Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

FORTY-SIX

"Wendy." Naka facepalm na sabi ni Jisoo. "Ang dugyot. Bakit naman ganun yung naisipan mong galawan?"

"Di ko na din alam mehn." Sagot ni Wendy. "Wala ako sa sarili nun eh."

"Kadiri. Di ka na natutong rumespeto."

"Grabe ka makapagsalita tsong. It's not like she didn't appreciate it." 

"Talagang ma-appreciate niya yun." Entry ni Lisa. "Unless wala kang kwenta sa kama." 

"Ay putangina." Reklamo ni Wendy. "Low blow yun tsong. I've got nothing but good reviews!"

"Ako ba?" Tanong ni Jisoo. "May review ba para sakin?"

"Putangina mo."

"So anong plano niyo?" Tanong ni Lisa pagkatapos ang ilang minutong tahimik. "Kelan ang kasal?"

Uminom lang ng beer si Wendy. Kibit-balikat. "Pag nakabalik galing sa CR yung papakasalan ko pweds na ngayon." Sagot niya.

"Bwiset. Tangina naman." Sabi ni Jisoo. "Ang harot."

"Makasalita tong putanginang to parang hindi niya din hinarot ng malala si Rosie eh. Pakyu ka, Jisoo. Pag inggit pikit." Pang-aasar ni Wendy.

Natawa si Jisoo. "Kingina. Yung ilang linggo na kami ni Roseanne was a very dark time in our lives. Wag mo na ipaalala." Biro niya.

"Lul."

------------------------------------------------------------

"Gurl talaga ba?" Natatawang sabi ni Joy mula sa stall na katabi ng kinalalagyan ni Rosie.

"Oo nga." Natatawa din na sagot ni Rosie. "Parang tanga lang. Di ko alam kung matatawag na romantic or ano eh."

"Naalala niyo nung kasagsagan nung crush ni Soo diyan kay Rosie?" Sabi naman ni Jennie mula sa stall sa kaliwa ni Rosie. "Mas matino pa yung proposal niya sayo kesa kay Wendy eh." 

Nagtawanan sila. Kanya-kanyang flush. 

"Pang-gago naman kasi yung kay Soo eh." Sabi ni Rosie.

"Ano bang ginawa?" Tanong ni Joy. Nag-aabot ng tissue pangpunas ng kamay sa mga kasama. 

"Nagpunta kaming apat nung college sa EK." Sabi ni Jennie. Tumatawa na. "Tapos kinaladkad siya ni Lisa pasakay ng Space Shuttle."

"Tapos?"

"Bigla siyang sumigaw ng isang masigabong 'ROSEANNE! PAKASALAN MO AKO PARANG AWA MO NA!' right before it dropped." Kwento ni Rosie. 

"Luh gagi." Natawa na si Joy. 

"Gago talaga yung si Jisoo." Dugtong ni Jennie. Tinulak ang pintuan ng banyo tapos pinauna ang dalawang kasama bago siya sumunod.

"Anong sinagot mo?" Tanong ni Joy kay Rosie. 

"Shempre no." Sagot ni Rosie. "Makasuhan pa ako ng Homicide kung sakaling pakasalan ko yung hayop na yun."

"Buti nalang pala humindi ka."

"Ket naman?"

"Kasi single siya ngayon at malalandi ko siya?" 

------------------------------------------------------------

"You feeling okay?" Mahinang tanong ni Wendy sa nakasandal sa balikat niya na si Rosie.

Tinanguan lang siya. Hinalikan sa pisngi. "I'm alright, Theungwan. Just sleepy." Mahinang sagot.

"Hmm." Inangat ni Wendy ang kaliwang kamay niya. Inayos ng marahan ang pwesto ng pagkakasandal ng ulo ni Rosie sa balikat niya. "I love you yeah?" Bulong niya.

"Yup. Love you too, Theungwan." Sagot ni Rosie. Humikab. 

"Sleep. Should I book us a grab already?" 

