka may tampuhan kayo."
Napatawa si Colet, pero si Maloi? Nanatiling tahimik.
Hindi niya kayang magsinungaling nang ganun kadali.
Dahil ang totoo, hindi sila okay.
Sa harap ng camera, sa harap ng fans, sa harap ng mundo—they were still MaColet.
Maloi would still spin Colet during their performances. Colet would still look at her the way she always did. Fans would still scream whenever they had their small moments onstage.
Pero hindi na ito pareho.
Lahat scripted na.
Wala nang kusa. Wala nang lambing na galing sa kanila mismo. Wala na yung dating natural lang nilang ginagawa.
At si Maloi, kahit anong gawin niya, ramdam na ramdam niya ang pagbabago.
Pero anong magagawa niya?
Pagkatapos ng bawat concert, pagkatapos ng bawat interview—wala nang kahit anong interaction sa kanilang dalawa.
Kung dati, palaging si Maloi ang unang lalapit kay Colet sa dressing room, ngayon, si Sheena na ang katabi niya. Kung dati, palaging magkatabi silang kakain after rehearsals, ngayon, nauuna nang umalis si Colet.
At mas lalong tumindig ang realidad nang makita niya si Colet—nasa isang sulok, naka-earphones, hindi na niya malapitan.
Dati, walang pagitan sa kanila. Ngayon, isang buong mundo na ang namamagitan.
At hindi na niya alam kung paano tatawirin ito.
Excited ang lahat. Sa wakas, tapos na ang world tour nila. Apat na buwan ng puyat, pagod, at walang tigil na rehearsals. Apat na buwan ng sigawan, iyakan, at saya ng fans.
Apat na buwan ng pagkalunod sa pressure.
Sa wakas, makakauwi na sila.
Pero habang lahat ay excited, si Maloi hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.
Bakit parang hindi siya kasing saya ng iba?
Dahil ba tapos na ang world tour? O dahil ba alam niyang pagkatapos nito… wala na siyang rason para lumapit pa kay Colet?
Alam niya ang sagot.
Dahil kahit tapos na ang tour… hindi pa rin bumabalik si Colet sa kanya.
At baka hindi na bumalik kailanman.
Kahit gaano kasaya ang mundo sa paligid niya, kahit gaano kalakas ang sigawan ng Blooms noong homecoming concert, si Maloi, tahimik lang.
Oo, ngumiti siya. Oo, sumabay siya sa saya. Oo, ginawa niya ang bawat fan service, ang bawat MaColet moment na hinihingi ng fans—pero totoo pa ba?
Gusto niyang isipin na parte pa rin ito ng kanila, pero hindi na. Ramdam niya. Hindi na sila ‘sila.’
Sa loob ng apat na buwan, nasanay na lang siya sa sakit. Sa tahimik na distansiya. Sa mga tingin na parang wala nang ibig sabihin. Sa kakulangan.
Pero mas lalong sumisikip ang dibdib niya dahil hindi niya kayang sabihin nang malakas ang totoo.
Na miss na niya si Colet. Pero mas natatakot siyang amining baka hindi na siya hinahanap nito.
Matapos ang homecoming, sunod-sunod ang interviews, ang guestings, ang endorsements. Wala silang ginawa kundi ngumiti, magsalita sa harap ng camera, ipakita sa mundo na successful ang tour nila.
Pero sa huling meeting nila with management—ang meeting bago ang isang buwang break—doon niya naramdaman ang tunay na pagod.
Final na ang lahat. May schedule na sila pagkatapos ng break. May projects na sila. Alam na nila kung ano ang dapat abangan ng fans.
Pero isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ni Maloi: ano ang mangyayari sa kanila ni Colet pagkatapos nito?
Isang buwan na break. Isang buwan na walang BINI. Isang buwan na walang cameras, walang practice, walang MaColet moments.
Kung bibitawan ni Colet ang MaColet sa harap ng fans, kakayanin pa ba niyang ipaglaban ang tunay nilang relasyon?
Pagkauwi sa condo, agad niyang hinila ang maleta mula sa ilalim ng kama at nag-impake.
Pauwi siya sa Cavite. Makikita niya ulit ang pamilya niya. Mayakap niya ulit sila.
Pero bakit ang bigat pa rin sa dibdib? Bakit parang sa bawat damit na tinutupi niya sa maleta, kasabay rin nito ang pangungulila niya kay Colet?
