
Taking you back (4)
Taking you back (4)
“ Wakey wakey, Mama. “ lambing ni Ice kay Colet para gisingin ito. Si Gray naman ay nakayakap sa Mommy Yves nito.
Sobrang excited ng dalawa dahil nangako ang Mommy Yves nila at Mama Colet nila na family day nila ngayon at mamamasyal sila.
“ Ice anak, ang aga mo naman gumising. Anong oras palang oh. “ Sagot ni Colet habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
“ Mamaaaa “ Pilit na ginigising parin ni Ice ang kanyang Mama Colet, kaya’t wala na siyang choice kung hindi tuluyan ng dumilat.
“ Good morning, Isaiah kulit! “ She smiled at kiniliti ang anak. Agad namang sumali si Gray sa asaran ng dalawa.
“ Mama, are you and Mommy fighting po? “ Biglang tanong ni Gray.
“ No anak, bakit mo naman po naitanong? “ Takang taong ni Colet sa bata.
“ Eh bakit po kayo sa floor nagsleep po? “ Tanong ulit ng bata. Bigla namang nagising ang diwa ni Colet. Nagisip ito ng idadahilan at paano lulusutan ang tanong ng bata. Napapakagat naman ng labi si Yves para pigilan ang tawa nito dahil namumula na si Colet.
“ Kasi ano nak.. Maaga nagising ang Mama kanina, but when I saw na madilim pa sa labas, natulog ulit si Mama. Isa pa eh baka magising si Mommy Yves niyo kanina pag tumabi ako ulit sa kanya. Kaya dito nalang sa floor si Mama, hehe. “ Pagdadahilan ni Colet habang kinakamot ang batok nito. One of her mannerisms whenever she’s shy. Nanotice naman agad ito ni Yves kaya inasar niya ito.
“ Ah, kaya pala. “ Pakikisakay naman ni Yves para asarin si Colet. Pinandilatan naman siya nito.
“ Pwomise po? “
“ Pwomise po. “ sagot naman ni Colet sa bata.
“ If you’re not fighting, kiss nga po kayo? “ Pangungulit naman ni Ice sa Mama nito. Napailing nalang si Colet. Nagiisip ito paano nanaman lulusot.
“ Ice, anak. Kakagising lang ni Mama oh, bad breathe pa ako. Mamaya nalang ok? “
“ Naku, Ice. Your Mama Colet is just making excuses. “ Nakangiting gatong ni Yves. “ Maybe, she got jealous with your Tito Maki yesterday. “
“ Kapal mo ha! “ sagot ni Colet sabay tapon ng unan kay Yves. “ Hindi ako nagseselos. “
“ Ay nako kids, look oh she threw her pillow at me oh. “
“ Mommy, bad. “ Saway ni Ice sa Mama Colet nito.
“ Hmp. “ Namumula na si Colet sa inis pero patuloy parin si Yves sa pang aasar dito. She really finds it cute whenever she’s blushing. How she misses her.
Biglang tumayo si Colet, siguro’y tuluyan na itong napikon. But before Yves can react, Colet kissed her on her lips. And now, it’s Yves turn to blush.
“ Okay na po? “ Colet winked and smiled mischievously bago siya pumasok sa cr.
~
“ You may give each other the sign of peace. “ Ang hudyat ng pari. Agad namang yumuko si Colet para yakapin at halikan ang kambal. It was their first family mass together.
After kissing the twins, binaling na ulit ni Colet ang atensyon niya sa misa, ngunit may batang makulit na sinusundot ang tagiliran niya.
“ Mama, you haven’t kissed Mommy Yves po. “
“ H-ha? “ Gulat niyang tanong sabay tingin kay Yves na nagkunwaring walang narinig. “ Ah. “ at di na siya nag paligoy ligoy pa, she kissed Yves’ cheeks. Then she smiled at the twins who then smiled back. While Yves is trying so hard to hide her smile and how she feels. She got two kisses from Colet this morning. Grabe na ang kilig na nararamdaman niya, feeling niya wala ng mas sasaya pa sa kanya.
After the mass, Colet suddenly had a work call. She had no choice but to take them with her to the hospital.
“ Isaiah, Graciella, dito lang muna kayo ha? May need lang asikasuhin saglit si Mama. Then I promise we will get your ice cream after, ok? “ Pag explain nito sa mga bata at hinalikan ang mga ito. “ Lov– Ah I mean Yves, saglit lang ako, ah bye “ Nadulas si Colet ngunit mag rereact palang sana si Yves nang mabilisang lumabas ng opisina ito.
Natameme si Yves sa narinig nito. “ Did she just called me love? “ Actually, she doesn’t know what to feel these past few days that Colet is spending days with them. The twins seemed really happy to be with their Mama Colet. Ngunit nakakalungkot isipin na ang sweetness na pinapakita nito ay para lang pagbigyan ang mga bata.
Wala naman siyang pwedeng sisihin kung hindi ang sarili niya. Kung hindi niya ito sinaktan noon di sana’y hindi sila nasa ganitong sitwasyon. Masaya sana silang ngayon kasama ang mga bata. Pero puro sana na lang ba ang lahat?
“ Mommy! Mommy! Ang ganda po ng office ni Mama! Is she a doctor po? “ Ice suddenly asked while checking his Mama Colet’s things.
