
Taking you back (8)
TYB8
Kinabukasan, maagang nagising si Colet. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng babaeng katabi niya. Ang babaeng nagtapat sa kanya ng pag ibig dahil sa kalasingan nito. Fresh parin sa isipan niya ang mga pinaggagawa nito kagabi.
F l a s h b a c k
“ Yves, gising ka na. Andito na tayo. “ Mahinang tapik ni Colet.
“ Hmmm. “ ungol lang ang sagot nito.
“ Yves uy, gising ka na diyan. Apakabigat mo. “ pilit na binubuhat ni Colet si Yves pero dahil lasing ito’y mabigat ang katawan niya.
“ Col. “ Ngiti nito sa kanya habang pumupungay pungay ang mga mata.
“ Halika na ha? “ Alalay ni Colet sa kanya.
Pero bago pa ito makalabas ng kotse ay bigla nalang itong nasuka sa loob mismo.
“ Yves naman eh. “ Medyo naiinis na sabi ni Colet. “ Ba’t diyan ka nasuka? Kainis naman eh! “ But Yves only smiled. “ Oh ano? Tapos ngingiti ngiti ka diyan na kala mo lalo mong kinaganda? Ambaho mo na uy, amoy suka kana. Turned off na ko. “ Natatawang sabi ni Colet habang umiiling.
When they reached their room, agad niyang inihiga si Yves. Agad din siyang kumilos para linisan ito dahil sa amoy nito. Kumuha siya ng bimpo at hinilamusan niya ito. Binihisan niya narin ito at kinumutan.
“ Pasalamat ka, mahal kita. Kung hindi, talagang titiisin kita. Inom inom aba’y hindi naman pala kaya. “ Sermon niya dito kahit alam niyang tulog na ito.
Pagkatapos nitong linisan ang asawa ay siya namang naligo at naghanda na para matulog.
“ Humanda ka sa parusa mo bukas. “ She grinned mischievously.
E N D O F F L A S H B A C K
“ Sulitin mo na ang tulog mo, humanda ka talaga. “ Bulong nito at agad ng bumangon para maghanda ng agahan.
~
“ Mommy, wake up! “ The twins said while kissing their Mommy Yves para magising ito.
“ Kids, later nalang please. “ Yves pleaded with her eyes still closed.
“ No po, wake up na. “ Pangungulit parin ni Ice.
“ Isaiah naman eh. “ Medyo naiirita na si Yves, dagdagan pa ng pananakit ng ulo nito. Pero hindi parin siya pinakinggan ng mga bata, nagtatatalon pa ang mga ito sa sa kama para gisingin siya.
When she opened her eyes, seryosong mukha ni Colet ang bumungad sa kanya.” G-good morning, love. “ Medyo nauutal na sabi ni Yves, pero tinaasan lang siya ng kilay ni Colet. “ I–i’m sorry, kakagising ko lang. “ Dagdag pa nito sabay sapo sa kanyang ulo dahil sa sakit nito.
“ Sino ba kasing nagsabing maglasing ka kagabi ha? “ Hindi parin ngumingiti si Colet. Napayuko nakang si Yves dahil hindi niya alam ang sasabihin. Alam niyang hindi gusto ni Colet ang ginawa niyang paglalasing.
“ Atty. Yves Ramirez. “ Biglang nagsalita si Ice which made Yves look at him. “ You are under arrest. “ Her son added which made her frown. Ngayon lang din niya napansin ang suot nito. Ice is wearing his little policeman blue shirt.
“ You have the right to remain silent. “ Seryoso si Ice habang may binabasa sa papel. “ Anything you say or do will be used against you under the court of law. “ Patuloy nito at lumingon kay Colet na nakangiti lang din.
Si Yves naman ngayon ang napataas ng kilay dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari. Lalo atang sumasakit ang ulo niya.
“ Atty. Yves Ramirez. “ It’s Gray’s turn now and Yves burst out laughing ng makita ang anak. Gray is wearing her Mommy Yves’ black blazer.
“ Huwag kang tumawa diyan. Seryoso kami. “ Colet scolded her.
“ Ok. “ Yves answered trying to control her laugh.
“ Can I continue now? “ Gray asked. Seryoso talaga ng mukha niya which Yves find so adorable.
“ Yes your honor. “
“ Atty. Yves Ramirez, you have a complaint here from Doc. Colet Vergara. “ Gray continued as she read the words written on her paper. “ Case no. 14344 , Doctor Colet Vergara vs. Atty. Yves Ramirez for Robbery. What is your plea? “ Gray finished now looking at her Mommy Yves who’s now smiling because of her kids’ cuteness.
“ Wait a minute your honor. “ Yves said. “ At ano naman ang ninakaw ko sa’yo aber? “ She eyed Colet.
“ Puso ko. “ Colet answered looking back at her. Nabigla si Yves sa sinabi nito kaya di niya napigilang mamula.
“ See? Your honor? She blushed which means guilty po siya. “ Colet continued while grinning na lalong ikinapula ni Yves.
“ Ok, Mommy Yves is guilty. “ Segunda ng kambal.
“ Kayo ha, pinagkakaisahan niyo ko. “ Yves pouted.
“ Since you’re guilty, this court hereby sentences you reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong.. “ Colet said looking straight at Yves’ eyes. “ Sa buhay ko. “ She added winking na ikinatawa ng huli.
“ I love you. “ Yves whispered as she pulled Colet closer.
“ Mahal kita. “ Colet answered back.
“ Ahemm. “ Gray caught their attention when they’re about to kiss. Napatawa nalang ng malakas sina Colet at Yves. Nakalimutan nilang kasama pala nila ang kambal.
