
Miss-ter Right (2)
Miss-ter Right (2)
“ Oh! Oh! Yung mga ambag niyo ilapag niyo na ah?! Iikot na ko. Ang di mag ambag, sa poso iinom ng tubig sa intrams! “ Jara exclaimed and started to roam around the room to collect their daily funds for their intramurals.
“ Jha, thank you ah? Alis lang ako saglet, pinapatawag ako ni Sir sa office niya. May iuutos nanaman si tanda for sure. Kaw na bahala muna dito. “ bilin ni Aiah sa classmate niyang si Jara.
“ No problem, pres! Akong bahala sa pera natin, este sa mga kaklase natin! “
“ Weh?! Pambibili mo lang ng turon sa canteen yan jha eh!” Epal na sagot ng isa pa nilang kaklase. Mahilig kasi si Jara sa turon sa canteen, halos araw araw sa recess yun ang kinakain niya. Minsan nag ccr pa yan kunware pero sa canteen ang diretso.
“ Grabe naman sa accusations?!? Eh kung ilibre mo nalang kaya ako, John Paul?! “
“ No thanks. “
“ Owedi mag ambag ka. Lalaro ka sa intrams diba? Pag ayaw mo, tubig poso inumin mo. Last year pa gatorade gatorade ka pa, bano ka naman. “ At dahil sa kakabunganga ni Jara, nagbigay na ito ng 100. Nakakabingi rin kasi yung bunganga niya.
Minake sure muna ni Aiah na maayos ang lahat bago siya umalis papunta sa office ni tanda. Medyo malayo layo rin ang lalakarin niya, sa kabilang building pa kasi yun at madadaanan niya ang mga var—-
“ Hi, Miss Aiah! “ Ayun na nga. Ang mga varsity players ng volleyball na nagpapractice.
“ Uy, Felix! kumusta? “ Bati nito pabalik kay Felix, isang varsity player ng volleyball at basketball. Matangkad, red haired, maganda, pogi, gentlewoman, straight A student, at crush niya. I mean sino ba namang hindi? Lahat na ata na sakanya na.
“ Eto. “ sigaw niya sabay turo sa ginagawa niyang pag serve and receive drills habang nakabilad sa araw.
“ Kelan nga ba laro niyo sa SCUAA? “ Tanong ni Aiah habang patuloy parin sa paglalakad. Hinabol naman siya ni Felix.
“ Next month na, Miss Aiah! Nood ka? “ Pag aya nito sa kanya na may kasamang ngiti.
“ Grabe, tagaktak na siya ng pawis pero amoy baby parin.” Aiah silently muttered.
“ Please? Kailangan ko ng lucky charm? Hehe. “ Naku naman.
“ Need mo pa ba ng lucky charm? You’re the Ace naman eh. “ Aiah muttered with a smile. Mukhang nahiya naman si Felix.
“ I figured you’d be my lucky charm? I feel like kinakabahan ako. This time. “ Felix said while scratching her nape. Feeling a little shy towards the beautiful lady in front of her.
“ Naku naman. Sige na nga! Tutal dito lang naman sa SDC diba? “
“ Yep. SDC yung host this year ng SCUUA. So ano? Nood ka ha? “ she asked again with her signature eye smile.
“ Okay. Basta mananalo ka ah? “
“ Oo naman. Para sa’yo Miss Aiah! “ ngiti nito at sumaludo sa kanya.
“ Ewan ko sa’yo puro ka kalokohan! Sige na, punta pa ko sa office ni Sir. Bye n—“ dipa nya natatapos ang sasabihin niya nang magsalita agad si Felix.
“ Oh no, he’s gonna ask you again to bring some stuff no? Come on, sasamahan na kita. “ Agad nitong hinila si Aiah.
“ Luh? Huy huy! Ano ka ba di na kailangan no, kaya ko na ‘to. Tsaka may training pa kayo ah baka mapagalitan ka pa. “ Felix didn’t even take a glance at her team mates and coaches and continued to walk habang hila niya ang kamay ni Aiah.