Hindi siya umaasang may grand gesture. Hindi niya inaasahan na biglang magpapadala si Colet ng mahabang message na nagsasabing "Ayusin natin ’to."
Pero kahit isang simpleng "Ingat."
Kahit isang "See you soon, uyab."
Kahit isang emoji.
Wala.
Pilit niyang ipinikit ang mata niya nang mahiga siya sa kama, pero hindi niya magawang matulog.
Masakit na. Masakit na talaga.
Parang ayaw niyang umuwi nang ganito. Ayaw niyang umalis na hindi sigurado kung anong meron pa sa kanila.
Pero anong magagawa niya kung si Colet na mismo ang lumalayo?
Bukas, uuwi na siya sa Cavite.
Bukas, makikita na niya ang pamilya niya. Bukas, hahalikan siya ng nanay niya sa noo, yayakapin siya ng kapatid niya, tatawanan siya ng tatay niya.
Bukas, iisipin niyang sapat na ‘yun para pansamantalang kalimutan ang sakit.
Pero alam niyang kahit anong gawin niya, hindi niya matatakasan ang katotohanan.
Na baka itong isang buwan na break na ito...
Ay hindi lang break para sa BINI.
Baka break na rin ito nilang dalawa.
Isang buwan. Tatlumpung araw na hindi sila magkakasama.
Para sa iba, isang normal na buwan lang ‘yun. Pero para sa BINI, isang buwan ng pagkawala ng isa’t isa.
Nasasanay na sila na laging may kausap, laging may kasama sa kwarto, laging may katabi sa lamesa tuwing kakain. Sanay silang walo. Kaya ngayong magkakahiwalay sila, ramdam nila ang tahimik na puwang na iniwan ng bawat isa.
Pero higit sa lahat, ramdam ni Maloi ang puwang na iniwan ni Colet.
Sanay siya sa presensya nito—kahit walang ginagawa, kahit hindi nagsasalita. Kahit nasa iisang kwarto lang sila, kahit nasa dulo ito ng couch habang siya naman ay nasa kabilang dulo, alam niyang nariyan lang ito.
Pero ngayon, hindi na niya ito maramdaman.
Walang text. Walang tawag.
Walang kahit isang mensahe sa GC.
Kahit isang "Uy, miss ko na kayo."
Kahit isang "Kumusta na kayo?"
Wala.
At mas lalo itong tumatama sa kanya tuwing makikita niyang masaya ang iba nilang mga kasama. Si Stacey na maya’t maya ang kulit sa GC, si Sheena na panay ang send ng memes, si Aiah at Mikha na hindi pa yata nauubusan ng energy kahit sunod-sunod ang bakasyon.
Siya rin naman, may ginagawa. Pinipilit niyang ilubog ang sarili sa saya ng pamilya niya. Pero sa gabi, kapag tahimik na ang lahat, bumabalik ang tanong na hindi niya matakasan—
Ano na kayang nangyayari kay Colet?
Dahil walang update si Colet, nag-alala silang lahat. Pero walang naglakas ng loob na i-message ito nang personal.
Ayaw nilang maging pushy. Ayaw nilang pilitin siya kung hindi pa siya ready.
Hanggang isang gabi, sumabog ang GC nila.
Colet is trending.
Agad-agad, pinindot ni Maloi ang notification. Sa una, kinabahan siya. Bakit trending? May nangyari ba?
At doon niya nakita.
Mga videos.
Mga pictures.
Mga fans na nakatambay sa labas ng bahay ni Colet, nag-aabang, sumisigaw ng pangalan niya.
Colet, bumibili lang sa tindahan, pero para siyang artista na hinabol ng mga tao.
Colet, nakangiti, pero may pag-aalalang sumilip sa mukha niya.
Colet, kumakaway, pero parang gusto nang matapos ang moment na ‘yon.
Parang bumigat ang katawan ni Maloi habang binabasa niya ang GC.
Stacey:"Grabe, nakita niyo ‘to? As in dinumog siya sa bahay nila??"
Jho:"Sana hindi siya na-stress."
Sheena:"Sobrang daming tao… pero bakit parang ang lungkot niya dito?"(kasama ang isang picture ni Colet na nakangiti, pero bakas sa mga mata ang pagod.)
