
Sa laro ng buhay, hindi na iba ang matakot sumugal. Natural ang matakot matalo, matakot mabigo, at matakot masaktan. Sabi nila, sa parehong laro ng buhay, sinuswerte ang matatapang. Sinuswerte raw ang mga taong 'di takot sumugal, 'di takot mabigo, 'di takot masaktan.
Kaya lang, nalimutan ata nilang sabihin kay Becky, na hindi lahat ng matatapang na sumusugal, ay matik na nananalo.
“Sa ngayon, masasabi kong nahanap ko na yung tamang tao para sa akin,” pigil ngiting panimula ni Freen sa tanong ng interviewer, “yung mga dati kasi, kung hindi sobra, kulang naman. So feel ko yung nahanap ko ngayon, tipong combination nung dalawang nakaraan. And 'yun, I’m happy with this person.”
“Kilala ko ba ‘to?” tukso ng interviewer na siyang nagpatawa kay Freen. “Pwede ko bang sabihin?” patol ng dalaga.
“Kaya mo na bang sabihin?” hamon ng interviewer. Tumatawang tumanggi si Freen sa hamon hanggang sa panibagong tanong ang ibato ng interviewer.
Becky smirked as she closed the link Irin sent to her. Masama ang pakiramdam ng dalaga, ilang araw na. Sunod sunod kasing schedule ang dinaluhan nila ni Freen. Pero tila yata’y lalong sumama ang pakiramdam niya sa napanood.
Irin calling…
“Bec, mag-a out na ba kayo ni Freen?” tanong ni Irin sa kaibigan habang natatawa. ‘Di man kita ng kaibigan ay umirap ang dalaga sa panunukso nito. “Pa’no pala mamaya, may schedule kayo diba?”
“Oo,” sagot ni Becky habang nakapikit ang mga mata. Hindi pa bumababa ang lagnat niya pero papunta na ang susundo sa kaniya patungo sa venue ng schedule nila ng araw na yon. “Ayaw ko muna isipin, Rin, lalong sumasama pakiramdam ko.”
“Sige, pagaling ka Becky, malalang fan service pa kailangan niyong gawin para mapagtakpan ‘yang slip of the tongue ni Freen.”
So totoo nga , isip ni Becky, there was someone else. ‘Di niya namalayang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang iniisip ang mga nakaraang buwan.
GAP was a major success. Their success expanded hindi lang sa Thailand, pero maging sa ibang parte rin ng mundo kung saan very vocal ang mga sapphics. Maraming schedule na dinaluhan ang dalawa while the show was nearing to its end. At marami ring nakalinyang projects sa kanila, kahit hindi pa naie-ere ang huling episode ng palabas.
Kaya naman kahit ‘di pa umeere ang last episode ng GAP, Saint decided to throw a party to everyone who has been a part of the series. Siyempre, hindi mawawala ang dalawang bida.
“Bec, you’re ride’s here,” marahang ginising ni Richie ang kapatid para ipaalam na dumating na ang sundo niya papunta sa venue, “can you do it?” tumango lang si Becky sa kapatid, “text me if you can’t anymore, I’ll come pick you up.”
Sumakay si Becky sa kotse na maghahatid sa kanya sa lugar. Hindi na raw nila susunduin si Freen dahil hindi naman manggagaling ang dalaga sa condo nito. Tumango lang ulit si Becky, pumikit at sinubukang magpaantok.
Hindi alam ni Becky saan galing ang ideyang pumasok sa isip niya nung gabing iyon. Gusto niyang sisihin ang ganda ng paligid, ang tugtog na nagbibigay saya sa lugar, ang mga ilaw na nagliliwanag sa maganda ng gabi.
Nang mga sandaling iyon, nasa iisang tao lang napukaw ang buong atensyon ni Becky.
“You look so stunning, Freen,” bulong niya sa kaibigan nang lumapit ito at nag-abot ng baso ng alak. Freen was wearing a black dress with long sleeves hugging her in all her curves. Around 3 inches above her knees, the dress has a low neckline exposing the middle of her chest, having a glimpse of her cleavage.
“Look who’s talking,” sagot nito at niyapos ang baywang ni Becky gamit ang kanang kamay. Becky on the other hand is wearing a maroon knee-length body hugging dress which has a slit to expose her right leg. Napangiti si Freen nang makitang exposed din ang balikat ng dalaga dahil sa off shoulder dress nitong suot. Hinalikan niya ang sentido ng dalaga nang marahan, “congrats to us Becbec. I’m so proud of you, of us.”
Pikit matang ninamnam ni Becky ang presensya ni Freen - ang kamay nitong nakapulupot sa bewang niya, ang labi niyang marahang nakadikit sa kanyang tenga. Mabilis ang tibok ng puso ni Becky, walang ibang naririnig, walang ibang nakikita kundi si Freen.
“Do you remember
When we were young
you were always with your friends”
“Teerak, this is our song!!” masayang sabi ni Freen nang marining ang kantang nagpe-play sa buong venue. Inilahad ng dalaga ang kanang kamay upang kunin ang kamay ni Becky. Nang abutin, dinala ni Freen si Becky sa gitna ng dance floor at nag slowdance ang dalawa sa gitna ng mga nakangiting mata ng mga tao sa paligid.
Saksi ang buong paligid nang gabing iyon kung paano nagsusumigaw ang mga mata ni Becky na nakatuon lang kay Freen. I love you Freen!!! Tila sabi ng mga ito. She looked at her like she’s the only person in the room. And to be fair, she’s indeed the only one that matters to Becky.
“I always remember you pag naririnig ko 'tong kantang 'to,” simula ni Freen, “remember the playlist you gave me during taping ng GAP?” tumango si Becky nang maalala ang kakornihang ginawa, “I still listen to it every now and then. Naaalala ko yung mga memories natin together.”
“Binigay ko yun around May 'no?” tumango si Freen, “Nung 'kala natin macacancel yung show.”
Sinabayan ni Freen ang chorus nang kanta habang nags-sway sila ni Becky sa gitna. Nagbubulungan ang dalawa nang masasayang memories nila while filming Gap, reminiscing every second they spent with each other. Habang patuloy na nagkukwento si Freen, nakangiti lang siyang tinitingnan ni Becky.
Nang dumating sa ikalawang chorus ng kanta, hinuli ni Freen ang mga titig ni Becky. Ngumiti ito at sinabayan ang kumakanta, “I want you to know, I love you the most, I’ll always be there right by your side, ‘Cause baby you’re always in my mind, Just give me your forever.”
Nakatingin ang mga mata ni Freen sa mapupungay na mata ni Becky at ngumiti nang marahan dito. She kissed her forehead and whispered, “I love you Becbec, thank you for being a part of my life.”
Naalimpungatan si Becky nang marinig ang kantang nagpeplay sa radio ng sasakyan, stuck sila sa traffic ngayon at halos 30mins pa ang layo sa venue.
“Kuya, palipat naman ng kanta,” request niya sa driver. Napataas ang kilay ng driver sa hirit ni Becky. He purposely played this song kasi ito lagi ang nirerequest ng dalawang dalaga kapag hinahatid o sinusundo niya galing sa isang event.
“Paborito mo ‘tong kantang to diba, Becky? Kanta niyo ni Freen?”
“Paoff na lang kuya ng music,” she insisted, “lalo ho kasing sumasakit ulo ko.”
Napatango si manong driver, inisip na baka nga masakit ang ulo ng dalaga at gusto lang magpahinga.“Sige, tulog ka lang jan hija, gisingin na lang kita pag nandun na tayo.”
Hindi niya alam na hindi lang ulo ang sumasakit kay becky tuwing naririnig ang kantang iyon.
Nakatingin si Becky sa sariling repleksyon sa salamin. Namumula ang mga pisngi ng dalaga at may kabilisan ang paghinga. Hindi alam ni Becky kung anong dapat gawin - right after their ‘song’ she excused herself to go to the toilet para ‘magretouch’. Pero ang totoo, gusto niyang huminga. Being with Freen is too much for Becky. Para siyang sasabog anytime. All she wants is to be honest with the one person she considers the most important to her (almost at par with her family).
“Nag I love you na Becky, ano pa bang hinihintay mo?” Buyo ni Devil Becky.
“‘Wag kang magpadala sa emosyon mo ngayong gabi Rebecca, pag isipan mo muna nang maigi at dapat handa ka sa kung ano man ang magiging sagot niya,” pag rarason ni Angel Becky.
“Eh nag I love you na nga, ano pa bang kulang?”
Lumabas si Becky ng restroom at ang una niyang nakita ay si Freen, tumatawa ito habang kausap sina Nam. Walang tatalo sa ganda ni Freen sa paningin ni Becky lalo kapag masaya ito. Kitang kita ni Becky ang kislap ng mga mata ni Freen. Naisip niya, I want to spend the rest of my life making her happy like that.
Saktong may dumaang waiter sa harap ni Becky na may dalang champagne. Kumuha ito ng baso at isahang inubos ang laman. Tonight susundin ni Becky si Devil Becky at malalaman niyang hindi dapat nakikinig sa ating mga demonyo. Nang gabing iyon, sinunod ni Becky ang kanyang demonyo - ang pinaka maling desisyon na ginawa nya sa buhay niya.