“ They’d be fine without me. I’ll go with you. “ Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang marating ang office ni Sir Perez. At tama nga si Felix, may ipapadala ito.
“ See? I told you, you’ll need me here. “ Buhat buhat nila ang boxes of documents na hindi alam ni Aiah para saan, basta ang sabi ni Sir Perez ay dalhin daw sa faculty room.
Mabuti nalang at may muscles itong kasama niya at pati yata siya kayang buhatin nito. Kidding.
Nang marating na nila ang faculty room ay agad nilang binaba ang mga boxes na dala nila.
“ Thank you, felix ha? Naabala pa tuloy kita. Baka pagalitan ka na ng coach niyo niyan. Libre nalang kita pambawi man lang? “ Nahihiyang sabi ni Aiah habang naglalakad na sila pabalik,
“ De, okay lang yun Miss Aiah. Basta ikaw ba, anytime. “ Turo pa nito sa muscles niya sa braso. Natawa naman si Aiah sa ginawa nito.
“ Hindi, I insist. Pag pinagalitan ka ng coach niyo, kausapin ko siya. Libre nalang kita kay Kuya Bok? 20 pesos lang busog kana dun! “ Nakangiti nitong sabi.
“ Uy game ako diyan! If you want, mamayang dismissal?”
“ Uhmm. Wala naman akong lakad mamaya, pero may meeting kami ng officers. I’m not sure lang anong oras matatapos. “
“ I’ll wait for you then. “
“ Naku wag na! Abala nanaman sa’yo yun. Marami pa namang time. “
“ Ikaw bahala. Ano pala class mo niyan? “ Tanong nito nang makapasok na sila sa St. Ruiz Building.
“ Physics next class namin. Naku, napalayo pa tuloy yung lakad mo. Dinaan mo lang ata ako sa kwento kwento mo eh. “ Nahihiyang sabi ni Aiah. Nasa tapat na sila ng room niya.
“ Para more time with you. Odiba? Hahaha “ Banat ni Felix. Nag init naman ang pisngi ni Aiah sa sinabi nito.
“ Ewan ko sa’yo, bye na. Ingat ka pabalik! “ Kumaway si felix at ngumiti bago nagsimulang mag jog pabalik sa training grounds.
Pagpasok niya sa classroom ay tinukso siya ni Jara.
“ Haba ng hair, nagrejoice ka ba girl?! “ Kanta nito nang umupo na sya sa tabi niya.
“ Baliw ka talaga jha. Sinamahan lang niya ko kay sir. As usual may pinabuhat nanaman. Ano ba ko? Kargador ba ko ha? Bakit di kaya yung boys ang utusan niya no? Anyways, tara canteen? Parang nauhaw ako need ko ng malamig na inumin. “
“ Weh?? Feeling ko crush ka niya bhie. Lagi kang sinasamahan tsaka binabati. “ Asar ni Jara. Syempre in denial parin mode ang ate mo girl.
“ Luh? Binabati lang crush na agad? “
“ Oo? Pero bhie, pinsan siya ng ex mo. Beware lang. “
“ Huh? Bakit beware? Tagal na naming wala nun. “
“ Balita ko kasi.. “ Panimula ni Jara. Bumubulong siya para walang chismosang makarinig. “ Matagal ka na nilang parehong gusto. “
“ Loka, san mo naman napulot yan? “ Indenial na react ni Aiah sa narinig nito.
“ San pa ba? Edi dun sa ka m.u kong ka varsity rin nila. Nagsuntukan pa nga daw sila bhie. Pero tagal na yon, ewan ko lang if until now.. “ Napaisip naman si Aiah sa kwento nito.
“ Anyways, sabi mo canteen tayo uy! Tara, sabihin mo kunwari kay ma’am may inutos si sir sayo, sigurado palalabasin tayo nun. Tara na bilis! “
~
“ Okay everyone, dismissed! “ Sigaw ni Corps commander. Bumalik na si Aiah kung nasan ang bag niya, niready niya ang mga gamit dahil uwian na. Halos 1 hr din ang inextend ng meeting nila kaya’t medyo madilim na. Naglakad na siya palabas ng gate. Napansin niya si Felix na nakaupo sa bench malapit sa gate. May duffel bag pa itong dala at ang shoes niya.
