
ELEVEN
"You seem troubled." Sabi ni Suzy kay Rosie.
Nasa isang restaurant sila. Late dinner pagkalabas ni Suzy sa trabaho. Sinundo siya ng girlfriend niya mula sa school tapos inayang mag-dinner bilang anniversary nila ng araw na yun.
Umiling si Rosie. "Wala yun. No big deal. Iniisip ko lang kung paano ko iraraos yung quiz sa Lunes on Criminal Law." Sagot niya.
Tumawa si Suzy. "Pre sembreak kayod huh?"
"Kind of."
"Hmm. May plans ka ba for the sembreak?"
"Wala pa. Bakit? Lalakad tayo?"
"Figured we can go somewhere for our anniversary. Kahit deferred celebration. Ayos lang ba?"
"Oo naman. Basta let me know."
"Cool. I'll see if I can swing some vacation days."
Nagsimula silang kumain. Tahimik dahil sa ginagawa.
Sumubo ng steak si Suzy. "Are we going to do a get together before or after our trip?" Tanong niya pagkatapos.
"Depends on what's convenient for everyone." Sagot ni Rosie. "I know Seungwan has papers to grade over the weekend."
"Galing naman. Alam the schedule." Biro ni Rosie.
"She tells me stuff." Kibit-balikat na sagot ni Rosie.
"That's nice."
"Mhmm. Overshare na minsan pero keri lang."
"I'll try to do the same."
"Di naman obligation."
"Still."
Balik sa kain.
"Hey." Tawag ni Suzy.
Nag-angat ng tingin si Rosie mula sa tinutwirl niyang pasta sa tinidor. "Hmm?"
"Thank you for having dinner with me." Nakangiting sabi ni Suzy. Hinawakan ang nakapatong sa lamesa na kamay ni Rosie. "I know I haven't been consistent with making time for you and all. Pasensya na ha. Work shit."
Ngumiti nadin si Rosie. Pinisil ang kamay ni Suzy. "Ayos lang yun. Gotta earn some cash for dates and stuff." Biro niya.
"Mhmm. Happy anniversary, Rosie. I love you." Sabi ni Suzy.
"Sweet naman. I love you too."
------------------------------------------------------------
"Anong trip mo?" Tanong ni Rosie kay Suzy.
Binabagtas nila ang kalsada along Manila Bay. Tumutugtog sa radyo ang mahinang tunes ng '1989' na album ni Taylor Swift. Bukas ang mga bintana, tamang dama ng hanging amoy ewan.
"It's a surprise, Rosie. Antay ka lang diyan. Gonna be good, I promise." Sagot ni Suzy. Inangat ang hawak na kamay ni Rosie tapos hinalikan.
"Pupunta ba tayo ng CCP? Masyado nang gabi para mag-jogging." Sabi ni Rosie.
"Daming tanong ah."
"Excited lang."
Anong pakulo mo?
Di na nagsalita si Suzy. Tahimik nalang na nag-drive.
Kibit-balikat na nilakasan ni Rosie ang radyo. Sakto sa simula ng 'Style.' Tumingin siya sa labas ng bintana.
"Lakas makasira ng vibes nung traffic sa totoo lang." Comment niya.
Natawa si Suzy. "Kaya nga eh. Ewan ko ba sa Pilipinas."
"Keri nadin."
Bumuntong-hininga si Rosie. Kumurap.
------------------------------------------------------------
"YOU'VE GOT THAT JAMES DEAN DAYDREAM LOOK IN YOUR EYE!" Kanta nila pareho ni Wendy.
Sinundo siya ng bestfriend niya bandang hapon. Isang Sabado pagkatapos ng unang linggo nila as college students. Proud na proud na iniyabang ang nakaparada sa harap ng bahay nila na bagong (second-hand dahil 90s na 90s ang itsurahan) Nissan Sentra. Roadtrip daw sila dahil break-in.
"AND I'VE GOT THAT RED LIP CLASSIC THING THAT YOU LIKE!" Feel na feel na ni Rosie ang chorus.
Nalubak sila ng slight. Nag-screech ang radyo. Tumigil ang tugtugan.
"Tapon mo na kotse mo, Seungwan." Reklamo ni Rosie.
"Luh parang tanga." Sabi ni Wendy. Kinalikot ang radyo. Pinalo. Nag-start ulit ang kanta. "Ganyan talaga yan. Di ko pa napapapalitan yung radyo ni Song One eh. Ipon ulit pang-deck out." Paliwanag niya.
"Song One amputa. Smart." Asar ni Rosie.
Ngumiti si Wendy. Nilingon si Rosie, nag-shift ng gear. "Witty diba? First car ko to. Kelangan may pangalan na fit na fit sa may-ari."
"Kotseng pakboi, Wendy."