“Dito na tayo Becky,” gising ng driver. Hinawakan ni manong ang noo ng dalaga, “naku, ang taas pa rin ng lagnat mo hija, sigurado ka bang kaya mo?”
Tumango lang si Becky, tila maging pagsagot sa concern ng matanda ay malaking dagok sa masama niyang pakiramdam.
Nang makababa ay dinala ng mga staff si Becky sa tent na magsisilbing waiting area nilang dalawa. Nang makarating, gaya ng nakasanayan, agad natagpuan ng mga mata ni Becky si Freen.
Nakaupo ito sa sulok, sa harap ng vanity mirror, habang nakangiting nagse-cellphone. Kung dati’y gustong gusto niyang nakikitang nakangiti si Freen, ngayo’y tila punyal ang mga ngiti nito na paulit ulit sumasaksak sa puso ng dalaga.
“Becky, you’re here!” agaw pansin ng isang staff, “ito yung susuotin mo hija, pwede ka na munang magpalit, tapos hair and makeup next. Okay?” Ngumiti si Becky sa staff at agad nagpalit ng damit.
Nang matapos, umupo ito sa tapat ng vanity mirror, ilang pulgada lang ang layo kay Freen. Tumayo sa harap niya ang make-up artist, at nagbiro, “I was going for an outdoor-ish type of look Becky, pero mukhang kailangan kong kapalan para magkakulay ka.”
Napangiti si Becky sa biro ng artist, “kulayan mo lang lips ko kuya, aayos na ayan,” biro niya pabalik. Ramdam ni Becky mula sa kanyang peripheral vision na nakatitig si Freen sa kanya, kaya naman pumikit ulit ang dalaga para makaiwas sa tuksong dala ng katabi.
“May sakit ka pa?” bakas ang magkahalong pagtataka at pag-aalala sa boses ni Freen, kasabay nito, dinama niya ang noo ng dalaga. “Mas mainit ka pa sa akin!”
“Masakit na lang ulo ko, di ko na ramdam yung lagnat,” sagot ni Becky habang nakapikit pa rin. Inalis niya rin ang kamay ni Freen na nakadantay sa kanyang noo.
“Oh,” abot ni Freen kay Becky. Nagmulat si Becky at nakitang ino-offer ng katambal ang isang roller ng katinko, “pahid mo sa ulo at sentido mo Bec, para mabawasan ang sakit.”
“Huwag na–”
“Huwag ka na ring makulit,” putol ni Freen sa pagtanggi ng dalaga. Siya na mismo ang kusang nagpahid ng katinko sa ulo ni Becky. Nilagyan rin niya ng kool fever ang noo nito pampababa ng lagnat ng dalaga.
“I know activewear brand ‘tong schedule natin pero wag ka na lang masyadong maglikot ngayong araw, ako na bahala,” ‘di na sumagot si Becky at muling pinikit ang mga mata. Naramdaman niyang tumbi si Freen sa kanya. Inabot nito ang kaliwang kamay niya at marahang minasahe ang pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo.
“Bec!” biglang lumitaw si Chen sa likod ng dalawa, “nagcheck ka na ba ng twitter ngayon?” tanong nito at tumayo sa likod ni Becky. Minasahe ng manager balikat ng dalaga.
“Nagtweet lang na masama pakiramdam para di mag-alala yung fans,” marahang sagot ni Becky na nakapikit pa rin.
“Di ka pa naglu-lurk?” umiling ang dalaga. “Lumabas na kasi yung snippet nung interview ni Freen with Teayi, at ang magaling mong kaloveteam, chinika na may dine-date sya ngayon.”
Nanigas sa kinuupuan si Freen at napatigil sa pagmasahe kay Becky. Tumingin siya sa paligid, natatakot na baka may ibang makarinig. Buti na lang, apat lang silang laman ng tent na iyon. “Hindi yun nacut?” tanong ni Freen sa isip niya.
“Ikaw ba yun, Becky? Si ‘this person makes me happy?” tukso ni Chen si dalawa. Becky bitterly smiled recalling the video she just watched hours ago.
“Mukha bang ako yun, Chen?”
“Kung ako yung tatanungin, mukhang ikaw. Hahaha!”
“Pasintabi naman kay Freen na nandito pero pinagchichismisan natin,” tukso ngmake-up artist. Freen looked sorry. Nang dumilat si Becky at tumingin kay Freen, kitang kita niya ang hiya sa mata ng dalaga. She tried to smile at her, to convey that she’s fine, but all Freen can do is squeeze her hand she’s massaging earlier. Freen kissed the back of her hand, and muttered “sorry”.
“Ayun na nga, nababaliw mga fans niyo, nagkakarambola sa kasalukuyan. Inaalam kung sino ba yung person nitong si Freen. So in the meantime, baka pwedeng mag fan service muna kayo nang malala.”
Napatigil pereho sina Becky at Freen. The last time they were told to be sweet for fan service was during the first taping days of SCOY. Napaisip si Becky, how do you fake being sweet now?
Naglakad si Becky papunta sa kinaroroonan ni Freen. Nang marating ang dalaga, pinulupot niya ang sariling kamay sa baywang ni Freen, tulad nang ginawa ng huli sa kanya nang magsimula ang gabi. “Nam, pwede mahiram si Freen?” tanong niya.
“Sino ba naman ako para humindi?” Tinukso ng lahat si Becky. Tumatawa namang sumama si Freen sa dalaga nang yayain siya nitong lumabas sa garden ng venue.
“What’s with you, Becbec?” nakangiting tanong ni Freen sa dalaga, magkawak pa rin sila ng kamay habang nakatayo sa ilalim ng mga nagkikislapag bituin sa langit.
“Wala lang, can’t I spend the night with you?” she answered, pouting. Freen pouted as well as if giving her a kiss, then blew it in the air like she always used to do.
Nanlalamig ang buong katawan ni Becky at sinisisi niya yun sa maraming bagay - sa off shoulder dress, sa venue na napapaligiran ng bulaklak, sa hangin na bigla na lang umihip, sa alak na isahang tinungga ilang minuto lang ang nakakaraan.
“This is it,” bulong ni Devil Becky.
“Freen,” Becky slightly pulled Freen’s hand to get the woman’s attention. “I have something to tell you.”
Freen looked at her curiously. She held both of Becky’s hand, encouraging the younger, “you know you can always tell me everything, right?”
“Here goes nothing,” bulong ni Angel Becky.
“Freen,” Becky exhaled, “I love you.” Freen was taken aback, but only took half a second to answer Becky.
“I love you, too, kiddo. I always tell you that.”
“No, Freen,” Becky held the older’s hand a little tighter, “I love you. I love you like I’ve never loved someone before.”
“Bec–”
“I love you like I want to hold you in my arms every second of every day. I love you like I always want to see you happy. I want to be the reason for your smiles, why you laugh,” Becky let go of Freen’s hand and held her by the waist. “I don’t know exactly when, basta nagising na lang ako isang araw wishing na text mo yung unang mababasa ko sa umaga. ‘Di ko namamalayan, lagi na akong nag-aabang sa text mo, kung kumain ka na, kung anong ginawa mo ngayong araw,” marahang pinunasan ni Becky ang luhang tumulo sa mga mata ni Freen.
“Mahal na mahal kita, Freen,” siya namang tulo ng mga luha ni Becky, “parang sasabog ang puso ko sa tuwing nakikita kita.”
“Becky…” marahang tawag ng dalaga, “why?”
“Hindi ko rin alam, Freen.”
“But we’re sisters?” tila nagsusumamo si Freen sa pagsang-ayon ni Becky.
“Freen, mahal ko, I never wanted to kiss my sister on the lips,” natatawang sagot ni Becky. She thought Freen was being funny.
“Pero Becky…” hirap na hirap si Freen bigkasin ang mga susunod na salitang lalabas sa kanyang bibig, “alam mo namang kapatid lang ang turing ko sa’yo diba?”
Nanigas sa kinakatayuan niya si Becky. Every word that comes out of Freen’s mouth is like a dagger to Becky’s heart.
“I always thought of you as a sister I never had.”
“Is there someone else?”
“Huh?”
“May iba ka bang gusto?”
“Becky,” pilit kinukuha ni Freen ang pumiglas na kamay ni Becky, “I love you Becky, it’s true. Pero hindi lang sa paraan na gusto mo.” Marami pang sinabing dahilan si Freen kung bakit kapatid lang ang turing niya kay Becky, pero hindi na ito narinig ng huli. Paulit ulit lang siyang nabibingi sa mga huling salitang narinig sa dalaga, “I love you, Becky, but not like that.”
Dala ng mataas na lagnat at pananakit ng ulo, hindi nagawang matapos ni Becky ang event na dinaluhan nila ni Freen. Sa gitna ng photo op session, napababa ng entablado ang dalaga sa pag-aakalang masusuka ito. Hindi na niya nakayanang bumalik pa ng stage, “Chen, di ko na kaya, parang matutumba ako anytime,” babala nya sa handler. Tumango naman ang lalaki at hinayaan na dumantay si Becky sa kanya.
Ilang sandali pa ay naramdaman ni Becky na panibagong tao sa kanyang tabi, nakaakbay sa kanyang kanang balikat ang kamay nito, samantalang ang isa ay minamasahe ang braso niya.