Tumango-tango lang ulit si Rosie. Pumikit na pagkatapos ibulsa ang pinaglalaruang cellphone. 

"Masakit na." Deadpan na comment ni Jisoo. 

"Pag inggit pikit." Ulit ni Wendy. 

"Tanga. Hindi yan. Wala akong pakialam kay Roseanne. Ang sinasabi kong masakit na eh YUNG KANINA PA AKO SINASAMPAL NI JOY DAHIL SA KILIG SA INYONG DALAWA POTA NAMAN!"

------------------------------------------------------------

"Where do you want to get married?" Tanong ni Rosie kay Wendy.

Nakauwi na sila galing sa inuman/engagement party kasama ang mga kaibigan. Sabay nalang na nagpapa-antok sa kama nila, usual pwestuhan, nakadagan nanaman si Rosie kay Wendy. 

"Ikaw ba?" Sagot ni Wendy. Pabulong. May kasamang halik sa noo ng kasama.

"Theungwan..ikaw yung tinatanong." Sarcastic na sagot ni Rosie.

Natawa na lang ng bahagya si Wendy. Hinigpitan ang yakap sa kausap, hinahanap ang mga labi para mahalikan ng matamis. "I'll get married at Yoong Tapa ni Yoong no problem..basta ikaw yung papakasalan ko." Bulong niya sa labi ni Rosie.

"Ang haroooooooooot!" 

Tumawa sila. Sumiksik lang lalo si Rosie sa pinapatungan. Hinalikan sa tip ng ilong. 

"I'm serious though." Sabi ni Wendy. "The where doesn't matter to me, Rothie. As long as it's you I'm marrying ayos na ako kahit sa loob pa ng doghouse ni Hank yun."

"I love you." Mahinang bulong ni Rosie. Humihikab na.

"I love you too, Rothie Pothie. I love you too."

------------------------------------------------------------

"No." Sabi ni Rosie. 

"Pathta..isipin niyo na lang magkano matitipid niyo ni Seungwan. I'm not even going to ask for any payment." 

"Mommy Fany. No." Sabi ni ate Irene.

"It's a dream of mine to plan my youngest's wedding day." 

"Tipani..parang-awa. No." Bulong ni Mommy Taeyeon.

"I promise I will stay within the budget!"

"Mommy..you made the same promise for Slug and I's wedding..and then flushed the same promise down the toilet." 

"That was different! Dapat bongga talaga yun kasi eldest daughter and all that! I have to make it grand!"

"Was the chocolate fountain really necessary?" Tanong ni Rosie sa hangin. "You guys remember when Theungwan and I cried after the sugar rush wore off?" Kwento niya. "Damn. Teenagers amirite?"

Tinuro siya ni Mommy Tiffany. "See?! I can make that happen again!" Sigaw nito. "On a less grand scale..but I can make it happen again!"

Saktong dating galing sa CR nila ate Seulgi at Wendy.

"Ang ganda mo." Bulong ni ate Seulgi kay ate Irene. "Kahit lola ka na..kahit lola na ako..kahit kalansay na lang tayo..ikaw padin ang pinakabata at pinakamagandang babae sa balat ng lupang to..share ko lang. Baka kasi na-imbyerna ka sa comment na teenager yung kapatid mo nung kinasal tayo eh."

"Ay kinilig!" Asar ni Wendy kay ate Irene na binato lang siya ng lukot na tissue habang tumatawa. Kinilig naman kasi talaga. "Also, about the chocolate fountain..you never know amirite? Chocolate is chocolate. 10/10 Rothie and I would brave that shit again." 

Nag fist-pump si Mommy Tiffany. Tumayo tapos hinatak ng yakap ang tumatawa na si Wendy. "Welcome to the family!" Sigaw niya.

"Was I not part of it before?" Biro ni Wendy.

"LEGIT KA NA NGAYON!" Sigaw ni Tita Tiffany. Suminghot tapos nagpunas ng luha sa mata.

"Jesus, Mommy!" Reklamo ni ate Irene. 

"Mommy please don't." Sabi ni Rosie. 

