Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

TWELVE

Maingat na pinunasan ni Wendy ang lens ng salamin niya. Kinukumbinsi ang sarili na makakatulong kahit paano ang ginagawa kahit alam niyang hindi na talaga sukat ang ginagamit na glasses sa mata niya. 

Rosie would be yelling at me to get new ones by now.

Umiling siya. Bumalik sa quiz ng mga estudyante na gine-grade. 

Nag-ring ang cellphone niya na nakapatong sa sofa sa likod niya. Sinagot niya ang tawag. "Hello?"

"Seungwan?"

"Yeh mom. Who else would it be?"

"It's Saturday. I assumed you're with Rosie and you had her pick up your phone again."

"I'm.." Bumuntong-hininga si Wendy. "She's not with me, Mom." Sabi niya.

52 Saturdays ko na siyang hindi nakakasama. 

"You could call her directly if you wanted to talk to her?" Offer ni Wendy.

"No no. I wanted to talk to you. Yoona and I both do." Sagot ng mommy Seohyun niya.

"Okay?"

"We have a proposal for you."

Binaba ni Wendy ang hawak na ballpen sa kabilang kamay. Tumayo mula sa pwesto niya sa floor tapos lumipat sa sofa para makahiga. "What's up, Moms?"

------------------------------------------------------------

Gabi na. Alam ni Wendy dahil kita niya ang dilim ng langit mula sa bintana sa sala ng condo niya. 

Nakahiga padin siya sa sofa. Umaga tumawag ang mga magulang. Maghapon ang naubos niya kakaisip ng conversation na yun. 

Bumangon siya nang marinig na kumalam ang tiyan. Papunta sa kusina, diretso sa ref na binuksan. 

May isang tupperware ng tirang macaroons mula nung isang araw na dumaan si Suzy at tinulungan niyang mag-bake. Meron ding dalawang kahon ng Chinese takeout. 

Nagkibit-balikat si Wendy. Dinukot ang isang box tapos binuksan. Inamoy ang laman. Lo Mein. Panis. Sumimangot siya. Tinapon sa basurahan ang box tapos dinukot ang isa pa. Inulit ang gawain. Egg Fried Rice. Expired nadin. "Pota." Sabi niya. "Mapapaluto pa yata." 

Nagpunta siya sa cabinets niya para maghanap ng pupwedeng i-Macgyver na pagkain. Walang laman. 

Rosie hates it when this happens.

Bumuntong-hininga si Wendy. Kinuha nalang yung tupperware ng macaroons mula sa ref tapos bumalik sa living room. Sumalampak siya ulit sa lapag. Binuksan ang TV papunta sa HBO kahit hindi niya alam ang palabas. 

Pang-ingay lang para masabing meron. Tanggap na wala na yung original na taga-gawa ng ingay sa condo na tinutuluyan niya. Sinimulang kainin ang macaroons. "Galing ko talaga mag-bake. Lasang pang-martyr. Happy anniversary sa pinagbigyan ng hindi scraps." Comment niya. Natawa sa sariling joke. 

Nag-ring ang cellphone niya. Matagal niyang tinitigan bago sagutin. Specialized kasi yung ringtone. (This Guy's In Love With You Pare. Parokya ni Edgar. Pang-asar na sinet ng tumatawag.) Sinagot niya. Talagang di kita matitiis. "Hello?"

"Theungwan?" Sabi ng nasa kabilang linya. Tahimik. Problemado. 

Binalik ni Wendy sa tupperware ang macaroon na kakagatin niya sana. "What's wrong, Rothie?" Tanong niya sa kausap. Pigil na pigil ang urge na tumakbo at puntahan para mayakap. Wala kang karapatan. Matigas na saway niya sa puso at utak.

"I..need someone to talk to..Can we go to the overlook?"

"Rosie?"

"Please? I know you're hella busy and shit but..I need my bestfriend.."

Tumayo si Wendy. Huminga ng malalim. "Where are you? I'll pick you up."

------------------------------------------------------------

"I don't see the problem?" Sabi ni Wendy sa katabi niya ng upo sa hood ng kotse niya. 

"Kailangan ilapag sayo?" Sagot ni Rosie. 

