Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

TWENTY-NINE

Binato ni Rosie ng isang plastic bag ng Duty Free ang sumundo sa kanya sa airport.

Alas-singko ng umaga. 

Sinilip ni Jisoo ang laman ng sinalo. Yosi. Tumango siya. "Tingin mo ba hindi ako magrereklamo sa pag-gising mo sakin ng maaga just because binilhan mo ako ng yosi galing States?" Sabi niya.

Nagtaas lang ng kilay si Rosie. 

Ngumiti si Jisoo. Inakbayan siya tapos hinila na papunta sa kotse. "Salamat, Roseanne. Tara na! Sagot mo din gasolina ko diba my balikbayan frend?"

"Tangina mo talaga."

------------------------------------------------------------

Nakaugalian na ni Wendy na gumising ng tanghali kapag weekend. Counted na as small victory sa kanya yung rush na nakukuha kapag pinapatay niya ang alarm tuwing tumutunog sa usual weekday timing nito. 

Ganun na sana ang gagawin niya ulit nung umagang yun kaso may naamoy siyang masarap galing sa kusina ng tirahan niya kaya takang napabangon at nagkusot ng mata. "What the fuck?" Sabi niya. 

Kumapa sa bedside table para sa glasses tapos lumingap sa kwarto para sa pupwedeng pamalo sa kung sino man yung nanloob sa bahay niya.

Bumangon siya tapos kinuha yung giant payong na nakasabit sa likod ng pintuan ng bedroom.

Dahan-dahan na lumabas. Maingat na walang tunog. Inangat niya yung payong ready for action tapos sumilip sa corner bago makarating ng kusina.

May babae. Nakatalikod, nagha-hum pa habang nagluluto. Huminga ng malalim si Wendy. 

"AHHHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw niya. Sinugod yung nagluluto. 

"AHHHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw nung ate girl. Pinukol si Wendy ng hawak na kamatis. 

Sakto. Direct hit sa ilong ni Wendy na nabitawan naman yung payong tapos napahawak sa offended area. "Aray pakshet!" Reklamo niya.

Suminghap yung babae tapos hinawakan yung free hand ni Wendy. Tumatawa na. "Shit..Sorry." Sabi nito.

Nag-angat ng tingin si Wendy. Siya naman ang napasinghap. 

Ngumiti lang ang babae sa kanya. Awkward kamot batok, jazz hands. "Surprise, Theungwan! I'm making breakfast!"

"ROTHIE!"

------------------------------------------------------------

Pagod na gumulong si Wendy para maabot yung remote ng TV sa bedside table niya. 

Binaba ng katabi niyang si Rosie ang cellphone tapos sinuot yung glasses bago humiga ulit at mag-stretch. "Point. Proven." Biro niya.

"What were you trying to prove?" Sagot ni Wendy. Hininaan yung TV tapos yumakap lang kay Rosie.

"Being celibate for ten months sucks and sex after that timeframe is GLORIOUS."

Tumawa sila pareho. 

Kumunot ang noo ni Wendy. 

Suminghot si Rosie.

"Di mo pinatay yung kalan noh?" Deadpan na comment ni Wendy.

Mabilis na bumangon si Rosie. Hinablot nalang ang nakakalat na jacket ni Wendy sa isang upuan tapos sinuot habang tumatakbo palabas ng kwarto. "Sino kasi yung parang ewan na nanghihila bigla eh!" 

------------------------------------------------------------

"How long are you here for?" Tanong ni Wendy. 

Nasa balcony sila. Candelit dinner kasi wala lang.

Steak and potatoes, wine. Keri na.

"One week." Sabi ni Rosie. "Swung a vacation last minute, buti the boss was nice about it."

"Gotta make the most of that week then."

"Yup. I'm thinking we alternate days. That way we both get to do what we want?"

"Sounds good to me. Does anyone else know you're here?"

"Apart from Jisoo who picked me up, wala na."

