
FORTY-SEVEN
"Good morning." Bati ni Wendy.
Kumurap-kurap lang sa kanya si Rosie. Humikab. Tapos pumikit ulit.
"Wife." Dugtong ni Wendy.
"HALA PUTANGINA!" Sigaw ni Rosie. Tinulak si Wendy palabas ng kama.
Malakas ang kalabog. Malakas din yung tili ni Wendy na kasabay ng pagkahulog.
"SHET!" Sabi ni Rosie.
"Aray pota. Anubayun." Reklamo ni Wendy. Nakabulagta sa lapag sakto ng starfish position. Natatawa.
Sumilip si Rosie sa kanya. "HOY!"
"Ano?" Tanong ni Wendy.
"Asawa na kita puta."
"Yeh. Galing noh?"
"Halaaaaaaaaaa."
"Ay grabe. Parang ayaw mo pa yata eh. Gulat na gulat?"
Naglahad ng kamay si Rosie kay Wendy para tulungan siya na makabalik sa kama. Ng magawa ni Wendy ay pinatungan na siya ni Rosie.
"Huy. We're married." Balita ni Rosie.
"Ang kulet lang eh. Oo nga! Ayaw pang maniwala eh andun ka din kagabi." Sagot ni Wendy.
"I'm married to my bestfriend."
"Mhmm. Same."
"Ohmygod it's going to be lit."
"Yeah bro."
"Niiiiiiiiice."
"Mhmm."
"Morning sex?"
"Tap twice, wife."
"Cool cool cool. Doing that now. Tapping twice."
"Yep yep."
Tinapik-tapik ni Rosie sa pisngi si Wendy. Sinagot siya ng halik.
------------------------------------------------------------
"We should go on a honeymoon." Sabi ni Rosie habang kumakain sila ng agahan.
Humigop lang si Wendy ng orange juice. Nagtaas ng kilay as signal na ituloy lang ni Rosie ang sinasabi niya.
Tumango-tango si Rosie. "Saan mo trip magpunta mehn?"
"Ewan. San mo ba trip?"
"Huy mag-asawa na tayo, tanga. Di na pweds yang keme mo na kaladkarin sa trip ko dapat may input ka na din."
"So pwede yung ganun nung di pa tayo mag-asawa?"
"Parang tanga naman to eh. Seryoso kasi."
"May input naman ako dati ah. Alternate tayo diba?"
Matagal na natahimik si Rosie. Tuloy lang sa kain si Wendy.
"Trip mo mag-away?" Tanong ni Rosie.
Nabilaukan sa pancake na isinubo si Wendy. Tumatawa-tawang uminom ulit ng orange juice. "Seryosong away or nah?" Sagot niya.
Nagkibit-balikat si Rosie. "Parang disagreement material yung usapan eh. Swak na first as a married couple. G?"
"I mean..okay?"
"Oks oks. Di muna kita papansin ng isang oras ha. Bawal mapikon."
"Diba 'away' to? I feel like against the point pag hindi ako mapipikon."
"Ay oo nga naman..hmmm."
"Ganto. Solution muna."
"Bet. Uhh..sige. Solution..we go on two honeymoons. Once yung this one kasi nagtanan tayo last night tapos isa pa ulit after nung ceremony keme with the parents and everyone else in two weeks." Suggestion ni Rosie.
Tumango-tango si Wendy. "Bet. Bato bato pick who gets to be in charge of what."
"Cool cool cool. GG away na tayo. Isang oras na walang pansinan ha! Wag kang gago lalambing-lambing marupok ako."
"Talagang hindi. Tae ka eh. Labo ng trip mo sa buhay I can't believe I married you."
"Lul. Makasalita kala mo talo pa siya eh. Ganda ko kaya!"
"Yeh mehn. Kamukha mo yung bias ko sa Blackpink na parang ang sarap tumalon sa bangin tuwing nakikita ko."
"Ay weh? Bias ko yung visual nila. 20% creepy lang na kamukha ni Jisoo yun."
"Ay ay ay yan tayo eh."
"Pakyu game na. One hour starts now."
Inirapan nila ang isa't-isa. Tumahol si Hank mula sa ilalim ng lamesa. Nagtinginan ulit sila Wendy at Rosie. Tumahol ulit si Hank.
Sabay silang dumukwang sa ilalim ng lamesa at tinawag ang aso na confused lang na nagpalipat-lipat ng titig sa dalawa niyang amo.
"SAKIN CUSTODY NI HANK WAG KANG ANO!" Sigaw ni Wendy.
"HOW ABOUT NO?! SAKIN SI HANK SA AWAY NATO BAHALA KA SA BUHAY MO!"
Tumakbo si Hank palayo. Wala sa mood na madamay sa kung ano man ang nararamdaman niyang trip ng mga amo sa umaga na yun.
Hinabol siya nila Wendy at Rosie.
Trenta minutos mula sa scheduled 'away' ang lumipas na nagtatawanan lang silang mag-asawa sa ginagawa nila.
Naisip ni Wendy na eto na yun. Ganito na yung magiging umaga niya araw-araw sa habangbuhay.
Naisip ni Rosie na wala naman talagang nabago. Bukod sa umaapaw na saya na sigurado na ang lahat sa kanila ng kasama niya, asawa na niya yung bestfriend niya.
Nagtinginan sila. Sabay na tumango.
Di na masama. I'm right where I want to be.