"Yes?" Kibit-balikat.

"I'm having doubts." Sabi ni Rosie. "Like..about my relationship. Why? It scares me." Yumuko. 

"Bakit?"

"Kakasabi lang na di ko nga alam, Seungwan. Active listening naman tayo diyan, uso yun."

"No no..I mean..bakit? Eh ang stable niyo kaya ni Suzy." Sabi ni Wendy. As you should be.

"Ewan ko ba." Kibit-balikat na sabi ni Rosie. "Like..she asked me to move in with her and instead of being happy, I was just terrified. What the fuck." Umiling-iling. Tinapik ang sariling noo. "Ang bobo. Nakakainis."

"Mhmm."

"You're not supposed to agree with me!"

"Mej dumb naman nga kasi talaga na mag-iisip ka ng ganyang bagay."

"Tsk..ewan if it's because moving in together at this stage is SUCH an adult thing to do or what kaya ako nagkakaganito..I mean..mahal ko si Suzy. Why can't I go when I'm supposed to go?"

"Di naman obligation diba? Binigyan ka ng oras mag-isip. Use that then."

"Ayoko. Unfair sa kanya yun. Ready na siya tapos ako na lang hinihintay..di ko pa ba bibilisan? Naiirita ako na natatakot ako. Bakit?"

Sagarin na natin ang sakit, self. Time to find out if we can do better.

"Lam mo?" Sabi ni Wendy pagkatapos bumuntong-hininga. "Hindi worth it ang isang bagay kapag di ka takot." 

Tinitigan siya ni Rosie. "Ha?"

"Heard of Star Wars?" Tanong ni Wendy.

"Duh. We used to hit each other with Lightsabers all the time. Don't think I forgot you chose the Dark Side by the way, Sith Lord Seungwan." Nakangiting sagot ni Rosie.

Natawa si Wendy. "Mhmm. Damn right. Jedi Rothie." Comment niya.

"Anmeron sa Star Wars?"

"Carrie Fisher..said something. One of my favorite quotes. 'Stay afraid, but do it anyway.' Has a nice sentiment right?" Sabi ni Wendy.

"Hmm." Nag-isip si Rosie. "Di naman ganun kadali yun."

"Well yeah..kaso what to do? If you just stay the way you are without moving forward..what's the point? Try and think of it as a good thing..like..ayaw mo ba nun? Serious jowa mo sayo kasi she asked you to move in together. Means she's looking into a future with you." Paliwanag ni Wendy. 

"Hmm."

"Look, I'm not here to convince you to go for it or nah. Choice mo padin yun. I think it's a great idea to still take time and think..pero I'm just saying.."

"I get what you mean, Seungwan."

"Cool. Ayos ka na?" 

"Not completely."

"May point ba usapan natin?" 

Natawa si Rosie. Humiga na sa kotse. "Nakatulong naman..I think know what to do now."

"Good. That's good. I'd hate to find out I wasted gas and laway for this outing." Biro ni Wendy.

"Tangina ka. Ngayon na nga lang tayo nakalabas ng tayo lang after a whole ass year tapos ganyan ka pa." Banat ni Rosie. 

Natigil si Wendy. Kailangan eh. Pasensya na. Masaya ka naman diba? Yun lang ang end goal.

Tinampal ni Rosie sa pisngi si Wendy. "Hoy ayos ka lang ba?" Tanong niya.

Umiling si Wendy. Pang-gising. "Yeh. Ayos lang. Uhhh..I just realized I still have papers left to grade." Excuse niya.

Sumimangot si Rosie. "Hinay-hinay naman sa pa-quiz sa mga students mo, Wan. Parang di ka na nauubusan ng iche-check, wala ka nang oras for anything else." Sabi niya.

"Deh..Weekly lang naman..I just..put them off."

"Hmm."

Tumabi na ng higa si Wendy kay Rosie. Tinitigan nila ang langit. 

"I miss you, Seungwan." Bulong ni Rosie.

I'm sorry. You didn't have to miss me and all this..wouldn't need to happen if I fell in love with you when I could.

------------------------------------------------------------

ONE MONTH LATER

"Kamusta buhay mag live in?" Tanong ni Jisoo. 

