
THREE
"Auntie Wosie? Is you and ate Wandy like my mommies?"
Nabulunan sa lunch na kinakain sila Wendy at Rosie dahil sa tanong ng batang nakaupo sa high chair na nasa harap nila.
Tumawa yung nanay ng bata na nasa gitna ng paglalagay ng ulam na Nilagang Baka sa mangkok. Dinala ito sa lamesa tapos umupo sa tabi ni Rosie. Pinunasan ang nagdi-dribble na Cerelac sa gilid ng labi ng batang nagtanong tapos nagsalita. "Sagutin niyo yung tanong ni Yerms." With matching pang-asar na taas ng kilay kay Rosie.
"Uhhh." Sabi ni Wendy.
"Ate Irene isusumbong kita kay Mommy Fany." Banat ni Rosie.
Nang-belat si Irene. "Samahan pa kita."
"Auntie Wosie answer me quwestion pwease!" Sabi ni Yeri.
"Why are you such a curious child?" Tanong ni Rosie kay Yeri.
"Bcoz Mommies tot me to aways ask quwestions!" Proud na sagot.
"Uhhmm..Rosie and I are bestfriends, Yeri." Sagot ni Wendy.
Bumukas ang main door ng bahay na kita nila mula sa kusina. Pumasok si Seulgi. Dumiretso lang kay Irene. Humalik sa noo tapos lumipat sa anak niya na binuhat niya mula sa high chair tapos pinaulanan ng halik sa mukha habang tumatawa ang bata.
Ngumiti si Irene sa dalawa.
"What did I miss?" Tanong ni Seulgi. Umupo sa kanan ni Irene pagkatapos ibalik sa high chair si Yeri at subuan ng Cerelac.
"Tinanong ni Yerms sila Wendy at Rosie kung katulad daw ba nila tayo." Sagot ni Irene.
Natawa si Seulgi. "Ayos!"
"Wag nga kayong ano!" Reklamo ni Rosie. "Ginagawa niyong awkward eh."
"Mhmm." Sabi naman ni Wendy. "Rosie's not even my type. I like those kinda bad girl vibes? Tipong..Red Velvet in the Bad Boy MV kinda style."
"Buti naman pala masyadong goody goody si Rothie then." Biro ni Irene.
"Yep. Kaya hanggang bestfriends lang talaga kaming dalawa." Sabi ni Wendy.
------------------------------------------------------------
"Di ko gusto yung pinagtatawanan." Nakasimangot na sabi ni Rosie.
Tuloy lang sa tawa si Jisoo. "Tangina. So ano? Nag G ka ng bad girl keme keme mo kasi sabi ng BFF mo ang type niya eh bad girl? Bobo amputa. Galeng."
"I'm starting to regret talking to you about this."
"Sumobra na nga yung bad girl mo..Iba pa yung napansin ng BFF mo."
"I know."
"Saya ba?"
"Tangina mo."
Lalong tumawa si Jisoo. Dumukot sa bulsa para sa yosi niya tapos nagsindi ng isa.
Pinalis ni Rosie ang usok na binuga sa mukha niya.
"Anong trip mo ngayon?" Tanong ni Jisoo.
Nagkibit-balikat si Rosie. "Balik normal I guess. Mag-aayos ako."
"Tama na din lang." Sabi ni Jisoo. Nagtaktak ng upos sa ashtray na nasa lamesa. "Maaga pa naman. Mahahabol mo pa grades mo."
"Hmm."
"Anong plano mo kay Wendy?"
"Wala. Balik sa normal din. Hahayaan ko nalang."
"Saket."
"Ano pa ba gagawin ko? Kesa naman sirain ko trip niya..mas malaking gulo pa."
"Saket."
"Wala eh. Sira na ako sa kanya coz of that dumb move I pulled. Lie low nalang."
"You regret any of it?"
"Still got scratches on your back?"
"I got a couple that scarred."
"Then I don't regret anything."
------------------------------------------------------------
TWO MONTHS LATER
"Kausapin mo naman ako." Sabi ni Wendy kay Rosie.
Nasa karinderya nanaman sila. Tambay sa usual table as always.
"Can't Wannie. Gotta finish this paper on The Tale of Genji real quick." Sagot ni Rosie. Naka-half ponytail, gulo-gulo ang itsura. Halatang magdamag nang nagtatrabaho kung based sa eyebags na hindi kayang takpan ng salamin na suot.
"Gotta admit..It's nice to see you back to your usual self." Comment ni Wendy. "Nakaka-rattle yung phase mo ng walwal eh."
"Mhmm."
"You want some juice?"
"Please."
Tumayo si Wendy. Nagpunta sa counter para umorder ng usual na drink ng bestfriend niya.
