
TWENTY
Hindi maintindihan ni Rosie kung bakit hindi niya maabot. Matangkad naman siya, she likes to think.
Candy lang naman ang gusto niya.
Kasalukuyan siyang nasa SM. Toka sa weekly grocery para sa supplies nila ni Jisoo sa bahay.
Pikon niyang inangat ang kamay pataas. Di padin abot. Nag-tiptoe. Wala padin. Nag-huff siya. Sinimulang akyatin ang shelf.
"Miss! Mahuhulog ka na!" Sigaw ng isang boses sa tabi niya.
Pumalya ang hakbang ni Rosie. Dumulas ang sneakers, nabitawan ang kinakapitan. Nahulog nga.
"Oof!" Sigaw ng nabagsakan niya.
Mabilis siyang gumulong palayo tapos tumayo at nagpagpag ng damit. Naglahad nadin ng kamay sa nakadapang ate na nadaganan niya. "Shet. Sorry po. Hala!" Sigaw niya.
Bumangon ang ate. Humarap kay Rosie tapos awkward na naghawi ng buhok para maayos. Kibit-balikat. "Ayos na, Miss." Sabi sa kanya. Di nakatingin.
Suminghap si Rosie. Tapos niyakap ng mahigpit ang ate.
"WANNIE!!" Sigaw niya.
"Luh?" Sabi ng niyakap ni Rosie. Pumiglas ng slight tapos suminghap ng makalayo na at matitigan ng mabuti si Rosie na nakangiti pero paiyak na.
"Uhhhh…" Sabi nito.
Suminghot si Rosie. "I missed you.." Sabi niya. "Why didn't you tell me nakauwi ka na pala?"
"Okay...Cereals is impakta section and the Candy aisle is a wormhole. Noted. Okay." Comment ng kausap ni Rosie. Huminga ng malalim tapos awkward na tinapik sa balikat si Rosie. "I'm..sorry to have to tell you this but..I'm not your Wendy."
Sumimangot si Rosie. "Bitch ka. Wag naman ganyan!" Sabi niya with matching stomp. Nag-attempt ulit yumakap.
Humakbang paurong ang kausap. Nagtaas ng dalawang kamay. "Legit nga mehn! Do I look like your Wendy?" Sagot sa kanya.
Nagtaas ng kilay si Rosie.
"Well..yeah..but..fuck. Teka nga." Sabi ng kausap ni Rosie. Huminga ng malalim. Naglahad ng kamay. "Okay. You can call me Wannie. No worries..but..I'm not your Wannie. Shet. Okay. Just call me Boss Wan."
"Di pa tayo for us to attempt that kind of roleplay, Seungwan." Sagot ni Rosie.
Namula ang kausap niya. "Jesus.." Bulong nito. "The flashbacks.." Nagpahid ng mukha. "Ganto kasi..uhhhh..I feel like ikaw na yung isa sa kinukwento nung iba na wormhole version of ourselves. Uhmmm..I'm not your Wendy..legit. Where I'm from, I'm married to Joy. We have a pet dog named Haetnim, and you..are married to Jisoo. Two kids. Twix and his little sister, an orange Blood Parrot Cichlid named Joohwang, and a dog named Dalgom. Your kids are the cutest things in the planet, inaanak ko pareho."
Umiyak si Rosie. Insta-panic tuloy ang kausap niya.
"Fuck. Ang sakit sa heart na makitang umiiyak ka in any Universe, can you not?" Sabi nito.
"This is a dumb joke. I hate you. Di kita sasagutin! Di pa tayo pero break na agad walanghiya ka!" Sigaw ni Rosie.
May dumating na isa pang tao sa candy aisle. Diretso batok sa kausap ni Rosie. "Bastos ka! Winasak mo pa yata chances nung alternate self mo, yan tayo eh!"
Nilingon ni Rosie. Si Joy pala. Lalo siyang umiyak. "NAKAKAINIS KA, SEUNGWAN! KUNG MAY PA-SURPRISE KA THIS IS NOT A VERY GOOD ONE!!"
