Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

THIRTY-EIGHT

"HOLYSHIT!" Sigaw ni Wendy. Mabilis na tinakpan ang mga mata, pumikit, tapos tumalikod. 

Dinig niya ang malakas na buga ng tawa ng nahuli niyang nagbibihis sa loob ng kwarto na pinasok. 

Nag-attempt siyang maglakad palabas ng kwarto. Bumangga sa doorframe, napaupo. 

Lalong tumawa yung nasa likod niya. "Para kang gago. Literally nothing you haven't seen before, anong kinakana mo?" Sabi nito.

"Rosie!" Reklamo ni Wendy.

"Ano?" Sagot ni Rosie.

"Putek yan." Umiling nalang si Wendy. "Are you decent? I need my eyes to walk out this place."

"Not mentally if you catch my drift..physically though..oks na ako. I already have underwear on."

"Putangina?"

------------------------------------------------------------

"What are you playing at?" Tanong ni Wendy. 

Nakaupo siya sa kama. Pinapanuod si Rosie na namimili ng damit mula sa closet nito. 

"Watchu mean, Wan?" Sagot ni Rosie.

Sumenyas si Wendy sa itsurahan ng kasama. "Put some clothes on parang awa." Sagot niya.

"I will once I figure out what I want to wear."

"Christ.."

"Ayos lang yan. So you know what you so stupidly let go."

"Putangina naman."

------------------------------------------------------------

"Does it have to be fancy?" Tanong ni Rosie. "You think I should go for smart casual?"

"Saan ka ba pupunta?" Sagot ni Wendy.

"Meeting with that chef person."

"Ngayon ba yun?"

"Yeh mehn."

"Huh. Okay."

"So ano nga? Fancy or casual?"

"Go casual. Not like it's a date."

Tumango-tango si Rosie. Balik sa paghalungkat sa closet. "Could turn into one." Kibit-balikat na comment.

"Kala ko ba ayaw mo magpaligaw?" Natatawang sabi ni Wendy.

"Di naman papaligaw. Hindi ba pwedeng makipagkaibigan?"

"I suppose pweds naman."

"Tsaka depends on what they look like anyway."

"Ay ang shallow."

"Mehn. Taas ng chances nun either way. Crush ko na intellectually eh."

"Massive points. Iba pag kasabay noh?"

"Yessssss."

Natahimik sila. Tuloy lang sa paghahanap ng outfit si Rosie, humiga na sa kama si Wendy at pumikit. 

Patulog na siya ng tinapik sa balikat ng bestfriend. Dumilat siya. Suminghap. 

"Went for the dress. Oks na right?" Tanong ni Rosie. Sumenyas sa suot. 

Bumangon si Wendy. Nakatitig lang kay Rosie, hindi kumukurap. "Holyshit..ang tanga ko." Sabi niya.

Tumawa si Rosie. "Yeh we established that. Sayang noh? Ohwell papel."

"Tae naman.."

"I guess that tells me ayos na itsura ko. Thanks, besfran!" Umalis na sa harap ni Wendy para umupo sa vanity at magsimula sa make-up.

Bumulagta nalang ulit si Wendy sa kama. Huminga ng malalim. 

Di ko na papawalan ulit. Pramis. Eto na. 

Kinapa ang nasa bulsa. Ngumiti.

------------------------------------------------------------

Traffic. Friday payday night-time rush hour. 

Kinakalikot lang ni Rosie ang radyo ng kotse ni Wendy. 

Sumusulyap-sulyap lang si Wendy sa kanya. 

"Matunaw ako sa tinginan mo ha." Banat ni Rosie. "Wag ganyan. I've got shit to do in this planet still."

Umiling si Wendy. "Sorry not sorry..just..you're beautiful. You really are. I regret so many things."

"Yeah you better regret."

Nag-settle si Rosie sa isang radio station na nagpapatugtog ng classic rock.

