BINI One shots <3

BINI (Philippines Band)
F/F
G
BINI One shots &lt;3
All Chapters Forward

Taking you back (9)

TYB8



“ Anong klaseng kalokohan ‘to? “ Tanong ng nanay ni Colet. Nakayuko sila ni Yves, hindi alam kung sino ang magsasalita sa kanila. Agad silang dumiretso sa apartment ni Colet para makausap ang mga magulang nito. 




“ Hindi kayo magsasalita, ha? Paano nangyari ‘to Nicolette? Kaya pala hindi ka na umuuwi eh dahil may ginagawa kang kalokohan. “ Pabalik balik pa ito sa paglalakad habang pinipigilan ang galit sa anak. Sino ba naman kasing mag aakalang may anak na pala ito? Nang huli pa itong umuwi sa probinsya ay wala pa itong kasamang anak na kambal. 




“ Nay, huminahon ho muna kayo. Upo muna kayo please. “ Pagpapakalma ni Colet sa ina nito.




“ Paano ako kakalmang bata ka? Kung hindi pa kami lumuwas ng tatay niyo ay hindi namin malalaman ‘tong kalokohan mo. Teka nga, nasaan ba ang kapatid mong si Tine tine? Alam—” naputol ang sunod sunod na sabi ng nanay ni Colet nang biglang bumukas ang pinto.





“ Nay! Tay! “ hinihingal na sigaw nito pagkapasok ng apartment ng ate niya. Kasunod naman nito si Aiah na nahihiyang pumasok. Agad naman itong sinenyasan ni Yves na umupo sa tabi niya.




“ Speaking of the devil, aba’y Tine tine may alam ka ba dito sa kalokohan ng ate mo ha? “ diretsahang tanong ng nanay nito. “ A– hello, iha. Napakaganda namang batang ire. Huwag mong sabihing may apo na rin ako dito nak? “ baling nito kay Aiah na nakaupo na sa tabi ni Yves. Bigla naman itong kinabahan sa sinabi ng ina ng kanyang kasintahan.




“ Nayyyy. Pwede ba huminahon nga ho kayo? “ Pagpapakalma din nito sa ina. “ Teka nga, upo nga muna kayo. Ako na magpapaliwanag ng lahat. “ 




“ Nay kasi ganito yan. First of all, wala pa po kaming anak ni Aiah. Pangalawa ho, recently ko lang din ho nalaman, nay. Pangatlo, ehh ate ikaw na magsabi kay nanay. “ baling nito sa Ate niya. Huminga naman ng malalim si Colet bago nagsalita.




“ Nay, ampon lang ho ang mga kambal. “ Mahinahong sagot nito. Bigla namang nagsoften ang ina nila. Tumayo naman si Yves para magsalita. Huminga ito ng malalim.




“ N-nay? “ Utal na simula ni Yves. Ninenerbyos kasi talaga siya lalo na ngayong kaharap niya na ulit ang nanay nito. It was more than 7 years ago when she last saw them. “ S-sorry ho..” pero hindi siya pinatapos magsalita ni Colet.




“ Nay, kasi po matapos makapsa ni Yves sa  bar exams nagpasya po siyang ampunin ang kambal. “ SImula ni Colet habang hawak ang kamay ni Yves. “ Pangarap po kasi namin na magkaroon ng kambal. “




“ Pero si Yves nalang ang tumupad dahil iniwan mo siya. “ Putol ng nanay ni Colet sa anak. Nagulat si Yves sa narinig nito. But she can’t react dahil pinisil ni Colet ang kamay ng asawa para bang nagsasabing hayaan nalang ito.




“ Nay..” react ni Jhoanna.




“ Pero totoo naman diba? Nagulat nalang tayo noon ng maghiwalay itong dalawa eh mukha namang wala silang problema. “





“ Nay, alam niyo naman ang rason kung bakit ko ginawa yon diba? Di ko po kayang pagsabayin si Yves at ang pag aaral ko. “ Rason nito. 




“ Col.. “ iyon lang ang tanging nasabi ni Yves. She can’t believe na binaligtad nito sa magulang ang dahilan ng paghihiwalay nila noon. Kaya pala wala siyang nakitang galit mula sa nanay nito dahil hindi pala nito alam ang totoong nangyari.




“ Shhh. “ Colet hushed while wiping her tears. “ Bumabawi naman po ako sa kambal nay eh. As long as I can, binibigay ko po sa kanila ang oras at panahon na hindi ko po nabigay sa kanila dati. “ Colet smiled sadly. “ Iyon nga lang po, hindi namin agad nasabi ni Yves dahil medyo nabusy po kami ngayon. Pero uuwi naman po talaga kami dun sa atin eh. Medyo marami lang ho akong pasyente ngayon at itinuloy ko narin ho ang pagvovolunteer ko sa BFP. “




“ Siyanga anak? “ Biglang lumiwanag ang mukha ng nanay nito. 




“ Opo nay. Nakita pa nga ho ako sa tv ng kambal. “ kamot nito sa batok. Natawa naman ang ina nito.





