
FORTY
"Bakit ba ang init ng ulo mo sakin?" Tanong ng kausap ni Wendy sa skype.
"Kasi dinate mo yung bestfriend ko. Wala kang kwentang tao." Sagot ni Wendy.
"Tsong? That shit lasted for two months tsaka alam mo namang wala ng problema. Ayos ka lang ba sa utak?"
"Ewan ko sayo. Dalawang buwan pa din yun and you never decided na maglapag ng kwento. Tangina mo. I ended up marinating in pain for all of last year, you son of a bitch."
Tumawa lang si Jisoo. "Di ka naman kasi nagtanong." Banat niya.
"Putangina mo talaga."
"Bakit di ka nagagalit kay Roseanne? Di rin naman niya sinabi sayo yung ganap ah!"
"Di ko kayang magalit dun."
"Letse talaga kayong mag-bestfriend. Mga pabigat sa buhay ko amputa. Di makuhang magalit sa isa't-isa, hindi rin makapag-usap ng matino, tapos sakin binubunton yung badtrip."
"Ganun talaga."
"Bakit mo ako tinawagan?"
"May ipapagawa ako sayo."
"Yan tayo eh. Uunahan ako ng galit tapos manghihingi ng pabor? Kapal ng mukha. Meant to be nga kayo nung isa. Ganyang-ganyan din yun eh."
"Tangina mo, Soo. Game na."
"Anong ipapalit mo?"
"Sagot ko lahat ng magagastos mo basta itago mo yung resibo."
Kunyari nag-isip si Jisoo. Tumango. "Fair enough. Ano ba yan?"
"Ganto, erp.."
------------------------------------------------------------
"As usual, tumutulay nanaman ako kasi napakabait kong tao. Pakshit kayo ni Wendy, mga abusado." Bungad ng tumambad kay Rosie pagbukas niya ng front door ng bahay ng parents niya.
"Dafuck?" Sabi ni Rosie.
Nag-abot si Jisoo ng isang plastic bag kay Rosie. May laman na ilang tupperware.
"Dafuck?" Ulit ni Rosie.
"Mehn kunin mo na yung plastic dali na! Mabigat!" Pinilit ni Jisoo sa kamay ni Rosie ang tinutukoy.
"Bakit ka nandito?"
"Special delivery yang pagkain galing kay Wendy. Pinabili sakin sa usuals mo dun sa NY tapos pinadala sakin dito kasi mapapanis pag pina-courier."
"Luh ang gastos. Sa ticket palang."
"Yeh ang gastos talaga. Pero di na natin problema yun kasi siya naman ang magbabayad."
"Fucking Seungwan.." Bulong ni Rosie.
Nagkibit-balikat si Jisoo. "Limang oras lang pagitan ng flight ko kelangan ko na bumiyahe pabalik sa airport."
"Luh. Pasok ka muna sa loob para tumambay. Tubig you want?" Offer ni Rosie.
Sumenyas lang si Jisoo ng hindi. "Oks na ako tsong. Bounce na. Ingat ka ha!" Tumalikod na tapos naglakad palayo.
Naiwan si Rosie sa front porch ng bahay. Nakasilip sa plastic bag na bigay ni Jisoo
"Oo nga pala." Sabi ni Jisoo na biglang sumulpot sa harap niya.
Tumalon si Rosie sa gulat. Sinapak sa balikat si Jisoo. "Putangina mo!" Reklamo niya.
Tumawa lang si Jisoo. Naglabas ng isang giant bouquet ng bulaklak mula sa likuran. "Galing din kay Wendy yan. Fresh from Dangwa."
Tinanggap ni Rosie. "Salamat?"
"Para saan? Sa pagde-deliver? Yeh you better thank me, bitch. Ano kaya mangyayari sa inyo nung isa kung wala akong dakilang tulay?"
"Taena. Sayang ka din eh. Maghanap ka ng jowang hindi ako na pupwede mo i-spoil."
"Wushoo. Yoko. Wala na akong paniwala sa ganyan. Lam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Kasi nung sumubok tayo eh wala akong naramdaman."
"Samedt."
"Bye."
"Ang straightforward naman nun."
"Paano ka ba mag-bye? Madami pang ebas in between? Kaya di tayo pwede eh. Maarte ka."
"Lul. Di tayo pwede kasi putangina ka."
"Well yeah. That too. Oks na din lang. Putangina ka din eh."
