
TWO
Kumurap-kurap si Rosie. "Nugu?" Tanong niya kay Wendy.
Hinawakan ni Wendy ang straw ng orange juice na nasa kamay ni Rosie. Niliko ng slight para mai-shoot sa bibig ng bestfriend niya tapos tumango. "Joy kako." Sabi niya.
"Sino yun?"
"Ohmygod. Pay attention, Rosie." Exasperated na sabi ni Wendy. "Classmate ko siya sa calculus."
"Classmate ko si Jisoo sa Asian Lit pero di naman siya nakikitambay satin dito sa karinderya. Anmeron sa Joy?"
"Tangina naman nito eh."
"Uso kasi yung isang bagsakan ng information, Seungwan. Ikaw yung tangina eh. Pa-suspense pa."
Bumuntong-hininga si Wendy. Hinawi ang buhok.
Naubos yung iniinom na juice ni Rosie. Nag 2x speed kasi siya ng inom dahil sa nakita. Worth it yung brain freeze.
"Crush ko siya. Gotta tutor her on the subject according to our prof kaya napagusapan namin na dito nalang magkita." Paliwanag ni Wendy.
Natulala si Rosie. Tangina.
"Huy ayos ka lang?" Tanong ni Wendy sa itsura ng bestfriend niya.
"Brain freeze." Sagot ni Rosie.
Tumango si Wendy. "Kailangan chill tayo orayt? Dapat ma-impress si Joy kasi mataas standards nun. I plan to use this tutor thing to get closer..tapos liligawan ko siya."
"Pota naman."
"Problema mo?"
"Wala. Ubos na juice ko. Juice..ko."
------------------------------------------------------------
Hindi na sila nagusap ulit. Nagsimula na kasing mag OC levels ng ayos sa table si Wendy. Tamang labas ng laptop, labas ng libro sa Calculus, labas ng ilang worksheets, pili ng maayos (at pinaka-mahal) na ballpen mula sa pencil case, ayos ng buhok, punas ng salamin.
Umorder si Rosie ng tapsilog at kumain.
Nag-ping ang nakapatong na cellphone ni Wendy sa lamesa. Mabilis na hinablot ng may-ari tapos tinignan. Insta-pula. "Shet. Shet andyan na siya sa labas. Puta. Wait. Di ako prepared." Panicked na sabi.
"Ako din di prepared." Bulong ni Rosie.
"Ha?"
"Wala."
Tumango-tango si Wendy. Mabilis. Parang bobblehead. "Oks oks." Huminga ng malalim. "Susunduin ko siya. Dito ka lang ha. Pabantay ng gamit. Game na."
Umalis si Wendy.
Tumingin sa ceiling si Rosie. Bumuntong-hininga. "Bakit naman ganun, Lord?"
------------------------------------------------------------
Matangkad din ako. Di ka special.
Unang pumasok sa utak ni Rosie nang dumating na ang bestfriend niya sa lamesa kasama yung crush nito na si Joy.
"Rosie. This is Joy. Joy, this is Rosie my bestfriend." Nakangiting pagi-introduce ni Wendy sa dalawa.
Tinignan ni Joy si Rosie na parang sinisipat yung pagkatao niya.
Naturally, nag-panting siya kaya tumayo siya at nag-offer ng handshake na tinanggap naman ni Joy sabay irap pagkatapos.
Ganda ka teh? Isip ni Rosie.
Umupo si Joy sa in-offer na seat ni Wendy sa tabi nito.
"I thought we should start with the first worksheet sa chapter for the week." Sabi ni Wendy kay Joy. "Para makuha natin yung uhh..feel ng susunod na classes?"
Nag hairflip si Joy. "Parang di ka sigurado. Diba dapat ikaw may alam nun?" Sabi niya.
"Attitude ka?' Sabat ni Rosie.
Tinaasan siya ng kilay ni Joy. "Bakit ka ba nandito? Makiki-review ka din? Or ikaw yung tipo ng bestfriend na clingy?"
