BINI One shots <3

BINI (Philippines Band)
F/F
G
BINI One shots &lt;3
All Chapters Forward

Taking you back. (1)

 

Taking you back. (1)



3rd POV. 

 

 

Yves Ricalde. Ang pangalan ng babaeng kinamumuhian niya.



“ Doc? “



“ Colet? Uy? “ Tawag ni Mikha sa kanya, pero parang wala siyang naririnig.



“ Doc Nicolette Vergara! “ Sigaw nito sa kanya.



“ Ano ba kasi yon?! “ Pikon na sagot nito.



“ Luh siya? Kanina pa kita tinatawag pero para kang lutang diyan. Naka drugs ka ba? “ Tanong ni Mikha sa kanya.



“ Puro ka kalokohan, MIkhs. Bakit ba kasi nandito ka? Diba tapos na shift mo? “ 



“ Eto na. Oh, yung pinapasuyo mo. Init ng ulo amp. Wala ka parin bang dilig? “ Asar ni Mikha sa kanya habang inaabot ang papeles na pinasuyo niya. 




“ Ulol. Salamat. Makakaalis ka na. “ saway nito sa kaibigan at sumandal sa kanyang swivel chair.




“ Pinapatay mo nanaman ba sa isipin mo si– “ hindi na niya tinuloy ang pangalang bbanggitin niya ng tignan siya ng masama nito.




“ Redacted “ tuloy nito. Aamba na sana si Colet pero tumakbo na papalabas si Mikha.



“ Bye, sungit! “ sigaw nito sa labas. 




“ Tss. “ asar parin si Colet. Bakit nga ba siya naiinis? For the last 5 years, pinilit ni Colet na mag move on. Napakasakit para sa kanya ang nangyari. 



“ Makaalis na nga. “ Tumayo na ‘to para umalis at kumain ng kanyang lunch. Papalabas na siya ng ospital nang may batang lalaki ang yumakap sa kanya. 



“ Isaiah! “ kasunod nito ang isang babaeng tila hinahabol ang kanyang anak. At ang babaeng ito ay walang iba kundi si..




“ C-Colet “ hingal na sabi ni Yves nang makaharap na niya ito. Bakas ang gulat sa mukha nito nang makita ang dating kasintahan. 




“ Yves. “ sagot nito na walang emosyon. Ngunit sa likod nito ay kumakabog ang kanyang dibdib. 

 Nagtitigan sila na para bang sila lang ang tao sa oras na yon.




It’s been 5 years.. Bulong ni Colet sa sarii niya.




“ Mama “ naputol ang titigan nila ng magsalita ang batang nakayakap parin sa binti ni Colet. Bakas sa mukha ni Colet ang pagkalito at surpresa. Nagulat si Yves sa ginawa ng kanyang anak. 




“ Isa– “ kukunin na sana ni Yves ang bata ng may isa pang bata ang sumigaw at masayang lumapit kay Colet para yakapin ito.




“ Mama! “ Masayang bati ng batang babae kay Colet. Sa mga oras na ito ay nawiweirduhan na si Colet sa nangyayari. 



“ Mama? “ Tanong ni Colet sa sarili niya habang tinititigan ang mga batang nakayakap sa parehas niyang binti. Hindi siya makapagsalita, at mahigpit paring nakayakap ang mga bata sa kanya na parang ayaw itong pakawalan. She just looked at Yves sharply, her eyes asking.




While Yves was speechless, hindi niya alam ang sasabihin at gagawin. Lalong umurong ang dila niya sa nakikita niyang reaction ni Colet. How she wished na lamunin nalang sana siya ng lupa ngayon din. 




Tahimik lamang kambal habang bumabyahe sila pauwi. Lubos nilang dinamdam ang hindi pagpansin ng Mama Colet nila sakanila. Sumulyap si Yves sa backseat at nakita niyang nakatulog na ang dalawa sa pagiyak nila. Hindi parin niya makalimutan ang nangyari, nasasaktan siya para sa mga bata. Hindi rin niya lubos na akalain na makikita siya ng mga anak nila ni Colet.




Paguwi nila sa bahay ay agad tumakbo ang kambal sa kanilang kwarto. Hindi man lang nila pinansin ang kanilang Tita Aiah na sumalubong sa kanila.




“ Sis? Anyare sa kambal? Bakit umiiyak sila? “ Aiah asked her friend and took the twin’s bags.




