
Taking you back (2)
Taking you back (2)
Tahimik lang ang dalawa habang nakaupo sa garden nila Yves. Nangangapa kung sino ang unang magsasalita. Dama ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Colet habang nakayuko si Yves.
“ Yves, anong kalokohan ‘to? “ Inis na tanong ni Colet. “ Anong laro nanaman ba ‘to, Yves? Mang iiwan ka tapos mabubuntis ka at manganganak, ako ang ipapakilala mong magulang nila ha? Anong klaseng droga ba yang hinihithit mo at parang ang lakas ng tama mo? “ Medyo napalakas ang boses ni Colet.
“ You’re unbelievable, Yves. Di ka na naawa sa mga bata. “ She added at hindi na napigilan ang galit nito. Tahimik lang na lumuluha si Yves sa tabi nito.
Ang hindi nila alam ay napapanood ng dalawang bata ang nangyayari. Di man nila naririnig pero kita nila ang galit ng Mama Colet nila at ang pag iyak ng Mommy Yves nila. Tumakbo si Gray papunta sa kwarto nila kasunod naman nito si Ice.
“ Magsalita ka, Yves! Pano mo nagawa sakanila yon?! “ Colet continued.
“ A-ampon lang sila. “ Yves finally said. Natahimik naman si Colet. “ I’m s-sorry, Col.. “
Hindi na nito natapos ang dapat niyang sabihin dahil sa pagtawag ni Aiah sakanya galing sa kwarto ng mga bata. Agad silang tumakbo ni Colet papunta sa kwarto ng kambal.
“ Mommy. “ Umiiyak si Ice pagdating nila sa kwarto.
“ Sis! Ang gamot ni Gray bilis! “ sigaw naman ni Aiah sa kaibigan nito, dahil inaatake na ng hika si Gray. Nataranta naman ang dalawa.
“ M-mom-my “ Gray struggled saying while reaching for Colet. Agad naman nitong niyakap ang anak.
“ Shh. It’s okay, anak. Mama Colet is here. Shh. “ Colet said while trying to calm her daughter. Hinele niya ang bata at tinabihan.
Hindi niya ito iniwan hanggang sa kumalma ito at makatulog na. Tinawagan niya si Mikha na hindi sya makakapasok. Pumayag naman ito sa kondisyong magkukwento si Colet.
“ Ice, anak. Halika. “ Tawag ni Colet sa batang lalaki na kasama niyang nagbabantay kay Gray. Agad namang tumabi ang bata sa kanya.
“ Galit ka ba kay Mama Colet, anak? “ She asked. Her son shook her head.
“ Mommy, hindi niyo na po ba kami love ni Gray? “ tanong ng bata sa kanya.
“ Saan mo naman nakuha yan, anak? “
“ Nakita po namin kayo ni Mommy Yves na nag aaway sa garden po. Dahil po ba samin ni Gray? “ Agad namang nakonsensya si Colet.
“ No, anak. Pagod lang ang mama Colet, pero hindi ako galit. Kaya wag mo na isipin yun, ok? “ Tumango naman ang bata.
“ Promise? “ tanong ng bata sa kanya at naka pinky swear pa.
“ Promise. Lika nga dito, hug mo si Mama. “ Agad namang yumakap sa kanya ang bata.
“ I love you, Mama Colet. “Kinilig naman si Colet sa sinabi ng bata.
“ I love you, too. Anak. “ She kissed her son’s forehead.
“ Ano nga ulit full name mo, nak? “
“ Isaiah Jamie Vergara-Ramirez”
“ Naks naman, pogi natin sa pangalan natin ahh. “ Asar ni Colet sa bata. “ Syempre naman, mama! Same tayong pogi, diba po? “ at nag pogi sign ito. Tumawa naman si Colet sa kalokohan ng bata.
“ Oo naman, anak. Baka Vergara yan. “
“ Mama, sleepy na. “ hikab ng bata.
“ Yes, anak. Sleep kana. Dito lang si Mama Colet. “ she kissed her son’s forehead and tucked him in. Nakatulog na rin si Colet habang binabantayan ang mga anak. Nasaksihan naman ni Yves ang pwesto nila ng pasukin niya ang kwarto. Nasa gitna si Colet ng kambal at yakap siya ng mga ito.
“ Thank you, Lord. “ she said and kissed the 3 of them.
~
Maagang nagising si Colet kinabukasan. Napangiti siya ng maramadamang mahigpit paring nakayakap ang mga bata sa kanya. She moved slowly and quietly para hindi magising ang mga ito.
Pinagmasdan niya mga ito habang natutulog ng mahimbing. Ang cute. Colet thought. Isaiah Jamie and Graciella Owy. Colet can’t stop smiling with those cute names. Ginamit parin ni Yves ang mga pangalan na gusto nilang ibigay sa mga magiging anak nila kung sakali. It’s been five years. She thought. And she had already moved on. Alam niya sa sarili niya yon, pero bakit biglang naglaro ang tadhana at muli silang pagtagpuin nito. At ang mas nakakatawa pa dito ay may dalawang makukulit at malambing na chikiting ang kasama sa package.