Binaba ni Rosie yung hawak niya na kutsara't tinidor. "Eh ano naman kung ako yung bestfriend na clingy? Is that pertinent? Care mo?"
"Care ko kung makakaistorbo ka sa effort ko na itaas grades ko." Mataray na sagot ni Joy.
"Sure ka na ba dito, Wan?" Tanong ni Rosie.
"Ohshit." Bulong ni Wendy. "Uhhhm.."
"Tangina. Ewan na nga. Bahala kayo diyan. I'm off to find something to do that's not this." Sabi ni Rosie. Dumukot sa bulsa para sa ilang bills na nilapag niya sa lamesa. "Share ko sa pagkain. Bye." Sabay walkout.
"Trip nun?" Tanong ni Joy kay Wendy. Lumingkis sa braso ng kausap na namula naman sa ganap.
"Di ko alam." Sagot ni Wendy. "Uhh..aral na tayo?"
"Talinuhan mo ha. Para cute. Kaka turn on utak mo sa classes eh."
"Ohmaygulay."
"Pag pumasa ako sa prelims jojowain kita. Para sureball na din grades ko sa finals. Sabay tayong mag-aral." Mapang-akit na bulong ni Joy kay Wendy.
"OHMAYGULAY."
------------------------------------------------------------
"Lasing ka na. Uwi na." Sabi ni Lisa sa kaharap niya sa lamesa sa isang budget beerhouse malapit sa university nila.
"Di pa ako lasheng." Sagot ni Rosie.
"Lasheng ka na." Sabi naman ni Jennie.
"Tsk. Pakadaming KJ sa Earth."
"Para kang tanga." Sabi ni Lisa. "Bakit ka ba nag-iinom?"
"Crush daw ni Sheungwan yung kaklase niya sa Calculush. Bitchs naman." Tumungga lang ulit si Rosie ng alak.
"Ooooooooh!" Sigaw ni Lisa. "Ayan na. Threatened na siya. Sabi sayo walang magagawa yung pa bad girl keme mo eh. Iba parin naman yung napansin."
"Lam mo? Ang tangina mo." Sagot ni Rosie. Sumenyas ng pakyu. "Pakyu ka. Kaibigan ka ba talaga? Bushet."
"Umuwi ka na, Rosie. Hatid ka na namin ni Lisa. Drinking won't exactly help." Offer ni Jennie.
"Helpsh me not think."
"Kahit?"
"Keri na. I'm fine. Hahanap nalang ako ng iba." Sabi ni Rosie. Tumango. Tinungga ang baso ng alak ni Lisa. "Madaming iba. They shay if you need to move on eh get under someone elsh. Kaya ko yun. Walang problema." Tumayo mula sa upuan tapos sumuray papunta sa banyo.
Nagtinginan sila Lisa at Jennie. "Pigilan mo." Utos ni Jennie sa girlfriend. Tumango si Lisa. Tumayo nadin pero umupo ulit.
"Too late." Sabi ni Lisa. Tumuro sa kaliwa nila.
Kung saan naglalakad na papunta sa labas ng beerhouse si Rosie na hila-hila yung kaklase nila sa Asian Lit na si Jisoo na takang-taka pero nagpapakaladkad naman.
Binatukan ni Jennie si Lisa. "Para ka namang tanga, Lisa!" Pikon na sabi niya.
Tumayo silang dalawa para sumunod sa kaibigan.
------------------------------------------------------------
"Anmeron?" Curious na tanong ni Jisoo sa humihila sa kanya.
"Wala. I want to fuck. Dali pumara ka ng takshi." Sagot ni Rosie.
"Luh?" Sabi ni Jisoo. "Dahell? Uhhh..diba may jowa ka?"
"Shino bang jowa pinagshashashabi niyo?!" Sigaw ni Rosie. Hinablot yung ulo ni Jisoo sabay halik.
Matagal din silang ganun lang sa gitna ng sidewalk sa labas ng beerhouse. "Wala akong jowa. Pumara ka na ng takshi game na!" Sabi ni Rosie.
