
Chapter 10
Jasmines Pov:
This is it!
“Ano okay na ba lahat?” as I approached Maria nandito na kami ngayon sa Masion ng mga Marshall preparing for Katherina birthday.
Actually kanina pa ako hindi mapakali dahil I want everything to be perfect mahirap na, ayaw ko na pumalpak.
I told maria to gather everyone dahil I need to check if working ba mga gamit naming lahat pati ang gamit namin for communications, so if meron mga mga needed pa gawin or mangyari na masama sana wala, hindi kami magsisigawan so far okay naman now we are just waiting for the program to start.
We are all wearing black, ang mga kasama namin ay naka polo shirt and fitted pants while ako at si maria ay naka black dress simple but elegant.
While waiting for the party to start I started na maglibot-libot sa paligid just to check if okay na lahat, unexpectedly I saw Nicole, Davina ex.
Smoking sa may pool area gusto ko sana siya sitahin para pa-alisin at lumipat sa smoking area pero since Davina mentioned last time na magiging asawa niya ako kahit hindi naman, I decided not to approach her nalang ayaw ko ng gulo. I don`t need it today.
Aalis na sana ako but she called me
“Hey you, Future whatever ni Davina” sabi nito at mukhang naka-inum dahil her voice sounds like it.
Napatigil ako sa paglalakad at matapang ko siya na hinarap “Yes, I am Davina’s future wife, anong maipag-lilingod ko saiyo?” I sarcastically remarked.
Ayan pina-nindigan ko na ka-inis kasi etong Nicole na eto panira ng gabi.
Tinaasan niya ako ng kilay habang lumalapit siya sa akin “You might be her wife for her pero hindi pa yan alam ng ate niya so…”
Dahil sa sinabi niya lumapit din ako sa kanya at tinarayan ko rin siya pwes hindi ako papatalo “ hindi na bata si Davina, you and everybody should know that papakasalanan niya kung sinong gusto niya pakasalan”
“Davina’s marrying who?” A woman uttered at dahil sa nakatalikod ako hindi ko siya Nakita but her voice sounds familiar.
When I saw Nicole’s face at kung paano niya tinago agad sa likod niya ang cigarette na nasa kamay niya.
Napa pikit nalang ako I know, kung sino ang babae na nasa likod ko.
“I will repeat myself, magpapakasal si Davina?” her ate celeste asked
Dahan-dahan akong humarap sa kanya at when I saw her face hindi ako maka-galaw at makapag salita, masyado eto seryoso nakakatakot pala.
“Nicole I am talking to you” Celeste said habang nakatingin kai Nicole.
Hinarap ko agad si Nicole para makita ko siya at kung ano ang sasabihin nito. Aaminin ko kinakabahan ako dahil naka-inum eto.
Magsasalita na sana siya buti nalang Davina arrived.
Nawala ang kaba ko, when I saw kung gaano ka ganda Talaga si Davina mapapasabi ka nalang. Damn, I can`t have her.
“The party is about to start let`s go inside,” she said habang nakatingin sa Ate Celeste niya.
Akala ko Talaga her ate will asked her kung sino ang papakasalan niya or if totoo yun buti nalang Talaga, she let it pass kasi pumasok rin siya agad sa loob, ngayon kami nalang ni Davina ang naiwan dahil sumunod din si Nicole kai Celeste.
“What happened?” I can see the worry in her face
Lumapit ako sa kanya bago nagsalita “Ate mo, is asking Nicole sino daw ang papakasalan mo, narinig niya ata kami ni”
“What??” she asked halata sa mga mata nito ang pagkabahala.
“I am so sorry hindi ako nakapag-timpi kay nicole kanina” paghingi ko ng paumanhin.
“Mabuti nalang Talaga pumasok agad ate mo when you said the party is about to start” I added.
Tumingin eto sa pool “Ate knows how to handle her emotions, at saka alam niya na hindi pa eto mahalaga kaya she did not ask me anything for now”
“Sorry Talaga” pag-uulit ko
“Okay lang, ano ka ba wala ka naman ginawa, sorry din nadamay ka” she said sorry as well
And that I appreciate mabait naman Talaga si Davina lalo na sa mga tao na malalapit sa kanya.
“let`s go inside, ipapakilala kita sa mga kapatid ko” she said excitingly
At eto ako nagulat hindi ako preapared but yeah… please gusto ko rin sila makilala Talaga.
I am a fan since high school pa ako, kaya yes nakaka excite at the same time nakaka-kaba.
Pagpasok na pagpasok namin dalawa we saw Hayley and Eloisa they are both drinking wine habang nagtatawanan. Grabeh ang ganda nilang dalawa halos talo na nila ang ganda ni Angelina Jolie.
“Hey sisters meet Jasmine ang nag-asikaso ng lahat ng to, everything your eyes can see ang galing diba?” Davina said dahilan para mahiya ako kahit ano.ano ang sinasabi eh.
Hayley approach me first habang hawak parin ang wine glass niya sabay halik sa cheeks ko at shit kinilig ako doon.
“Nice to see you Jasmine” Hayley said sabay bigay sa akin ng matatamis na ngiti
“Eloisa, it`s a pleasure meeting you” sabi naman ng isa pa niyang kapatid
Mag hi-hi back na sana ako but three more of her siblings approach us
“Hello dear I am caroline” she uttered sabay bigay ng palad nito sa akin at halik na rin sa cheeks ko
“ ang pinaka Magandang bunso elizabeth” pagpapakilala nito sabay tawa ng malakas, okay hindi pala lahat talaga mukhang malungkot sa magkakapatid nato.
“And of course we meet, thank you for this wonderful party” Katherina uttered and gave me a small kiss sa cheeks.