Mahinang nakikanta si Wendy sa tugtog.

"I'll do whatever it takes to turn this around, I know what's at stake. I know that I've let you down..if you give me a chance, believe that I can change. I'll keep us together. Whatever it takes."

"Whatever it takes huh?" Comment ni Rosie. Nakasilip sa labas ng bintana. 

Tumango si Wendy. "Yep."

"Hmm.."

------------------------------------------------------------

"Saan ka magtatago?" Tanong ni Rosie kay Wendy pagkasara nito ng pinto ng kotse. 

"Ha?" Tanong ni Wendy. 

"Saan ka kako magtatago?"

"Bakit ako magtatago?"

"Parang tanga naman yung kasama ko bestfriend ko sa eyeball."

Tumawa si Wendy. Malakas. Tawang pang-asar. "Eyeball amputa talaga!" Sabi niya.

Sinapak siya ni Rosie sa braso. "Tangina naman, Wendy!" Reklamo nito. "Parang gago eh. Umayos ka!"

"Kabadong-kabado ka ba?" Tanong ni Wendy.

"Slight."

"Takteng yan."

Nagsimula na silang maglakad papunta sa elevator. 

"Saan ka daw ba kikitain nung textmate mo?" Tanong ni Wendy.

"Sa Jollibee." Sagot ni Rosie.

Natawa nanaman si Wendy. Pikon siyang tinulak ni Rosie papasok sa elevator na dumating. Tumalbog tuloy siya sa loob. "Aray ha! Bawal tumawa?"

"Bawal! Taeng to. At least may prospect ako! Ikaw ba?" Sabi ni Rosie. "Hanggang dito ba naman one up kita?"

Napahawak sa dibdib si Wendy. Kunyari offended. "Oof. Aray naman! Low blow yun ha!"

"Tangina mo. Anong klaseng bestfriend ka? Di man lang sumupport."

"Kasama mo ako ngayon? Di pa ba support to?"

"Wushoo. For all I know eh sina-sabotage mo lang ang lahat."

"Why would I sabotage this exactly?" Tanong ni Wendy. Hinarangan ang bumukas na pintuan ng elevator para paunahing lumabas si Rosie. 

"Malay ko sayo. We both know you want another shot." Sagot ni Rosie.

"I mean..yeah..but..ayaw mo na eh. Di ko ipipilit."

"So kuntento ka na talagang bestfriends only?"

Matagal bago sumagot si Wendy. Malapit na sila sa Jollibee ng ginawa. 

"Nah..I still wanna make it right." Sabi niya.

"Hmm.."

Ngumiti si Wendy. Pinagbuksan ng pinto sa fast food joint si Rosie. "Kaso nga ayaw mo na. Sooo..I'm making do."

"Who said ayaw ko na?" Sabi ni Rosie. Lumingap para makahanap ng libreng table tapos dumiretso dun ng makakita.

Naghila ng upuan si Wendy para kay Rosie. "Well..implied naman." Sabi niya habang umuupo ang kasama. 

"Implied is different from an outright no." Banat ni Rosie.

"Still implied."

"What if I tell you..that at this point..I want you to ask properly?"

Tumitig si Wendy kay Rosie. "Then I will..ask properly."

"Okay. Ask properly then."

"Sure?"

"Yup."

"Okay." Tumayo si Wendy tapos dumukot sa bulsa para sa wallet. "Two piece chicken with rice, extra rice, extra gravy?" Tanong niya kay Rosie.

Nakangiting tumango ang kausap. "Yep. Toss in some large fries."

"Oks. Saglit lang."

"Thanks, Theungwan."

"Anything for you, Rothie."

"Mhmmm.."

------------------------------------------------------------

"Eto na." Sabi ni Rosie. Hawak ang cellphone. "Tetext ko ng andito na ako."

Uminom ng coke si Wendy. Sumenyas ng go ahead. "Be specific. Tell em where you are tsaka anong suot mo kasi baka malabo mata ng ka-eyeball mo." Asar niya.

