Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

THIRTY-TWO

SATURDAY

"Hindi na siya obligadong maghintay, di rin obligadong pilitin na sumabay." Mahinang paliwanag ni Wendy sa naghatid sa kanya sa airport pauwi ng Pilipinas.

Kumurap lang sa kanya. "Pakiramdam ko..hindi natuwa si Roseanne sa lapag mo." Sagot nito.

Uminom si Wendy ng tubig. "Di rin naman ako masaya pero kailangan."

"So ano? BFF mode habang humahabol ka?" Tanong ni Jisoo.

"Yeh.." Sagot ni Wendy.

"Labo. Umiiwas ka lang sa mas mabigat na sabit." 

"Sinalba ko lang bago pa ako legit na lamunin ng guilt kasi ako yung sabit."

Nag-ring ang cellphone ni Jisoo. Tinuro niya si Wendy bago sagutin. "Tanga ka. Putangina. Ang tanga. You're going to regret that soon." Banta niya.

"I already regret it, Soo." Sagot ni Wendy bago tumalikod at pumasok na sa departure area ng airport.

Umiling lang si Jisoo. Sinagot na ang tawag habang pumapara ng taxi pabalik sa hotel. "Hello? Yeh. Sige. I'll do it. But I have conditions."

------------------------------------------------------------

"Para tuloy ayoko nang ituloy yung plan ko na umuwi." Malungkot na comment ni Joy.

Nag-iinom sila sa condo ni Rosie. 

Nagkibit-balikat lang si Rosie sa kausap. Tinungga ang wine, ni-refill ang baso. "Ayos lang naman ako dito nukaba." Sagot niya.

"Wag mo nga akong ginu-good time!" Sabi ni Joy. "Lukaret ka. Kala mo maniniwala akong ayos ka lang eh isang linggo ka nang nag-iinom gabi-gabi?"

"Masarap yung nabili kong wine bakit ba?"

"Di ka ba naaawa sa atay mo? Tangina. Kahit wag na pala yung sayo, yung sakin na lang. Ano na girl? Ako lang kasama mong mag-lasing."

"Precisely why I'm drinking, Joy. If things went well last week edi sana si Seungwan kasama ko mag-inom diba?" Uminom lang ulit si Rosie.

"Para naman kasing tanga yung isang yun. Worth it bang magpaka-lasing?"

Pinagdikit ni Rosie ang thumb at pointer finger. Nag-squint. "Slight."

"Luh siya."

"Pitong taon na kami."

"Sabi mo nga."

"Tapos ayun." Dugtong ni Rosie. Nag-gesture ng explosion. "Poof! Back to bestfriends coz kelangan daw niya ako habulin sa paga-adult. Dafuck does that even mean eh pareho naman kaming tanga dun." Pinulot ang bote ng wine na wala ng laman tapos inalog at sinilip sa loob.

Bumuntong-hininga si Joy. Inagaw ang bote kay Rosie tapos nilagay nalang sa floor. "May tanong ako sayo."

"Oh?"

"Legit ba talagang back to BFF onleh mode kayo?"

"Bakit? Lalandiin mo ulit si Wan? Be my guest. Pikon ako tanginang yan."

"Yak di noh! Ship has sailed."

"Mhmm..back to BFFs ang usapan. Para daw wala akong obligation na hintayin siya."

"Bubu naman the reason."

"Take your complaints to Theungwan." Dumukot si Rosie mula sa ilalim ng lamesa. Naglabas ng isa nanamang bote ng wine na mabilis na inagaw sa kanya ng kasama.

"Tama ka na, teh." Awat ni Joy.

"Last mehn..pampatulog." Request ni Rosie.

Binalik nalang ni Joy ang alak. Inakbayan ang masaya ng nagbukas ng bote at nagbubuhos sa baso na si Rosie. "Kakayanin niyo kaya yung balik sa BFF lang?"

"Ewan. Tangina. Di ko alam. Wala na akong alam." Sagot ni Rosie. Tuloy lang sa inom.

------------------------------------------------------------

Isa nanamang Friday. Una pagkatapos ng usapan nilang nauwi sa downgrade na alam nila parehong wala sa kanila ang may gusto.