"Sira-ulo ka, boss Wan. Luh. Anong gagawin natin?" Tanong ni ate mo Joy.
"Shet..sorry naman. Malay ko ba?" Sabi ni ate mo boss Wan.
Sabay nilang nilapitan si Rosie. Umakbay si ate mo Joy kahit pumiglas si Rosie. Di siya pinawalan. Niyakap lang siya. "Teh. Legit. Na-wormhole ka ulit. Sorz naman sa boss ko. Walang filter yan minsan eh. Libre ka nalang namin ng pagkain tapos paliwanag namin sayo ang ganap. Assuming alternate ka nga ni Chip eh panigurado GG ka sa fuds. Also, Ligaya ang itawag mo sa akin."
------------------------------------------------------------
"My head is spinning." Comment ni Rosie. Nakatitig lang sa dalawang nakaupo sa harapan niya.
"Believe it or not..this wormhole thing is NOT the weirdest shit tropang Itim na Bulbol has experienced since we all met." Sabi ni boss Wan. "Top five tho..I'll give you that."
"Soooo..ex kita sa universe niyo?" Tanong ni Rosie.
Tumango si ate Ligaya. "TOTGA ka niyan." Natatawang comment.
"Maka-TOTGA naman to." Sagot ni boss Wan sa sinabi ni ate Ligaya. "Slight lang." Pabirong dugtong.
"Ayieeeee!"
"What the fuck." Sabi ni Rosie.
"Yung alternate lang neto ni Wanda nakausap ko dati eh. Gotta admit, ang cool na pati ikaw eh nadaanan." Sabi ni ate Ligaya kay Rosie.
"Joy in our universe is a doozy." Sabi ni Rosie. "Uhmm..mas bagay sa version na to yung name?"
Tumawa si ate Ligaya. "OG kasi ako. Imitation lang yung sa inyo. Presyong Divisoria."
"Pang-Greenbelt ka." Biro ni boss Wan.
Nag-hairflip si ate Ligaya. "Duh."
Natawa si Rosie. "This is so weird." Sabi niya.
Ngumiti lang ang dalawa niyang kausap. Tumango si ate Ligaya. Nag-lean sa table palapit kay Rosie. "Lapag mo ang kwento from your POV. Para masaya. Kasi di pwedeng side lang ni College Wanda ang opinion na alam namin."
------------------------------------------------------------
"So what's stopping you?" Tanong ni boss Wan kay Rosie pagkatapos niyang mag-kwento ng talambuhay niya kasama ang bestfriend niya.
"Ha?" Sagot ni Rosie.
"Ako lang ba or parang mas mabilis pick-up time ni Chip kesa sa version niya na to?" Sabi ni ate Ligaya.
"Grabe siya!" Offended na reklamo ni Rosie.
Natawa si boss Wan. "Sorry..point tho."
Umiling si Rosie. Sumubo ng nakahain na Red Velvet cake. "Di ko kasi alam isasagot."
"It's like.." Sabi ni ate Ligaya. "Chip nung ang lala ng confused niya kasi lab niya si Jichu pero lab din niya tong si Wanda. Weakness niyo decisions in any Universe noh?"
"Please don't remind me of how my alternate self ended up with that jackass." Pakiusap ni Rosie.
"Wag ka." Sabi ni boss Wan. "Standard kaya yung Jisoo ng Universe namin. Kung effort lang eh wala nang tatalo dun."
"God tier yung spoiled levels ng buong pamilya niya eh." Comment ni ate Ligaya.
"Hmm." Sabi ni Rosie. "Ours is a piece of trash. Pero..kung pagiging tropa ang usapan..legit yun. Maaasahan."
"Can't have everything." Kibit-balikat na comment ni boss Wan.
"Lampa din ba yung Wendy sa Universe niyo?" Biglang tanong ni ate Ligaya.
Ngumiti si Rosie. "Sobra." Sagot niya. "Tries her hardest to keep up though..which..I love that about her.."
"Ayos tayo diyan. Sagutin mo na. Pag tinawagan ka mamaya."