“ Mommyyyy Mamaaaa “ Masiglang bati ng kambal na nagpalingon sa kanila.




“ Naku Nicolette, anak mo ba talaga itong kambal? Eh parang mana sa Tita Tine tin nila eh napakakukulit! “ Pagsusumnbong ng tatay nito. 




“ Tay naman, pag makulit ako agad? “ Reklamo ni Jhoanna sa magulang.




“ Abay may katapat ka na ngayon sa kakulitan mo ano? “ Balik ng tatay nila na ikinatawa ni Yves at Aiah.




“ Aba’y napakagandang batang ire. Nobya mo ba ito, Tine tine? “ Pareho namang namula si Jhoanna at Aiah. 




“ Tay naman! Huwag niyo na ho akong tawaging Tine tine, hindi na ho ako bata. “ Pagrereklamo nito sa magulang. 




“ Ang mabuti pa’y bigyan niyo narin kami ng apo ng mama ninyo para may kalaro na si ano na nga ang pangalan niyo mga apo ko? “ Tawag nito sa kambal. Lumapit naman ang dalawa at kumalong sa lolo nila.




“ Isaiah Jamie Vergara-Ramirez. “ magiliw na sagot ni Ice.




“ Graciella Owy Vergara-Ramirez. “ Malambing naman na sagot ni Gray habang nakayakap sa lolo.




“ Aba’y napakagagandang pangalan naman pala ng mga batang ire. Bagay sa inyo mga apo, napakaganda at kaygwapo ninyo. “





“ Teka nga, Bert, ako naman. Apo, halika nga kayo dito kay Lola Charlyn. “ Agad namang lumapit ang dalawa at kumalong. “ Anong paborito niyong pagkain? Ipagluluto kayo ng lola Cha.“




“ Caldereta! “ sabay na sigaw ng kambal na ikinatawa ng lahat.




“ Aba’y pati pala iyan ay namana sa’yo Nicolette. Pare pareho din kayong mga mukhang Caldereta ano? Ang Lolo Bert din ninyo at Mama Colet iyan ang paborito. Osya, halikayo sa kusina at samahan ninyo ako. “ 




Pero biglang may kinuha si Ice sa kanyang backpack na cute at agad na bumalik sa lola nito.

“ Lola, for you po. “ Abot nito ng bulaklak na pinitas niya nang mamasyal sila kasama ang Lolo Bert.




“ Napakasweet naman nitong apo ko. Salamat apo. “ Ngiting ngiti naman ito at niyakap ang bata. “ I love you, lola. “ dagdag pa ni Ice at yumakap sa lola nito. 




“ I love you din po, Lolo. “ Di naman nagpatalo si Gray at pumunta sa lolo nito.




“ Malambing din itong si Gray. Mahal din kita, apo. “ Sabay halik sa noo ng bata.




“ Alam niyo ba kung ano pa ang mas nakakainis sa inyo? “ Baling ng matandang babae kina Colet at Yves. “ Kung sana’y noon niyo pa sinabi, di sana matagal na kaming nakadalaw sa mga apo ko. “ Dagdag pa nito na nagpangiti kay Colet. 





“ Di bale na, Cha, ang mahalaga’y andito na tayo. “ Sagot naman ng Asawa nito. “ Nicolette, dito na kami matutulog ng mama ninyo ha? Para naman makasama pa namin ang mga bata. Pwede ba iyon? “




“ Mommy, please? “ Pagsusumamo ni Ice sa magulang nito.




“ Opo naman tay. “ Yves answered. “ Kukunin lang ho namin ni Colet ang mga gamit nila sa bahay mamaya. “ At napalundag naman sa tuwa ang kambal.





“ Apo, sama muna kayo kay Lola Cha ha? May paguusapan lang kami ng Mama ninyo. “ 



Agad namang sumama ang kambal sa lola nila papuntang kusina. Tumungo naman si Colet at kanyang tatay sa opisina nito. Ang paboritong silid ng kanyang tatay. 




“ Tay, sorry po. “ Nakayukong sabi ni colet sa ama.




“ Ba’t ka nagsosorry? May ginawa ka bang mali ha? “ 



Ang silid kung saan nakalagay ang mga gamit ni Colet sa pag dodoktor nito. Her med books, typewriter na luma na nasa sulok na ngayon, ang laptop nito na nasa ibabaw ng mesa niya,  ang kanyang coat na nakasabit sa rack, at ang kanyang framed certificates na naglalaman ng achievements nito. Napangiti ang tatay nito as his eyes roamed the place.



“ Marami ng pinagbago ang kwartong ito. “ He started as he looked at his daughter. “ Maraming bagong gamit pero hindi parin nawawala ng dati nitong ayos. “ He then smiled. “ Parang kayo lang ni Yves. “




“ Po? “ She asked her dad  curiously.




“ Tulad niyo ni Yves na marami ng pinagbago matapos ang paghihiwalay niyo noon pero hindi parin nawawala ang pagmamahal niyo sa isa’t isa. “ Napangiti naman si Colet sa sinabi ng itay.