"Your parents? Ate SeulRene?"

"They don't count but yeah they know. I told them I came by mostly so I can spend time with you."

Uminom si Wendy ng wine. Ngumiti. "I missed you a lot."

Hinawakan lang ni Rosie ang kamay ni Wendy. "Yeah..me too, Theungwan. Legit."

------------------------------------------------------------

"Ang bilis ng isang linggo." Comment ni Jisoo. Humihikab. 

"Yeh." Sagot ni Rosie. Dinudukot ang passport mula sa backpack.

Nagsindi si Jisoo ng yosi. "Bakit di si Wendy kasama mo nga pala?"

"We agreed we'd end up bawling our eyes out sa hatiran sooooo.."

"Makes sense." 

Nagsimula na silang maglakad papunta sa departure area. 

"Soo." Tawag ni Rosie.

Pinatay ni Jisoo ang hawak na yosi. Nag-angat ng tingin pagkatapos ibulsa ang pocket ashtray. "Hmm?"

"Paki bantayan naman si Seungwan. Alalay ba." Request ni Rosie.

Tumigil sila sa tawiran.

Tumango-tango si Jisoo. Nag-okay sign. "Sure mehn. Basta pagbalik mo ulit eh may yosing stateside ka na dala for me? Keri lang."

"Yun. Salamat."

"Oks. Dito na kita iiwan. Di tayo ganun ka-close para ihatid pa kita hanggang sa entrance."

"Sure mehn. Sige na! Ingat ka!" Kumaway si Rosie.

Kumaway nadin si Jisoo. Dumukot ulit sa bulsa para sa kaha ng yosi. Akmang magsisindi ulit. 

Niyakap siya ni Rosie.

"Yak mehn!" Reklamo ni Jisoo. "Nung ginagawa mue?!"

"Tanggapin mo nalang. Arte pa eh." Sabi ni Rosie.

Tumawa nalang si Jisoo. Yumakap nadin. Mabilis na tapik sa likod ni Rosie tapos tinulak na siya palayo. "Sige na tsong! Lumarga ka na. Kung di lang kita tropa eh."

------------------------------------------------------------

MONTH TWENTY

"Rothie!" Kumakaway si Wendy pagbukas ng skype call. Masaya. Malawak ang ngiti.

Nahawa na si Rosie sa ngitian kaya kumaway nadin siya. "Hey, Theungwan! What's up?" Bati niya.

"Guess what?" 

"What?"

"Nakaipon na ako ng panglipad!"

Suminghap si Rosie. Napahawak sa bibig. "No shit! Di nga?" Sabi niya.

Sumayaw-sayaw si Wendy. Nag-finger guns sa kausap. "Yeah mahn! I can go on vacation and I'm going on vacation where you are!"

"NICE! Kelan?"

"Oh I haven't told you one of the coolest things about this yet!"

"Mhmm. Ano naman?"

"Jennie and Lisa are also coming by. So sasabay ako sa kanila. Lam mo naman yung mga yun, travel junkies. Tapos si Soo eh ewan kung bakit pero sasama din sooooo.."

"Holyshit!" Excited na sambit ni Rosie.

"We can do that thing where we impersonate some successful sitcom twenty-somethings that hang out in bars and shit!" Excited din na sabi ni Wendy. "Except.."

"In actual fucking New York!"

"AWYEAH!"

"AWYEAH!"

Pumalakpak si Rosie. "Holyshit I'm SO excited! I can FINALLY take you to places I hang out in here. Gaaaaahd!"

Ngumiti lang si Wendy. "I can't fucking wait to see you again." Comment niya.

"Same. It's gonna be so fun, Seungwan."

"Mhmm. I love you."

"I love you too."

------------------------------------------------------------

"Sagot ko na." Sabi ni Joy. Nilapag ang credit card sa counter ng coffee shop pagkatapos mag-order ni Rosie.

"Sinapian ka today?" Tanong ni Rosie.

