
TWENTY-ONE
"Graduation mo nakasimangot ka." Sabi ni ate Irene kay Rosie.
Kibit-balikat ang sagot. "Seungwan's not picking up any of my skype calls." Malungkot na balita niya.
"Baka nagpe-prep." Sabi ni ate Seulgi. Sinusubuan ng pagkain si Yeri. "Diba graduation din nun today?"
"Not until the morning." Sagot ni Rosie.
"Cheer up, Pasta." Nakangiting sabi ni mommy Tiffany.
"We have a feeling may reason kung bakit di sumasagot yung bestfriend mo." Sabi ni mommy Taeyeon.
"What else is a good reason? Kahit tulog yun eh gumigising just to pick up within thirty seconds." Nakasimangot at nakatitig sa cellphone na sabi ni Rosie.
"Sana all. Si Slug eh inaabot ng tatlong araw bago magreply sa text or mag call back." Comment ni ate Irene.
"Take it to the judge, Bun." Sagot ni ate Seulgi. "Pipirma ako GG lang."
"Game na?"
"Game na."
"Weekends ka kay Yerms."
"G lang. Basta buong linggo sayo."
"Luh may magdi-divorce pa yata." Biro ni mommy Taeyeon.
"Yan tayo eh." Asar ni mommy Tiffany.
Nag-apir sila ate Irene tsaka ate Seulgi.
"Buti nalang walang pre-nup!" Sigaw nila ng sabay. Tumatawa.
"Para kayong ewan." Sabi ni Rosie.
"Ginayuma lang ako niyan ng ate mo eh." Sabi ni ate Seulgi. "Tsk. Wala nang mas kokorni pa pag jinowa mo the bestfriend. Para lang kayong mag-tropa who are committed to only having sex with each other for forever." Pabiro padin na dugtong.
"How cynical." Sabi ni ate Irene kay ate Seulgi. Nakangiti. "You say that after one child together, as if di mo na-enjoy nung ginagawa natin yang si Yerms."
"Ang bastus."
Tumawa sila lahat sa lamesa.
Tumingin si mommy Taeyeon sa cellphone nito. Tumango. "May pahabol na guest. Ays lang ba sa bagong graduate?" Tanong niya.
"Dear god, Mommy." Sabi ni Rosie kay mommy Tiffany. "Please tell me you did not invite half the freakin' planet again."
"This is a family gathering!" Sagot ni mommy Tiffany. "Why would I invite someone else? Baka si Taengoo!"
"Hoy di kaya!" Sagot naman ni mommy Taeyeon nang malipat ang attention sa kanya ng lahat. "Guest invited themselves. Kakatext nga lang eh. Andito na daw siya."
"Shoulda just gone and got wasted with Jisoo." Sabi ni Rosie. Umiiling. "Eto nanaman po tayo sa pakikibagay sa mga taong di ko naman kilala."
"Uy!" Biglang sabi ni ate Irene sa isang tao sa likod ni Rosie.
"Aba ayos tayo diyan!" Sigaw ni ate Seulgi. "Sabi ko na eh!"
Tumawa ang parents ni Rosie. May tumapik sa balikat niya kaya siya napalingon.
Diretso sa ngiti ng bestfriend niya.
"Yo." Bati ni Wendy. Jazz hands style. "Soup prize, besfran!"
Tumapon kay Yeri yung mangkok ng soup na natabig ni Rosie dahil sa bilis ng tayo niya para makayakap kay Wendy.
Binuhat lang siya tapos inikot gaya ng ginawa nung unang graduation niya.
Siniksik nalang ni Rosie ang sarili sa leeg ni Wendy nang maibaba siya.
"I missed you, besfran." Sabi ni Wendy.
"Kaya pala di ka sumasagot." Sabi ni Rosie.
"Di ka din sumasagot eh." Biro ni Wendy.
"Lapit na."
"Within thirty seconds?"
"Not here, Seungwan."
"I'll take you anywhere you want to answer then."
"After this?"
"After this."
"AYIIIIEEEEEEEEEE ANG SWEET!!" Sigaw ni Mommy Tiffany.
Tumawa sila Wendy at Rosie. Umupo na sa table. Magkatabi gaya ng usual na pwesto.
Ang tanging bago lang ay ang magkahawak nilang kamay sa ilalim ng lamesa.