“Beck, upo ka muna kaya. ‘Wag mo na pilitin, maiintindihan naman ng fans yun.” Inalalayan ni Freen si Becky patungo sa mas pribadong lugar. Bagaman kita pa rin sila ng fans, mas tago naman ito kumpara sa pwesto nila kanina.
Umupo si Becky sa upuan na inabot ni Freen, from nowhere, the latter brought out a kool fever and plastered it on Becky’s forehead.”Sabi kasi sayo, wag ka masyadong maglilikot. Ayan tuloy, bumigay katawan mo.”
“May sakit na nga, pinapagalitan pa,” bulong ni Becky nang nakapout. Kanina pa nanghihingi ng ‘mumu’ si Becky- nasa stage pa lang sila, nanunukso na ‘to na gusto niya ng kiss.
Tumingin sa paligid si Freen, tila sinisigurong walang ibang nakatingin sa kanilang dalawa. Naka pout pa rin si Becky, namumula ang pisngi at ilong nito habang nakatingin kay Freen
“Mwah,” tugon ng dalaga sa mga tingin ni Becky. Humalik ito sa hangin nang mangilang beses, sa bawat halik, nananalangin na lalapit ang labi ng kaloveteam sa kanya.
Biglang may pulang ilaw na tumama sa mukha ni Freen na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Agad binawi ang panghuli sanang ‘halik’ at binalik ang pansin sa kinakaing yogurt.
“Bec, can you walk?” tanong ni Chen. Tumango si Becky at inalalayan siya ng mga kasama papunta sa sasakyan. Sumakay din si Freen at sumama sa ospital kung saan ihahatid si Becky.
Tumagal nang tatlong araw si Becky sa ospital para magpagaling. Nang makalabas, binigyan siya ni Saint ng dalawang linggo pang pahinga. Pinostpone ang lahat ng activities nila ni Freen at hinayaan na magrelax ang dalawa. Regalo na raw niya bilang sobrang successful naman ng Gap.
Maraming nangyari sa loob ng halos tatlong linggo. Nung nasa ospital, binibisita parati ni Freen ang dalaga para siguraduhing nagpapalakas ito. Paglabas ng ospital, nanalagi si Becky sa kanilang family home. Dahil nagpapalakas pa rin ang dalaga, madalang siyang gambalain ni Freen. Babati lang ito ng ‘good morning bb, wag papakapagod today!’ at missing in action na buong araw.
Nang manumbalik ang lakas nito, nagdecide si Becky na pumunta ng England for a week, Gusto niyang bisitahin ang grandparents nya doon at asikasuhin ang ilang errands niya sa school pati na ang nagbabadya nitong internship.
Noong una, naging madalang lang ang daloy ng mensahe ni Freen. Pero nang lumipad palabas ng bansa si Becky, naglaho rin parang bula ang mga texts ng dalaga.
Naalala ni Becky ang link na sinend ni Irin. Kapag nagsscroll siya sa Tiktok o Twitter, madalas pa rin niyang nakikita ang clip na yun, na para bang laging nagpapaalala sa kanya na may nagpapasaya ng iba sa taong nagpapasaya sa kanya.
“Okay na rin siguro, Irin, at least makakapagpahinga tong puso ko kahit papano,” kausap ni Becky si Irin nang gabing iyon. Nakahiga na si Irin habang si Becky, nasa labas ng kanilang family home, inaabangan ang pagbaba ng araw.
“Ayaw mo ba siyang tanungin kung sino si person niya?”
“Bakit pa?” Tumawa si Irin sa sagot ng kaibigan. “Malay mo ikaw pala yun, tas nagmumokmok ka diyan.”
“Malabo,” tanggi ni Becky, “kung ako yun eh di sana ni-name drop na niya ako.”
“Ano ka ba, syempre kailangan niyang panatilihin yung interest ng tao sa inyo! Pag umamin agad siya, baka mag dwindle ang interes ng tao sa inyo. You have to leave them wanting more.”
Isang linggo matapos ang victory party ng GAP, pinatawag ni Saint ang dalawa sa kanyang opisina. Nagsumbong kasi si Chen na sa ilang magazine shoot nila nitong mga nakaraang araw, nahihirapan ang photographer na kunin ang expression na gusto nilang makuha mula sa dalawa. ‘Magkaaway ba kayo?’ parati raw tanong ng mga photographers sa dalawa bago umayos ang kanilang pagpose sa harap ng camera.
“Magkaaway ba kayo?” Inulit ni Saint ang linyang ilang beses narinig ng dalawa sa linggong iyon. Seryoso lang na nakatingin si Saint sa dalawa, naghihintay ng kung sinong sasagot.
“May misunderstanding lang, Saint,” sagot ni Becky.
“Artista kayo, sana man lang umarte kayo na parang wala kayong di pagkakaunawaan diba?” natahimik ang dalawa, “tandaan nyo, nagsisimula pa lang tayo. Kung madaling maapektuhan ng external factors ang trabaho natin, 'di tayo makakalayo nito.”
Mahabang sermon pa ang inabot ng dalawa sa loob ng opisina ni Saint. Bottomline, kung magkaaway, huwag ipapahalata sa iba. Pinag-isipan ni Becky ang mga sinabi ni Saint. Naisip niya, kung hindi siya nagpabuyo sa demonyo, eh di sana hindi silang pinapagalitan ngayon.
Naisip rin ni Becky ang paalala ni Saint, “artista kayo, matuto kayong umarte.”
“Freen,” tawag ni Becky sa katambal na palabas ng restroom.
“Bakit di ka pa umuuwi?” tanong ni Freen. Sabay naglakad ang dalawa papunta sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan ni Freen. “Gusto mo magpamasahe?”
“Libre mo ba?”
“Sakay na.”
Tahimik lang ang dalawa sa sasakyan ni Freen, walang umiimik, ingay ng aircon lang ang naririnig at ang pangilan-ngilang buntong hininga ni Becky. To ease the tension, Freen turned on the radio.
You and I, should be more than friends, should be more than friends
Sabay napatingin ang dalawa sa radyo, walang gustong maglipat o maghina ng volume.
“Go Becky,” bulong ni Angel Becky. Bago pa man lumabas ang demonyo, pinukaw na agad ng dalaga ang atensyon ni Freen.
“Sorry,” panimula niya, “Sorry kung namisunderstood ko yung relationship natin.”
Iginilid ni Freen ang kotse nang marinig ang sinabi ni Becky. Alam niya ang urgency ng usapang ito kaya naman gusto niyang ibigay ang buong atensyon kay Becky (na lagi rin naman niyang ginagawa.)
“Maybe I was just infatuated with you, after all, sayo ko lang naman naexperience yung ganun. Parents ko lang madalas ang nagpapakita na nagce-care sila sa akin genuinely.”
“Becky,” tawag ni Freen sa dalaga at hinawakan ang kamay nito, “bata ka pa, bata pa tayo. Kung ano man yung meron tayo ngayon, mas mabuti sigurong enjoyin muna natin, icherish. Baka pag minadali natin ang mga bagay bagay, pareho lang tayong masaktan.”
Tumango si Becky bilang pag sang-ayon kay Freen. The way she’s phrasing her words, Becky can’t help but think that there could be a chance. Pero ayaw na niyang sumugal. Mahirap na, hindi pa nga naghihilom ang sugat, madadagdagan na naman.
Tatlong araw nang makauwi galing England, pinatawag ni Saint ang dalawa sa kanyang opisina. Nakaupo ang dalawa sa harapan ng kanilang boss, habang nasa gilid ang kanilang handler.
“Since matapos ang GAP, bumubuhos ang offers para sa inyong dalawa na macast sa pelikula or series. Bukod pa to sa advertisements at magazine covers na gusto rin kayong makuha,” panimula ni Saint, “narealize namin na magandang opportunity ‘to to even widen your reach, at para mas mapakita nyo pa ang potential nyo bilang artista.”
“We wanted your next project together to be something big, yung hindi lang current market ang reach,” dagdag ni Chen, “so naisip namin na iexpose muna kayo sa lahat bago ulit natin sundan ang GAP.”
Parehong napatigil sina Becky at Freen. Bago ang meeting, pareho nilang iniiisip na baka bigyan na sila ng bagong project together.
“Mahirap sundan ang Gap, storyline-wise. We started strong kaya di ako papayag na ang next project nyo, ay para lang masabing may next project kayo. I want it to be better than Gap.”
Bagaman naunawan ng dalawa ang intensyon ni Saint, Freen can’t help but feel sad about not being paired with Becky in the meantime. Don’t get her wrong, she is excited. But the thought of doing new things alone scares the shit out of her.
Maraming firsts ni Freen, kasama niya si Becky. Kaya naman nang sabihin na magfofocus muna ang dalawa sa kani-kanilang career, nagsimulang magdoubt si Freen kung kakayanin ba niya. Tumingin siya sa katabi at nang makita ang kislap sa mga mata ni Becky, tila may kung anong dumagan sa puso nya.
Becky is excited to get out of their pairing. At least that’s how Freen frames it. Ang totoo, takot din si Becky. Hindi man ito ang first project niya without Freen, being away with the older scares her. Malapit pa nga lang siya, parang ang layo na nya. Paano pa kaya kung totoong malayo na? Naisip niya.