Tumawa si Joy. Hairflip. "Trip ko lang, teh. May pang-gastos eh." 

"Wow. Rich kid."

Kinuha nila ang drinks nila tapos naupo na sa napiling lamesa. 

Binaba lang ni Joy ang bag sa gilid ng upuan niya tapos nag-sip ng kape. "Celebration nadin." Sabi niya.

"Para saan?" Tanong ni Rosie.

"Kamo eh ikaw naman dadayuhin ni Wendy diba? Treat kita ng kape as congratulations kasi haba ng hair mo, also para di masabing hindi ako legit na friend."

"Luh?"

Sumenyas lang si Joy ng nevermind. "Gets ko naman na mej iffy ka padin. Probs coz shempre naman di masaya si Wendy nung nalaman niyang ako kasa-kasama mo dito."

"I made her understand the circumstances." Sabi ni Rosie.

"Kahit na sizt. Gets niya kasi di naman siya tanga pero shempre may keme padin yun. Ex niya ako. Ang gaga ko pa dati sa kanya diba?"

"Maayos ka naman na ngayon..I think."

"Keri nalang din amirite? Bitch with a reason na ako nowadays. Ay! Upgrade."

"Wankosayo."

Kumain lang sila ng dessert in silence. Maya-maya ay nag-ehem si Joy.

"Oh?" Tanong ni Rosie.

"Di ako magpapakita habang nandito yung isa ha!" Announcement ni Joy.

"Luh bakit?"

"Duh! Iwas usapan lang. Baka ma-trobol ka. Minsan na nga lang kayo magkasama ni Wendy tapos sisingit pa ako sa oras niyo. Swak na umeskapo muna para ma-enjoy niyo each other ng walang uncomfortable situations chenes."

Kumurap-kurap si Rosie. "Sinapian nga." Uminom siya ng kape niya. "I would have thought mauuna ka pang mag-presenta na magpakita kay Wendy."

"Bakit? Nahihiya ako sa kanya. Ang gaga gaga ko dati. Sayo pa nga lang nakakahiya na maki-ride along eh. Sa lahat ng ginawa ko sa inyo? Swerte ko na lang ang bait niyo pareho."

Tinapik nalang ni Rosie ang kamay ni Joy. "Ayos na nga yun sakin anukaba. Bumabawi ka naman eh. Bakit ako magko-complain?"

"Ilang libre pa kelangan mo para mabawi completely?" Biro ni Joy.

Kumindat si Rosie. "Kahit ilan trip mo. Saya nung divorce settlement money noh?"

Tumawa silang dalawa. 

"Ay teh sa tru lang!" Sabi ni Joy. "Tangina. Picture tayo dali tapos tag natin yung ex-husband ko sa insta. Para makita niya kung saan nagagastos yung pera niyang putangina siya."

------------------------------------------------------------

"Di ko sinabi sa kanya na ngayon lipad natin." Kabadong comment ni Wendy sa gitna ng pila ng boarding gate.

Kibit-balikat si Lisa. May hinahalungkat sa bag na nung makuha ay inabot kay Jennie na nasa pinaka-likod nila. Fidget cube naman pala. "Yaan mo mehn. Kala ko ba surprise?" Sabi niya kay Wendy.

"Kabado yan kasi mababadtrip si Roseanne bilang pinatayan niya ng cellphone." Entry ni Jisoo. Ngumunguya ng chewing gum. "May smoking area kaya sa Changi?" 

"Meron, Soo. Kaso saglit lang naman in between ng connecting natin." Sabi ni Jennie. GG na sa pag-click sa hawak.

"Keri na isang stick." Sagot ni Jisoo.

"Quit smoking." Sabi ni Lisa.

"It's a serious problem." Sabi ni Wendy.

"Meh. Ays na lang din. Yosi lang ang hindi nang-iiwan sakin." Kibit-balikat lang si Jisoo.

