BINI One shots <3

BINI (Philippines Band)
F/F
G
BINI One shots &lt;3
All Chapters Forward

Miss-ter Right. (1)

Miss-ter right 1.





Summer na, at kahit summer na, busy parin si Aiah. Extra curriculars ba kamo? Suki siya niyan. Actually, malapit ng matapos ang COCC training niya at the same time, she’s doing trainings for drum and lyre. Syempre flag bearer siya dahil alam naman nating gandang bata niyan. Deserve sa unahan ng martsa.





It’s 3pm in the afternoon and one hour nalang matatapos na ang training niya for today. 15 mins water break muna. She opened her phone and scrolled for a bit.




One message got her attention.




“ Hi Ai, kumusta? “ her long time crush, KC, messaged her on facebook. Actually, parang cute admiration lang. 




“ Uy, okay naman. Ikaw?” She replied back. Biglang nagseen agad. Bigla siyang naalarma.




“ Mukhang pagod ka na sa training ah? “ Nagtaka naman si Aiah sa sagot nito. Nakakunot ang noo niya habang nagrereply. Pero bago pa niya maisend ang reply niya ay may taong lumapit at tumayo sa harapan niya.




Paglingon niya’y bigla siyang naalarma. Si KC lang naman. Ang long time crush niya. Medyo crush lang naman daw niya. Pero alam niya ang plate number ng sasakyan nito. Isang Hyundai Elantra na kulay gray pa nga. 




“ Hi, Ai! “ bati nito sa kanya habang nakangiti, nakalitaw pa ang braces nito na mas ikinagwapo niya. 




Ang bango bango naman niya. Aiah said to herself, silently screaming inside dahil baka nangangamoy araw na siya dahil sa maghapong training nila. Shit, baka amoy basahan na ko bhie! 




“ U-uy! Kit! Kumusta? Bakit pala nandito ka? Summer na oh. “ yun nalang ang naisagot niya dahil sa consciousness niya sa sarili niya.




“ Ahh napadaan lang sa school, tsaka binisita ko lang din si Kuya Carl, ininvite ako manood daw ako ng drills niyo. “ 




Naku naman, manonood pa talaga? 




Sa mga oras na ito ay minumura na ni Aiah si Kuya Carl. Eh pano ba naman mukha na siyang basahan tapos papanoorin pa siya ng crush niya.




“ Huh? Manonood ka? Wag na! Naku boring lang dito. Nakatayo lang kami, nakababad sa araw. Hahaha. “ biro nito pero sa kaloob looban nito ay sana wag na itong manood.




“ Ayos lang. Papanoorin kita. “ Bigla namang napatingin si Aiah sa kanya. Nakangiti naman ito sakanya.




“ Okay guys! Form! 1! 2! 3! ….”




“ Hala, sorry kailangan ko ng umalis, Kit! Nagpapatawag na si Sir. Bye! “ pagmamadali nitong pumunta sa huddle nila. Hindi niya alam kung magpapasalamat siyang naputol na ang interaction nila or maiinis siya dahil mabibilad nanaman sila sa araw.





~




“ Aiah, ano ready kana? Tara baka wala ng jeep pauwi. " Aya ng kaibigan niyang si Ley. Kasabay niya itong umuuwi after practice. Same way lang naman kasi sila.





“ Teka lang Ley, bili muna tayo kay Kuya bok? Gutom na ko eh. Hehe. “ 




“ Ano pa nga ba? Baka magwala na yang mga bulate mo sa tiyan mo eh. “ Agad silang nagtungo sa cart ni Kuya Bok. Naamoy agad ni Aiah ang paninda nitong kwek kwek, fishball, hotdog at kikiam. 




“ Uy, suki! Ano? Bente pesos ulit? “ Biro ni Kuya Bok sa kanya. Tumango naman si Aiah at tumuhog na sa mainit init pang paninda. 