"Pantanga naman kung online ko gagawin diba?"
"Yun lang ba talaga hesitation mo?" Tanong ni boss Wan.
Napaisip si Rosie. Umiling. "Bestfriend ko yun."
"So?"
"What if it doesn't work out?"
"What if it does?"
"Hmm."
"Lam mo? Kausapin mo siya. Sabihin mo na yun yung pinakamalaking pumipigil sayo." Suggestion ni ate Ligaya.
Uminom si Rosie ng kape. "Di naman pumipigil. Just a cause for thought. Seungwan is too positive about it though." Kwento niya. "Like..I know..na di kami pareho papayag na ma-damage yung friendship namin coz it means a whole lot more to us than being girlfriends kung sakali..pero.."
"Di mo masasabi kapag andun na eh." Tuloy ni boss Wan. Tumatango.
"Yep. Exactly. You can't tell.."
"Ikukulong mo lang ulit sarili mo sa isa nanamang what if." Sabi ni ate Ligaya.
"Why not right? Is it so wrong to be terrified of that possibility?"
"Di naman."
"There."
"Kausapin mo Wendy mo." Sabi ni boss Wan. "I like to think makikinig yun. If there's a slight chance na may pagkakapareho kami."
"Ay for sure." Sabi ni ate Ligaya. "Pareho na kayong lampa eh. What's another similarity?"
"Not sure if I should be offended or nah." Nakakunot noo na sabi ni boss Wan.
Ngumiti nalang si Rosie. Inikot-ikot ang straw ng kape niya. "I like to think..mas mataas yung chances na we can make it work..if that helps..ang ayoko lang naman is that tiny other chance na baka hindi and it ends up messing around everything we built up over twenty odd years of being bestfriends."
"Makes sense." Sabi ni ate Ligaya. "Pero bakit di mo nga sagutin na para malaman mo kahihinatnan?"
"Twenty years mahigit na pala eh. That's a hard thing to ruin." Comment ni boss Wan.
Tumango si Rosie. "It is." Comment niya. "That's trust..and familiarity..and yung security na wala nang mas may kilala pa sayo barring your actual family. And..hindi mahirap ma-fall sa bestfriend ko. I was gone the second she promised na sasaluhin na niya ako..kasi..di naman nangangako yun sakin na hindi niya tinupad."
"Eh bakit nga di mo pa sinasagot?" Tanong ni ate Ligaya.
Inubos ni Rosie ang kape niya. "Who said di ko pa siya sasagutin?" Kinain ang natitirang cake. "Iniintay ko lang kaya na makauwi siya." Nakangiti padin na sabi.
------------------------------------------------------------
Bumuntong-hininga si Wendy. Inayos ang cap, uminom ng hawak na kape.
Tiningnan niya ang wristwatch niya. Mabilis na Math sa utak para ma-figure out ang time difference. Pasok pa naman sa hinahabol na timing pero di padin niya mapigilang hindi kabahan.
Sumandal siya sa upuan. Tamang slouch para mailapag ang ulo at maka-pwesto ng 'higa.' Pumikit siya ng ilang minuto.
Umayos din agad ng upo bilang di naman talaga comfy yung inuupuan niyang waiting chairs.
Dinukot sa bulsa ang cellphone para mag-games pampalipas-oras. Nawili na sa pagtitig sa wallpaper ng phone niya. Nangiti na mag-isa.
May umupo sa tabi ni Wendy. Di niya pinansin.
"Pretty." Sabi ng tumabi kay Wendy. Nakaturo sa phone niya. "Gee-eff mo?" Pahabol na tanong.
Nilingon ni Wendy ang kumausap sa kanya.
Ngumiti ito. Kumaway pa. "I wasn't gonna make usap you except your boarding pass is like, nakakalat sa empty seat next to you and I saw na we're eroplano seatmates." Sabi nito. "Mabuti to make pakilala to each other para naman comfy the whole flight diba?" Naglahad ng kamay kay Wendy. "I'm Krystal. Ikaw?" Masayang pakilala.
