
Taking you back (7)
TYB7
“ Sis? ” Someone called Yves. Napalingod agad siya sa boses na yon. It’s Aiah. Kanina pa ito nakarating at nasaksihan niya ang eksena. Agad itong lumapit sa kanya para yakapin ito. “ Tahan na, sis. “ Pag aalo nito sa kaibigan.
“ She’s mad with me. “
“ I know, I’ve heard everything. “ Aiah nodded. “ At kahit mahal kita, at kaibigan kita, hindi ako kakampi sa’yo ngayon because Colet has a point. “
“ Damn, sis. For God’s sake Yves! That woman loves you. Kailangan pa ba kitang iuntog para makita mo ‘yon? “ Aiah rolled her eyes, while Yves was just listening quietly. “ If you just heard her excitement kanina when she called me to ask where the hell are you and the kids. She even asked me where she could take you guys for a nice family date. “
“ Kaso nalungkot siya nung nalaman niyang kasama niyo si Maki. Naman kasi Yves eh! Ba’t kasi sumama sama pa kayo dun eh? Kala ko ba gusto mo ng buong pamilya? “ Aiah scolded her.
“ Nag aya kasi ang mga bata, sis. Maki insisted na pagbigyan sila. “
“ Pag sinabi ba ng Maki na ‘yon na tumalon ka sa building, gagawin mo? “ Aiah said exaggeratedly. “ Colet is right, kung ganyan lang din naman, edi sana si Maki nalang ginawa mong magulang ng kambal. “
“ Sis.. “ Yves pouted.
“ Ay nako, don’t use that against me! Baka nakakalimutan mo Atty. Yves Ramirez, bawas ganda points mo kay Doc. Colet. “
“ Puro ka naman kalokohan eh. “
“ Osya, pero seriously, ano pa ba kasing kinakatakot mo? Wala na ang daddy mo para pumigil sainyo. That girl loves you, she may not admit it directly to your face, pero ako kitang kita ko ‘yon. “
“ Eh.. anong gagawin ko? “
“ Naman sis, abogado ka ba talaga? “ Her friend rolled her eyes. “ Suyuin mo! Make the first move, this time. Ikaw naman ang nangiwan dati diba? Then gumawa ka ng paraan ngayon to win your girl back. “
Yves sighed. Tama ang kaibigan niya. Dapat na siyang gumawa ng paraan para hindi na mawala ulit si Colet sa kanya, sakanila ng pamilya niya. Bago pa tuluyang mahuli ang lahat.
~
“ Yes, Yves. Don’t worry. She’s with me. “ Mikha said while talking to the phone with someone. “ Oh, okay wait lang, I’ll ask her. “
“ Col, your woman wants to talk to you. “ Baling nito sa kaibigan.
“ Marami akong trabaho. “ Balewalang sagot nito. Ang totoo niyan ay tapos na niya ang trabaho niya. Ayaw lang talaga niyang makausap si Yves.
Galit siya, inis siya, at masama ang loob. Galit siya sa sarili niya. Naiinis siya dahil dapat siyang magalit kay Yves pero hindi niya magawa. Mahal niya parin ito. She thought her love for her died already, pero muli itong nabuhay. Masama ang loob niya dahil parang wala lang ito para kay Yves. Na para bang pinaglalaruan lang siya nito.
She wants to shout para malabas ang lahat ng sama ng loob niya. How she hated the way she can’t hate Yves. Naramdaman nalang niya na tumulo nalang bigla ang luha niya dahil sa magkahalong sakit at galit na nararamdaman.
“ Pre. “ The only thing that Mikha said, then she hugged her. At dun na siya tuluyang bumigay, she cried and cried. She felt so weak at parang gusto na niyang bumigay.
“ I hate her, Mikhs. I should hate her, right? Pero tangina naman, Mikhs! Bakit di ko magawa? “ Patuloy parin ang agos ng luha niya.
“ Kasi mahal mo. “ Her bestfriend said knowingly. Hindi na nakasagot pa si Colet dahil tama ang kaibigan niya.
~
“ Mama! “ Tumatakbong salubong ng kambal kay Colet. It was a friday afternoon at ngayon lang din uli sila nagkita matapos ang nangyari ng Monday night. They missed her so much kaya mahigpit nila itong niyakap.
“ Nak, di makahinga si Mama. “ Natatawang sabi ni Colet habang nakayakap sa mga bata.