“ Kwento ako mamaya sis. “ hinalikan niya sa pisngi ang kaibigan at sumenyas na susundan lang muna niya sila sa kwarto nila para kausapin. Pagpasok niya sa kwarto ay nakita niyang humahagulgol si Gray habang pinapatahan siya ni Ice.



“ Ice? Gray? Pwede ba kayong makausap ni Mommy? “ mahinahon niyang tanong sa kambal.



“ Bad si Mama Colet! I hate her! I hate her! “ Sigaw ni Ice. Halatang masama ang loob sa mommy Colet nito.




“ Isaiah Jamie Vergara. “ Yves scolded her son. Yumuko naman ito.




“ Mommy, hindi na po ba kami love ni Mama Colet? “ Tanong ni Gray habang humahagulgol.




“ No baby, mahal na mahal kayo ng Mama Colet niyo. “ Yves said while trying to calm her babies down.




“ Bakit po siya ganun kanina? “ Ice asked.




“ Anak— “ Ice cut her off.




“ Is she still busy helping people po? Diba po tapos na ang war po? Di pa po ba siya uuwi satin? “ Malungkot na tanong ni Ice.




“ Sadly anak, hindi pa makakauwi si Mama Colet saatin. May mission pa siya around the world. Pero sabi niya kanina sakin malapit na siyang umuwi at miss narin niya kayo. “




“ Pero bakit po di niya kami hinug kanina? “ Malungkot na tanong ni Gray.




“ Kasi anak nagulat ang Mama Colet niyo. Tsaka nagmamadali daw siya dahil may tutulungan pa siyang people po. “ Paliwanag ni Yves sa kanyang mga anak. 




“ Love parin po ba niya kami, Mommy? “ Tanong ni Gray. Lumapit naman si Yves at niyakap ang kambal.




“ Oo naman, anak. Love na love kayo ng Mama Colet niyo. Syempre ako din! Kaya wag na kayong magtampo, ok? “ Explain ni Yves. Hinalikan niya ang mga bata at niyakap ng mahigpit which made the two giggle.




Pagkatapos ng isang oras ay nakatulog na rin ang kambal. Hinalikan niya ang mga ito at inayos ang kumot. Paglabas nito ay nag aantay si Aiah sakanya sa kusina.




“ Sis, oh, “ abot nito ng kape sa kaibigan. Tinanggap niya ito at nagpasalamat. Nakaupo silang dalawa sa dining at hinihintay siyang magkwento ni Aiah.




“ Nakita nila si Colet sa ospital. “ Napatakip ng bibig si Aiah. “ Turns out she was working at the hospital where Gray was admitted. The twins thought their Mama Colet finally went home. Ang saya nila kaninang nang makita siya. At nakita ko rin na galit parin siya sakin “ Kwento nito.




“ Oh my god, sis! “ Tanging nasabi ni Aiah sa kaibigan. “ Anong sinabi niya sa mga bata at umiyak sila? “




“ She just ignored them. Sumama ang loob nila. “ 




“ Do you think it was a wrong thing na ipakilala sa mga bata ang nanay nila? Umasa tuloy sila. “ Aiah said.




“ Kasalanan ko ‘to, sis. Kasalanan ko lahat ‘to. “ Di na napigilan ni Yves na maiyak. 





“ Tahan na, sis. Don’t blame it all to yourself. “ Aiah said habang pinapatahan ang kaibigan nito.



~




Colet smiled when she saw her girlfriend slowly approaching her. Kanina pa siya nag aantay sa paborito nilang lugar pero di niya magawang mainip dahil finally makikita na niya ang kanyang nobya pagkatapos nilang maging busy sa acads nila.  



Tumayo siya habang hawak ang isang bouquet of flowers.



“ Col, we need to talk. “ Seryosong bungad ni Yves nang makalpit siya sa nobya nito.




“ Ang serious naman ng mahal ko? Wala man lang bang I miss you diyan? “ Colet said with a smile. “ Heto oh, flowers for you po. “ abot nito sa bouquet.




“ T-thank you. Sorry, pero ayoko na. “ She finally said habang umiiwas ng tingin kay Colet.




“ Ayaw mo na ng flowers? Bakit? May allergy ka na ba dito? Di bale, may dala naman akong paborito mong burger steak sa jollibee. “ Medyo tensyonadong sagot ni Colet habang kinukuha ang pagkain sa bag nito.




