
THIRTY-FIVE
ONE YEAR LATER
"Sigurado ka na dala mo na lahat ng kelangan mong dalhin?" Tanong ng nasa harapan ni Rosie.
Tumango siya. Tinapik ang backpack na nakalapag sa floor sa paanan niya. "Yeh babe. All packed."
Tumango na din si Jisoo. Hinawakan sa magkabilang balikat si Rosie tapos hinalikan sa noo. Iniwan lang ang labi sa kinalalagyan habang nagsasalita. "Good. Kasi di ako gagastos ng padala sa kung ano man yung naiwan mo."
Sinikmuraan siya ni Rosie. "Lam mo ang tangina mo!" Sigaw ni Rosie.
Tumawa lang si Jisoo. Hinihimas ang tiyan. "Tangina mo din. Panigurado pag uwi ko eh makakakita ako ng something na hindi mo nadala pustahan tayo?"
"God you're SUCH an asshole."
Kumindat lang kay Rosie si Jisoo. "Your asshole?"
"That sounds so wrong."
Sabay silang tumawa.
"Sige na nga, Roseanne!" Sabi ni Jisoo. "Pumasok ka na ng airport. Magtatagal lang tayo dito sa paalaman parang di na magkikita ulit eh."
Suminghot si Rosie. "Sure ka na oks ka lang maiwan dito mag-isa?" Tanong niya kay Jisoo.
"Oo naman! Bakit hindi? Isang taon lang naman."
"Wala lang.."
"Kelangan mo na umuwi kasi wala ka ng kailangan pang gawin dito."
"Yeh I get that..kaso.."
Tumango-tango lang ulit si Jisoo. Hinila na ng yakap si Rosie. "Di kita mamimiss wag kang umasa." Bulong nito na ikinatawa naman ni Rosie.
"Di rin kita mamimiss. Hayup ka kasi eh." Sagot ni Rosie.
Sabay nilang tinapik ang isa't-isa sa likod. Kumalas na sa yakap si Rosie tapos kumaway sa kasama.
"Ingat, bitch." Bilin ni Jisoo.
"I will. Ingat, asshole." Sabi ni Rosie.
"Go take back what's yours."
"Yeh I fucking will."
------------------------------------------------------------
Tinapik ni Wendy ang bell na nasa may maliit na bintana. "BISTEK TABLE NINE!" Sigaw niya.
Mabilis naman na may dumating na waiter para kunin ang nilapag niyang pagkain sa tabi ng bell.
Bumalik siya sa workstation. Lumingap. Tinignan ang nasa taas na sabitan ng orders. Walang laman kaya napagdesisyunan niyang maghugas muna ng mga napag-gamitan ng ingredients at kung ano-anong kitchen tools.
Gaya ng usual na gawain pag naghuhugas ng bagay-bagay, nagsimula siyang mag-self reflection.
Inisip ang lahat ng nangyari para makarating sa kasalukuyan. Kasalukuyan na head chef siya sa isang respectable, medium sized restaurant sa isang four star hotel.
Kinontemplate ang pinagdaanan mula sa pagpasok sa culinary school, pag-graduate, at paghahanap ng mapapasukan.
Inisip nadin kung ano kaya ang ginagawa ng taong excited na siyang makasabay ulit. Di pa kasi sila nakakapag-usap. Dalawang araw na.
Hindi naman na masama kay Wendy ang pagitan. Pero isang taon na din kasi niyang tinatrabaho na sanayin ng malala ang sarili para hindi lumagpas ng ganun katagal ang agwat ng usapan.
Malaking tulong na pinag-isipan niyang mabuti ang piniling pasukan. Shifts na sabay na sabay sa oras ng nasa ibang lugar, nakakapagtawagan ng hindi inaalala na baka makaistorbo, mas maayos na ulit nakakapag-kwentuhan.
Bawing-bawi na ang dating pagkakaibigan pagkatapos niyang payapa na tanggaping hanggang dun nalang (muna) ang patutunguhan.
Bumuntong-hininga siya. "Konti nalang. Di ko na ulit papakawalan." Bulong niya. Kinuskos ang mantya sa kawaling tinatrabaho na hugasan.
------------------------------------------------------------
"I've got news!" Bati ni Wendy sa sumagot ng tawag niya.
Bagong-gising. Humihikab pero tumango at sumenyas ng one moment. Sandaling umalis sa screen, bumalik na nagtu-toothbrush. Sumenyas kay Wendy na ilapag ang sasabihin.
"I'm done with culinary school and I have a list of job offers. Trying to pick which one would have the best hours para sabay sayo." Kwento ni Wendy.
Tumango ulit ang kausap. Umalis nanaman. Bumalik na nagpupunas ng bibig tapos nakangiti. "Theungwan that's fucking LEGIT. Proud of you, besfran!" Sabi nito.
Nag-bounce lang si Wendy sa kama. "I..I'm happy, Rothie. I feel like this is a good direction. I really do." Sabi niya.
Lalo lang ngumiti si Rosie. "Glad you're happy, Seungwan. That's what matters most."
------------------------------------------------------------
"Highly recommended." Sabi ni Jennie bago sila pumasok sa entrance ng restaurant na pinuntahan. "Regular kami ni Lisa dito."
"Okay?" Sagot ni Rosie.
"Pa-welcome home na namin ni Jennie yung libre." Dagdag ni Lisa.
"Wow, I'm so honored."
"You should be."
Umupo silang tatlo sa isang table na pinagdalhan sa kanila ng hostess na nag-confirm ng reservation.
Lumingap si Rosie sa paligid. "What kind of restaurant is this exactly?" Tanong niya sa mga kasama.