"Sige na nga, Soo! Sana di ka umabot sa return flight mo." Paalam ni Rosie.
"Yeh yeh ewan ko sayo." Lumakad na ulit si Jisoo paalis. Huminto sa harap ng kotse tapos sumigaw kay Rosie na papasok na ng bahay. "Parang-awa, Roseanne! Sana maayos na kayo ni Wendy pagkatapos ng lahat ng to!"
------------------------------------------------------------
Huminga ng malalim si Wendy. Chineck kung nakatono ng maayos ang hawak na gitara, inayos ang buhok, pinagpag ang damit.
Nagpadala ng text gamit ang number na in-unblock na ni Rosie pagkatapos ng isang matinding tickle fight.
Sandali lang siyang naghintay. Nadinig na bumukas ang pintuan ng balcony na tinitingala niya tapos nakitang lumabas si Rosie at dumungaw.
"Anong trip mo?" Tanong ni Rosie.
Ngumiti si Wendy. "But soft! What light through yonder window breaks!" Ma-dramang sabi niya.
"Eew."
Tumawa si Wendy. Nag-strum ng chord sa gitara. "Narito po ako para mang-harana, aking irog." Announcement niya.
Nagtaas ng kilay si Rosie. "Buhusan ka ng tubig ni Mommy Tiffany, istorbo ka sa payapang gabi."
"I feel like oks lang."
"Mhmm. Sure ka na diyan?"
Tumango si Wendy. "Yep. Kiligin ka naman, binibini."
"Lul."
"Yieeeee!"
"Pakyu, Wan. Tumugtog ka nalang, inaantok na ako."
Nag-peace sign si Wendy sa kausap. Nagsimula na ngang tumugtog.
Ninamnam ang ngiti na unti-unting lumalabas sa labi ng hinaharana habang tumatakbo ang kanta.
"Don't you see me I, I think I'm falling, I'm falling for you. And don't you need me I, I think I'm falling, I'm falling for you. On this night, and in this light, I think I'm falling. I'm falling for you. And maybe you, change your mind."
Nag-bow pa siya ng matapos. Nakangiting nag-angat ng tingin kay Rosie.
Slow-clap ang sinagot sa kanya. "Ganda the song choice." Pabirong comment.
"Keri na diba?"
"Yep."
"Ayos. I take requests too kung meron ka."
"Naging jukebox."
"Anything you want me to be.."
"Landeh. Umuwi ka na. Goodnight, Theungwan! Salamat sa harana!"
------------------------------------------------------------
"Nagsa-shabu ka ba?!" Sigaw ni Mommy Seohyun kay Wendy pagkadating niya sa bahay.
Taka siyang tumitig. "Ha?" Sagot niya.
Sinampal siya ni Mommy Yoona. "Seungwan..anak..anong nangyayari sayo? Huhu..anak.." Sabi nito.
"Are you guys okay?" Tanong ni Wendy.
"We found lighters and some burned up paper and foil sa trash bin ng kwarto mo." Balita ni Mommy Seohyun. "You have two seconds to fess up or isusumbong ka namin kay Rosie na nag-aadik ka."
"Luh?" Sabi ni Wendy. Tumawa na ng tumawa.
"This is a serious matter, Seungwan!"
"Adik na nga yata talaga! Huhu anak! Saan kami nagkamali?!" Sigaw ni Mommy Yoona.
"Deh. Ohmygod..moms..teka lang!" Tawang-tawa padin si Wendy. Naka-bend over na, hawak ang tiyan. "Wait lang..wait lang..I can explain."
"Hurry up. I've got a rehab center and the cops on speed dial." Banta ni Mommy Seohyun.
"I was trying to write letters to Rosie." Paliwanag ni Wendy. "Yung aesthetic na sunog-sunog yung gilid ng stationery ganun..kaso it wasn't working so I scrapped everything."
"What's with the foil then?"
"Baka kako mas cool tignan pag may silver."
"So di ka adik?" Tanong ni Mommy Yoona.
"Sa nililigawan ko oo. Sa drugs? Nah mehn. I'm stupid but not that stupid." Sagot ni Wendy.
"Ay ayan na nga at cheesy padin pala." Umiiling at nakahawak sa noo na sabi ni Mommy Seohyun.
"Throwback ligaw yung ganun diba?" Tanong ni Wendy. "Diba ganun gawa nung panahon niyo?"
"HOW OLD DO YOU THINK WE ARE?!" Reklamo ng mga nanay niya.