Nasa isang lamesa sila sa isang bar para sa bi-monthly barkada catch up night. 

"Ayos naman." Sagot nila Jennie at Lisa. 

"Di kayo tinatanong ko." Sagot ni Jisoo. "Epal eh."

Binatukan ni Jennie si Jisoo. Natawa ang ibang mga nasa table. 

Uminom si Wendy mula sa beer bottle na hawak. 

"We're getting the hang of it." Proud na balita ni Suzy. Inakbayan si Rosie. 

Uminom ulit si Wendy mula sa beer bottle na hawak. Paborito niyang past time yun tuwing sumasama siya sa ganitong klaseng lakad. Self drinking game, take a drink if nag-lambingan yung bestfriend niya at yung jowa nito. 

Maayos naman ang kinahinatnan sa isang taon niyang gawa. Tumaas-taas na ang alcohol tolerance niya. Ang siste lang ay mas madami siyang nagagastos sa alak para lang makaramdam na ulit ng buzz. Necessary evil. Pinangatwiranan sa pamamagitan ng pagiisip na di bale nang lasing siya kesa sober niya papanuorin ang lahat. Less pain dahil less awareness per drink, di pa siya obligadong magsalita kaya bawas din ang chances na may masabi siyang katangahan.

"Just this evening while we're preparing to go here.." Kwento ni Suzy. "Di kami nag-away sa banyo like we tend to do."

"Bakit..kayo magaaway sa banyo?" Tanong ni Lisa.

"Di ba mas masayang mag-away sa kusina? Mas dramatic." Comment ni Jennie.

"Di naman away-away." Depensa ni Rosie. "Naguunahan kasi kami sa timing ng ligo. Hirap i-adjust yung oras na nakasanayan eh." 

Tumango-tango si Suzy. "Ngayon eh we found a happy compromise."

"Oh?" Sabi ni Jisoo.

"Sabay na kami."

Nagtawanan ang lahat. Kanya-kanyang asar kila Suzy at sa namumulang si Rosie. 

Nag tune out si Wendy sa mga ganap. Nawili na sa panunuod ng mga 90s and early 2000s music videos na nagpe-play sa pader na nasa harapan niya kasabay ng tugtugan. A1 ang current peg. Like a Rose.

Bumalik siya sa wisyo nang tapikin siya sa balikat ng katabi niyang si Jisoo. 

"Ayan ka nanaman!" Sabi ni Jisoo. "Every other month na nga lang tayo nagkikita-kita eh GG ka padin sa pagtahi-tahimik mo. Mag-ambag ka naman kahit kwento lang!"

"Ano ba ikukwento ko?" Tanong ni Wendy. "You don't get too much adventure as a teacher."

"Kahit ano lang keri na basta magsalita ka." Sabi naman ni Lisa.

Natawa si Wendy. "Uhh..sige..mag-iisip ako." Sabi niya.

"Ayos kayo ng bestfriend mo noh?" Sabi ni Suzy. "Isang teacher tapos isang student."

"I suppose." Sabi ni Rosie. "Supply mo na yung kwento from the other side, Wan. Apparently..just my Law school shenanigans bore them." Pabirong dugtong.

Nagpalit ng tugtog ang establishment. Seal. Kiss From a Rose.

Nang-aasar ang putanginang DJ sino ba nang masapak?

"May jowa ka na ba?" Tanong ni Jennie.

"Eto nanaman tayo sa putanginang..ako nanaman target mo eh!" Reklamo ni Wendy.

"Hoy valid question kaya!" Sabat ni Lisa. "Ikaw lang ayaw makisakay eh!"

"Wala akong jowa." Deadpan na sagot ni Wendy. Uminom ulit. Nakita kasi niyang hinalikan sa noo ni Suzy si Rosie. 

"Laro tayong Never Have I Ever?" Aya ni Suzy. "Para maubos natin agad tong pitsel ng Tequila Sunrise bago ma-dilute ng yelo."

"Game." Sabi ng majority. 

------------------------------------------------------------

Pangalawang pitsel. 

May amats na si Wendy. Ayos. 

"Never have I ever had sex with my bestfriend." Bato ni Jisoo. 

