
NINETEEN
"Good morning, love." Nakangiti (kahit hindi kita ng kausap) na bati ni Wendy.
"Too early." Sagot ni Rosie. Halatang bagong-gising sa boses. Groggy.
"It's 1PM where you are."
Saglit na tahimik sa kabilang linya. "Too early." Ulit ni Rosie.
Natawa nalang si Wendy. "Bubuksan mo ba camera mo?" Tanong niya.
Binuksan nga ni Rosie ang camera. Nangiti si Wendy sa itsurahang nakahilata sa kama tapos kumurap-kurap. "I look like Death, Seungwan."
"Kung kasing ganda mo si Kamatayan, ay MYGAHD! Kunin mo na po akoooooo!"
"Too early for your manliligaw shenanigans. BFF mode muna."
"Ay. May schedule?"
"Yep. Teka magtu-toothbrush ako. Diyan ka lang."
"Sama ako."
"Clingy mo."
"Ayaw mo?"
"I love it."
"Nice."
------------------------------------------------------------
"Binubulabog ako ni Suzy. Legit." Kwento ni Rosie.
Bukas padin ang camera niya. Kumakain sila ni Wendy. 'Breakfast' sa kanya, meryenda ng isa.
"Set na set na makipagbalikan ah." Sagot ni Wendy. Nagpapalaman ng butter sa croissant.
"I hope you won't mind Jisoo tagging along with me everywhere. Di kasi namin pareho alam kung saan susulpot yung isa eh. So ang trip ni Soo eh samahan ako pang-buffer."
"Wala bang trabaho yun?"
"Nilandi yung boss niya para daw she can get away with shit. Tamang labas labas, kunyari eh naghahanap ng 'inspiration' for the next 'Walang Sabit' jingle."
Natawa si Wendy. Nahawa nadin si Rosie.
"Taena ni Jisoo amputspa. Di padin pala niya pinapawalan yung pangarap niya na maisulat yung jingle na yun."
"Parang gago. Wag ka maingay sa kanya ha, pero feel ko maiinlababo yun sa boss niya."
"Maganda ba?"
"Mukhang artista na model na ewan. Met the lady once, SooJoo daw pangalan. Bait sobra. Nilibre kami ng Sashimi."
"Tulak natin pag-uwi ko?"
"Ayaw mo lang na baka may maulit nanaman na ganap samin eh."
Tumikhim si Wendy. Uminom ng tubig tapos tumango. "Yes. Tropa si Soo and she takes care of you kahit ganun yun..pero.."
"You have nothing to worry about, Seungwan."
"I know. I really do trust you two though. Kayo kasi yung tipo ng tao na hanggang ganun nalang eh. Di uubra enemies to lovers, the more you hate the more you love."
"Diba?" Tumatango-tango na sabi ni Rosie. "Tangina talaga nun ni Soo. I don't want to be with someone who's 500% so irritating, 50% lang yung nababawas sa usual kapag nagse-sex kami."
Kibit-balikat sila pareho. Tuloy lang sa pagkain.
"Anong plan mo dun sa kay Suzy?" Tanong ni Wendy. "Support ako sa kahit anong trip mo pero you know what I think about her..di na dahil sa manliligaw mo ako or anything ha..just as a bestfriend."
Kibit-balikat si Rosie. "I keep shooting her down. Like..all the time. Kaso ayun nga..ang kulit. It's actually annoying now. What little chance she had got erased kasi parang..ewan. Yun bang the endearing shit she tries to do to get me to like her is just..nothing now."
"Ano ba kasi ginagawa?"
"Basically the exact same stuff she did nung niligawan niya ako the first time."
"Which is?"
"Shows up outside my classroom with flowers and stuff, which..idek HOW kasi di naman na siya student. Stuff like aabangan ako sa labas ng school to ask me out..lam mo naman."
Tumango-tango si Wendy. "Now that I think about it..Parating may tao pag gumagalaw yun."