For about a year, Freen and Becky focused on their individual careers. Although people always still ship them together, that was not the case off camera.The girls literally lost contact with each other aside from social media interaction. Freen felt like Becky avoided her at all cost. She would know later on through Nam, that that is in fact the case.
Freen was in the IDF building for a fanmeet with international fans. May 20 katao ang kakausapin niya through videocall na tatagal ng halos 2 minuto.
“Hi Freen!”
“Hello! How are you?”
“I’m great! Am so excited to see you today!” nakipagkwentuhan si Freen sa fan. Kinuwento nito na kagabi lang ay nagpatatoo siya ng quill sa bandang left wrist. It means we write our own story, dagdag niya.
“By the way Freen, sabi mo pupunta ka sa graduation ni Becky? Bat di ka naman sumama?” Ten seconds na lang ang natitira sa oras ng kausap. Natigilan ito at ‘di alam ang isasagot. Tumunog ang alarm at namatay ang video nang hindi nasasagot ni Freen ang tanong. Bakit nga ba hindi siya sumama? Pwede ba niyang sabihin na isang taon na niyang ‘di nakakausap si Becky?
Pinapanood ni Freen na unti unting malusaw ang bagong gawang kandila. Sa likod nito, tanaw niya ang sariling mood board na puno ng litrato nila ni Becky. Polaroid at film pictures nila nung hindi pa komplikado ang lahat. Sa bawat litrato na pumupukaw sa kanyang atensyon, ay siyang ring balik tanaw ng kanyang isip sa eksaktong alaalang iyon.
May pictures nung art date nila kung saan, paru-paro lang ang kayang iguhit ni Becky. May polaroid ng date nila ni Bonbon. Meron din nung mga date nila na sila lang ang nakakaalam - sa amusement park, sa coffee shop, sa massage parlor, sa favorite sushi restaurant nila.
Sabay ng pag upos ng kandila ay siya ring pagtulo ng luha sa mga mata ni Freen. She misses Becky. She misses the good morning texts, the after workout selfie that the younger sends to Freen. She misses the random calls when Becky was studying and she was lazing around.
She misses the sleepover, the massage dates. She misses everything she did with Becky. Kinuha niya ang sariling phone at ilang minutong tinitigan ang inaagiw na nilang chat line ni Becky, nagdadalawang isip kung siya ang unang bubuhay muli dito. Bago pa man siya makapagdecide, isang instagram notification ang umagaw sa kanyang pansin.
namorntaraaa posted a story
Nakita niyang naka-close friends ang story ng kaibigan. Sa video, kita ang namumulang mukhang si Becky na kaakbay si Non, ang dati nilang katrabaho sa GAP. Nakayakap ang dalaga sa baywang ni Non habang kinukuhanan sila ng litrato ni Irin.
Sa video, maririnig si Nam na tinutukso ang dalawa: Keep it PG please!!
Beckkkyyyyy
Yes?
Are you free? Dinner tayo please?? 😾
Can’t tonight, Freen, may exams ako.
Beccaaaaaa massage date please, my treat 💘
Early call time tom, Freen, next time na lang.
BB I know you’re free today, tinanong ko sched mo kay Chen. Sushi?
Lalabas kami ni Irin today, Freen, sorry
Sama ako? 🙁
-seen.
Freen thought na baka busy lang talaga si Becky kaya hindi ito sumasama sa kahit anong yaya ng dalaga. Pero nang minsang tumambay si Nam sa bahay ni Freen, nalaman nitong iniiwasan pala talaga siya ng dalaga.
Nagtutuyo noon ng buhok si Nam nang maisipan niyang tawagan si Becky para yayain din ito sa sleepover.
“Bec, san ka ngayon?” tanong ni Nam sa kaibigan.
"Bahay lang, bakit?"
"Gusto mo bang magsleepover?"
"Sure!! Tagal na rin kitang di nakita.” Bakas sa tono ng boses nito ang excitement sa proposal ng kausap. Rinig ang yabag ng mga paa ni Becky na tila nag-aayos ng gamit na dadalhin sa sleepover.
"Kahit magkasama lang tayo last week?” tukso ni Nam “dito tayo sa condo ni Freen.” Tumigil ang ingay sa kabilang linya.
"Nam, maaga pala ang call time ko bukas.” biglang bawi ni Becky.
"Huh? May sched ka bukas, eh holiday?” Di ulit sumagot ang nasa kabilang linya. Hindi naman tanga si Freen para hindi magets na siya ang dahilan kung bakit biglang bawi si Becky. Umiling na lang siya kay Nam para sabihing wag nang pilitin ang dalaga.
Dumaan ang mga araw, nakikita ni Freen na lumalabas sina Nam at Becky dahil na rin sa pinopost nilang instagram stories. Sa isang story pa nga ng kaibigan, nakita niyang kumakanta si Becky sa isang inuman nila.
“Set me free, leave me be, I don’t wanna fall another moment in you gravity”
Nang gabing iyon, nagdecide si Freen na puntahan si Becky to patch things up. She pulled up the parking lot of Becky’s condo, went to the elevator and rang the doorbell of Becky’s unit.
Isang middle aged woman ang lumabas ng condo.
“Si Becky?” tanong ng dalaga na sinisilip pa ang loob ng condo.
“Sinong Becky?” tanong naman ng matandaang babaeng nagbukas ng pinto.
“Huh?”
“Walang Becky na nakatira dito,” sagot ng matandang babae habang pinagmamasdan si Freen, na tila ba nahihibang ito.
“Yung payat na babaeng mukhang foreigner? Last time I checked, ito yung unit niya eh,” takang tanong ni Freen, nababaliw ba siya at imahinasyon niya lang si Becky?
“Ah si Rebecca?” pagkumpirma ng matanda na siya namang tinanguan ni Freen, “matagal nang lumipat si Rebecca, mga anim na buwan na rin. Kami na ngayon yung may-ari nitong unit niya. Sino ka ba?”
Hindi na sinagot pa ni Freen ang mantanda. Tumalikod ito at dahang-dahang naglakad palabas ng condo. Hindi sigurado si Freen sa dapat maramdaman. To say that she is surprised is an understatement. Was she hurt? For sure. But does she have the right to? If Nam is the one who moved to a new apartment without telling her, would she be as disappointed as she is right now?
Nang makarating sa sasakyan ay agad tinawagan ni Freen si Nam.
“Nam,” malumanay na tawag ni Freen sa kaibigan, pinipigil na marinig ng kaibigan ang lungkot sa kanyang boses, “iba na pala condo ni Becky?”
Tahimik lang ang nasa kabilang linya, parehong kinakapa ang emosyon ng kausap. “Napadaan kasi ako sa unit niya, mangungumusta sana, kaya lang iba na yung nakatira,” paliwanag ni Freen.
“May anim na buwan na rin ata,” sagot ni Nam nang malaman ang ginawa ng kaibigan.
“Sabi nga nung bagong nakatira,” ilang segundo rin bago muling nagsalita si Freen, “san na siya nakatira?”
“‘Di mo sa akin narinig to Freen ha, pero dun na siya sa bagong condo malapit sa bahay ng parents niya.”
Napaisip si Freen. Malayo kung tutuusin ang condo niya sa bahay ng parents ni Becky, mga 45min-1hr drive depende sa traffic. Kung malapit lang doon ang nilipatan ni Becky, ibig sabihin malayo na ang dalaga sa kanya. She let out a deep sigh. Talaga ngang iniiwasan na siya ng kaibigan.
“Happy birthday?” patanong na bati ni Nam sa kaibigan nang pagbuksan ito ng pinto ng dalaga. Dinalaw ni Nam si Freen bitbit ang isang bote ng vodka, at Korean Fried Chicken na kine-crave ng dalaga. May dala rin itong isang slice ng cheesecake para daw may cake ang dalaga. Gamitin na lang natin yung mga kandila mo, tas yun na lang iblow mo, suggestion ni Nam kanina habang kausap sa phone si Freen.
“Nag-abala ka pa,” bungad ni Freen sa kaibigan at pinapasok ito sa bago niyang condo, “alam mo namang hindi ako nagcecelebrate ng birthday diba?” Freen doesn’t really celebrate her birthdays. She did not exactly grow up in a comfortable home. She was taken care of by her grandma since her mom is away working. Si Becky lang naman ang excited para sa kaarawan niya. Malungkot na napangiti si Freen sa mapait na alala.
Kung tutuusin, patapos na ang araw. Isang oras na lang ang natitira sa kanyang kaarawan pero ni ha ni ho, wala siyang narinig kay Becky. Hindi naman sa nag-eexpect sya ng bati. Since hindi na nga sila on speaking terms ng dating katambal, huli sa listahan niya ang umasang babatiin siya nito.
“Sabagay si Becky lang naman nagcecelebrate ng birthday mo,” napatigil si Nam sa nasabi na para bang isang sikreto ang naisiwalat niya. “Sorry–”
“It’s fine, Nam, don’t worry about it,” ngiti ni Freen.
“Daming pa birthday project ng fans mo ha,” iniba ni Nam ang topic habang naghahain si Freen. Naglabas ito ng softdrinks, pinggan, at baso para sa mga dala ni Nam.
“Oo nga eh, samahan mo nga ako mamaya, papapicture ako.”