Aiah:"Di pa rin siya nagre-reply sa GC. Hindi na ‘to normal."
Mikha:"Baka overwhelmed lang siya? Pero dapat nag-update naman siya kahit papaano..."
Gwen:"Guys… may something ba na hindi natin alam?"
Maloi just stared at the screen, fingers frozen above the keyboard.
Gusto niyang i-message si Colet. Gusto niyang itanong, "Kumusta ka na?"
Gusto niyang mag-send ng kahit simpleng "Miss kita, uyab."
Pero hindi niya kaya.
Hindi niya alam kung anong mas masakit—ang malaman na hindi siya sinasagot ni Colet, o ang matanto na baka talagang wala na itong balak sumagot.
Matagal siyang nakatitig sa phone, naghihintay ng kahit anong sagot mula sa GC, mula kay Colet.
Pero wala.
At sa kauna-unahang pagkakataon, natakot siya.
Hindi dahil sa kung anong iniisip ng fans, hindi dahil sa pressure ng mundo sa kanila.
Natakot siyang baka unti-unti na siyang nawawala sa mundo ni Colet.
Matagal nang nakabalik si Maloi sa Maynila. Isang linggo na.
Sinulit niya ang oras sa ibang kaibigan, lumabas kasama ang fellow artists na matagal na niyang hindi nakikita. Pinilit niyang ituon ang atensyon sa ibang bagay—sa musika, sa career, sa lahat ng bagay na hindi Colet.
Pero kahit saan siya magpunta, kahit sino pang kasama niya, may isang taong hindi nawawala sa isip niya.
At kahit pilit niyang itanggi, naghihintay pa rin siya.
Dahil sa kanyang kasikatan, hindi rin siya nakaligtas sa mata ng publiko. Isang araw, isang litrato lang ang kailangan para umugong ang pangalan niya sa Twitter.
“MALOI MAY BF?!”
“Sino ‘yung kasama niya?”
“Grabe, Macolet is dead na ba?!”
Sa isang iglap, nag-trending siya. May mga screenshots, may video clips, may theories—lahat ng ito nakakalat sa internet.
Ang totoo?
Kababata niya lang naman ‘yon. Kaibigan. Pero hindi niya na piniling ipaliwanag pa. Alam niyang kahit anong sabihin niya, may maniniwala at may magagalit.
Hinayaan niyang humupa ang ingay.
Pero ang hindi niya inaasahan ay ang reaksyon ng grupo nila.
Stacey:"Huy Maloi, okay ka lang??"
Mikha:"Sino ‘yon?! Secret mo pala ‘yang jowa mo??" (may kasamang laughing emoji pero halata ang concern.)
Sheena:"Papatulugin na kita sa labas ng condo pag di ka nag-explain."
Gwen:"Grabe ‘yung Twitter ngayon, parang World War 3."
Ang GC nila ay nag-ingay, punong-puno ng memes, screenshots, at concerns.
Pero si Maloi?
Isang pangalan lang ang gusto niyang makita sa screen niya.
Pero wala.
Wala ni isang mensahe mula kay Colet.
Gabi na. Dapat tulog na siya. Pero heto siya, nakahiga sa kama, walang ginawa kundi maghintay sa wala.
Hindi niya alam kung ano ang mas nakakabaliw—ang makita ang pangalan ni Colet sa chat pero walang natatanggap na mensahe, o ang hindi niya ito makita sa kahit anong paraan.
Pinikit niya ang mga mata, pilit na iniisip na bukas, ibang araw na. Baka bukas, okay na ang lahat.
Pero nang tumunog ang phone niya, para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Colet is calling…
Hindi na siya nagdalawang-isip. Sinagot niya agad.
"Uyab…" Malamig ang boses niya, halatang may bahid ng gulat at pag-aalalang hindi niya matago.
"Nasa baba ako."
Parang nawala ang antok niya sa narinig.
"Ano?!"
"Nasa baba ako ng condo mo."
Parang automatic ang katawan niya—bumangon siya, dinampot ang pinakamalapit na hoodie, sinuklay ng kamay ang gulo-gulong buhok, at halos patakbong lumabas ng unit niya.
Pagdating niya sa lobby, nakita niya agad ito.