Tumakbo nalang si Wendy papunta sa kwarto niya. Nagmamadaling nagkulong bago pa maabot ng palo nung walis tambo na hinablot ng Mommy Yoona niya.
------------------------------------------------------------
"Dalagang Pilipina?" Sabi ni Joy kay Rosie.
Nakatambay sila sa isang bar na nadaanan pagkatapos lumabas for dinner. Nagsasalo ng isang bote ng soju.
"Pag ganun ang trip Dalagang Pilipina agad?" Sagot ni Rosie. Nagbuhos ng shot para sa kainuman.
"Di rin uubra sayo I guess. Haliparot ka eh. Di ka na dalaga."
"Bastos."
"Hindi ba?"
"Gagang to. Mas haliparot ka kesa sakin noh."
"Sa tru lang."
Tuloy sila sa inom.
"So pinapahirapan mo lang yung isa?" Tanong ni Joy.
"Yep." Sagot ni Rosie. Nagtaas ng kamay para umorder ng isa pang bote ng alak.
"Bakit?"
"Ewan na din eh. Nakakatawa kasi masyado siyang GG pweds naman humindi."
"Parang tanga."
"Ays na yun. Para naman hindi rin ako magmukhang easy to get just coz BFF ko siya. Walang free pass, sinaktan padin niya ako noh. Maghirap siya ngayon."
"Kung sabagay."
------------------------------------------------------------
ONE YEAR LATER
"Ilang awit pa ba ang aawitin? Oh giliw koooo!" Kanta ni Wendy.
GG sa pag-gitara, feel na feel ang pangha-harana sa nanunuod sa kanya mula sa balcony na si Rosie.
"MAGPATULOG KA PARANG AWA NAMAN!" Sigaw ni Tita Tiffany mula sa kabilang bintana. "LINGGO-LINGGO MO TALAGANG GAGAWIN YAN?!"
Humagalpak sa tawa si Rosie. "Ubos na immunity mo!" Asar niya kay Wendy.
Mabilis naman na tumigil sa pagtugtog si Wendy. Kamot-batok. "Shet. Uhh..SORRY PO, TITA!" Sabi niya.
Nakasimangot na sinara ni Tita Tiffany ang bintana.
"Umuwi ka na, Theungwan." Sabi ni Rosie. "Labas nalang tayo bukas."
"Talaga ba?" Sabi ni Wendy.
"Mhmm."
"Date?"
"Date."
"Ayos." Niligpit ni Wendy ang gitara pabalik sa case. Sinukbit sa balikat ng matapos. "Goodnight?"
"Goodnight, Theungwan."
"I love you, Rothie."
"I know. Sige na. Ingat sa pag-drive."
"Di mo ibabalik?"
Tumawa lang si Rosie. "I love you too. Oks na?"
"Iniibig kitang tunay."
"IPAPAKAGAT NA KITA KAY ZERO PAG HINDI KA PA UMUWI!" Banta ng lumabas na si Tita Taeyeon.
Tumakbo na si Wendy papunta sa kotse. Baka kasi totohanin nung nanay ng nililigawan ang threat. Small but terrible yung family dog eh. Masakit mangagat.
------------------------------------------------------------
"Flowers for the lady." Nakangiting sabi ni Wendy sa sinundo niya.
Tinanggap ni Rosie. "Salamat." Sagot niya. "Saan ang punta natin?"
In-offer lang ni Wendy ang arm niya para mahawakan ni Rosie. "We're dropping by the restaurant I work at."
"After a whole year..sa wakas dadalhin mo na ako dun." Biro ni Rosie habang pinagbubuksan siya ng pintuan ng kotse ni Wendy.
"You've already been though." Sabi ni Wendy nang makasakay nadin siya sa kotse.
"Iba padin yung ikaw nag-aya." Sagot ni Rosie.
"I suppose..seatbelt please."
------------------------------------------------------------
"Boss!" Masayang bati ni Waiter Johnny nang makalapit na ito sa lamesa nila nila Wendy at Rosie.
"I'm not your boss, Johnny." Sagot ni Wendy.
"Oi! Kasama mo yung multo!"
Nag-facepalm si Wendy. Tinaasan siya ng kilay ni Rosie. "Multo?" Tanong ni Rosie.
"Yes po!" Sabi ni Johnny. "Putlang-putla kaya yang si boss nung nakita ka niya dati nung una mong punta dito!" Kwento niya.