"Tangina mo talaga." Sagot ni Rosie. Pinakyu si Jisoo. Tinungga ang tokang alak. "Walang ungkatan ng past para namang tanga eh!"

Ininom ni Wendy ang alak niya. Di na nag-react. 

"That's..literally the point of this game?" Sabi ni Lisa sa hangin. 

Napansin ni Wendy na nagpalit nanaman ng tugtugan. Bon Jovi. Bed of Roses. 

Tangina naman.

"Ikaw na babe." Sabi ni Suzy kay Rosie.

"Never have I ever had a one night stand with anyone in this table." Banat ni Rosie. "Pakyu ka, Jichu."

"Weak naman nun." Sagot ni Jisoo. "Uminom ka din, tanga!"

Tumayo si Wendy. "CR." Announcement niya. Tamang iwas sa direksyon ng laro. Konting lakad lakad pang pawala ng amats.

Kinalabit niya si Jisoo na inabot sa kanya ang sigarilyo. Tumango siya sabay alis.

Naghilamos siya sa banyo. Walang tissue kaya pinunas nalang sa pantalon ang basang kamay tapos sa laylayan ng tshirt ang mukha. Di bale nang dugyot. Nasa point na siya ng lasing na ayos lang ang lahat. 

Nagsisindi siya ng yosi sa labas ng bar ng may kumalabit sa kanya. Lumingon siya. Nakasabit lang ang yosi sa labi. 

Isang babae. "Hi." Sabi nito.

"Uhh..Hi?" Sabi ni Wendy.

Nag-abot ng isang papel ang babae kay Wendy. Tumuro sa isa pang ate na nahihiyang kumaway nang magtagpo ang mata nila ni Wendy. "My friend Sejeong over there thought you were cute." Sabi ni ate girl. "Her number's on the paper. Nahihiyang lumapit para ibigay sayo on her own eh. Text mo daw siya." Bago umalis.

Tinitigan ni Wendy ang hawak na papel. Binulsa. 

Something for sober Wendy to think about.

------------------------------------------------------------

May nangbatok sa kanya. 

"Hoy! Bente minutos ka nang nawawala sa inuman andito ka lang pala putanginang yan." Si Jisoo. Hinablot ang kaha ng sigarilyo mula kay Wendy tapos nagsindi ng sarili. "Anong trip mo?" Tanong niya.

"May ateng nagbigay ng number niya sakin." Kwento ni Wendy. Umiiling. 

Natawa si Jisoo. Sinapak sa balikat si Wendy. "Ayos yan! Maganda ba? Gora mo na para di ka na papagtripan ni Jennie sa inuman kasi wala kang jowa."

"Wala ka din namang jowa. Ikaw kaya gumora?"

"Yak. Wag na. Masaya akong mag-isa. Sarili ko nga di ko mabuhay tapos magjo-jowa ako? Wag na oi. Tara upo tayo dito sa bangketa para cool."

"I don't do relationships." Sabi ni Wendy nang makaupo sa tabi ni Jisoo. May yosi na siyang nasindi sa wakas. 

"Lul. Di ka si Roseanne para magsalita ng ganyan." 

"May lahi ka bang basag trip?"

"Slight. Sa side ng biological nanay ko."

"Tangina mooooooo!"

Tumawa silang dalawa. Nanigarilyo lang. 

Pangalawang stick na nila nang magsalita ulit si Jisoo. "Seryoso mehn. Anong problema mo? Parati kang ganito sa inuman sessions. Nawawala sa gitna para magmuni-muni sa labas. Mag-ambag ka na kaya ng pang-yosi natin pareho para fair?"

"Wala naman akong problema." Sagot ni Wendy. "Ganto lang trip ko pang-pawala ng amats. Bumabalik naman ako sa loob pag oks na."

"Di eh. Kala mo ba di ko napapansin?"

"Ang alin naman?"

"Umiinom ka tuwing naglalambingan yung pinsan ko tsaka si Roseanne. Kaya ka parating may bucket ng beer na solo mong inuubos." Humithit si Jisoo. Nagbuga ng ilang bilog na usok tapos ngumiti ng pang-asar kay Wendy. "Nahulog ka noh?" Sabi niya.