Pagkatapos niyang tumuhog ay kinagat niya agad ang bagong lutong kwek kwek. 




“ Hagshaownsiahwjww wooh hsisn inet! “ 




“ Balahura ka talaga! Sinubo ba naman agad! “ Natatawang biro ni Ley sa kanya. Sa gilid naman ay meron pang isang babae ang tumatawa, napatingin agad si Aiah dito. Maiinis na sana siya sa taong ‘to pero nahiya siga bigla nang makita niya kung sino ito. 





“ Ikaw nanaman?? Bakit nandito ka pa? “ Bati nitong muli habang inaayos ng pasimple ang sarili.





“ Baket? Ikaw lang ba pwede kumain dito? “ Biro nito sakanya.





“ Tse. Ewan ko sa’yo, ano Ley? Tara na? Baka wala ng jeep pauwi nako yari nanaman tayo. “ 




“ Sabay na kayo sakin? Pauwi narin ako. “




“ Naku huwag na, baka out of the way naman kami sa’yo. “ pero sa totoo lang alam niya ang address nito at same way lang sila.




“ Hindi ah, I insist. Saka, pauwi narin naman ako. Tara? “ Aya nito sakanila. Wala na nga silang nagawa kundi umoo nalang. Sayang din ang 15 pesos na pamasahe no.




Paupo na sana siya ng backseat kaso tinulak siya ng kasama niya.




“ Girl, nakakahiya kay Kit. Dun kana sa shotgun. Ano, gagawin mong grab car? “ 




Wala na siyang nagawa kundi sumunod nalang. Buti nalang nakapagpalit na siya ng damit at nakaugalian niyang magpabango lagi. Habang bumabyahe sila’y napansin niyang lumagpas na sila sa kanto niya. Napansin naman Kit ang reaksyon nito. 




“ Huwag kang mag alala, di kita kikidnapin. Nauna lang magpadrop si Ley, may church pa daw siya. “ nakangiti nitong sabi habang focus parin sa pagmamaneho.




“ Aba malay ko ba. Mukha ka kasing kidnapper sa suotan mo. “ Natawa naman si Kit sa sinabi nito. “ Ang pogi ko namang kidnapper no? “ Maangas na sabi nito, may kasama pang ngiti, yung litaw yung dimples tapos may braces pa.




“ Huh? San banda ba? “ Biglang silang tumahimik.





Narating na nila ang bahay ni Ley pero tahimik parin ang dalawa. Pasimple namang sumusulyap si Aiah sa kanya. Seryoso lang ang mukha nito. Medyo pagabi narin at apansin din niya na hindi ito ang daan papunta sa kanila. Mukhang papunta sila ng… Jollibee?




“ Huy, ginagawa ba natin dito? “ React nito. Nakapila na sila sa drive thru. Hindi parin umiimik si Kit at busyng nagcecellphone.




Nang turn na nila para umorder, “ 2 piece burger steak po tsaka large fries. “ Order nito, at bumaling sa katabi niya. “ Ikaw? Ano gusto mo? “ Aayaw na sana siya pero, “ 2 order na po miss, tsaka 1 large pineapple juice, thank you! “ 



Pagkakuha nila ng order ay nagpunta sila ng parking area. Nagtaka ulit si Aiah. “ Dito tayo kakain? “ Tanong nito. Inabot lang nito ang pagkain niya at nagsimula ng kumain. Naguguluhan parin si Aiah at napansin ni Kit ito.




“ Eat your food. “




“ Bakit ba tayo nandito? “ 





“ Kumakain malamang? “ Kit answered while munching her burger steak. 




“ Bakit hindi tayo sa loob? “ 




Uminom muna si Kit ng shared pineapple juice nila bago siya sumagot.




“ Ayoko lang. “





“ Eh? Siguro baka makita ka ng mga babae mo no? “ Napatingin naman si Kit sa sinabi nito. She just smiled at her.