"Hu.Got." Comment ni Wendy. "Pero ayun nga. Ako muna. Problema ko muna. Anong gagawin ko? Maba-badtrip yun si Rosie panigurado."

"Sagutin mo yung tawag tapos sabihin mo busy ka lang kung papanindigan mo mang-surprise." Suggestion ni Lisa.

"Or umamin ka na lang na lilipad tayo at susulpot sa flat niya mamaya para makapag-prepare siya kasi panigurado mababadtrip din yun sa surprise kasi di siya naka proper welcome." Sabi ni Jennie.

"Aaaargh!" Sabi ni Wendy.

Binatukan siya ni Jisoo. Di niya nagantihan kasi busy na sa pag-abot ng passport at boarding pass sa ate na taga-check. "Wala nang balikan, mehn." Sabi ni Jisoo. "Tara na at bahala nalang pagdating dun. Either way eh sasaya din naman si Roseanne kasi darating ka."

------------------------------------------------------------

"Kamusta trabaho?" Tanong ni Joy kay Rosie.

Nasa flat sila ni Rosie. Swak na wine night. 

Kibit-balikat si Rosie. "Nabu-burn out na ako sa totoo lang." Sagot niya.

Nagtaas lang ng kilay si Joy. "Ket naman?" 

"Teh? Di masaya yung araw araw nalang eh puro mga frustrated sa buhay yung nakakausap mo."

"Sabagay." Dumukot si Joy ng ilang chichirya mula sa mangkok na nasa coffee table. Kumain. "Pero nakakatulong ka naman." Sumenyas sa sarili. "Prime example."

Uminom si Rosie ng alak. Tumakam. "Well yeah. Pero may isang taon ko na ginagawa." Umiling. "Di talaga siya masaya. Pigil na pigil akong di ma-disillusion sa pag-ibig kaso ang hirap."

"Hmmm.."

"Sabi sakin ni Seungwan dati eh I should see how it plays out. I suppose swak na isang taon diba?"

Tumango si Joy. "Yeh I guess."

Ni-refill ni Rosie ang wine glasses nila. "Kaw ba? Kamusta trabaho?" Tanong niya.

Uminom si Joy. Pumalakpak. "Teh! Bet nakabenta ako ng isa nanamang bahay. Solb na ulit sa commission, pakasaya ng real estate." Kwento niya.

"Weh? Congrats. Sana ol."

"Haynako!" Sabi ni Joy. "Kanya-kanya tayo ng field na magaling tayo, teh. Nagkataon lang na real estate yung sakin kasi magaling ako mag-sales talk tapos Law yung sayo kasi ewan..magaling ka mangatwiran? Basta yun. Wag ka mag sana ol diyan kasi parang tanga. Matuto kang makuntento kaya!"

"Ay?" Humawak sa dibdib si Rosie. Tumawa. "Triggered ka masyado?" 

Tumawa nanaman si Joy. Pinukol si Rosie ng isang piraso ng doritos. "Kung di ka na masaya sa current department mo eh try mo mag-request sa boss mo ng transfer. Criminal Law naman or some shit para lalo kang ma-stress. Gagang to!"

May nag-doorbell. Sabay silang napalingon. Tapos nagtinginan. 

"Nagpa-deliver ka ba?" Tanong ni Joy. "Hot yung regular pizza delivery boy mo eh. Kung siya yun eh papasukin mo ng malandi."

"Bitch?" Sagot ni Rosie. "Di ako nagpa-deliver."

"Ay corny." Nakasimangot na sabi ni Joy. "Pagbuksan mo nalang baka maling bahay lang."

Umiling nalang si Rosie. Binaba ang hawak na wine glass tapos nagpunta na sa pintuan. Binuksan niya.

Napasinghap siya sa natagpuan. 

Kumakaway sila Wendy, Jisoo, Lisa, at Jennie sa labas ng pintuan niya. Kanya-kanya ng bag, kanya-kanyang ngiti. 