"She tends to put me on the spot." Sabi ni Rosie. "Tipong alam ng lahat na manliligaw siya tapos kapag nag-no ako..it makes me look bad kasi 'd'awwww why would you shoot her down? Ang sweet kaya!' yung reactions ng mga tao. My classmates are a prime example. Like, tangina. Edi kayo tumanggap ng bulaklak, kayo makipag-date! Sweet pala eh. Pota."
"You're so worked up." Biro ni Wendy.
"Para kasing tanga. I don't know why I fell for that.."
"Sweet naman talaga."
"Yeah. I front of other people."
"Hmm."
Uminom si Rosie ng tubig. "I talked to Chanyeol too. Skl."
Ngumiti si Wendy. "How did that go?"
"Guy laughed at me."
"Legit?"
"Yep. Said something about how he loves me pero tropang hilaw na mangga lang daw talaga."
"Huh. Did not see that coming at all."
Ngiting aso na si Rosie. "We're you worried?"
"Chanyeol is you except guy. Man could be a formidable rival kung sakali."
Tumango si Rosie. Pinanuod ang bestfriend niya na nagtitiklop ng ginamit na tissues at nililinis ang lamesa ng café na kinainan (habit na mula pagkabata nila. Para daw mapadali ang trabaho ng magba-bus nung table.) "You're my bestfriend." Sabi niya.
Tumigil si Wendy sa pag-aayos ng knife and fork. Bumuntong-hininga. "Still.."
"Theungwan.."
"Rothie?"
"I'm getting there."
"Don't rush. Whenever you're ready..I'll catch you anytime."
------------------------------------------------------------
Tinitigan ni Wendy ang hawak na papeles. Huminga ng malalim.
Inisip na yun na yun. Dalawang taon na tinrabaho, kayod sa aral, kayod sa pakikisama sa mga kaklase, kayod sa pagbuo ng buhay sa Canada na mag-isa lang siya.
Nandun na lahat sa hawak niyang pirmado na certificate na nagsasabing Master of Math na siya, diploma to follow.
Nagsimula siyang maglakad pauwi. Minapa ang schedule sa utak. Pinlano ang natitirang mga araw, inisip kung dumating na ang pina-balikbayan box niya na gamit sa Pilipinas.
Naisip niyang tawagan ang mga magulang niya. Dumukot sa bulsa para sa cellphone, nginitian ang wallpaper (si Rosie. Tulog. Kuha nung huli niyang uwi.) tapos binuksan ang facetime app.
Lumiko ang daliri niya sa contact. Two ng speed dial ang pinindot imbes na One.
Sumagot agad ang tinawagan. Hingal.
Kumunot ang noo ni Wendy. Taka. "What are you doing?" Tanong niya.
"Running." Sagot sa kanya. Bumukas ang camera. Bumungad ang bestfriend niya.
Natapilok si Wendy.
"Huy para kang gago." Comment ni Rosie.
"What the hell are you wearing?!" Sigaw ni Wendy habang tumatayo.
Tumingin si Rosie sa sarili. Kibit-balikat. Tuloy lang sa takbo. "Colorblind ka na ba? It's a pink sportsbra. Like all my other sportsbras. Also two day old, Cheeto stained sweatpants."
Umupo si Wendy sa isang bench na nadaanan.
"Ay." Comment ni Rosie sa nakita. "Tignan mo to. Sabi na nga ba eh. Ikaw ay naaakit sa akin." Ngiting pang-asar na dugtong.
Talunan yung tawa ni Wendy. "I'm literally courting you." Sagot niya.
"Mhmm. Sure."
"Rosie.."
"Bahala ka diyan."
"Thanks for the support."
"You're welcome, besfran!"
Hindi na pinatay ni Wendy ang tawag. Iniwan na lang niyang tumatakbo padin sa treadmill ang bestfriend niya habang binago niya ang direction niya at naglakad nalang papunta sa paborito niyang café.