"Judgy mo. Eh sa kung ito yung mura eh bakit ba? Kahit second-hand at least may sasakyan."
"Fifteenth hand na yata tong kotse na to eh. Amoy tsaka mukhang two years old palang sila mommy nung lumabas."
"1993 Nissan Sentra." Sabi ni Wendy.
"Ohmygahd."
"Good condition pa naman kaya! Tsaka swak sa ipon ko swerte nahanap ko online yung nagbebenta."
"Ayos."
"Maging proud ka naman! Ikaw unang pasahero ni Song One."
"Obligado ka nang i-date ako kung saan saan dahil may kotse ka na."
Hinawi ni Wendy ang buhok niya. Nakangisi na tumitig kay Rosie. "Kahit biyaheng langit pa sige dadalhin kita." Biro niya.
Hinampas ni Rosie ang balikat ni Wendy. "Para kang gago!"
Tumawa silang dalawa.
"Kinilig ka noh?" Sabi ni Wendy.
Oo. Bakit? Luh..bakit?
"Ang kapal ng mukha mo." Sabi nalang ni Rosie. Pinalo ulit si Wendy.
"Wushoo!"
"Lul."
------------------------------------------------------------
"Psst. Dito na tayo." Sabi ni Suzy. "Nawala ka ng ilang minuto, nag-out of body experience ka na ba?" Biro niya.
Umiling si Rosie. Ano ba yun. Bakit ko naisip yun?
Bumaba si Suzy ng kotse. Umikot tapos pinagbuksan ng pintuan si Rosie. Kinuha ang isa niyang kamay para alalayan tapos hindi na binitawan.
"Anong ginagawa natin dito sa Yacht Club?" Tanong ni Rosie.
"Surprise nga. Kulet." Sagot ni Suzy.
"Huy baka di tayo pwede dito."
"Ayos lang yan pramis. I know someone."
Dinala siya ni Suzy sa harap ng isa sa madaming nakaparadang yacht sa harbor. "Dito tayo." Sabi ni Suzy. Tinulungang makasakay sa yacht si Rosie.
"Kabado bente ako ha." Comment ni Rosie. "Anong pakana to?"
"Part lang ng anniversary keme ko. Diyan ka lang ha. Upo ka saglit." Sabi ni Suzy. Inupo si Rosie sa isang bench na nakalinya sa paligid ng tinatayuan nilang yacht tapos nagpunta sa bandang harap. Maya-maya lang ay may umilaw sa paligid. Bumalik si Suzy. "Tara na." Aya niya. Hinawakan ulit ang kamay ni Rosie tapos hinila siya papunta sa mailaw na part ng boat.
"Ohwow." Comment ni Rosie nang makita ang destination. May table sa gitna na may full setting tapos mga nakasabit na ilaw-ilaw.
Kamot-batok si Suzy. "Uhh..Kaya di ako umorder ng dessert sa resto kanina..naisip kong pa-special naman ng slight yung part na yun. Hiniram ko sa tropa ng tatay ko yung yacht. Saks na we spend the night here kung ayos lang sayo."
Kumurap-kurap si Rosie. Ang effort.
------------------------------------------------------------
"Hoy nagugutom na ako." Sabi ni Rosie kay Wendy. "Wala ba tayong plano kahit drive thru man lang?"
"Sandali." Sagot ni Wendy. "Diyan ka lang. Kakain tayo pero wait muna."
"Nubayan."
"Atat ka."
"Nagugutom na ako!"
"Pramis sasaya ka pagdating natin sa destination."
Ang daya. Wag kang ganyan. Alam mo naman na lagi naman akong masaya basta ikaw kasama ko.
"Pag tayo talaga, Wan." Sabi ni Rosie.
"Trust me, Rothie. You'd love it. Lapit na tayo. Saglit na lang." Nakangiting sabi ni Wendy.
------------------------------------------------------------
"Ui ang sarap ng macarons!" Sabi ni Rosie pagkatapos tikman ang laman ng tupperware na nilagay ni Suzy sa lamesa. "Ikaw nag-bake?" Tanong niya. "Galing naman, love."
Ngumiti si Suzy. "Deh..uhh..Nagpatulong ako kay Wendy. Siya gumawa niyan."
"Luh?"
"Yeah. Lam mo naman na I know nothing pag luto na so I asked for help. Tinuruan niya ako ng tips and tricks."
Buti ka pa nasolo mo bestfriend ko.
"Kinumusta ka sakin ni Wendy nga pala. Kala ko naguusap kayo?" Dugtong ni Suzy.
"Chat nalang madalas..di na kami nagkikita nung isang yun." Dismayadong sagot ni Rosie.
"Busy nadin sa pagtuturo?"
"Sabi niya."
"Nakakasama naman pag lumalabas tayo kasama sila JenLisa tsaka Soo."
