
DAY 18
1:20 AM
DARNA: alam kong galit pa rin ako sayo
DARNA: pero hindi ko na kasi alam kanino pupunta
DARNA: ikaw lang nasasabihan ko pagdating sa ganto
1:21 AM
REGINA: I'm listening
DARNA: itatrauma dump kita
DARNA: disclaimer lang
DARNA: DISCLAIMER? MEGANON? KSKSKSKSKS
DARNA: ok serioiuous na
1:22 AM
DARNA: ang dami nanamang biktima ni valentina
DARNA: I swear ginawa ko lahat ng makakaya ko. Pero wala eh. Lagi akong huli sa eksena. Palaging too late tapos marami na nasaktan. Tangina nanghihina ako sa tuwing nakikita ko yung mga dugo
DARNA: hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni valentina
DARNA: ako si darna oo pero sa totoo lang, sobrang natatakot pa rin ako sa kanya
1:24 AM
DARNA: Pano kung hindi ko pala siya kaya? Bawat laban namin palakas sya ng palakas. Padami ng padami yung namamatay. Hindi ko maiwasan sisihin sarili ko sa tuwing hindi ko sya mapigilan
DARNA: tanga ba ako kung sabibin ko na may hope sakin na huminto sya isang araw? na maisip nya na hindi naman talaga sya masama?
1:25 AM
DARNA: grabe yung patong patong na problema yung binibigay ng universe sakin, parang ayaw ako gawing masaya
DARNA: nawala si nanay...naging pasanin ko mundo...nakilala kita pero iniwan mo ako tas ngayon may valentina na gustong patayin si darna
1:26 AM
DARNA: minsan iniisip ko kung mas nakatulong ba sakin yung bato
DARNA: gusto ko na lang sumuko
1:30 AM
Regina is typing...
1:31: AM
DARNA: andyan ka pa ba?
DARNA: o iniwan mo ako ulit?
REGINA: gago
DARNA: ay
DARNA: andyan ka pa HAHSHSHSHSH
1:33 AM
REGINA: dont give up
DARNA: sana ganun kadali
DARNA: hay bohai
DARNA: UZT0 CCU N4 M4M4T4Y
1:35 AM
REGINA: there's nothing that darna can't do
REGINA: right?
1:37 AM
DARNA: masyado naman mataas tingin mo kay darna
DARNA: pano kung hindi na pala nya kaya
1:38 AM
REGINA: kayanin mo
DARNA: DI CCU NA NGA KAYA
1:39 AM
REGINA: the stone chose you
REGINA: that means there is something about you that makes the impossible possible
REGINA: valentina is just a snake woman
REGINA: you're my darna
1:40 AM
DARNA: ang harot mo gago
DARNA: AHSBXBZNSNSSHS
Darna is typing...
1:42 AM
REGINA: tagal magtype
1:43 AM
DARNA: TEKA LANG KINILIG AKO SLIGHT EH
REGINA: glad i still have that effect on you :)
DARNA: lul
DARNA: slight lang
DARNA: mga mili seconds lang
1:44 AM
REGINA: okay whatever you say
DARNA: matulog ka na nga
REGINA: goodnight kiss?
DARNA: baket ikikiss jowa ba kita
REGINA: strangers nga nagkikiss magkaibigan pa kaya
DARNA: sino nagsabi na friends tayo
REGINA: ☹☹
DARNA: LUH
DARNA: REGINA SAD GURL
1:45 AM
DARNA: LATER NA MAY NANAKAWAN
1:55 AM
REGINA: you're doing great as darna, dont ever forget that
REGINA: gn