“ Colet, please. Hindi mo ba naiintindihan? Ayoko na. Break na tayo. “




At doon, bumagsak ang balikat ni Colet dahil sa narinig. Nanlambot na ang kanyang mga tuhod at nangingilid na ang mga luha niya.




“ Mahal ko, nagbibiro ka lang diba? Ano ka ba, di ako natutuwa sa joke mo ngayon ha. “ 

 

“ Seryoso ako, Colet. Ayoko na. “ Pilit na pinipigilan ni Yves na hindi maluha pero trinaydor siya ng mga ‘to. “ Hindi na kita mahal. “




“ Pinagsasabi mo? Naririnig mo ba sarili mo ngayon? Sorry na mahal, nabusy lang naman ako sa med school. Sorry, babawi naman ako, eto na nga oh? “ Colet answered. She kneeled in front of Yves while her tears fell. Naawa naman si Yves sa kasintahan nito ngunit kailangan niyang pigilan.




“ I’m sorry, we’re done. “ Tumayo na si Yves at mabilis na naglakad papalabas. Naiwan na magisa si Colet sa usual spot nila.




Ilang araw na ang nakalipas mula ng makipaghiwalay si Yves sakanya pero di parin tumitigil si Colet sa pagsuyo sa kanya, mabawi lang ang kanyang nobya. Ilang bouquet na siguro ang nabili niya ngunti sa basurahan lang ang diretso ng mga ito. 



Mahal na mahal niya Yves. Lahat gagawin niya para sa kanya. Kahit pa magmakaawa siya.



Ngunit gumuho ang lahat ng pagasang natitira sa kanya ng isang araw ay makita niya si Yves na naglalakad na may kasamang lalaki. 




“ Yves, usap naman tayo please? “ Pagsusumamo ni Colet sa nobya. Umiwas lang ng tingin si Yves.




“ Yves, Okay ka lang ba? “ Tanong ng lalaki kay Yves.




“ Ayos lang ako, Maki. “ she smiled at the guy. “ Col, wala na tayong dapat pang pagusapan pa. I already told you, tapos na tayo. Kung ayaw mong tanggapin, it’s not my problem anymore. “ sagot ni Yves.




“ Yves, please? “ 




“ Excuse me, pre. Wag mo ng pilitin pa si Yves. Mukhang ayaw ka naman na niyang kausap. “ Matigas na sabi ni Maki kay Colet habang hawak ang kamay nito.




“ Pwede ba? Huwag ka ngang makialam. Problema namin ‘to ni Yves. “ inis na sabi nito at hinawi ang kamay ni Maki. 




“ Aba gago ka ah! “ Nagsuntukan si Colet at Maki. Ilang segundo lang ay tumumba si Colet sa sahig. Bigla namang naalarma si Yves sa nangyari. Lalapitan na sana niya si Colet ng biglang aamba na ito pabalik kay Maki.




“ Boyfriend ko siya. “ biglang sabi ni Yves. 




Tumigil ang mundo ni Colet sa mga salitang narinig niya. Halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang emosyon nito. Tumayo siya at tumakbo papalayo. Ni hindi na niya nagawang tumingin pa kay Yves.




Sariwa parin sa isipan ni Colet ang mga pangyayaring yon. Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na iyon, dahil yun ang araw na pinatay ni Yves ang puso niya.



Ngunit hindi parin niya maintindihan kung bakit tinawag siyang Mama ng mga anak nito. “ Erase, erase! “ bulong nito sa sarili. Walana siyang balak pang alamin kung bakit dahil ayaw na niyang makita pang muli ang dati niyang nobya. 




“ Hello? Earth to Colet? “ Tawag pansin ni Mikhs sa kaibigan. 



“ Ha? “



“ Yan tayo eh, kanina pa ko dumadaldal dito. Parang hangin lang pala ako. Yung totoo, nagdadrugs ka ba pre? “ 




“ Ulol. Sorry, may iniisip lang. “ 




“ Okay ka lang ba? Ano ba— “ Natigil ang kwentuhan nila ng may lumapit na bata sa table nila. Nagkakape sila ngayon sa Mcdo malapit sa ospital na pinagtatrabahuhan nila.