"TAEYEOOOOOOOOOOOON!! OUR YOUNGEST IS GETTING MARRIED HUHU! I'M SO PROUD!"

"Bill out!" Sabi ni Tita Taeyeon. Sumesenyas na sa isang waiter na dumaan sa lamesa nila. "Bill out na! Parang awa umiiyak na yung asawa ko. Bill out na."

"Sure ka na you're marrying into this?" Bulong ni ate Seulgi kay Wendy.

Pinanuod lang ni Wendy na hinila ni Tita Tiffany ng yakap ang dalawang mga anak. Sabay tuloy na napa-OOF ng malala. Sinalo lang kasi ng dibdib ng nanay nila yung mukha nila. ("THIS IS HOW I USED TO BREASTFEED YOU TWO!")

Tumawa lang si Wendy. "As sure as you probably were when you married into it." Sagot niya sa tanong ni ate Seulgi.

"Soooo..you're hella unsure but you think winging it would work?"

"Luh? Legit ba?" Gulat na tanong ni Wendy.

Tumango-tango si ate Seulgi. "Mehn. Ang alam ko lang nun eh mahal ko si Hyun. Mahal na mahal. Tipong iiyak ako habang-buhay kapag hindi yung bestfriend ko yung kasama ko habang-buhay." Kwento niya. Kibit-balikat. Tapos ngumiti sa narinig na halakhak ng tinutukoy niya. "Yun lang alam ko. Everything else I had to learn along the way..pero madali na din lang..kasi..kasama ko na siya."

"Damn..okay..Same."

------------------------------------------------------------

FIVE MONTHS LATER

"I want a giant cake. The one with sprinkles and shit." Kwento ni Rosie kay Wendy.

Nasa kotse sila. En route sa isang store na ni-recommend ng mommy Fany niya na gumagawa daw ng wedding cakes. Taste testing ang peg nilang mag-fiancee.

"Okay?" Pabirong sagot ni Wendy.

"None of that usual fancy shit you see as a wedding cake too. That's going to make us look old or something. Yoko nga. Kailangan age appropriate satin yung cake."

"Disney yung design. Trip mo?" 

Umiling si Rosie. "Little Einsteins mehn. Favorite natin yun eh."

"Kiddie party lang?"

"Why not?"

"Oo nga naman. Why the hell not?"

------------------------------------------------------------

"What's that thing called?" Tanong ni Rosie kay Wendy. "Yung nakabalot sa cake na thing."

"Uhh..Fondant?" Sagot ni Wendy.

Pumitik lang si Rosie. Ngumiti na with matching halik sa pisngi ni Wendy. "Yes! Fondant."

"Okay?"

"Bro..can we pass on that? Tastes weird."

Natawa yung ate girl na tumutulong sa kanila sa pagte-testing ng mga cakes. "There is an option to have the fondant made with marshmallows." Offer nito.

"Ay oo." Sabi ni Wendy. "I forgot about that. Yes. Yes there is."

"Hmm." Sandaling nag-isip si Rosie. Umiling. "Nah..can we do icing? Theungwan. Icing. Please." Tinapik-tapik ang isang arm ni Wendy kung saan siya nakapulupot.

Tumawa nalang din si Wendy. Hinarap yung ate na nakangiti lang silang pinapanuod na mag-usap ni Rosie. "Ate." Sabi ni Wendy. "Can we just do cupcakes instead of cakes?" Tanong niya.

Lumiwanag ang buong mukha ni Rosie. "Ohmygod di ko naisip yun!" Masayang hinalikan si Wendy sa pisngi. "Bite-sized! Everyone can have some! Sabay nadin natin as like a giveaway."

"Ilan po ba guests niyo?" Tanong ni ate.

Nagtinginan ang mga tinanong. 

"Natanong mo ba si Tita Fany if she's inviting anyone?" Sabi ni Wendy kay Rosie.

Mabilis na umiling si Rosie. Nakasimangot na. "Hala erp. Invite nanaman nun the Universe. Bet?"