“ Wala akong babae. Just eat your food. “ Wala na siyang nagawa kundi kainin ang pagkain niya. Natakam narin kasi siya dahil sa bango nito.




“ Bakit nga ayaw mo don? ” she asked again while she took french fries from the bag.





“ I like it better here. It’s peaceful. Romantic. “




Romantic?? Aiah thought.




“ Siguro marami ka ng dinalang babae dito no? Parking spot niyo ba ‘to? “ she curiously asked. Nakapark kasi sila beside a tree. And medyo naimpress si Aiah dahil maganda ang spot dahil nasa park sila. There’s lights on the trees. Samahan mo pa ng fresh air kahit gabi na. 





“ For the second time, wala akong babae. Kung gusto mo, ikaw nalang? “ Nabuga naman ni Aiah ang iniinom niyang pineapple juice.





“ Gago ka ba???? “ Habang pinupunasan niya ang shirt niyang natapunan ng juice.





“ Medyo? Sabi nila? “ natatawang sagot nito sa kanya habang inuubos na ang pagkain nito.




“ Ayoko nga. “ bulong nito. Pero narinig ito ni Kit.




“ Ano yon? “




“ Wala, ang sabi ko. Tara na, iuwi mo na ko. “





“ Huh? Ang bilis mo naman, uwi na agad kita samin? Omg, Miss Aiah? “ Exaggerated nitong sabi pero tumatawa siya.





“ Gago ka talaga. Tara na nga. Baka hinahanap na ko ng tatay ko. “ Well, totoo naman. Dahil nagtetext na ang tatay niya.





“ Okay okay. Tara na po, princess. “ 





“ Princess ka diyan. “ iritang sabi kunwari ni Aiah. Habang binabaybay nila ang daan pauwi sa bahay ni Aiah. Nagplay ng kanta si Kit. 

 

 

Wala akong pera, walang magarang sasakyan

 

 

At kung sasabihin, ako ay simpleng tao lang

 

 

Alam ko namang sadyang magkalayo ang ating mundo

 

 

Pero aking maipapangakong

 

 

 

“ Fan ka pala ng gimme 5? “ Aiah asked her na natatawa. Hindi niya akalain na ganitong kanta pala ang trip ng isang maangas na si Kit Coronel.

 

 

“ Oo bakit? Ang ganda kaya ng kanta nila. “ Kit answered her with a smile and continued to sing along.

 

 

 

 

Araw-gabi, kaya kitang pagsilbihan

 

 

Hatid at sundo, ako ay lagi lang nandiyan

 

 

Pangako sa 'yo ay 'di na kita iiwanan

 

 

 

 

Paliko na sila sa kanto nila Aiah and she suddenly thought something weird.

“ Jologs pala crush ko? “ umiling nalang sya.

 

 

 

 

Mahal kitang labis, susubukan ko kahit

 

 

Wala 'kong palasyo na abot hanggang langit

 

 

At sa bawat araw na tayo'y magkasama

 

 

Dala ko ay ligaya, oh, aking prinsesa





Pagdating nila sa tapat ng bahay nila Aiah ay pumalakpak siya. Ikinatawa naman ito ni Kit. 

“ Thank you, thank you. “ nag bow pa ito. “ Ayos ba ang pogi types ng isang Kit Coronel? “





“ Aling types ba yan? Kanta ba? “





“ Ikaw, type kita. “ nagulat si Aiah sa sinabi nito. Mabuti nalang at madilim na kaya di niya kita na namumula na ito.






“ Ewan ko sa’yo! Bye na, salamat sa paghatid at sa pa jollibee mo. “ Bumaba na ito ng sasakyan. Pero bago ito pumasok ng gate ay bumukas ulit ang window ng sasakyan ni Kit.




“ Ai! “




“ Oh? “





“ Wala kang training bukas diba? Saturday? “ 




“ Uhm, oo. Why? “




“ Anong oras ka nagigising? “ Nagtaka naman si Aiah.