"Ramdam ko yung awkward niyo hanggang dito sa kusina putangina napakata-tanga!" Reklamo ng boses ni Joy mula sa background ni Rosie. "Mag-jowaan nalang kayo ulit dami pang ka-dramahan!"

Umiling si Wendy. Awkward na nag-ayos ng higa sa kama ang kausap na si Rosie.

"Uhmm.." Bungad ni Wendy. "Hi.."

"Hey, Wan." Sagot ni Rosie.

"Uhh..how..how are you?" 

Nagtaas ng kilay ang kausap niya. "How am I you think?" Sarcastic na sagot.

"Bad question huh?"

"Inappropriate. Pero sasagutin ko pa din in the interest of being honest kasi Friday. I'm not doing well."

"I..Rosie..ako din naman eh.." Sagot ni Wendy.

"Then why did you break up with me?"

"You know why, Rothie.."

"Isang linggo na nakakalipas. I would have thought nakaisip ka na ng mas matinong reason kesa sa nilapag mo na una."

"I don't have any other reason, Rosie..that's it. Hahabol ako sayo pero I need you to be free and do your thing while I'm doing it."

"Still as dumb as it sounds when I first heard it."

Natahimik sila. 

"May sasabihin ka pa ba? Not gonna lie I..don't want to see your face right now. Makes me want to cry which is bullshit."

Bumuntong-hininga si Wendy. "Have you uhh..talked to your parents?" Tanong niya.

Bumangon si Rosie. Uminom mula sa water bottle na nasa bedside table. 

Napansin ni Wendy na wala na yung naka-frame na picture nila. Sandaling nasaktan pero kasalanan naman niya kaya winaksi nalang. 

"You think I'm going to rush at the chance to tell my parents that my bestfriend-slash-girlfriend broke up with me?" Sagot ni Rosie.

"Point.." Awkward na bawi ni Wendy. Kamot-batok. "Uhhmm..ako na magsasabi.." Offer niya.

"Hmm.."

"I deserve to get yelled at."

"Could have avoided it if you hadn't fucking dumped me."

"Rothie.."

"Don't you dare tell me I shouldn't be pissed about this, Theungwan. Wala kang karapatan."

"I know.."

------------------------------------------------------------

Inuna ni Wendy na puntahan ang parents niya kinabukasan. 

Malala pa ang kabog ng dibdib niya habang binubuksan ang pinto ng bahay kesa nung minsang umuwi para ibalita na natalo siya ni Rosie sa Science Quiz Bee nung grade 2 sila. 

Huminga siya ng malalim pagkatapos tanggalin ang sapatos sa foyer. 

"Moms?" Tawag niya.

"Living room, Seungwan!" Sagot ni Mommy Seohyun.

Dun siya dumiretso. Naabutan ang parents na nakatambay. 

Mahinang tumutugtog ng piano si Mommy Seohyun habang si Mommy Yoona naman ay tahimik na nagro-roll ng gimbap sa coffee table.

"Uhh..Hi." Bati niya.

Tinanguan siya ng parents. Umupo siya sa sofa, kumuha ng isang hiwa ng gimbap tapos sinubo.

Five seconds. Dinura niya sa kamay, humagalpak sa tawa si Mommy Yoona. 

"What the hell did I just eat?!" Reklamo ni Wendy.

"Salt Gimbap!" Sagot ni Mommy Yoona. Nagpapahid ng luha dala ng iyak tawa. "Classic. Glad to know it can still pack a punch."

"WHY?!" Tanong ni Wendy. Nilalaklak na ang tubig na nahablot mula sa table. 

Tumigil sa pagpa-piano si Mommy Seohyun. "We're getting together with the unnies later tonight. Yoona thought it would be funny to see if she can fool everyone again."

"Probs won't fly with Sica unnie kasi siya original na kasama ko when I first attempted it years ago. Pero meh. We shall see." Sabi ni Mommy Yoona.

Inakbayan ni Mommy Seohyun si Wendy. "What brings you here?" Maamong tanong.

