Pwede, Pero Hindi Dapat

NCT (Band) Red Velvet (K-pop Band) EXO (Band)
F/F
F/M
M/M
G
Pwede, Pero Hindi Dapat
All Chapters Forward

Pinagtagpo

"Pa, punta lang po ako sa Starbucks," paalam ni Kyungsoo sa ama. "Kailangan ko lang po i-meet 'yong buyer ko ng halaman."

 

"Wow, umaasenso na ang business ni bunso," puna ng tatay niya na kasalukuyang nasa harap ng TV, nanunuod ng live telecast ng NBA games.

 

"Libre naman diyan, Soo!" ani ng Ate Seulgi niya, na saktong pumasok galing sa kusina.

 

"Oo ba, Ate. Anong gusto mo?"

 

"Joke lang, bunso. Okay lang kahit wala."

 

"Ate, hindi pwedeng wala. Bilhan ko kayo ni Papa ng pizza. Medyo nakabawi na rin naman ako sa puhunan ko."

 

Inakbayan siya ng ate niya. "Sarap naman magmahal ng Kyungsoo namin."

 

"Ako pa, Ate. Love na love ko kayo ni Papa. Saka syempre si Mama rin."

 

Tumayo na rin ang ama mula sa kinauupuan nito at niyakap ang magkapatid. "Ang swerte ko talaga sa inyo, mga anak."

 

"Sige na po, Pa, Ate, alis na ako. Baka ma-late ako at mag back out pa 'yong buyer."

 

At tuluyan nang lumabas ng tahanan si Kyungsoo upang makipagkita sa isang bagong customer. Halos every weekend na siyang ganito ang ginagawa dahil na rin maraming bumibili mula sa online shop niya ng mga halaman. Natural na mahilig siya sa halaman at, dahil sa sinagawa niyang business feasibility study noong nakaraang sem bilang requirement sa kurso niya, nabuo ang idea na sumubok sa pagtatayo ng online shop.

 

Hindi naman siya nabigo. Kahit matumal ang buyers noong unang dalawang buwan, pagpasok ng ikatlong buwan ay nag-boom ang kaniyang negosyo lalo na nang gumawa siya ng twist dito kung saan may option ang buyers na magpagawa ng fairy garden. Nakatulong na rin na hilig din niya ang pottery na minana niya sa ina kaya mas madali siyang makapag-customize ng mga produkto niya. At dahil na rin sa likas na creativity ni Kyungsoo, maraming naengganyo na bumili sa kanya. Malaking tulong din ang word-of-mouth promotions sa kanya ng mga natuwang buyers niya.

 

Usually, kasama niya ang best friend niya na si Chanyeol kapag ganitong may meet-up siya with his clients. Ito na kasi ang hina-hire niya since may pick-up ito na sasakyan. Though hindi naman ito nagpapabayad at masaya na sa libreng pagkain. Pero dahil wala pa naman siyang dalang produkto, napagdesisyunan niyang mag-commute na lang. Nag-request lang kasi talaga ang prospective buyer niya na makausap siya sa personal dahil medyo marami daw itong bibilhin at ilan dito ay customized fairy garden.

 

30 minutes din halos ang naging biyahe niya. Medyo mainit at may ilang namuong pawis sa noo at likod ni Kyungsoo pero amoy-baby pa rin ang ating bida. Nagtext din siya ng update sa customer na malapit na siya sa Starbucks.

 

Nakatanggap naman agad siya ng reply mula rito.

 

 

Ok. See you. Also, I'm the guy in the pullover na may teddy bear design.

 

Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating siya sa harap ng Starbucks. Pinagbuksan siya ng guard ng store at nagpasalamat siya rito na may matamis pang ngiti sa labi. Lumaki si Kyungsoo sa pagpapaalala ng mga magulang na maging appreciative sa bawat kabutihang natatanggap niya.

 

Nilibot niya ng paningin ang loob ng store hanggang makita niya ang customer na hinahanap. Tanging ang suot nito ang clue niya dahil ang account nito ay hindi ito ang display photo, kung hindi tatlong cute na mga aso. Agad naman niyang nakita ang abiso nitong suot. Nakatungo ang lalaki kaya hindi niya nakita ang mukha nito.

 

Agad niya itong nilapitan. "Hello po, Sir. Ako po si Kyungsoo from Magic Dust."

 

Nagtaas ng tingin ang lalaki sa kanya. At hindi napigilan ni Kyungsoo ang mamangha sa taglay nitong kagwapuhan. Tao lang din naman po si Kyungsoo, may matang marunong mangilatis.

 

"Oh, hi," bati nito pabalik. "I'm Jongin. Nice to meet you. Upo ka."

 

"Nice to meet you din po," sabi ni Kyungsoo, taking a seat across the guy. "Thank you for taking interest in my shop."

 

"Your shop is worth noticing naman talaga eh. Buti na lang ni-recommend ni Kuya Myeon sa'kin ang shop mo."