------------------------------------------------------------
"Ayos na ako. Ikaw ba?" Tanong ni Wendy kay Rosie pagkababa niya ng cellphone niya na ginamit pang-text sa katrabaho sa restaurant na si Kyungsoo. Humilata siya ng mas maayos sa kama habang naghihintay ng sagot.
Nakatitig si Rosie sa sariling cellphone. Nakatayo lang sa gitna ng kwarto nila. "Waiting for the boss to reply." Sabi niya.
Tumango-tango si Wendy. Tinapik ang space sa kama na nasa tabi niya. "Lika muna dito while you wait." Aya niya.
Sumunod si Rosie. Humiga sa tabi ni Wendy, sumiksik sa yakap nito.
"I've got a week off." Balita ni Wendy. "Kaya na ni Kyungsoo yung kusina. And, anyway it's not like anyone can say anything..everyone pretty much takes off kahit kelan nila trip."
"Hmm." Sagot ni Rosie. "Boss should say yes. This is my first vacation in years. Di naman ako mahilig mag off usually eh. Tsaka up to date ako sa trabaho."
"Nice nice."
Sabay silang bumuntong-hininga. Patulog na si Rosie ng magsalita ulit si Wendy.
"I've got something I want to run with you." Pabulong na sabi ni Wendy.
"Hmm?"
"The high school I used to teach in."
"Oh?"
"They emailed me to ask if I'm open to teach there again."
"Coooool."
"Should I go for it?"
"Do you want to?"
"I mean..I was a pretty damn good teacher."
"No question about that. You're great at everything you do, Theungwan. Question is kung gusto mo ba or nah."
Nag-isip ng ilang sandali si Wendy. "I miss teaching." Sagot niya sa tanong.
Ngumiti lang si Rosie. Hinalikan sa pisngi si Wendy. "Then go teach." Sabi niya.
"You're alright if I do?"
"Yeah mahn. Why wouldn't I be?"
"Hmm. Okay."
Tahimik ulit.
"Anything you want to do on your own other than lawyering?" Tanong ni Wendy.
"Nope."
"Sure ka na sa sagot na yan?"
"Yup. I'm lucky, Theungwan. I found what I want to do right away and am actually content with it. Where I am is amazing already. I'll let you know if that changes anytime soon."
"Sigurado ka talaga?"
Natawa si Rosie. Mahinang pinalo ang tiyan ni Wendy. "Oo nga ang kulet. I'm happy. I REALLY am. I know you're thinking na parang ang ewan na you're off to do something else tapos I'm staying where I am padin and shit. Stop okay? Ayos lang ako. Legit."
"Hmm."
"Nakalimutan na yatang tamad ako eh." Biro ni Rosie. "Why would I want to do something else? I could use that time for sleep kaya."
Natawa nadin lang si Wendy. Hinalikan sa tuktok ng ulo si Rosie. "Sabagay." Comment niya.
Nag-vibrate sa bulsa ni Rosie ang cellphone niya. Mabilis niyang dinukot para tignan ang dumating na message. Nag fist pump. "Ayos. Pumayag boss ko. One week off starting today tapos isang linggo ulit yung pang second honeymoon natin."
"Yun oh."
"Nice nice."
Umakyat si Hank sa kama. Tahimik na pumwesto sa usual spot niya sa paanan nila Wendy at Rosie tapos natulog.
Humikab si Rosie. Yumakap na ulit kay Wendy.
"This is nice." Comment ni Wendy.
"Yup. One week na uber chill lang tayo dito sa bahay." Sagot ni Rosie.
"Just one week where we can get the feel of being proper newly weds."
"Mhmm." Humikab ulit si Rosie. "We don't have to go anywhere right?"
"Yup. Kind of weird but yeah."
"Probs coz we've been everywhere even when we were just bestfriends."
"Sa tru lang. Mas strange yung babalik tayo somewhere we've already been just because we're married already."
Walang sumagot sa comment ni Wendy. Tiningnan niya ang kasama sa kama. Nakatulog na pala.
Mahina nalang siyang tumawa. Hinalikan ulit pero sa noo naman tapos dahan-dahan na inilipat ng pwesto papunta sa ibabaw niya.
"Rothie." Bulong niya. "I love you, Rosie. I love you. I'm so fucking happy you're my bestfriend, I'm so so fucking happy that you've been my girlfriend, I'm over the moon that you're now my wife. I'm the luckiest. Seriously. Di ko alam kanino ako magpapasalamat na dun ka sa harap ng bahay namin nadapa on the day I decided to practice playing piano outside. I'm SO in love with you. I've been in love with you since that day. I'm sorry it took so much shit for us to get here but..it's worth it yeah? It's so worth it. Kasi I love you and I can say that all the time now. I'll say it all the time. Mahal na mahal kita. Tulog ka lang diyan. Pag-gising mo..mahal padin kita."
"Daming ebas." Sagot ni Rosie.
"Ay pota gising pala ang gaga." Reklamo ni Wendy.
"Sweet ng speech mo in fairness."
"Bwiset."
Tinapik siya sa pisngi ni Rosie tapos hinalikan ng malalim. "Hey. Theungwan." Tawag niya.
"Hmm?"
"I love you too. I'm happy about the same things you are yeah?"
"You better be."
"Ayoko mag speech. Ikaw yung cheesy sating dalawa eh. Pero you know what I mean."
"I do, Rosie."
"Good. Kasi mahal din kita. I do. I really love you too. And you're right. All the shit was worth it kasi andito na tayo ngayon."
"Mhmm."
"I love you, Theungwan."
"I love you too, Rothie."
"Sleep now."
"Okay."
"Wife."
"Wife."
"Nice."
"Nice."