Sa ilalim ng malamlam na ilaw sa labas ng condo, nakatayo si Colet—nakayuko, nakasubsob sa oversized hoodie, may suot na facemask at cap. Parang gusto nitong maitago mula sa mundo.
Pero kahit anong itago nito, hinding-hindi niya ito mapagkakamalan sa iba.
Dahil kahit anong mangyari, si Colet pa rin ang hahanapin at mahahanap niya.
Pumasok sila sa condo ni Maloi pero nanatiling nakatayo si Colet sa harap ng pintuan samantalang si Maloi ay nagaantay sa kanya sa sofa. Pinaupo niya ito sa couch habang siya naman ay umupo sa kabilang couch sa tapat nito.
Tahimik lang si Maloi habang nakatitig kay Colet. Parang nag-shutdown ang utak niya, hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Galit? Lungkot? Takot? O lahat na lang nang sabay-sabay?
"Ayaw mo na?" Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang tanong na ‘yon, kahit alam na niya ang sagot.
Pero gusto pa rin niyang marinig.
Gusto niyang marinig kung paano siya iiwan ni Colet.
"Oo, Loi... ayaw ko na."
At doon na bumagsak ang buong mundo niya.
Maloi laughed. Hindi dahil nakakatawa. Pero dahil wala siyang ibang magawa. Natatawa siya sa sarili niya, sa sakit, sa irony ng lahat. Na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila—mula sa pagiging trainee, sa debut, sa pagsikat, sa pagiging Macolet, sa pagiging sila—ganito lang pala matatapos?
Ganito lang?
"Ganun lang?" she whispered, shaking her head. "Ganun lang kadali para sa’yo?"
Colet swallowed hard, clearly struggling to keep herself together. "Hindi madali, Loi."
"Eh bakit parang ang dali mong sabihin?"
Hindi sumagot si Colet.
Instead, she just looked at Maloi with those tired, weary eyes—yung mga matang dati ay puno ng saya, ng pangako, ng pagmamahal. Pero ngayon? Wala na.
"Loi…" Mahina lang ang boses ni Colet. Pagod. Basag.
"Huwag mong sabihin ‘yon." Maloi snapped, taking a shaky step back. "Huwag mong sabihin pangalan ko na parang mahal mo pa rin ako!"
For the first time since their conversation started, Colet flinched.
But she didn't argue.
Hindi niya sinabing mali si Maloi.
At mas masakit ‘yon.
"Paano mo nagawang hindi lumaban?" Maloi asked, her voice cracking. "Kahit man lang isang beses, Col? Bakit hindi mo ako hinayaang ipaglaban ka?"
Colet opened her mouth, but nothing came out.
Nothing.
And that was Maloi’s breaking point.
A bitter smile formed on her lips. "Tama ka. Pagod ka na. Pero alam mo kung ano ang pinaka-masakit?"
Colet looked at her with glassy eyes, as if bracing herself for the words she already knew.
"Hindi mo lang ako iniwan, Col. Hindi mo lang ako sinaktan." Maloi took a deep breath, blinking back the tears that threatened to spill. "Pinaasa mo akong kaya pa natin. Pinaniwala mo akong kahit gaano kahirap, pipiliin pa rin natin ang isa’t isa."
Colet bit her lip, but Maloi could see her trembling hands, the way she was trying so hard not to cry.
"Pero ang totoo?" Maloi let out a humorless chuckle. "Matagal mo na akong binitiwan. Hindi mo lang ako sinabihan."
Silence.
Cold, deafening silence.
Maloi looked down, inhaling sharply. "Dapat ba akong magpasalamat? Kasi kahit paano, binigyan mo ako ng closure?"
Colet’s breath hitched. "Loi…"
"Huwag mong sabihin pangalan ko." Maloi whispered. This time, she wasn’t shouting. Hindi na galit ang nangingibabaw.
Suko na siya.
Wala nang laban kung yung taong gusto niyang ipaglaban, hindi na rin siya gusto.
Colet looked shattered. She opened her mouth again, but this time, it was Maloi who took a step back.
"Sige, Col. Pahinga ka." She forced a small, pained smile. "Tutal, pagod na pagod ka na sa akin, ‘di ba?"
And with that, she turned around, not even bothering to look back.
She didn’t want to see Colet cry.
Because if she did, she would never be able to walk away.
Maloi stared at her phone, rereading Jho’s message over and over again. Call time: 8AM. Schedule. Bini. Trabaho.
