Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

THIRTY-NINE

"Ang sakin lang naman..wala kayong fireplace. Para saan tong kahoy na sinisibak ko?" Tanong ni Wendy kay Rosie. 

Uminom lang ng orange juice na hawak si Rosie. Sumenyas kay Wendy na ituloy nito ang ginagawa. "Ewan ko sayo. Ganyan mangligaw mga tao dati diba?" Sagot niya. "Throwback, erp. Also, may fireplace sa resthouse nila Mommy dun ang punta niyan."

"Luh?"

"Magtrabaho ka nalang diyan. Daming ebas."

------------------------------------------------------------

"Seryoso ba yun?" Tanong ni Wendy kay Rosie.

"Yeh mehn. Kailangan punuin ulit yung swimming pool sa resthouse nila Mommy." Sagot ni Rosie. Hinahanap sa radyo ang station na nagpapatugtog ng Kpop.

Nag-shift ng gear si Wendy. "So dun ang punta natin today?" 

"Yep."

"Para panuorin..na mapuno yung swimming pool tsaka para dalhin yung mga kahoy?"

"Kahoy yes, pool not really."

"Okay?"

"Punta tayo dun kasi ikaw din yung magi-igib ng tubig na ilalagay sa swimming pool."

"Putangina??"

"Mhmm. Diba nangliligaw ka?"

"Yeh pero..what the fuck?"

"Are you somehow regretting that request?"

"Rothie I swear to god.."

"Kaya mo yun. I'll give you ten buckets to start with."

"Lord..send help.."

------------------------------------------------------------

"Buhay ka pa ba?" Tanong ng mahina na sumipa sa legs ng nakabulagta sa tabi ng pool na si Wendy.

Dumilat siya. Si Tita Taeyeon pala. Bumangon siya tapos tinanguan. "Yes po. Buhay pa naman..pero not gonna lie..baka sumakabilang-buhay na." Sagot niya.

Tinabihan siya ng upo ni Tita Taeyeon. "Mukha namang may na-accomplish ka kahit papano." Sabi nito. Sumenyas sa pool na may tubig na. "Lubog na kalahati ng paa nung lulusong."

Nagpunas ng tumatagaktak na pawis si Wendy. "Rosie gave me an extra five buckets."

"Matulungin talaga yung anak kong yun. Parang yung Mommy niya."

"Yeh."

"Nag-lunch ka na ba?" Tanong ni Tita Taeyeon.

"Di pa." Sagot ni Wendy. 

"Tara na. Kumain ka na muna."

"Papayag naman ba yung isa?" 

"Wala siyang palag sakin." Tinulungang makatayo ni Tita Taeyeon si Wendy. Tumawa sa lagutok ng buto nito. "Sarap." Biro niya.

"Workout." Sagot ni Wendy.

Naglakad sila papasok ng resthouse. 

"Wala yung mag-ina. Nagpunta sa palengke para mamili ng gagamitin for the week." Paliwanag ni Tita Taeyeon. "Darating yung ate ni Roseanne eh. Kasama yung pamilya as usual."

"Proper family vacation." Comment ni Wendy. Umupo na sa in-offer na seat ni Tita Taeyeon sa dining table. 

"Yep. Kasama ka." 

"Luh?"

"Gulat?" Biro ni Tita Taeyeon.

"Slight." Sagot ni Wendy.

"Bakit?"

"Di niyo alam?"

Tumawa si Tita Taeyeon. Nilapag ang hawak na isang baso ng tubig sa harap ni Wendy. Kasama ang plato ng kanin at ulam. Umupo sa harap niya. "Ayos na sakin." Sabi niya.

"Why?"

"Naghahanap ka ba ng resistance?"

"Medyo."

"Hindi ako yung isa pang nanay ni Pathta."

"I suppose.."

"Kita ko naman na legit kang nagtrabaho na gawin yung sabi mong gagawin mo kaya mo hiniwalayan yung anak ko."

"Still.."

"Nagsisi ka naman diba?" Tanong ni Tita Taeyeon. "Inaayos mo diba? Why else would you be doing all this?"

"Hmm.."

Tahimik silang kumain. 

"Alam ng magulang mo ginagawa mo?" Tanong ni Tita Taeyeon.

"Yes po. Said something about how I deserve it and then said Rosie was smart to make it hard for me this time."

"Figures."

"Hmm.."

"Hanggang kelan mo planong sakyan yung trip ng anak ko?"

"Hanggang ibigay niya sakin ang matamis niyang oo."

"Paano kung hindi ibigay yung oo? Tatanggapin mo?"

Bumuntong-hininga si Wendy. "Tatanggapin ko kasi yun ang gusto niya."

"Good enough answer for me. Bilisan mo kain. Pag dumating yung dalawa tapos nakita kang nagpapahinga pareho tayong mabe-bembang."

------------------------------------------------------------

"Wendy." Tawag ni Tita Tiffany.

Pinunas ni Wendy ang mga kamay sa apron na suot. Naghuhugas kasi siya ng pinggan na pinagkainan ng hapunan, pati na ang lahat ng pinaglutuan (siya yung gumamit). "Yes po?" Sagot niya.

"Lika sa labas." Aya ni Tita Tiffany. "Don't let Rosie see you." 

Lumingon si Wendy sa bandang living room kung saan nakikipaglaro ng Playstation si Rosie kay Yeri. Tumango ng masigurado na hindi nakatingin tapos sumama kay Tita Tiffany.

Sinenyasan siya nito na umupo sa tabi. Sumunod siya.

Tumitig lang sila sa nasa harapan na swimming pool with matching ¼ water level. 

"Anong trip ni Pathta?" Tanong ni Tita Tiffany.