Kumurap-kurap si Wendy. "Anukamo?" Di mapigilang comment.
Nag-hairflip si ate mo Krystal. "Haynako. I'm not going to apologize for the way I make usap. Ikaw nalang mag-adjust."
"Uhhh..I'm..Wendy?"
"Di ka sure?"
"I'm Wendy."
"Yown. So ano? Gee-eff mo wallpaper?" Sabi ni ate Krystal. Tinuro ulit ang cellphone ni Wendy.
Umiling si Wendy. "God I WISH she's my girlfriend." Pabulong na sagot. "Soon though..maybe..hopefully..whenever she's ready."
"I have pakiramdam your kwento is a great kwento."
"Uhhh.." Sabi ni Wendy.
Tumingin sa relo si ate mo Krystal. "We're stuck sa tabi ng each other for another fourteen or so hours."
"Ahh..okay?"
Sumenyas si ate Krystal kay Wendy. Ngumiti ulit. "Make kwento. Conyo Jesus will make tulong you after."
------------------------------------------------------------
"So ayun.." Ending ni Wendy sa kwento niya kay ate Krystal.
Nakaupo na silang dalawa sa eroplano. Kakatapos lang ng take-off.
Tumango-tango si ate Krystal. "So your gut feel is she's only not making sagot you yet kasi she's takot na baka it won't work and your friendship will be sira?" Tanong nito.
Tumango din si Wendy. Pumitik pa. "Yes. Kasi..takot din naman ako about the same thing."
"Hmmm..pakiramdam ko there's a but sa sentence mo."
Ngumiti si Wendy. Determinadong tumango. "I'm scared..BUT..not enough to let us miss that shot at the other better possibility."
"Which is?"
"Rosie..is my bestfriend. There's no one in this planet better for me. Like, she just.." Umiling. Saglit na huminga ng malalim para makolekta ang thoughts. "She's a polar opposite..tipong..yung tahimik ko eh ingay niya..the way na lampa ako is yung pagiging sporty, extreme junkie niya. I eat half a serving of rice..and she eats three bowls..ewan..basta. I don't know if you get what I mean..but..yeah. She makes me better."
"Yung wala ka is what she fills up and that's cause for everything to be whole pag kayo na?"
Pumitik si Wendy. Nag-whoop. "YES! EXACTLY!" Sigaw niya. "CONYO JESUS NGA!"
May ilang pasahero ng eroplano na nag-ssh. Namula si Wendy. Lumagok nalang ng tubig na nakapatong sa tray niya.
Tumango ulit si ate Krystal. "Eh bakit now ka lang nagkaroon ng balls para mag-run after her?"
Kibit-balikat si Wendy. "Kasi pwede na ngayon. I told her the same thing. Hindi pwede dati kasi makakasagabal ako sa nagpapasaya sa kanya."
"Kasama in your kwento na her ex-jowa is hella controlling kaya. Tsaka you said she was inlababo sayo at some point nung College kayong two."
"They were happy. At least..when I left they were."
"Hmmm."
"Part of it is also coz naduwag din ako dati. When she said she loved me..Nagpadala ako sa same takot I have now na baka pag sumubok kami tapos di naging maayos.."
"You'd lose your bestfriend?"
"Yup."
"Matagal naman na kamo kayo mag bffs."
Nangiti si Wendy. "Twenty years. "
"See!" Sabi ni ate Krystal. "I'm sure that's sapat na bullets na already to make anything work."
"I hope so."
"It is."
Natahimik sila. Dumating ang food cart. Um-order sila ng pagkain pareho.
Binaba ni ate Krystal ang cellphone niya sa tray. Napansin ni Wendy ang wallpaper. Tinuro. "Loved her book." Comment niya. "Not my usual genre but it's her so I went for it. Lucky you get a selfie with her."
Nilingon ni ate Krystal ang tinutukoy ni Wendy. Tumawa. "That's my ate kaya!"
"Luh?" Sabi ni Wendy. "Ate mo yung author ng 'Shine'?" Gulat na tanong.
