Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

THIRTY-THREE

"Psst! Diba ikaw yung taga dun sa pang-mayaman na subdivision?" Tawag ng isang batang kalye sa naglalakad na si Rosie.

Papunta dapat siya sa tindahan ng tig-bente na hamburger tsaka french fries. Nagkamali ng liko kasi may hinabol na paru-parong kulay pink.

Lumingon siya. "Uhmm..yes?" Sagot niya sa tumawag. 

Nagsitawanan ang bata at ang mga kasama nito. Kinalabit ng isa ang katabi. "Englisher. Pustahan may pera yan?" Sabi nito.

Ngumiti si Rosie. Naisip na baka magkaroon ng mga bagong kalaro. "Yeh I have some money!" Sabi niya. 

Nagtinginan ang mga bata. 

Dumukot si Rosie sa bulsa. "I don't know how much this is though." Comment sa nakuha. "Ate Irene only gave me some of her allowance."

"Hoy!" Sigaw ng isang bata. "Isang-daan!"

Lumapit kay Rosie tapos inagaw ang pera. 

"Hey!" Reklamo niya. "Give me that back! I need it for hamburgers!" Pinilit kunin ang pera niya ulit. 

Kaso mas matangkad ang bata. Itinaas para hindi maabot ni Rosie. "Habulin mo muna kami!!" Asar nito. Tumakbo palayo.

"Give me back my money!" Sigaw ni Rosie. Humabol.

Matagal-tagal din siyang nagtatakbo. Hindi mahuli ang mga batang kung saan-saang eskinita na nagsipasok, pinagpasa-pasahan ang pera niya tapos naghiwa-hiwalay. 

Huminto lang si Rosie sa paghabol sa isang bata na sure siyang hawak yung isang-daan niya kasi nadapa siya. 

Malupit na faceplant sa aspalto, nasaktan ng matindi. Umupo nalang siya pagkatapos bumangon. Kinapa ang sarili. 

"Awth.." Reklamo niya. Pigil iyak kasi masakit ang mukha. 

"Psst!" Tawag ng isang boses mula sa bandang harapan niya. Nag-angat siya ng tingin. 

May isa ulit bata. Kaiba sa itsura ng mga nagnakaw ng pera niya. Mukhang put together ng slight, naka-shorts at t-shirt na may print ng chipmunk tapos naka-converse na kulay black at may pink na sintas.

"Thino ka?" Tanong ni Rosie. Napahawak sa bibig. "Luh? Why do I thound like that?"

Tumuro ang kumausap sa kanya papunta sa floor sa tabi ni Rosie. "Ngipin mo ba yun?" Tanong sa kanya.

Tinignan ni Rosie. Ngipin niya nga. Tuluyan na siyang umiyak.

Tumakbo ang bata palapit kay Rosie. "Oi! Uhhh..hala..ano ba nangyari sayo?" Tanong nito. Tinulungang makatayo si Rosie tapos dinala sa gilid ng kalsada.

Humihikbing nagkwento si Rosie ng ganap habang nakasalampak sila pareho ng bata sa gutter. Hawak niya yung ngipin niya na natanggal dahil sa pagkakadapa. Yung isang kamay ay pamunas ng luha gamit ang tissue na inabot sa kanya ng bata. 

"Tho ayun..They took my money." Sumbong ni Rosie. "Ate Irene will be tho mad at me, thee gave me that money tho I can buy thome hamburgerth and frieth."

Umiling ang bata. "Anong itsura nung kumuha ng pera mo?" Tanong niya.

Kibit-balikat si Rosie. "Don't know." Sagot niya. "Little kid. Had thome friendth with him. They theparated but I wath chathing the one wearing a blue thirt." 

"Oks. Diyan ka lang ha?" Sabi ng bata. "Babalik ako. Pramis." Tumayo tapos nagpagpag ng shorts bago umalis.

No choice naman si Rosie. Nawawala na kasi talaga siya. Umasa na lang na baka tulungan siya nung batang nakilala. 

Sandali lang siyang naghintay pero paiyak na ulit dahil sa mga ganap nang dumating ulit ang bata. Madungis na ng slight. Parang gumulong-gulong sa putikan, may nakasilip na tirador sa bulsa ng shorts. Nakangiting nilahad ang kamay kay Rosie. 

Hawak yung one hundred niya. 

"Yan!" Sabi ng bata. "Nabawi ko na yung pera mo."

Manghang tumitig si Rosie sa bata. "Wow! How'd you do it?" 

