Love The Sundown ( 1st Book of House of Marshall)

BINI (Philippines Band)
F/F
G
Love The Sundown ( 1st Book of House of Marshall)
Summary
Love The Sundown ( 1st Book of House of Marshall)*walo hanggang dulolet`s listen and understand how the Marshall sisters struggle and win in life, love, happiness, and sadness.This first book is led by Davina Marshall/ Colet Vergara
Note
This is the first book in this series/ Sorry for the grammar agad and also this is all in my imagination.hope you guys will enjoy it.CHARACTERS: Colet Vergara as Davina Marshall, Sheena Catacutan as Elizabeth Marshall, Jhoanna Robles as Katherina Marshall, Maloi Ricalde as Caroline Marshall, Gwen Apuli as Eloisa Marshall, Mikha Lim as Hayley Marshall, Aiah Arceta as Celeste Marshall, Stacey Sevilleja as Aurora Marshall.
All Chapters Forward

Chapter 9

Jasmine Pov:

“Nicole meet my Wife, I mean soon-to-be wife, Jasmine Dela Cerna,” she said proudly na para bang totoo.

Gusto ko sana mag react na nabigla ako but I understood the assignment? Basta alam ko anong ginagawa niya at dahil sa ayaw ko siya na mapahiya all I did was smile.

“Wife?!” the girl said at gulat na gulat siya sa sinabi ni Davina.

“alam ba to ng ate at mga kapatid mo?” the girl added

Davina came closer sa kanya and said with anger in her voice

“ hindi pa pero this is a matter of family and you are not part of it so ako ang magsasabi kay ate at sa mga kapatid ko and if uunahan mo ako kakalimutan ko na meron tayong pinagsamahan”

After she said that umalis ang babae na nakasimangot at halatang galit na galit rin eto when I saw na wala na Talaga siya, hinarap ko agad si Davina at hinila siya papunta sa opisina.

“Really??! Wife anong drama yun ha?” I said na takang-taka sa sinabi niya kanina

“At sino yung Nicole ba yun?” I added waiting for her to respond

Hinawakan niya muna ang batok niya at kinamot eto ng kunti sabay sabi

“I am sorry, but I need to do that don`t worry hindi na mauulit” Davina said at dahil halata sa mga mata nito na pagod siya hindi ko na pinalaki ang issue.

“Okay ka lang ba?” I asked when I saw how she inhaled and exhaled na para bang may mabigat siyang pinag dada-anan.

She looked at me “That woman, she is my ex and my ate secretary now”

I can sense na hindi siya masaya at may gumugulo sa kanya at kung ano man yun gusto kung malaman ng sa ganun I can help her.

 

“If okay lang pwede ko bang malaman if bakit parang big deal saiyo na secretary siya ng ate mo ngayon?”

Umupo eto sa upuan ko this time hinayaan ko na siya hindi naman Talaga big deal sa akin, binibiro ko lang siya noon.

“Ate Celeste don`t like her in fact siya pa ang rason bakit kami ng hiwalay and now close na sila I think? So bakit?... yan ang gumugulo sa isip ko hindi ko malaman kung bakit."

 

Umupo rin ako para sa ganun makaharap ko siya “why don`t you asked your ate deretso?”

She smirked “subukan ko pero I know wala akong makukuha na sagot sa kanya”

“alam mo before mo sabihin yan gawin mo muna okay?” I uttered and give her a smile

“gutom ka ba? Ano oras na wala ka pa ata dinner, halika uwi tayo sa condo ko I will cook for you” I offered para naman mabawasan kung ano man bigat ang nararamdaman niya.

And tama ako hindi nga siya tumangi sa alok ko, agad eto tumayo and said “tara, gusto ko yan”

Paglabas namin sa office meron pa rin mga tao Mabuti nalang this time hindi na ganun ka dami at dag-dag pa na mababait ata kasi paglabas namin ni walang naglabas ng mga phone nila to take pictures of us.

 

We arrived at my place safe at walang mga tsismosa na nada-anan kaya eto kami masaya nagpapahinga, I mean siya lang pala kasi ako pressured, ipagluluto ko ba naman siya like dito Talaga sa condo ko.