Bata palang dapat natutunan ko nang hindi to kaibiganin. Pota.

"Lul. Issue ka." Sabi ni Wendy.

"Lul. Tama ako. Ayaw mo lang i-confirm. Pero oks nadin. Nangumpisal ka ba?"

"Tangina mo."

"I'm guessing that's a yes. Sarap ba lasa ng sariling mali?"

"Nauubusan na ako ng imumura sayo. 넌 멍청해."

"Nag-adik na yata sa K-drama kakalayo kay Roseanne dahil feel maging martyr." Comment ni Jisoo.

"Actually."

"Putangina. Ang lala."

Nagkibit-balikat si Wendy. "Paano mo alam?"

"Di ko alam. Ikaw nagsabi."

Sinapak ni Wendy si Jisoo. "Tangina ka talagang tunay tsong isusumbong kita sa tatay mo. Bully kang hayop ka!" 

"Aling tatay? Busy si Daddy Yunho sa business. Kay Daddy Changmin mo dalhin complaints and suggestions mo."

"Wala kang kwentang kausap." Tumayo na si Wendy. Hinila siya ni Jisoo sa braso para maiupo ulit. 

"Mehn. Namimiss ka ni Roseanne. Parati kong naririnig yun na sinasabi niya. Bakit ka lumalayo?" Seryosong tanong ni Jisoo. 

Tinitigan ni Wendy ang kaibigan na nakatingin sa kabilang side ng kalsada at naninigarilyo padin. Bumuntong-hininga siya. Kumuha ng isa pa ulit yosi. "Kailangan. Para di ko magulo isip niya. Kasi di ko kayang hindi kulayan lahat ng kilos ko sa paligid niya." Sagot ni Wendy pagkatapos ang matagal na tahimik niyang kinakalahati ang hawak na yosi. 

Tumango-tango si Jisoo. "Hmm..Martyr nga."

"Pinsan mo pati yung madedehado kapag nakagulo ako. Di ka ba thankful na iniiwasan ko yun?"

"Bakit? Anong pakialam ko sa relationship woes ni Suzy?"

"Selfish ka. May nagsabi na ba sayo nun?"

"Meron. Si Roseanne nung di ko siya pinagalaw that one time back in college."

"Putangina mong baboy. Ang hayop."

Binulsa ni Jisoo ang yosi. Tumayo tapos nag-pagpag ng pantalon. Tinulungan si Wendy. "Tropa din naman kita kahit ganito ako. Ang sakin lang..Bestfriend mo si Rosie. Paliwanag mo sa kanya kung bakit ka nawawala kesa nagiisip siya."

"Ayos na yung ganito mehn. Ayos na yung ganito. Nagpapakita pa naman ako..di nga lang solo lakads..Pag sinabi ko kasi sa kanya kung bakit..Lalo yun magiisip. Counter productive kung ang goal is maging masaya siya sa kung anong meron siya."

"Labo mo mehn. Sasaktan mo sarili mo?"

"Bestfriend ko si Rosie."

"Gora mo yung ate na nagbigay ng number sayo. Kahit usap lang. Baka naman yun ang kailangan mo para maka-move forward." Suggestion ni Jisoo. "Ako na nahihiya para kay Suzy eh. Mukhang sagabal pa tuloy yung pinsan ko." Pabirong dugtong. 

Natawa sila pareho. "Ayos lang ako, Jichu. Wag mo ako problemahin. Mamaya isipin ko ako crush mo sige ka."

"Manghilakbot ka naman sa pinagsasabi mo, erp. Mas crush ko pa si Roseanne kesa sayo eh."

"Yan tayo eh. Sabi ko na nga ba."

"Keri nadin. Tara na nga. Wasakin nalang natin si Suzy as ganti."

"Putangina ka talaga, Jichu. Putangina ka talaga."

------------------------------------------------------------

TWO MONTHS LATER

"May sagot ka na ba sa offer namin?" Tanong ni Yoona kay Wendy. "It's a good opportunity."

Nasa dining table sila sa bahay ng parents niya. Family dinner. 

"50/50, Ma." Sabi ni Wendy. 

"Bakit?" Tanong ni Seohyun.

"Wala lang..I mean..I have a life here."