"Pakyu. Pero point. They did mention that."

Nag-text na si Rosie sa kikitain. Ibinaba ang cellphone sa lamesa face-up habang naghihintay ng reply. "Get the fuck out." Utos niya kay Wendy.

"Tanginang to? Di pa ako tapos sa fries ko eh." Reklamo ni Wendy.

"Lumipat ka na lang ng table. Baka nakita na ako nun tas di lang makalapit kasi nandito ka din."

"Putek yang ang arte naman." Biro ni Wendy. "Di pa nga nagrereply eh." Tumayo na tapos kinuha ang tray ng pagkain. Lumipat sa isang lamesa sa bandang kanan ni Rosie. 

Dumukot siya sa bulsa para sa cellphone ng makaupo.

Nag-text.

------------------------------------------------------------

Umilaw ang cellphone ni Rosie. Pigil-tili siya. 

"Psst!" Tawag niya sa nasa kabilang lamesa at tahimik na kumakain ng french fries. "Theungwan!" 

"Ano?" Sagot nito.

"Nag-reply na. Andito na daw!"

"Tapos?"

"Tangina erp. Yoko na. I changed my mind. Alis na tayo."

"Para kang tanga."

"Ehhhhhhh!"

"No backsies, Rothie. Goodluck."

"Shit." Bumalik si Rosie sa cellphone niya. Nagpadala ng text na nagsasabi kung nasaang lamesa siya. 

------------------------------------------------------------

Niligpit ni Wendy ang pinagkainan. Bumuntong-hininga. 

Nag-text ulit.

------------------------------------------------------------

"SHET!" Sigaw ni Rosie. 

Nagpigil ng tawa si Wendy. 

"Theungwan!" 

"Ano?" Sagot niya.

"Tulungan mo akong hanapin yung naka-black na sweatshirt na may long sleeve polo na kulay blue sa ilalim tapos naka-slacks with white sneakers." Litanya ni Rosie.

"Luh?" Sabi ni Wendy.

"Dali na mehn!" Nagsimula ng lumingap si Rosie sa paligid. 

Pinanuod lang siya ni Wendy. 

------------------------------------------------------------

Ten minutes. Wala. Twenty minutes. Wala padin. 

Unti-unti ng nabubura ang anticipation ni Rosie. Sinilip niya ang text na dumating. 

"Andito lang ako."

"Potek ng osige andito lang daw." Reklamo ni Rosie. "Wala naman letse." Humarap kay Wendy na may ibinulsa. "Naghahanap ka ba?!"

"Ng ano?" Sagot ni Wendy. "Sa ka-eyeball mo yeh..ng ipapalit sayo? Nah."

"Lul. Not the time for that, Wan. Keep looking."

Tumawa si Wendy. "Sure, Rosie." Sabi niya. "I will." Inayos ang sleeve ng suot na polo. 

------------------------------------------------------------

Tumayo si Rosie pagpatak ng thirty minute mark sa paghahanap. Nakasimangot.

Tumayo nadin si Wendy. "Trip mo?" Tanong niya.

"Yoko na. Na-badtrip na ako. Tara na lang tumambay sa overlook para productive yung gabi kahit papano." Sagot ni Rosie.

"Luh? Give up agad?" 

"Kainis kaya. Papa-set up ng ganito tapos papahirapan ako sa paghahanap? Wag na oi."

"Sabagay..sayang tho. Chef pa naman. Baka if you stick around lumapit na tapos mag-offer na ipagluto ka." Biro ni Wendy.

"Haynako. Ipagluto niya sarili niya. Yoko na. Insta-block." Dumukot sa bulsa si Rosie para sa cellphone. Pinakita pa kay Wendy na binlock na nga ang tinutukoy.

Tumango lang si Wendy. "Your call." Comment niya.

"Sampalin ko talaga JenLisa. Sila nagsimula nito in the first place eh." 