“Bukas na, disoras na ng gabi eh.” Ilang linggo na ring hindi nagkikita ang dalawa kaya naman nagkwentuhan na lamang sila habang nanonood ng TV. Kalahati na nila ang bote ng vodka nang biglang may nagnotify sa phone ni Freen.
11:58pm bb: happy birthday p’freen! 😀
11:59pm. Becccca____ added a story
It was a series of pictures of them together on the beach during the shooting of their IM magazine. It was their make-up artist who took the shots secretly. The two were sitting on the sand watching the sunset that is reflecting on the calm sea. Like a timelapse, it started with both of them admiring the view, then turning to each other, smiles covering their eyes. The next sets were too personal for Freen, that she almost cried seeing it. Becky, smiling from ear-to-ear, held her cheeks when the older pouted, seemingly asking for mumu. The last frame was them nose-to-nose and forehead-to-forehead.
“Iba talaga galawan nitong si Becky no?” tawag pansin ni Nam sa kaibigan, “halos isang taon na kayong di nag-uusap pero kung bumati kala mo close pa rin kayo.”
Parehong natawa ang dalawa sa biro ni Nam. Binasa ni Freen ang caption ng post.
Happy birthday P’Freen! I hope you enjoyed your special day. Missing the time we were at the beach and having the time of our lives. Like this! :D Take care everyday, Mu Daeng. See you soon! <3
“May kulang,” puna ni Freen.
“Ano, kulang ng I love you?” tukso naman ni Nam pabalik.
“Tange, sa pictures kasi!”
“Anong kulang?”
“Yung kiss.”
“Ha?”
“She kissed me there. Bago yung last picture. She gave me a kiss on the lips,” nakangiti si Freen habang inaalala ang moment na iyon. They kissed on that beach, while watching the sunset, thinking they were the only ones there. “Sinend ni Krit sa amin yung pictures na yun. Nakunanan nya yung kiss naming dalawa.”
“Ahhh yun ba yung Gap filming sa Pattaya joke ni Krit?” tumango si Freen. “Free time kasi, sabi ni Direk pwede daw muna kami maglibot, so we did. Medyo secluded yung place kaya confident kami na walang ibang nakatingin o nakakakita sa amin. Di naman namin alam na sinundan pala kami ni Krit.”
“At least may souvenir. Magpasalamat ka sa kanya!” Nagtawanan ang dalawa.
Nakahiga na ang dalawang magkaibigan at ready na matulog nang mabanggit ni Nam si Becky.
“...sinamahan nga ako ni Becky nung isang linggo. Nagpatattoo ako tas sabi ko magpatattoo rin siya.”
“May tattoo siya?” gulat na tanong ni Freen. “Wala! Pero nagpahelix siya. Naiyak nga sa sakit buti nandun din si Non, napatahan siya agad.”
Ilang minuto ring hindi nagsalita si Freen. Akala nga ni Nam, tulog na ang kaibigan kaya tumalikod na ito sa kanya. Malapit na sa REM stage si Nam nang bigla muling magsalita si Freen.
“Kumusta na siya, Nam?”
“Hmm?”
“Si Becky, how is she?” nakatitig lang sa ceiling si Freen habang nakatingin si Nam sa kaibigan. Bakas sa mga mata ni Freen ang pangungulila sa kaibigan. Di man niya sabihin, alam ni Nam na miss na miss na niya ito.
“Mabuti naman siya. She’s happy,” malungkot na ngumiti si Freen sa huling sinabi ng kaibigan. “Miss mo?”
“Sobra. Sobrang miss ko na Nam,” di inaasahan ng dalawa ang luhang biglang tumulo mula sa mga mata ng dalaga. Pinunasan ito ni Nam na nagpipigil din ng iyak.
“Sinister-zone mo eh, magdusa ka,” biro ni Nam. Napangiti si Freen sa biro ng kaibigan. Ngayon lang ako nakakita ng ngiting malungkot , naisip ni Nam.
“May jowa na ba?” muling tanong ni Freen nang saglit na mahimasmasan.
“Ayokong manggaling sa akin,” sagot ng kaibigan. Naalala ni Freen ang mga instagram stories ni Nam kung saan nandun si Non sa bawat lakad kasama si Becky.
“So meron nga?” sa wakas ay binaling na rin ni Freen ang kanyang tingin sa kausap.
“Let’s just say, ‘pag hindi ka pa kumilos, pagsisisihan mo for the rest of your life.”
Pauwi na si Freen galing sa isang photoshoot. Takipsilim na noon at kulay orange na ang paligid, tanda nang panandaliang pamamaalam ng araw para bigyang daan ang buwan na magbigay liwanag sa gabi.
Tanaw ni Freen ang papalubog na araw habang minamaneho ang kanyang sasakyan. Pinapatugtog niya ang playlist na ginawa ni Becky para sa kanya. Naalala niya ang instagram post ni Becky nung birthday niya nang nakaraang linggo. Naalala rin niya ang eksantong moment na yun– ang mainit na kamay ni Becky na yumakap sa nanlalamig niyang pisngi, at ang malambot na labi ng dalagang lumapat sa kanya. Becky has always been a great kisser. Parang veteran na ‘to kung humalik kahit pa she insists na Freen’s her first kiss.
Biglang tumunog ang kantang biyaya at sumpa kay Freen.
You and I should be more than friends, should be more than friends
Naalala niya ang huling beses na pinakinggan niya to kasama si Becky. Naalala niyang sa saliw ng tugtuging ito, binawi ni Becky ang confession niya kay Freen. Naalala niya ang sinabi ni Nam tungkol sa kaibigan.
Ilang buwan na ring napagtanto ni Freen ang tunay na nararamdaman niya para kay Becky. She loves her. Not as her sister or a friend. She loves her like she wants to be with her 24/7. She loves her that all she needs is a hug from Becky and her worst day instantly becomes the best.
Imbes na sa third exit lalabas si Freen, she took the second exit– the one closer to Becky’s new home. Last week, naconvince niya si Nam na ibigay ang address ni Becky kapalit ng bagong airpods. Nag-iipon pa siya ng lakas ng loob na harapin si Becky pero kagabi, nagtext si Nam sa kanya na siyang nagpabago ng kanyang mga plano.
You didn’t hear this from me pero sabi ni Irin, magde-date si Becky at Non with Bonbon next week.
One thing Freen knows about Becky is that she seldom lets people in. And once she does, it means you're quite special. Not even Nam has met Bonbon like that yet. Nanikip ang lalamunan ni Freen sa binalita ni Nam. It’s like your wife, introducing your kid to their soon-to-be stepfather. And what if Bonbon likes him?
Isang oras ding binaybay ni Freen ang daan patungo kay Becky. Nang makapagpark sa basement, walang anu-ano’y nanakbo si Freen papunta sa elevator. Nang marating ang 6th floor, malalaking yapak ang ginawa ng dalaga na para bang may hinahabol.
6C. Nakatayo na si Freen sa harap ng condo ni Becky. Tatlong minuto siyang nakatayo sa harap ng pinto, muling nag-iipon ng lakas ng loob habang ineensayo ang script sa isip niya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Becky.
“Hi,” si Freen ang unang bumasag sa katahimikan. Bagaman lagi niyang nakikita sa social media si Becky, seeing her again in person is too much for Freen. Parang sasabog ang puso niya.
“What are you doing here?” gulat na tanong ni Becky. “How did you know where I live?”
“Through some people,” sagot naman ni Freen. Ramdam niya ang awkwardness sapart ng kausap at di maiwasang muling mabasag ang puso ni Freen. “I can come back next time if you’re busy.”
“Bakit?”
“Huh?”
“Why are you here? And bakit ka babalik kung busy ako?”
“I– uh–”
“P’Freen, what are you doing here?” seryosong tanong ni Becky sa kausap habang tinitingnan ito sa mata. Ramdam ni Freen sa mga titig nito na hindi siya welcome. Nagdadalawang isip siya kung itutuloy pa ba niya to. Huwag na lang kaya? Pero pano kung magkajowa siya nang hindi man lang nasasabi kay Becky ang nararamdaman nito?
“Freen?”
“I missed you,” sa script na ginawa ni Freen sa isip niya on the way to Becky’s condo, wala roon ang mga salitang binitawan niya sa kausap. Hindi na nga maalala ni Freen kung ano ang laman ng script na hinanda niya. All she knows is she missed the woman in front of her.
“Mahigit isang taon na tayong di nagkikita. I wanted to see you, Bec Hinang hina na ako.”
Becky wasn’t sure what convinced her to invite Freen inside her home. Must be the tears that the older seldom show, she tried to convince herself. She wouldn’t admit though that the moment she saw Freen standing by her door on the security monitor attached to her fridge, she immediately wanted to open it and hug the older.
Pinaupo niya si Freen sa sofa at dinalhan ito ng baso ng tubig na maiinom. Tinabihan niya ang kaibigan at hinagod ang likod nito.
“I’m sorry Becky,” panimula ni Freen. Pinunasan niya ang luhang muling tumulo sa kanyang pisngi at nilunok ang nagbabadyang hikbi. “I am so sorry I hurt you.”
Hindi inaasahan ni Becky ang narinig mula kay Freen. Heck, she didn’t even expect to see Freen tonight.
“What do you mean, Freen?”
“You love me, right?”
Natigilan man, tumango pa rin si Beck, “I did yeah, I loved you.”
“Loved? Not anymore?”