"Fusion Japanese, Filipino, Thai, Vietnamese, Indian, Chinese, and Korean food." Sagot ni Lisa.
Tumitig si Rosie. "Ha?" Takang sabi.
"Don't knock it till you try it, Rosie." Comment ni Jennie.
"Fusion what what what what?"
"Pweds ka naman umorder ng proper food nung kung ano man ang meron silang cuisine." Sabi ni Lisa. Binubuklat na ang isa sa mga menu na nilapag niya sa mga kasama.
Pinulot ni Rosie ang menu at nagsimulang magbasa. "Labo pati ng pangalan nung resto..what even is 'Bonjour.' They don't serve French food?"
"Yan ba nakukuha ng pagiging balikbayan from New York?" Sabi ni Jennie. "Nagiging bitch when it comes to food choices? Dafuck, girl. Ang arte ha!"
"I just want to understand." Sabi ni Rosie. "How'd you guys even discover this place?"
"We're friends with the chef." Sagot ni Lisa.
"Okay?"
Nagtaas na si Jennie ng kamay para sa isang waiter na mabilis namang lumapit.
"Evening, Johnny." Bati ni Jennie.
Tumango lang si waiter Johnny. Malawak ang ngiti.
"I'll have some Tempura, and a bowl of the Tonkatsu Ramen." Lapag ni Jennie. Tumingin kay Lisa at tinaasan ng kilay.
Tumango si Lisa. "I'll have some of the Mango Fried Rice. On the large side please bro."
Sabay na tumingin kay Rosie na binubuklat padin ang menu. "Uhhmm.." Sabi niya.
Tumango si Jennie. "Chef's recommendation for our friend." Sabi niya kay waiter Johnny.
"Alright then." Sagot nito. "Coming right up. Might take a while, idk about the chef." Inulit ang orders nilang tatlo tapos umalis nadin.
"Taenang yan." Sabi ni Rosie. "Pag palpak yung chef's recommendation na sinasabi niyo konyat ang ganti ha."
"Matutuwa ka. Pramis." Nakangiting sabi ni Lisa.
"Di naman ako kilala nun para mag-recommend ng whatever."
"Chef has their ways." Sabi ni Jennie.
"Mhmm.." Skeptical na sabi ni Rosie.
"So ano? Kwento ka naman ng ganap sayo since we last talked." Suggestion ni Lisa kay Rosie.
"Well..wala namang ganap masyado. Puro trabaho lang ako the whole last year."
"Eew." Comment ni Jennie.
"Well not really..lumalabas-labas din naman. Di nga lang madalas pero swak na work-life balance. Enough to not lose my mind." Kibit-balikat na kwento ni Rosie.
"Kamusta kayo ni Soo?" Tanong ni Lisa.
"Jisoo is Jisoo."
"Fuck does that even mean." Sabi ni Jennie. "Details, bitch."
"Well.."
------------------------------------------------------------
Tumango si Wendy ng matapos sa gawain. Pinagpag ang kamay sa apron.
Saktong pumasok ang isang waiter sa kusina.
"Boss." Tawag nito.
"Not your boss, bro." Sagot ni Wendy.
"All good. I've got something for you."
"Hit me."
"Some Tempura, Tonkatsu Ramen, Mango Fried Rice, and a Chef's recommendation."
Natawa si Wendy. "JenLisa are here huh?" Tanong niya sa waiter.
"Yep."
"Alright. Let's see who they're with so I can figure out what to feed them."
Naglakad si Wendy papunta sa maliit na bintanang nagsisilbi na 'viewpoint' niya ng restaurant.
Gawain niya tuwing may nanghihingi ng chef's recommendation yun. Sinisilip ang umorder, naglalapag ng tingin niya na magugustuhan based sa itsurahan.
Minsan na siyang biniro ng boss na well-known secret daw ang chef's recommendations ng restaurant nila. Isang taon na kasing walang palya si Wendy. Counted niya as personal achievement.
"Table four, boss." Sabi ng waiter.
Tumango lang si Wendy. "Still not your boss mehn." Bulong niya habang hinahanap ang tinutukoy na lamesa.
Suminghap siya ng makita. "Holyshit." Tumakbo pabalik sa kitchen counter, namumutlang kumapit.
"Ayos ka lang, boss?" Tanong ng waiter.
"I'm not your boss, bro." Exasperated na sagot ni Wendy. Saglit na nalimutan ang kaba sa nakita.
Nag-peace sign lang sa kanya. "Could be amirite?" Sabi nito. "Tayo na nga lang magkasama sa shift natin eh. Ays na may tawagan."
"It's not up to me, Johnny."
"Sure sure. Pero ayos ka lang ba? Namumutla ka."
Umiling si Wendy. Pumiyok. "Ayos lang ako."
"Para kang nakakita ng multo. Multo ba yung kasama nung mga kaibigan mo? Luh ang weird shet! Nakita ko din!"
"Putangina, Johnny boi. Umalis ka na nga! Magluluto na ako." Sagot ni Wendy.
"Sunget ni boss eh. Tinotropa lang naman."
"Don't you have tables to wait at?"
"Yeh I got plenty!"
"Tsong.."
Tumawa lang si Johnny. Nag-peace sign ulit. "Oks boss! Goodluck sa chef recommendation mo! Sana masarapan yung multo."
Sumenyas nalang si Wendy ng bye sa katrabaho na lumabas na ng kitchen. Umiiling padin siya.
Dalawang minutong kinalma ang sarili bago bumuntong-hininga. Tinapik ang kitchen counter.
"Oks. You can do this, Seungwan. You've never failed a dish yet..and you never would with this person anyway. What are you scared of?" Bulong niya sa sarili.