"Parating sakto lakad barkada sa free time niya eh."
"Swerte."
"Yeah I suppose..Swerte."
Tumango si Suzy. "Tara?"
"Saan tayo pupunta?"
"Sa dagat."
------------------------------------------------------------
"Saan ba tayo pupunta? Ang liblib na dito Seungwan, hindi na ako natutuwa." Sabi ni Rosie.
"Teka.." Sagot ni Wendy. "Left nga ba sa fork?"
"Malay ko sayo!"
Paakyat ang kotse na sinasakyan nila sa isang bundok. Di na tanda ni Rosie ang direksyon na pinang-galingan nila bilang pasikot-sikot ang kalsadang binagtas.
"Eto! Eto nga. Tama. Left sa fork tapos five minutes. Wait." Sabi ni Wendy.
Bumiyahe sila. Five minutes gaya ng sabi ng bestfriend niya tapos pumarada. Mabilis na bumaba si Wendy ng kotse tapos umikot para pagbuksan si Rosie. Hinawakan ang kamay niya tapos excited siyang hinila papunta sa destination.
Edge ng isang cliff. Kitang-kita ang view ng city sa baba. Makulay ang mga ilaw. Tahimik. Tunog lang ng hangin ang BGM.
"Wow." Sabi ni Rosie.
"Cool diba?" Sabi ni Wendy. "Tinuro to sakin nila Mommy. Ang sabi eh na-discover daw nila to nung college pa sila. Dito daw sila lagi natambay pang-wala ng stress sa school and stuff." Nakangiting paliwanag. "Pinamana sakin yung sentiment so I thought to bring you para we have our own bff spot."
"This is so cool. You can park your car sa may gilid tapos we can just sit there and stargaze." Excited na comment ni Rosie.
"Right? I should do that now. May ni-prep akong picnic set din eh. Kain tayo sa hood para cool."
------------------------------------------------------------
"Ambaho ng Manila Bay." Sabi ni Suzy. Nakakunot ang mukha.
Bumabyahe ang sinasakyan nilang yacht further into sea.
"Lakas makapanira ng romantic vibes na habol ko." Dugtong niya.
I appreciate it anyway. Isip ni Rosie. Hinawakan ang kamay ng girlfriend. "Keri na. Maybe it gets better when we get further out?" Sabi niya.
"Hopefully." Sagot ni Suzy. Nginitian si Rosie. "If you lie down sa bench and look up ang ganda ng langit." Humiga gaya ng suggestion tapos hinila si Rosie patabi sa kanya. Inakbayan tapos kinuddle close.
"You didn't have to do all this." Sabi ni Rosie. "Ayos na dinner palang eh."
Kibit-balikat si Suzy. "I have to do something for our anniversary. Di naman pwedeng ganun lang yun."
"Hmm."
Humarap si Suzy kay Rosie. Bumuntong-hininga. "Uhh..I want to say sorry."
"For what, Suzy?"
"Di na kita nailalabas lately..Since I got a job I felt like I've been slacking off sa relationship natin. I'm..actually amazed you stuck with it for a year."
"Busy din naman ako with school." Sagot ni Rosie. "Don't worry too much. We can figure out ways to spend time with each other like we always do."
"Hmm."
"Di important dates."
"They are. I'll try and do better."
"Bahala ka what you think. Basta ako ayos lang."
Natawa si Suzy. Hinalikan sa noo si Rosie. "I love you yeah?" Sabi niya.
"Love you too." Sabi ni Rosie.
------------------------------------------------------------
"May tanong ako sayo." Sabi ni Wendy.
Binaba ni Rosie ang iniinom na coke. Nilingon ang bestfriend. "Hmm?"
"Kamusta commute mo papasok ng school?"
"Ang random naman nun..uhh..ayos lang. Bakit?"
"Di ba mahirap? Magastos? Malayo?"
"Yes to all of that pero kaya naman. Ano meron?"
Tumango si Wendy. Humiga ulit sa hood ng kotse saks na nakasandal ang ulo sa dalawang palm. Dumikwatro.
Tumawa si Rosie. "Para kang tanga. Comfortable much?" Asar niya.
"Feeling ko dapat ganito peg natin pag natambay dito eh. Relaxed na relaxed dapat." Pabirong sagot ni Wendy.
Gumaya si Rosie. Nagulat nang bigla siyang hilahin ni Wendy tapos kinulong sa yakap ng isang arm nito.
"Huy." Saway ni Rosie.
"May tanong ako sayo." Sabi ni Wendy.
"Oh?"
"Gaano ka-okay sayo na ako kasama mo araw-araw, gabi-gabi?"
"Ha?"
"Magsasawa ka ba sakin?"
"What kind of question?"
Hindi. Kasi bestfriend kita.