------------------------------------------------------------
"Literally perfect for each other." Sabi ni ate Irene.
"Kung ano yung ikina-sweet ni Rosie." Comment ni ate Seulgi. "Yun naman yung ikina-G nung ate sa bardagulan." Umiiling pero nakangiti na tuloy lang sa paga-alaga kay Yeri.
"May reklamo ka ba?!" Sigaw ni ate Irene.
Nagtaas ng dalawang kamay si ate Seulgi. "Wala grabe siya. Mahal na mahal ko nga feels ng pagiging under sayo eh. Oyeah. Labyu!" Sagot ni ate Seulgi.
"Pag sinubukan namin ni Fany yang ginagawa niyo eh magkakalat lang kami sa lamesa." Entry ni mommy Taeyeon.
"I think it's cute. About time you two upgraded titles." Sabi ni mommy Tiffany.
Magkahawak padin kasi sila Rosie at Wendy ng kamay. Advantage ng malala na magkaiba ng dominant hand kaya payapang nakakakain pareho.
"Inggit lang kayo." Banat ni Rosie.
"Sagutin mo na ako." Comment ni Wendy. "Para lalo sila mainggit."
"Mamaya na nga! Ang kulit ng pwet mo eh!"
"Pakatagal. Excited na ako!!"
"Maghintay ka."
"Nubayan."
------------------------------------------------------------
"Di pwedeng uwi mo lang yung surprise." Sabi ni mommy Taeyeon kay Wendy.
"Anak ka nila Yoona tsaka Seobb. Impossible you don't have something else planned." Sabi naman ni mommy Tiffany.
Ngumiti si Wendy. Tinaas ang kamay ni Rosie na hawak niya padin. "Papaalam ko po tong si Rothie for later actually. Kasi..yes. I do have a date planned."
"First date 2.0? Ayos tayo diyan." Sabi ni ate Seulgi.
"Sana all dine-date." Comment ni ate Irene.
"Babysit niyo si Yerms ulit sa Sabado?" Biglang tanong ni ate Seulgi kila Wendy at Rosie. "Iso-SOGO ko lang ulit asawa ko nang matahimik."
"Apakabastos ng bunganga mo bakit ka ganyan?!" Reklamo ni ate Irene kay ate Seulgi na tinawanan lang siya lalo na nang makitang tumango sila Wendy at Rosie.
------------------------------------------------------------
Bumulagta si Rosie sa kama niya. Binilang ang nakadikit na glow in the dark stars sa ceiling ng kwarto niya sa bahay ng parentals.
Saglit na inisip kung ano ang ginagawa ng kasama niyang magdikit ng lahat ng yun.
Kinapa niya ang cellphone para tawagan. Sagot in thirty seconds.
"Heeeeeeeeey!"
"Kala ko ba ide-date mo ako?" Tanong ni Rosie.
"Oo nga." Sagot ni Wendy.
"Why am I in my parent's house then?"
"Kasi nagpapa-pogi pa ako?"
"Para kang gago. For what?"
"Wala lang. Para malaglag panty mo?"
"Bastos!" Natatawang sagot ni Rosie. "Bastos ka. I don't have sex on the first date, Seungwan."
"Technically..this is our second date."
"Legit ka talaga noh? Ano ba talaga tinapos mo sa Canada? Master of Math with a minor in Landi?"
Natawa si Wendy. "Ui grabe siya!" Offended na sagot. "Di kaya! Major subject yung landi."
"Mhmm. Paguusapan natin yan mamaya."
"Oof. Di pa tayo pero doghouse na agad ako."
"Bestfriend style usap?" Offer ni Rosie.
"Bawal gamitin for future arguments ha!" Sagot ni Wendy.
"I'm not that petty."
"Course you aren't. Mhmm."
"Dalian mo pagpapa-pogi diyan! Pakabagal kumilos eh."
"Oo na po, Kamahalan."
Natahimik sila. Nagpadala ng facetime request si Rosie na in-accept agad ng bestfriend niya.
"Di ako matatapos pag andyan ka." Sabi ni Wendy.
"Mabilis lang." Sabi ni Rosie. "I want to see your face when I say what I want to say."
Ngumiti si Wendy. "Okay..tell me then."
Ngumiti nadin si Rosie. "Matagal nang nalaglag panty ko sayo."