"Surprise!" Sabi ni Wendy.

"Holyshit." Sabi ni Rosie. Sinara ang pinto.

Dumaan si Joy sa harap niya galing sa kusina. "Sino yun, teh?" Sabi nito.

Tumitig lang si Rosie. "Si Wendy." Sabi niya. "Tsaka yung iba kong mga kaibigan from college. You know them."

Nanlaki ang mata ni Joy. "Gaga ka teh! Bakit di mo sinabing ngayon dating nila?!" Panicked na nagikot-ikot sa kinatatayuan. "Kelangan ko magtago ay putangina! Wala ako sa mood masabunutan today!" 

Sumenyas si Rosie na tumigil si Joy. Nag-doorbell nanaman ang mga nasa labas ng bahay. May kasama ng katok. 

Bumuntong-hininga sila pareho.

"Tanginang yan. Pa-surprise talaga ni Wendy di padin natatanggal noh?" Biro ni Joy.

"Yeh." Nakangiting sagot ni Rosie.

"Pagbuksan mo na. Sagot mo nalang pa-salon ko kung sakaling sabunutan nga talaga ako. Baka makalbo eh."

------------------------------------------------------------

Tense ang atmosphere. Kanya-kanya sila ng hawak ng wine glass, lahat nakatingin sa nangliliit sa upuan na si Joy.

"Erp." Bulong ni Jisoo kay Wendy. "Gumanda ex mo."

"Pakyu." Sagot ni Wendy.

"Sigurado ka na tropa na kayo, Rosie?" Tanong ni Jennie.

"Yep. Saya kaya kausap ni Joy. In fairness." Sagot ni Rosie.

Nag-ehem si Lisa. "Gusto ko lang sabihin na putangina nung college self mo, Joy." Sabi niya.

Tumango si Joy. Tinaas ang wine glass sa kumausap. "Gets. Putangina naman talaga."

"You were SUCH a fucking bitch." Entry ni Wendy.

"Yeh. Gets din. Sorry.."

"Tangina talaga." Umiiling si Wendy. "You nearly ruined my friendship with Rosie."

"Mhmm..Bumabawi ngayon..kung ays lang sa inyo."

"Putangina. I still don't trust you completely."

"Naiintindihan ko." Sagot ni Joy.

Bumuntong-hininga si Wendy. Ni-refill ang wine glass ni Joy. "Pero hahayaan ko kasi ikaw lang kasama ni Rothie dito and I trust her judgement more than I trust you. Ingatan mo..if you do shit to her, I swear to GOD, Joy."

Mabilis din na inubos ni Joy ang laman ng baso dahil pinanlisikan siya ng mata ng kausap. "Yeh mehn. Pramis. Aayusin ko na!" Sabi niya.

Tumango nalang si Wendy. 

Nagsindi ng yosi si Jisoo.

"PUTANGINA KA TALAGA!" Reklamo ni Rosie. "MAG-AAMOY YOSI YUNG FLAT KO!"

"MINSAN NA NGA LANG MAGKITA BUBUNGANGAAN MO PA AKO!" Sagot ni Jisoo. "DI NALANG PAGBIGYAN EH! PAKYU KA, ROSEANNE!"

------------------------------------------------------------

Nakaka ilang bote na sila ng wine. Insta-inuman tapos tamang catch up na din sa mga naging takbo ng buhay simula ng huling nakapag-usap usap.

Naka-akbay lang si Wendy ng yakap sa nakasiksik sa kanya na si Rosie. Paminsang halik sa noo in between talking, tumatapik-tapik sa balikat.

"Psst. Rosie." Tawag ni Jennie.

"Oh?" Sagot ni Rosie.

Sumenyas si Jennie sa paligid. "I like what you've done to the place." Compliment niya.

"Thanks. Budget interior design."

"Sponsored by pinterest." Sabi ni Jisoo.