“ Mama, are you still mad po? “ Gray asked. “ Di niyo na po ba kami love po? “
“ Sinong nagsabi niyan? Nagalit ang Mama sa nangyari pero hindi sainyo. Mahal na mahal ko kayong dalawa. “
“ Promise? “ Ice asked. Nakaupo sila ngayon sa isang bench sa loob ng school ng kambal. She decided na sunduin ang mga ito.
“ Promise. At nagalit ang Mama dahil ayokong masaktan kayo. “ Paliwanag niya sa mga bata.
“ Ayaw ko pong magalit ikaw, Mama. “ lambing ni Gray sakanya. “ I love you, Mama. “
“ Naku naman, naglalambing ang mga mahal ko. “ Sabay kiliti sa mga bata na ikinatawa ng mga ito.
Matapos nitong ipasyal ang mga bata ay agad din nitong hinatid sa bahay. Masayang masaya ang mga ito dahil sa oras na nagkasama silang muli.
“ Hi, Colet. “ bati ni Aiah kay Colet nang makapasok ito sa bahay. Agad namang naalerto si Yves sa pangalang narinig niya kaya agad siyang lumabas.
“ Aiah. “ Colet smiled. “ Hinatid ko lang ang mga bata. “
“ Love. “ Yves called her kaya napalingon si Colet sa kanya. Pero tiningnan lang niya ito ng walang emosyon.
“ Pasensya na, nalibang kami sa pamamasyal. “ Pilit na ngiti ni Colet. “ Mauuna na rin ako, Aiah. “
“ You’re not staying? Nagluto ako ng paborito mo. “ Yves pleaded.
“ Hindi na, diretso narin kasi ako sa trabaho. “
“ Mama, di niyo po ba miss luto ni Mommy Yves? “ Ice asked.
“ Syempre miss. Diba nga super love ko ang luto ni Mommy Yves? “ Nakangiti niyang sabi sa anak. “ Pero nak, may work pa kasi ang Mama. Sa susunod nalang ha? “ Tumango nalang ang bata.
“ Alis na ako. “ Paalam niya.
“ Doc. “ Aiah called her. Sinundan pala niya ito sa labas.
“ Hmm? “ Lingon nito bago makapasok sa kotse.
“ I’m glad na bumalik ka. Ako na ang humihingi ng sorry sa pagiging insensitive niyang asawa mo. “ Pagbibiro nito which made Colet laugh.
“ Walang kami, ano ka ba. “ She answered. “ Mahal ko ang mga bata. Kailangan nila ako. “
“ Ang mga bata lang? “ Hindi parin ito tumitigil sa panunukso.
“ Ewan ko sa’yo. Wag nalang muna nating pilitin ang mga bagay na hindi pwede ngayon. Ang mahalaga ngayon ay ang mga bata. “
“ Pero sana makapagusap kayo, para hindi na kayo parehong nahihirapan. “
“ Darating din kami diyan. Sa ngayon hayaan muna natin. “ She answered with a smile.
“ Aasahan ko yan, bayaw. “ Biro nito. Parang kapatid narin ang turing ni Aiah kay Yves.
“ Makakaasa ka, bayaw. “ Balik biro nito at tuluyan na silang natawa. “ I have to go na, may shift pa ko. See you. “
“ Ingat, Doc. “ Paalam rin nito.
“ Ikaw ang mag ingat. “ Makahulugang sabi nito na nakangisi. Namula naman si Aiah sa sinabi nito dahil alam niya kung ano ang tinutukoy nito.
“ Nagiging magkamukha na kayo ng kapatid ko. Kakasama mo yan sa kanya. “ komento ni Colet na mas lalong ikinapula ni Aiah.
“ Ehem uh, ano.. by the way, sana free ka next weekend. Inuman tayo. Kahit dito sa bahay lang. “ Pahabol ni Aiah. Tumango naman siya bago tuluyang umalis.
~
The next weekend came. Surprisingly, Aiah brought them isa isang bar na pagmamay ari ng isa niyang kliyente. Aayaw pa sana si Colet dahil hindi na siya sanay sa mga party, pero wala na siyang magagawa dahil pinilit siyang sumama ng kapatid niyang si Jhoanna. Kasama nila ang mga katrabaho nila sa ospital pati narin ang ibang officemates nila Aiah sa law firm.