Umiling si ate Krystal. "Di noh. I WISH. Coz then that means member ako dapat ng f(x). Kaso my ate Jessica is just this ate who makes utos me all the damn time kasi trip lang niya. I'm actually just making balik from an errand she made me run sa Canada."
"Dahell." Sabi ni Wendy.
"She gets people making hingi her autograph all the time kasi akala nila she's that SNSD member. Funny shit. We laugh about it all the time."
"Kamukha naman kasi talaga." Bulong ni Wendy. Umiiling.
"I suppose. Maybe in another Universe?"
"Probably. I'm sure there's a lot of those." Natatawang comment ni Wendy. Alam na sobrang legit ang possibility.
Tumitig sa kanya si ate Krystal. "Now that I think about it. You have kamukha sa orbit ko."
"Sino naman?" Tanong ni Wendy.
"Yung bestfriend ng ex ko."
"Sino ba ex mo?"
"Si Sluggie." Kumurap si ate Krystal. "Yeh. I kinda miss that Bear. I'll make tawag her when we land para I can hitch some hapunan with her and Irene unnie. Fun the twins and their little girl eh."
------------------------------------------------------------
Tumingin sa wristwatch niya si Wendy. Bumuntong-hininga. Naka-set na ang relo niya sa Local time isang oras bago sila mag-land. Alam na pasok padin siya sa hinahabol na timing pero di padin mapigilang hindi kabahan.
Kinalabit siya ng nakasunod sa kanya na si ate Krystal. "My sundo is already here. Amina your phone para I can punch in my numero. Make tawag me pag kayo na ng bff mo ha! Dinner tayong three. I'd love to meet her."
Natawa si Wendy. Galak na kahit paano eh maayos ang nakatabi niya sa long-haul na flight. Inabot ang dinukot sa bulsa na cellphone.
Mabilis naman na na-punch ni ate Krystal ang number niya sa cellphone ni Wendy. Binalik din agad sa may-ari tapos mabilis na yumakap with matching beso. "I'm going na, alternate Wendy! Make tawag ha!" Paalam nito bago umalis.
Sinilip ni Wendy ang bagong contact niya nang mawala na sa paningin niya ang kotseng sinakyan nito. Tumawa siya.
Saved as 'Conyo Jesus.'
------------------------------------------------------------
Traffic.
"Kabado ako ng malupet." Sabi ni Wendy.
"Baket?" Sabi ni Jisoo.
"Ewan."
"Trip mo mag-yosi? Pakalma."
"Game."
------------------------------------------------------------
"Mom. This isn't my first graduation. You've taken a million photos already!" Exasperated na comment ni Rosie.
Nakatayo kasi siya sa harap ng pinakasikat na landmark ng University niya. Tamang siksik sa iba pang fellow graduates na nagpapakuha para maka-pwesto. Kasama si ate Irene na may tagahawak ng gamit sa katabi nito at out of camera frame na si ate Seulgi.
"Go, Pasta!" Sigaw ni mommy Tiffany. "I know this isn't your first graduation pero we have to replace a few displays sa bahay na we can't use anymore so redo." Paliwanag nito.
"On what?" Bulong ni ate Seulgi kay ate Irene.
"Kalahati nung original grad pics niya eh andun yung ex." Natatawang sagot ni ate Irene.
"Ugh. Don't remind me." Pikon na sabi ni Rosie.
Dumating si mommy Taeyeon. Isa-isang kinalabit ang pamilya. "Tara na at naka-illegal parking ako." Aya niya. Hingal.
Sumama naman ang lahat. Nagpaiwan ng slight si Rosie para magtali ng sapatos.
May kaguluhan sa bandang kaliwa niya. Isang grupo ng mga tao na nang-aasar sa kasama nilang graduate din.
"Hoy tanga! Para kang ewan! Mag-pose ka na dali nang matapos na!" Sigaw ng isang girl sa ate na grumaduate. "Naiinitan si Siopao!"
"Tru. Wala kasing nagdala ng payong namfota." Reklamo ng isang girl na nag-aayos ng suot na sunglasses.
