BINI One shots <3

BINI (Philippines Band)
F/F
G
BINI One shots &lt;3
All Chapters Forward

Taking you back (6)

Taking you back (6)




Yves woke up from the right side of their bed. Not because she slept on the right side but because Colet is hugging her. Kinantahan pa siya nito hanggang sa makatulog siya. 




How she missed those things. 




She missed Colet.




She missed the old them. 




“ I love you. “ She whispered as she stared at Colet who’s sleeping peacefully on her bed. Napapangiti siya dahil sa mahinang paghilik nito. She’s fighting the urge to kiss her dahil baka magising ito.




Kaya bago pa niya magawa ang mga bagay na iniisip niya, she rose up and decided to cook breakfast.




She was already preparing the table when Colet and the twins joined her.




Colet is already in her white long sleeves and jeans. Ready na itong pumasok sa trabaho. Yves smiled at the sight of her in the morning. 




“ Ang bango naman dito. “ Bungad ni Colet na agad dumiretso sa kanya and gave her a kiss. Yves wasn’t expecting it. “ Good Morning, Lightning Queen! “ Colet teased her which made the twins laugh. 



“ Apakasama mo talaga. “ Irap nito sa kanya. “ Is that what I get after making you guys breakfast huh? “ 



“ Oops, nagtampo si Mommy Yves. “ Nagkunwaring malungkot si Colet. “ Naiisip niyo ba ang naiisip ko, V2 and V3? “ Baling niya sa mga anak niya na nakangisi.




“ Palagay ko nga, V1. “ Pakikisakay naman ng kambal sa kalokohan niya. 




“ Operation hug Mommy Yves! “ And the three of them hugged her tightly.




“ Puro kayo kalokohan ha. Upo na, kain na. Gutom lang yan. “ Nakangiting saway nito sa pamilya niya. “ At ano nanaman yang V1, V2, V3 na yan ha? “




“ Secret. “ sabay sabay nilang sagot at nagtawanan.




“ Ikaw Colet, kung ano anong tinuturo mo sa mga bata. “ Pero tawa lang ang natanggap niyang sagot. “ Magkape ka na nga lang. “ Sabay abot ng tinimpla niyang kape para dito.




“ Thanks, love. “ Colet answered as she started sipping the coffee and read some documents on her ipad.




Hindi pwedeng magkamali si Yves sa narinig niyang pagtawag sa kanya ni Colet. Para syang teenager na pinansin ng crush niya.




“ By the way, diba wala kang kotse today? Ako na maghahatid sa mga bata sa school. Ikaw, sabay ka ba? “ Colet asked. Pero bago pa makasagot si Yves ay nagring ang phone niya.




“ Hello Maki? “ Hindi yon nakalagpas sa pandinig ni Colet. “ Sorry, medyo malelate ako ngayon, Pinahiram ko kay Aiah yung kotse ko eh. “ Yves paused. “ No na, no need na Maki. Ihahatid ako ni Colet today. Yep. Thanks, see you. Bye. “ 




“ Ano nanaman daw kailangan ni epal? “ Colet asked nang makabalik na si Yves. Muntik ng mabulunan naman ang isa dahil sa tanong niya. 




“ May nakakatawa ba? Di ako nagpapatawa ha. “




“ Wala, cute mo kase. “




“ Mommy, what’s epal po? “ Gray asked.




“ Ayan. Ikaw sumagot diyan. Kung ano ano kasing sinasabi mo. “ Yves scolded her.




“ Ah.. ano nak “ she looked at their daughter.  Nagiisip ng isasagot sa bata. “ Ano yon nak, parang si Tito Maki mo. Ah another word for mabait. “ 




“ Colet. “ Yves shook her head.




“ So Tito Maki is epal po? “ Gray asked again.




“ Yes anak. “ Colet winked at Yves.




“ Hay ewan ko sainyo. Makapagbihis na nga. “ Yves rolled her eyes and went to their room.




~




Maagang nagpaalam sa trabaho si Colet. Aayain niya sanang kumain ang kapatid niya pero may date daw ito. Naisip niyang baka wala paring kotse si Yves kaya’t napagpasyahan niyang sunduin nalang ito sa trabaho pati narin ang mga bata. Nagplano narin siya kung saan sila kakain pagkatapos.



Pero pagdating niya sa opisina ni Yves, nagsabi ang secretary nito na nakaalis na daw ito kanina pa. Nanghinayang siya, pero nagdecide nalang syang umuwi nalang baka nasa bahay na ito. 



Mukhang tama ang hinala niya dahil nakaparada na sa garahe ang kotse nito. Napapangiti pa siya habang papasok ng bahay. Kahit pala hindi na sila lumabas ay pwedeng sa bahay nalang sila kumain. Ang mahalaga ay kumpleto sila.