 

"Wow! Kilala mo po pala siya."

 

"He's my cousin, actually. He also told me you're friends with his boyfriend. Small world ba?"

 

"Opo."

 

"Sorry, ang daldal ko ba? Ganito lang talaga ako when I transact with people. Comes with my job."

 

"Okay lang po. I don't mind." Mas madaldal po kasi talaga ako.

 

"Anyways, do you want to order anything? Coffee? Cake? Sagot ko na."

 

"Naku, 'wag na, Sir."

 

"I insist. Saka pakainin daw kita sabi ni Jongdae."

 

Si Jongdae ay choirmate dati ni Kyungsoo sa university. Naging close sila nito sa dalawang taong pagsasama nila sa choir. At kahit na graduate na ito last year sa university nila, patuloy pa rin ang pagkakaibigan nila.

 

"Si Kuya Dae talaga. Daming alam."

 

"So coffee?"

 

"Well, if you insist po."

 

Natawa si Jongin. "Please drop the po and sir. I feel old. 23 pa lang ako."

 

"Ay okay po—I mean, okay."

 

"Cute mo. Reminds me of someone."

 

Is he flirting with me?!  

 

Kyungsoo, maraming namamatay sa maling akala, pagrarason niya sa sarili. Harmless comment lang naman siguro 'yon.

 

"Ka-age mo pala si Kuya Dae," ang tangi na lamang sinagot ni Kyungsoo. Change topic is the key para makaalis sa awkward conversations.

 

"Yeah. You can call me kuya na lang din, if you want."

 

"Okay."

 

Tumayo si Jongin. "I'll just grab our drinks. What would you like?"

 

"Iced chai tea latte na lang, Kuya."

 

"One iced chai tea latte coming right up for Mr. Kyungsoo," pabirong sabi ni Jongin bago tuluyang tumalikod at tumungo sa counter.

 

*****

 

Pagbalik ni Jongin ay nagsimula na silang pag-usapan ang magiging order ni Jongin. Medyo marami ang balak bilhin ni Jongin dahil gagamitin pala ito para sa wedding souvenir ng ate nito. Nasa 500 na indoor potted plants at sampung fairy gardens ang balak nitong bilhin mula sa kanya.

 

Napanganga si Kyungsoo kasi ito ang magiging pinakamalaking benta niya if ever. Kaso one-man shop lang talaga ang business niya. Madalas lang talaga siyang tulungan ng tatay at ate niya, at paminsan ay ni Chanyeol, lalo na pag busy siya sa school.

 

Mukha namang nabasa ni Jongin ang laman ng isip niya. "Don't worry, the wedding is still six months from now. I hope that's enough time?"

 

Nakahinga nang malalim si Kyungsoo. "I think kaya naman, Kuya. Though mukhang magrereject ako ng ilang customers during that period."

 

"I hope that's not a bad thing," Jongin said. "Hayaan mo kapag ako kinasal, sa'yo ulit ako bibili."

 

"Ikakasal ka na, Kuya?" gulat na tanong ni Kyungsoo.

 

Tumawa si Jongin. "Matagal pa. Hindi pa nga ako sinasagot ng nililigawan ko."

 

"Kuya, sa gwapo at bait mong 'yan, for sure sasagutin ka ng taong 'yon."

 

"Magdilang-anghel ka sana, Kyungsoo."

 

*****

 

Naghiwalay ng landas sina Kyungsoo at Jongin pagkatapos ng kanilang pag-uusap. Nag-offer si Jongin na isabay si Kyungsoo hanggang sa Shakeys kung saan bibili ng pizza si Kyungsoo dahil on the way lang naman iyon sa pupuntahan nitong bahay ng nililigawan ngunit tumanggi si Kyungsoo.

 

Pinanood ni Kyungsoo ang pag-alis ng sasakyan nito bago siya tuluyang maglakad patungo sa direksyon ng pinakamalapit na Shakeys. Pagkatapos bumili ng pasalubong ay nagtungo siya sa sakayan ng jeep. Medyo marami na ang naghihintay na pasaherong tulad niya kaya natagalan bago siya nakasakay ng jeep pauwi.

 

Nagtext siya sa ate at sa tatay niya upang ipaalam na pauwi na siya.

 

Ingat, bunso, reply ng ate niya sa text.

 

Pagbaba ni Kyungsoo ng jeep, napansin niya na may nakaparadang sasakyan sa harap ng gate nila. Mukhang pamilyar ang sasakyan na iyon.

 

At hindi nga siya nagkamali ng pagpasok niya sa bahay ay makita si Jongin na nakaupong mag-isa sa sofa nila at may hawak na kumpol ng mamahaling bulaklak at saktong nakita rin siya.

 

"You're Seulgi's brother?!"

 

"Si Ate ang nililigawan mo?!"

 

Magkasabay na tanong ng parehong gulat na gulat na Jongin at Kyungsoo sa isa't isa.

 

Indeed, it really is a small world for them.

Forward
Sign in to leave a review.