"Luh!" Sigaw ng isang ate na yung bartender naman pala sa pinuntahan ni Rosie nung virtual date nila ni Wendy. "Nawawala na yung asawa ko amputek panigurado eh naghanap na yun ng street food, tanga ka kasi, Yerms! Pakabagal! Maghahanap pa tuloy tayo ng di oras!"
"Nawawala yung adoptive nanay at tatay ko!" Sigaw ng graduate. "Also, kayo kaya yung mabagal! Inaantay na ako ni Jowatsong sa bahay!"
"Nag-aano lang yung sila Boss tsaka Madam sa damuhan, babalik din yun. Dali na solo shots mo muna!" Sigaw ng isang ate girl na nakilala ni Rosie bilang si ate Ligaya.
"Slug is SUCH a pushover." Comment ng katabi ni ate Ligaya na si boss Wan naman pala.
Ngumiti si Rosie. Lumapit. "Yo!" Masayang bati niya sa kumpol ng mga tao.
Nilingon siya. "Ayos! Hello!" Bati ng tatlong nakakakilala sa kanya.
"Yan na asawa mo, Soo." Comment ng graduate. "Pero bakit ka naka-toga, Chip? Anong ganap?"
Tinignan ni Rosie ang kumausap sa kanya. May humila sa laylayan ng toga niya. Napukaw ang attention. Pamangkin niya.
"Luh shit." Sabi ni Rosie. Binuhat. "Nasaan parentals mo, Yerms?" Tanong niya.
"Di ko din alam eh." Sagot ng bagong graduate. "Baka tama si Ligaya at naga-ano lang somewhere. Malantod yung dalawang yun eh."
"Hu dat, tita Wosie?" Comment ng batang buhat ni Rosie.
Natawa ang magkakaibigan.
Naunang magsalita ang isang ate na natawag na Siopao kanina lang. "Alternate Yerms is the cutest, holyshit!"
"Ay fuki." Sabi ng bagong graduate. Hinubad ang suot na graduation cap. "Pinanganak ako ng legit ni Madam."
Naliwanagan naman si Rosie. Para kasing slightly grown version lang ng pamangkin niya.
"Wow..Wormhole." Sabi ni Yeri. Yung pamangkin ni Rosie. Hindi yung graduate.
"I know." Nakangiting comment ng isa pang ate na lumapit naman kay Rosie tapos ngumiti.
"Lisa! Kala ko nasa Europe kayo ni Jennie?" Tanong ni Rosie.
"Wormhole. Call me Cardo." Sagot sa kanya. Tinuro ang kaibigan na bagong graduate na nakanganga lang sa mga ganap. "T1 nalang itawag mo dun sa isang yun."
Napapitik si Rosie. "Ah! Na-kwento kayo sakin nila ate Ligaya tsaka boss Wan! NICE." Nakangiti niyang sabi. "I guess I met the whole squad now."
"Tropang Itim na Bulbol. Yep." Sabi ni ate Siopao.
May biglang humablot sa batang buhat ni Rosie. Nagsilingunan silang mga nag-uusap.
"Mygod, Yerms!" Sigaw ng ate pala ni Rosie. "What did your Mama and I tell you NOT to do?"
"Uhhh.." Sagot ni Yeri.
Hulas na dumating si ate Seulgi. Bitbit padin ang bag ni ate Irene, bag ni Yeri, bag ni Rosie, bag niya na sarili. "Yung..anak..ko." Mahinang comment. Umupo.
"Sowy mommy!" Sabi ni Yeri kay ate Irene. Yumakap ng mahigpit.
Tumang-tango lang si ate Irene. "Don't make us run like that anymore okay? Di kaya ng Mama mo. You know her."
Tumango nadin si Yeri. "Okay, mommy!" Tinuro si bagong graduate na si T1. "Look! Das me."
Lumingon si ate Irene sa tinutukoy ni Yeri. Suminghap. "Luh."
"Legit nga the wormhole theory." Sabi ni ate Seulgi. Bumulagta.
