
THIRTY-SIX
"Ang bagal magluto nung chef nila." Sabi ni Rosie. "Nagugutom na ako."
"Parati ka namang ganyan. Pag hindi gutom eh tulog." Sagot ni Jennie.
"We've been waiting thirty freakin' minutes."
"So? Maghintay ka pa." Sagot ni Lisa. "Darating din yun, just be patient my friend."
"Better be worth it."
"I'm sure it will be." Sabi ni Jennie.
"Hmm.."
------------------------------------------------------------
"Psst. Johnny boi!" Tawag ni Wendy sa nakatayo at nagpupunas ng suot na suit sa labas ng kusina.
Nag-angat ng tingin. "Yeh boss?" Sagot sa kanya.
Sumenyas si Wendy na lumapit. Ginawa. "May papel ka ba?" Tanong niya.
"Madami. Bakit?"
"Pengeng isa."
"Ha?"
"Tsong wag na madaming tanong, I'll let you call me boss pag nasa loob tayo ng kusina. Just give me a fucking piece of paper."
------------------------------------------------------------
"Tempura, Tonkatsu Ramen, Mango Fried Rice, and a plate of the chef's choice." Litanya ni Johnny habang nilalapag ang mga tinutukoy sa lamesa nila Rosie.
"Yun oh!" Sabi ni Lisa. "Salamat!"
"Tell the chef we send compliments please." Sabi ni Jennie.
"Makakarating po!" Sagot ni Johnny.
"Yeh not me." Entry ni Rosie. "Tell your chef ang bagal niya." Binuksan ang takip ng nakahain.
Tuna Pesto Pasta.
"Have a taste before you send the guy off to talk shit about who cooked it." Sabi ni Jennie kay Rosie.
Kibit-balikat siya. "Fine. Better be worth the wait."
"Chef never failed." Tumatango-tango na comment ni Johnny.
Ngumuya si Rosie. Suminghap. "Holyshit." Bulong niya pagkalunok.
Tumawa sila Jennie at Lisa. Ngumiti na ulit si Johnny.
"Tell the chef we send our compliments, bro." Sabi ni Lisa kay Johnny.
------------------------------------------------------------
"Boss!" Bungad ni Johnny sa nagpe-pace sa loob ng kusina na si Wendy.
"Ansabe mehn?" Tanong ni Wendy.
"Ang bagal mo daw magluto, holyshit."
"What the fuck."
"Yeh. Word for word."
"Tangina? Sigurado kang yun ang sabi?"
"Yeh boss. Pramis. Cross my heart, hope to die."
"Takteng yan..what?"
"Ganun ba ka-important yung review?"
"Slight. Nakita ba yung nilagay ko sa ilalim ng plato?" Tanong ni Wendy.
"May nilagay ka sa ilalim ng plato?" Sagot ni Johnny.
"Oh for fuck's sake."
------------------------------------------------------------
Nakatitig si Rosie sa empty plate niya ng pasta.
"Ano? Sarap nung kinain mo yung salita mo with extra pasta right?" Biro ni Jennie.
"Familiar.." Sagot ni Rosie.
"Ha?" Sabi ni Lisa. "Yung alin?"
"Yung pasta. Familiar. But kind of different."
"What. Ang poetic ng description?"
Umiling si Rosie. Kibit-balikat, uminom ng tubig. "Ewan. Sige na lang let's all agree I was wrong to judge before having a go."
"Mhmm." Sabi ni Jennie.
"Saan ang next nating trip?" Tanong ni Rosie.
"Inom tayo. There's a secret bar Lisa found."
"Oooooh!"
"I know right? Paanong secret eh alam ko na kung nasaan?" Sabi ni Lisa.
"Serves bomb cocktails." Dagdag ni Jennie.
"I look forward to it then." Sabi ni Rosie. Nagsimula ng iligpit ang mga pinagkainan, gawi na na-pick up nadin sa bestfriend niya.
May napansin na isang papel sa ilalim ng plato niya. Pinulot tapos binasa ang nakasulat.
Isang set ng cellphone numbers at message. "Call me please?"
"Dafuuuuuuck." Sabi ni Rosie.
Tumingin sa kanya sila Lisa at Jennie.
"Anmeron?" Tanong ni Lisa.
Pinakita ni Rosie ang papel sa mga kasama na nagtawanan.
"Your chef friend is hitting on me. Tell them to stop, I'm spoken for." Utos ni Rosie sa mga kaibigan na umiling lang sa kanya.
"Tawagan mo." Sabi ni Jennie.
"Yeh how about no?" Sagot ni Rosie. Akmang itatapon ang papel.
Pinigil siya ni Lisa. "Tawagan mo. Or else kami ang magbibigay sa kanya ng number mo."
"Para namang tanga tong mga to eh."
"There's nothing to lose, Rosie." Masayang sabi ni Jennie. "I've got a feeling siya yung forever mo."
"Fuck that shit. I'm not looking. We all know that."
"Bruh. Basta tawagan mo." Sabi ni Lisa. "If it doesn't go well may tig-isa kang sampal samin ni Jennie."