Suminghot lang si Wendy. Piniling ilapag ng diretso ang dalang balita. "I broke up with Rosie." Bumuntong-hininga. "Sabit ako sa growth niya. Can't have that. We're back to bestfriend mode while I try to catch up."

Sandaling tahimik. Tumayo si Mommy Yoona tapos kinuha ang plato ng gimbap. Kumuha ng isang piraso tapos sinumpal kay Wendy.

Binatukan siya ni Mommy Seohyun. 

Nalunok niya yung gimbap. Umubo ng malala dala ng alat, dala ng slight na choke. "Mrppghh!" Sabi niya.

"WHY THE HELL WOULD YOU DO THAT?!" Sigaw ni Mommy Seohyun.

"KUMAIN KA PA NG ISA! ISA PANG GIMBAP! PUNISHMENT MO YAN HINDI KA NAMAN NAMIN PINALAKING TANGA!" Sigaw ni Mommy Yoona.

------------------------------------------------------------

Kumalma-kalma na ang atmosphere. Umiinom si Wendy ng tubig habang nakaupo sa bar stool sa may kitchen counter at pinapanuod ang Mommy Seohyun niya na nagluluto ng pananghalian.

"Lam mo?" Sabi ni Mommy Yoona.

"Yeh Mom?" Sagot ni Wendy.

"Ang sabi namin sayo nung tumawag ka eh kausapin mo si Rosie. Kasi sigurado kami na makakaisip kayo ng solution na sabay."

"We did talk, Mom."

"Yeh. Nag-usap nga kayo pero I assume you didn't even try to listen to what she wanted to say." Entry ni Mommy Seohyun. Nakatalikod at tinitikman ang kaldereta. 

"Di kaya ng konsensya ko na sabayan yung gusto niya, parents." Paliwanag ni Wendy.

"So nag-decide ka on your own?" Tanong ni Mommy Yoona.

Yumuko si Wendy. Tumango. 

"Girlfriend mo yun. And you didn't think to include her at all." Sabi ni Mommy Seohyun.

"Well..technically..it was Friday Bestfriend Talk time sooo.." Awkward na katwiran ni Wendy.

"Paki-abot naman yung salt shaker, Seobb." Request ni Mommy Yoona. "Papakain ko na lahat sa anak natin na parang gusto ko ng i-disown."

Nagtaas ng dalawang kamay si Wendy. "None of that please..I can't lose my taste buds parang awa."

"Tuhod mo nalang." Sabi ni Mommy Seohyun. "Luhod ka sa asin."

"How about no?" Sagot ni Wendy.

"Look." Hinawakan ni Mommy Yoona ang kamay ni Wendy. "You know Seohyun and I will support you through anything kasi you're our kid, pero ang tanga tanga kasi kahit saang anggulo tingnan, Seungwan." Sabi ni Mommy Yoona. "We understand that you and Rosie are bestfriends and you have your own things pero you're also together together and big issues like what you had are something you two have to work out ng magkasama."

"Hindi yung magsa-sarili ka ng decision and then expect Rosie to just roll with it kasi you're banking she would coz of the bestfriend thing." Dugtong ni Mommy Seohyun.

"27 years na kayong magkakilala. Seven of those were spent being girlfriends." Paliwanag ni Mommy Yoona. "That's seven years of habits formed na mahirap tanggalin ng biglaan."

"Talked to Rosie since then?" Tanong ni Mommy Seohyun pagkatapos ng matagal na tahimik habang ninanamnam ni Wendy ang narinig sa isang magulang.

"I did..uhh..last night." Sagot ni Wendy.

"Anong sabi?"

"She's pissed. Like..really. The kind of pissed I've never seen her be ever."

"Rightfully so."

"I told her I'll go and inform her parents too." 

Tumitig si Mommy Yoona kay Wendy. Unti-unting ngumiti. Tumalikod si Mommy Seohyun at bumalik sa niluluto. Palakas ng palakas ang tawa.

"Uhh..why..are you two laughing?" Tanong ni Wendy.

"Magsimula ka ng magdasal na si Taengoo unnie lang ang nasa bahay nila pagpunta mo." Sabi ni Mommy Seohyun.