"Para kang vlogger sa gawa mo." Comment ni Rosie pagkatapos siyang lingunin saglit.
"I should get a selfie stick you think? Para fits the aesthetic." Sagot ni Wendy.
"Di bagay sayo."
"How mean."
Tumawa lang si Rosie. Nakapila na si Wendy sa counter ng café. "Are you going somewhere after that?" Tanong niya kay Rosie.
"Diretso bahay. Friday eh."
"Oh anmeron sa Friday?"
"Nagsusuntukan kami ni Jisoo sa Mortal Kombat. Saks na pangtanggal ng lahat ng inis namin with each other for the week."
"Ayos naman pala housemate situation niyo!" Natatawang asar ni Wendy.
"Every week is hell week, Seungwan. She's SO annoying."
"Ingat ka diyan baka kay Soo ka pa mainlababo." Sabi ni Wendy habang kinukuha ang na-order na kape.
"Takot ka?"
"Slight."
Ngumiti si Rosie. "Wala kang kalaban."
"For now.."
"Hmm. Bakit ka nga pala tumawag?" Tanong ni Rosie habang kinukuha ang nakasabit na towel sa huminto na na treadmill. Pinunasan ang pawis.
Si Wendy naman ang namawis. "Wanted to watch you work out." Biro niya.
"Bastos ka."
"Luh?"
"Ang harot."
Tumawa si Wendy. Nag finger gun kay Rosie. "Master of Math na ako." Kwento niya ng original reason kung bakit siya tumawag.
Tumalon si Rosie. "Yun oh! Achievement unlocked!" Masayang sigaw. Kinalabit ang mga kasamang nagwo-work out sa gym tapos binalitaan. "Guys! Master of Math na bestfriend ko! Can I hear a wooooooo!!!"
Nag-woo naman ang mga tao sa paligid ni Rosie. Nakatanggap si Wendy ng ilang congrats.
Natawa nalang siya. Tamang nuod sa nagce-celebrate mag-isa na bestfriend niya. Hinayaan lang hanggang tumigil tapos nginitian ng mapirmi na ito ng upo sa bench na nasa dressing room.
"Ayos ka na?" Tanong ni Wendy.
Tumango si Rosie. Nakangiti padin. "Still excited af." Sagot nito.
Tumitig lang si Wendy. "I love you." Sabi niya.
Namula naman si Rosie. Saglit na nagka-motion sickness si Wendy nang umalog ang camera. "Kilig ka noh? Yan tayo eh." Asar niya.
"Kapal ng mukha mo. Pakyu." Sagot ni Rosie. Tumikhim. "Slight." Mahinang dugtong.
"Ayieeeeeeeee! Shet!" Sigaw ni Wendy.
"Lul. Wag kang excited masyado! Kilig lang ako kasi..ibig sabihin uuwi ka na."
Sumimangot si Wendy. "About that.."
"Hoy walang ganyanan.."
"Baka magtagal pa ako dito..Doctorate naman daw.."
Nabura ang ngiti ni Rosie. Umiling. "But.."
"I know.."
Suminghot ang kausap ni Wendy. Nag-twitch yung kanang mata. "I'm going to cry.." Mahinang announcement. Parang bata na inagawan ng paboritong lollipop.
Ngumiti si Wendy. "Buti nalang joke lang." Sabi niya ng pang-asar.
Kumunot ang noo ni Rosie. "Lam mo?" Tanong niya.
"Yes besfran?" Sagot ni Wendy.
"Pakyu ka. Umuwi ka na ng makutusan kita ng maayos."
------------------------------------------------------------
"Di ba kayo tumitigil sa paguusap?" Tanong ni Jisoo kay Rosie. "Simula nung nanligaw yang si Wendy eh di na kita nakitang hindi mo siya dala sa cellphone mo kahit saan dito sa condo ka magpunta."
