
Colet
September 14
5:00 am sa Kitchen ng Boarding House
Naririnig ko ang tunog ng baso at kutsara sa kusina hudyat na may nagtitimpla ng kape.
Si Colet yun, pwede akong pumusta. Naisaisip ko. Dali-dali akong bumaba mula sa kwarto ko para makita kung tama ang hinala ko.
"Nagising ba kita?" Si Colet nga na may hawak ng tasa.
"Hindi. Kanina pa naman ako gising. Ngayon lang nabangon." Pagkakaila ko habang binubuksan ang ref para sa inumin.
"May ibang gising pa ba?" Tanong niya.
Umiling ako habang tinutungga ang tubig na nasa tumbler ko.
"Ako pa lang at ikaw."
"Ah. Kape, gusto mo?"
"Sige, may mainit pa bang tubig?"
"Meron pa naman. Kasya pa sa isang tasa."
Inabot ko ang mug ko sa cabinet.
"Tinapay?" Alok ko sa kaniya habang binubuksan ko ang ref para sa tinapay at palaman.
Tumango lang siya bilang sagot.
"Ay saglit, ipapainit ko pala yung tinapay. Ayaw mo ng malamig na pagkain, 'di ba?"
Ngumiti si Colet.
"Kilalang kilala mo na ako ah." Sabay tawa nito.
"Sa tagal ba naman na magkakasama na tayo? Baka kahit nakapikit makikilala ko kayo isa-isa." Pagyayabang ko.
Colet is someone I look up to. Napaka-strong ng personality niya. A "no" is a "no" sa kaniya. Wala nang further explanation. She's someone na unwilling to explain everything lalo na kapag petty things.
Colet handed me the bread toaster.
"Nakasaksak na 'yan ha? Ingat ingat."
Napatulala ako sa kaniya. Colet - strong personality but with a soft heart.
"Oh, bakit nakatulala ka diyan? Hindi mo pa nakuha yung hwisyo mo?"
"Hindi mo branding maging mabait." Sagot ko sa kaniya.
Her alarm sounded.
"5:15 na pala." She sighed. "At kape palang ang laman ng tiyan ko."
"Eto na nga oh, ipapainit na yung tinapay. Nagpaparinig pa eh." Pang-aasar ko.
Today is scheduled for our practice. Endless practice na naman para sa music video namin.
I saw her scrolling thru her phone and maybe napansin niya rin ako sa kaniyang peripheral.
"Nakatitig ka ah. What are you thinking?" She asked.
Nagulat akong pansin niya. Tumikhim muna ako bago ako nagsalita.
"Sige na. Ask me what you want to know." Pagpipilit niya habang nakatingin na rin sa akin.
Kailan pa niya nilapag ang phone niya at nilalabanan ang titig ko? Napagtanto ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"Napapaisip lang ako. What is love for you?"
Halatang nagulat siya sa tanong but in all decency she replied to my question.
"Love? As in love?" She started. She blinked first to her phone screen. I can say she checked the time.
"5:18 am and you are asking me what is love?" She chuckled. "Weird but are you familiar with the Bible verse na 1 Corinthians 13:7a.1?"
Umiling ako bilang sagot.
"Love always protects." She said. "The full verse is: Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres."
I admire her for remembering this verse. Ganito pala ka-deep ang isang Colet. Maybe this side of her is the side na hindi ko pa nakikita.
"Hindi pa pala kita kilala, Colet." I muttered.
She smiled.
Her smile is so graceful. Her smile depicts how strong and soft she can be at the same time. Ano ngang tawag dun? Ah! Resilient. My mind screams.
"Paano mo naman nasabi yun? 'Di ba nga kahit nakapikit ka, kilala mo ako?" She responded.
"Paano ka ba magmahal?"
"Gusto mong malaman?"
"Hmm."
She sipped from her mug. "I protect the ones I love." Muli siyang tumitig sa akin.
"Does that mean..."
"I love BINI." She blurted.
Hindi siya ang panganay sa aming lahat pero siya nga ang protector namin. Siya palagi ang nandiyan na handang umaway sa mga nambabastos sa amin. Na handa siyang makipagbardagulan sa mga nang-aaway sa amin. Handang pumatol sa kung sino mang nanakit sa amin, sa BINI. This is Colet. She's willing to shield us. She's willing to be our stonewall while being gentle on us.
"And most especially, I love ---" She was cut-off.
DING!
The toaster suddenly sounded with the bread popping out.
"Hala yung tinapay!" I shouted at akmang hahanguin ang mainit na tinapay.
"Mainit pa 'yan. Ako na at baka mapaso ka pa." She assisted with a fork in her hands.
"Aray! Piskit! Ang init!" She exclaimed. Napaso siya ng tinapay na hinango niya sa toaster.
"Ayan, di kasi nag-iingat." Tukso ko sa kaniya.
She sighed habang hinahaplos ang napaso niyang mga daliri.
"Sometimes, the protector needs protection, too. Oh, eto ice cube. Saan yung napaso?" I soothed her fingers with the ice cube from fridge.
"Thank you."
"You're welcome, Colet." I said while holding her hand. "Ipagpalaman na kita ng tinapay."
Her alarm sounded again.
"Ayan 5:30 na. Magkakalaman na yung tiyan ko." She excitedly announced.
"Tara! Kakain na tayo." I said while smiling.