Bumuntong-hininga ang naiwan sa table na si Rosie. Hinubad saglit ang salamin tapos kinuskos ang mata bago isuot ulit at bumalik sa trabaho.
Nag-ping ang cellphone niya. Saglit siyang nagpa-distract at tinignan ang pumasok na message. Galing kay Chanyeol.
"Party daw sa may Taft mamaya. Sama ka?"
Umiling si Rosie. Ni-lock ulit ang phone, balik sa trabaho.
Dumating si Wendy sa lamesa. Ibinaba ang dalang juice sa harap ni Rosie. Nakasimangot.
"Problema mo?" Tanong ni Rosie.
"Nag-text si Joy." Sagot ni Wendy.
"Oh?"
"She's dropping by. Ayaw maniwala na ikaw kasama ko and we're studying."
"Hmm."
Humigop si Wendy mula sa sarili niyang juice. "Lam mo? Parang..ano.."
Nag give-up na si Rosie sa tinatrabaho niya. Pinili nalang na kausapin ang bestfriend na halatang may dinadala. "Parang ano?" Tanong niya.
"Wala lang. Parang ang selosa ni Joy ng very very light."
"Jowa mo eh."
"Di mehn..Ewan. Di lang naman sayo ganun yun. Pati sa iba kong classmates na babae. Pag nakikita niya or naririnig niya or namemention ko na kinausap ko or what? She blows up mahn. Legit."
"Damn."
"I know..Ayaw siguro niya na maagaw ako ng iba."
"Tangina?"
"Yep..oks. I shall just take it that way. Siguro eh mahal na ako nun and she just doesn't want to lose me to anyone."
"I'm not just anyone though." Bulong ni Rosie.
"Ha?"
"Wala."
Tumango si Wendy. Binunot ang charger ng laptop ni Rosie tapos niligpit. Sinama nadin ang ibang gamit ng kaibigan.
"What..are you doing?" Tanong ni Rosie.
"Joy's dropping by." Sagot ni Wendy.
"So?"
"Uhhh..You need to not be here."
"Wow."
"Eh nagagalit nga kasi siya! Keri na para maging smooth sailing relationship namin..Wag na lang kayo magpang-abot."
"I'm your bestfriend." Deadpan na comment ni Rosie.
"Exactly!" Nakangiting sabi ni Wendy. "Bestfriend kita. Kaya konting tulong mo nalang to sakin, Rothie. Please?" Nag-pout na. "I really want Joy and I to work."
Bumuntong-hininga si Rosie. Hinubad ang salamin tapos suminghot para mapigil ang iyak. Tahimik at mabilis niyang niligpit ang laptop sabay siksik nito sa backpack niya at tumayo.
"Salamat." Sabi ni Wendy.
Tinitigan lang siya ni Rosie. "Wala yun..bestfriend mo ako eh." Malungkot na sabi bago umalis.
------------------------------------------------------------
"Sasama ako. Pick me up at 7, babe?"
------------------------------------------------------------
"I don't get it." Sabi ni Jennie. "Matalino naman si Wendy. Bakit parang ang tanga nung galawan niya since Joy?"
Nagkibit-balikat si Rosie.
"Diba ganun daw yun?" Entry ni Lisa. "Kapag daw matalino sa life and academics and all that shit..tanga sa pag-ibig."
Nagkibit-balikat ulit si Rosie. Uminom mula sa hawak na red solo cup ng Vodka na kinuha niya nang dumating sila ni Chanyeol sa party isang oras na ang nakalilipas.
Nakaupo silang tatlo nila Jennie at Lisa sa isang couch sa gitna ng living room ng condo na pinag-gaganapan ng party. Iniwan ni Chanyeol si Rosie thirty minutes ago para makipaglaro ng beer pong sa mga nakita na kaklase nito. Tinawagan niya ang dalawang kasama sa couch ng mangyari para meron siyang makakausap habang nagiinom.
"Anong plan mo?" Tanong ni Lisa kay Rosie.
Nagkibit-balikat nanaman siya. "Wala."
"Luh?" Sabi ni Jennie. "Di pwedeng wala! Bestfriend ka nun. Dapat eh saks na gisingin mo siya kasi pag nagtuloy-tuloy yung keme na kinukwento niya sayo..baka ma toxic pa siya kay Joy tapos mas matinding problema yun."
"Ayoko manghimasok."
"Di ka naman manghihimasok. Tamang usap lang para naman maliwanagan si Wendy kahit papano." Comment ni Lisa.
Inubos ni Rosie ang alak. Tinitigan ang baso. "We nearly had a fight when I tried nung una palang diba? Matigas ulo ni Seungwan. I know her..pag gusto niya..and tingin niya eh worthwhile..di siya papapigil kahit kanino..and..ayun nga..I don't have a leg to stand on."