"Can we give like..a ballpark figure?" Tanong ni Wendy kay ate. 

"Pwede naman po." Sagot sa kanya.

"Okay..uhh..my parents would probably just bring themselves." Tumatango na comment ni Wendy. "They don't want the fuss."

"Mine would bring all my ninangs." Sabi ni Rosie. "For sure. So nine na agad yun."

"Luh? Nine din ninang mo?"

"I don't know why you keep forgetting our parents are from the same friend group." 

"Ah. Ongapala. Sooo..nine..tapos..sino pa? Eh sila Soo lang naman tsaka JenLisa tsaka si Joy yung tropa natin na GG tayo invite eh." 

Nagtanguan sila. 

"100 po ate. Ballpark." Sabay nilang sabi sa ate na tinanguan lang sila ng nakangiti. 

------------------------------------------------------------

Tumaas ang kilay ni Wendy habang umiinom ng tubig. Napansin kasi niya si Rosie sa sala nila.

Nakasalampak sa floor tapos may hawak na lapis, mahinang inuuntog ang ulo sa coffee table.

"Huy. Anong trip mo?" Tanong ni Wendy. Umupo na sa sofa tapos hinaayaan na sandalan ni Rosie ang legs niya. "Alog na yang utak mo lalo mo pang inaalog."

"Ang hirap. Mag-isip..ng cupcake flavors..para sa kasal." Sabi ni Rosie. 

Natawa si Wendy. Yumuko para sandali nilang ma-recreate ni Rosie yung Spiderman kiss. 

"You're tired because you want to think of the best option or you're tired because you just want to taste all of the choices?" Tanong ni Wendy kay Rosie. Naglapag nadin ng halik sa noo ni Rosie bago siya tuluyang umayos ng upo.

Tumayo nadin si Rosie mula sa pwesto sa floor. Umupo lang sa tabi ni Wendy for five seconds tapos tinulak na siya pahiga para madaganan. Umiling-iling sa dibdib niya habang nakayakap. "I want to make sure everyone gets something to their tastes you know?" Sabi ni Rosie.

Tinapik-tapik ni Wendy ang likod ni Rosie. Hinigpit lalo ang yakap niya tapos humalik sa tuktok ng ulo ni Rosie. "Luh. Sasakit talaga ulo mo sa gawa mong yan." Sabi niya. "Just pick three of the choices and run with it. I'm sure meron dun na at least one that's gonna be a hit."

"Ayaw."

"Bahala ka."

"Can we nap?"

Tumahol si Hank mula sa dog bed niya ng marinig ang salitang nap. Tumakbo na papunta kila Rosie at Wendy tapos masayang pumwesto sa tabi nila sa baba ng sofa. 

"Up here, Hanky." Tawag ni Rosie. 

Sabay pa silang tumawa ni Wendy habang pinapanuod si Hank na tumatalon para maka-akyat sa sofa. Tinulungan nalang ni Rosie sa pamamagitan ng pag-boost gamit ang isang kamay. Umakyat lang si Hank papunta sa likod niya gaya ng nakagawian.

"Ayos tayo diyan." Biro ni Wendy kay Rosie. "Enjoy niyong dalawa yung privilege na yan ha. When we have kids sila nalang pwede matulog sa ibabaw ko." 

Hinalikan siya ni Rosie. Malalim. Matamis. "Shh, Theungwan. Naptime. I love you."

"I love you too, Rothie. I love you too."

"We're going for the lemon cupcakes."

"Okay. Lemon it is."

"And then.." Humikab. "Red Velvet."

"Okay, Rosie. Okay."

"Night, Theungwan."

"Night."

"ARF"

"Night, Hanky!"

------------------------------------------------------------

"You're getting married in two weeks." Sabi ni Mommy Seohyun kay Wendy.

Nagliligpit sila ng pinagkainan mula sa kakatapos lang na weekly family dinner. Nasa backyard sila Rosie at Hank.

Lumingon si Wendy para tingnan ang dalawa mula sa bintana ng kusina. Ngumiti ng malawak. "Yes. Yes I am."

