Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

FORTY-FOUR

"That's a bad idea." Sabi ni Jisoo.

"Alin? Yung panghaharot sayo ni Joy or yung nilapag ko na proposal plan?" Tanong ni Wendy.

Tumango si Jisoo. "Both." Pinalis ang lumilingkis sa kanya na si Joy with matching "ahas ka ba? Parang tanga."

"Oo." Sagot ni Joy kay Jisoo. "Aahasin kita. Stay still."

"Putangina?"

Kinalampag ni Wendy ang hawak na kaldero. Sabay na nagtakip ng tenga ang mga kausap. "Ano na, guys?" Tanong niya. "I need feedback, bakit bad idea yung proposal plan ko?"

Pinitik ni Joy sa ilong si Wendy. "For starters, hyper yung aso niyo." Sabi niya.

"Hank's not hyper!" Depensa ni Wendy. "He just has a very happy tail."

"And a very short attention span." Sabi ni Jisoo. "Nilabas namin ni Roseanne yun kasama ni Dalgom nung isang araw, erp. Kinaladkad lang niya si Roseanne kung saan-saan kasi trip niyang mang-harass ng mga ibon."

"Well..I think he can behave long enough to carry the ring to Rosie." Sabi ni Wendy. "I have faith in our boi."

"Teh." Sabi ni Joy. "Kamo eh isasabit mo sa buntot ni Hank yung ring box."

"Yep!" Proud sa idea na sagot ni Wendy.

"Hank..and his happy tail." Deadpan na comment ni Jisoo. Pinukpok ng sandok si Wendy. "Bigyan kita ng pambili ng bagong singsing kasi panigurado eh tatalsik yung isasabit mo papunta sa stratosphere."

"Ang nega niyong dalawa! Kung tumulong nalang kaya kayo sa pagiisip? Isang buwan na akong delayed sa proposal putek naman."

"Mabuti pa kay Dalgom mo isabit yung singsing mo."

"Yeh no. Magmumukha pang ikaw nag-propose dun sa isa."

"Actually.." Sabi ni Joy na parang nag-iisip. Umiling din tapos nag-attempt ulit na lumingkis kay Jisoo. "Wag na pala..dito ka nalang sakin."

"Putangina naman, Joy." Stressed na sabi ni Jisoo. Pilit umiiwas.

"Nakakadiri kayong panuorin." Comment ni Wendy.

"Ay nage-enjoy ako!" Sabi ni Joy.

"Ako hindi." Sagot ni Jisoo. "Tumigil ka ipapakain kita kay Dalgom!" Banta niya kay Joy.

"Ikaw nalang kaya kumain sakin?" May kindat na sagot ni Joy.

"Eew." Kinikilabutan na sabi ni Wendy.

------------------------------------------------------------

"Psst." Tawag ng officemate ni Rosie na si Vanessa.

Lumingon siya. "Yes?"

Tumuro sa labas ng building nila si Vanessa. "Sino yun?" Tanong niya.

Tiningnan ni Rosie ang tinutukoy. Umiling pero nagpipigil ng ngiti.

Sa isang parking space sa tapat ng building nila ay nakaparada ang kotse ni Wendy na si Song One. Tamang sandal ang may-ari na nakasuot ng itim na slacks at red na polong naka-roll ng ¾ ang sleeves. One hand sa bulsa. Umiinom ng milk tea, naka-shades, lumilingap-lingap sa paligid, tamang people watch sa mga dumadaan. 

"Teh. Ang pogi ng datingan. Bet." Sabi ni Vanessa.

Natawa nalang si Rosie. Hinila ang kaibigan para puntahan si Wendy.

"Hoy grabe ha!" Reklamo ni Vanessa. "Wag ganyan, di ako nag-retouch! Panget ako masyado!"

"Yeh no." Sabi ni Rosie.

Lumiwanag ang mukha ni Wendy ng makita nito si Rosie. Binaba sa bubong ng kotse ang hawak na Gong Cha tapos binuksan ang passenger side door. "Hey, Gorgeous." Pakindat na bati ng makarating sa harap niya si Rosie na nagtaas lang ng kilay. 

"Sup." Sagot ni Rosie.

"I'm here to take you out for lunch."

"Mhmm. Also para magpapogi?"

Kibit-balikat si Wendy. Binuksan nadin ang pinto ng backseat. "Can't show up looking like dirt next to you pretty ladies." Banat niya.

"AY!" Sabi ni Vanessa. "AY!" Palipat-lipat ang tingin kila Rosie at Wendy. "Gurl! Eto ba yung jowa mo?" Tanong kay Rosie.