Binaba ni Wendy ang tawag. Tumawa nalang si Rosie.
------------------------------------------------------------
Ten minutes ang layo ng bahay nila Wendy mula sa bahay nila Rosie.
Kinaya niyang takbuhin in five.
Di na niya pinansin ang gulat na itsurahan ng nagbukas ng pintuan na inulan niya ng katok.
------------------------------------------------------------
Si Wendy yung tumakbo pero hingal nadin si Rosie.
May kasama pang hilo.
------------------------------------------------------------
Dalawang tapik sa balikat ni Wendy bago siya mahinang tinulak palayo ni Rosie.
Nag-push up siya. Saglit na nawala ulit sa wisyo nang makita ang itsura ng nasa ilalim niya.
Balik lang sila sa unang ginagawa.
------------------------------------------------------------
"Holyshit." Bulong ni Rosie. "I REALLY regret not going for it dati."
"Samedt." Sagot ni Wendy.
"Goddamn. It's been a while.."
"Could have been making out a long time ago..shit. Ang boplaks natin dati mygahd."
"Ugh. I KNOW."
------------------------------------------------------------
"We gotta stop." Sabi ni Wendy.
"Mhmm. Di pa tayo and you're halfway through second base already." Sabi ni Rosie.
Bumangon na ng maayos si Wendy. Umupo sa paanan ng kama ni Rosie.
Saks na distance sa isa't-isa.
Tumango si Rosie. Tumango si Wendy.
"I'd say sorry but.." Sabi ni Wendy.
"Don't." Sagot ni Rosie. Inayos ang gulo-gulong buhok, ibinaba ulit ang nakataas na t-shirt.
"I..mukha na akong nagkasala." Sabi ni Wendy. Tumingin sa sarili.
"Samedt." Sagot ni Rosie.
"Sabi ko papapogi ako eh. Litse ka."
"Luh? Ako pa talaga sinisi mo eh ikaw yung tumakbo dito para lang manghalik ng di mo jowa!"
Tumingin sa wristwatch niya si Wendy. Natatawang umiling tapos tumayo. Naglahad ng kamay kay Rosie. "Tara na nga at mag-date!" Aya niya.
Hinawakan ni Rosie ang kamay ni Wendy. Nagpahila na hanggang magkatabi na sila ng tayo.
"Anong trip natin tonight?" Tanong ni Rosie.
"Secret." May pakindat na sagot ni Wendy.
"Walang clue?"
Nag-isip saglit si Wendy. "Ayos na itsura natin. Madudumihan din naman." Tanging sagot.
------------------------------------------------------------
"Paintball." Mangha na sabi ni Rosie nang makababa siya ng kotse.
Ngumiti ang nagbukas ng pintuan para sa kanya.
"Paintball." Sabi ni Wendy. "Fun."
"Are we on different teams?"
"One on one."
"NICE!"
Lumakad sila papunta sa front desk. Dumaan sa lahat ng process bago ang main event. Safety training (di sila pareho nakinig), how to use the paintball guns (full focus silang mag-bestfriend), layout ng play area, rules of the game.
Tumango si Rosie habang hinihigpitan ang suot na helmet. Tinuro si Wendy. "When I'm done with you..You'll be pinker than the pinkest thing in all of Mommy Tiffany's things." Banta niya.
Tumawa lang si Wendy. Tinutok kay Rosie ang hawak na paintball gun, nag-mime na pinull ang trigger. "Tsaka mo na sabihin yan after mo malaman kung ano talaga yung lasa ng color Blue." Sagot nito.
Nagtinginan sila nang matapos maiayos ang mga sarili sa lahat ng gear.
"This is war, Rothie." Sabi ni Wendy.
"Walang bestfriend bestfriend, Theungwan." Sagot ni Rosie.
"Kalimutan mo munang nililigawan kita."
"Pag natalo ako di kita sasagutin."
"Napaka-putangina ng condition!"
"Joke lang gags to." Natatawang sabi ni Rosie. "You're an excellent kisser, besfran. I'm not letting myself not have any more of that."
"Better not." Sagot ni Wendy.
Tumango sila sa isa't-isa. Pumasok na sa 'arena.'
Tumigil sa bukana ng malawak na play area.
"With that said.." Sabi ni Rosie.
"Thirty seconds headstart tapos magkalimutan na tayo for about two hours?" Sabi ni Wendy.