"Kasi kung nandun din si Fany unnie.." Sabi ni Mommy Yoona. "Meh. Deserve mo naman kaya keri nalang."

------------------------------------------------------------

Humakbang patalikod si Wendy. Tinulak siya pabalik sa pwesto ni Mommy Yoona. 

Pinindot ni Mommy Seohyun ang doorbell. 

"JUST A MINUUUUUUTE!!" Dinig nilang tatlo na sigaw mula sa loob ng bahay.

Natawa nanaman ang parents ni Wendy. 

"Oof. Tough luck, child." Sabi ni Mommy Seohyun.

"Kakamiss din madinig na nanenermon si Fany unnie noh?" Sabi ni Mommy Yoona.

"Thanks for the moral support, parentals." Sarcastic na sabi ni Wendy.

Bumukas ang pintuan. 

Pareho pang nagulat ang mga kasama ni Wendy bago yakapin ang bumati. 

"Yuri unnie!" Masayang sabi ni Mommy Yoona.

"Oi!" Sagot ng tinawag na Yuri unnie. Tinapik sa likod ang mga magulang ni Wendy tapos napatingin sa kanya. "To na ba anak niyo?" Tanong niya.

Nag-ehem si Wendy. Tambak na siya ng bembang sa parents kaya nagpaka-polite nalang gaya ng turo. Nag-bow siya. "I'm Seungwan." Pakilala niya.

Inakbayan siya ni Tita Yuri. "Laki mo na ah! Slight. Paanong yan ang height mo eh Jangshin line yung parents mo?"

Kumurap-kurap si Wendy. "Uhh..di ko..alam?" 

Tumawa lang si Tita Yuri. Hinila na siya papasok sa bahay habang kausap ang parentals niya.

"Nasa loob si Sica. Tulog yata kasama si Slug tsaka si Yerms." Sabi ni Tita Yuri.

"Slug?" Tanong ni Wendy.

"Yung anak ko. Si Seulgi." 

"Luh.." 

"Kilala mo din?"

"Jowa niya yung bunso nila Fany unnie." Paliwanag ni Mommy Yoona.

"Jinowa mo si Roseanne?" Gulat na tanong ni Tita Yuri. "Buti pinawalan ni Tinapa eh baby niya yun!" 

"Uhmm..well.." Utal na sagot ni Wendy.

"Oi!" Sabi ng sumalubong sa kanila sa living room na si Tita Taeyeon. "Upo muna kayo, nagluluto si Pani kasama ni Hyun."

Umupo sila Wendy at yung parents niya. 

"Gisingin ko mag-ina ko. Teka." Paalam ni Tita Yuri. "Baka nadaganan na apo ko, GG pa naman magsitulog yung dalawang yun."

------------------------------------------------------------

Kumakain na silang lahat ng hapunan. 

Nagsesenyasan ng pasimple si Mommy Yoona at si Tita Jessica na pinapanuod lang ni Wendy.

Dumukot si Tita Tiffany ng gimbap. 

Nagtakip na ng bibig si Tita Jessica tapos tumalikod. Halatang natatawa na. 

Sinubo ni Tita Tiffany ang pagkain. Masayang nginuya. "Oks to, Yoong!" Sabi niya.

Nagtinginan ang lahat ng may alam sa ganap. Ten seconds. Dinura ni Tita Tiffany sa plato ni Tita Taeyeon ang nasa bibig. Sumimangot tuloy ng malala si Tita Taeyeon. "Pani..anuena?" Tanong niya.

"Ang. ALAT!" Reklamo ni Tita Tiffany. "YOONA PARA NAMANG TANGA!" 

Tinawanan lang siya ng mga adults sa lamesa. Pigil sila Wendy, ate Seulgi, at ate Irene para di mabembang sa trip ng mga magulang. 

"Eat a sandwich para mawala yung alat." Offer ni Tita Jessica. 

Nagtinginan sila ni Tita Tiffany. 

"Ohmygod!" Sigaw ni Tita Jessica. "Trust me!"

"Hmm.." Kumain ng sandwich si Tita Tiffany. Tumango-tango habang ngumunguya. 