Inakbayan siya ni Mommy Yoona. "Happy?" Tanong nito.

"Supremely."

"Good. Masaya naman ba siya?" Tanong ni Mommy Seohyun.

Kumurap-kurap si Wendy. Kumunot ang buong mukha. Halatang naalog sa narinig na tanong. "Hala?" Sabi niya.

Tumawa yung mga magulang niya. Malakas. Pang-asar. Yung tipo ng tawa na ginagawa ng mga magulang kapag nauuto nila yung anak nila.

"Luh..paano kung hindi?" Tanong ni Wendy sa hangin. 

Lalong tumawa parents niya. 

Pumasok sa loob ng bahay si Rosie. Bitbit si Hank. "Anyare sayo?" Tanong niya kay Wendy ng makita ang itsura nito. 

"Are you..happy?" Tanong ni Wendy kay Rosie.

"What like right now?" Sagot ni Rosie.

"Yes?"

"Yeah I am. I really am. Why?"

"PARA NAMANG EWAN SILA MOMMY EH!" 

------------------------------------------------------------

"Psst! Theungwan!" Tawag ni Rosie.

"Ano?" Sagot ni Wendy.

"Harap ka sakin dali. I need your opinion."

"Di pwede."

"Para namang tanga yun."

"Di ko mapagtanto kung bakit ako yung sinama mo dito sa lakad nato. Andun naman at nagprisinta na si Jisoo."

"Di naman siya yung aasawahin ko. Paki ko sa opinion niya?"

"Thank God."

"Dali na harap ka na sakin bilis. Nang matapos na. This dress is itchy as fuuuuuck."

"If that dress is itchy then it's probably not the wedding dress you're supposed to wear."

"Point."

May kaluskos mula sa likuran ni Wendy. 

"Oks na. Harap ka na pramis safe na." Sabi ni Rosie pagkatapos. 

Huminga ng malalim si Wendy. Humarap sa tumatawag. Suminghap.

"Rosie naman!" Reklamo niya. Nakatakip ang dalawang kamay sa mga mata.

"Why do I get the feeling you'd have reacted the exact same way had I been wearing the dress?" Natatawang tanong ni Rosie.

"Better that than you being topless right fucking now, put on a robe!"

------------------------------------------------------------

Pikon na binulsa ni Wendy ang cellphone. Di maintindihan kung bakit hindi siya makalagpas sa nilalarong level ng Cooking Mama kahit chef irl siya.

"Naiirita na ako." Sabi ng nasa likod niya na si Rosie.

"Same. Taeng Cooking Mama yun." Nakasimangot na sagot ni Wendy.

"Wala kang bisa na katulong sa pagpili eh." 

"Di nga kita pwedeng makita na naka wedding dress. Ang kulit ng lelang mo, Rothie eh."

"Konting-konti nalang tatawagan ko na sila Mommy tsaka ate Irene." 

"Code Red ka na ba? Desperate times ganern?"

"Slight."

"K."

"Wankosayo."

------------------------------------------------------------

"Hoy." Sabi ni Rosie sa tenga ng nagpupunas ng kotse na si Wendy. Tumawa sa gulat ng bestfriend niya. Lumipad kasi yung basahan.

Nakahawak sa dibdib na tumitig sa kanya si Wendy. Pabuntong-hininga ang bati. "Ano?"

"Ginawang chew toy ni Hank yung wedding dress na pinili ni ate Irene."

"Luh?"

"Legit erp. GG na. Ayokong dumaan ulit sa pagpili-pili keme ng bago POTA. Palit theme tayo. Casual. Jeans and t-shirt para walang problema."

"Gago?"

"Nasabi ko na sa parentals yung change of plans. Umiyak si Mommy Fany tapos sinermunan ako ni Tita Seohyun pero at least pumayag sila diba?"

Kumurap lang si Wendy kay Rosie. Unti-unting ngumiti, unti-unting tumawa. "Ohmygod. Rosie." Sabi niya.