"Yes you fucking do." Sagot ni Jennie. "Pag ganung possessive shit..meron. Ang di ka lang naman credible eh sa ganitong party party shit eh. Even that you managed to curb. Ngayon ka nalang ulit lumabas."
"Kahit na."
"Di ka pa talo, Rosie." Sabi ni Lisa. "Bestfriend ka pa din. Makikinig yung si Wendy sayo basta ipaintindi mo. Sure kami ni Jennie."
"Hmm."
Dumating si Chanyeol. May dalang isang plato na may nakapatong na tatlong cup ng alak. Inabutan niya ng tig-isa ang mga nakaupo sa couch with matching tanong, "okay pa kayo?"
Umiling si Rosie. "Uwi na ako, Yeol." Sabi niya.
Sumimangot si Chanyeol pero tumango. "Pasensya na di kita naasikaso masyado, Rosie."
"Ayos lang. Salamat sa pagsama sakin anyway. I needed the drinks." Sabi ni Rosie. Inubos ang bagong bigay na baso ng alak sa kanya. "I..have papers due anyway."
"Back to the usual grind huh?" Natatawang tanong ni Chanyeol.
"Yup."
"Well okay then." Ngumiti si Chanyeol. "Sagot ko na grab niyo."
------------------------------------------------------------
"OHSHIT!" Sigaw ni Rosie pagkapasok niya sa living room ng apartment nila ni Wendy.
"FUCK!" Sigaw ni Wendy na nasa ilalim ng nakahubad na si Joy.
"PUTANGINA NAMAN LORD!" Sigaw ni Rosie. Nagtakip siya ng mata tapos nangangapang naglakad papunta sa kwarto niya.
"KASAMA MO SIYA SA BAHAY?!" Dinig niyang sigaw ni Joy pagkasara niya ng pintuan.
Sumandal lang si Rosie sa door. Huminga ng malalim tapos naglakad papunta sa desk para hablutin ang headset at isuot.
------------------------------------------------------------
"Rosie?" Tawag ni Wendy mula sa kabilang side ng pintuan. "Please open the door."
Kunyari di narinig ni Rosie. Wala siya sa mood makipag-usap. Tinrabaho nalang niya lahat ng exercises sa lahat ng school books niya para lang may magawa habang nagkukulong sa kwarto.
Kumatok ulit si Wendy. Nag-ping ang cellphone ni Rosie. Nag-message din pala ng isang sad emoji at mga katagang "please open the door, I know you're still awake."
Na-seen niya. Putangina. Tumayo nalang siya at pinagbuksan si Wendy. Nadatnan niyang nakatayo ng awkward sa harap ng pintuan niya, nagkakamot ng batok.
Tumalikod si Rosie tapos nag indian sit sa kama niya. Sumenyas kay Wendy na pwede na siyang pumasok sa loob.
Sumunod si Wendy. Umupo sa harap ni Rosie tapos lumunok ng tatlong beses. "Sorry you had to see that." Mahinang sabi nito.
"See what?" Sabi ni Rosie.
"That..when you walked in..uhh..yeah."
"Mhhm. Forget it. Jowa tingz amirite?" Pilit na biro ni Rosie.
Gotta be normal. Wag kang iiyak.
Tumango-tango si Wendy. "Yeah..jowa tingz..about time too..uhh..based on what Joy said."
Kumurap-kurap si Rosie. "What..were you somehow pressured into that?" Tanong niya.
Iling naman ang ginawa ni Wendy. "No no..No pressure. Sakto lang tanong kung bakit wala pa so gumora nadin ako para naman di siya mag-isip na baka ayaw ko sa kanya or what."
"That kinda sounds like pressure..I mean..from you..to you..Di naman obligation yung sex?"
"If it makes her happy then I think kahit minor eh obligation padin."
"That's dumb." Di nanaman napigilan ni Rosie ang bibig niya.
"Luh?"
Ugh. Might as well tuloy-tuloy na. Isip ni Rosie.
"That's dumb, Seungwan. Bakit lahat ng naririnig ko sayo eh puro ikaw naga-adjust or gumagawa ng paraan para mapasaya si Joy?"
"Kasi ganun dapat?"
"What does she do for you then?"
"Uhhh..Be there?"
"Be there like how exactly?"
"Uhh..Well.."
"Uhh..Well?"
"Ganto nalang..what do you guys do on Saturdays pag lumalabas kayo? Sagot ba niya yun at least? Kahit alternate kayo bilang you ditched a tradition for those dates."
"Sagot ko yun lahat." Sagot ni Wendy. "Diba mark of a good jowa yung pag ikaw sumasalo sa gastos niyo on dates?"
"Ang tanga nun ha. Yung totoo?"
"It makes her happy!"