Nagtinginan sila Tita Taeyeon tsaka Tita Jessica. Sabay na tumawa sakto sa pagdura ulit ni Tita Tiffany sa plato naman ng isa pa niyang katabi na si ate Irene. "Yak! Mommy naman!" Reklamo nito.

"VINEGAR. HOW ORIGINAL!" Sabi ni Tita Tiffany kay Tita Jessica.

"What's funny is you STILL fell for it." Sagot ni Tita Jessica.

Lumapit si Mommy Seohyun kay Wendy sa gitna ng tawanan ng lahat. Binulungan siya. "You don't get to nope out of what you came here to do, Seungwan."

Sumali na din si Mommy Yoona sa bulungan. "Malas ka lang naunahan na ng badtrip si Fany unnie tapos extra yung lapag mo. Have fun!"

------------------------------------------------------------

Nakahanap ng tyempo si Wendy sa gitna ng leisure time pagkatapos ng dinner. 

Lumapit siya kay Tita Taeyeon tapos marahan na tinapik sa balikat. "Uhmm..can..we talk po?" Tanong niya.

Tumango lang si Tita Taeyeon tapos tumayo at sumenyas na sundan siya ni Wendy sa garden. 

Bumuntong-hininga si Wendy pagkaupo nila sa isang bench sa porch. 

"Kita mo yun?" Tanong ni Tita Taeyeon. Nakaturo sa isang puno sa bandang dulo ng backyard.

"Uhmm..yes?" Sagot ni Wendy. 

"Nahulog si Pathta sa puno na yan nung three years old siya. Something about how she wanted to be Tinkerbell kaya nag-attempt na lumipad." Kwento ni Tita Taeyeon. 

Nangiti ng slight si Wendy. Na-imagine ang itsurahan ng three year old version ng bestfriend niya.

"Tinalakan ako ng isa pa niyang nanay hanggang sa mag-heal yung bali ni bunso."

"Hmm.."

Tahimik sila ulit. Bumukas ang pintuan ng backyard at umupo sa tabi nila si Tita Tiffany. 

"What are you guys up to?" Tanong nito.

Kibit-balikat si Tita Taeyeon. "Ewan." Sagot niya. "Inaya akong makipag-usap ni Wendy dito eh."

Lumabas ang eye-smile ni Tita Tiffany. Directed kay Wendy na namawis naman ng malala sa nakita. 

"Ooooh!" Sabi ni Tita Tiffany. "Serious talk with the girlfriend's parents! Is this what I think it would be?"

"In-law na ba next na tawag namin sayo?" Tanong ni Tita Taeyeon. 

Pumikit si Wendy. Huminga ulit ng malalim, tinanggal ang band-aid. 

"I broke up with Rosie."

------------------------------------------------------------

ONE MONTH LATER

"Chill out with the knocking Jesus Christ!" Pikon na sigaw ni Rosie sa kung sino man ang katok ng katok sa front door niya. May kasama pa kasing doorbell. Naistorbo siya sa masayang panunuod ng 'Whose Line Is It Anyway?.'

Pinagbuksan niya. Suminghap. "What the fuck?" Sabi niya.

Dire-diretso lang na pumasok sa loob ng bahay niya ang bagong salta. Binaba ang dalang mga bag sa floor ng living room, sumalampak sa sofa. 

"Mae-EXP ko na din sa wakas yung spare room mo, Roseanne!" Masayang bati ni Jisoo.

"What the flying fuck are you doing here, Jisoo?" Tanong ni Rosie. Tumayo sa harap ng kausap, hinarangan ang TV na nilipat na nito papunta sa Discovery Channel. 

"Tabi ka muna!" Sagot ni Jisoo. "Shark week mehn!"

Hinablot ni Rosie ang remote mula kay Jisoo. Pinatay ang TV. "Anong trip mo?" Tanong niya.

Dumukot si Jisoo mula sa isang backpack na nasa floor. Inabutan ng isang package ng Ding Dong si Rosie. "Tinanggap ko yung offer nung nanghe-headhunt sakin. You're looking at your new New York roommate!"

"Oh son of a whore bitch, Jisoo. I fucking hate you."

Forward
Sign in to leave a review.