"Jowa, bestfriend, fianceé maybe..later tonight..wife. Soon." Sabi ni Wendy. Kumindat ulit kay Rosie.

"Maharot ka." Sabi ni Rosie. Natatawa. 

Sumaludo lang si Wendy. "Ikaw lang po ang haharutin."

"Awow. Edi sana ol." Deadpan na sabi ni Vanessa na ikinatawa nila Rosie at Wendy.

Kinuha ni Wendy ang milk tea mula sa bubong ng kotse. Umikot nadin papunta sa driver's side. "Get in, ladies. Sagot ko na lunch today. We going Indian." Sabi niya bago sumakay.

------------------------------------------------------------

"Lagay ko kaya..sa pagkain niya yung singsing?" Bulong ni Wendy habang naghihiwa ng sibuyas. 

Balik trabaho pagkatapos mananghalian.

Nag-angat ng tingin ang kasama niya sa kusina na si Kyungsoo. "Ha?" Tanong nito. Sandaling natigil sa tinatrabahong bawang.

Kibit-balikat si Wendy. "Yung singsing kako..ni Rosie. Lagay ko kaya sa pagkain niya?"

"Why..would you do that?"

"I'm proposing tonight bro."

"And that's the best plan you can come up with?"

Pumasok sa kusina si Johnny. May hawak na papel. "Chahan, Ebi Furai, Pad Thai." Litanya niya.

Tumango ang dalawang chef. Sabay na nagpunta sa pinaglalagyan nila ng ibang ingredients.

"It's either that or I enlist the help of our boi." Sabi ni Wendy.

"Anong meron?" Tanong ni Johnny.

"Madami bang tao sa labas?" Sabi ni Kyungsoo.

"Just the one table, bruh. We JUST opened for dinner?" Sagot ng waiter. Sumandal na sa kitchen counter, kumuha ng ilang peanuts mula sa bowl na hinanda ni Wendy para sa Pad Thai.

Nagsimula ng mag-prep si Kyungsoo ng hipon. "Sabi neto ni Chef eh magpo-propose daw siya sa jowa niyang diyosa." Kwento niya.

"Ayos tayo diyan!" Sabi ni Johnny.

"Yeh yeh. Thanks for the support, guys." Sagot ni Wendy. Naghihiwa ng chili peppers.

"So what's the plan, Japan?" Tanong ni Johnny. "Baka may maitulong kami."

"Thinking of sneaking the ring in her food." Sabi ni Wendy.

"Magandang idea yan, Chef!"

"Di nga?"

"Yeh." Sabi ni Kyungsoo. "That's what I was trying to tell you earlier. Magandang idea."

"Ayos naman pala."

"Magandang idea if yung goal mo eh mag-choke siya ng malala pag accidentally niyang nalunok." Sabi ni Johnny.

Natawa si Kyungsoo. Dumulas ang kutsilyo sa sangkalan, nahati sa dalawa ang tinatrabahong hipon. 

Binatukan siya ni Wendy. "Tangina naman eh!" Reklamo niya.

"Matalino ka naman, Chef. Wala ka na bang ibang pupwedeng ilapag?" Sabi ni Johnny.

"Ano yung sabi mo na ie-enlist mo yung anak niyo?" Tanong ni Kyungsoo.

"Sasabit ko sana sa buntot ni Hank yung ring box." Kwento ni Wendy.

Tumawa nanaman ang dalawang kausap. 

"Boss!" Sabi ni Johnny. "Na-meet na namin yung anak niyo diba? Naalala mo nung naligo siya sa condiments kasi binangga niya yung shelf?"

"Literal na hotdog with ketchup and mayo eh!" Asar ni Kyungsoo.

"Extra sriracha!" Dagdag ni Johnny.

"Apakawalang dulot niyong mga hayup kayo. Hala na nga at magtrabaho! Nakakatanga kayo lalong kausap." 

------------------------------------------------------------

"Susunduin ka ulit ng jowa mo?" Tanong ni Vanessa kay Rosie.

"Probs. Pag di nagtext within ten minutes then yes. If nagtext then nah." Sagot ni Rosie.

Kumunot ang noo ng kausap. "Eh?"

Natawa si Rosie. "Depends kasi sa itsura ng restaurant." Paliwanag niya. "Pag wala masyadong tao she usually steps out to pick me up. Pag madaming tao nagtetext yun and tells me to just grab it."

"Ahhh..may sistema naman pala."

"Yup."