"Pakyu ka, Jisoo." Banat ni Wendy.

"Yun oh." Sabi ni Lisa. "Heto nanaman po tayo sa knight in shining armor, taga-depensa, bestfriend Wendy mode."

Tumawa silang lahat sa kunot ng noo ni Wendy.

Nagpagpag ng pantalon si Joy tapos tumayo. "Una na ako." Paalam niya.

"Booooooo!" Sabi ni Jennie.

Umiling lang si Joy na nakangiti. "Hang out niyong magto-tropa. Yoko makisawsaw. Tsaka maaga pa ako bukas."

Kumalas si Rosie sa akbay ni Wendy. Hinalikan siya sa pisngi tapos lumapit na kay Joy. "Tara hatid na kita sa pinto." Offer niya.

"Di pa ako ganun ka-lasing, gurl." 

"Courtesy. Wala ka kasi nun puta ka." 

Naglakad na sila papunta sa front door.

Tinapik ni Joy si Rosie sa braso ng makarating. "Teh. Ang kyot niyo ni Wendy. Gets ko na. Kaya pala dati palang eh iba na vibes kaya nakaka-urat."

"Pinagsasasabi mo?" Sagot ni Rosie.

"Meant to be itsurahan niyo eh. Kilig!"

"Gaga. Umuwi ka na."

Kumaway lang si Joy. "Wushoo! Kilig ka din noh?" Biro niya.

"Slight. Lam ko na yun dati pa."

"Yieeee!" 

Mang-aasar pa sana si Joy kaso tumunog na ang cellphone niya.

Tumawa nalang sila ni Rosie. 

"Andyan na uber mo. Ingat pauwi ha!" Sabi ni Rosie.

Nag-beso sila tapos umalis nadin agad si Joy.

Bumuntong-hininga si Rosie pagkasara niya ng pintuan. Ngumiti tapos bumalik na sa barkada.

------------------------------------------------------------

"You guys have a hotel?" Tanong ni Rosie sa mga kaibigan na iba-ibang level na ng lasing. 

"Englisher." Comment ni Jisoo.

"Bobo ka."

"Pakyu, Roseanne."

Tumawa lang si Wendy. "Was hoping you'd let us crash for the night." Sabi niya kay Rosie.

"You I will let crash for forever kung trip mo. These three on the other hand.." Sagot ni Rosie. Sumenyas sa naghahalikan sa isa niyang sofa na sila Jennie at Lisa tapos sa naduduling na pilit nagsisindi ng yosi na si Jisoo. "Yeh..no." Dugtong niya.

Kumalas si Lisa sa ka-momol. "Wala ka bang spare room? Di namin naisip mag-book ng hotel kanina eh." Tanong niya.

"Meron."

"Yown! Isang gabi lang naman, Rosie and then we'll be out of your hair." Sabi ni Jennie.

Nag puppy eyes na si Wendy kay Rosie. Bumuntong-hininga siya. Nangiti na. "Pakshit. Fine. You two get the spare room." Sabi niya kila Jennie at Lisa na sabay na nag-whoop tapos tumakbo na. "Jisoo gets the sofa, Seungwan sleeps with me."

"Ay ang daya!" Reklamo ni Jisoo. "Bakit ako sa sofa?!"

"Kasi ikaw lang yung walang jowa?" Sagot ng bumalik sa living room at nagkakamot ng batok na si Lisa.

"Putangina naman nun. Mapanaket." Sabi ni Jisoo. "Unfair."

"Rosie..Di namin alam saan yung spare na room." Sabi ng kasunod ni Lisa na si Jennie.

Tumawa na ng malala si Rosie. "God I missed you guys." Sabi niya.

"Di kita namiss. Tangina mo. Feelingera." Sabi ni Jisoo.

"Namiss ka din namin!" Sigaw ni Wendy. Yumakap ng mahigpit kay Rosie.

Forward
Sign in to leave a review.