
Taking you back (3)
Taking you back (3)
“ Superhero naman pala ‘tong tropa kong ‘to! “ Ilang oras na sigurong pinagtatawanan ni Mikha si Colet. Kulang nalang humiga sya sa sahig sa sobrang tuwa. Nasa opisina sila ngayon ni Colet
“ Gago. “Inis na sabi ni Colet sa kaibigan niya.
“ Haha, sorry na. Sorry na. So anong plano mo ngayon? “ Tanong ni Mikha sa kanya.
“ Ewan, di ko alam. “ Colet sighed.
“ Mahal mo pa noh? “
“ Anong klaseng tanong yan? Hindi na no. Matagal na panahon na yon, marami ng nagbago. “ Defensive na sagot ni Colet.
“ Weh? “
“ Ewan ko sa’yo, puro ka talaga kalokohan, Mikha Lim. Speaking of ex, nakita ko ex mo. “ Pagmamayabang ni Colet.
“ What do you mean? “ Interesadong tanong ni Mikha sa kanya.
“ Wala, sikretong malupet. “
“ Dali na kase! “ pangungulit ni Mikha.
“ Bakit ba? Mahal mo pa noh? “ Si Colet naman ngayon ang nang aasar.
“ Di no! Ah.. wala wala! Tara na nga! “ Pagdedeny nito at nagmadaling lumabas na ng ospital.
~
“ Mommy, uwi po ba si Mama Colet? “ Iced asked his Mommy Yves. Kakatapos lang nilang maghapunan. Naglalaro sila ni Gray habang nanonood naman ng tv ang kanilang Mommy Yves at Tita Aiah.
“ Anak, may work ang Mama Colet niyo ngayon so hindi muna siya makakauwi saatin. “ Pagdadahilan nalang ni Yves sa mga anak nito dahil hindi niya alam kung anong isasagot. Hindi na sila nagkausap pa ulit ni Colet ever since aminin niya ang lahat. Hindi na nangulit pa ang mga bata dahil alam nilang busy talaga ng kanilang Mama Colet.
“ Kakapasok lamang po na balita, mga kaibigan! Nasusunog di umano ang isang compound sa Quezon City! Nasa lugar ngayon si Atom Araullo para mag ulat. Atom? “
Ang balitang yon ang pumukaw ng atensyon nila.
“ Oh my god, may nasusunog nanaman??? “ Komento ni Aiah habang nanunuod sila ng balita. Habang seryoso silang nanunuod, may isang bumberong may karga kargang bata ang nahagip ng camera. It was Colet, kasunod nito si Mikha na may inaakay naman na matanda.
“ Mommy, si Mama Colet and Tita Mikha po oh. “ Turo ni Ice sa tv. Bigla namang naalarma si Yves kasabay ni… Aiah.
“ Bakla, hindi ba’t doktor ang jowa mo? Bakit andyan at nakasuot pang bumbero?? “ tanong ni Aiah Kay Yves.
“ Ex jowa. “ pag emphasize niya. “ Aba malay ko? “ Kibit balikat ni Yves dahil sya mismo nagulat sa nasaksihan.
“ Wow! Galing ni Mama! “ Komento ni Ice, halata dito ang paghanga sa kanyang Mama Colet. Habang si Gray naman ay napapasayaw sa tuwa. Proud na proud ang bata sa kanyang Mama Colet.
“ Mommy! Mama Colet is a hero! “ Proud na sabi ng kambal.
~
“ Hello? “ Colet answered her phone. Nakabalik na sila mula sa compound at nagpapahinga sila sa opisina niya. Nakailang missed calls narin ang unregistered number kaya’t sinagot na niya ito out of curiosity.
“ Hello? “ the voice from the other line said. Biglang naging alerto si Colet. It’s Yves.
“ Yves? Napatawag ka? “ Cool niyang sabi.
“ Sorry, naistorbo ba kita? May gusto kasing kumausap sa’yo. “ Medyo nahihiyang sabi ni Yves. Agad namang napangiti si Colet nang marinig ang boses ng mga bata.
“ Anong oras na hindi pa ba sila natutulog? “ Colet chuckled.
“ Ah eh.. hindi pa eh. Sorry ah. “
“ Okay lang, let me talk to them. “ Yves put the phone on speaker mode.
“ Hi Mama! “ Masiglang bati ni Ice. Natatawa si Colet dahil sa energy ng bata.
“ Isaiah anak, bakit gising pa kayo? “
“ I love you, Mama! “ Si Gray naman ngayon.
“ I love you more, Mama! “ Si Ice ulit, at ayaw magpatalo sa kambal niya.
“ Mahal ko din po kayo.” natatawang sabi ni Colet. “ Oh, bakit gising pa kayo ha? Bed time niyo na po. “ she said, scolding her kids.
“ Mama, we saw you on tv po. We love you Mama! “
“ You did?? “ Manghang sabi ni Colet. Bigla naman syang nakaramdam ng hiya at baka pangit ang itsura niya nang makita siya ng mga ito. Including Yves.
“ Opo Mama, galing mo nga po eh. My hero!! “
Natatawa nalang si Colet sa kakulitan ng mga ito. Si Yves naman ay pasimpleng napapangiti.
“ Mama, uuwi ka na po ba here po? “ Gray suddenly asked. Bigla namang natahimik si Colet.
“ Hmm. Sorry nak ha? Hindi pa muna makakauwi si Mama diyan. Marami pa kasing work eh. “ Pagdadahilan ni Colet. Bigla namang nalungkot ang kambal sa narinig. Ramdam ni Colet yon.
“ Pero promise this weekend babawi si Mama. Ayos ba yon? “ pagbawi niya. Bumalik naman ang sigla ng mga ito.