“Freen–”
“Because I do, Becky. I don’t know how and when, basta ang alam ko mahal kita, Becky,” napaluhod si Freen habang hawak ang mga kamay ni Becky. Tila nagsusumamo ang dalaga na mahalin muli siya ng dating katambal.
“Ano na naman ba ‘to Freen,” naluluhang sagot ni Becky, “I just moved on tapos gaganituhin mo na naman ako.”
“Eh di bumalik ka,” sagot ni Freen na akala mo’y madali lang ang kanyang pinapagawa,” balik ka na sa akin Becky.”
“Freen, I was never yours.”
“Then be mine.”
Parehong natahimik ang dalawa at naestatwa sa kanilang posisyon. ‘Di alintana ni Freen ang sakit ng tuhod niya dala nang pagkakaluhod sa carpet ni Becky. Ang mahalaga, hawak niya ang mga kamay ng pinakamamahal, paminsan ay hinahalikan niya ito para lalong maramdaman ng dalaga ang pagmamahal niya.
“Are you sure you love me?” Tumango si Freen sa tanong ni Becky. “Bec, simula nung iniwasan mo ko, parang dahan dahan akong naligaw, parang unti unting nawawala yung kulay ng mundo ko. Minsan akala ko nga ako si Khun Sam,” nakuha pang magbiro ni Freen.
“What changed?”
“Huh?”
“Didn’t you tell me you only see me as your sister?” Muling nagflashback kay Freen ang gabing nireject niya si Becky. She admits that it wasn’t the best decision. But Freen got afraid.
“I was a coward,” she started, “ang bilis ng mga nangyayari. We didn’t even imagine yung success ng gap to be that enormous. Then people started shipping us, expecting us to be together.”
“I just wanna keep being with you, Becky. Pinangunahan ako ng overthinking na paano if we went beyond what we have and eventually ruin it? Iniisip ko pa lang na mawala ka sa tabi ko, nahihirapan na akong makahinga,” niyakap ni Becky si Freen and guided her to sit on the sofa. Minasahe niya rin ang namumulang tuhod ng dalaga.
“Then let’s just keep being friends.”
“Huh?”
“You were right. May chance na kapag sumugal tayo, pareho tayong matalo. Sayang yung friendship na pinundar natin, Freen.”
“That’s not what I meant, Bec,” muling hinigpitan ni Freen ang hawak sa kamay ng dalaga. Nagsusumamo ang mga mata nito, nangungusap, nagmamakaawang maunawaan ng dalaga ang kanyang ibig sabihin.
“Mahal na mahal kita, Becky. Hindi mo na ba ako mahal?” If there’s one thing that Becky hates most in this world, it is lying. She hates being lied to. She hates lying. And telling Freen that she doesn’t love her anymore is the worst lie she could come up to.
Saktan mo rin, sabihin mo hindi na. Ilang taon ka na rin naman niyang sinasaktan, quits lang. Bulong ni Devil Becky.
Ang akin lang naman, matanda ka na. Alam mo na ang tama sa mali. At alam mo rin ang consequences ng pakikinig diyan sa demonyo mo. Sagot ni Angel Becky.
“Becky, hindi mo na ba ako mahal?” tanong muli ni Freen, mula sa pagkakahawak sa kamay ni Becky, inilipat ni Freen ang kanyang mga kamay upang damhin ang pisngi ng dalaga.
“I still do Freen, but, let’s not rush things.”
“This is not rushing, Bec, this is us keeping up with the lost time.”
“Freen, I have Non.” Natigil ang mundo ni Freen. She has Non. Her Becky has Non. Unti unting ibinaba ni Freen ang kamay mula sa pisngi ni Becky.
“Kayo na?”
“Not yet–”
“So malapit na?” lalong pinanghinaan ng loob si Freen. Napayuko sya habang pinagmamasdan ang mga kamay na kanina lang ay nakalapat sa mga pisngi ng pinakamamahal.
“Give me time Freen, let’s not rush whatever this is. Kung bukas, sigurado ka pa rin na mahal mo ako, then pag-usapan natin ulit to.”
Freen slept at Becky’s condo that night. Hindi pumayag si Becky na umuwi si Freen nang ganun ang kalagayan. May isang oras rin ang layo nito sa condo ng dalaga.
“I have some of your clothes here, gusto mo bang magpalit muna?” tanong ni Becky sa dalaga. Tumango si Freen at dumiretso sa banyo para magshower at magbihis. Pag labas niya, suot niya ang night gown na naiwan nung huling sleep over nya kay Becky, more than a year ago.
“San ka pupunta?” muling tinawag ni Becky si Freen nang makitang palabas ng kwarto ang dalaga.
“Sa sofa?” natawa si Becky sa sagot ni Freen, lumapit ito at hinila ang kamay ng kaibigan. “Sleep on my bed, don’t be too dramatic about it.”
Hindi na tumanggi pa si Freen. She’s tired and helpless to argue with Becky. Hindi na nahintay pa ni Freen matapos magshower si Becky at nakatulog na ito.
Nang matapos magshower, Becky saw Freen already cuddled up with one of her stuffed toys. Kinumutan niya ang dalaga nang makita ang goosebumps sa balat nito at hininaan ang aircon. 26 degrees celsius, just how Freen likes it.
She admired Freen while the latter was sleeping, like how Khun Sam used to admire Mon. It takes all the willpower in her to not trace Freen’s nose, all the more her lips.
“I missed you too, Freen. I missed you so much,” she capped off the night with a kiss on her lover’s forehead.
Months passed after Freen confessed to Becky. The morning after she had gone home and thought things through, she sent Becky a text message.
I know there’s Non in the picture, but will you give me a chance too?
While driving home listening to the playlist Becky’s given her, Freen made a realization. She figured she had to show Becky her heart. She had to win her over. At least try, if not successful.
Mantra niya na “you only regret 100% of the chances you didn’t take”. She lost Becky once for not taking that chance, she didn’t want to pass on it again.
Kaya naman sa mga sumunod na buwan, ginawa ni Freen ang lahat para muling mapa-ibig ang dalaga.
On days Becky have schedule, sinusundo niya ang dalaga. Noong una, bigla na lang siyang sumusulpot sa condo ng dalaga para sunduin ito. Madalas din itong may dalang almusal at bulaklak para sa dalaga.
But Becky had to ask Freen to text her ahead. May isang beses kasi na hindi nagsabi si Freen na susunduin niya si Becky. Pagdating niya sa condo ng dalaga, nasundo na ito ni Non.
Freen had to share Becky’s time with Non. May 24 hours lang sa isang araw ni Becky which she had to divide among work, family, rest, Freen and Non. And though Freen wanted the rest of Becky’s day to be spent with her, hindi pwede. Non is still in the picture.
Luckily, the two got paired up again in a new project. They have an upcoming series that is currently in pre-production. Bilang hindi pa ulit nagsisimula ang workshops at table read, Freen suggested to Becky na they spend time together. “Para mas lumakas ang chemistry natin,” she insisted.
Two weeks before her birthday, Becky asked Non to meet up with her. They had lunch that day like they normally would. They also had dinner and dessert afterwards. It seems like a normal date day to everyone who’s seen them but for Non and Becky, they know something big is awaiting by the end of the day.
True enough, when Non dropped Becky to her apartment, Becky broke the news to Non.
“Non,” she started, “you know I love spending time with you, right?” Non smiled. He already knows where this is going.
“I feel happy whenever you’re around,” Becky held his hand, “you make me laugh with your silly jokes, and most importantly, you love me.”
“It’s Freen, isn’t it?”
“Non.”
“I know, Becky,” he smiled, and wiped the tears that suddenly got out of Becky’s eyes. “Akala ko nung una, I had a chance. Especially after ng series nyong dalawa. But months passed and the most intimate thing we’ve done is to hug each other.”
“Alam ko naman na even when Freen wasn’t literally in the picture, she’s always been there. Na kahit pumayag kang manligaw ako, alam kong the moment Freen comes back, you’ll choose her. But I still fought, you know? That’s how much I love you. I fought knowing that even if I haven’t started fighting yet, I already lost.”
“I’m sorry–”
“Don’t be Becky,” he squeezed her hand. “Never apologize for choosing your happiness.”
All Becky can do is cry while hugging Non. He is such a great friend to her, and totoo naman na she really tried making it work with him. She puts effort in their budding relationship but Freen’s gravity is too much. Kahit anong pigil niya sa nararamdaman, si Freen pa rin ang laman ng isipan niya.
Home na Bec. And don’t worry about me, makakamove on din ako! :D Kidding aside, I’m glad you finally chose your happiness. I will always be rooting for you, Becky. I love you no matter what!
Valentine’s week nang niyaya ni Freen si Becky sa beach. She made sure na walang exam si Becky nang linggo na yun. She picked her up as early as 4am and drove for 3 hours to their destination.
“Tulog ka lang muna jan,” sabi ni Freen sa dalaga sa kanyang tabi.
“San ba kasi tayo pupunta, ang aga aga pa,” sagot naman ni Becky na siyang inayos ang upo para maging komportable ang pagtulog.
“Basta, surprise nga eh,” hinayaan ni Freen na pumikit ang dalaga. Kinuha ni Becky ang kaliwang kamay ni Freen at nilagay sa sariling hita. Napangiti si Freen sa ginawa ng kasama ang marahang minasahe ang hita nito para mas mabilis makatulog ito.