Pagpasok niya sa bahay ay walang ka tao tao. Tinext naman niya si Yves at Aiah. Nakatanggap naman siya ng reply kay Aiah na hindi raw nito kasama sila Yves at ang mga bata at nasa date daw siya ngayon. 



Pero nakatanggap ulit siya ng text mula kay Aiah na nagpakulo ng dugo niya.




Kasama ng pamilya niya si Maki.




Biglang nawala ang ngiti ni Colet nang mabasa ‘yon. Pero wala naman siyang magagawa dahil mabait naman ito sa mga anak nila. Isa pa, wala naman siyang karapatang magselos dahil hindi naman sila ni Yves.



It was almost 7 in the evening  at hindi na mapakali si Colet. Hindi parin nakakauwi ang mag ina niya. Kung ano ano na ang naiisip niya. Ni hindi na siya naghapunan dahil sa paghihintay.



May narinig syang tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay kaya agad siyang lumabas para salubungin ang mga bata. When the twins saw her, they immediately ran towards her to hug her. Si Yves naman ay tila nakaramdam ng kaba. Akala niya ay magtatagal ito sa trabaho nito dahil busy ito.




“ Colet, hinatid ko lang ang sina Yves. “ Maki said plainly.




“ Salamat. “ Colet answered while nodding.



“ Mama, Tito Maki is so epal! Binilhan niya po kami ng toys and kumain po kami sa labas. “ Ice said with a smile. Nagulat naman si Maki sa sinabi ng bata.



“ Ah, Yves. I think mauuna na ko. Bye kids. “ Pagpapaalam nito. But Colet followed him outside. 




“ Ehem. “




“ Yes? “ 




“ Naaapreciate ko ang mga ginagawa mo para sa mga anak ko. Pero tatapatin na kita, hindi ko gusto ang mga binibili mo para sakanila. “ Colet said without smiling.




“ The kids love them. Lalo na yung mga roller skates na binili namin kanina. “ Maki smiled mischievously. 



“ Alright, kung ayaw mo akong pagbigyan. Mabuti pa sigurong layuan mo na ang pamilya ko. “ Colet firmly said.




“ Excuse me lang, Doc Vergara. Sino ka ba sa palagay mo? Ikaw nga ang nanay ng mga bata, oops, let me repharse it, kinikilalang isa pang nanay nila, but you’re not Yves’ wife nor her girlfriend. Kaya wala kang karapatan para diktahan kung sino ang pwedeng kumaibigan sa kanya. “ Natahimik si Colet sa sinabi niyang yon. Well, tama naman siya. Sino nga ba sya sa buhay ni Yves at ng kambal? Hindi nga pala sila ni Yves. 



“ Good night, Doc. “ umalis na si Maki at naiwan si Colet na magisa sa labas. Tama nga si Maki, wala siyang karapatan. Masakit mang isipin pero yun ang totoo. 




“ Mommy! “ Iyak ni Gray. Agad namang pumasok si Colet sa loob para tignan ang bata. 




“ Nak, ano nangyari? “ 




“ Natumba po siya, Mama. “ Si Ice ang sumagot. Kitang kita naman ni Yves ang galit sa mga mata ni Colet.





“ Bakit mo ba kasi suot yan?! “ Mariing sagot ni Colet habang hinuhubad ang skates sa paa ng bata. 




“ I wanna play po kasi. “ Gray sobs coz she knows her Mama Colet is mad.




“ Maghapon na kayong naglaro, tapos paguwi naglalaro padin. “ Matigas na sabi ni Colet dahil sa galit nito. “ At may tamang lugar ang ganyang klase ng laruan, hindi dito sa bahay. “




“ Mommy. “ iyak ng mga bata dahil sa takot.




“ Pasok sa kwarto. “ At tumakbo ang kambal papunta sa loob. 




“ Colet. “ Yves finally said. Matalim na tingin lang ang binigay na sagot ni Colet. “ The kids asked for it from him kasi. “ She explained. Nauutal pa ito.




“ Hindi porket gusto nila, ibibigay na. Kita mo yung nangyari? Pasalamat ka hindi nasaktan si Graciella. “ 




“ Col, he’s just being a nice lang naman. “




“ Ah, nice? Bakit? Ano bang kaya niyang ibigay na hindi ko kayang ibigay sa mga anak ko ha? “ Colet countered. “ Kung gusto niyong mamasyal, bakit di niyo sinabi? Kaya ko naman gawin yon para sa mga bata. “ Yves felt speechless dahil alam niyang nasaktan si Colet. 




“ If he’s nice for the kids, edi sana siya nalang ginawa mong magulang nila. “ Pagtatapos nito.




“ Col..”  Yves whispered pero nakaalis na ang kotse ni Colet. 




Nasaktan nanaman niya ito. 

Forward
Sign in to leave a review.