"Game."
"Game."
Tumakbo sila in two different directions. Huminto bago tuluyang hindi magkakitaan tapos hinarap ang isa't-isa.
"Psst. Rothie." Tawag ni Wendy.
"Yeh, Theungwan?" Sagot ni Rosie.
"I love you."
"I love you too."
"Besfran?"
"Besfran."
"Two hours?"
"Two hours."
"Last time I'm allowing you to run away from me."
"Last time I will."
"See you?"
"See you."
"Besfran?"
"Besfran. Girlfriend maybe..at the end of the night?"
"Can't wait."
Sabay nilang tinutok ang mga baril sa kaharap. Sabay din na kinalabit ang trigger, sabay na nagka-splatter ng pintura sa suot na vest.
Blue kay Rosie. Pink kay Wendy.
"Oh fuck you!" Galit na sigaw ni Rosie.
"GG na, tangina mo! Daming ebas! Goodluck!" Sigaw ni Wendy bago tumakbo palayo para magtago.
"Goodluck din sayo hayop ka!" Sagot ni Rosie.
------------------------------------------------------------
"Yun oh!" Trashtalk ni Rosie sa nabaril niya. Nag-miss yung actual shot pero nadaplisan ng malupit na splatter sa helmet si Wendy.
"Putangina di ako makakita!" Reklamo ni Wendy.
"Talo ka na, gags." Asar ni Rosie. Inubos na lahat ng 'bullets' sa bestfriend niyang paikot-ikot nalang sa tinatayuan.
Tinanggal ni Wendy ang helmet tapos pikon na binalibag.
Natatawang lumapit si Rosie. Hinablot siya ni Wendy tapos niyakap. Binulungan. "I get to be yours by the end of this night. Talo man sa paintball..panalo padin sa life."
Hinataw ni Rosie ng baril sa balikat si Wendy. "Wag kang ganyan!" Reklamo niya.
"Kinilig nanaman amputspa." Sabi ni Wendy. Tumatawa. "Sayo lang gumagana linyahan ko."
"Ako lang yung tanga eh."
"Labyu besfran."
"Mhmm. Labyu too."
------------------------------------------------------------
"Nagugutom ako." Comment ni Rosie. Kinakalikot ang radyo ng sasakyan.
"Wala sa schedule ko dinner pero pweds naman isingit." Sagot ni Wendy. "Anong trip mo?"
Pinindot ni Rosie ang USB option sa radyo ng kotse ni Wendy. Kibit-balikat. "Keri na kahit hindi kung makakagulo sa plans mo."
"Plans are mere guides for us. Follow through optional."
"Suzy hat-"
"I'm NOT Suzy. The last thing I want you to feel around me is uncomfortable just coz you want something."
"Hmm.."
"Look, Rosie..I know..that there are some damage that ran deeper than others. I just hope..you'd know that even if there's something more for us..bestfriend mo padin ako. I'm here to fix everything that needs fixing..para you can be yourself again. Para..you can run around all free again. Di yung lagi kang naghe-hesitate at every turn."
"I'm sorry you have to do that."
Kibit-balikat si Wendy. "Di ikaw ang dapat humihingi ng pasensya. Pero wag na natin isipin yung bakit. Mase-stress lang tayo. It happened..and it sucks ass. But we're here now.."
"All set to make everything fun again?"
"What else is there to do for Rothie and Theungwan? Fun is the backbone of this friendship."
"Ays lang if fun becomes the backbone of the relationship?"
"Why not?"
"Hmm."
Saktong stoplight. Hinawakan ni Wendy ang kamay ni Rosie na nagpipindot parin sa radyo. Inilapit sa labi tapos hinalikan. "Game na. Can't let you go hungry on my watch. Protein?" Tanong ni Wendy.
Ngumiti si Rosie. Di na tinago ang kilig. Sumagot. "Chicken?"
"Cool..Rice or nah?"
"Rice please."
"Noted. Fast food or fancy?"
"What do you think?"
"Fancy? This is a date after all.."
"KKB? Para fair."
"I can roll with that..Dessert?"
"Kinda want macaroons.."
"Okay. Asian or nah?"
"I love you."
Lumingon si Wendy kay Rosie. Ngumiti.