Okay na sana ang lahat, satisfied na siya sa buhay niya biglang isang single na Doktor. Tahimik na ang buhay niya, bukod sa araw araw syang binubwisit ni Mikha Lim sa trabaho. Hindi man siya masaya ay kuntento naman siya. Kuntento nga ba? Pero ngayon, nagising na lang siya bigla na may anak na pala siya? Nakakatawa diba?
“ Hay, Yves. Ba’t mo ba ko ginaganito? “ She sighed.
Pagkatapos niyang maghilamos ay bumaba agad siya para magpaalam na dahil may trabaho pa siya. Pero mabangong tapsilog ang bumungad sa kanya. Iyon ang paborito niyang agahan.
“ G-good morning. “ Bati niya kay Aiah na nagkakape sa dining.
“ Good morning, Colet. “ Bati nito sa kanya. “ Sakto, tapos na magluto si Yves.. “
“ Ay hindi na, aalis na rin sana ako. May trabaho pa eh. “ kamot batok nito.
“ Ano ka ba, kumain kana dito. Pinagluto ka pa naman ni Yves ng tapsilog. Paborito mo daw. “ asar nito sa kanya. Namula naman siya.
“ H-ha? Si Yves may gawa nito? “ takang sabi nito.
“ Ahuh. Paborito mo daw ang tapsilog sa umaga. “ Makahulugang sabi nito sa kanya.
“ T-thank you. Asan nga pala si Jhoanna? Yung kapatid ko? “ bigla namang nasamid si Aiah sa sinabi nito na ikinataka naman ni Colet.
“ Good Morning. “ Dumating bigla si Yves. Nakaligo na ito at handa ng pumasok sa opisina. Lalo itong gumanda sa suot nitong puting blouse at blazer. Natulala si Colet sa ganda ng babaeng nasa harapan niya.
“ Oh, ayan na pala asawa mo! Osya, una na ko sainyo ha? Bye sis! “ Pagmamadali nito.
“ Col? “ Tawag ni Yves sa kanya.
“ Ha? May sinasabi ka? “
“ I’m just asking how many cream and sugar you put on your coffee? “ Yves smiled while Colet felt embarrassed.
“ Ah, okay na sakin to. Plain black coffee. Para kabahan naman ako. “ bulong nito, enough para marinig ni Yves.
“ Ano yon? “
“ Ah wala wala, thank you nga pala dito sa breakfast. “ Colet said with a plain smile.
“ Wala yun. Thank you nga pala kagabi ha? It really meant so much for the kids. Ang saya saya nila. “ Yves smiled.
“ Wala yun, sobrang adorable nila at ang hirap humindi. “ Althea answered with a smile. “ Pero bakit, Yves? Bakit ako? “ Seryosong tanong nito.
“ Bakit hindi nalang iba? Bakit di nalang si Maki? Diba boyfriend mo naman siya? “ Sunod sunod na tanong ni Colet sa kanya. “ Sa totoo lang Yves, litong lito na ako. So please lang, give me some clarity. “
Tahimik lang na nakikinig si Yves sa kanya, hindi rin niya alam kung anong sasabihin. Kung pwede lang sana niyang aminin niya na mahal na mahal parin niya ito. Na walang nagbago kahit ilang taon na ang lumipas. Gusto niyang sabihin kay Colet kung gaano siya nagsisisi dahil iniwan niya ito, na hindi niya ito kayang ipaglaban sa tatay niya. She regret everything she told her that day. She regrets everything she did. She was so stupid to let Colet go dahil yun ang gusto ng tatay niya. Galit at sakit nalang ang nakikita niya sa mga mata ni Colet sa tuwing tinititigan niya ito.
“ Yves, please lang. Kung laro lang ito, itigil mo na. Maawa ka sa mga bata. “ Pagsusumamo ni Colet.
“ Col..” Yves started, she hates seeing Colet like this. She loves her so much.
“ Two years ago, kakalipat lang namin dito nila Aiah. Naglalaro ang mga bata sa mga gamit na hindi pa nakaayos. “ Yves explained, tahimik lang na nakikinig si Colet. “ They saw our picture together. Naalala mo ba? Yung graduation picture natin. Yung picture nating dalawa na sobrang sweet, so they asked who are you. I told them na ikaw ang mama nila and we saw how their faces lit up. Di narin kasi iba sa kanila yung ganong sitwasyon. Their Tita Aiah has brought someone before. “
Hindi alam ni Colet kung ano ang sasabihin o irereact niya.
“ Since that day, hindi na sila tumigil sa kakatanong sa’yo. Kung nasan ka na, ano bang ginagawa mo at kung kailan ka uuwi saamin. “
“ So ang pinaalam ko sakanila ay isa kang doctor at superhero. Tinutulungan mo ang tao na kailangan ng tulong. “ Yves shyly said.
“ S-superhero?? Really, Yves? At dahil lang sa picture naten? Unbelievable. “ Colet finally said.
“ I-i’m really sorry. “ Yves said. She can’t look at Colet.
“ Excuse me, I have to go. “ Colet said and left the house.
~