“ Mama, you promised pasyal tayo bukas po. “ Ice stated.
“ Yes boss, a promise is a promise. “
“ Excuse me, Doc Vergara, that’s exploitation. “ Yves scolded.
“ Bakit? Gusto mo bang iurong ko nalang ang kaso? “ Hamon ni Colet.
“ Hmmm, hindi rin. “ Yves giggled. “ So paparusahan mo na ba ako? “ She added seductively.
“ Sabihin man nating gusto ko yang iniisip mo, Atty. Ramirez, pero sorry ka, dahil naghihintay ang parusa mo sa labas. “
“ Huh? What do you mean? “
“ Dahil naglasing ka kagabi, at sinukahan mo ang kotse ko, kaya lilinisin mo siya. “ Colet smirked.
“ What?! “ Yves exaggerated. “ Love naman.. “
“ Huwag mo nga ako malove love diyan. Di uubra sakin yan. “ Colet said while exiting the room. “ Bangon na diyan at maligo ka na. Naghihintay na parusa mo. “
Wala ng nagawa pa si Jade, kaya sinunod nalang ang sinabi ng asawa.
~
“ Di ka na galit? “ Yves asked. Kakataposnlang nilang linisin ang kotse nito na medyo natagalan dahil nagharutan pa sila habang naglilinis.
“ Galit sa? “ Colet asked back habang hindi inaalis ang mata sa pinapanood ng mga anak sa Youtube.
“ Galit sa pagsama namin kay Maki? “
“ Hmmm. “ Nag isip saglit si Colet. “ Let’s say, sumama ang loob ko, at nagtampo ako, pero tapos na iyon. “ she smiled.
“ Promise? “ Yves pouted. “ Para kang bata. “ Colet chuckled.
“ Ayoko kasing nagagalit ka. “ Nagpout ulit si Yves. Hinalikan siya ni Colet sa lips. “ Then, behave po ikaw. “
“ Yes, doc. So tayo na ulit? “
“ Bakit? Ayaw mo ba? “
“ Syempre, gusto ko.” Parang batang sagot ulit ni Yves.
“ Then, I’m taking you back. “ Colet answered lovingly.
~
Like what Colet promised the twins, pinasyal niya ang mga ito after their Sunday mass. Kumain sila sa labas at nanood ng sine. Sobrang saya ng kambal dahil nagkaroon ulit sila ng family day na kung saan ay kumpleto sila.
After their activities, napagpasyahan nila na mag grocery para sa susunod na linggo.
“ Love, what if sa condo mo naman tayo umuwi next week? “ Yves asked Colet dahil matagal narin itong hindi umuwi sa kanya.
“ Sigurado ka? “ Parang nag aalangang tanong ni Colet. “ Medyo may kaliitan yon, baka hindi magustuhan ng mga bata. “
“ Ano ka ba? You know them, hindi sila mapili. “
“ Kung yan ang gusto mo. “ Colet smiled at agad nilang sinundan ang mga mga bata na nasa fruits section ng supermarket.
Pero hindi pa sila nakakalapit ng marinig nila ang iyak ni Gray, at ang boses ni Ice na parang may inaaway. Nang makalapit sila, they saw na pinapagalitan ng isang salesman ang mga ito.
“ Hoy, anong ginagawa mo sa mga anak ko? “ Medyo pagalit na sabi ni Yves.
“ Kayo ho ba ang nga magulang ng mga batang ito ma’am? “
“ Oo at anong karapatan mo para saktan sila ha? “ Galit parin si Yves.
“ Eh.. kasi naman ho ma’am, tignan niyo naman po ang ginawa nila. “ Mahinahong sagot ng lalaki sabay turo sa mga mansanas na nakahilera na may kagat.
“ Isaiah, Graciella, kayo ba may gawa niyan? “ Tanong ni Colet sa mga bata. They nodded. “ Bakit niyo naman ginawa iyan anak? Alam niyo bang bawal yan? “
“ Kasi po Mommy Yves said na pag masarap ang apple, fresh daw po yon so we’re looking for fresh ones. “ Ice answered.
“ Sabi ng Mommy Yves yon? “ Colet asked while eyeing Yves. “ Pero anak, hindi lahat ng apples need kagatan ha? Dapat po muna silang bilhin. “ Paliwanag nito sa mga bata.
“ At ikaw naman. “ Baling niya sa lalaki. “ Hindi ka dapat nananakit ng mga bata. “ She added scolding the man. “ Babayaran nalang namin ang lahat. “
“ Opo ma’am, pasensya na ho. “ Nakayukong sagot naman nito.
“ At ikaw. “ Baling niya kay Yves. “ Maguusap tayo mamaya. “ But Yves only gave her a cute smile.
Papunta na sila ng counter para bayaran ang mga pinamili. Masaya pa silang namimili ng biglang..
“ Nicolette? “
Iyon ang boses na nagpatigil sa kanila. Biglang kinabahan si Colet dahil hindi siya pwedeng magkamali sa narinig. Nanlamig siya at parang biglang namutla na pinagtaka ng mga bata.
“ Nicolette. “ Ulit pa ng babaeng tumawag sakanya.
Paglingon niya’y how she wish na lamunin nalang siya ng kinatatayuan niya. Nanlaki din ang mata ni Yves dahil sa gulat ng makilala ang babae sa harapan nila.
“ Mommy? Mama? “ Ice called Colet and Yves pero parang wala silang narinig.
“ N-nay? “ Colet finally said ng tuluyan ng nakalapit ang ina.
Ooops.