Wala sa sariling kumumpas ng kanang kamay si Jisoo para sa dumaadang mga taxi sa kalsada. Naghahabol padin ng halik.
Saktong kakasakay nila Jisoo at Rosie sa cab nang makalabas sa beerhouse sila Jennie at Lisa.
"Tsk. Taena naman, Rosie." Sabi ni Jennie.
"Bait bait ni Jisoo yun pa yung napagdiskitahan." Sabi ni Lisa. "Sana naman nagawa na nun yung homework natin para makakopya padin ako bukas."
------------------------------------------------------------
"Urrrgh pota my head." Reklamo ni Rosie pag-gising niya kinabukasan. Gumulong siya sa hinihigaan. May natampal sa tabi niya na tao na umungol lang tapos tumahimik din.
Dumilat siya. Wala siya sa kwarto niya sa bahay, wala din siya sa kwarto niya sa dorm. Tinignan ang katabi.
"Ay tangina." Sabi niya.
Tulog na tulog si Jisoo. Nakadapa. May ilang kalmot sa likod, nakahubad.
"Well shit. Nice." Sabi ni Rosie. "Mukhang masaya pa ah. Sana naalala ko." Umiiling na comment.
Maingat siyang bumangon tapos lumingap sa paligid para hanapin ang mga nakakalat na damit niya. Isa-isang sinuot. Hinihigpitan niya ang belt niya nang magising ang kasama niya sa kwarto.
"Aalis ka na agad?" Antok na tanong ni Jisoo. Nagkakamot ng mata.
"Uhh..Yeah." Sagot ni Rosie.
"At least stay for some food. Saks na ba pancakes? I make a mean batch." Offer ni Jisoo.
Umiling si Rosie. "I don't..even know why I stayed the night." Sabi niya.
Kumurap-kurap si Jisoo. "Wow."
"I'd say sorry but.."
"I get it. Oks na. Should have expected that."
Huminga ng malalim si Rosie. "I thought you had an idea."
"Doesn't hurt to hope." Seryosong sagot ni Jisoo.
Tapos na magbihis si Rosie. "Uhh..I'm going. Bye?" Sabi niya para lang makaiwas sa tingin ng kasama niya.
"Sara mo nalang yung pinto. It locks itself." Sagot ni Jisoo. Dumapa nalang ulit sa kama tapos nagtalukbong.
Tumango si Rosie. Tahimik na umalis.
Matagal siyang nakatayo sa hallway sa labas ng pintuan ng apartment ni Jisoo. Iniisip kung bakit may pitik sa puso niya yung tingin ng kaklase niya.
Wag na uulit, Rosie.Walang dulot. Lalo ka lang malilito.
------------------------------------------------------------
"Di ka umuwi kagabi." Bungad ni Wendy pagkapasok ni Rosie sa apartment na share sila. "I spent freakin' hours calling you saan ka ba nagpunta?!"
"Got held up partying. Spent the night somewhere safe. No worries." Tipid na sabi ni Rosie.
"You need to stop partying around too much. Wala namang dulot." Sabi ni Wendy.
"Last na." Sagot ni Rosie. Iniisip padin ang itsura ng iniwan niya nung umaga.
"Sure it is."
Binaba ni Rosie ang bag sa kitchen counter. Naisipang lalo pang saktan ang sarili kaya inilabas ang namumuong tanong sa utak. "Kamusta tutor session niyo nung Joy?"
Kumislap ang mga mata ng bestfriend niya. Ngumiti ng malawak. "Dami naming natutunan. Oks na. Sabi niya..eh nakaka turn on daw talino ko kaya jojowain niya ako pag pumasa siya sa prelims. Tamang goal setting."
"What. What the fuck. That's dumb." Di napigilang comment ni Rosie.
"Lakas mo makasabi ng dumb ah! Inggit ka yata kasi magkakajowa na ako." Sagot ni Wendy.
"Wow. Di mo ba naisip na ang suspish nung jojowain ka niya kasi trip niya na magpatulong para sa grades niya? Keri naman gawin yun ng di kayo mag-jowa."