Kita sa liwanag ng streetlights sa labas ang kislap ng mata. Hinalikan ulit ang hawak padin na kamay ni Rosie. "I love you too.."
------------------------------------------------------------
"Fancy daw." Natatawang comment ni Rosie.
Nakaupo sila sa isang table sa Mcdo. Tamang prepare ng orders na 2PC McChicken with rice.
Nilapag ni Wendy sa harap ni Rosie ang plato ng unwrapped na kanin at nahimay na thigh part ng chicken. Trade para sa inaayos padin ni Rosie na order. Usual gawain pero may halo ng kilig sa part nila pareho.
"Wala akong trabaho." Sagot ni Wendy. Kumindat.
"Ugh. What a deadbeat. I'm dating my deadbeat bestfriend."
"I know right? Yung KKB nato would set me back for a month. Why do you have to order extra rice and gravy and then put it on my tab?"
"Kasalanan ko pang nalimutan ko?"
"Tagal tagal sa pila di naisip yun eh parati naman niyang ginagawa."
"Pakyu."
"Kumain ka na lang."
Tumawa sila. Nagsimula na ngang kumain.
Nagtanong si Rosie habang binubuksan ang wrap ng extra rice. "Canada. Major in Landi. Elaborate."
Nabilaukan si Wendy sa iniinom na Coke. Matagal bago sumagot. Binato lang siya ng tissue ni Rosie para pamunas.
"Dali na, Seungwan!" Yakag ni Rosie.
"Uhhh.." Nagpunas ng mukha si Wendy. Sinawsaw ang pinapapak na chicken sa gravy ni Rosie. "Wala naman yun."
"Lul. Weh?"
"Oo nga! Not a lot..just..pag nahihila lang ng classmates. I went for that phase kasi I figured why not?"
"Didja have fun?"
"The ladies..though fun..were not you."
"Wag mo ko idaan sa ganyan, gago ka. Usapang bestfriend to."
"Nubayan."
"Look..I'm not mad. Ginawa ko din yan back in college. Don't have a leg to stand on."
"Yeah but yours was different. You went full alcoholic. I fucked around."
"Nice one."
"I realize that was a blunt way to put it..tangina.." Sabi ni Wendy. Uminom na lang ulit ng Coke.
Natawa si Rosie. "Ayos lang yan, Seungwan." Sabi niya. "Did you at least learn something from it?"
Tumango-tango si Wendy. "Yep." Nagsawsaw ulit ng chicken. Kumain tapos kumindat ng malunok ang nasa bibig. "Learned a lot of neat tricks I'm DYING to try out."
Namukol ulit si Rosie. Yung takip naman ng gravy. Tumawa sa offended na splutter ni Wendy nang kumalat ang gravy sa suot na puting t-shirt.
"Bastos ka!" Reklamo ni Wendy.
"Lul. Ikaw bastos dito eh. Seryosong tanungan napaka-harot." Banat ni Rosie.
"Kainis." Sinimulang punasan ni Wendy ang kalat sa damit. Bumuntong-hininga. "Keri na lang din. I'm trying to be more honest around you. So naka-shut off lahat ng filters ko."
"Mhhm. Answer my question properly, Seungwan."
Ibinaba ni Wendy ang pinamunas na tissue sa lamesa. Nag-angat ng tingin para sa maximum eye contact. "I learned..that whatever I do..sayo padin ang bagsak ko. I learned..that kahit anong attempt ko na tumakbo..babalik at babalik padin ako sa wala na akong makikita at mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa bestfriend ko. I learned..na kahit late..I can still catch up..if she lets me catch up..kasi..she always meets me right in the middle where she always is."
"Like I have a choice." Biro ni Rosie. Failed effort para itago ang kilig.
"You always have a choice, Rosie." Sabi ni Wendy. "I'm just here hoping you'd go for the bestfriend choice this time."
"I already did, Seungwan."
"Then I'm all for making you feel like that's the best choice you'd ever make in this lifetime."
"Di pa kita sinasagot ha.."
"Somewhere fitting?"
"Yup."
"Okay. Pero lika na muna. I still have another thing planned for tonight."
------------------------------------------------------------
"Why do most Filipino rom-coms have the same plot?" Pabulong na tanong ni Wendy kay Rosie.
Nasa sinehan sila. Tamang hanap ng pinaka less viewed na pelikula based sa kung ilang tao ang pumasok sa loob ng screening area nung nakatayo sila sa harap ng ticket booth.