"Pukingna talagang it's gonna make her happy! Hindi siya gumagastos eh! Ganto..if you're doing all that kasi you think it's a mark of being a good jowa..does that mean di good jowa yung si Joy kasi di siya gumagasta sa inyong dalawa?"
Napaisip si Wendy. "Huh. Oo nga noh?" Sabi niya.
"Hmm." Sabi ni Rosie.
"Well..Ayos lang sakin yung part na yun. Established habit na eh. I can let it slide." Sabi ni Wendy.
Exasperated na tinaas ni Rosie ang dalawang kamay sa langit. "God!" Sigaw niya.
"Ano bang problema mo?!" Tanong ni Wendy.
"What..does Joy do for you? Tell me something great about her. Please, Wendy."
"Uhhm..Ayun nga..Joy is there all the time. Maayos siyang kausap kaya. May insights din siya na panalo..like..uhh..last Saturday! Nag-usap kami about motorbikes!"
"Motor..bikes."
"Yeh!"
"Like..how they work and stuff?"
"Well..not really..mostly about how she thinks it's hot if you own one. Pero ayos yung usapan! Tapos she introduced me to a few friends of hers na okay din. We've been going out with them parati..expanded my social circle massively!"
"Kamusta grades mo?"
"Di mo alam?"
"No."
"Could have sworn I talked to you about them lately."
"Nope. You haven't. Kasi di ka na umuuwi. For the past two months..all you did..was arrive here on Sunday evening, get clothes and shit, tapos leave again to spend the week with her. This is the longest conversation we've had since you two started being official, barring yung usapan kanina sa karinderya that got cut short kasi pinaalis mo ako para di siya magalit sayo."
"Ahh. I see..that's what you're bothered about." Sabi ni Wendy.
"Putangina? Yun lang na-retain mo sa buong spiel ko na yun?"
"Kala ko ba oks lang sayo na tulungan ako? This is my first shot with a relationship. Dapat full support ka kasi bestfriend kita."
"Not when all signs are pointing to my bestfriend getting taken advantaged of."
"Didn't I tell you before that I can handle myself?"
"Kamusta..grades mo." Ulit ni Rosie ng naunang tanong niya.
Kamot-batok si Wendy. "Joy's grades are going brilliantly." Awkward na kinumpas pataas ang kamay sabay "woosh!"
"Di ko tinanong grades niya, wala akong pakialam dun. Kamusta yung sayo?" Sagot ni Rosie.
"Slipped a bit.." Sagot ni Wendy. "Pero nothing I can't get back!" Mabilis na dugtong. "I just need to get used to a decent schedule between working on Joy's coursework, being her jowa, and working on my own coursework. Keri na pareho naman kami ng inaaral ang challenge lang is to make everything different."
Kumurap-kurap si Rosie. "Putangina?! You do all her shit too?!" Sigaw niya.
"Yup!" Sagot ni Wendy. "I volunteered. Di niya yun hiningi bago ka magalit sa kanya. I volunteered. Titigil din ako kapag maayos-ayos na grades niya enough to leave her with it."
"Tangina, Seungwan!" Sigaw ni Rosie. "Masyado kang mabait ginagago ka na hindi mo padin nakikita!"
Tumayo si Wendy. "Wag kang ganyan oi! Di ako ginagago ni Joy! Bakit ba ang laki ng problema mo sa kanya?!"
"Kasi tangina naman!" Sagot ni Rosie. "Wala kang kinukwento sakin tungkol sa kanya na hindi red flag! Tapos magtatanong ka sakin kung bakit ang sama ng tingin ko sa kanya?"
"Di naman red flag yung mga kinukwento ko sayo! Ikaw lang tumitingin ng ganun about them!"
"For fuck's sake, Seungwan! Ang lala ng tama mo sa Joy na yun putangina ang bulag bulag mo! That's not how a normal relationship works!"
"Makasalita to kala mo alam niya how a normal one is eh ikaw yung si Miss 'I don't do relationships' sating dalawa!"
"My fucking one night stands treated me better than how Joy treats you!"
"Hindi naman ikaw ang girlfriend ni Joy para makapag-judge agad how she treats people!"
Bumuntong-hininga si Rosie. "Bestfriend mo ako..I worry about you, Seungwan. Ayokong tuwing naguusap tayo about her eh nagaaway tayo..Gusto ko lang masigurado na nasa maayos ka. If you really think she cares about you the way a normal jowa does..try and talk to her about everything we talked about tonight. If she really does care about you..magbabago lahat ng kwento mo sakin..if she doesn't..well.."
Padabog na binuksan ni Wendy ang pintuan ng kwarto ni Rosie. Huminto sa bungad bago lumabas. "You're wrong. You'll see." Sabi nito bago lumabas. Padabog din na sinara ang pintuan.
Tumingin sa ceiling si Rosie. "God I fucking hope I'm wrong too."