Pwede, Pero Hindi Dapat

NCT (Band) Red Velvet (K-pop Band) EXO (Band)
F/F
F/M
M/M
G
Pwede, Pero Hindi Dapat
All Chapters

Para Kay Ate

Nasa kalagitnaan na ng buwan ng Enero at nalalapit na ang kaarawan ng ate ni Kyungsoo.

 

Kasalukuyan siyang nasa Greenbelt para maghanap ng regalo para sa kapatid. May halos isang buwan pa naman siya para maghanap pero mas okay na makabili siya nang maaga dahil baka maging busy na rin siya sa mga susunod na araw.

 

Bigla namang nag-beep ang phone niya to notify him na may natanggap siyang text. Probably Chanyeol, since ang best friend lang naman niya ang katext niya buong umaga since they're supposed to meet each other din in a while.

 

But when he looked at his phone, it wasn't from said best friend. He immediately swiped at the screen to open his messaging app.

 

One word text message from Kuya Jongin.

 

 

Kyungsoo?

 

Agad naman siyang nag-type ng reply. Since the first time they met, usually ay nagtetext lang ito to give further instructions for his order.

 

 

Hi, Kuya! May kailangan ka for your order?

 

 

Sorry, sana hindi kita naabala. May kailangan ako, but not about that. Hingi lang sana ako favor, kung okay lang.

 

 

Tungkol kay Ate ba 'yan?

 

 

Oo sana. Okay lang tawagan kita ngayon?

 

 

Sure, Kuya.

 

Ilang segundo pagkatapos niyang isend ang text ay nag-ring ang phone niya. Kyungsoo answered the call right away. "Hello," bati niya.

 

"Hi, Soo."

 

Wow, level up si kuya. May nickname na agad kay Kyungsoo. Ganoon ba kapag aspiring brother-in-law?

 

"Kuya, ano 'yong tinutukoy mong pabor?"

 

"It's Jieun's birthday next month, right? I wanted to throw a surprise party for her sana. But I need help with coming up with a plan. Are you busy right now? Can we meet?"

 

Bakas ang excitement sa tono nito. Swerte naman ng ate niya kasing mukhang inlove na inlove si Kuya Jongin.

 

"Kuya, kapag hindi ka sinagot ni ate ng oo, isumbong mo sa'kin."

 

Malutong na halakhak ang sagot na binigay nito sa kanya. "So boto ka sa'kin?"

 

"So far, ikaw pinakagusto ko sa mga nanligaw sa kanya," Kyungsoo admitted. "Pero, I'm warning you, Kuya, mabait ako pero, once paiyakin mo si Ate, I can be your worst nightmare."

 

"Noted on that, Soo," tugon nito in a serious tone. Success ata ang paninindak ni Kyungsoo. "Though wala akong balak saktan ang ate mo. Baka ako pa saktan niya. Anyways, are you home? Can I pick you up?"

 

"Naku, wala ako sa bahay, Kuya," sabi ni Kyungsoo. "Nasa Greenbelt ako actually. Naghanap ng regalo for Ate Seulgi."

 

"Really? Perfect timing then. Nasa Greenbelt din ako for some errands. Where are you exactly? Puntahan kita."

 

"Nasa may Fully Booked ako, Kuya. Okay lang dito mo ako puntahan? Sa may Starbucks dito?"

 

"Oo naman, Soo. Wait for me ha. I'll drop the call muna. See you in a bit!"

 

"Sige, Kuya. See you!"

 

*****

 

Muntik nang mahulog ni Kyungsoo ang phone niya nang biglang may tumapik sa balikat niya. "Ay anak ka ng kabayo!"

 

"Sorry, didn't mean to surprise you," sabi ni Jongin with a guilty look on his face.

 

"No worries, Kuya," sagot ni Kyungsoo. "I think I drank too much coffee kaya nagulat ako nang sobra."

 

"Have you found a gift yet?" tanong ni Jongin, taking a seat across him.

 

Proud na tinaas ni Kyungsoo ang paperbag na naglalaman ng regalo niya para sa Ate Seulgi niya. "Yup! Thankfully, may naipon ako from my business kaya na-afford ko bilhan si Ate ng Polaroid camera."