“ Huh? Depende, pero bukas siguro 9am na dahil pagod ako sa training. Teka nga, bakit ba? “




“ Okay, 9am. Noted. “ Nakangiti nitong sabi at umalis na. Naiwan naman si Aiah sa labas na nagtataka. 




“ Weird talaga nun ni Coronel. Jologs na nga weird pa. “ Umiiling iling siya pero she finds it cute tho. At pumasok na siya sa bahay.




~




Kinabukasan ay 10am na gumising si Aiah, siguro dahi narin sa pagod niya sa training. Di bale at sabado naman. Tumayo na siya at nag unat unat. Tulad ng nakagulain niya ay bubuksan niya ang bintana ng kwarto niya at magmamasid muna sa paligid. Dahil nasa 2nd floor ang kwarto niya, tanaw niya ang nakapaligid sa bahay nila. Ngunit nagulat siya ng may makita siyang pamilyar na kotse, nakaparada ito malapit sa kanila. 




Biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at may kumaway.




Shit. She thought to herself and covered herself with the towel na buti nalang ay bitbit na nito. Eh pano ba naman, nakagulain niya ng matulog ng naka night gown lang at wala siyang bra dahil siya lang naman ang nasa kwarto niya. 



Her phone buzzed.




“ Good morning, princess. :) “ Si kit. 




Hoy, anong ginagawa mo diyan?? “ She replied.




“ I’m waiting for you. Sabi mo 9am ka gumigising. “




“ Huh? Oo, pero bakit ka nga nandyan??? “




“ Idedate sana kita, princess. Tara na? “




“ Luh? Pumayag na ba ako? “




“ Go to the window. “ 




And out of curiosity, sumunod naman si Aiah sa sinabi nito. Natawa siya sa nakita niya. May placard na nakadisplay sa windshield nito. 



Date tayo, princess? <3 “ Infairness parang kinalkal ng manok ang sulat nito pero the thought counts naman para kay Aiah. Tinext niya ito pagkatapos mabasa ang sulat.




Ang pangit ng sulat mo, parang kinalkal ng manok. “




“ Is that a yes? “




“ San ba? “




“ Secret. Huwag kang mag alala, magugustuhan mo ‘to. :) “




“ Ewan ko sa’yo. Bye na. “




“ Okay. I’ll take that as a yes. Dito lang ako. Just chillin’ in my car with my jologs playlist. ;) “




Natawa naman si Aiah sa reply nito. Nagtungo na siya sa cr para maligo at gumayak. 







“ Tara? “ Aya nito pagkatapos ipark ang sasakyan. 




“ Luh, asan tayo? “ 




“ In my school, mag eenroll ako saglit. “




“ Anak ka ng tokwa, nagpasama ka lang pala magenroll. Maiwan nalang ako dito sa sasakyan. “





“ Sure ka? “




“ Oo. “ 




“ Ikaw bahala, pero sige iwan ko nalang nakaopen itong aircon para comfortable ka. I’ll just be quick. Wait for me, okay princess? “ Inadjust nito ang temp ng aircon at minake sure na comfortable nga si princess niya.




“ Mukha ba kong may choice ha? Sige na, dalian mo ah? “ 



Pagaalis ni Kit, humiga nalang muna siya sa passenger’s. Halos 30 mins narin ang nakakalipas at naiinip na siya. Wala rin siya data sa phone niya kaya kung ano ano nalang ang kinalikot niya sa loob ng sasakyan. Mga walang kwentang bagay, shades, resibo sa parking, pabango, alcohol, candy, at tools ang nakita niya sa loob. Chineck nalang din niya ang sarili niya, just making sure she’s pretty. Pagbukas niya ng bag niya’y napagtanto niyang wala pala siyang dalang pera kundi 50 pesos.



“ Anak ka ng tokwa, Aiah! 50 pesos? San ka nalang pupulutin niyan?? “ Nagalala siya dahil baka ayain itong kumain at wala siyang dalang pera. Nakakahiya. 