 

“hmp… ano po ang gusto niyong ulam?” magalang na tanong ko dito

Davina looked at me, and smiled “Ikaw bahala, surprise me”

At talagang may pa-ganun pa siya ha, sige fine lutuan kita ng bulad diyan eh tssk but sige I`ll take the challenge.

While I am cooking shrimp sinigang nagtaka rin ako bakit sabaw ang niluluto ko eh gabing-gabi na naman, pero wala eh eto pumasok sa isip ko at ang gusto ko rin kainin nakakatawa lang bahala na nga.

After cooking and preparing the table tinawag ko si Davina na naka-upo sa living area while busy scrolling through her phone ata? Ewan basta naka kunot noo niya.

“kain na po tayo?” malambing na tawag ko rito sabay ngiti ng nakaka-asar hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya hanggang makita niya ang ulam sa lamesa.

Hindi naman sa nag-aasar ako, alam ko kasi magiging reaction niya matatawa siya for sure kasi sabaw tapos dinner? Diba ang weird.

I continued looking at her pero wala akong makuha na reaction sa kanya, no shock, no emotions at all.

Umupo lang eto ng tahimik waiting for me na umupo rin para sabayan siyang kumain.

“hmp… everything okay?” I asked kasi nagtataka Talaga ako sa reaction niya,

like wala......

She smiled while looking at my shrimp na sinigang pero hindi niya ako tinitignan naka focus lang siya doon.

 

“This reminds me of my childhood, gabi rin si mama nagluluto ng ganito kasi paborito ni papa, sometimes nag sasabaw kami ng gabing-gabi na dahil doon lang nakaka-kain si papa because of heavy workload” she uttered but not smiling at all

 

“sinigang na shrimp” she added while saying that at ang lalim ng paghinga niya.

 

Hindi ko alam ano gagawin ko kung mag so-sorry ba ako or ano kasi hindi ko alam if Maganda ba na memory to for her or what?

 

So instead of saying anything pinagsilbahan ko nalang siya, I put rice and sabaw sa plato niya pati shrimp.

 

“Thank you, Jasmine, I appreciate all of this, tara kain na tayo” she said and this time bumalik na ngiti niya pero I know merong lungkot sa mga ngiti na iyon.

 

We ate peacefully like literal, hindi kasi kami nagsasalita, I want to speak pero when I saw na parang nag-eenjoy naman siya sa pagkain, sa niluto ko hinayaan ko muna siya.

 

“Wow, kaya pala marami kayong suki masarap ka Talaga pala magluto” she uttered after niyang isubo ang last na kanin sa plate niya.

 

“hindi mo naman first time kumain ng luto ko, pag kumakain ka sa restaurant ako rin nagluluto doon kaya tama na ang bola” sabi ko sa kanya sabay tayo para kunin ang pinagka-inan namin.

 

“well, that is true pero iba pa rin ang lutong bahay at I am lucky na ako ang nandito, na nakatikim ng sinigang na shrimp at 10pm “she made a little laughed

 

“okay fine, hindi na bola” I surrender and went straight sa hugasan para maglinis

 

Davina continued standing habang tinitignan ako at kahit na nakatalikod ako sa kanya ramdam ko yun at hindi ako comportable.

 

“Stop staring at my back” seryoso kung sabi habang naghuhugas parin

 

“hahaha… sorry I like your back” Then she laughed hard.

 

“ano???... sira ulo ka ba?” I laughed back then I splatter some water kung asan siya nakatayo dahilan para umalis eto.

“sige dito muna ako sa balcony mo, mukhang Maganda ang buwan” she smiled at pumunta na doon.

“oh by the way meron beer sa fridge you can get one” pahabol ko na sabi para mapuntahan pa niya yun before siya tumuloy sa balcony

 

She got one and said na doon na daw siya maghihintay sa akin, she offered to help but I said no dahil bisita ko siya.

 

before finally going to her side pinagmasdan ko muna siya sa sala, okay another realization she likes stars and moon just like everyone else.