“ Naku, Ice anak. Please don’t touch anything, baka magalit ang Mama Colet ninyo. “ Yves said habang pinagbabawalan ang mga bata na mag kalikot ng mga bagay bagay. Baka magalit si Colet dahil nangingialam sila ng mga gamit niya.
“ Mommy, I’m hungry. “ Gray said while pouting.
“ Anak— “ Hindi na natuloy ni Yves ang sasabihin niya ng bumukas ang pintuan.
“ Hello baklang ulikba! “ Bungad ni Mikha. Nagulat siya ng makita ang mga bata. Agad niyang tinakpan ang bibig nito.
“ Oops, sorry sorry may mga bisita nga pala si Colet. Ah hi Yves, pinapabigay nga pala ni Colet baka raw gutom na ang mga bata. “ Abot nito ng paper bags galing sa Jollibee.
“ Jollibee?! “ Masayang sabi ng kambal. Agad naman silang lumapit sa Tita Mikha nila para yakapin siya.
“ Yes po opo, Your Mama Colet asked me na magpadeliver ng Jollibee dahil favorite niyo daw po. Burger steak for Ice and Jolly Spaghetti for Gray. “ Mikha handed them their food. The twins hugged her and said thank you.
Pinagmasdan naman nila ni Yves ang mga bata na masayang kumakain.
“ Yves oh. Pinapabigay ni Colet, iabot ko daw sa’yo personally. “ Mikha handed her food. Nagtaka naman ito at binuksan. 2 piece burger steak at tuna pie.
She still remembers. Yves thought to herself. She can’t help but smile.
“ Pinapasabi pala ni Colet na matatagalan daw siya ng konti kaya pinadala niya muna ko dito para samahan daw kayo. “ Mikha said while sipping her coffee. Tulala parin si Yves.
“ Yves? “
“ H-huh? “
“ Wag kang mag alala, di nambababae yun. Tsaka babalik din yon. Nagka emergency lang yung pasyente niya. “ Mikha teased her.
“ Ah.. Wala naman akong sinasabi ah? “ Yves said. Namula siya ng kaunti pero buti nalang at di ito pansin ni Mikha dahil busy itong pinagmamasdan ang mga kambal na kumain.
“ They really look like Colet. “
“ Alam mo, parehas kayo ng sinabi ni Aiah. She said the same thing the first time we saw them at the orphanage. “
“ A-aiah? “
“ Yeah, yung best friend ko si Aiah. Kilala mo ba? “ Yves asked curiously.
“ Ah wala wala. Kapangalan lang siguro. Anyways, ano plano mo? “ Mikha changed the topic.
“ Huh? Plano saan? “ Maang mangan ni Yves. Mahinang tawa lang ang naging tugon ni Mikha.
“ Mahal mo pa noh? “ Mikha said which gave Yves flushed cheeks.
“ Mahal mo pa eh. I can see that. Dahil kung hindi na, hindi mo hahayaan ang kambal na kilalanin siyang ina nila. “
“ Wala namang nagbago eh. “ Nakayukong sagot niya. “ Pero huli na, malaki na ang pinagbago niya. “
“ Sigurado ka bang huli na talaga? Palagay ko pwede pa naman eh. “
“ What do you mean? “
“ Akala ko ba abogado ka? Dapat alam mo na yun. Alam niyo nga yung Rule of Law eh, dapat alam niyo rin ang Rule of Love. “ Biro nito.
“ Ewan ko sa’yo. “ Irap nito sa kaibigan ng hilaw niyang asawa.
Burp!
Napatingin silang dalawa sa batang nagburp. Natawa naman sila ng makita ang kambal na nag aasaran.
“ Mommy! Busog! “
“ Napakacute na bata! Pwede bang mahiram sila minsan, Yves? “ Biro ni Mikha.
“ Hoy, anong hiram hiram ka diyan? “ Biglang dumating si Colet na nakasuot ng coat at may stethoscope.
“ Mama! “ Agad namang tumakbo ang kambal papunta sa kanya.
“ Oh. “ Yakap nito sa mga bata. Binuhat niya ang mga ito at niyakap.
“ Pre, pwede kayang — “
“ Hindi. “ Putol agad ni Colet sa kanya.
“ Grabe ka naman sakin pre. Osya, nandito na ang nanay niyo. Aalis na si Tita Mikhs Ganda. “ Lumapit naman ang kambal para yakapin siya.
“ Tita Mikhs, sama po kayo sa bahay? Para mameet niyo po si Tita Ganda? “ Pag aya sa kanya ni Ice. Bigla namang natawa si Colet. Naweirduhan naman si Mikha sa reaksyon nito.
“ Oo nga no, nak? Ano mikhs, gusto mo bang mameet si Tita Ganda nila? “ pang aasar ni Colet sa kanya.
“ Ha? Bakit ba? Sino ba yang Tita Ganda na yan nila? Chix ba yan pre? “ Excited na tanong nito.
“ Chix pre, Mikha types! “
“ Yan ang sinasabi ko, Mikha types! Sige bebe Ice, sama si Tita Mikha! Dun tayo sa may chix hehe “ Nag apir naman si Ice, Mikha at Colet. Habang si Yves naman at Gray ay gulong gulo sa nangyayari.
“ Ate?! tara samgyup! “ Biglang bukas ng pinto.
Sino kaya si Tita Ganda? 😏