"Naisip. Pero ayos na yun. Not like di ko siya liligawan padin kahit sure na."
"Ang tanga tanga. Seryoso. That's not gonna end well. She doesn't seem like the type who gets tied down."
"Di naman siya magsasalita ng ganun if what you're saying is true."
"Yes she can say shit without meaning it. Malala yata tama mo dun sa Joy, di ka nagiisip ng maayos."
"Enough, Rosie. I don't want to argue about this. Okay ako. I can manage."
"I'm not trying to argue, just trying to look out for you. Ayokong ma joken hearted ka sa ginagawa mo. She's using you. Siya na mismo nagsabi ayaw mo lang intindihin."
"Keri na magpagamit sa simula. With my charms..I can get her to like me for realsies. Ayos na yung chance."
"Please don't."
"Wala kang magagawa."
"Tangina naman, Wendy. Makinig ka naman. Please?"
"Bakit ba against ka na magka-jowa ako? Is it coz I won't get to hang out with you as often kung sakali?"
"Di naman ako against na magka-jowa ka. I'm just against you..being mag-jowa with her. Kasi nga I noticed na she's not the type for you. Iba yung galawan eh. Masasaktan ka."
"You'd know that type of galawan noh?" Banat ni Wendy. Kita na unti-unti nang napipikon sa usapan.
"What." Sabi ni Rosie. Napaurong siya.
"Sabi ko..you'd know that galawan. Kasi ganun ka din diba?"
"Luh?"
"Hayaan mo ako sa trip ko, Rosie. I understand we're bestfriends and you're trying to look out for me. Oks. Salamat. Pero don't get into this. Mas kilala ko si Joy kesa sayo."
Suminghot si Rosie. Huminga ng malalim. "Fine. Don't say I didn't warn you." Sabi niya. "And thanks for telling me how messed up I am by lumping me with her. I needed that." Padabog na hinablot ang bag niya sabay punta sa kwarto niya.
Nagface palm si Wendy. "Fuck." Bulong niya. "Sumobra yata ako dun." Mabilis na tumayo para humabol sa bestfriend niya tapos kumatok sa naka-lock na pintuan. "Rosie, open the door. Sorry na. I was out of line."
"Ayos lang, Seungwan. I'm hungover from last night. Matutulog nalang ako maghapon." Sagot ni Rosie mula sa kabilang side ng pinto.
------------------------------------------------------------
"Di mo padin ba ako kakausapin?" Tanong ni Wendy kay Rosie.
Lunes.
Magkahiwalay silang dumating sa paboritong karinderya bilang sa bahay ng mga magulang niya naglagi ng weekend si Rosie.
"Kinakausap naman kita." Sagot ni Rosie.
"Tipid tipid."
"Usap padin."
Binaba ni Wendy ang dala niyang bag sa floor. Umupo sa harap ni Rosie tapos hinawakan ang kamay. "Sorry na kasi." Sabi niya.
"Wala na yun. Bahala ka na."
"Forget about it?"
"Forget about it. Wala din naman akong tatayuan to give you advice and stuff."
"That's not what it is, Rosie. Sorry I implied that."
"Kala ko ba forget about it?" Ngumiti si Rosie ng pilit. Binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Wendy tapos itinaas para umorder ng baconkalog with extra rice. "Ayoko na pag-usapan. Tama na, I don't want to fight."
Tumango si Wendy. "Okay." Kamot-batok. "Uhh..We have another session in a few minutes. May quiz kasi kami mamaya." Balita niya.
Bumuntong-hininga si Rosie. "Lemme guess..ayaw niya na nandito ako."
"Sabi niya ayaw daw niya ng distractions eh."
"Tsk." Tumayo si Rosie at kinolekta ang mga gamit. "Take out ko nalang pagkain ko."
"We can go and hang out nalang mamaya after school? Punta tayo sa overlook." Offer ni Wendy.
"G." Sabi ni Rosie. Ngumiti na gaya ng inaasahan ni Wendy kapag name-mention ang isip spot nilang dalawa.