Nakaupo silang dalawa sa sofa. Nakasandal ang cellphone ni Rosie sa isang stand sa gitna nila.
Nasa screen si Wendy. Tamang nakikinuod sa nagaganap sa TV nila Jisoo at Rosie na Mortal Kombat character choices.
"Rothie..G mo naman si Sub-Zero dali na! Pantanga choices mo puro babae eh!" Yakag ni Wendy.
"What's your problem with girl characters?!" Sagot ni Rosie sa comment ni Wendy. "Eh sa gusto ko yung si Mileena kasi Pink yung damit niya bakit ba?!"
Kumaway si Jisoo sa mukha ni Rosie. "Pansinin mo ako huy." Sabi nito.
Pinalis ni Rosie ang kamay ni Jisoo. "Mamaya ka na, pota. This is a proper argument."
"Tanginang buset. Fine." Sagot ni Jisoo. Ni-lock ang character niya kay Scorpion.
"Ayan na, Rosie! Pick Sub-Zero na dali para masaya!" Sigaw ni Wendy. "Memorize mo din naman combos nun eh!"
"Tsk." Sagot ni Rosie. Sinunod ang suggestion ng bestfriend. "Pag ako natalo, ikaw may kasalanan."
"Di naman sa characters yun nalalaman. Skillsets yan." Sabi ni Jisoo.
Nagsimula na ang match. Tamang woo! lang sa background si Wendy tuwing nakaka-land ng damage ang character ng bestfriend niya.
"Pakadaya ni Roseanne amputa." Sabi ni Jisoo. "May sariling hypeman."
"Di ka pa yata marunong eh." Trashtalk ni Wendy kay Jisoo na pinakyu lang siya.
Natawa si Rosie. "Naalala niyo nung bata tayo tas puro ganto lang ginagawa natin?" Tanong niya. Naga-attempt ng combo.
"Winasak mo yung controller ko nun sa Playstation nung natalo ka. Oo, naaalala ko." Sagot ni Jisoo.
"Oof. Nice block!" Sigaw ni Wendy. "Simple ng life dati noh?" Pahabol na comment.
"Tru. Tamang larong kalsada tapos Playstation solb na." Sabi ni Rosie.
"Ngayon eh may pantanga ng issue tulad ng dalawang boplaks na mag bespren na nagkakainlaban pero ang bobo ng timing parati. Kesyo may ex na umaaligid, may jowa yung isa sa kanila..ganern. Ang dumbshit." Sabi ni Jisoo. Nag-whoop. Naka-score kasi ng isang "FINISH HIM!" para sa character niya.
Binagsak ni Rosie ang controller. "Kakainis amputspa." Comment sa pagkatalo.
Pinanuod nilang tatlo ang animation ng Fatality. Sabay-sabay na bumuntong-hininga ng matapos at bumalik sa main menu ang screen.
"Kami na gagawa ng timing namin ngayon. Screw the Universe. Kung gagawin niyang complicated..Papasimplehin namin. Kasi Rothie and Theungwan..is the real OTP here." Sabi ni Wendy.
"Kinilig nanaman si Roseanne amputa." Natatawang sabi ni Jisoo. "Nag-vibrate yung buong sofa eh. Mag-jowaan na kayo utang na loob naman!"
"Ang tangina mo talaga kahit kelan!" Reklamo ni Rosie kay Jisoo. May kasama pang sampal. "Sumbungera amputek yan!"
Tumawa si Wendy. "Iniinis ka niyan para makarami ng rounds." Asar niya.
"Dito nalang nakaka-rounds kay Roseanne eh." Pabirong dugtong ni Jisoo. Hinihimas ang pisngi na tinamaan.
"Gago kayo ha!" Sigaw ni Rosie."Simula bata tayo pag nag join forces kayo eh paborito niyo akong asarin noh?"
"Iiyak ka na ba?" Asar ni Jisoo.