 

"Nice!" kumento ni Jongin. "I'm thinking of getting her something from Gucci. Do you think she'll like that?"

 

Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo. "Legit ba 'yan, Kuya? Pero knowing Ate, hindi siya brand-conscious. Actually, baka ibalik niya sa'yo kapag masyadong mahal binigay mo sa kanya."

 

"Pero mas mahal ko siya," sabi naman ni Jongin. "Though hindi niya ba talaga magugustuhan kapag 'yon niregalo ko?"

 

"Hindi naman siguro sa hindi magugustuhan, pero I think Ate might get overwhelmed. Grabe kaya ang presyo ng Gucci. Kahit rich kid ka pa."

 

"Then what can you suggest? Actually, do you have time to roam around the mall? Help your kuya out please."

 

"Napa-oo mo na nga ako kanina, Kuya, remember? Kaya please stop doing that."

 

"Doing what?" Naka-pout lang naman ito while staring intensely at Kyungsoo.

 

"Acting..." cute "stupid." Hoy, Kyungsoo! Anong cute? Future brother-in-law mo na 'yan!

 

Jongin laughed at that. "Akala ko lang naman uubra eh. It usually does. Pero mukhang pareho kayo ng ate mo na immune sa charms ko."

 

"Naku, Kuya, kapag sa ganyan mo dinaan si Ate, good luck na lang talaga sa'yo."

 

"Oo na, hindi na effective."

 

Effective naman, Kuya. Kaya please 'wag mo akong idamay. Ang awkward pag nagka-crush ako sa'yo. Please lang.

 

Tumayo si Kyungsoo, taking his unfinished cup of frappucino with him. Better to get this started para ma-distract niya na sarili niya. "Start na tayo maghanap, Kuya. I need to meet with my best friend pa after lunch."

 

"Ok, little brother."

 

"Ayos mag-manifest ah."

 

"Syempre, claim ko na."

 

Natawa naman si Kyungsoo. "Good luck, Kuya. I'm rooting for you."

 

"Thank you," Jongin said sincerely, ruffling Kyungsoo's hair in an affectionate gesture. "Excited na akong maging official Kuya mo."

 

*****

 

It turns out na, despite almost two hours ng paglilibot sa mga shops sa Greenbelt, sa Gucci pa rin ang ending nila. Jongin ended up buying a coat for Jieun.

 

"Ang gago, Kuya. I mean, not the gift. Pero pinagod mo ako for two hours, tapos Gucci lang din pala bibilhin mo?"

 

"Sorry, Soo. But I actually enjoyed those two hours. Sarap mong kasama eh."

 

"Ewan ko sa'yo," singhal ni Kyungsoo. Though ayaw niya lang aminin na nag-enjoy din siya. Makulit pala talaga si Jongin. Parang bata. Ang dami tuloy moments na napatanong si Kyungsoo sa sarili niya kung mas matanda ba talaga ang kasama sa kanya.

 

Nag-peace sign si Jongin. "I'll treat you to lunch as thank you and sorry."

 

"No need na, Kuya. Para kay Ate naman 'tong ginawa natin, so okay lang."

 

"Actually, gusto ko sana magplano na for the surprise birthday party for her. I figured we can talk about it over lunch."

 

Ah. May hidden agenda pala.

 

"Pasalamat ka, para kay Ate, gagawin ko lahat."

 

"Thank you, Soo!"

 

Sa sobrang excited, niyakap lang naman siya ni Jongin.

 

Kyungsoo, kalma!

 

Pero ang hirap kasi first time na may yumakap sa kanya na guy aside from his dad and close friends. Tapos ang bango pa ng kuya na 'to.

 

Kyungsoo shook those thoughts away. Ano ka ba? Ate mo ang gusto niya. Repeat after me. Ate. Mo. Ang. Gusto. Niya.

 

"Soo, okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Jongin. "Gutom ka na ba? Sorry talaga."

 

Tumango na lang si Kyungsoo at nag-thumbs up para iparating na okay lang siya. Pero ang totoo po, your honor, ang bilis ng tibok ng puso niya.

 

Crush. Parang crush niya na ang Kuya Jongin niya.

 

Oh no.

Sign in to leave a review.