"Ay. Di nakuha ni alternate Seulgi yung stamina nung original." Comment ni boss Wan. Nag fist pump. "Good one, Universe!" Sigaw sa langit. "Thank you!"
"Legit ba the stamina nung Slug sa Universe niyo?" Pang-asar na tanong ni ate Irene.
"Gurl!" Sigaw ni ate Ligaya. "Oo. AS IN. Yung alternate mo na yung nagta-tap out."
"God tier." Comment ni ate niyo Cardo. Natatawa. "Haliparot pa si Madam sa lagay na yun ha! Says a lot."
"So..I still end up with Irene in your Universe?" Tanong ng naka-recover at nakatayo na sa tabi ni ate Irene na si ate Seulgi.
"Yep." Sagot ni boss Wan. "Three kids. Yung kambal na saging and their little sister. Inaanak ko din lahat."
"Well..technically..ampon kami lahat nung dalawang yun." Sabi ni Cardo. "Mahabang kwento. Daming chapters. Tapos na but not really."
"Anak padin pala natin si Yerms eh." Biro ni ate Irene kay ate Seulgi. "Keri na."
"Knew you're the one from the get-go." Sagot ni ate Seulgi. May sweet na halik sa noo ng asawa.
Kinilig silang lahat na nanunuod.
"Sana all kayang halikan sa noo yung bestfriend." Comment ni Rosie.
"Etong Yerms namin eh dimunyung isinuka ng impyerno though.." Sabi ni ate Ligaya kila ate Irene at ate Seulgi. "Mabait ng di hamak yung Yerms niyo. Cute pa."
"Grabe kayo sakin!" Sigaw ni alternate Yeri na tawagin nalang talaga natin na T1.
"Saan ka grumaduate?" Tanong ni ate Seulgi kay T1.
"Med school. Alternate Chip? Ka-batch pala kita. Ayos!" Sagot ni T1.
"Law." Sagot ni Rosie. Nakangiti.
"What's med school? I want that." Comment ni Yeri.
Ngumiti si T1. Nilapitan ang bata tapos tinapik sa noo. "Mahaba-haba pa yung tatakbuhin mo alternate self." Sabi niya. "Sana eh..makahanap kadin ng mga kaibigan na katulad ng tropang Itim na Bulbol..tsaka ng jowatsong na katulad ng sakin."
------------------------------------------------------------
"Kaya mo na ba?" Tanong ni Jisoo kay Wendy.
Nakaparada sila sa parking ng isang restaurant. Katabi ng minivan ng pamilya ng bestfriend nila.
"Di pa." Sagot ni Wendy.
Tumingin sa relo niya sa Jisoo. Dumukot sa bulsa ng hoodie para sa yosi at nagsindi ng isa. "Hate to break it you bruh, pero may appointment pa ako." Sabi niya.
"Ano naman?"
"Wala ka na dun."
"Parang di tropa eh."
"Pakyu."
"Game na mehn. Usap nalang palit sa tulay mo samin ni Rosie." Yakag ni Wendy.
Humithit si Jisoo. "Pota. Nahulog ako. Mygahd." Umiling. "Jinowa ko si SooJoo, pang-limang date namin. Oks ka na?"
"YUN OH! I OWE ROSIE A HUNDRED BUCKS!" Masayang sigaw ni Wendy.
"Tangina niyo?!" Sagot ni Jisoo.
"Pumusta yun na mahuhulog ka sa nilalandi mo kaya sa kanya ka magalit wag sakin. I bet on the opposite." Paliwanag ni Wendy.
"Pukingina." Sabi ni Jisoo. "Sumbong kita kay Roseanne na nilaglag mo siya."
"Go ahead."
"Wag ka sanang sagutin."
"Wag sana kayo magtagal ng jowa mo."
"Titirik yung barko niyo ni Roseanne." Banta ni Jisoo.
"Tsong. Nakauwi na ako. Putangina ng lahat. Wala nang pipigil." Nakangiti na sagot ni Wendy. Tumango tapos bumaba ng kotse.