"Bawal talkshit ha." Banta ni Rosie. Nakaturo sa bestfriend niya.
"Oo naman! Peksman." Sabi ni Wendy.
"Oks. See you later then. Antay ako dito."
"See you, bestfriend!"
"Mhmm."
------------------------------------------------------------
Natuod si Rosie pagkapasok niya sa classroom.
Wala kasing bakanteng upuan..na hindi katabi ni Jisoo.
Putangina naman the Lord is testing me.
Nakita na siya ng prof sa labas ng building. Di na pwede mag cutting. Umiling siya. Bahala na.
Tahimik siyang umupo. Tahimik din na nilabas ang mga gamit na kakailanganin para sa klase.
Di siya pinapansin ni Jisoo. Gets niya kung bakit.
Lumingap siya para hanapin ang mata ng magkatabi sa bandang harap ng room na sila Lisa at Jennie.
Sumenyas si Jennie ng usap pagkatapos ng klase. Tumango si Rosie.
Dumating ang prof. "Lapag niyo nalang yung papers niyo sa Epic of Gilgamesh here on my desk. Pass forward everyone." Announcement nito.
Tinampal ni Rosie ang noo. "Fuck me." Sabi niya. Nakalimutan niya na yun sa kadahilanang humilata lang siya sa bahay buong weekend kasi 'hungover' siya.
Nakarinig siya ng mahinang tawa mula sa kanan niya kung saan nakaupo si Jisoo. Mabilis siyang lumingon. "Judgy mo." Sabi niya.
"Ikaw ba tinatawanan ko?" Sagot ni Jisoo. "GGSS ka lamoyun?"
"Sino pa ba tatawanan mo eh ako lang naman narinig mong nagsalita?"
Tinapik siya ng nasa likod niya na si Mina. "Huy eto na papers namin. Pay attention naman." Biro nito.
"Shet. Sorry." Sabi ni Rosie. Inabot ang papel ng mga kaklase tapos akmang ipapasa sa nasa harap niya. Tanggap na na wala siyang homework at malaking kaltas nanaman sa grade niya.
May lumapag na papel sa lamesa niya galing sa kanan.
"Next time..clear mo muna schoolworks mo bago mag-request ng fuck me." Sabi ni Jisoo.
Tinignan ni Rosie ang papel. Analysis ng Epic of Gilgamesh na nakapangalan sa kanya.
"Luh?" Sabi ni Rosie.
"Ipasa mo na. One night stand lang yan ha. Di na mauulit." Comment ni Jisoo na diretso lang ang tingin papunta sa harap ng classroom.
Pinasa ni Rosie ang papel.
------------------------------------------------------------
"Pakawala kang babae ka!" Akusa ni Jennie na lumapit sa upuan ni Rosie pagka-alis na pagka-alis ng prof nila.
Napahawak sa dibdib si Rosie. "Luh?" Sabi niya.
"Tae ka. Binulabog kami buong magdamag ng bff mo kasi di ka daw umuwi letse ka, Rosie." Reklamo ni Lisa.
Tahimik na tumayo si Jisoo sa upuan nito. Napalingon si Rosie. Pinanuod niyang dumukot sa bag para sa wallet tapos umalis ng classroom.
Tumayo din siya. "Mamaya na tayo mag-usap teka muna." Sabi niya.
Nagulat naman sila Jennie at Lisa. "Trip mo?" Tanong ni Jennie.
"Mamaya na, Jennie." Sagot ni Rosie. Sinundan palabas ng classroom si Jisoo.
------------------------------------------------------------
"Alam kong nakasunod ka. You're not slick." Sabi ni Jisoo. Tumigil sa paglalakad.
Natapilok si Rosie. "Tae naman. Tumutugtog na Mission Impossible sa utak ko eh." Nakasimangot na comment. Lumapit siya kay Jisoo.
"What do you want?" Tanong ni Jisoo.
"Saan ang punta mo?" Sagot ni Rosie.
"Bibili ng Marlboro sa labas."
"Ahh. Sama ako?"