"Takot?"

"Mej."

"Did you talk to Rosie about this? That bestfriend of yours has good insight." 

I can't. Kasi siya yung 50% na kayang pumigil sakin.

------------------------------------------------------------

"Seungwan?"

Bumangon si Wendy mula sa pagkakatulog. Kumurap sa pintuan ng kwarto niya kung saan nakatayo si Rosie.

"What the fuck. How?"

"You never took my keys back."

"Okay? Why are you here?"

Lumapit si Rosie. Umupo sa kama tapos pumatong kay Wendy. 

Oh shit here we go again.

"Trip mo?" Tanong ni Wendy.

"Nag-away kami ni Suzy." Balita ni Rosie. "I need to talk to someone."

"So nagpunta ka dito?"

"Ikaw lang maayos kausap eh."

"Ano ba pinag-awayan niyo?"

"Ewan kung anong pinagsimulan eh. Basta lately..super late na siya nauwi lagi. Kung kelan magkasama na kami in one place tsaka pa kami di nagkikita. Worse than when we weren't living together..Kanina eh I said something about it tapos ewan if we're both just wound up coz of stress and shit pero she snapped..so I snapped back..tapos next thing I know nagsisigawan na kami."

"What in the hell."

"I can't spend the night there. So I went here."

Di ka pwedeng tumakbo sakin. Di pwede. Kasi baka ma-demonyo ako tapos agawin kita.

"Saks na I can spend the night right? With my bestfriend? Or mali yung umalis ako?" Dugtong na tanong ni Rosie.

"Mej..mali yung umalis ka." Sabi ni Wendy. "Made it look like ayaw mo makipag-ayos."

"Hmm."

"Is that the case?"

"No. Mainit lang talaga ulo namin pareho and ayokong lumala."

"Can't run from the problem though."

Isa kang malaking hypocrite, Wendy.

"I should go back huh?" Sabi ni Rosie.

"Yeah you should..I mean..di sa ayaw kong nandito ka ha.." Stay forever if you want to. Dito lang. Sa yakap ko. Kasi pangako di na kita sasaktan ulit..Kung pupwede lang. "It's just..it might send the wrong signal to Suzy and I know you'd regret it if that goes south."

Tumango si Rosie. "I love her."

Alam ko. Kaya dun ka na. 

"Right? Teka magsa-sapatos ako. Hatid na kita."

------------------------------------------------------------

THE NEXT DAY

"Anong meron?" Tanong ni Suzy kay Wendy. 

Tinawagan niya ang girlfriend ng bestfriend niya para makipagkita sa Yoong Tapa. Kakadating lang ng nagtanong sa isang lamesa na may nakahaing usual order nila nung college at madalas na tambay ng lugar.

"Wala lang." Sabi ni Wendy.

Humigop si Suzy ng mango juice. Tumango. "Is this the bestfriend talk?" Sabi niya. "The part where you yell at me kasi I got into a fight with Rosie last night?"

"Not really."

"Eh ano to? You don't ask me to meet up na tayo lang."

"Bestfriend talk..but not the kind you're thinking of."

------------------------------------------------------------

Nakipag-fist bump si Suzy kay Wendy pagkasakay nito ng kotse. "Salamat, Wendy. I'll try and keep what we talked about in mind." Nakangiting sabi. "Ingat ka pauwi ha?"

"Wag try, Suzy. Gawin mo. Sure-fire na yun walang talo. Bakit subok lang? All out na." Sagot ni Wendy. Nakangiti. Sarili niya lang ang nakakaalam kung gaano ka pilit.

Natawa si Suzy. Tumango. "Osige sige. I'll do it. Una na ako. Surprise date. Tip #1 amirite?" Paalam niya. Lumarga nadin. 

Sumakay si Wendy kay Song One. Nag-dial sa cellphone habang pinapainit ang makina. Inipit sa mukha ang phone nang sumagot ang tinawagan tapos nag-shift to reverse paalis ng parking. 

"Moms? May sagot na ako."

------------------------------------------------------------

Napadpad siya sa bar ng Siopao at Cardo nung gabi. 

Mag-isa nanamang mag-iinom, naghahanap ng makakausap na magsasabing tama ang decision niya sa direksyon ng buhay.