Kibit-balikat. "Sinuntok ko yung unang bata na nakita kong naka-blue. Buti nalang tama yung hula!" Proud sa sariling kwento ng bata. Pinilit na sa kamay ni Rosie ang pera tapos tinulungan siyang makatayo. Pinagpag nadin ang damit niya.

"Samahan na kita papunta sa village." Offer nito. "Baka mawala ka pa ulit eh madaming bully dito."

Sabay nilang binagtas ang pasikot-sikot ng lugar. 

Binulsa ni Rosie ang natanggal na ngipin. Aliw na sa pag-poke ng dila sa space na naiwan nito sa loob ng bibig. 

Tumigil sila sa tindahan ng hamburgers sa may bungad ng village nila Rosie. 

Tinuro ng batang kasama niya ang gate ng subdivision. "Dun na village niyo. Diretso nalang yan ha! Wag ka na ulit liliko." Sabi niya.

"Do you not live there?" Tanong ni Rosie.

Umiling ang bata. "Taga kabilang village ako." Tumuro sa opposite direction ng sa kanila Rosie. "Dun oh! Napunta lang ako dito kasi may nagsabi sakin na may tindahan daw ng pogs."

"Whath..pogth?" 

"Di mo alam yung pogs?" Gulat na sabi ng bata. "Ito oh!" Dumukot sa bulsa tapos pinakita ang nakuha. 

Kinuha ni Rosie at tinitigan. "Uhhh.."

Ngumiti ang bata. "Lumalabas ka ba ng bahay niyo?" Tanong nito.

"Minthan.." Sagot ni Rosie.

"Osige. Labas ka bukas. Tapos kita tayo dito. Tuturo ko sayo paano maglaro ng pogs. Masaya pramis!"

Ngumiti nadin si Rosie. Mabilis na tumango-tango. "Thige! I will go here when the thun ith not too hot."

"Orayt! Sige na. Bili ka na ng hamburger na utos sayo. Uuwi nadin ako. Baka hinahanap na ako ni Daddy Changmin eh." Paalam ng bata. Kumaway tapos tumalikod na at naglakad palayo.

"Wait!" Tawag ni Rosie. Humabol. "Yung pogth mo!" 

Humarap ulit ang bata. "Yaan mo na. Sayo na yan. Pang-start ng collection." Nakangiting offer.

"Luh..Thalamat!"

"Lang anuman. Sige na. Bye ulit!"

Nakabalik na si Rosie sa tindahan ng hamburger nang maalala na may hindi pa siya alam tungkol sa tumulong sa kanya.

Buti nalang di pa masyadong nakakalayo dahil nakaluhod at nagtatali ng sapatos.

"Pth!" Tawag ni Rosie.

Nag-angat ng tingin ang bata. "Oh?"

"Whath your name?"

"Jisoo. Kaw ba?"

"Rotheanne!"

"Gandang pangalan. Nice to meet you, Roseanne!" Lumapit ang bata tapos masayang nakipagkamayan kay Rosie.

"Nayth to meet you too, Jichu!"

------------------------------------------------------------

Tinadyakan ni Rosie ang natutulog sa sofa niya na si Jisoo. "Hoy tungaw." Tawag niya.

Groggy na bumangon. Kamot-mata. "Ano?" Sagot sa kanya.

"Papasok na ako sa trabaho. Try not to smoke inside the apartment parang awa." Sabi ni Rosie.

"Oo nalang, Roseanne. Magse-set up ako sa balcony ng yosihan."

"Hmm.."

Lumakad na palayo si Rosie. 

"Psst!" Tawag ni Jisoo.

"Ano?"

"Ayos ka lang ba?"

"I don't want to talk about whatever that is, Soo."

Bumangon na si Jisoo tapos lumapit kay Rosie. Tinapik siya sa balikat. "Sigurado ka?" Taas kilay na sabi.

"Kahit ano namang usap natin hindi magbabago isip ni Seungwan." Kibit-balikat na sagot ni Rosie.

"Sabagay..pasensya na ha.."

"Di mo naman kasalanan."

"Sakin galing yung unang comment."

"Si Seungwan yung dumibdib."

"Hmm.."

"Sige na. Papasok na ako. Yokong ma-late. Papakalulong nalang sa trabaho nang di nagiisip."

"Mahirap yan."

"Putangina. Ewan. Bahala na."

Tumalikod na ulit si Rosie sa kausap. Diretso na sa foyer para mag-sapatos. Palabas na siya ng condo ng tinawag siya ulit ni Jisoo.

"Ano?!" Sagot ni Rosie. "Daming ebas ng putangina."

"May metro pass ka ba? Peram muna ng makapag-commute. Balik ko mamayang gabi." Tanong ni Jisoo.