Kumain ng popcorn si Rosie mula sa malaking tub na nakapatong sa armrest na nakagitna sa kanila. Kibit-balikat. "Ewan. Anong plot ba ibig mong sabihin?"
"Yung plot na guy is an asshole, ate girl is goody two shoes slash damsel in distress, tapos guy meets the girl and then may mafi-feel si kuya pero pa-cool siya kaya ang way niya to show affection is to be even more of an asshole kay ate na for some inexplicable reason falls for him anyway. What the fuck. The red flags bruh."
Natawa si Rosie. "Makasalita ka about red flags di mo naman napansin yung lahat ng ganun na dala ni Joy."
"Napansin mo yung kay Suzy?"
"Nakatago lahat nung kay Suzy eh. Inside one of her dumb file cabinets."
Natawa silang dalawa. Tuloy lang sa panunuod.
Umiling si Rosie nang matapos ang palabas. "This one was exactly like how you described it. Amazing. If that was real life, they'd break up after a bit."
"Probs. Imagine having every single irl love story play out like that..damn son. We'd all be SO unhappy."
"I know right? Mygahd. If real life works that way, I'd probably end up with Jisoo kung annoying S.O lang ang hanap."
Tumawa nanaman sila. Nagpe-play na ang end credits.
"Minsan trip ko mag-stay hanggang sa dulo ng end credits." Sabi ni Wendy.
"Samedt."
"Baka ipakita yung future nila eh. How sad it became."
"We both kinda lived through that though.."
"Tru..pero oks na ngayon diba?"
"I'm better than when it was happening and right after it did. That's for sure."
"Samedt..I'm glad we're slowly getting the old Rosie back."
"Slowly. Ayos lang sayo mabagal?" Tanong ni Rosie.
"Yep!" Walang patumpik-tumpik na sagot ni Wendy. "The important part is you're moving."
Tumango si Rosie. Tumayo na mula sa upuan tapos naglahad ng kamay kay Wendy.
Wala nang tao sa sinehan. Kinuha ni Wendy ang kamay ni Rosie. Nagpahila hanggang magkatabi na sila ng tayo.
"Thanks for being my bestfriend, Seungwan." Nakayuko na bulong ni Rosie.
"There's one other thing I'd love to be..pero you're welcome for the bestfriend thing. I'll always be that. No problem."
"Switch modes nalang from time to time?"
"Yeah why not? That's gonna be our advantage."
"I..love you. Like..a lot."
"Love you too, Rosie. A lot, a lot."
------------------------------------------------------------
Naglalakad sila sa parking ng mall papunta sa kotse ng may tumawag kay Rosie.
Lumingon siya.
Nag-huff si Wendy. "Parang kabute. JUST when it was getting good. This person always shows up." Pikon na bulong.
Natawa si Rosie. Tamang squeeze nalang ng kamay ni Wendy na hawak niya bago humarap sa lumalapit sa kanila.
"You're too nice." Reklamo ni Wendy.
"Shh, Seungwan..relax..I'm yours." Sabi ni Rosie.
Kumaway si Suzy nang makatayo na sa harap ng mag bestfriend. "I'm so glad I ran into you. Had a feeling you've been avoiding me." Bati kay Rosie.
"Gee, I wonder why.." Sabi ni Wendy.
Tumingin si Suzy kay Wendy. Ngumiti. "Hey, Wendy! Didn't know you got back home already. OFW life not cutting it for you?"
"OFWhat?! I was in Canada to study!" Offended na sagot ni Wendy.
"We're you? I didn't even know that was a thing."
"You weren't entitled to know."
"I suppose." Tuma-tango na sabi ni Suzy. Humarap ulit kay Rosie. "Labas tayo. Tomorrow? I found another restaurant we can turn into our usual." Aya niya.
"I'm not available, Suzy." Malumanay na sagot ni Rosie.
"Why not? Di ka naman na student. You graduated today right? Congrats on that by the way, if you need a boost sa credentials mo for work, I can help out."
"Uhh..di na kailangan..I still have boards to prep for."
"More studying. Damn. Sayang oras di ka naman kumikita. By the time you're done, you have nothing to show for it."
"That statement just made me want to go for a doctorate just so I can spite you." Comment ni Wendy kay Suzy.