Nagsimula silang mag-ayos ng mga gamit para sa uwian. 

"Bakit mo naitanong?" Sabi ni Rosie. "Crush mo?"

"Slight."

"Yan tayo eh. Bakod na bakod na. Thirty years and counting."

"Baka kamo may tropa siya na pweds ilapag sakin."

"G. Tignan natin baka game si Soo..kaso hinaharot yun ng isa naming kaibigan eh. Hmmmm.."

Tumunog ang cellphone ni Rosie. May text galing kay Wendy na pareho nilang nakita ng kasama ang preview.

"Customers up everyone's ass, Rothie. I'll wire you pangbayad mo sa Grab? Love you."

"Told ya magtetext." Biro ni Rosie kay Vanessa. Binulsa na ang cellphone tapos sumenyas ng ulo para umalis na sila. "Sabay na tayo. Drop kita bago dumiretso sa resto ni Theungwan." Offer niya. "Along the way naman."

"Ay may resto. Chef?" Sabi ni Vanessa. Sumunod sa naglalakad papunta sa pintuan ng office na si Rosie.

"Yep. Head chef slash co-owner, math whiz, former university professor." 

"Nice. Catch."

"I know right? So glad I tripped in front of her when we were kids. Maagang na-set up yung bakod."

------------------------------------------------------------

"Ano na mehn?" Sabi ni Jisoo kay Wendy.

"Pawis na pawis ka na." Dagdag ni Joy.

Nagpunas ng tinutukoy na pawis si Wendy gamit ang isang towel na nakasabit sa balikat. "Shet. Papunta na daw si Rosie, wala pa din akong plan na maayos." Sabi niya.

"Wing it bro." Sabi ni Jisoo.

"This is Rothie we're talking about! I can't just wing it!"

"Eh anong gagawin mo?" Sabi ni Joy. "Sa sobrang kabado mo eh you have pit stains for days already." 

"Jesus Christ.." Umiiling na bulong ni Wendy.

Tinapik siya sa balikat ni Jisoo. "No choice ka na, erp. You either gotta wing it..or drop dead trying to think of what to do sa nerbyos mong yan."

"Isipin mo na lang na si Rosie yun." Suggestion ni Joy. "Alam nadin naman niyang gagalaw ka."

Nagtaas ng kilay si Wendy kay Joy. "Ha?"

"Kay Roseanne ka maglalapag ng singsing." Sabi ni Jisoo. "Yung bestfriend mo na for some inexplicable reason..eh matutuwa yata kahit magbihis clown ka tapos mag balloon art sa harap niya habang nagpo-propose."

Tumango-tango si Wendy. Parang nag-iisip.

"Hala amputa kino-consider pa yata!" Sabi ng nakikinig pala sa usapan na si Johnny.

------------------------------------------------------------

"Thirty years huh?" Sabi ni Vanessa.

Tumango si Rosie. Uminom mula sa Starbucks na binili nila sa baba ng office building bago sumakay sa grab. "Yep. If I count the first time we went for it and add that sa years namin on take two..sampung taon sa thirty eh mag-jowa kami."

"Sana ol swerte sa buhay pag-ibig."

"Di lang naman swerte ang basehan."

"I guess? Pero it helps."

"Probs. I just like to think..na hindi ako swerte sa girlfriend."

"Eh?"

"What I am..is maswerte sa nahanap na bestfriend."

------------------------------------------------------------

Tinapik ni Kyungsoo ang kamay ni Wendy na busy na sa pagtwist-twist ng hawak na towel.

"Chef." Saway niya. "Anuena? BFF mo lang yun, takot na takot ka."

Umiling lang si Wendy. Nilingon ang cellphone sa counter kung saan nakabukas ang message galing kay Rosie na malapit na daw sila ng kaibigan.

"Potaaaaaaaaaaaa!" Sabi ni Wendy.

Binatukan siya ng pumasok sa kusina na si Jisoo. "Tsong. Kung kabadong kabado ka na eh akin na yung singsing. Ako nalang magpo-propose kay Roseanne para sayo. Tangina. Proxy. Sagad na natin pagiging tulay ko, kung trip mo eh ako nadin magpapakasal sa kanya."

"Pakyu."

Nag-peace sign lang si Jisoo. "Worth a shot." Biro niya.

Nagpakita ang ulo ni Joy sa viewpoint nila ng restaurant. "Chef's choice. Table ten." Announcement niya. "Andito na yung mapapang-asawa ng ex ko if she can find her chill long enough to propose."

Forward
Sign in to leave a review.