"Mhmm. Tara na." Aya ni Wendy.

------------------------------------------------------------

Binuksan ni Rosie ang radyo ng kotse. Nagsimula nanaman sa usual trip na hanap ng matinong station.

Pinapainit lang nila ang makina. 

Tumatapik-tapik si Wendy sa steering wheel habang naghihintay. Nag-ehem siya.

"Oh?" Tanong ni Rosie.

"May itatanong ako sayo." Sabi ni Wendy.

"Hmm?"

"What you said earlier."

"Alin dun?"

Nag-shift ng gear si Wendy pa-reverse. Nagsimula ng umalis ng parking. Nagsalita nalang ulit ng nasa kalsada na sila. "If I asked you right." Sabi niya.

Binaba ni Rosie ang bintana dahil sakto na ang hangin bilang medyo maluwag ang kalsada at maayos ang takbo nilang dalawa. "What about it?" Tanong niya.

"Sigurado ka talaga dun?" Sagot ni Wendy.

Huminga ng malalim si Rosie. Tumango sa napiling station (Jazz), tapos umayos ng upo. "I am."

"Why?"

"Why not?"

"Hmm.."

Tuloy lang sila sa biyahe. Fork na ng magsalita ulit si Wendy. "Yung textmate mo. Talagang insta-block na?"

"Yeh mehn."

"Bakit? Kala ko ba crush mo?"

"Ang arte eh. Kahit crush ko siya di ko siya hahabulin. May pride ako noh."

"Makes sense. Bakit mo crush?"

"Parang ewan naman yung tanong?"

"Sagutin mo nalang."

"Ewan."

"Di naman pwedeng ewan yun." Nag-park na si Wendy sa overlook. Pinatay ang makina, tinanggal ang seatbelt tapos humarap kay Rosie. "Dali na. Bakit mo crush?" Yakag niya.

"Ewan nga!" Sagot ni Rosie. "Weird kasi."

"So? Talked about weirder things."

"Sure ka na kaya mo madinig why I like someone that's not you?" Banat ni Rosie. Nagtanggal nadin ng seatbelt para maharap ng maayos ang kausap na nagkibit-balikat.

"I'll manage." Sagot ni Wendy.

"Bahala ka."

"So ano nga?"

"Weird..kaso parang familiar."

"Ha?"

"Ewan. Familiar siya. Pero parang hindi at the same time. Familiar na may bago. Parang yung pasta na ni-recommend niya sakin nung nagpunta kami ng JenLisa sa restaurant." Paliwanag ni Rosie.

Tumango-tango si Wendy. "Good way or bad way?" Tanong niya.

"Good way..ewan."

"Okay."

Natahimik sila. Binuksan ni Wendy ang pintuan niya. 

"Kinda wished it was you actually.." Bulong ni Rosie. 

Ngumiti si Wendy. "You did huh?" Sagot niya. Sinara ulit ang pinto. 

Kibit-balikat si Rosie. "Yeh. Friday Honesty Hour amirite?" Biro niya.

"I guess."

"Basta yun..I..wished they were you. I really did. Kasi kahit ang ewan ng lahat ng nangyari satin..I really would much rather upgrade with my bestfriend than anyone else."

"Yeah..I..me too, Rosie. Alam mo naman na I'd jump at that chance to do better if you let me."

"Mhmm..ask properly."

Tahimik lang na bumaba ng kotse si Wendy. Pinagbuksan ulit ng pinto si Rosie tapos tinulungan nadin na makaupo sa hood ng sasakyan bago nagpunta sa trunk para kunin ang mga pinamiling snacks at inumin. 

------------------------------------------------------------

"Not gonna lie.." Sabi ni Wendy. "Ayos na siguro yung di mo nakita yung ka-eyeball mo."

"Ket naman?" Tanong ni Rosie. Nilagay sa basurahan nila yung packet ng naubos na Piattos. 