"Mag-aamoy yosi ka."
"So?"
"Bahala ka sa buhay mo."
Naglakad na si Jisoo. Sumunod lang si Rosie sa kanya hanggang makalabas sila ng campus at makarating sa isang tindahan.
Bumili ng kalahating kaha ng sigarilyo si Jisoo at dalawang bote ng Pepsi. Inabot ang isa kay Rosie.
"Salamat." Sabi ni Rosie.
Nagsindi ng yosi si Jisoo. Tahimik na nakatayo lang sa harap ng nakaupo sa bench sa gilid ng tindahan na si Rosie.
Kamot-batok si Rosie. Humigop ng Pepsi, huminga ng malalim. "I'm sorry." Sabi niya kay Jisoo.
Tuloy lang ng paninigarilyo si Jisoo. "Para saan?" Tanong niya.
"Was fucked up how I brushed you off like that..you were just being nice." Sagot ni Rosie.
"Mhmm." Sumenyas si Jisoo. "Yaan mo na yun. Gets naman."
"Still."
"Hmm."
"Uhmm..I was going through shit. Sorry for that too. Nasabit ka pa."
"Sex is sex, Rosie. Don't apologize. I have several scratch marks on my back to prove you enjoyed it at least. Glad to be of service." Sabi ni Jisoo. Tinapon ang tapos na na yosi tapos inubos ang Pepsi.
"Salamat sa paper. I would have been fucked without it." Sabi ni Rosie. Tumayo na mula sa inuupuan tapos ibinalik ang bote sa bantay ng tindahan.
"Fucked either way." Biro ni Jisoo.
Natawa si Rosie. "Actually. But you know what I mean."
Nag peace sign lang si Jisoo sa kanya. "Ayos na yun. Like I said, one time bigtime lang na salo sayo. Wala nang ulitan."
"Bilis naman pala mag forgive."
"Yung pogs ko nga na sinunog mo nung bata tayo eh na-forgive ko..Ito pa kaya?"
------------------------------------------------------------
"Swerte mo mabait si Soo." Sabi ni Lisa kay Rosie.
Nasa KFC sila. Tamang kain habang break between classes.
"Kaya nga. Kung natyempo ka pa sa mga tipo na makuda eh sira rep mo sa school." Sabi ni Jennie. "Wala ka bang plano na tumigil sa ganung keme mo?"
"Meron." Sagot ni Rosie. "Yoko na. Last na. Di na masaya."
"Buti naman." Sabi ni Lisa. "Focus ka na lang sa school or something."
"Hmm."
Lumingap si Jennie. Tumaas ang kilay. "Diba si Yeol yun?" Sabi niya habang sumesenyas sa direksyon ng tinutukoy.
Lumingon sila Lisa at Rosie.
"Yeh." Sabi ni Rosie.
"Binreak mo na ba yan?" Tanong ni Lisa.
"Wala namang kami."
"Aynako, Rosie."
"Saks na. We talked over the phone nung weekend. Agreed na itigil na ang kalokohan..Di na masaya."
"Laking effect sayo nung keme ng bff mo noh?" Biro ni Jennie.
"Sabihan ba naman akong kaya alam ko galawan nung Joy eh kasi ganun din ako? Sakit kaya. I mean..may point. Pero tangina. Could have said it nicer." Paliwanag ni Rosie. Sumubo ng french fries. "Anyway. Sige. Fine. I'm determined to change that view. Balik normal tayo dito para di na ako masabihan ng ganun."
"If you hadn't started that whole shit eh di aabot sa ganito." Comment ni Lisa. "Sabi sayo eh."
Pinalis siya ni Rosie. "I had fun. Pweds na. Why regret?"
"Sabagay." Sabi ni Jennie.
------------------------------------------------------------
"Lika dito, Seungwan. Usap tayo." Aya ni Rosie mula sa counter ng karinderya. "Saks na habang namimili ng ulam."
Lumapit si Wendy. Diretso sa isang malakas na batok galing sa bestfriend niya. "Aray putangina?" Reklamo niya.