Sa tatlong oras na pagmamaneho ni Freen, bilang lang sa daliri ng isang kamay ang dami nang beses na inalis niya ang kamay sa hita ng dalaga.
“Bec,” bulong niya sa dalaga. Marahan niyang tinapik ang pisngi nito at nagnakaw pa ng halik sa ilong ni Becky bago muli gisingin ang dalaga, “Bec gising na, we’re here.”
Mistulang nakakita nang multo si Becky nang imulat ang kanyang mga mata.
“San ‘to?” excited na tanong ng dalaga nang makita ang tanawin sa kanyang harapan.
“Virgin island to, 3 hours away from the city. Kakilala ko yung may-ari, saka di pa masyadong dinadayo ng tourists so wala kang dapat ipag-alala.”
Malaki ang ngiti ni Becky nang bumaba sa sasakyan. Kinuha naman ni Freen ang gamit nila at niyaya si Becky na pumunta sa reception.
“Pwede tayong mag-early check-in Bec, ibaba lang natin tong mga gamit then breakfast tayo tapos we can enjoy na yung activities,” paliwanang ni Freen habang may finifill out na form.
“Anong activities ang meron?” tanong ni Becky sa receptionist. Inabutan siya ng isang flyer bago inisa-isa ang activities na meron sa beach.
“Meron po tayong snorkeling today. May banana boat, jet ski, at kayak din po tayo. So far, ayan pa lang po ang water activities na meron tayo. Sa wellness center naman po, we have a gym, and sauna po. Meron din pong rooms there for massages.”
Tumango si Becky habang binabasa ang flyers. Shortly, the receptionist handed the key card to them and a staff member assisted them to their room.
“Ay wait lang,” tawag ni Freen sa staff nang ibaba nito ang gamit ng dalawang dalaga, “I booked for two separate beds–”
“It’s fine,” putol ni Becky sa sinasabi ni Freen, inabutang niya ng cash ang staff member at hinayaan itong lumabas ng kwarto, “why do you want separated beds?”
“Hindi naman sa ganun,” kamot ni Freen sa batok. Nakataas lang ang kilay ni Becky habang nakatiklop ang kamay sa harapan habang hinihintay ang palusot ni Freen, “baka kasi ayaw mo na tabi tayo eh.”
“Sumama nga ako dito eh, what makes you think na ayaw kitang kasama?” nakatitig lang si Freen sa kanya, anxious na isang galaw lang niya, masira ang weekend getaway nila. “Freen,” she called, “thank you for bringing me here. Let’s make the most out of it, okay?”
They hugged there for a couple of minutes bago nagdecide si Becky na magpalit na ng damit at simulan na ang araw nila.
Becky went to the restroom to change while Freen went to the closet. Naunang lumabas si Freen wearing a black one piece backless swimsuit, with lace cover. Despite being somewhat covered, her curves are still prominent with what she’s wearing.When she bought the swimsuit, iniimagine na agad niya ang magiging reaction ni Becky. She was thinking maybe Becky will be surprised by how sexy her swimsuit is, and will be a little possessive with her.
Pero nagkamali siya nung lumabas ng restroom si Becky. She was wearing a split swimsuit bicolor cross bikini na wala man lang cover up. Kita rin ang navel nito na may panibagong piercing.
“Wow,” was all what Freen could say. Bago sila lumabas, Freen handed Becky the lace cover up she brought for the both of them. “Please, pwede bang isuot mo muna to kasi sobrang hina ko sa temptation Becky,” natawa si Becky sa nakalukot na mukha ni Freen, “isa pa, baka mapaaway ako when I see someone ogling you.”
Luckily for Freen, iilan lang nakacheck in sa resort na iyon. Bukod sa bago, hindi rin kasi season to go to the beach. They went straight to the restaurant para mag-almusal.
Freen has always been thoughtful when it comes to Becky. She makes sure the younger gets her attention all the time. But today, she is extra sweet. Actually, ilang linggo nang napapansin ni Becky na simula nung sinabi niya kay Freen na wala na si Non sa picture, sumobra ang pagiging sweet at malambing nito.
“So, anong itinerary natin today?” tanong ni Becky habang kumakain.
“I figured you might like snorkelling so after breakfast, maglalakad lakad lang tayo saglit, then we’ll go snorkeling,” pahayag ni Freen, “then sunbathing or swimming hanggang gusto mo. Saka na tayo magpa-massage, bago na lang tayo umuwi.”
“Snorkelling lang?” tumaas ang kilay ni Freen sa tanong ng dalaga at bigla itong kinabahan,” I wanna try jet ski and kayaking too!”
Parang nahulog ang puso ni Freen sa narinig. Bagaman inaasahan na niya ito, hindi ready ang puso niyang humindi (at umoo) kay Becky.
“Bec,” marahan niyang tawag sa dalaga, “alam mo namang takot ako sa extreme activities diba?”
“I know, and I’m not asking you naman to come with me, Freen. Ang akin lang, since I’m already here, might as well enjoy as much as I can diba?” Becky smiled at Freen, “don’t worry, I can take care of myself. Diyan ka na lang by the shore and take pictures of me!”
Matapos kumain at maglakad lakad, niyaya na ng bangkero ang dalawa para sa snorkelling activities nila. Almost 15 minutes din ang boat ride from the shore to where the snorkelling area is. Dalawa lang silang sasamahan ng bangkero noon sa request na rin ni Freen.
“Ma’am, pili po kayo jan ng goggles at snorkle na gagamitin. Dapat po ay fit ang piliin niyo para hindi pasukan ng tubig.” After the two geared up, tinuruan sila ni Manong kung anong dapat gawin.
Becky already had experience snorkelling kaya naman madali lang sa kanya nang magturo si Manong. But for Freen, this is the first time she’ll be doing this.
“Freen, just hold my hand, okay?” Becky was trying to make sure Freen is okay. Dahil ramdam pa rin niya ang kaba, nilipat niya ang kamay ni Freen sa sariling balikat, at niyakap ang baywang nito. “Hey, look at me love,” bulong niya, “we can always go back on the boat if hindi mo talaga kaya, but honestly, I think you can do it Freen,” at hinalikan ang noo ng dalaga.
“I will hold your hand, okay? Then if you feel uncomfortable, just squeeze it hard, tutulungan kitang umahon, okay?”
True enough, Freen was able to get into the water and enjoy the view down under. True to Becky’s words too, everytime Freen squeezes her hand, tinutulungan niya itong umahon.
They spent more than 30 minutes watching the fishes under the ocean. They were holding hands. Sometimes, Becky would hug Freen pag-ahon nila just to keep the girl calm and less anxious.
Nang parehong mapagod ang dalawa, they went back to the shore. Freen settled on one of the shaded areas there and laid the blanket she brought with them, habang si Becky naman, approached the reception to ask on how to avail the other activities she wanted to try.
Nakasimangot na bumalik si Becky sa pwesto nila ni Freen tala ang isang tub ng ice cream. Umupo ito sa tabi ng dalaga and heaved a deep sigh.
“What’s wrong, babe?” asked Freen.
“I wanted to try yung jet ski at kayak but hapon pa raw pwede, masyado raw mainit ngayon.” Freen looked at her phone to check the time. True enough, mag 11am na at tirik na tirik na ang init ni haring araw.
“Later na lang Beck, after natin maglunch,” Freen wrapped her arm around Becky and settled on the latter’s waist. Her fingers are tracing an invisible line on Becky’s waist sending goosebumps on her skin.
“What do you want for lunch?” tanong niya sa dalaga, paminsan ay sinusubuan siya ng ice cream nito o di kaya ay sumasandal ang ulo nito sa kanya.
“Anything, di pa naman ako masyadong gutom.”
Nang maubos ang ice cream, Becky lied down for a nap and used Freen’s lap as her pillow. Freen on the other hand was massaging Becky’s scalp as she played with her hair. They spent the rest of the hours there like that bago sila tawagin ng staff for lunch.
Around 3pm nang lumabas ulit sina Becky at Freen from their room. They took a nap together in preparation for the rest of the day.
Kausap ng staff si Becky para iexplain sa dalaga kung paano i-maneuver ang jet ski nang biglang may lumapit na babae sa kanila.
“Hi, I was gonna rent yung jet ski rin kasi but they told me they only have 1 right now. I just want to know how long you will be renting that?”
Nakita ni Freen ang paglapit ng babae kay Becky. She also saw how the girl eyed Becky from head to toe several times and licked her lips while eyeing the girl. Freen immediately stood up and ran to Becky.
“-- Would you mind sharing it na lang? Like 30 mins I can drive then 30 mins, you drive?” suggestion ng dalaga.
“What’s going on?” Freen interrupted the conversation and placed her arm on Becky’s waist.
“Ah mam, gusto rin kasi rentahan nito ni mam yung jet ski. Kaya lang last na sa schedule si mam Becky, bukas na po ulit pwede”
“Eh di bukas na lang siguro kayo magrent miss?”
“Lane, call me Lane,” at inoffer ang kamay nito na sya namang kinuha ni Freen upang makipagkamay. “As much as I want to, last day na kasi namin ngayon. I was suggesting nga na magshare kami ni–?”
