
Taking you back (5)
Taking you back (5)
Lumakas ang ulan pagkadating nila sa bahay nila Yves. May kasama pang kulog at kidlat kaya’t parang tuko tuloy si Colet na nakadikit lagi kay Yves dahil alam niyang takot ito. Nasa sala sila ngayon at nanonood ng movie. Horror pa talaga ang napili ng mga bata. At dahil malakas ang ulan, napagpasyahan nila na magsleepover nalang si Tita Mikhs Ganda at Tita Jhoanna. Oo kasama si Tita Jhoanna dahil paborito siya ni Gray, sinama niya ito.
Kanya kanya silang pwesto sa sala, ang mga kambal ay nasa portable na mattress na sinet up ni Colet para sakanila. Si Colet at Yves naman ay awkward na magkatabi sa L shaped na couch. Gusto sanang yumakap ni Yves dahil sa takot sa pinapanood nila pero nahihiya siya at baka sabihin ni Colet na tsinatsansingan lang niya ito. Hindi ba’t totoo? Minsan narin talaga niyang nahawakan ang toned abs ni Colet. Estudyante pa sila noon ha, pano pa kaya ngayong Doktor na siya at bumbero. Napapailing nalang si Yves.
Sa kabilang banda naman ay may isang babae ang awkward na awkward na sa sitwasyon niya. Pano ba naman ay naka sandwich siya sa dalawang babae sa buhay niya. Sa kaliwa niya ay si Mikha Lim, ang ex niya during college days na iniwan niya para tuparin ang pangarap niyang maging abogado. Sa kanan naman niya ay isang babaeng nagpapagulo ng isipan niya lately. Secret lang daw, pero si Jhoanna yon.
Medyo nakaramdam ng ginaw si Aiah. Eh pano ba naman, si ate mo girl ay naka night dress na. She rubbed her shoulders to give warmth to herself. Sabay na napatingin ang dalawang babaeng katabi niya.
“ Why are you wearing a night dress ba kasi? You know naman na lamigin ka. “ Bulong ni Mikha sa kanya. Bago pa siya maka react ay hinubad ni Mikha ang suot nitong jacket at isinuot ito kay Aiah.
“ Are you okay? “ Jhoanna asked her gently. Tumango lang ito at ngumiti. Pabebe si ate mo girl.
Tumayo naman si Jhoanna at lumapit sa sister in law niyang si Yves at may binulong. Tumango naman ito at umalis. Pagbalik nito ay may dala na siyang 2 blanket. Inabot niya ang isa kay Jhoanna at nagshare naman sila ni Colet sa isa. Pinatong ni Jhoanna sa legs ni Aiah ang blanket na nirequest niya kay Yves. Ngumiti ito at bumalik na ulit sa panonood.
Hindi alam ni Aiah kung anong gagawin sa mga oras na ito. Hinihiling niya na sana lamunin nalang siya ng lupa. Inaamin niya na hindi niya inaasahang makita si Mikha. It’s been a few years since the last time they saw each other. They actually broke up on good terms, and it’s making it even awkward now, most especially that she has Jhoanna. Ano nga ba ang meron sila ni Jhoanna? Bigla tuloy nag flashback yung gabing yon.
“ Mind if I join you? “ a random girl asked her. Nasa bar siya ngayon at nagpapakalasing dahil nalaman niyang may bago ng jowa ang ex niya.
Tumango siya at ngumiti habang nakayuko. Medyo nararamdaman niya na ang amats.
“ Bakit naman magisa ang isang babaeng ganyan kaganda on a saturday night? “ the random girl asked her.
“ I just want peace and quiet. “ she answered drunkenly at nakayuko parin.
“ If you want peace and quiet, just go to the library. “ Asar sakanya ng babae at uminom ito ng beer niya.
Nainis siya at humarap sa babaeng nang aasar sa kanya. Ngunit ang mukhang tumambad sa kanya ay isang babaeng napakaganda.
Round eyes.
Kissable lips.
Hot face.
Ang bango naman niya. I can smell it from here.
Hinubad nito ang jacket niya at tumambad ang toned body nito. Agaw pansin naman kay Aiah ang toned biceps nito. Napalunok siya at umiling. Tatayo na sana siya ng matumba siya pero agad nakalapit ang babae sa kanya at inalalayan siya.