“ Uy! Andito ka pa?? “ Bungad nito.
“ Syempre naman. I told you hihintayin kita diba? Tara? “ Nakangiti ito sa kanya. Pero bakas sa mukha nito ang pagod.
“ Nako, nakakahiya naman. Pero bakit? We don’t even go the same way. “ Naglalakad na sila palabas ng campus. Medyo madilim narin at pauwi na ang mga tao. Patuloy parin sila sa paglalakad hanggang marating nila ang parking.
“ Sakay. “ Felix said when they stopped sa tapat ng isang… motorbike?? Clueless si Aiah at hindi niya alam kung anong gagawin. It’s her first time seeing one. She doesn’t even know how to.. Get on?
Lumapit si Felix sa kanya at isinuot ang dala nitong helmet para kay Aiah.
“ To keep you safe. “ she said softly.
Sasakay na sana si Felix para bumwelta na pero pinigilan siya ni Aiah. “ Hey, where’s your helmet? “
“ Ohh, It’s fine. You’re more important. “ she answered with assurance.
“ Pl— “
“ Miss Aiah. Please, I insist. “ Wala ng nagawa si Aiah kundi umoo nalang. But in fact, she’s a little worried about Felix.
“ Okay wait lang ha? Ako muna ang sasakay and then I’ll tell you pag sasakay ka na. “ She said confidently. Tumango naman si Aiah. Although kinakabahan siya dahil first time niya ‘to.
“ Miss Aiah, pwede ka na sumakay sa likod ko. Hawak ka sa balikat ko and then step ka lang dito. “ Felix guided her at successful naman siyang nakasakay.
“ Okay, ready ka na? “ Pero si Aiah hindi alam saan hahawak. Felix placed her hands sa waist niya. “ Here. You can put them here. “ And now, she’s technically back hugging Felix Amelia Lynnwood.
“ O-oh. I feel a little nervous. “ Felix held her hands and caressed them. “ It’s okay. You’re safe with me. “
Huminga muna siya ng malalim at tumango. Felix started driving and they went very slow at first. Chill ride lang ba. Nakapikit lang si Aiah habang nakayakap. Every time na titigil sila, Felix held her hand and caressed them. Making sure Aiah feels comfortable sa byahe nila. Ilang minuto rin ang lumipas at nafifeel na ni Aiah ang saya. Yung adrenaline ba. Binilisan naman ng konti ni Felix para hindi makatulog si Aiah sa byahe. Mahirap na at baka mahulog ito. Meanwhile, Aiah was just admiring the city lights habang bumabyahe sila.
Ilang minuto ang lumipas at narating na nila ang bahay nila Aiah. Dahan dahan siyang bumaba at ibinalik na ang helmet kay Felix.
“ Woooh! Grabe, first time ko yon! “ Aiah said excitedly.
“ Glad you enjoyed it. Safe ba ko magdrive? “
“ Oo naman. Chill lang takbo mo. Uy, thank you ah? Napalayo ka pa tuloy. “
“ Naku, wala yun Miss Aiah. You’re very welcome po. “
They’re staring at each other. Unang umiwas si Felix.
“ Ah.. ano.. Pasok kana? Para you can rest na rin po. I bet your day was long. “
“ Osya, ingat ka pauwi ha? Text mo ko. “
“ Eh Miss Aiah. Wala naman akong number mo eh hahaha. “ Felix chuckled.
“ Ay charot wala nga pala. Osya, ingat ka sa byahe mo. Huwag masyado mabilis ang takbo. “ Sinuot na ulit ni Felix ang helmet nito at sumaludo na sakanya. Nang mamake sure ni Aiah na nakaalis na ito, pagkatalikod niya sana ay biglang bumalik si Felix.
“ Miss Aiah! “ humarap ito ulit.
“ Uy! Baket? May nakalimutan ka? “ may kinuha ito sa bulsa.
“ Oo, number mo sana? Nakalimutan ko. “
~