"Seungwan?" Natatawang sabi ni Rosie. "Explain? Talaga bang multo nickname mo sakin when technically..ikaw ang nang-multo?"
Umiling lang si Wendy. "Di ko naman kaya nickname sayo yun!" Katwiran niya. "Tong si Johnny may imbento nun eh."
"Mhmm. Sure."
"Anong order natin ngayon, Ghost Lady?" Tanong ni Johnny.
"Stop fucking calling her that, Johnny boi! Panira ka eh!" Reklamo ni Wendy. "Aren't you going to get fired for talking to customers like that?!"
"Nanliligaw yata. Ayos tayo diyan!" Sabi ni Johnny. Hindi pinansin si Wendy, humarap kay Rosie. "Dabest yang boss ko, miss Ghost Lady! Panalo sa lahat ng aspect wala ka ng hahanapin pa! Parang yung kanta ni Daniel Padilla!"
Tumawa lang si Rosie. "Yeah I know, waiter Johnny. I know." Sagot niya.
"So anong order natin today mamser?"
Tiningnan ni Rosie ang menu. Kunyari nagbabasa habang nakikinig sa usapan ng waiter nila at ni Wendy.
"Sinong nasa loob?" Tanong ni Wendy kay Johnny.
"Si Kyungsoo boss." Sagot ni Johnny.
"Hmm..all around yun eh. Magaling pa sakin dapat siya yung head chef di ako."
"Di rin boss. Swak na daw siyang sous para sub mo. Mas madami nga naman kasi talagang trabaho head chef."
"Sabagay..anong itsura ng stock sa kusina?"
"End of shift daw eh iche-check ni Kyungsoo inventory."
"Not start of shift?"
"Di ko alam kung ginawa niya kanina nung pagdating niya."
"Hmm. Pakitanong. Kailangan may idea sa simula palang kung anong kailangan para hindi na mahirapan pag nagdatingan orders. Malay niya ubos na pala yung patatas tapos wala siyang magagamit pag may nag-order ng something with that."
"Diba customer ka dapat today?"
"Meh. Built in na isip about kusina."
Nangiti lang si Rosie. Aliw sa observation.
Tumango si Wendy. Naglapag ng order kay Johnny. "Bigyan mo ako ng Japanese Curry tsaka yung ginagawa ni Kyungsoo na short rib patties." Humarap kay Rosie. "Got anything in mind already?" Tanong niya.
Tumango si Rosie. Binaba ang menu. "Yup. Chef's choice." Sagot niya. "Pero gusto ko yung magluluto is yung chef na nandito nung una kong punta."
Ngumiti si Wendy. "Sure ka?"
"Yup. Surprise me, Chef Theungwan."
------------------------------------------------------------
"Sup." Bati ni Wendy sa nagluluto na si Kyungsoo.
"Oi! What brings you here?" Tanong nito.
"May ka-date yang si boss! Table five." Sabi ng kasunod ni Wendy na si Johnny. "Nag-request ng chef's choice na siya daw dapat magluto."
"May date ka?" Gulat na tanong ni Kyungsoo. "Buti naman you're diving into that field again. Kala ko kusina nalang aasawahin mo eh."
Umiiling na nagsuot ng apron si Wendy. "Isa lang naman plan ko i-date habang buhay." Bulong niya.
"Anong ilalapag mo?" Tanong ni Johnny.
"Ewan. May suggestion ba kayo?" Sagot ni Wendy.
"Sino ba ka-date mo?" Sabi ni Kyungsoo. Nagpupunas ng kamay sa isang towel na nakasabit sa balikat.
"Bestfriend ko."
"Bestfriend mo yung multo?" Sabi ni Johnny. "Yun ba yung bestfriend mo na parati mong kinukwento na naging jowa mo kaso tanga ka kaya mo pinawalan?"
"Johnny boi..I'm gonna rat you out sa amo natin pag di ka tumigil sa kakaganyan mo."
Sumilip si Kyungsoo sa 'viewpoint' nila. Hinanap ang table na tinutukoy ni Johnny. Tumatango-tango na bumalik sa harap ni Wendy. "Tanga ka nga." Sabi niya. "Shet mehn. Mygahd. Diyosa."
"Actually." Sabi ni Wendy. "Di ko siya deserve."
"Meh. Pweds na din. So ano nga ilalapag mo?"