 “ Pero Nak, malaking responsibilidad itong pinasok niyong dalawa. “ Her dad added. “ Pero alam kong kaya ninyong dalawa ito. “




“ Opo namna, tay. Mana ako sainyo eh. “ Colet chuckled.




“ At sana rin ay hindi na maulit ang dati. Sana’y hindi mahantong sa konting hindi pagkakaintindihan lang ay maghihiwalay na agad kayo. Dahil ngayon nak, may mga anak narin kayong napakacute na mas uunahin niyo at iisipin parati. “ Her dad added. “ hindi na talaga kami papayag ng nanay mo na lumaki silang hindi kayo buo. “




“ Promise po yan tay. “




“ Mabuti yan nak. Hay, dati lang ay kinakalong kalong ko lang kayo ni Tine tine ngayon may apo na ako sa’yo na kinakarga. “ dagdag biro nito.





“ At isa pa, may kulang dito sa silid mo. “





“ Ho? Ano po yon tay? “






“ Lagyan mo ng litrato niyong mag-anak itong lamesa mo. “ Napangiti naman si Colet sa sagot ng itay.




~




Colet was busy scanning some documents on her laptop when the door of her office opened. Yves came in holding a glass of milk. But what made her jaw dropped was seeing her teasing wife only wearing her doctor’s coat.




“ What are you doing here? And you know naman i’m not drinking milk. “ nahihirapang salita ni Colet dahil sa babaeng nasa harapan niya.




“ We need to talk. “ Yves husked sexily sabay upo nito sa desk kaharap ni Colet.




“ T-tungkol saan? “ utal ng kausap. “ And why are you wearing my coat? “




“ Wala lang, I just feel hot wearing this. “ Yves answered which made Colet chuckle. “ And, Doc. Vergara bakit mo ginawa yon ha? “




“ Ginawa ang alin? “





“ Bakit hindi mo sinabi kina nanay ang totoo? Why did you tell them na ikaw ang nakipaghiwalay? “ But Colet just laughed softly. “ Seryoso po ako kaya wag kang tumawa diyan.”





“ You really wanna know why? “




“ Ahuh. “




“ Kasi mahal kita. “ Colet stood up and whispered into Yves’ ears which sent her shivers. At hindi na nakapzghintay pa si Yves, she held Colet close and kissed her. The latter kissed her back with equal longingness. 




Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Yves sa asawa when she felt Colet’s hand start to caress her breasts. Yves almost lost herself with the sensations Colet is giving her when suddenly…




“ Colet, anak? Andito ka ba? “ Nanay Cha called from the outside. Bigla namang natauhan ang dalawa at mabilis na inayos ang mga sarili. Agad na binuksan ni Yves ang pintuan para pagbuksan ang nanay ni Colet. Nagulat din ito sa nakita niya.




“ Yves, anak andito ka din pala. “ Nanay Cha smiled. Agad namang nagisip si Colet.




“ Nagpatulong po kasi ako Nay. “ Salo ni Colet. “ May problema po ba? “




“ Ganun ba nak? “ Hindi parin mawala ang ngiti ng ina. “ Kasi nak si Gray nawiwi sa kama, hihingi sana ako ng pamalit niya kaso kumatok ako sa kwarto niyo ay walang sumasagot kaya dumiretso na ako dito. “




“ Naku nay, pasensya na po sa abala. “ Yves apologized.




“ Ano ka ba, Yves. Ayos lang yon anak. Ganyan din si Colet noon. “ Panunukso nito. “ Mabuti pa’y tulungan mo nalang ako para bihisan ang bata. “ And they went upstairs , naiwan naman si Colet na natatawa nalang sa nangyari.




Nang maayos na ang mga bata ay agad narin silang sumunod ni Yves sa kwarto para magprepare na sa pagtulog.



“ Ok na sila? “ Colet asked nang makahiga na sila.




“ Yup. Si nanay na daw muna bahala sa kanila. “



“ Buti naman, tulog na tayo? “




“ Matutulog ka na? “ Yves pouted.



“ Oo eh, antok na ako. “ Nagkukunwari pa itong humikab. 




“ Ganun? “ Mataray na sagot ni Yves. “ But you did say na mahal mo ako diba? “ naghum naman si Colet.




“ Love is a verb and it requires action. “ 




“ Lagi ko namang pinaparamdam sayo, diba? “ hindi naman papatalo si Colet sa panunukso.




“ There’s different action na gusto ko. “




“ And what kind of action is that? “ Colet raised her brows.




“ Colet naman eh, kainis kana na. “ Napipikon na si Yve sa ginagawa ni Colet.




“ Ang cute cute talaga ng baby ko, ajujujuju. “ Hindi na mapigil ang tawa ni Colet as she pulled her close.





“ I hate you. “ Yves pouted..





“ Mahal kita, Mrs. Vergara. “ Colet smiled as she kissed Yves.







W A K A S.

Forward
Sign in to leave a review.