Medyo nahihiya pa ang lahat sa una pero dahil mababait ang mga kaibigan nila ay naging medyo at ease at komportable na din.
Nakuha na rin ng lahat na makipagbiruan, lalo na si Colet na medyo nagiging madaldal na rin lalo na sa mga kaopisina nila Yves.
Medyo may kadiliman ang lugar kaya di niya napapansin ang mga matatalim na titig ni Yves. Halos umusok na ang ilong nito sa inis sa mga nasasaksihan nito.
Napaparami na rin ang nainom nito kaya naman siguro’y dahil epekto narin ng alak ay biglang hinatak niya si Colet papunta ng dancefloor na ikinagulat naman nito.
“ Good job! “ Aiah told her friends dahil mukhang umuubra na ang plano nila.
“ Yves, anong gagawin natin dito? “ Colet asked nang makarating na sila ng dance floor.
“ Sasayaw. “ Medyo mapungay na ang mga mata nito dahil sa kalasingan.
“ Nababaliw ka na ba? alam mong hindi ako sumasayaw. “ Iling ni Colet.
“ Let’s dance! “ at nagsimula na itong umindak. Pero dahil sa hilo, bigla siyang naduwal. Toned arms ni Colet ang sumalo sa kanya.
“ Ok ka lang? “
“ Love..” At nagsimula ng magbagsakan ang mga luha ni Yves. She hugged Colet tight.
When Aiah saw them, agad niyang sinenyasan ang DJ at bigla nalang napalitan ang tugtog ng love song.
If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
Si Yves naman ay patuloy parin ang paghikbi habang mahigpit na nakayapos si Colet.
With you I see forever, oh, so clearly
I might have been in love before
But it never felt this strong
“ Yves, is something wrong? “ Colet asked worriedly.
“ L-love.. sorry. “ Utal na simula ni Yves. “ I-i’m sorry for being a coward. S-sorry hindi kita pinaglaban kay dad noon. “ Yves added na ikinagulat ni Colet. “ Pero Love.. kung hindi ko sinunod ‘yon, kung hindi kita iniwan, babawiin nila ang scholarship mo. Pangarap natin yon diba? Ang maging doktor ka at ako naman abogado. Kaya di ako papayag na mawala iyon sa’yo. “ Yves then looked at Colet who’s now speechless. Iyon pala ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa kanya.
Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to go
Hold me now, touch me now
I don't want to live without you
“ S-sorry kasi nagsinungaling ako sa kambal na ikaw ang sinabi kong isa pa nilang mama nila. “ Yves continued. “ Pero kaya ko lang naman ginawa yon dahil mahal na mahal kita. Ikaw lang ang gusto kong makasama at pangarap natin magkaroon ng kambal diba? “ Parang bata nitong pagsusumamo.
Nothing's gonna change my love for you\
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love
“ Yves, lasing ka na. “ Tanging nasabi ni Colet, hindi makapaniwala sa rebelasyong narinig nito. “ Halika na, umuwi na tayo. “
“ No! Di ako lasing! “ Yves protested.
“ Parang tanga na tayo dito oh. “ Pabulong na sabi ni Colet dahil sa hiya. Pinagtitinginan na silang dalawa.
Nothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothing's gonna change my love for you
Kasabay ng pagtapos ng kanta ay ang paghatak ni Colet kay Yves palabas ng lugar na iyon. Sumenyas nalang siya kay Aiah na mauuna na sila dahil lasing na ang kaibigan nito. Nagthumbs up naman ito.
Colet settled Yves on the passenger’s seat of her car. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula rito. “ Kung hindi ka pa malalasing, hindi ka pa aamin. “ bulong nito habang sinisigurado na safe siya at komportable at saka naman ito pumunta sa driver’s seat.
“ Love.. “ Yves called her. Napalingon naman si Colet sa kanya, akala nya’y tulog na ito.
“ Shh. matulog ka na, bukas nalang tayo magusap. “ Colet chuckled.
“ I love you, Col. “ At tuluyan na itong nakatulog.
“ Hay Yves ko. “ Colet sighed. “ You know what? You still make me smile even though you’re the main reason why I’m hurting. “ She kissed her forehead.
“ At mahal kita. Mahal parin kita, sobra. “ she added and started driving on their way home.
“ Umamin nga, lasing naman. “ Umiiling na sabi ni Colet na may kasamang ngiti.