Nagpunta si Wendy sa kitchen counter. Kumuha ng isang kutsilyo, tapos nag-isip. "Ang hirap maghanap sa rolodex ko sa utak ng paborito niyang pagkain." Sabi niya. Nagsimulang maghiwa ng sibuyas na pinulot mula sa pile nilang nasa lamesa for easy access.
"Then why not toss in something new?" Sabi ni Kyungsoo.
"Pwede.." Sagot ni Wendy.
"Para may bago na siyang favorite." Entry ni Johnny. "Swak na since nililigawan mo siya ulit, new beginning nadin."
Tumango si Wendy. "Johnny boi..that's the first decent thing you said tonight."
------------------------------------------------------------
"Sorry I took a while." Sabi ni Wendy kay Rosie pagkabalik niya sa lamesa nila.
Binulsa ni Rosie ang cellphone na pinaglalaruan niya ng 'Tile Fun.' "Ayos lang." Sabi niya. Hinawakan ang kamay ni Wendy. "I wasn't bored."
"You sure?"
"Yup. Found a cool game."
"Okay."
"Anong lapag mo?" Tanong ni Rosie.
"Something new."
"Exciting."
"Yup."
"We going anywhere after this?"
"Sa overlook for dessert if you feel like it."
"Neat."
"Ayos."
Dumating si Johnny. Nilapag na ang pagkain na order ni Wendy tsaka yung chef's choice para kay Rosie. Tinapik sa balikat si Wendy bago umalis.
"This better blow my mind, Theungwan." Biro ni Rosie. Tinatapik ang takip ng plate niya.
Kibit-balikat lang si Wendy. "Chef never failed."
"Mhmm. I'm your worst critic."
"Even that guy from Ratatouille was swayed by Remy."
"Ay. So ikaw yung daga?"
"Mej. Ayos yan pramis. Have I ever failed you?"
"You did when you broke up with me."
"Sa pagkain I mean..shet. I'm never gonna live that down." Umiiling na sabi ni Wendy.
Pinindot nalang ni Rosie ang kamay ni Wendy na hawak niya padin. "Ayos lang yun. Bawi na. Let's just turn it into a running joke, bestfriend style."
"Mhmm. Sure."
------------------------------------------------------------
"Pho was fucking amazing." Comment ni Rosie.
"Told ya I never fail." Nakangiting sagot ni Wendy. "Ako nadin bahala sa dessert, I played with the oven while I was in the kitchen."
"Missed your baked goods."
"Did you?"
"Mhmm.."
"Was a good choice to bake then."
"Tara na?"
"Sige."
Nagtaas ng kamay si Rosie tapos sumenyas ng bill out sa nakakita sa kanyang si Johnny.
Sandali lang ay dumating na ito ulit sa lamesa nila. "May tip ka ba sakin boss?" Tanong niya.
Nagtaas ng kilay si Rosie kay Wendy.
Tumili si Johnny nang biglang mag-agawan yung mga kausap para sa bill.
"Ako na." Sabi ni Wendy.
"Tsong. Ako na." Sagot ni Rosie.
"I asked you out. Sagot ko."
"Yeh no."
"Half and half, Rothie." Offer ni Wendy.
"Sagot ko na, Theungwan."
"Nope. Sagot ko." Banat ni Wendy. Dumukot sa bulsa para sa wallet, naglapag ng isang libo. "Sabihin mo sa cashier na bawas sa sahod ko yung pagkain eto tip mo, Johnny boi."
Umiling si Rosie. "Parang tanga to." Reklamo niya kay Wendy.
"Ay mayaman na ako." Sabi ni Johnny.
"Don't worry about it, Rosie. Di ako maghihirap." Sabi ni Wendy.
"Power move." Biro ni Rosie.
"Parang yung libre mo sakin ng kape sa New York dati."
"Wushoo. Wan ko sayo. Tara na."
------------------------------------------------------------
Overlook.
Kumakain sila ng cupcakes na baon galing sa restaurant.
"Theungwan?" Tawag ni Rosie.
Natatawang pinunasan ni Wendy ang icing na nasa tip ng ilong ni Rosie. "Hmm?" Sagot niya.
"Isang taon ka nang nanliligaw." Sabi ni Rosie. "Almost two if you count the eight months na ka-text kita without knowing it was you."
Tumango si Wendy. Tiniklop ang wrap ng cupcake na naubos. "Yeah. Bakit?"
"Why haven't you asked yet?"
"Was waiting for you to be ready."
"Won't find out unless you ask."