"Bakit mo kasama yung Joy?" Pikon na tanong ni Rosie.
"We're getting to know each other." Sagot ni Wendy. "Napag-usapan namin kanina habang nag-aaral na keri na ligawan while doing it."
"Proud ka na niyan?"
"Bakit hindi? I knew my brains would get me somewhere."
"Ang awks kasi with her around." Sabi ni Rosie. Tinuro ang tapa sa mga naka-display na pagkain tapos sumenyas sa ate na naka-abang ng order para sa dalawang extra rice. "She doesn't like me. I don't know why either..looks at me all weird like she does. Not to mention sinabihan ka din niya na she doesn't want me around diba?"
"Awks lang kasi di pa kayo magkakilala masyado. And she doesn't look at you weird..baka naman kinikilala ka pa din niya. Ayos lang yan." Paga-assure ni Wendy. "Kapag nakahanap kayo ng common ground eh tuloy tuloy na. Would mean a lot if tropahin mo siya since magiging jowa ko na siya soon ACK KINILIG AKO!"
"Tangina naman this lyf." Bulong ni Rosie.
"You'll at least try diba?" Tanong ni Wendy. "I know you, Rothie. You can be friends with anyone..why stop now?"
"Tsk. Bahala na nga. Ewan."
------------------------------------------------------------
"Labas tayo sa Sabado." Utos ni Joy kay Wendy. "May trip akong puntahan samahan mo ako."
Tumango-tango si Wendy. Nilagyan ng chili garlic ang siomai niya tapos sumubo. "Game ako." Mabilis na sabi.
"Luh?" Sabi ni Rosie.
Nilingon siya ni Joy. Tinaasan ng kilay. "Ano nanaman problema mo?" Mataray na tanong.
"Wala." Sagot ni Rosie. "Uhh..nalimutan lang siguro ni Wendy na may gawain kami pag Saturdays." Paliwanag niya.
"Importante ba yan?" Tanong ni Joy.
"Slight."
"Shet oo nga pala." Sabi ni Wendy. Hinarap si Joy. "Rosie and I babysit on Saturdays."
Matagal silang tinignan ni Joy bago ito tumawa ng malakas. Tawang mapang-asar. Tawang pang-gago. "Babysit amputa. Para saan?"
"Para sa ate ko." Sabi ni Rosie. Nakasimangot.
"Pang extra cash ba yan? Di niyo naman yata kailangan. Lalo na si Wendy." Sabi ni Joy.
"Di naman for extra cash." Paliwanag ni Wendy. "Saks na we do it so her sister could spend a day with the wife."
"Ditch mo na." Yakag ni Joy.
"Hahanapin ka ni Yerms." Sabi ni Rosie.
"Isang araw lang." Tuloy na comment ni Joy.
"You've never missed a day." Dugtong ni Rosie.
Umiling si Wendy. Huminga ng malalim. "I..will go out with Joy." Sabi niya.
Nag fist pump si Joy. Tumayo tapos hinalikan sa pisngi si Wendy na nabilaukan sa iniinom na Mirinda.
"Galeng." Sabi ni Rosie. "Ikaw mag text kay ate Irene na di ka makakapunta ha."
Tinignan ni Joy si Rosie. "Tamad ka ba? Diba ate mo yun? Bakit di ikaw magtext?"
"Aba'y potspa yata." Pikon na sabi ni Rosie. "Ako ba yung mawawala sa lakad? Bakit ako yung magpapaalam?"
"Tangina. Parang jowa kung makaasta ah."
"Nakakapikon ka na ah!"
"Totoo naman. Pawalan mo si Wendy. Di naman sayo kung maka-utos kala mo may pinanghahawakan."
"Luh gago ka pa-"
"Enough you two. Saks na. Tetext ko si ate Irene, Rosie. Tama na pikunan." Awat ni Wendy.
Inirapan ni Joy si Rosie.
------------------------------------------------------------
"Boring naman dito. Ganito lang ginagawa niyo? Wala man lang beer or tugtugan." Comment ni Joy.