Umupo siya sa bar. "Isang bote ng San Mig Light." Order niya. 

Humarap ang bartender. 

"Hoy putangina mo, tsong! Kala ko ba sa advertising ka nagtatrabaho?!" Sabi ni Wendy.

"Problema mo?" Sagot ng kinausap. "Di kita kilala oi. Engineer ako pinagsasabi mong advertising? Lasing ka na ba bago magpunta dito?"

"Parang gago naman tong si Jisoo eh." 

"Luh? Ingat ka mehn. Baka ma tokhang ka."

"Ano yung tokhang?"

May lumabas na babae mula sa pintuan sa likod ng bar. Lumapit sa kausap ni Wendy. Pumalakpak nang makita siya tapos sinampal yung kinakausap ni Wendy. "Chu! Eto yung sinasabi nung dalawang puta na college Wendy daw!" Sabi ni ate. 

"Tong si Ligaya parang gago. Lakas makatawag ng Chu, si Chip ka ba? Wala kang karapatan." Sagot ni bartender Chu.

Sumimangot si bartender Ligaya. "Ang grumpy mo. Buti nalang masayahin yung asawa't mga anak mo noh? Nice the balance." Asar niya. 

Binuksan ni bartender Chu ang lamp na nasa taas ng ulo ni Wendy. Napasinghap tuloy si Wendy nang makita ang dalawa. 

"Luh putangina." Sabi niya.

"Oo na." Sabi ni bartender Ligaya. "Alam kong shooketh ka kasi kamukha ko yung ex mong di deserving ng pangalan."

"Puta?"

"Parang pamilyar ka.." Sabi ni bartender Chu. "Nakita na kita somewhere. Saan?"

"Yung boss natin na jowa ko. Kamukha niya." Sabi ni bartender Ligaya.

"I ended up with you in your universe?!" Sigaw ni Wendy. "Ohno. Eeeeeeew."

"Maka-eww to. Hoy! For your information, I'm the better Joy in every universe." Sabi ni bartender Ligaya. "Your Joy WISHES she can be me." With matching hairflip. 

Nasampal ng buhok si bartender Chu na suminghap. Pumitik sa mukha ni Wendy. "Ikaw yung batang nakita namin ni Chip na nakikipagsapakan sa playground dati!" Sabi niya.

Ay putangina. GG na. Eto na yung babali ng pinky ko.

"Ah..ehh..Aalis na ako. Shet. Maaga pa pala ako bukas." Excuse ni Wendy. "Bye."

"Deh deh." Sabi ni bartender Ligaya. "Di ka pwede umalis. Umorder ka muna ng maayos tapos maglapag ng pinproblema. Requirement. Corkage."

"Isusumbong kami ng may-ari kay Chip kapag pinaalis ka namin ng walang ambag. Ayoko nase-stress asawa ko pag di ako ang may kasalanan." Sabi ni bartender Chu. 

Napilitang bumalik sa pagkakaupo si Wendy. Bumuntong-hininga nalang siya. Wala nang kawala. Might as well.

Nagbaba si bartender Ligaya ng isang shot ng Tequila sa harap ni Wendy. Ngumiti. "Anong maitutulong namin, college Wendy?" Tanong niya.

"Di na ako college." Sabi ni Wendy. Ininom ang alak. Refilled agad ni bartender Chu. 

"Wala kaming pakialam." Sabi ni bartender Ligaya. "College Wendy is good nickname. Kesa Wendy Wendy yung itawag ko sayo eh mas matalino yung Wendy ko ng di hamak."

"Pahiram naman kako ng life niya." Sabi ni Wendy.

"Bagal naman maglapag ng kwento." Sabi ni bartender Chu. "Hanggang alas-onse lang ako dito, yung lapag mo na lang gagawin kong bedtime story ng bunso ko."

------------------------------------------------------------

"So ayun..That brings us to here..where I have this thing..That I have to do para maayos ang lahat." Sabi ni Wendy. Kakatapos niya lang i-kwento ang lahat ng ganap ng isang taon niya halos na pagkawala. 

Nakatitig lang sa kanya ang dalawang bartender. 