Binulsa ni Rosie ang papel na may number ng chef. "Fine. I look forward to slapping the hell out of you two. And I'm not calling. Text lang tayo dito kasi hindi siya special. Better be worth it."
"Yeh mehn. Sa familiar palang kamo na lapag niyang pasta dish? Worth it yan pramis." Sabi ni Jennie. Inakbayan na si Rosie tapos masaya siyang hinatak paalis ng restaurant.
Lumingap ang naiwan sa table na si Lisa. "Potek yang si Jennie. Hati daw kami, ako lang pala iiwang magbayad."
------------------------------------------------------------
Binulsa ni Wendy ang kinakalikot na keyring. Huminga ng malalim. Pinindot ang doorbell.
Isang minuto siyang naghintay. Bumukas ang pintuan.
Tinaasaan siya ng kilay ng may-ari ng bahay na kinatok.
Nag-bow siya. 90 degrees, kulang nalang iuntog ang sarili sa tuhod. "Good afternoon po." Bati niya.
Tumango si Tita Tiffany. Sumenyas na pumasok na si Wendy sa loob ng bahay.
Dumiretso sila sa living room kung saan nakasalampak sa floor sa tabi ng table si Tita Taeyeon at nagkukulay ng coloring book.
"What brings you here?" Tanong ni Tita Tiffany kay Wendy. Sumenyas na umupo siya.
Kinawayan siya ng Tita Taeyeon. Sinagot niya ng sariling kaway.
Kamot-batok siya pagkatapos. "Uhmm..Rosie's home." Sabi niya.
"Lam namin." Sagot ni Tita Taeyeon. Nag-dip ng watercolor brush sa tubig, balik lang sa pamimili ng gagamiting kulay.
"Yeh..Uhh.." Sabi ni Wendy. "Was wondering if.."
"She's not here." Sabi ni Tita Tiffany. "Nasa condo niya yun."
"Yeh yeh..uhh..I didn't drop by here for her."
"Okay?" Sabi ni Tita Taeyeon. Hinipan ang kinulayan, sinara ang libro. "Bakit ka nagpunta dito?"
Bumuntong-hininga ulit si Wendy. Tumayo tapos nag-bow ulit sa dalawang kausap. "I'm here to ask permission."
------------------------------------------------------------
ONE WEEK LATER
Tinitigan ni Rosie ang papel na nadukot mula sa jacket. Inaalala kung saan nakuha.
Malabo kasi. Ilang gabi na silang nag-iinom nila Jennie at Lisa. Kunyari eh college padin sila tapos mga walang responsibilidad sa buhay.
Ilang araw nadin na napupuno ang notifications nilang tatlo ng reklamo sa hangovers na hindi na nawala simula nung unang gabi ng inuman.
"Where did I get this number?" Tanong niya sa hangin. Umiling pagkatapos ng ilang minuto ng pag-iisip na walang patutunguhan. Binulsa nalang ang papel ulit. "Future Rosie's problem."
Bumalik sa pagtulog instead of yung planong maglaba.
------------------------------------------------------------
Inikot-ikot ni Wendy ang cellphone na hawak.
Isang linggo na siyang naghihintay. Inisip saglit kung siya ang mauunang lumapit or hahayaan na tumakbo gaya ng napagtripang planuhin nung araw na nagluto siya ng Tuna Pesto Pasta para sa hinihintay.
"Paking teyp yan. Nuba. Ang hirap naman pakshit. Kaka-inip." Sabi niya.
------------------------------------------------------------
ANOTHER WEEK LATER
"May nakuha akong number sa bulsa ng jacket ko." Balita ni Rosie.
"Ha?" Sagot ni Wendy.
"Number kako. Sa jacket ko." Ulit ni Rosie.
Tumango si Wendy. "Saan galing?" Tanong niya.
"Ewan nga eh. That's the problem."
"Tawagan mo to find out?"
"Mehn. Why? Practically a stranger."
"That's why you should call. Para malaman mo."
"Hmm..I'm not going to call kasi weird if I did. What I will do is send a text asking them who they are." Sabi ni Rosie. Dinukot sa bulsa ang cellphone tapos kinuha yung papel na may number para mag-text nga ng sinabing ite-text. Pinakita kay Wendy ng matapos.
"Yun." Sabi nalang ni Wendy. "Now we wait for the reply."
"Thanks for dropping by and helping me unpack, by the way." Sabi ni Rosie. Sumenyas sa loob ng condo niya.
Ngumiti si Wendy. "Yeh no problem. What are bestfriends for?"
"Uhuh.."
Natahimik sila. Tiningnan lang ang langit mula sa pwesto sa balcony ng condo ni Rosie.
Uminom ng wine si Wendy.
"Been to the overlook?" Tanong ni Rosie.
Malungkot ang ngiti ni Wendy nang sumagot. "Nah..haven't gone since we broke up."
"Spot mo din yun."
"Doesn't feel right."
"Hmm.."
Tahimik ulit.
"Psst. Seungwan." Tawag ni Rosie.
"Yeh, Rosie?" Sagot ni Wendy.
"Tara sa overlook."
"Sure?"
"Yeh why not?"
"Okay. I'll drive."