"Masyado kayong fixated sakin. Move on, move on din pag may time." Sarcastic na comment ni Rosie.
"Masarap ka kasi." Sabay na comment nila Jisoo at Wendy.
"Ohsige. GG mo lang yang ganyang trip, Seungwan. Di kita sasagutin. Mygahd. The betrayal!" Sabi ni Rosie.
Sumimangot si Wendy. "Pakyu ka, Jisoo. Tumigil na nga tayo!" Sigaw niya.
"Luh ang gago!" Sabi ni Jisoo. "Balimbing na, under pa. Perfect jowa ayieeeeee! Sasagutin na yaaaaaaan!"
"Konting-konti nalang, no lie." Sabi ni Rosie.
Lumiwanag ang mukha ni Wendy. "Di nga?" Hopeful na tanong.
Tumango si Rosie. "Konting-konti nalang ipapapatay ko na kayo ni Soo. Worst bestfriends ever."
Sabay na nag-pout ang dalawang kausap ni Rosie.
"Di nga?" Sabay din na sabi.
Kumurap si Rosie. "Luh wag kayong parang ewan! Panget niyo."
Nagtaas ng kilay si Wendy kay Jisoo. "Erp. Naalala mo ginagawa natin dati pag tinotopak si Rosie?" Nakangiting tanong.
Ngumiti nadin si Jisoo."Ay. Oo naman!" Sagot nito.
"Game mo na. Twice the power kasi wala ako."
"AY! ALAM KO NA YAN! SUBUKAN MO LANG TALAGA, JISOO! SASAPAKIN KITA!" Sigaw ni Rosie.
Sinunggaban ni Jisoo si Rosie. Tamang tackle sa sofa tapos kiniliti.
"SEUNGWAN PASIMUNO KANG GAGO KA!!" Sigaw ni Rosie. Tumatawa na. "PARANG FIVE YEARS OLD AMPUTA!"
"LABYU, ROSEANNE!" Sagot nila Wendy at Jisoo.
------------------------------------------------------------
"Makakauwi ka ba?" Pabulong na tanong ni Rosie kay Wendy.
Nakahiga na siya sa kama niya. Prepped for sleep, humihikab-hikab.
Malungkot na umiling si Wendy. "I tried..daming last minute stuff.."
"Graduation mo din nga pala yun noh?"
"Mhmm..personally..I don't think I need to be there. Kaso ni-require. Ayoko naman di siputin kasi baka bawiin yung diploma."
Natawa si Rosie. "Ganun ba yun?"
"Can't risk it."
"I suppose."
Natahimik sila. Humikab ulit si Rosie.
"Go to sleep." Request ni Wendy.
"Ikaw din..get a few hours. Night shift ka sa gawa mo eh." Sagot ni Rosie.
"Wala naman pasok bukas. Ayos na yun. At least we get to talk."
"Not cool if you end up puyat."
"Konti nalang..pareho na oras natin. I can tough it out until then."
"Di naman kailangan."
"Felt like doing it."
"I don't want you putting too much effort, Seungwan. You don't have to."
"Hmm.."
"Bestfriend..advantage." Humikab nanaman si Rosie.
Natawa nalang si Wendy. "Cute." Pabulong na comment.
"Not gonna lie..I could use you being under me right now."
"AY! That can certainly be arranged, Ma'am."
"Bastos mo. Umuwi ka muna."
"Legit ba?!"
"Joke lang. Anong akala mo sakin? Di mo pa nga ako nade-date ng personal eh."
"Nubayan."
"Ay tignan mo siya! Umasa."
"Mej."
"Landi mo."
"Sayo lang po."
Tinitigan ni Rosie si Wendy. Ngumiti. "Love you, Seungwan.."
"Love you too, Rosie. Goodnight?"
"Goodnight..konti nalang talaga. Hindi mahirap bumalik basta ikaw ang babalikan."
"Don't rush. Whenever you're ready..I'll catch you anytime."