Dapat bumangon na siya, pero parang idinikit siya ng kama sa higaan. Parang dinidikta ng katawan niya na huwag gumalaw—na hayaan siyang lamunin ng sakit kahit sandali pa.
Dahan-dahan niyang nilibot ang tingin sa condo niya. Tahimik. Wala na si Colet. Wala ni isang bakas ng presensya nito. Pero bakit parang ang bigat-bigat pa rin ng hangin sa paligid? Bakit parang bawat sulok ay sumisigaw ng pangalan nito?
Napatingin siya sa couch. Doon nakaupo si Colet kagabi, nakayuko, halos hindi siya matitigan. At doon din sinabi ni Colet, nang walang babala, na ayaw na niya.
Napahigpit ang hawak niya sa kumot, pilit pinipigilan ang sarili na muling mapaluha.
Bakit ang dali para kay Colet?
Bakit parang hindi man lang ito nagdalawang-isip?
Bakit parang siya lang ang iniwan na nagkakagulo ang buong mundo niya?
Tumayo siya at lumapit sa salamin. Pagtingin niya sa sarili, hindi niya halos makilala ang repleksyong bumungad sa kanya. Maputla. Magulo ang buhok. Namamaga ang mga mata. Mukhang walang kaporsyento-porsyentong tulog.
At mas lalo lang niyang naramdaman kung gaano siya wasak sa loob.
Pinilit niyang ngumiti—isang pekeng ngiti na pilit niyang ginagamit sa harap ng camera. Pero wala. Kahit ang katawan niya, tinatanggihan ang kasinungalingang ‘yon.
Napapitlag siya nang biglang may tumunog na notification sa phone niya.
Tinitigan niya ang screen.
Nagbabakasakaling pangalan ni Colet ang lalabas.
Nagbabakasakaling kahit sa text man lang, magbago ang isip nito.
Pero hindi.
Gwen:“Miss ko na kayo, Biniiiiii!!! See you tomorrow! 🩵”
Mikha:“Last day of break! Balik grind na tayo! Huhuhu, ready na ba kayo?”
Sheena:“Guys, anong dala niyong snacks? Huwag niyo akong kalimutan, ha! 😂”
Nagkakagulo na ang GC. Ang daming memes. Ang daming updates. Ang daming kwento. Ang daming tawa.
Pero si Colet?
Tahimik.
Wala man lang reply.
Gaya ng kung paano siya umalis kagabi—tahimik.
Walang kahit anong paliwanag.
Walang kahit anong pagsubok na ayusin sila.
Walang kahit anong “paalam.”
Napabuntong-hininga si Maloi at marahang pinatay ang screen ng phone.
Naglakad siya pabalik sa kwarto, kumuha ng bag, at sinimulang ayusin ang gamit niya. Bukas, babalik na siya sa Bini Maloi na dapat niyang gampanan.
Pero paano kung hindi niya na kayang maging siya?
Paano kung iniwan na siya ng parte ng sarili niya?
Paano kung sa bawat ngiti na ipapakita niya sa harap ng camera… ang tanging taong gusto niyang makakita ng totoong ngiti niya ay wala na?
Bukas, babalik siya.
Pero hindi na siya buo.
Maloi took a deep breath bago siya tuluyang pumasok sa meeting room. Ramdam niya ang bigat ng katawan niya, parang may nakadagan sa balikat niya. Kahit anong pilit niyang i-compose ang sarili, hindi niya mapigilan ang kaba.
Alam niyang wala namang may alam tungkol sa kanila ni Colet—na dapat ay wala siyang dapat ipangamba. Pero bakit ganito? Bakit parang kahit ang pagpasok lang sa kwartong ‘to ay napakalaking bagay na para sa kanya?
Pagpasok niya, agad siyang napansin ng mga kasama niya.
"ATE MALOOOOOIII!!!"
Halos sabay-sabay silang sumigaw at tumayo para yakapin siya.
Natawa si Gwen habang hinihila siya papasok. "Kamusta ang bakasyon mo? Ang daming chismis tungkol sa’yo!"
Sheena poked her cheek, nakatawa pero may halong concern. "Totoo bang may jowa ka na?"
Aiah rolled her eyes, "Grabe naman kayo, baka nga kakagaling lang sa heartbreak ‘yan!"