“ Mama.  “ Isang batang babae ang nakangiti na lumapit sa kanila. Kasunod nito ang isang batang lalaki na nakangiti din. Pareho silang may suot na bag. Colet just smiled awkwardly at them. Tumingin siya kay Mikha at sa kapatid niyang si Jhoanna na bakas ang gulat sa kanilang mga mukha. 




“ Ate? May anak ka pala?! “ Exaggerated na sabi ni Jhoanna sa kanyang ate. 




“ Luh, pre? Kelan kapa nag ka anak? “ di makapaniwalang tanong ni Mikha.




“ Ahh.. ano kasi.. “ nauutal na sagot ni Colet. Hindi niya alam ang isasagot sa kapatid at kaibigan niya.




“ Hello po, my name is Ice, and this is my twin sister, Gray. “ nakangiting bati ng kambal sa kanila.




“ Ate?? Omg may kambal ka pala! Hi! My name is Tita Jhoanna, kapatid ako ng Mama Colet niyo. Lika dito beh, upo kayo. “ Napakamot naman ng batok si Colet.




“ Langya ka pre, walong taon na tayong magkaibigan pero wala ka man lang naikukwento sakin. “ bulong ni Mikha sa kaibigan habang nakangiti sa mga bata. Umupo si Gray sa tabi ng Tita Jhoanna niya.




“ Mama, karga. “ lambing ni Ice sa Mama Colet niya. Pinagpapawisan na si Colet sa mga oras na ‘to. Nagdadasal siya na sana may dumating na anghel para sagipin siya.





“ Ice, Gray! Pinagod niyo ko! “ Galit na tono ni Yves sa kanyang mga anak. Humgpit naman ang yakap ni Ce sa kanyang mama Colet. “ Lord sabi ko anghel, hindi demonyo. “ Bulong ni Colet sa sarili niya. 




“ Sorry, mommy. “ Lambing ni Gray sa mommy nila. “ Look, oh “ she pointed Yves.




“ C-Colet. “ Nauutal na sabi ni Yves ng makita ang ex girlfriend nito na akap akap si Ice. Tinitigan lang siya ni Colet.




“ Ate Yves??? “ Di makapaniwalang tanong ni Jhoanna nang makita ang dating nobya ng kanyang ate. 




“ Jhoanna? “ 




“ Oh my God, Ate! Ikaw nga! Kumusta kana? Omg ha, nagkabalikan na pala kayo ni Ate Colet?! Bat di kayo nagsasabi?? “ Bumeso si Jhoanna sa kanya at yumakap.




“ Ah.. hehe ano.. Sorry sa pang aabala nitong dalawang kulit. Sorry, Col. “ Hingi ng paumanhin ni Yves, pero sa totoo lang hiyang hiya na siya at gusto bng magpalamon sa lupa. “ Ice, Gray, Let’s go na anak. Mama Col is busy, may work pa siya. “ Yaya nito sa mga anak.




“ Ayaw. “ Gray pouted at yumakap sa Tita Jhoanna nito. Si Ice naman ay mas lalong humigpit ang yakap sa Mama Colet nito.




“ Ahh Yves, right? Don’t worry. Okay lang naman. Tapos narin kami kumain. By the way, ako nga pala si Mikha. Kaibigan ni Colet. “ Mikha introduced herself and shook hands with Yves. Tinaggap naman niya ito ng mga ngiti. “ Besides, mukhang miss na miss ng mga bata ang Mama Colet nila. “ panggatong pa nito na kinatawa ni Jhoanna.




“ Ahh, mauna na pala ako. “ Pag papaalam ni Mikha. “ Pre, text text nalang? Jho, una na ko. “ at sumenyas kay Jhoanna. Gets naman agad ni Jhoanna. 



* * *



Masiglang bumaba si Ice mula sa sasakyan ni Colet. Bitbit naman ni Jhoanna ang pamangkin niyang si Gray, na tila ba naging paborito na siya nito. Binigyan ba naman niya ng Happy meal ito. Nagpasya nalang si Colet na ihatid ang mga bata. Pilit namang sumama si Jhoanna sa kapatid nito para makasagap ng chismis. Pero isa rin ay gusto niyang makausap si Yves.




“ Hel— “ masayang bati ni Aiah sa mga pamangkin ngunit nagulat siya dahil may mga kasama ito. 




“ Hi, Good evening po. “ nakangiting bati ni Jhoanna sa kaibigan ni Yves. 

Forward
Sign in to leave a review.