Natawa si Rosie. "Para kang gago, Wendy." Half-assed na saway niya.
"Can't deny I have a point though." Sagot ni Suzy. "Titles like Lawyer and M.A or P.h.D are just titles. Better to have something like being a seasoned executive para at least you have the money to flex."
"So Doctors are meh to you huh?" Sabi ni Rosie. "God, I hope you don't get sick."
"Nice to know you still care." Sagot ni Suzy.
"See, Rothie?" Sabi ni Wendy. "This is what happens if you don't bother to keep learning. Di mo makikita yung sarcasm, probs won't even know what that word means pero at least mayaman ka!"
Sinapak ni Rosie sa balikat si Wendy dala ng natawa nanaman siya ng malala. "Sira ka talaga! Hanap gulo eh!"
"Another one of those cool things I learned when I was in Canada." Pakindat na sagot ni Wendy.
Kumunot ang noo ni Suzy nang makita ang magkahawak na kamay ng mga kausap. "Do you two usually do that?" Tanong niya. Nakaturo sa tinutukoy.
Tumingin din sila Rosie at Wendy. Di nagbitaw, sabay na kibit-balikat.
"Oh this?" Sabi ni Rosie. Tinaas ang mga kamay nila. "Recent development that's kind of also not pero pweds na."
"Oh really?" Natawa si Suzy. Umiling. "This is why you kept rejecting me?"
"Not like I didn't tell you. I remember specifically telling you the first time you randomly showed up sa labas ng school while I was eating some fishball with Chanyeol, who nearly punched you by the way, stop being so fucking entitled, that I was spoken for. Don't pin this on me. Ikaw yung makulit. Para na akong sirang plaka na paulit-ulit sayo, pati si Jisoo lahat ng paraan ginawa na ayaw mo lang makinig."
"What's there to gain by dating your bestfriend?" Tanong ni Suzy.
"A fuck ton of things I haven't gained dating you. That's for sure."
"Hmm." Umiling si Suzy. "You'll regret this soon, I think. Ayos na tayo eh. Barring that one mistake. We were good. Eventually you'd see that. Might be too late and by then you'd have nothing."
Di nagpe-pay attention si Rosie sa sinabi ni Suzy. Nakatingin na kasi siya sa namumula na bestfriend niya. "Seungwan? You're vibrating." Bulong niya.
"Am I?" Garalgal na boses na sagot ni Wendy.
"I don't know what else I should be doing para makita mo na you're lucky I'm letting you get back together with me, Rosie." Sabi ni Suzy. "I have a lot to offer. You get to keep your bestfriend din naman. Not like I stopped you when it came to that."
"Seungwan?" Tawag ulit ni Rosie.
"Pay attention." Utos ni Suzy. "That's always been one of your weirdest habits. I keep reminding you about that. Nakakabastos."
Tumango si Wendy. Gets agad ni Rosie. Bumitaw siya sa hawak niya sa kamay ng bestfriend niya na mabilis naman na sumugod kay Suzy tapos nagpakawala ng sapak.
Direct hit. Insta-luhod ang tinamaan.
"Motherfucker!" Sigaw ni Wendy. Pinapagpag ang kamao. "That hurt pero wow..that also felt good!"
Natawa si Rosie. "Ayos ka na?" Tanong niya kay Wendy.
"Yep."
"Nice."
Tumayo si Suzy. Pikon. Dumukot ng panyo mula sa suot na business blazer tapos pinamunas sa dugo ng pumutok na labi. "Is this the kind of thing you've been getting up to since we broke up? God, you've sunk so low!" Sigaw niya.
May blur mula sa kaliwa ni Suzy. Napaluhod siya ulit kasi sinapak din siya nung blur. Napalakas pa yata kasi insta-tulog na ang outcome.
Napatili pa si Rosie sa gulat.
"Where the fuck did you even come from?!" Tanong ni Wendy sa bagong salta.
Kibit-balikat. Tumuro sa bandang pinang-galingan kung saan may babaeng nakatayo sa may entrance ng mall na kumakaway sa kanilang tatlo.
"Kakain sana kami sa Bonchon ni SooJoo." Sagot ng bagong salta na si Jisoo naman pala. "Nakita na namin kayong tatlo kanina pa so tamang eavesdrop para masaya. Ang tanga nung mga pinagsasabi neto ni Suzy, di na ako dapat tatalon kaso napikon nadin ako. Ten? Thirty seconds difference sa sapak ni Wendy pero oks na right?"