Okay may heart is so full hindi ako makapaniwala nandito ako ngayon accepting kisses and complements sa mga taong idol na idol ko simula pa noon at nandito pa ako ngayon sa circle nila.
Habang masaya kaming nag tatawanan, Celeste Marshall approach the stage kaya agad kami tumahimik at ang buong venue, and damn that`s power.
She looks so hot in that black gown, actually lahat kami naka black kasi yun ang theme ng party but that dress makes her more powerful tignan yun bang parang when you see her, mapapa respeto ka Talaga eh and her aura It is screaming I am the Queen.
Celeste speak with so much confidence and elegance all of the words na lumalabas sa baba niya halatang pinag-isipan niya, all of the words of wisdom, grabeh wala na ata kulang sa babaeng to.
At the end of her speech tinawag niya ang mga kapatid niya kaya agad naman ng pa-alam sa kin si Davina para pumunta sa stage kung nasaan ang ate nila.
All of them are now standing sa tabi ng ate nila at ngayon ko lang Nakita si Aurora ang isa pa nilang kapatid, nasa pinaka last eto nakatayo katabi ang bunso nila na si elizabeth.
Tinawag ni Celeste si Katherina para maka pag salita eto after all birthday niya eto pagkatapos magbigay ng pasasalamat si kath they all made a toast para sa kanya.
They cheered and everybody greeted her happy birthday.
It was a nice sight to see pero after that, the party went cold tama nga si Davina hindi lang to basta party dahil right now ang Ate nila ay maraming kausap na businessman at mukhang nag-uusap na ang lahat about making business or paano sila makikipag partner kai Celeste Marshall.
Well, kahit ako ganun rin gagawin ko this is a great opportunity para makapasok at maka partner ang mga marshall.
“Hi ikaw ba si Jasmine” A woman said dahilan para tumingin ako sa babaeng nagsalita sa likod ko.
And to my surprise “Aurora Marshall “yan nalang ang nasabi ko
She smiled sa akin and said “Opo ako nga I just want to say thank you for this wonderful night, I Heard ikaw ang ng plano nito”
Did she just approach me para mag thank you, Wow grabeh ang bait pala niya at ngayon ko siya mas Nakita ng mas malapitan ang kinis ng balat niya tapos ang bango pa well lahat Talaga sila, walang pangit sa pamilyang to period.
“Thank you po pero hindi lang po ako ang dahilan kung bakit Maganda at successful ang event na eto dahil din po sa mga kasama ko” pag e-explain ko sa kanya habang naka ngiti.
She smiled back and uttered “Now alam ko na bakit Davina is so fond of you”
“I`m sorry po?” pag-uulit ko baka kasi mali ako ng rinig
Magsasalita pa sana si Aurora when suddenly biglang dumating si Davina.
“Everything`s, okay?” Davina asked me then looked at Aurora
That give me an impression there is something going on sa magkakapatid na eto pero sino ba ako para maki-alam kaya hinayaan ko nalang.
I smiled kai Davina “ wala naman, Aurora was just thanking me” after I said that binigyan ko ng ngiti si Aurora.
“sige una na ako Lovers,” aurora said pagkatapos ay tuluyan na eto umalis and her words left us thinking bakit yun ang sinabi niya.
Kaya tumingin ako kai Davina “Lovers?” pag-uulit ko
She holds my hand agad ang said “hayaan muna, halikana labas na tayo dito, the party is almost over kaya na to ni maria”
Habang papunta kami sa parking area kung nasaan naka park ang kotse ko nagagamitin sana namin para maka-alis dito kasi Davina decided na kotse ko nalang gamitin.
Her ate celeste came with six bodyguards with her, grabeh talo niya si Davina dalawa lang ang sa kanya eh but of course mas marami Talaga kai celeste siya lang naman ang may-ari at CEO ng companya nila. Unlike Davina okay lang walang kasama paminsan minsan na guard like ngayon but I guess hindi ganun sa Ate niya for security reasons.
“So, Jasmine, right?” her ate said at sa akin nakatingin hindi ko alam ano eh sasagot ko eh nag tatanong lang naman siya ano name ko.
I can feel the tension na nasa aming tatlo. Nakakatakot, baka nandito siya dahil sinabi na ni Nicole sa kanya.
“yes..po..” nabubulol ko pa na sabi Mabuti nalang Talaga to the rescue si Davina.
“Ate we need to go meron pa kami pupuntahan, uhmm.. enjoy the party” Davina said as she guides me sa driver seat ng kotse ko
“Wait. siya ba yung babae na pakakasalan mo? Sa tingin mo Talaga ma eh tatago mo sa akin yun?” her ate uttered pero walang hint na galit or inis sa boses nito.
Napa pikit nalang si Davina sa kagagawan niya, akala ko Talaga sasabihin niya sa ate niya ang totoo na hindi totoo yung kasal or ano man yun na sinabi niya kai Nicole instead of saying the truth.
She added more lies.
“Wala na kasal na mangyayari cause nagpakasal na kami sa state and it is now official she is my wife” matapang na sabi nito sa ate niya
Kahit na nagulat ako hindi ko pinakita yun para naman sa ganun hindi mapahiya si Davina sa harapan ng ate niya.
We both thought na magagalit ate niya pero iba ang nagyari.
“Well, finally It is nice to meet you, Jasmine welcome to the family” her emotions changed agad ngayon ang saya-saya niya habang niyayakap ako and saying those words.
“I hope we can bond soon because I want to welcome you as part of our family” Celeste added with an emphasis on our family.
Hindi ako makagalaw,
hindi ko alam ano sasabihin ko,
I AM NOW PART OF THEIR FAMILY?
TO BE CONTINUED!