"Bubble wrap mo na pinky mo." Sabi ni bartender Chu. 

Umiling si Wendy. "Mabali na kung sa mababali. Kailangan ko to gawin." Sabi niya.

"Psst." Tawag ni bartender Ligaya kay bartender Chu. "Anong paboritong bulaklak ni Chip?"

"Bakit mo kailangan malaman?" Tanong ni bartender Chu kay bartender Ligaya.

"Bibilhan ko siya as congratulations kasi sa lahat ng universe..patay na patay kayo ni Wendy sa kanya."

"Uhhh."

"Wag mong sabihing roses kasi tatawa talaga ako."

"Roses naman talaga?"

"Luh gago legit ba?"

"Yeh bruh..The white ones. Said they brighten up her mood. Lakihan mo na bouquet, bayaran kita."

"G."

Humarap ulit ang dalawang bartender kay Wendy.

"Ang tanga ng plan mo." Sabi ni bartender Ligaya.

"Kailangan."

"Kailangan and tanga move are two different things."

"Kailangan." Sabi ni bartender Chu. 

Nabuga ni Wendy ang iniinom na Tequila. "Luh?" Sabi niya with matching pahid ng bibig gamit ang sleeve. 

"Kailangan." Sabi ni bartender Chu. "Alam ko nasa isip mo, college Wendy. Iniisip mong kailangan para di ka makagulo. Kailangan para lumaki kayo pareho. Kailangan para luminaw lahat ng malabo."

"Paano mo alam?!"

"Kasi nang-galing na ako diyan. Diba sabi ko sayo dati kamuntik na mawala yung sakin?"

"Nagkakaintindihan naman pala." Sabi ni bartender Ligaya. "Babalik na ako sa kusina. Kayo nalang mag-usap diyan. Ivi-video call ko yung Wendy ko. Kakamiss eh." Umalis nadin. 

Naiwan nga sila bartender Chu tsaka Wendy. 

Kumuha ng baso si bartender Chu mula sa ilalim ng counter. Nagbuhos ng Whiskey. Dalawang yelo. Uminom tapos tinapik ang lamesa. "Tingin mo.." Sabi niya kay Wendy. "Kakayanin mo na maitawid ang plano mo?" 

"Hindi."

"As expected. Pero ipipilit mo?"

"Oo. Kasi gusto ko lang naman masaya siya. Pag umaligid ako..di mangyayari yun..habang buhay lang kaming malilito..Binibigyan ko ng fighting chance yung relationship niya kasi yun yung nakakapagpasaya sa kanya..tsaka..magandang opportunity yung nakahain..sayang pag pinalagpas."

"Paano ka nakakasigurado na yung relationship na yun yung kailangan niya at hindi ikaw?"

"Kala ko ba kakampi kita? Ginugulo mo utak ko eh!" Reklamo ni Wendy.

"Sinasabi ko lang. Para mag-ingat ka din. Wag ka padalos-dalos. Kasi baka masabit mo din siya sa bagay na pipilitin niya lang kahit hindi na dapat."

"Yun ang meron siya ngayon. Mahal niya. Alam ko dahil sinabi niya sakin."

"Hmm."

"Kailangan ate Chu.."

"Sige. Ride ako sa trip mo. Basta kausapin mo siya. Ilapag mo lahat ng nasa isip mo. Di ko alam kung paano lumaki yung Rosie mo..pero as far as I know with mine..Anghel sa lupa..Maiintindihan niya. Basta ipa-intindi mo. Panindigan mo."

"Ang sakit sa dibdib."

"Ganun talaga. Pinalagpas mo nung pwede eh. Wala ka nang magagawa. Andun na. Ang siste is paano mo sasakyan." Kinlink ni bartender Chu ang baso niya ng Whiskey sa hawak na shot glass ng Tequila ni Wendy. "If it helps..Pakiramdam ko ikaw ang nakasulat para sa Roseanne ng universe mo."

"Paano kung mali ka? Paano kung wala na akong babalikan?"

"Andito padin sa likod yung naka-reserve na alak mo. Pumunta ka dito. Patawagan mo ako pag hindi ako ang bantay. Para dadamayan kita sa paglalasing mo."

Forward
Sign in to leave a review.