"Trip mo?" Tanong ni Rosie.

"We're getting married."

"Yeah we established that. Two weeks nalang mag-asawa na tayo, besfran. Gonna be great."

Lalong tumawa si Wendy. Humawak na sa hood ng kotse niya. "We both could give less of a shit about everything. Jesus. Why?!" 

Kibit-balikat si Rosie. Natawa nadin. "Ewan. Bakit nga ba?"

"Ohmygod. I love you."

"Samedt, Theungwan."

"Let's just..let's run yeah?"

"Ha?"

Lumuhod si Wendy sa harap ni Rosie. Naglabas ng isang maliit na kahon mula sa bulsa. Binuksan para ipakita yung pares nila na wedding rings.

"I wasn't going to bring these out until our actual wedding pero..Excited na ako..and..I want to marry you. Right now. Tara na. Ayoko na maghintay ng two weeks. Ayokong mag-isip about anything else anymore and I'm sure you don't either..Rothie..I just want to marry you. I want to marry my bestfriend."

Nagtaas ng kilay si Rosie kay Wendy.

Sandaling tahimik. 

Sabay silang tumango. 

"Overlook?" Tanong ni Rosie.

"Overlook." Sagot ni Wendy.

------------------------------------------------------------

Humikab si Joy. Nauntog sa sinasandalang bato. 

Aliw si Jennie sa paghawak sa mga makahiya na nasa paligid. Pinapanuod lang siya ni Lisa.

"Apakabagal, Jisoo. Amputangina mo!" Reklamo ni Rosie.

"Osige pakyu ka! Kala yata malakas yung signal ng internet dito sa bundok eh!" Sagot ni Jisoo. 

"Legit ba yang ginagawa mo erp?" Tanong ni Lisa kay Jisoo.

"Tsong legit. Nag-google kami ni Rothie bago namin kayo tawagan. Lawyer mapapang-asawa ko tingin niyo di niya sisiguraduhin yung ganung shit?" Sagot ni Wendy.

"Pota naman!" Reklamo ni Jisoo sa cellphone niya. "Parang tanga ngayon pa nag-hang!"

"Dating OFW pero walang pambili ng bagong cellphone amputa." Asar ni Jennie. "Yung gamit mo nung college yun padin gamit mo ngayon eh."

"Android kasi to mga tanga. Di iPhone na kelangan palitan every ten minutes pakshit yan. Anong number na ba? iPhone500? Apaka-capitalist ng Apol."

Binatukan ni Rosie si Jisoo. "Bilisan mo na puta naman!" Sigaw niya.

"Sandali kasi! Atat ka eh! Kailangan ko pa daw mag-aral ng konting Philosophy tsaka mag vow of chastity eme bago ako ma-ordain. Luh? Sigurado ba kayong legit to?" Sagot ni Jisoo.

"NASAANG WEBSITE KA BA?!"

"Sa website ng CBCP."

"DI KA MAGPAPARI PUTANGINA! AY! ANG BOBO! LISA IKAW NA NGA LANG TANGINA KASI NI JISOO EH!"

------------------------------------------------------------

"Tama ba tong get ordained dot com?" Tanong ni Lisa kay Wendy with matching kalabit.

Bumuntong-hininga si Rosie.

"Gags." Sabi ni Joy. "Sisikat na yung araw di padin kayo 'kinakasal' ayaw yata ng Universe na today eh." 

"Di pwede." Sabi ni Wendy. "Kelangan today. Kasi di kami sumusunod ng bespren ko sa trip ng Universe."

"Sariling sikap." Comment ni Jennie. Gumagawa na ng bracelet gamit ang mga bagong napagdiskitahan na santan.

"Masarap yan pag sinipsip mo yung dulo." Sabi ni Jisoo kay Jennie.

"Luh?"

"Ay rich kid ka kasi kaya di mo alam eh. Tanungin mo si Roseanne alam niya yun. Gawain niya nung bata kami."