"Don't have to fight anyone for your hand." 

"Corny mo."

"Just saying."

"Mhmm. Fucking..ask..properly."

Tumawa lang si Wendy. "Oo na nga. I will."

"Sure, Theungwan."

Tahimik nilang inubos ang mga beer. 

"Psst. Rothie." Tawag ni Wendy.

"Ano?" Sagot ni Rosie.

"Anong oras na?"

Tumingin sa wristwatch niya si Rosie. "1130. Bakit?"

"Still a Friday?"

"Yeh mehn. Duh."

Tumango si Wendy. Inabutan ng isa pang can ng beer si Rosie tapos sumenyas na sabay sila ulit uminom. 

Taka namang sumunod si Rosie. "Problema mo?" Tanong niya.

"Wala." Sagot ni Wendy. "May request ako."

"Oh?"

"Unblock mo yung textmate mo."

"Lul? Yoko nga. Tropa mo din ba yun kaya GG ka?"

"You could say that. Dali na unblock mo."

"Pota sabi ko na eh. No."

"Fine."

"Fine."

------------------------------------------------------------

"Psst. Rosie."

"Ano?"

"Anong oras na?"

"1145. Bakit ba tanong ka ng tanong?"

------------------------------------------------------------

Nakahiga na sila pareho. Nagpapawala ng buzz. 

Bumuntong-hininga si Wendy. "Rosie." Tawag niya sa kasama.

"Hmm?" Sagot ni Rosie. Nakapikit. 

"Yung textmate mo."

Dumilat si Rosie. Pinalo sa balikat si Wendy. "Ang kulet mo putangina. Di ko nga ia-unblock!"

Tumawa lang si Wendy. Bumangon tapos tumayo sa harap ng sasakyan. Hinatak si Rosie para maupo ito at makita siya. "Di ko papa-unblock." Sabi niya. "May tanong lang ako."

"Ano nanaman yan?!"

"Ano kamo yung suot nung textmate mo?"

Nag-eyeroll si Rosie. "Black daw na sweatshirt na may longsleeves na blue sa ilalim tapos slacks tsaka white..white..na..sneakers."

Tinitigan ni Rosie si Wendy na nagtaas lang kilay sa kanya.

"Oks. Thanks for answering the question." Sabi ni Wendy. 

"Holy..shit.." Sabi ni Rosie.

"Problema mo?" Natatawang tanong ni Wendy.

Sumenyas si Rosie kay Wendy. "Black na sweatshirt na may longsleeves na blue sa ilalim tapos slacks tsaka white na sneakers." Ulit niya. Nakakunot na ang noo. Alam na essentially, dinescribe niya lang ang suot ng kasama niya.

"Mhmm." Sabi ni Wendy.

"Holy..shit.."

Tinapik lang ni Wendy sa kamay si Rosie. Lumuhod sa harap niya tapos hinalikan siya sa tuhod. "Hi." Mahinang bati.

"Chef..yung textmate ko.." Bulong ni Rosie.

"Yup."

"Familiar..pero..parang may iba.."

"Mhmm..keep going."

"Yung..pasta.."

"Okay.."

"You..dalawa..yung cellphone mo.."

"Yeh mehn. 3310 yung isa."

"Sabay sa brainwaves ko yun..scarily so.."

"Really? Ayos."

"Fucking..crush ko.."

"Yun oh."

"I..wanted them to be you."

Tumayo si Wendy. Ngumiti lang kay Rosie tapos hinalikan siya sa noo. "I'd say it's a prank but.." Sabi niya.

"Theungwan?"

"Hmm?"

"Ikaw ba yung textmate ko?" Tanong ni Rosie.

"Where do all the signs point to?" Sagot ni Wendy.

"Yes?"

"Well then yeh. Ako yung chef na textmate mo." Dahan-dahan na yumakap si Wendy kay Rosie. 