 

as I approach her “ang ganda ng stars at ng buwan noh?” while smiling at her

 

She looked at me and said words na mas nagpamangha sa akin sa kanya

 

“yap Maganda ang mga bituin at ang buwan pero alam mo hindi Talaga yan ang tinitignan ko, what I am more amazed is the sky. Day and night hindi eto nagbabago the skies always siya nandyan. The sun may disappear, stars and moon but she remains there through it all, It`s so amazing”

 

After she said those wonderful words she drank her beer and smiled at me “ I hope you and I can be the sky for each other “ she added never leaving her eyes on me.

 

Hindi ako mapakapag-salita, I am out of words most of the people I know including me just observe the stars, moon and appreciate it not really minding the skies.

 

“Hey, are you okay? Ako yung umiinom ng beer pero ikaw yung nakatulala” she asked then laughed a little.

 

“Yeah... I am okay, I’m just amazed with your words, kuha muna ako ng beer paubos na rin yang saiyo” I uttered sabay alis para pumunta sa refrigerator.

 

Kahit ang bilis lang kumuha ay natagalan ako hindi ko alam kasi ano ang sumasapi sa akin ngayon na multo,

here I am nakatulala habang naka open ang fridge tinitignan ko lang ang beers.

 

Grabeh Talaga si Davina if you really know her, she can amaze you in a lot of things medyo mataray nga lang at parang meron galit sa mundo but when you will really know her mapapa-ibig ka sa kanya.

 

“wait…what?” anong mapapa-ibig” I said to myself

 

“Anong mapapa-ibig?” pag-uulit niya sa sinabi ko

 

Agad naman akong natauhan shit, nasa likod ko pala siya, napa-pikit ako ng mata habang kinukuha ang dalawang bote ng beer sa loob ng fridge dahan-dahan akong humarap sa kanya and smile.

 

“ I mean mapapa-ibig ang beer sa hangin” I started singing that phrase out of nowhere para maka-iwas lang sa kanya.

 

She laughed so hard sa sobrang tawa niya ay napa hawak eto sa tiyan niya

 

“alam mo may pagka-baliw ka rin Talaga, kaya gusto kita eh” she said after laughing

Wait… gusto niya ako? Ano ba yan kainis Talaga tung utak ko oh kahit ano nalang sinasabi.

Lumapit siya sa akin at kinuha sa mga kamay ko ang dalawang beer our hands touched for a second the reason why I can feel electricity sa buong katawan ko napa-pikit nalang ako ulit dahil hindi ko Talaga alam ano ang nagyayari sa akin.

 

“ina-antok ka na ba?” she asked na ikinataka ko

 

“Ha? Bakit mo na tanong?” I asked rin sa kanya

 

She smirked “ kasi po pumipikit kana?”

 

At talagang pati yun Nakita pa niya ha, wala Talaga akong takas sa babaeng eto kahit pikit lang masyado siyang observant na tao. Yan rin ang napansin ko sa kanya noon pa.

 

“hindi pa naman,napuling lang tara balik tayo sa balcony” palusot ko sabay kuha sa kanya ang beer ko na nabuksan na niya.

 

“napuling? Eh wala naman ano dito” sabi niya pagkatalikod ko

 

Napakamot nalang ako sa batok sa kagagahan ko, we stayed sa balcony pa drinking our beers naka dalawa siya habang naka isa lang ata ako, we continued talking and laughing dahil I made sure na mapapatawa ko siya bahala na maging clown ako, all I want is to make her laugh.

 

I made it my mission na kapag magkasama kami napapa-smile at napapa-tawa ko ang isang Davina Marshall, kasi ayaw ko na makita pa ang mga mata niya na malungkot I don`t know why? Ginagawa ko eto all I know is that nagiging masaya ako when she is laughing lalo na at ako ang dahilan ng mga ngiti niya.

 

Being her friend is what matters to me for now, for now dahil hindi natin hawak ang panahon but as long as she wants me to be her friend nandito lang ako for her because alam ko ganun rin siya sa akin.

 

Hindi mahirap mahalin si Davina not because she is a Marshall but because

she is Davina.

 

TO BE CONTINUED!

Forward
Sign in to leave a review.