Humigpit ang yakap ni Wendy kay Rosie. "Sana hindi." Sabi nito.
"Problema mo?" Tanong ni Rosie.
Tumawa ng mahina si Wendy. "Ewan." Sagot niya.
"Sira-ulo ka."
"May tanong ako sayo."
"Kanina mo pa sinasabi yan."
Umayos ng higa si Wendy para makaharap siya kay Rosie. Ngumiti. "Tara?"
Kumurap si Rosie. "To where?"
"Everywhere."
------------------------------------------------------------
"Move in with me?" Tanong ni Suzy kay Rosie.
Nakangiti. Hopeful. Expecting.
"I realize..it would be great to come home to each other araw-araw..would be great to never have to wait for weekends just to see each other..yung..pag-gising ko ikaw..pagtulog ko ikaw padin." Dugtong ni Suzy. "I..hope you feel the same way and say yes?"
Kumurap-kurap si Rosie. I'm supposed to be over the moon. Why am I not over the moon?
------------------------------------------------------------
"Can't really think of anything more awesome than having my bestfriend around all the damn time. Right?" Bulong ni Wendy.
------------------------------------------------------------
"We can get to know each other even better. I can be that girlfriend who would cook breakfast for you and shit..Yung nang-gigising with kisses and nang-gigreet pagkauwi mo with even more kisses..domestic stuff would be amazing."
------------------------------------------------------------
"Imagine the movie nights, Rothie! Yung kalat sa kusina everytime we try to cook something for sustenance would be worse than how it usually is sa bahay ng parentals natin. We can do whatever we want! We can argue about who gets to use the bathroom first and shit like we always do. Tapos pillow forts would be even cooler kasi di na siya stuck sa bedroom lang! Pwede natin i-extend sa buong bahay!"
------------------------------------------------------------
"It's been a year and I thought it's the right time to ask you this..Next step right?"
------------------------------------------------------------
"The late night talks na pang-tanga would be amazing!"
------------------------------------------------------------
"I don't mean to put pressure on you okay? Ayos lang if you need time to think about it. I just thought to ask so you'd know that I'm ready for more with you."
------------------------------------------------------------
"We're useless without our parents. I don't know paano tayo mabubuhay, I imagine it would be a trainwreck but..it should be fun right? Just bestfriends taking on adulting together..sort of.."
------------------------------------------------------------
"I..asked ate Irene what she thinks and she said that it doesn't matter what she thinks kasi mas important daw yung sayo. Her wife said that I should be sure about it before I ask you..don't really know why she said that but..please know I'm sure. I really am. I want this. I want..to come home to you."
------------------------------------------------------------
"Ate SeulRene said we're both gonna die and they made a bet on how long we would last on our own before we ask for help. Parents said no..Pero fuck that. Kaya naman natin diba? Theungwan and Rothie can show them how it's done."
------------------------------------------------------------
"It's gonna be hard. We have to adjust to each other's preferences about things..pero ayos lang. I'm willing to work it out basta ikaw. I love you. I should."
------------------------------------------------------------
"You don't have to waste load calling me just to ask kung nasaan ako whenever you need a personal heater kasi I'm right there..just barge into my room and pass out on top of me like you always do. Convenient."
------------------------------------------------------------
"My flat is closer to both my work and your school. Commutes won't be a bother anymore. Convenient."
------------------------------------------------------------
"I can drive both of us to school everyday now that I have a car. Di na tayo kailangan magsadyaan sa bahay ng parentals natin tuwing umaga para lang makapagsabay papasok sa school."
------------------------------------------------------------
"We can spend day-offs doing nothing together but still be comfortable with the silence..cool right?"
------------------------------------------------------------
"We can even plan weekend adventures better! More room for spontaneous shit kasi pag may naisip na trip for the day eh we can just go."
------------------------------------------------------------
"Please say yes?" Tanong ni Suzy.
"Suzy.." Sabi ni Rosie.
Tumango si Suzy. Nakangiti padin sa kanya.
Why am I having doubts? I can't be having doubts. Isip ni Rosie.
"I.." Sabi niya.
"Think about it if you must.." Sabi ni Suzy. "No pressure naman. I can wait for your answer..ang sakin lang basta you know I'm ready for it anytime..ayos na."
------------------------------------------------------------
"Ewan why I'm trying to pursuade you." Natatawang comment ni Wendy. "Alam ko naman na yes na agad sagot mo eh. Tinatry ko lang i-bold italic yung yes I think."
"Para kang tanga." Natatawa nadin na sabi ni Rosie.
"Ano? G?"
"G. Les do this, Seungwan. Bawal magkasawaan ha!"
"Shempre naman! Ilang taon ng puro ikaw eh. Ngayon pa ba ako magsasawa?"
"Endless sleepovers with the bestfriend."
"Gonna be lit."