Lalabas na sana siya nang bumukas ang pintuan.




“ Oh, princess, san punta mo? “ Tanong nito at nilagay ang bag sa backseat.




“ Lalayasan na sana kita e. “ Biro nito.




“ Sorry naman, ang tagal sa registrar eh. Inip ka na ba? Gutom ka na siguro. Don’t worry kakain na tayo. “




“ Uhmm, dipa naman masyado. “ Pero sa totoo lang gutom na gutom na siya. 




“ Army Navy sounds good to you? “ She asked with a smile.




“ Ikaw bahala. “ 




“ Eto naman si ikaw bahala. Tapos pag dinala kayo, ayaw niyo naman. Hay nako, girls nga naman. “ 




“ Luh siya, pare pareho ba kaming mga babae mo? “




Tumahimik ang paligid.




Biglang niyang narealize ang sinabi niya.




“ So, babae na kita? “ Kit said with a daring smile. Nako, yang mga ngiting yan. 




“ Gago ka talaga. “ At tumawa lang ito ng malakas. Bigla itong lumapit sa kanya na ikinataka naman ni Aiah.




“ L-luh. Uy, ginagawa mo ba? “




“ Shhh. “ Few inches nalang ang mukha nila. Namumula na si Aiah sa lagay na ‘to. Napapikit siya unconsciously. Waiting for something to happen. Pero.. 1.. 2.. 3… seconds had passed and she opened her eyes. Bumungad si Kit na tumatawa sa gilid.




“ Gago ka talaga eh no? “ Kit’s still laughing.




“ Princess, I was just making sure na safe ka pag kasama mo ako. “ 




“ Tse. Ewan ko sa’yo, tara na nga gutom nako. “ 




~




Alas 8 na ng gabi at on the dot siyang naihatid ni Kit sa tapat ng bahay nila. Ilang oras din silang magkasama at umabot na sila ng gabi. Nag mall sila, nag sine, naglakad sa park, at heto nasa bahay na ulit. 




“ Nag enjoy ka ba, princess? “




“ Uhm.. Pwede na. “ 




“ Favorite mo ba yung sine? “ Kit asked her na mapang asar.




“ Luh, baka ikaw diyan? Enjoy na enjoy ka kasi para akong tukong nakakapit sa’yo. Bakit ba kasi horror pinili mo??? “ Irap nito.





“ Boring kasi pag di horror. Baka makatulog lang ako. “ Tawa tawa nitong sagot.





“ Ewan ko sa’yo. Oh, yung jacket mo nga pala. “ Hinubad na ni Aiah ang jacket na pinahiram nito sa sine kanina dahil lamig na lamig siya.




“ Keep it, princess.” 




“ Ha? Hindi na. Eto na, baka wala ka ng jacket. Kawawa ka naman. “ Pilit niyang inaabot pero pilit ding tinutulak pabalik ni Kit sa kanya.





“ Just keep it. “ she said with a smile showing her dimples.





“ Luh. Okay, labhan ko nalang tapos ibalik ko pag nagkita tayo. “ At nagayos na para lumabas ng sasakyan.





“ Whatever you want, princess. “ At lumabas na ng sasakyan. Naghintay muna si Aiah na makaalis ito bago pumasok ng bahay. Bumusina naman ito at nagsimula ng umalis. Pero bago pa ito tuluyang makapasok ng kwarto niya ay nag buzz ang phone niya.




“ Thank you, princess. Nag enjoy ako. Sa uulitin? ;) “




“ Ayoko nga. ;P “




“ Sounds like a yes to me. ;) “




~





First part nga pala ng story.

 

 

First girl na nagpabaliw kay Aiah.

 

Ang isang Kit Santi Coronel.

 

Fuck girl vibes. Pogi na maganda at car girl, Aeronautics ang kurso. At jologs ang playlist. ;)

Forward
Sign in to leave a review.