“ Miss, okay ka lang? “ The stranger girl asked her nicely, this time.
Hindi siya umimik at pilit paring tumatayo at umaalis sa bisig ng babae. She felt intoxicated sa good smell ng babae. Para bang hinihila siya papalapit sa babae. She brushed the thoughts out of her mind at tumayo na ulit. She needs to go home at may pasok pa siya bukas. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, natumba ulit siya and Miss Stranger is holding her again.
“ Let me. “ Miss Stranger said to her assurance. Naramdaman nalang niya na parang lumulutang na siya. She closed her eyes and let her take her. She felt safe on the stranger’s arms. Maya maya ay naramdaman niyang hiniga siya nito sa passenger’s seat, nirecline nito ang upuan at kinumutan ng jacket.
Nararamdaman niya ang hininga ng babaeng nasa harapan niya. Her face is inches from hers.
“ Her breath smells good. “ Aiah thought to herself.
Tatayo na sana ang babae ng walang alinlangang hinila ni Aiah ang mukha nito para halikan.
The next morning, she woke up on a stranger’s bed, naked. Then she turned around and checked the room. No one’s around. She checked the time.
“ Shit, late nako! “ Aiah exclaimed.
Nagmadali siyang magbihis at nagbook ng grab papuntang office niya. Lagot siya kay Yves dahil late na siya sa client meeting nila. She grabbed her things and was ready to go out when she saw a letter on the bed side table.
Hey, stranger.
Sorry, I had to leave early for work. Here’s my number, XXXXXX Text me whenever.
PS: Sorry for the hickeys. Can’t help it, your body is a wonderland.
Agad siyang tumingin sa salamin at chineck ang katawan niya. Hindi nga siya nagkamali at may hickey siya sa leeg niya. Wala siyang choice kundi maglugay today. She quickly fixed herself and went to the lobby dahil nasa baba na daw grab driver.
Aiah remembered everything. Naputol naman ang pagdeday dream niya ng sumigaw si Yves dahil sa takot. Pati tuloy siya ay nadamay sa gulat nito kaya’t sumigaw din siya at nagtakip ng mukha, kahit na hindi naman talaga niya napanood ang eksena dahil busy siyang magday dream. May naramdaman siyang kamay na yumakap sa bewang niya. Napatingin siya sa babaeng nakangiti ngayon sa kanya.
Si Jhoanna.
“ It’s okay, I’m here. “ Bulong nito sa kanya at nirub ang legs niya for assurance.
Hindi niya alam kung kikiligin siya o kakabahan.
“ Lord bakit mo naman ako ginaganito? “ She silently thought.
Ilang sandali lang ay natapos na din ang movie at oras na para matulog. May bago nanaman siyang problema dahil saan matutulog itong dalawa? Lord naman eh.
Kanina pa sila nagdidiskusyon kung sino ang tatabi sa kanya. O tabi silang 3 sa kama niya or tabi nalang ang dalawa at siya ang sa couch. Nagiisip siya ng plano. Sino ba mas ayaw niyang katabi? Ang ex niya o ang babaeng laman ng isipin niya?
“ Hello? Oh Gwen? Ha? Ah okay sige, papunta na ko. “ Jhoanna ended the call.
“ Ate, I need to go back sa hospital. There’s been an accident, they need me sa ER. “
“ Ha? Aba bakit hindi nila ko tinawagan? “ Colet exclaimed.
“ Luh, bakit? Surgeon ka ba te? “ Jhoanna said to her older sister. Nakatanggap naman ito ng batok.
“ Anyways, are the twins asleep already? I’ll just kiss them good night. “ Sinamahan naman siya ng ate niya sa kwarto ng mga bata para magpaalam.
Pagbalik ni Jhoanna ay siya naman bineso nito. Nagsorry pa ito sa kanya dahil hindi siya makaksama sa overnight nila. Nagsabi naman ito na babawi siya at idedate niya ito.
Napaisip naman si Aiah. One less problem. Less nga ba?
Now she needs to sleep on the same bed with her ex girlfriend.