Natawa si Maloi, pilit na dinadaan sa biro. "Grabe kayo, ‘di pa ako nakaka-upo, may issue na agad ako?"
Pero kahit sinasakyan niya ang tawanan, ang utak niya, hindi mapigilang lumipad sa isang sulok ng room.
Doon.
Sa dulong mesa.
Nakayuko. Tulog.
Si Colet.
Wala man lang reaksyon nang pumasok siya. Hindi man lang siya tinignan. Hindi man lang siya kinamusta.
At doon tumama ang realisasyon kay Maloi.
Ito na ‘yon. Ito na ang magiging bago nilang normal.
Ang hindi man lang sila magtama ng tingin.
Ang hindi man lang sila magkumustahan.
Ang hindi man lang sila makaramdam na minsan, sila ang mundo ng isa’t isa.
Napabuntong-hininga siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Direk, dala ang isang makapal na folder.
"Alright, girls! Time to get serious. Welcome back. Alam kong nag-enjoy kayong lahat sa break niyo, but now it’s time to get back to work."
Nagkaroon ng collective groan sa buong room, pero Maloi? Tahimik lang.
Direk started the meeting, listing down their upcoming schedules. May bagong endorsements, interviews, rehearsals, at—
“We’ll be doing more fan service din. Alam niyo na, the fans missed you all.”
Natigilan si Maloi. Hindi niya kailangang tumingin kay Colet para maramdamang bumigat ang hangin sa loob ng kwarto.
Alam niyang narinig rin ito ni Colet.
Fan service.
More OG ship moments.
More MaColet moments.
Paano nila ipapakita ang kilig na hinihingi ng fans kung hindi na nga nila maramdaman iyon?
Direk kept talking, discussing their scheduled appearances, pero ang tunog nito sa tenga ni Maloi ay parang putol-putol na ingay. Ang utak niya, masyado pang abala sa pagtanggap sa bagong katotohanan—
Na mula ngayon, kailangan niyang ngumiti kahit hindi niya kaya.
Kailangan niyang humawak sa kamay ni Colet, kahit hindi niya alam kung may matitira pang init doon.
Kailangan niyang tumawa sa harap ng camera, kahit ang gusto niyang gawin ay magkulong at humagulgol.
At ang pinakamasakit?
Kailangan niyang panoorin si Colet na tumutupad sa responsibilidad na ito—
Habang alam niyang sa likod ng mga camera, hindi na siya kailanman mahahawakan nito katulad ng dati.
Nagpatuloy ang meeting at naglabas na ng bagong rehearsal schedules. Lahat ng girls, engaged na sa usapan. Tanging si Maloi at Colet lang ang tahimik.
Maya-maya, biglang tumunog ang cellphone ni Colet. Mabilis niya itong kinuha, sumulyap ng mabilis sa screen, at saka tumayo.
“Saglit lang po, Direk.”
Walang nagtanong. Walang nag-react. Sanay na silang lahat na si Colet, minsan, bigla na lang mawawala saglit sa meeting.
Pero para kay Maloi, parang may kutsilyong dumaan sa dibdib niya.
Dahil sa sobrang tagal nilang magkasama, kabisado niya ang bawat kilos ni Colet. At sa kung paano ito nagmadali, paano nito siniguradong hindi magtatama ang mga mata nila, paano nito nilagay ang phone sa bulsa habang lumalabas ng pinto—
Alam niyang may dahilan.
At ang kinatatakutan niyang sagot?
Baka may iba nang dahilan si Colet kung bakit hindi na siya bumabalik kay Maloi.
Baka hindi lang siya napagod sa relasyon nila.
Baka hindi lang ito takot sa pressure ng mga fans.
Baka hindi lang ito about sa MaColet.
Baka pagod na talaga ito kay Maloi.
Kung para sa iba, ang pagbalik sa trabaho ay isang welcome distraction, para sa kanya, ito ang impyerno.
Dahil ang trabaho niya?
Kasama si Colet.
At hindi niya pa kayang maging Bini Maloi sa harap ng camera.
Dahil kahit anong pilit niyang ngumiti, kahit anong pilit niyang sabihin sa sarili niya na trabaho lang ‘to…
Alam niyang sa tuwing magtatama ang mata nila sa harap ng camera—
Mababasag siya.