Bumuntong-hininga si Rosie. Dumukot sa bag para sa wallet, kinuha ang metro pass tapos fin-risbee papunta sa direction ng living room kung nasaan si Jisoo.

"Yun oh! Salamat, Roseanne! Sana ma-stress ka sa trabaho today!"

"Tangina mo!"

------------------------------------------------------------

Tatango-tango si Rosie. Full focus sa ginagawa kasama ni Jisoo. 

Naglalaro sila ng tinatawag na pogs. 

Hinati ng bagong kaibigan ang collection para ipahiram kay Rosie ang iba at may ipamato.

"Gets mo na?" Tanong ni Jisoo.

"Yeh I think.." Sagot ni Rosie.

"Ayos!" Nag-fist pump si Jisoo. "Konting practice lang tapos punta tayo dun sa kabilang kanto para lumaban."

"Ha?"

"Tutulungan kita na makaipon ng sarili mong pogs!"

------------------------------------------------------------

"So ganito trip niya gabi-gabi?" Tanong ni Jisoo kay Joy.

Tumango. "Nag-iinom ng wine tas naiyak?" Sagot nito. "Yeh. Isang buwan na. Gabi-gabi. Di ko nga alam paano pa yan nakakapasok sa trabaho ng walang hangover eh. Full alcoholic ang gaga."

"Tanginang yan."

Suminghot si Rosie. Inubos ang laman ng wine glass tapos diretso inom na galing sa bote na hawak. Nagpunas ng labi. "Tas alam niyo ba?" Sabi niya. "Di pa kami nag-uusap ulit ni Theungwan since nung sinabi niya na siya yung kakausap sa parentals ko." Lasing na kwento.

"Baka nasa ospital." Sarcastic na comment ni Jisoo.

Suminghap si Rosie. Tumayo mula sa pwesto sa lapag tapos inalog si Jisoo. "May alam ka ba?! Bakit nasa ospital si Theungwan?" Sigaw niya.

Hinawakan lang ni Jisoo sa kamay si Rosie tapos maingat na kinalas ang kapit. "Baka nabingi na ng tuluyan, panigurado tinalakan yun ni Tita Tiffany." Biro niya.

Nag-huff lang si Rosie tapos umupo na ulit. Tuloy lang sa inom. "Probs. I'm so mad at her..kaso..bestfriend ko siya..kinda miss her a lot too..ugh..ewan.." 

"Malala na." Comment ni Joy. "Legit pala talagang may pagka-tanga sa pag-ibig yung si Wendy noh?"

"Hmm.." Sagot ni Jisoo.

------------------------------------------------------------

Tumatakbo nanaman si Rosie. Nakasunod lang kay Jisoo.

Hinahabol ng mga tinalo nila para sa tig-isang hawak na plastic ng pogs.

"Napapagod na ako, Jichu!" Reklamo ni Rosie.

"Konti nalang, Roseanne! Di na nila tayo mahahabol pag nandun na tayo dun sa may guardhouse ng village namin!" Sabi ni Jisoo.

Napatid si Rosie. Hindi nadapa pero nabitawan ang hawak. "My pogth!" Sigaw niya.

Natigil si Jisoo. Binalikan siya.

Kaso naabutan na sila ng mga humahabol. 

"Ay anubayan." Reklamo ni Jisoo. 

"Pamato ko yun." Nakasimangot na sabi ni Rosie ng makitang pinulot ng isang bata ang nabitawan niya.

Nilabas ni Jisoo ang tirador. Lumingap sa lapag para sa bato. Mabilis na pumulot ng isa tapos tinirador ang kumuha ng pogs ni Rosie. "Bitawan mo yan! Pamato ni Roseanne yan!" Sigaw niya.

Pumulot nadin si Rosie ng bato. "Yeh! Will hitchu if you don't let go of my pogth!" 

"Nuba tong dalawang to!" Reklamo ng bata sa mga kaibigan. "Dadayo na nga lang eh nanggugulo pa!" Binato ang plastic papunta kila Rosie at Jisoo tapos umalis nadin. 

Pinulot ni Jisoo. Tinanggal ang putik gamit ang tshirt tapos binalik sa may-ari na nakangiti.

"Yaan mo na yung mga yun, Roseanne. Mababaho naman sila." Sabi ni Jisoo. "Tayo nalang maglaro ng sarili natin, di natin sila kelangan."

------------------------------------------------------------

"Tara." Sabi ni Jisoo kay Rosie.

Sabado. Pareho silang tambay sa bahay.

"Saan?" Sagot ni Rosie. Palipat-lipat lang ng channel sa TV. 