"Actually." Natatawang comment ni Wendy.
Sabay silang humiga. Pinanuod lang ang langit.
"Di ka pa pagod?" Tanong ni Rosie.
"Di na ako mapapagod satin." Sagot ni Wendy.
"Hmm.."
"Gusto ko yung linggo linggo kitang nahaharana..alam ko na yung pinakamabilis na way para mapuno yung pool sa resthouse ng parents mo..kaya ko ng magsibak ng mahigit sampung kahoy in one minute..memorize ko na yung art store na pinapapuntahan sakin ni Tita Taeyeon every other week..kilala na ako nung guard sa school ni Yeri.."
"Hmm.."
"Ewan..basta. Sanay na ako."
"So di ka nagtatanong kasi sanay ka na?"
"Maybe? Basta ang alam ko is oks lang sakin yung naipapakita ko kung gaano ako willing na gawin lahat makapagbawi lang."
"Eh nakabawi ka na nga. Isang taon na. What now?"
Bumuntong-hininga si Wendy. "Sigurado kang ayos ka na?" Tanong niya kay Rosie.
"Seungwan..di lang naman yung lapag mo ng old school ligaw na utusan ka ng parentals ko tsaka nila ate Seulrene yung tiningnan ko..di rin yung harana and all that jazz.."
"Thank you."
"Nakita ko din how you're just..different. Ewan. Basta iba. Nakita ko how you do all that pero based sa schedule mo sa trabaho. Like you just made sure to make time for it. How you never forget to drop by my office to bring me lunch and then eat it with me everyday on top of also picking me up and then bringing me back home bago ka bumalik sa work shift mo."
"Was lucky the boss gave me proper breaktimes. Tsaka may leeway."
"See? Ewan. Tapos yung kanina sa resto. You were there as a customer pero meron ka padin advice sa ka-trabaho mo on how they can function better..like di mo naman sinabi yun to be a dick, you just said it as an advice bahala siya kung susundin niya."
"Kailangan yun para mas maayos takbo ng kusina. Makes it easier for me too if you think about it."
"I guess so..pero..ewan..basta. Iba."
"Good way or bad way?"
Humarap lang si Rosie kay Wendy. Kinalabit para tingnan din siya nito. "Good way. I see what you meant when you said you found your place."
"Great..makes me glad to hear that."
Natahimik sila. Balik sa tingin sa langit.
Nakapikit na si Wendy preparing for a nap nang magsalita ulit si Rosie. "So bakit nga hindi ka pa nagtatanong?"
Natawa si Wendy. Dumilat. Hinila si Rosie para maakbayan ng yakap, tinapik sa balikat. "Sure ka ayaw mo pa i-stretch out yung trip mo na pahirap?"
"Pointless na, Wan.." Sagot ni Rosie.
Huminga ng malalim si Wendy. "You know what I've never experienced again since we broke up?" Tanong niya.
"Ano?" Sagot ni Rosie.
"I haven't experienced having my bestfriend sleep on top of me ever again.."
Natawa si Rosie. "Oo nga naman. Miss mo na ba?" Biro niya.
"My bestfriend used to love doing that. When she became my girlfriend..she loved it even more."
"Word on the street is that bestfriend of yours still finds it hard to sleep sometimes. Miss na din daw niya yung squishy na kama niya."
"Gotta change that."
"Yeah..about time too."
Tumango sila pareho.
"Miss na din daw nung bestfriend-slash-girlfriend mo yung pag natatap twice ka niya tapos iba yung nangyayari." Bulong ni Rosie.
Namula si Wendy. "Shet. I forgot about that rule."
"Meh. Oks na."
"Rosie?"
"Seungwan?"
"Can we try again? Properly this time."
Tinitigan ni Rosie si Wendy. Nakapikit lang ito. Ngumiti siya. Tinapik ng dalawang beses sa kaliwang pisngi. Dumilat tapos tumingin na sa kanya.
"Properly this time." Sabi niya.
Ngumiti lang si Wendy. Hinalikan sa tip ng ilong si Rosie. "I promise." Sabi ni Wendy.
"Okay."
"Tayo na?"
"Tayo na."
"Again?"
"Again."
"Take two."
"Take two. Final take parang-awa. Ayoko na maghiwalay."
"Di na ulit."
"Better not."
"Mhmm..you tapped twice."
"Kiss me you dumbass."
"You tapped twice."
"Kiss muna. Mamaya na yung rated R."