"Ay shet erp oo nga!" Sabat ni Wendy. "Nalimas yung santan sa bakuran ni Aling Bebang amputa ako pa yung napalo nun ng walis kasi natyempo na nautusan ni Rothie na manguha nung tumingin siya."

Tumawa si Rosie. Naalala nadin ang kinukwento ng mga kaibigan. "Sumbong si Theungwan kay Tita Yoona eh..kaso pinagtawanan lang naman siya." Kwento niya.

"Yun yung villain origin story ko eh." Tumatango-tango na kwento ni Wendy.

"Mga mehn. Ayaw tanggapin nung get ordained dot com yung ID number ko." Taas-kamay na balita ni Lisa.

"Haaay pota talaga." Sabi nalang ni Rosie.

------------------------------------------------------------

"Hoy." Tawag ni Joy kay Rosie.

"Ano?" Sagot ni Rosie.

"Naalala mo nung pinag-awayan natin si Wendy dito?"

"Oo. Bakit?"

"Wala lang. Ang tanga natin nun noh?"

"Mej."

"Buti nalang oks na today."

"Yep."

"Di pa ako bawi dun."

"Isang dekada na lumipas, Joy. Anuba."

Winasiwas ni Joy ang cellphone niya sa mukha ni Rosie. "Babawi ako." Sabi niya.

"Eh?"

"Ako 'magkakasal' sa inyo."

"Ha?"

"Teh. Gumana ang credentials ko sa insta minister dot com. Sizt Joy ang itawag mo sa akin."

------------------------------------------------------------

"Sandali amputa natatawa ako." Sabi ni Wendy. 

Bumungisngis si Rosie. Sinampal siya. "Wag ka magulo nahahawa ako!"

"Para tayong mga tanga." Sabi ni Jisoo. Pinapatak yung wax ng hawak na kandila sa kamay niya.

"Bakit may kandila?" Tanong ni Jennie.

"Kasi malo-lowbat na ako at di ko mabasa yung script." Sagot ni Joy. "Lika dito lapit ka dali teh."

"Sizt Joy pwede bang ikaw din magkasal samin ni Jennie?" Pabirong tanong ni Lisa.

"Keri lang Sizt Lisa. pero magcha-charge muna ako. Bukas na kayo, yung mag bespren muna ng matapos na."

"Ayos tayo diyan."

Bumuntong-hininga sila Wendy at Rosie. Nagtanguan nanaman. "Game na." Sabay na sabi nila.

"Kayo lang naman hinihintay." Sabi ni Jisoo. "Bilis. Nilalamok na ako. Pakagago talaga ng trip niyong dalawa eh."

Pinakyu lang ni Rosie si Jisoo. Ten seconds silang nag-gantihan ng middle finger.

"Hoy anuena?!" Sigaw ni Joy. "Five percent nalang ako!"

------------------------------------------------------------

"Painom naman kayo." Sabi ni Jennie. 

"Just married ganern." Dugtong ni Lisa.

"G lang naman. Dun tayo sa bar ng wormhole selves niyo." Sabi ni Wendy.

"Bukas nalang." Sabi ni Jisoo. "Tinatamad na ako."

"Edi wag ka sumama tanginang to." Sagot ni Rosie.

"Pa-tuhog naman diyan, Wendy." Sabi ni Joy.

"Ha?!" Sagot ni Wendy.

"Sa kotse mo. Pa-insert."

"Tangina?" Sabi ni Rosie.

"Trip pa yata ni Sizt Joy na mag-away sila ulit ni Roseanne." Biro ni Jisoo. 

"Charge kasi. Dun sa lighter keme mo!" Paliwanag ni Joy.

"Ay binawi. Mananapak na ako eh." Umiiling na bulong ni Rosie.

"Tamang fulfill lang ng fantasy noh? Di mo kasi nasapak dati." Sabi ni Jennie.

"Mej."

"Dami-daming word na pwedeng gamitin eh." Comment ni Wendy. Binuksan na ang kotse tapos sumenyas nalang ng 'feel free' sa tumatawang si Joy.