"Putangina mo." Sabi ni Rosie. Yumakap nadin. 

"Yeh..I guess so. Pero ayos naman the outcome diba?" Biro ni Wendy.

"Gago ka..ohshit..wow. The dedication. An 8 month long prank. You son of a bitch."

"Not a prank, Rosie. I just wanted to see if who I am now..can keep with you without you knowing it was me."

"Why?"

"Kasi pag alam mong ako yun..you'll end up unconsciously adjusting yourself. The way it happened..there's no pretence."

"All natural amputik."

"Tubig lang?"

"Lul..pota."

"Nalibre ka naman sa Jollibee kahit di ka sinipot nung textmate mo. Oks na."

"I'm annoyed."

"Are you really?" Kumalas sa yakap si Wendy para matingnan ng diretso sa mata si Rosie. 

"No..no I'm not.." Sagot ni Rosie.

"Sure?"

"That was a lie. I'm annoyed. Pero slight lang."

"Cool. May tanong ako."

"Ano?"

"What did you say when you first got that text asking if you can meet up?"

"Alin dun?"

"Think."

Nag-isip nga si Rosie. "Can't recall." 

Tumango si Wendy. "Kamo..di ka game magpaligaw pag nag-request." Sabi niya.

"Ahhh.."

"Still the case?" Tanong ni Wendy.

Matagal na nakatingin sa kanya si Rosie bago sumagot. "Ask properly." 

Ngumiti si Wendy. "Okay.." Lumuhod ulit sa harap ni Rosie tapos naglabas ng kahon sa bulsa. Binuksan para ipakita ang laman. 

"Pwede bang manligaw hanggang maging legit na engagement ring yung singsing na to?" Tanong niya. 

Umiyak si Rosie. Hinataw ng basket na may snacks sa ulo si Wendy. 

"Aray pota?!" Reklamo ni Wendy. Napatayo sa sakit, hinihimas ang ulo. 

Hinatak siya ni Rosie para mayakap. "Hala ang cheesy niya!" Sabi nito na humihikbi.

"So kailangang paluin sa ulo?!" Sagot ni Wendy.

"Ang dami mong kailangan bawiin sakin tangina ka." Sagot ni Rosie.

"Willing na willing na po. Legit na. Wala ng bitawan. Hanggang forever na sasabayan."

"Siguraduhin."

"Yes po pramis." Kumalas sa yakap si Wendy, humakbang patalikod, sumaludo.

Ngumiti nalang si Rosie. Pinunasan ang luha. "Putek. Textmate. Tanginang yan. 90s galawan." 

"Gumana naman diba?" Sabi ni Wendy. Yumakap na ulit. "Diba?"

"Ewan ko sayo."

"Throwback na din lang. Uso textmates nung nagkakilala tayo diba?"

"Layo ng reach maikatwiran lang."

"So ano nga?" Tanong ni Wendy. "Papaligaw ka sa textmate mo? Maayos naman itsura nung naka-eyeball mo diba?"

"Kamukha nung bestfriend kong saksakan ng cheesy tapos tanga pero ang daming alam."

"Mahal mo?" Mahinang tanong ni Wendy. "Yung bestfriend mo I mean."

"Yeh..in a lot of ways."

"Nice."

"Ayusin mo na, Theungwan. Wala ng balikan pag nagpaka-bobo ka pa ulit." Banta ni Rosie.

Tumango-tango si Wendy. Hinalikan sa balikat si Rosie. "Yes po opo."

"Papahirapan kita sa panliligaw mo."

"Keri lang."

"Sabi mo yan ha."

"Yeh."

"Fine. Sige. Bahala ka manligaw panindigan mo yan." Sabi ni Rosie.

Nag-fist pump si Wendy. "Yun oh! Salamat besfran!"

"Oks. Sige. Tsaka ka na magpasalamat pag sinagot na kita. Putanginang to. Throwback pala ha."

Forward
Sign in to leave a review.