Kibit-balikat si Wendy. "Nangliligaw po ako." Sagot niya. 

"Bakit ka nagiigib ng tubig para sa pool namin eh may automatic naman yang tagapuno?"

"Throwback ligaw daw po kasi."

"Hmm..bakit throwback?"

Pinaliwanag ni Wendy kung bakit. 

Tumawa si Tita Tiffany pagkatapos ng kwento. "Ayos naman pala." 

Kamot-batok lang si Wendy. "Yeh..ayun.."

"Sakay ka lang?"

"Worth it naman."

"Well okay." Tumayo na si Tita Tiffany. Tinapik sa balikat si Wendy. "You know how there's a balcony in Rosie's bedroom sa family home?" Sabi nito.

"Uhh..yes?" Sagot ni Wendy.

"Pay attention. Rosie's staying with us again starting next week kasi tapos na yung lease ng condo niya." Kwento ni Tita Tiffany.

"Uhhmm..what?"

"Kala ko ba di ka na tanga?"

"Luh?"

"Ulitin mo yung sinabi ko." Utos ni Tita Tiffany.

"Uhh..Rosie's staying with you again starting next week kasi tapos na yung lease ng condo niya." Sabi ni Wendy.

"Ano yung meron yung bedroom ni Pathta sa family home?"

"A balcony?"

Tumango si Tita Tiffany. "Think about it. Don't be dumb. Di ka sasagutin ng anak ko if you don't figure out the hint I just gave you."

"Why would you give me a hint?" Gulat na tanong ni Wendy. 

"Kasi alam kong you already swayed the other parent. Corny naman kung di ako kasali diba? Di naman to teleserye, fanfiction to." 

"Okay?"

"Mag-isip ka na diyan dami pang ebas. Wag na tanga ulit ha?" Naka-eyesmile na sabi ni Tita Tiffany. Umalis na din. 

Naiwan si Wendy na nakatingala sa ceiling. "Rosie is staying at her parent's place..where her bedroom has a balcony. The fuck does that even mea--OH. OHSHIT. OKAY." Tumayo siya. Tinapik ang noo. "OKAY."

------------------------------------------------------------

"Goods ka pa ba?" Pabulong na tanong ni ate Seulgi kay Wendy. Sumenyas na wag sila magpahalata sa kasama nilang magkapatid na nagkukwentuhan ng sarili.

Hinalo ni Wendy ang hawak na baso ng alak. Tumango. "Goods pa naman." Sagot niya.

"Di sa inom mehn. Sa ligaw mo. Goods ka pa ba?" 

"Ahh. Goods pa naman din."

"Sure ka? Malala yata based sa nakwento sakin nung ate na kinukuwento sa kanya ni Rosie."

Natawa si Wendy. "Yeh slight. Pero keri lang. I deserve it. Kailangang trabahuhin."

Tumango si ate Seulgi. "Nung nililigawan ko yung ate." Sabi niya.

"Oh?" Tanong ni Wendy.

"Throwback."

"Ha?"

"Sulat, erp. Lapag mo sa papel yung mga nasa isip mo. Swak na sunog-sunugin mo yung gilid ng papel para estetik ganern." 

"Bakit niyo ako binibigyan ng tips?" Tanong ni Wendy.

"Nagbigay din yung iba sayo ng tip? Nice." Kibit-balikat nalang si ate Seulgi. "Ewan ko sa iba kung bakit sila ganun. Ako eh tumutulong lang kasi nafu-frustrate na din si Hyun sa inyong dalawa ni Rosie. Ayoko lang ma-stress yung asawa ko dahil sa lovelife ng kapatid niya." Paliwanag nito.

"Huh..okay?" Sabi ni Wendy.

"Word on the street is sasagutin ka naman talaga nung nililigawan mo. Trip ka lang pahirapan."

"That's good to know.." Uminom si Wendy ng alak. 

Kinlink lang ni ate Seulgi ang sarili nitong baso sa baso ni Wendy. "Mhmm..so ang gawin mo eh sakyan mo nalang din. Di na masama diba?" 

"Yeh I guess."

"Yun oh. Goodluck, erp!"

------------------------------------------------------------

"Hoy Wendy." Tawag ni ate Irene.

Naghuhugas si Wendy mga pinag-gamitan sa inuman. "Yeh?" Sagot niya.

"Lika dito dali." Aya ni ate Irene.

Nagpagpag si Wendy ng kamay. Lumapit.

"Throwback ligaw?" Tanong ni ate Irene.

"Yeh..bakit?" Sagot ni Wendy.

"May suki ako sa Dangwa." 

"Okay?"

"Well technically..suki yun ni Slug. Pero oks na din lang. Maganda yung arrangements."

"Okay?"

Nag-abot ng papel na may sulat ng phone number si ate Irene kay Wendy. "Nagde-deliver din sila."

"Mhmm." Tumango-tango si Wendy.

"Gets?"

"Yeh."

"Wag na tanga ulit ha?"

"Yeh."

"Good. Tulog na. Legit maaga ka pa bukas kasi di ka pa tapos magpuno ng pool."

"Luh tangina?"

"Yeh bruh. Kala mo ba tapos ka na?"

"Mej."

"Punuin mo daw sabi ni Pathta. Pakibilis sabi ko. Kasi trip na ni Yerms lumangoy."

"Putik yan..what?! That's gonna take me a week with fifteen buckets!"

"I'll tell Rosie to give you an extra five buckets bukas. Goodnight, Seungwan!" Kumaway lang si ate Irene kay Wendy tapos umalis nadin.

"Putakteng yan, Roseanne." Sabi ni Wendy. "Kung hindi lang kita mahal na mahal."

Forward
Sign in to leave a review.