“Becky,”
“Becky sa ride. Siya muna magda drive, and then ako.”
Hindi man kita pero kanina pa iniirapan ni Freen sa isip niya si Lane. Halata namang gusto nitong pumorma sa dalaga.
“Pwede bang tatlo sa jet ski?” napatingin lahat sa tanong ni Freen.
“Ay Mam hindi po, hanggang dalawa lang po,” sagot naman ng staff.
“Ay ganun ba? Paano ba yan Lane, hindi pwede ang tatlo.”
“I don’t know what games you’re playing Freen, but I don’t like it,” matigas ang boses ni Becky habang tinutulugan si Freen na isuot ang life vest. Freen was just pouting. She had to tell the staff na sila ni Becky ang sasakay sa jet ski para lang wag makasama ni Becky yung Lane na yun.
“Ayaw mo ba nun? We get to experience this together,” she murmured.
“At the expense of what? Pano kung bigla kang magkapanic attack habang nasa gitna tayo ng dagat?”
“Andiyan ka naman eh,” palusot ulit nito, “di mo naman ako papabayaan eh. Kanina nga sa gitna ng dagat, inaalalayan mo ko.”
“You know how different this is, right?”tumango lang ulit si Freen, “paano ko maeenjoy kung mag-aalala lang ako sa’yo?”
Nalungkot si Freen sa sinabi ng dalaga. She thought she was selfish for not allowing Becky to enjoy the activities here. Tama naman si Becky, hindi niya maeenjoy ang ride kung mag-aalala lang siya kay Freen.
Hinawakan ni Freen ang kamay ni Becky na patuloy na nag-aayos ng life vest niya, “you’re right.” taas kilay na tiningnan ni Becky ang dalaga, unti unti nitong hinuhubad ang life vest na sinuot ni Becky sa kanya.
“What are you doing?!”
“Sorry, I was selfish,” sabi ni Freen nang tuluyang mahubad ang life vest, “ayaw ko lang naman na ispend mo yung time with that woman.”
“Sa tingin mo ba, I would agree to her suggestion?” hindi sumagot si Freen. Becky heaved a deep sigh. She wanted to get mad at the older for not trusting her enough pero valid naman ang nararamdaman ng dalaga. Non just got out of the picture. And it must be unfathomable for Freen to share her again to someone else.
“Take her out of the picture, do you want to ride this with me, or not?”
“I do.”
“Then suotin mo na yan, pagkatapos kong isuot sa’yo, huhubad-hubarin mo.” Becky walked out on Freen and went to the jetski.
Freen put on the life vest herself and once she’s done, she approached Becky and the staff. Si Becky ang magmamaneho ng jetski at si Freen ang aangkas. The staff oriented them on the things they should do.
“Kapit lang kayo kay Mam Becky, Mam Freen, siya na bahala sa inyo.”
When Freen said she enjoys everything she does with Becky, the girl is not lying. Extreme activities are not her cup of tea but somehow, Becky made it fun for her (and bearable).
On the duration of the ride where Becky is driving, Freen hugged the younger so tight as if her life depended on her (it was actually the case, both literally and figuratively). Becky, being the naughty lady she is, keeps on doing tricks while driving the jet ski.
They took turns driving the jetski. Becky was carefully guiding Freen, one hand never leaving the girl’s waist. A little over an hour later, they both got tired and settled by the shore.
“Let’s ride the Kayak later?” asked Becky, “don’t worry, di siya extreme. As in all you need to do is hop on it, kahit ako na magsagwan sa ating dalawa.”
Of course Freen had to say yes. Naexperience na niya how fun these things are with Becky, and right now, all she wants to do is spend every second with the woman she loves– kahit pa ikamatay niya.
The sea is calm by now. Papalubog na ang araw at sakay ng kayak ang dalawa. Hindi na rin sila nagsasagwan, they are just watching the sunset together.
“Bec, balik na tayo sa shore,” bulong ni Freen.
“Why, pagod ka na?”
Umiling ito., “I want to hug you while watching the sunset.”
Sino ba naman si Becky para ipagkait iyon? Dali dali niyang dinala sa pampang ang kayak at pumunta sa pwesto nila kanina. Freen immediately settled down and asked Becky to sit in front of her.
“I like this,” she whispered, “I like hugging you like this.” Becky just hummed in response.
Once the sun had set, the two went back to their hotel to dry up. They took turns showering to Becky’s utter disappointment. Both were wearing sundresses, Freen on a white one, while Becky’s on a peach floral one.
“Let’s go?” Freen offered her arm for Becky to hold. Nagpunta ang dalawa sa shore kung saan nakaset up ang dinner for two na nirequest ni Freen sa management ng hotel.
“Freen,” was all Becky could say nang makita niya ang set-up na hinanda ni Freen. Ilang metro ang layo mula sa tubig, isang tent ang tinayo na magsisilbing pahingahan ng dalawa pagkatapos nilang kumain. Sa harap ng tent ay ang lamesita na naglalaman ng mga pagkain nila para sa gabing iyon. Maliliit na unan rin ang magsisilbing upuan nila para sa gabing iyon. Ang lahat ng iyon ay mas pinaganda ng mga nakapalibot na ilaw.
The two shared the meal together. They talked about anything under the moon that night. How they missed each other after not being in contact for a year, how Becky’s postgraduate studies are going.
They were settled inside the tent stargazing. Luckily for the both of them, the skies are clear looking like an enormous canvas, stars sprawled across it. Suddenly, Honne started playing in the nearby bar, just an earshot to where they were.
Day 1 is playing- a song at the top of the playlist Becky made for Freen. She still remembers the day she started making it. Everytime she hears a song and thinks of Freen, she adds that song to the playlist.
Becky further snuggled towards Freen. They were basically cuddling while sitting down. Freen loved every second of it. She can feel Becky’s heartbeat in sync with hers. She couldn’t help but lay a kiss on the top of Becky’s head, sneaking a sniff on her hair.
Suddenly, the song came on.
You and I, should be more than friends, should be more than friends
Freen recalled a bitter memory. Everytime this song plays, something bad happens to their relationship.
“Freen,” Becky called. Oh fuck me, Freen thought. She was so scared Becky’s gonna turn her down at that very moment. After all, this song only plays when she’s about to get her heart broken.
When Becky heard Day 1 played, she made a bet with the devil and the angel in her head. If they play that song tonight, she will decide on what’s going to be the trajectory of her relationship with Freen.
“Better to break her heart like how she did to yours,” devil Bec whispered.
“What good is it gonna bring?” argued angel Becky, “they love each other, what’s the point of hurting each other?”
“So okay lang na ilang taon siyang sinaktan ni Freen?”
“Why are you so into avenging?” inis na tanong ni angel kay devil, “kung pauli-ulit silang gaganti at sasaktan ang isa’t isa, pareho silang mauubos.”
You and I, should be more than friends, should be more than friends
Pinag isipang maigi ni Becky ang nagtatalong boses sa isip niya. She wanted to finally be happy, with Freen man o hindi. Pinag-isipan niya saktan ang dalaga by turning her down tulad ng suggestion ni devil. Pero historically, hindi maganda ang kinalabasan ng mga suggestion ni devil bec na sinunod niya.
And Angel Becky has a point. Gusto lang niyang sumaya. Mahal siya ni Freen, mahal niya rin ito. Bakit pa nga ba niya pinatatagal?
“Freen,” bakas ang kaba sa mga mata ni Freen paglingon nito kay Becky. Tears are starting to well on her eyes. “Why are you crying?” natatawang tanong ni Becky. Tuluyan na ngang tumulo ang luha ng dalaga at napayuko ito.
“Are you going to turn me down?” bakas ang lungkot at takot sa boses ni Freen, “please ‘wag muna Bec.”
“Freen,” she wiped the tears on the older’s cheek, “stop crying na. And stop mo na rin tong panliligaw mo.”
“Becky, no. I know it doesn’t take two para mangbasted pero Beck, wag mo muna ako iturn down.”
“Freen–”
“Please give me more time Bec, give me more time for me to show you how much I love you–”
Freen was cut off when she felt Becky’s lips on her. She was stunned for three seconds. On the fourth second, Becky moved her lips. Not one to pass on that opportunity (again), Freen started moving her lips as well.
Under the moonlight and the stars, the two shared the most passionate kiss they’ve ever shared yet in their lives. Becky was caressing Freen’s cheek while the latter settled her arms on the younger’s waist.
Freen is starting to get hot. She felt Becky’s tongue trying to invade her mouth so she, with the heaviest heart, pushed Becky.
“What’s wrong?” Becky asked.
“I thought stop na ako manligaw? Why are we…kissing?”
“Girlfriends kiss right?” parang tumigil ang mundo ni Freen nang dalawang segundo.
“Ha?”
“Anong ha?”
“Kala ko ba stop na–”
“Oo nga.”
“Eh bakit–”
“Pag mag girlfriend na ba, nagliligawan pa rin?”
“Ha?” Hindi alam ni Becky kung bakit naguguluhan si Freen. At sa totoo lang, naguguluhan na rin siya dahil naguguluhan si Freen.
“Freen, mahal ko, kung hindi pa malinaw, makinig ka sa akin,” she held Freen’s cheeks once again and pecked her lips, “I love you Freen. I love you so much. And I wouldn’t mind getting old as long as I get to do it with you.”