"Baka idemanda tayo nung ex ni Rothie." Sabi ni Wendy. Iling-tawa na nakaturo sa bestfriend niyang hinihila yung tulog na body nung ex nito papunta sa sidewalk.
Kita pa nila Jisoo at Wendy na nagpagpag ng dalawang kamay si Rosie nang mai-deposit na sa tabi ng basurahan si Suzy. Pahabol na mahinang sipa sa legs tapos bumalik na sa tabi ni Wendy.
"Bilisan mo na pumasa sa boards, Roseanne." Sabi ni Jisoo. "Pro-bono nalang kami ni Wendy ha!"
"That doesn't give you a free pass to go ape-shit, Jisoo." Deadpan na sagot ni Rosie. Kinuha na ulit ang isang kamay ni Wendy.
"Jowa keeps me in check..boss na boss eh. Hot."
"Mhhm."
"Naka-date kayo?"
"Yep."
"Ayos. Una na ako. Enjoy sa inyong dalawa. Di nalang ako uuwi sa condo ngayong gabi para tatlo tayong payapa na makakapag-ano."
"Tangina mo." Paalam nila Wendy at Rosie sa naglalakad na palayo with matching kaway sa kanila na si Jisoo.
"Gago yun." Comment ni Rosie.
"May point siya though." Sabi ni Wendy.
"I don't have sex on the firs-"
"I know." Natatawang cut-off ni Wendy. "I meant siya. Di ako makakatulog somewhere knowing na may kababalaghan sa kabilang side nung place."
"Sabagay."
Nakarating na sila sa kotse. Tahimik na sumakay pareho (pinagbuksan ng pintuan ni Wendy si Rosie) tahimik na nai-start ang auto, tahimik na nabuksan ang radyo.
Nag-lean lang si Wendy papunta kay Rosie para kabitan siya ng seatbelt.
Bumuntong-hininga si Rosie. Dahan-dahan na inangat ang isang kamay tapos hinaplos sa pisngi si Wendy. Saktong ikot para maiharap ng maayos sa sarili tapos hinalikan.
Dumulas yung kamay ni Wendy na nakatukod sa pintuan katabi ni Rosie. Ramdam nila pareho yung alog. Sabay na tumawa.
"What was that?" Tanong ni Wendy.
"Felt like doing it." Sagot ni Rosie.
"Okay.."
------------------------------------------------------------
"You didn't have to throw a punch." Sabi ni Rosie.
Tinitigan ang hawak na kamay ni Wendy.
"Mamamaga to pustahan?" Pang-asar na dugtong.
Kibit-balikat lang si Wendy. Nag-signal pakaliwa, tamang lipat ng lane. "Someone had to do it."
"If you waited thirty extra seconds, Jisoo was right there."
"Atat na akong sapukin yun nung una palang na nakipagkita ako sa kanya after she dumped you, I'm not gonna let this instance slide. Ang entitled niya masyado. Kapikon. Di mo naman utang na loob sa kanya na makipagbalikan."
"As if naman gagawin ko."
"Hmm."
Natahimik sila. Pinindot ni Rosie ang next sa radyo ng kotse ni Wendy.
Lovesick Girls - Blackpink.
"Perfect." Sabi ni Wendy. Binababa ang bintana ng kotse. "Tunes for a cruise."
"Follow up mo ng isang matinding Feel Good galing dun sa unang mini ng Aseul noh?"
"Gahd oo nga. Set tayo ng date para we can update the roadtrip playlists."
"Yes please."
"Neat."
Lumingap si Rosie. Dinama yung hangin mula sa labas. Bumuntong-hininga. "Road seems awfully familiar." Comment niya.
"Haven't been in a while. Kaw ba?"
"Once. Felt weird without you so umuwi din ako agad."
"We always end up there huh?"
"Kasi nga spot natin."
"Probs."
"Seungwan?"
"Hmm?"
"Somewhere fitting."
"Somewhere..fitting. You sure?"
"Yup."
"Ready?"
"Not really..but It's you so I'll be alright."
"Okay..I'll..do my best yeah?"
"I know you will, Seungwan. You always do."