"Kahit saan."

"Nakakatamad."

"Wala akong pakialam."

"Putangina mo."

"Dali na, Roseanne. Get off your ass."

"Ayoko."

"Wala kang kwentang roommate. Di mo ba ako itu-tour man lang sa New York kahit papaano?"

"Baka maalala mo lang pinsan mo."

"Para namang gago?"

"Ikaw nalang lumabas. Pahiram ko ulit metro pass ko."

Bumuntong-hininga si Jisoo. Tinabihan ng upo sa sofa si Rosie tapos inakbayan. "Roseanne." Sabi niya.

"Ano?"

"Mas cool ka kesa sa pinsan ko. Kahit kelan mas masaya kang kasama."

"Hmm.."

"Alam kong hindi yun yung root ng problema niyo ni Wendy..pero alam ko din na kaya ka ganyan kasi dinibdib mo din yung naikumpara ka. Pasensya na. Kasalanan ko."

"Tangina mo kasi eh."

"Yeh actually..pero..gets mo naman tinatry kong sabihin diba?"

"Hmm.."

Tumango si Jisoo. Hinigpitan ang kapit kay Rosie, binaligtad na siya para mayakap ng buo. "Maaayos din ang lahat, Roseanne." Sabi niya.

"Paano?"

"Ewan. Pero panigurado lahat tayo eh may matututunan."

"Hmm.."

"Tara na at magliwaliw. Legit na nabuburyong na ako eh."

------------------------------------------------------------

"Thereth thith other kid tha village namin." Kwento ni Rosie kay Jisoo.

Nasa living room sila ng bahay ni Jisoo. Naglalaro ng Playstation. 

"Anong pangalan?" Tanong ni Jisoo.

"Theungwan daw."

"Cool."

"Yeh. I like her. Parang fun na ithali thating dalawa."

"Mahilig din ba siya mag-pogs tsaka Playstation?"

Kibit-balikat si Rosie. "Don't know. I went to her house and thee hath a piano thaka madaming orange juish and bookth."

"Hmmm.."

"I akthed her to play with uth bukath."

"Hala bukas agad?" Gulat na sabi ni Jisoo.

"Why not, Jichu? Para mathaya kathi tatlo na tayo!"

"I guess.."

"Yun oh! Laro na tayo ulit, akin thi Thub-Theero ha!"

------------------------------------------------------------

"So bakit ka nga nandito?" Tanong ni Rosie kay Jisoo.

Nakahiga sila sa isang malaking bato sa isang spot sa Central Park.

Kibit-balikat si Jisoo. Nagsindi ng yosi. "Kasi nga may nag-offer ng trabaho. Kulet." 

"Pagkaka-alam ko eh di mo naman trip tanggapin yung offer na yun in the first place. What pushed you?" 

"Daming tanong amputa."

"Eh kung sinagot mo ng maayos edi hindi na ako magtatanong diba? Tanginang to."

Nag-yosi lang si Jisoo. Kinuntento na ni Rosie ang sarili sa pagpi-people watch. 

"Simula nung sinunog mo yung pogs ko.." Sabi ni Jisoo pagkatapos ibulsa ang pocket ashtray na pinaglagyan ng natapos na sigarilyo. "Ano ako sayo?" Mahinang tanong.

"Ha?" Takang tanong ni Rosie.

Tinignan lang siya ni Jisoo. 

Kumurap si Rosie. "Ewan. Bully?"

"Yeh that..ano pa?"

"Di ko alam. Tsong, lumipat na kayo ng bahay pagkatapos nun diba? College na tayo nagpang-abot ulit."

"Sabagay..sige. Let me amend the question..simula nung nagkita tayo ulit nung college..ano ako sayo?"

"A nuisance."

Tumawa si Jisoo. "Tru that."

Bumuntong-hininga si Rosie. "Pero..kahit ganyan ka tropa ka padin na legit."

"Yun. Corny naman kung walang sasalo sayo na tropa diba?"

"So tinanggap mo yung trabaho kasi dito ka maa-assign?"

"Yeh you could say that."

"Huh..Salamat."

"Sabi mo sakin dati eh si Wendy bantayan ko." Sabi ni Jisoo. "Kaso di naman papa bantay yun tsaka di niya ako kailangan. Mas sanay akong sayo nakadikit kaya sayo ako nagpunta."

Suminghot si Rosie. Niyakap nalang si Jisoo ng mahigpit. "Salamat." Ulit niya.

"Keri na din lang, Roseanne. Di naman talo sa sahod palang. Upgrade amirite?"

Forward
Sign in to leave a review.