"Ayaw niyo nun?" Sabi ni Joy kay Rosie. "Ako naman ang third wheel niyo this time around."

"So wala akong kasabay sa kotse?" Tanong ni Jisoo.

"Oo." Sagot ni Rosie. "Forever alone ka sa kwentong to eh. Cheater ka daw kasi sa Pogs."

"Tangina mo Roseanneeeeeeeeeeee!"

------------------------------------------------------------

Nakauwi nadin sa wakas. Parehong medyo lasing. Tambay sa kama pampa-antok.

"Tapos?" Tanong ni Rosie kay Wendy.

"Hmm?" Sagot ni Wendy.

Tumahol si Hank mula sa paanan ng kama. 

"Tapos?" Ulit ni Rosie. Umayos ng patong kay Wendy tapos hinalikan siya sa noo. 

Gumanti lang si Wendy. "Why do you ask?" Sagot niya sa tanong ni Rosie.

Kibit-balikat lang si Rosie. Dumagan na ulit tapos sumiksik ng yakap. "Wala lang..kasi parang wala namang bago?"

"Should be there anything different?"

"Not really. I just imagined.."

"Imagined what? Something more grand perhaps?"

Umiling si Rosie. "Nope. I imagined something explosive. Like..deep inside ganern. Para bang profound realizations or some shit."

"Hmm."

"Not that I'm not EXTREMELY happy about how it went down ha..just..feeling strange kasi it's somehow normal after all that."

Binaligtad lang ni Wendy ang pwesto nilang dalawa. "I had a realization..share ko lang." Sabi niya. Nag-offer ng eskimo kisses na legit kinakilig nila pareho ni Rosie pero di nila aaminin sa isa't-isa. 

"Ano naman?" Natatawang tanong ni Rosie.

"I realized..that I love you more now..I realized..that I probably saved a country in my past life para lang mapayagan in this one to marry my bestfriend." Bulong ni Wendy.

Nagtitigan sila.

"Hala Theungwan." Sabi ni Rosie. "Ikaw si Mulan dati." 

"Rothie?" 

"Hmm?"

"Pakyu. Panira ng moment yung banat."

"Yieeeee! Labyu too, besfran! Pang-forevs na talaga!"

Umiling nalang si Wendy. Sinundot sa tagiliran si Rosie tapos kinilit na ng malala. "Labyu too, besfran! Legit na legit! Bestwife na tayo sa isa't-isa akalain mo yun!?" Sigaw niya. 

Tumili lang with matching tawa si Rosie. Nagulat pa tuloy si Hank na badtrip silang pinagtatahulan. 

"TAMA NA!" Sigaw ni Rosie. "MAY PASOK TAYO BUKAS!"

Tumigil nga si Wendy sa pangingiliti. Ilang minuto pa ulit ang lumipas bago sila tumigil sa pagtawa. 

"Parang ewan." Sabi ni Rosie. Pinangpunas ng pawis sa mukha yung laylayan ng suot na tshirt.

"Ang dugyot talaga nito kahit kelan." Comment ni Wendy. "May tissue naman. Batang kalye talaga eh."

"Lul. Batang kalye ka din eh. Ikaw kaya lagi kong kasama dati."

"Ako padin naman parati mong kasama ngayon."

"Duh bro. We're married."

"Yieeeeee! Ang lala ng dapa mo sakin noh?"

Hinatak lang ni Rosie si Wendy. Dinaganan na ulit. 

"Mhmm. Sobra. Sobrang lala ng dapa, hulog na hulog. Legit. I love you, Theungwan."

"I love you too, Rothie. I love you too."

"We're married."

"Yup."

"We added wife to our titles after a 'ceremony' that lasted twenty minutes and was officiated by that ex of yours na nakakaputangina nung college."

"Mhmm."

"Besfran padin?"

"Naman. Besfran padin."

"Nice."

"Yessssssss."

"Goodnight?"

"Goodnight."

Sumiksik si Hank sa space sa kanan nilang dalawa. Natulog nadin.

"Goodnight, Hank!"

Forward
Sign in to leave a review.