Kinaladkad ni Rosie si Wendy papunta sa likod ng sasakyan. "This is OUR spot. What the fuck is wrong with you?" Tanong niya kay Wendy.
"Getting to know each other nga diba?" Sagot ni Wendy. "If I bring her here she'll get to see what I usually do tsaka where I go if I need to think and stuff."
"All she'd done since we got here ONE HOUR AGO was insult everything about the place!"
"Nagko-comment lang naman siya, Rosie. Boring nga naman talaga paminsan."
Suminghap si Rosie. "Tangina naman. Ang lala ng tama mo. Ang lala. Fuck, Wendy. Nakakabadtrip na."
"Nu bang problema mo? Di naman exclusive sayo tong overlook. I'm allowed to bring who I want kasi nakikitambay din ako. Lalo she's a prospective jowa."
"I didn't say that..I just..this is our spot."
"So? It could be her spot too."
"Yeah I doubt it."
"First time lang niya. She'll see the appeal eventually."
"Ano bang pinaguusapan niyo diyan?" Sigaw ni Joy mula sa hood ng kotse kung saan siya nakaupo. "Boring na nga eh nagsarili pa kayo."
Ngumiti si Wendy kay Rosie. Tumango. "Tara na?" Aya niya bago lumakad papunta kay Joy.
"Ang sakin lang..di naman ako nagdala dito ng mga nilalandi ko." Bulong ni Rosie.
------------------------------------------------------------
"Bili tayo ng alak tapos balik tayo dito." Aya ni Joy. "Kita ko na appeal ng lugar. Mas fun siya pag ginawang inuman."
"Di kami nagiinom dito." Sabi ni Rosie.
"Di ko hiningi opinion mo."
"Seungwan?"
Nakatitig lang si Wendy kay Joy.
Hulog na hulog amputa. Isip ni Rosie.
"G." Biglang sabi ni Wendy. Dinukot sa bulsa ang susi ng kotse tapos tinulungan makababa mula sa hood si Joy. Pinagbuksan pa ng pinto sa passenger seat.
Naiwan si Rosie na mag-isang sumakay ng kotse sa likod.
"Tamang beer lang tayo. Pag sakto nang lasing eh momol." Biro ni Joy.
Namula si Wendy. Tahimik na ini-start ang kotse.
Lumarga na sila.
------------------------------------------------------------
Huminto sila sa tapat ng isang building sakto dahil stoplight.
Nag-decide si Rosie nang makita ang nagyoyosi sa labas ng building.
"Hazard mo, Wan." Sabi ni Rosie. "Tapos tabi ka ng slight."
"Ha? Bakit?" Tanong ni Wendy.
"Bababa ako."
"Bakit?"
"Masakit tiyan ko. Uwi nalang ako from here." Excuse ni Rosie.
"Sayang naman. May beer na tayo eh. Tambay na ng legit. May gamot ako sa glove box. Keri na siguro diba?"
"Deh. Uuwi nalang ako."
"Hayaan mo na, Wendy." Utos ni Joy. "Tayo nalang tumambay. Makakapag-usap tayo with no distractions."
"Rothie?" Tanong ni Wendy. Nakasilip sa tinawag gamit ang rearview mirror.
Nag-green ang ilaw.
Ngumiti ng pilit si Rosie sa bestfriend niya. "I can tell when I'm not welcome." Sabi niya.
"Achievement unlocked." Comment ni Joy.
Bumusina ang nasa likod nila na kotse.
"Enjoy kayo sa bestfriend spot namin ni Wendy. Bye." Bumaba si Rosie.
------------------------------------------------------------
Ten seconds. Bumusina ulit ang nasa likod ng kotse ni Wendy.
Umalis na yung bestfriend niya kasama si Joy.
Nilapitan ni Rosie ang tao na naninigarilyo sa labas ng building na binabaan niya.
Tinaasan siya ng kilay.
Suminghot siya. "I need a hug."
Tumango ang tao. Pinatay ang yosi tapos binuksan ang arms para saluhin ang umiiyak na na si Rosie.