“ Pero for now, kailangan niyo ng matulog, ok? “
“ Yes po mama. We love you po! Good night Mama. “
“ Good night din po at mahal ko din po kayo. “ Colet said with a smile as she ended the call.
“ Ano, di ka makatanggi no? “ Nagulat si Colet. Si Mikha pala at kanina pa ito nakikinig. “ Alam mo kung bakit? “ Tanong nito. “ Kasi mahal mo. “ she paused. “ Ang nanay nila. “ she continued with a laugh.
“ Ulol, ewan ko sa’yo. “
“ Uy di niya dineny! “ Sigaw ni Mikha bago ito lumabas ng opisina para kumuha ng kape.
~
Pagdating ng Sabado ay excited na si Colet makita ang mga bata. Nasa harap na siya ng bahay nila Yves. Ngunit napawi ang ngiti niya ng makitang papalabas si Yves ng bahay at may kasama itong lalaki.
“ Colet. “ gulat na sabi ni Yves na para bang nahuli itong may ginagawang masama. Tinignan lang ito ni Colet.
“ Vergara. “ Nakangiting bati ni Maki. Oo, si Maki. Tinignan lang siya ni Colet.
“ Ah..eh May lunch meeting kami with a client. “ biglang sabi ni Yves. Kahit hindi naman siya tinatanong ni Colet.
“ Lunch? Sabado ngayon di ba? “ seryosong tanong ni Colet.
“ Ahm.. ano kasi, kinancel kahapon. Nireschedule nila today. “ medyo nauutal na sabi ni Yves. Hindi niya alam, pero parang bigla siyang kinabahan sa mga titig ni Colet. Kasama ba naman niya ang pinakilala niyang “boyfriend” noon.
“ Ok. “ walang emosyong sagot ni Colet at agad na pumasok sa bahay para puntahan ang mga bata.
Magiisang oras palang simula ng umalis si Yves at si Maki pero hindi na mapakali si Colet. Nakikipaglaro siya ngayon sa mga bata. Tuwang tuwa naman ang mga ito sa dalang pasalubong ng Mama Colet nila. Lego set para kay Ice at Doll house naman para kay Gray.
Nakaramdam siya ng inis pero di niya pinapahalata sa kambal. Naiinis siya kay Yves dahil sabado ngayon at dapat ay family day nila. Taray, family. Pero umalis parin siya kasama yung asungot na Maki na yon. Sila parin ba hanggang ngayon?
“ Nak, matagal na bang close si Mommy Yves niyo at si Maki asungot? “ di niya na napigilang magtanong.
“ Asungot? What’s that po? “ curious na tanong ni Ice.
“ Ah eh.. ano.. nice guy! Oo nice guy “ pagdadahilan nalang nito.
“ Tito Maki is asungot! “ sigaw ni Ice. Natawa naman si Colet. “ Ano nak, close na ba sila dati pa? “
“ Opo. “ sagot naman ni Ice habang binubuo ang kanyang Lego set.
“ Mag boyfriend girlfriend parin ba sila? “
“ No po. “ This time si Gray naman ang sumagot. Nagtaka naman si Colet. Wala na ba sila?? Tanong nito sa sarili niya.
“ Pero Tito Maki likes Mommy po and he’s super nice. “
“ Ganun? You like him for Mommy? “
“ Nope. Because Mommy Yves loves you po. “ Sagot ni Gray. Nagulat naman si Colet.
“ Sinong nagsabi niyan? “ Di mapigilan ni Colet na mapangiti.
“ Si Mommy po. Lagi po niyang sinasabi samin ni Gray po. “ Ice said with a smile. “ Ikaw Mama, love niyo din po ba si Mommy? “ balik tanong ng bata sakanya.
“ H-ha? “ hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Nakatingin ang kambal sa kaniya ngayon, hinihintay ang sagot niya. “ Oo naman syempre, mahal na mahal ko si Mommy Yves niyo. “ sagot niya, dahil alam niyang yun ang inaasahan nilang sagot sakanya.
Agad din namang umuwi si Yves pagkatapos ng meeting nila dahil ayaw niyang mag isip ng masama si Colet tungkol sa kanila ni Maki. Ngayon pa’t napapalapit na ito sa mga bata.
Bilang pambawi niya, nilutuan niya ito ng paborito nitong Beef Caldereta. Natutuwa naman siyang kumakain ito ng magana. Nakangiti ito at nakikipag asaran pa sa mga bata.
~
“ Nak. “ After their dinner, Colet approached her daughter. “ Diba miss mo si Mama? “
“ Opo. “ sagot nito at yumakap sa kanya.
“ Gusto mo tabi tayo matulog nak? “ lambing nito kay Gray. Nakatingin naman si Yves sakanila.
“ But Mama, mas miss ka po ni Mommy Yves. “ Gray smiled mischievously. Tahimik na natawa si Yves sa sinabi ng bata. “ And diba po you said you mahal mo po si Mommy Yves? “
“ Sinabi niya yon nak? “ Sumabat naman si Yves sa usapan ng dalawa. Hindi na niya napigilang sumali.
“ Sinabi ko iyon? “ Colet asked. Di niya inaasahang ibubuking siya ng bata. Bigla siyang namula.
“ Opo. “ sagot ni Gray. “ Good night Mama and Mommy. Love you both po! “ they both kissed the twins.
“ Ah ano.. sinabi ko lang yon kasi ano.. yun yung gusto nilang marinig. “ Colet said defensively hiding ber embarassment dahil sa nakitang reaction ni Yves.
“ Lika na matulog na tayo, maaga pa tayo bukas. “ At pumunta na siya sa kwarto ng asawa niya..ng hilaw.
Si Yves naman ay naiwang nakangiti. May mga bagay parin palang di nagbabago. Like the way Colet blush.
~